You are on page 1of 9

SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT)

TEORYANG PAMPANITIKAN

 sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,


kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
TEORYA

 pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng


malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
1. REALISMO

 Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at
lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng
pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang
maibibigay ng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang
tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na
bagay ay totoong makasisira rin sa tao.
 Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon
Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno
2. HUMANISMO

 Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa
Maraming bagay
3. SIKOLOHIKAL

 makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO

 Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng


matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO

 Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa


ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa
6. MORALISTIKO

 sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at


kaayusang nakapaloob sa akda
7. MARXISMO

 Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at


mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL

 gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng


masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong
ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda
9. SOSYOLOHIKAL

 mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan


10. BAYOGRAPIKAL

 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may- akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
11. HISTORIKAL

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
 Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na ginagampanan ang
institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may-akda. -ang wika at
panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin.
12. KLASISMO

 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng


estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Grecia bago
isinilang si Kristo.
 Nakasentro sa mga dulang itinatanghal Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinakatanyag na
uri ng dula. Gintong Panahon (80 B.C) nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre sa
pagsulat at pagsusuri (epiko, satiriko, tulang liriko at pastoral)
 Panahon ng Pilak Paglaganap ng prosa at bagong komedya. Talambuhay, liham-gramatika,
pamumuna at panunuring pampanitikan. Paniniwala: kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa
bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
 Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang dakilang
katawan. Pananaw: sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang lundayan ng klasismo.
Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista – “ hindi angkop ang paggamit ng mga salitang
balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.”
13. HUMANISMO

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang- tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Renacimiento o Muling
Pagsilang sa Italya
 Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na
kumikilala sa kultura. Humanismo – ang humuhubog at lumilinang sa tao Tao bilang sukatan ng
lahat ng bagay kung kayat mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
 Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin.
(magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaliw at pagpapahalaga sa
katotohanan)
14. ROMANTISISMO

 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda
na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan. Europa (ikalawang hati ng ikalabinwalong dantaon)
 Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas. Pagtakas mula sa
realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa
mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang ‘di tuwiran, maaring di kapani-
paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may
iba itong kahulugan at kaisipan
 naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.
Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging instrumento ng mga romantiko para matuklasan ang
nakakubling katotohanan/ bumubuo sa pagiging totoo, maganda. Kapangyarihang rebolusyonaryo
at damdamin. Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal, katotohanan,
kabutihan at kagandahan.
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Rebolusyong Industriya: Ika-19 na siglo
 Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang
bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.
PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng
katarungan, prostitusyon, atb.
15. PORMALISTIKO

 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang
siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo
at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
 tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng teoryang
ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan ng mga
salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.
16. SIKO-ANALITIKO

 tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “nasa paghahanapbuhay ang tugon upang
lasapin ang sarap ng buhay.” -nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang
kamalayan sa kahirapan. Bago ipanganak si Kristo
17. EKSISTENSYALISMO

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Huling
bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon
 ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain. Maihahalintulad ito sa dalawang teorya:
romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon;
modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan.
18. ISTRUKTURALISMO

 Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan – ipinalalagay ng
maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan. -’di-
makatao’ Unang dekada ng ika- 20 dantaon
19. DEKONSTRUKSYON

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagtao at mundo. Dekada ’60: ipinakilala ni Jacques Derrida
 Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay di matatag at
nagbabago. Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng
teksto. Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakaslungat na kahulugan o
implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap.
20. FEMINISMO

 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat


ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
 ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang mahina, marupok, tanga,
sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan at masama. Ito ang sistemang
pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.
 maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng
akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong
labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati
Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
21. EKSISTENSYALISMO

 Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan
Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
22. KLASISISMO

 Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan


Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan

Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Buong Daigdig

1. Ang Banal na Kasulatan o Bibliya – Bibliya ng mga Kristiyano na mula sa Palestina at


Gresia at naging batayan ng sangka-Kristiyanuhan at ng pananampalataya. Ang Bibliya
(66 books) ay nahahati sa dalawang bahagi: Lumang Tipan (39 books) at Bagong Tipan
(27 books).
2. Ang Koran o Qu’ran – Pinaka-Bibliya ng mga Muslim at galing sa Arabia.
3. Ang Iliad at Odyssey ni Homer – kinapapalooban ng mitolohiya o palaalamatan ng
Gresia.
4. Ang Mahabharata ng India – pinakamahabang epiko sa buong daigdig na
kinapapalooban ng kasaysayan ng mga Indo at ng kanilang pananampalataya at
pamumuhay.
5. Ang Divina Commedia ni Dante ng Italya – nagtataglay ng ulat hinggil sa
pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahong kinauukulan.
6. Ang El Cid Compeador ng Espanya ni Rodrigo “Ruy” Diaz de Vivar – nagpapahayag
ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang
Pambansa noong unang panahon.
a. El – Spanish article “El” means “The”
b. Cid – dialectal Arab “sidi” (sayyid/english) means “Lord”
c. Compeador – master of military arts
7. Ang Awit ni Rolando - kinapapaboran ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransia na
nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay na
kasaysayan ng mga Pranses.
8. Ang Aklat ng mga Aral ni Confucio ng Tsina – naging batayan ng pananampalataya,
kalinangan at karunungan ng mga Instik.
9. Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto – kinapapalooban ng kulto ni Osiris ng mitolohiya at
teolohiyang Ehipto.
10. Ang Sanlibo’t isang Gabi ng Arabia at Persia – nagsasaad ng mga kaugaliang
pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga Silanganin.
11. Ang Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer ng Inglatera – naglalarawan ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Tumatalakay ang
Canterbury tales sa isang kuwento ng 12 naglalakbay sa relihiyosong paglalakbay simula
Southwark hanggang Canterbury para bisitahin ang dambana ni St. Thomas Becket at ang
Canterbury Cathedral.
12. Ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos - nakatawag ng
pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulating
kaisipang demokrasya.
Panitikan

• Ang salitang panitikan ay nag mula sa unlaping pang- na nagiging pan- kung ang kasunod na
salitang-ugat ay nag-uumpisa sa titik d, l, r, s, at t.

• Ang panitikan ay paglalahad ng mga makukulay na damdaming Pilipino na may kinalaman sa


mga bagay-bagay sa daigdig sa kanilang pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika at pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan.

Paraan ng Pagpapahayag ng Panitikan

1. Pasalaysay - ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.


2. Paglalahad - ito’y isang paraang nagbibigay ng katuturan sa isang konsepto.
Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa
suliranin, nagbibigay dahilan at nagpapayo ng mga kalutasan.
3. Paglalarawan - ito’y isang paraang naglalarawan ng isang tao, bagay o lunan. Ang mga
detalye ng mga katangian o kapintasan na namamalas ay nababanggit dito.
4. Pangangatwiran – naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig
sa opinyon ng nagsasalita o sumusulat ng paraang ito. Malinaw na ang katwiran ay
sinasamahan ng mga pagpapatunay upang lalong mapaniwala sa kaniyang mga kuru-kuro
ang mga bumabasa o nakikinig.

Dalawang Pangunahing Anyo ng Panitikan

1. Tuluyan o Prosa - Ito ay tumutukoy sa mga akdang nakasulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap, at madalas nakasulat sa mga talata. Maluwang na pagsasama-sama ng mga
salita sa loob ng pangungusap.
2. Patula o Panulaan - Ito ay tumutukoy sa mga akdang nakasulat sa anyong patula na
nagpapahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga
dulo ng huling salita nito. Naglalaman ng mga salitang may sukat at tugma.

Uri ng Akdang Tuluyan o Prosa

1. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng


mga bagay-bagay sa daigdig. Hal. Alamat ng Pinya
2. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Hal.
Tsinelas ni Pepe, Ang Munting Gamu-gamo
3. Nobela - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal, Banaag at Sikat ni
Lope K. Santos
4. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panatikan kung saan mga hayop o kaya mga
bagay na walang - buhay ang gumaganap na mga tauhan. Hal. Si leon at daga, Si
Pagong at Matsing, at Si Langgam at Tipaklong
5. Parabula - mga maikling salaysay o pahayag na hango sa Bibliya na maaaring
nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hingil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinalalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Hal. Ang Mabuting Samaritano, Ang Alibughang Anak
6. Maikling kuwento - Isang maiksing salaysay na nababasa sa iisang upuan
lamang na hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
Ang ama ng maikling kuwento sa buong daigdig ay si Edgar Allan Poe
na isang Amerikanong manunulat. Siya ay kilala sa pagsulat ng mga maiikling
istorya, tula, at kritiko. Isa siya sa mga sikat na Amerikano na nagtakang kumita
at mabuhay gamit lamang ang pagsusulat. Ang ilan sa mga kilalang sulatin niya
ay ang “The Rave” at “The Masque of the Red Death.”
Samantala, ang ama ng maiikling kuwentong Tagalog ay si Deogracias A.
Rosario. Siya ay ipinanganak sa Maynila at nagsimulang magsulat ng taong
1917. Ilan sa mga akda niya ay ang Ako’y Mayroong Isang ibon at Manika ni
Tadeo.
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza-Matute, ang
mga alaala ng kahapon ay lilipas ngunit hindi ang mga aral na ikintal nito sa ating
mga puso at isipan.
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual, may mabigat na pagkakasala sa batas
si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan ng bata.
Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute, may mga bagay mula sa
pagkabata na palaging magpapaalala ng masasakit na bahagi sa buhay ng isang
pamilya.
Ang Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute, naunawaan ni
Fe na ang kanyang guro na si Mabuti ay tao rin na kagaya niya — nagmamahal,
nasasaktan, at nagkakasala.
Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan, naintidihan ng ate ni Susie na
hindi perpekto ang buhay pero may mga perpektong sandaligaya ng mga
sandaling nilikha ng kanilang tatay ang pinakamagagarang sapatos para sa
kanyang kapatid.
Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes, tinanggap ng pangunahing tauhan ang
katotohanan na sa kaharian ng akademya, may mga hari at reyna na nagpapatupad
ng kani-kanilang batas.
Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg, nilisan nina Ariel at Cleofe ang
kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang handog ng itinuturing nilang
bagong paraiso.
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario, napatunayan ni Marcos na
may nakalaang kaparusahan ang Poong Maykapal sa anumang sala ng tao.
Tata Selo ni Rogelio Sicat, sinubukan ng magsasakang si Tata Selo na
bawiin ang lahat ng sa kanya sa pamamagitan ng pagpaslang kay Kabesang Tano.

7. Dula - Nahahati ito sa ilang yugto na ang bawat yugto ay maraming tagpo. Ito ay
ginagawa sa ibabaw ng entablado.
Hal. Sa Pula sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo
8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal
na opinyon, saloobin o kuro-kuro ng may-akda. Nauuri ito sa dalawa: maanyo o
pormal kung saan tinatalakay rito ang isang paksang nangangailangan ng
masusing pananaliksik, ginagamitan ng mga salitang pormal at matalinghaga
samantalang ang malaya o di pormal ay may himig nakikipag-usap, madaling
maintindihan dahil gumagamit ang may-akda ng mga simpleng pananalita. Ayon
kay Alejandro G. Abadilla, “ang sanaysay ay salaysay ng isang sanay.” Siya ang
kinikilalang Ama ng Malayang Taludturan na may-akda ng tulang “Ako ang
Daigdig”. Hal. editoryal o pangulong-tudling ng isang pahayagan
9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. Maaaring
pansarili o sa iba.
Hal. Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
10. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
11. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na tauhan na
kumakatawan ng mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
12. Balita – Ito ay naglalaman ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng
bansa.

Uri ng Akdang Patula o panulaan

Tula - Masining na pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at
tugma. Ang sukat ay ang dami o bilang ng mga pantig ng mga salita sa isang taludtod. Ang
tugma naman ay ang pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga huling salita sa
bawat linya sa isang taludtod. Taludtod ang tawag sa bawat linya na bumubuo sa tula
samantalang saknong naman ang tawag sa grupo ng bawat taludtod.

Spoken poetry o spoken word poetry ay isang uri ng pagtula kung saan ang pagbigkas ng
makata ay sinasabayan ng mga instrumentong musikal. Isa ito sa mga nauusong oral art ng mga
kabataan na ginagamitan ng masining na pagpapahayag upang maisiwalat ang kanilang saloobin
sa paraang pasulat o impromptu.

Mga Anyo ng Tula

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.

2. May sukat na walang tugma o Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma

3. Walang sukat na may tugma - mga tulang walang sukat ngunit may tugma

4. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay

siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga kabataan

Apat na Uri ng Tula

Tulang Liriko/Damdamin

Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang
mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

a. Oda- Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang
damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. Tulang nagpaparangal
sa dakilang gawain ng isang tao.

b. Dalit- Ito ay mga awit na pumupuri at nagpaparangal sa Diyos o Maykapal at nagtataglay ng


pilosopiya sa buhay.

c. Soneto- Tulang walang saknong, may palagiang anyo na 14 na taludtod na hinggil sa


damdamin at kaisipan at nagtataglay ng aral sa buhay kadalasang ukol sa pag-ibig.

d. Elehiya- Tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala ng isang yumao. Ito
ay tula na may kaugnayan sa kamatayan. Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa
kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay
tula ni Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
e. Awit- Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kaligayahan, pag-asa, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, at kalungkutan.

2. Tulang Pasalaysay

Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga


taludtod na nagsasaaysay ng isang kuwento.

a. Awit- Tula tungkol sa prinsipe at prinsesa na nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat


taludtod na inaawit ng mabagal sa saliw ng bandurya o gitara. Higit na masigla ito kaysa korido.
May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang
halimbawa nito ay ang “Florante at Laura.”

b. Korido- Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod na binibigkas sa
kumpas ng martsa. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring
isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at
karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”

c. Epiko - Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa


mga kababalaghan at di-kapani-paniwala. Halimbawa nito ang epiko ng mga Ilokano na “Biag ni
Lam-ang.”

d. Balad - Ginagawa noong unang panahon. Ito ay may himig awit sa dahilang ito’y inaawit
habang may nagsasayaw.

e. Balitao - isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalaki.

3. Tulang Patnigan – Tulang nangangailangan ng sagutan na itinatanghal ng mga


nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at
tagisan ng mga talino sa paraang patula.

a. Balagtasan- Pagtatalo ng dalawang panig sa paraang patula. Tagisan ito ng talino sa


pamamagitan ng pagpapalitan ng katwiran ukol sa isang paksang pinagtatalunan. Ito’y sa
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Duplo- Tula na nauso sa panahon ng Kastila. Ito ay debate na patula na kalimitang ginagawa
kapag may pa-siyam. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan. Kinapapalooban ng
mga belyako, belyaka at berdugo. Ito ay pahusayan o paligsahan sa pagbigkas at pangangatwiran
nang patula.

c. Karagatan- Ito ay isinasagawa bilang pang-aliw sa mga naulila. Ginaganap sa ika-30 araw ng
pagkamatay at unang taon ng kamatayan. Isang tula na kadalasang sumusubok sa mga
manliligaw ng babae. Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat
ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

4. Tulang Pandulaan o Pantanghalan - Tulang itinatanghal ng padula na may saliw o himig


ayon sat ema o diwa ng pinapaksa. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula
ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang mga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang
parsa.
“Ang mundo ay isang teatro” – William Shakespeare

Dula - Ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ito
ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.

Ayon kay Aristotle, “ang dula ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay”.

Ayon naman kay Sauco, “ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang
aspekto nito.”

You might also like