You are on page 1of 20

Batayang Kaalaman

sa Teorya sa Pananaliksik
na Akma o Buhat sa Lipunang Pilipino

5. Sikolohiyang
Pilipino
Reference : Ang Batayan
Ng Sikolohiyang Pilipino sa
Kultura at Kasaysayan
Ni Virgilio G. Enriquez
MERON tayong sariling sikolohiya bilang mga
Pilipino!

Sino ang
itinuring na
Ama ng
Sikolohiyang
Pilipino?
Tatlong Anyo ng Sikolohiya
1. Sikolohiya sa Pilipinas
Lahat ng mga pag-aaral, libro (texbook), at
sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga
man o makapilipino.
Halimbawa: Ang aklat na galing sa ibang bansa at inilagay
sa isang silid-aklatan dito sa Pilipinas ay maaring maging
isang bahagi na ng silid- aklatang iyon. Kaya ito ay may
kinalaman sa kabuuang sikolohiya ng ating bansa kasama
na ang mga sariling sikolohiya at ang sikolohiya na nadala
ng dayuhan sa bansang Pilipinas maging ito man ay sa
anong paraan at anyo.
2. Sikolohiyang Pilipino

Sikolohiyang bunga ng
karanasan, kaisipan, at
oryentasyon ng Pilipino,
batay sa kabuuang
paggamit ng kultura at
wikang Pilipino.
Sikolohiya ng mga Pilipino
Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga
konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa
mga Pilipino.

Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t


ibang pangkat etniko kung saan may kanyan-
kanyang nakaugaliang mga kultura kung kaya’t
itong nagkakaiba’t-ibang pangkat etniko ng
Pilipinas ay ang bumubuo sa tinutukoy na
Sikolohiya ng mga Pilipino.
Sa maikling salita :
SIKOLOHIYANG PILIPINO BILANG
KATANGIANG KULTURAL

Ang sikolohiyang Pilipino ay agham ng


pangkalahatang katangiang Pilipino;
“pagkataong Pilipino” bilang paksa ng
Sikolohiya. Sa ganitong paraan, ang
pagkaPilipino ng sikolohiya ay bahagi ng
pagiging malaya ng kulturang Pilipino
Walang panghabang buhay na katangian ang
tao dahil binabago ng panahon at kasaysayan
ang isang lipunan.
MGA BATAYAN NG SIKOLOHIYANG PILIPINO
SA KULTURA AT KASAYSAYAN

1.BATAYAN SA KINAGISNANG SIKOLOHIYA

Ito ay sikolohiyang batay sa


kaugaliang minana, ugali at paniniwala
ng mga grupong etniko sa Pilipinas sa
iba’t ibang aspeto ng buhay ; kabilang
din dito ang literaturang Pilipino,
pasulat man o pasalita
Ang mga Babaylan ang mga unang
sikolohistang Pilipino.

Halimbawa: mga salawikain;


mga kwentong bayan;
mga alamat at epiko.
Kasama na din dito ang mga
paniniwala at pag-uugali
tungkol sa pag aaruga sa bata
2. ANG BATAYAN SA TAO AT SA KANIYANG DIWA
Isinaalang alang na batayan ang tao na may
materyal at imateryal na aspeto, batay sa
kanyang tradisyon.

Namumukod ang
impluwensiya sa batayang
ito ng sikolohiyang rasyonal
na siyang nilinang at
pinaunlad sa Unibersidad
ng Sto. Tomas.
Ang pag uugat ng sikolohiya bilang
disiplinang akademiko ay may mahabang
kasaysayan sa Unibersidad ng San Carlos
na kung saan ang sikolohiyang teoretikal
ay binigyan ng pagpapahalaga ni Goertz.

Ang sistemang ito ng sikolohiya na may


malaking inpluwensiya sa kalagitnaang
Pilipinas ay kilala rin sa taguring sikolohiya
ng “ tanso at pompiyang”.
3. ANG BATAYAN SA PAGBABAGONG ISIP

Maraming mabubuong
kaalamang sikolohikal sa
mga akda na tumatalakay sa
mga paksang makabuluhan
sa Sikolohikal tulad ng “
Hinggil sa katamaran ng mga
Pilipino” ni Rizal.
Mga iba pang Halimbawa:
-Ang Ugat ng Sikilohiya ng Wika sa
Leksikograpiya ni Pedro Serrano Laktaw
--mga poklor na gawa ni Isabelo de los
Reyes
--Pag-ibig sa Klikasan ni del Pilar
--Saloobin tungkol sa Kamatayan ni Del
Pilar
--”El Cristianismo y la Antigua Civilizacion
Tagala’ ni Paterno
4. BATAYAN SA PANAHON NG PAGPAPAHALAGA
SA KILOS AT KAKAYAHAN NG TAO.
Ang pagbibigay pansin sa kaalamang
panglinggwista sa kilos at maging ng
pagsusukat sa talino.
Bukod tangi sa mga unang pormal na
nakadama sa impluwensiya ng sikolohiyang
Amerikano si Agustin Alonzo, ang kauna-
unahang Pilipining nagtapos ng Master sa
Sining ng Sikolohiya sa Unibersidad ng
Pilipinas.
Ang kanyang
tesis ay tungkol
sa Sikolohiya ng
damdamin.

Kapanahunan ni Alonzo si Hartendrop, isa sa mga


unang Amerikanong nagpakita ng interes sa
sikolohiya dito sa atin . Nilayon niyang masukat ang
talino ng mga negrito subalit hindi niya
maisakatuparan ang layuning ito sapagkat ipinadala
siya ni Bewley isang opisyal na Amerikano, sa Isla ng
Cuyo .
5. BATAYAN SA PANAHON SA PAGPAPAHALAGA
SA SULIRANIN NG LIPUNAN

Paghikayat ni Albada Lim , isang


sikolohista, na makialam at tumulong sa
paglutas sa suliranin ng bayan at huwag
makukuntento sa katahimikan ng pagsusuri
ng datos at pag eeksperimento.

Anu anong mga suliraning bayan ang


kinakaharp ng ating bansa sa ngayon?
(Magbigay ng mga halimbawa.)
6. ANG BATAYAN SA WIKA, KULTURA AT
PANANAW NG PILIPINO

Mahalaga Ang wikang Pilipino bilang


batayan sa sikolohiyang Pilipino dahil
karamihan ng pag-aaral sa sikolohiya ay
ginagamitan ng wikang dayuhan; ito ay
maaaring magdulot ng paglayo sa tunay na
resulta.
Ang pinakapundamental na saligan
ng mga batayang ito ay ang
pagpapahalaga sa wika , kultura, at
pananaw ng Pilipino.
Isang napakahalagang
batayan ng Sikolohiyang
Pilipino ang Wikang
Pilipino at ang mga
wikang katutubo sa
Pilipinas
Ang sikolohiyang
Pilipino ay
sikolohiya ng mga
Pilipino.
Ito ay agham na naglalayong
unawain ang kilos, isip, ugali
at kalooban ng isang Pilipino
anuman ang kanyang estado
sa buhay, pangkat na
kinabibilangan at iba pa.
Kaya dapat lang
na ito ay dapat
mailapit sa masa
tulad ng sinabi ng
ilang Pilipinong may
akda.

You might also like