You are on page 1of 16

DIREKTANG SIPI

Direktang Sipi – Ito ay pinakamadaling kombensyon ng


pagsulat ng rebyu sapagkat eksaktong kinupkopya ng
pagsasagawa ng rebyu ang mahahalagang detalye na
nasa orihinal na teksto. Tandaan na maging ma-ingat sa
paggamit ng mga bantas at maling ispeling upang
maiwasan ang akusasyon ng pananabotahe lalo na sa
panahon ngayon na madali ang sistemang copy and paste
dulot ng teknolohiya.

Ebalwasyon sa mga Sanggunian:

1.Kasanayan at pinakadalubhasaan ng may akda sa


larangan ng pag-aaral.
2.Argumento ng mga may akda na sinusuportahan ng
naoobserbahang ebidensya (kwantitatibo at kwalitatibong
pag-aaral)
3.Pagkiling ng may akda batay sa mga kasalungat na
pananaw at mga pag-aaral.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Rebyu ng Literatura

Si Pautassao (2013) ay nagbigay ng sampung pamantayan sa


pagsulat ng rebuy ng literature. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. Tukuyin ang paksa at ang inaasahang magbabasa nito.
2. Manaliksik at patuloy na manaliksik ng mga literature.
3. Magtala habang nagbabasa.
4. Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin.
5. Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtatalakay subalit gawin ito
na higit na malawak na interes.
6. Maging mapanuri at konsistent.
7. Maghanap ng lohikal na istruktura.
8. Isaalang-alang ang feedback o tugon.
9. Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging
obhektibo sa gagawing ito.
10. Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o mga
nakaraang pag-aaral.
Tukuyin ang paksa at ang mga Inaasahang Magbabasa nito.
Ang unang dapat isaalang-alang sa rebyu ng literatura ay ang paksa na tiyak
na malapit sa puso ng mananaliksik. Gaya ng sinabi sa unang bahagi ng aklat
na ito, ay isang paksa ay nararapat na (1) malapit sa iyo; (2) mahalagang
aspeto ng iyong pinagkakadalubhasaan; (3) natutukoy ang mahahalagang isyu
o usapin.
Manaliksik at Patuloy na Manaliksik ng mga Literatura.
Hindi matatapos ang rebyu ng literature sa loob ng isang upuan lamang.
Kailangan ng masusing pag-aaral at pag-iingat. Narito ang ilang mahalagang payo
bilang gabay upang mabigyan ng kabuluhan ang aspetong ito ng rebyu ng
literatura.
1. Subaybayan ang mga sinaliksik na sanligan upang mabalikan ito para sa paulit
ulit na basahin.
2. Gumawa ng tala ng papel ng PDF na hindi madali ang pagtukoy.
3. Tukuyin nang maaga sa proseso ang pamantayan sa pagtanggal ng mga walang
kaugnayan na papel.
4. Sumangguni sa mga nakaraang rebyu hindi lamang sa sangay na nais mong
gawan ng pag-aaral.
5. Maaaring may ibang indibidwal na nakapag-aral sa paksa na nais mong pag-
aralan.
Makabubuti na magtala ng mahahalagang
Magtala habang nagbabasa.
impormasyon sa binasang literaturdetalyadong mailalagay sa
rebyu ang mga nasabing mahahalagang impormasyon.
Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa pagtatala:
a habang isinasagawa ang pagbabasa upang makasiguradong
1. Ang mga naitalang impormasyon ay nangangailangan ng
muling pagsulat (rewriting), muling pagsasaayos (restructuring), at
muling pag iisip (rethinking), upang makuha ang teksto sa maayos
nitong pangangatwiran.
2. Gumamit ng sipi o quotation mark kung kinokopya ng hayag
(verbatim) ang literatura. Makabubuti na ipaliwanag ang sipi gamit
ang sariling wika sa pinal na papel.
3. Maging magingat sa paglalagay ng notasyon ng mga
sanggunian upang maiwasan ang maling pagkilala.
(missattibutions)
4. Maaari ring gumamit ng software para sa paglalagay ng
sanggunian upang makatipid sa oras at panahon.
Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin.
Masasabi na may sapat ka ng sanggunian para sa rebuy matapos
maisagawa ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon habang
nagbabasa. Ito ang tamang pagkakataon upang magdesisyon
kung gagamit ng buong rebuy (full review) o munting rebyu (mini
review). Marami sa mga dyornal sa kasalukuyan ang higit na
pumapabor sa munting rebyu (mini review) na nakatuon ang
pansin sa mga pag-aaral na bago , na may limitasyon sa bilang ng
salita at sipi (citations). Ang ganitong uri ng rebyu ay higit na
nakapupukaw sa atensyon sa mga abalang mambabasa, bagamat
hindi maiiwasan ang nosyon na ito ay pinasimpleng bersyon dahil
na rin sa limitasyon ng papel na gagamitin o espasyo para sa
proceeding. Sa kabilang dako ang buong papel (full review) ay
higit na makabubuti para sa detalyadong pagtalakay sa rebuy
bagamat maaari itong mag-iwan ng pagkabagot sa mga
mambabasa nito dahil na rin sa makapal na papel.
Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay subalit gawin ito na higit na malawak na interes.

Mahalaga ang pokus sa pag-aaral anuman ang uri ng rebyu na


napagpasyahan mong gamitin kaugnay ng iyong pananaliksik.
Karaniwan na nagiging isyu o usapin ng mga mananaliksik ang
pagpapanatili ng pokus lalong higit kung kinasasangkutan ito ng rebyu
ng magkahalong disiplina (interdiscipline) na ang layunin ay lutasin
ang usapin na hindi pa napag-aaralan. Ayon kay Thesaurus.com
(sinipi,2018), ang interdisiplinaryong pananaliksik ay kombinasyon ng
dalawa o higit pang akademikong disiplina o sangay ng pag-aaral.
Maging mapanuri at konsistent. Ang isang mabuting rebyu ay hindi isang
simpleng pangangalap at pagbubuod ng datos, kundi ito ay
pagkakataon para sa isang kritikal na pagtalakay, pagtukoy sa mga
usaping pangmetodo, pagtukoy sa mga isyu na hindi nabigyan ng
solusyon sa pag-aaral. Matapos ang pagbabasa ng literatura, ang
magbabasa ay dapat na magkaroon ng (1) kaalaman sa sangay na
nagging paksa ng rebyu; (2) pangunahing sangay ng pagtatalo; at (3)
mga natatanging katanungan para sa pananaliksik.
Maghanap ng lohikal na istruktura.

Bukod sa matalinong rebyu ng literatura, mahalaga rin sa pananaliksik


ang maayos na istruktura ng paglalahad ng bawat rebyu. Maaaring
gamitin ng mga mag-aaral ang sumusunod na ideya sa pagbuo ng
rebyu:

1. Paggamit ng iskema o balangkas.


2. Magpasya sa istilo ng paglalagay ng sanggunian.

Ang tamang paglalagay ng sanggunian o citation ay isang metodo ng


pagkilala sa indibidwal dahil sa kanilang masining at matalinong gawa
na iyong ginamit upang patatagin ang iyong pananaliksik. Maaari rin
itong gamitin upang malaman ang tiyak na sanggunian at labanan ang
pagnanakaw ng karunungan o plagiarism. Kasama sa citation ang
pangalan ng may-akda, petsa ng paglathala, lokasyon ng kumpanya na
naglathala, pamagat ng dyornal, o ang DOI (Digital Object Identifier).
May iba’t ibang pamamaraan sa paglalagay ng citation para sa
pananaliksik. Karaniwan itong nakabatay sa disiplina ng pag-aaral
na kasangkot.
1. APA
2. MLA
3. Chicago/Turabian

Mahalaga sa mabuting pananaliksik ang


Isaalang-alang ang feedback o tugon.
pagiging bukas ng isipan na ang magandang awtput ay bunga ng
kolaborasyon ng mananaliksik, tagapayo, statistician, grammarian
at taga-rebyu ng papel.
Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging obhektibo sa gagawing ito. May
mga
pagkakataon na ang isang mananaliksik ay magsasama ng sariling
pag-aaral sa gagawing rebyu ng mga literature at pag-aaral. Bilang
isang mananaliksik, inaasahan ang pag-iwas sa mga pagkiling
upang mapanatili ang katatagan at kredibilidad ng isang pag-aaral.
Suriin ang mga
Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o mga nakaraang pag-aaral.
sanggunian batay sa sakop nito at kapanahunan. Ang rebyu ay kailangang sumakop
sa mga sanggunian nailathala sa loob ng nakalipas na limang taon subalit hindi
kailangang isa-isangtabi lamang ang mga luma o landmark cases na may
mahalagang papel na ginampanan sa pananaliksik.

Balangkas Konseptwal
Ayon kay Rigoniel (2015), ang balangkas konseptwal ay kumakatawan
sa buod ng literatura ng pag aaral ng mananaliksik at kung paano nito
ipinaliliwanag ang isang penomena. Sa medaling salita, ang balangkas
konseptwal at tumutukoy sa pag unawa ng mananaliksik sa ugnayan ng
mga baryabol sa kanyang pag-aaral.

Sa aklat nina Remler at Van Ryzin (2015), sinabi na ang modelo ay


artikulasyon ng isang teorya. Kumakatawan ito sa espisipiko at
maliwanag na ideya. Ayon pa rin sa kanila ay modelo ay may malaking
maitutulong sa pagpapahalaga ng isang komplikadong phenomena, at
pagpwersa sa atin na mag-isip nang maliwanag.
Ang bawat paradigma o modelo ay pagpapalarawan ng ugnayan ng bawat baryabol sa
berbal, material, grapiko, at simbolikong termino. Tumutukoy ito sa ugnayan ng bawat
konsepto na nakapaloob sa teorya ng pag-aaral.
Sa karaniwan nitong anyo, ang balangkas teoretikal ay binubuo ng mga paglalahat
(synthesis) ng mga pinagsama-samang teorya at nagsisilbing buto (backbone) ng isang
imbestigasyon o pag-aaral. Ito ay isinalin sa simboliko, modelo, o paradigmang anyo na
kumakatawan sa set ng mga magkakaugnay na ideya o konsepto na binuo na may
pagsasaalang-alang sa mukha ng mga suliranin ng pag-aaral at kung paano ba ito dapat na
tingnan.

Halimbawa ng Balangkas Konseptwal

Baryabol at Ugnayan
Ang modelo na katulad ng Dayagram ng Broken Windows Theory ay binubuo ng mga
sumusunod na komposisyon: baryabol (oblong) at ang mga ugnayan (relationships). Ang
simbolo na (+) ay tumutukoy sa direksyon ng ugnayan.

Ang bawat baryabol sa may kakanyahan na gumalaw sa parehong direksyon: baba at


taas.
Ang ugnayan ng lasa ng pagkain ay kinakatawan ng pana (arrow) mula sa
preparasyon at sangkop tungo sa lasa ng pagkain.
Preparasy
on at
Lasa ng
sangkap
pagkain
ng mga
pagkain
Ang ugnayang dahilan (causal relationship) ay tumutukoy
sa kung paanong ang isang baryabol ay nakaaapekto sa iba
pang baryabol. Ang pagbaba ng bilang ng gumagamit ng
droga ay bunga ng kampanya ni Pangulong Duterte laban
Preparasy
sa illegal ng droga. Preparasy
on at on at
sangkap sangkap
ng mga ng mga
pagkain pagkain
Ugnayan ng Dahilan at Epekto
Ang modelong ito ay karaniwang kinakatawan ng mga
baryabol na makapag-iisa at barbayol na hindi makapag-
iisa. Ginagamitan ito ng simbolong x at y
X Y
“Sanhi” Bunga

Baryabol na
Baryabol na
hindi
makapag-iisa
makapag-iisa
1. Kung paano nagtatrabaho ang alumni ng SSC-R (hindi makapag-iisa) ay
bunga ng kanilang apat na taon na pagsusunog ng kilay sa SSCR (makapag-iisa)
2. Ang pagmamahal sa kumpanya (dependent/hindi makapag-iisa) ay may
kaugnayan sa antas ng kanilang satispaksyon sa trabaho (independent-hindi
makapag-iisa).
3. Ipinatupad ng pamahalaan ang ordinansa sa curfew sa mga kabataan upang
bumaba ang antas ng krimen sa Kamaynilaan.

Sa Applied Research na kung saan mahalaga na matukoy ang ugnayan ng


pamamaraan at resulta ay karaniwang ginagamit ng Sanhi at Bunga. Narito ang
ilang halibawa:

1. Natatakot ang mga kawatan ng gumawa ng krimen(bunga) dahil sa itinutulak


na batas hinggil sa sentensyang kamatayan(sanhi)
2. Ang magandang polisya sa pagdalo(attendance) sa isang kumpanya(sanhi)
ang dahilan sa mataas na antas ng produksyon(bunga) nito
3. Ayon sa pag-aaral, ang mataas na bilang ng kabataang
nagpapakatiwakal(bunga) ay may mga suliraning hindi napag-uusapan sa
tahanan(sanhi).
Systems Model: Input, Proses, Awtput
Karaniwan na ginagamit ang Systems Model sa mga ebalwasyon ng mga
pag-aaral katulad ng mga sumusunod halimbawa:
1. Ebalwasyon sa Serbisyong Ibinibigay ng Restaurant A: Batayan ng
Mungkahing Plano para sa Epektibong Serbisyo sa Customers.
Input: Ebalwasyon sa serbisyong ibinibigay sa customers
Proseso: Pamamahagi ng mga talanungan/panayam/obserbasyon.
Awtput: Mungkahing plano
2. Ang Paggamit ng Tarpaulin at iba Paraphernalia sa Promosyon ng
Paaralan
A: Batayan ng Mungkahing Plano para sa marketing
Input: Ebalwasyon sa tarpaulin at iba pang paraphernalia…
Proseso: Pamamahagi ng talanungan/panayam/obserbasyon.
Awtput: Mungkahing plano para sa marketing
3. Implementasyon ng Batas Pangkalikasan sa Isla ng Boracay: Batayan ng
Mungkahing Polisiya
Input: Pagsusuri sa pangil o ngipin na taglay ng Batas Pangkalikasan.
Proseso: Pamamahagi ng talatanungan; pasgsusuri ng mga dokumento;
Mga Salik Upang Matukoy kung ang Impormasyon ay
Nanggaling sa Pangunahin, Sekondarya, o Tersyaryang Batis

(1) Oras o panahon kung kailan itinala ang pangyayari. Kung


ang isang
artikulo ay isinulat nang malapit sa oras na kung saan ay
pangyayari ay naitala, sinulat ni Dr. Jose Rizal para sa mga
Kababaihan ng Malolos at ang kanyang Huling Paalam ay
maituturing na mga pangunahing batis. Subalit, ang mga
artikulong ito ni Dr. Rizal ay iisa-isahin at hihimay-himayin,
ang resulta nito ay maaaring maituring na mga
sekondaryang batis na nag-ugat sa orihinal na mga akda na
pawang mga pangunahing batis.

You might also like