You are on page 1of 11

MODYUL 2: ARALIN 3

Aktwal na Pagsulat ng Pananaliksik, Presentasyon at/o Publikasyon ng


Pananaliksik

NILALAMAN:

1. Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik

2. Akademikong Publikasyon

Mga Hakbang Tungo sa Proseso ng Pagsulat

 Ang anumang uri ng sulatin/teksto ay binubuo ng simula, gitna at wakas.

 Sa pasimula ng isang sulatin dapat na makahikayat agad ito ng mga mambabasa,


makapukaw ng damdamin at mabuksan ang isipan sa magiging daloy ng binabasa.

 Sa bahaging gitna ng isang sulatin matatagpuan ang pagkakasama-sama, pagkakaugnay-


ugnay ng mga ideya, maayos na balangkas, pagkakauri-uri ng mga ideya at
pagkakahanay ng mga kaisipan upang mas maging malinaw ang kabuuan ng isang
sulatin/tekstong binabasa.

 Samantalang sa wakas na bahagi ng isang sulatin ay ang pagtatapos ng kabuuan nang


naisulat na nag-iiwan ng impresyong maaaring tatatak, titimo sa damdamin at kikintal
sa isipan ng mga mambabasa.

 Ang pagsisimula ng anumang sulatin ay dumaraan sa iba't ibang proseso ng gawaing


pagsulat. Ilan sa mga sumusunod ay mga proseso't pamamaraan sa pagsulat.

Proseso ng Pamamaraan sa Pagsulat

Prewriting

 Sa simula ng pagsulat napakarami ng mga dapat na isaalang-alang, kailangan ng


pagpaplano ng aktibiti sa pagsulat, pangangalap ng impormasyon, pag-iisip ng mga
ideya, estratehiyang gagamitin at pag-oorganisa ng mga materyales na gagamitin sa
unang yugto ng pagsulat.

Pagsulat ng Burador

 Nangangailangan sa yugtong ito ng pag-uulit sa pagsasalin sa bersyong “preliminary”


upang magawang marebays at makita ang mga pinaka-epektibong pamamaraan ng
pagsulat. Kinakailangan dito ang pagpapalawig pa ng mga parirala sa pangungusap.
Pagtuunan ng pansin ang mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at
pagbabalangkas sa pagsusulat.
Revising/Pagrebisa

 Dumaraan ang yugtong ito sa pag-uulit ng pagbasa sa burador upang mapabuti at


mahubog pa ang isinasagawang pagsusulat. Kinakailangang maisaayos ang istraktura ng
nilalaman ng sulatin at maaaring magbawas at magdagdag pa ng mga ideya para
mapahusay ang binubuong dokumento.

 Sa ganitong pamamaraan, mahusay na maisasaayos ang isang sulatin at nahihikayat ang


mga mambabasa na basahin ang isang teksto sapagkat nakikita nila ang kalinawan at
kaunlaran ng nilalaman. Ilan sa mga gabay na isinasagawa sa pagrerebisa ay ang
mga sumusunod:

Pagtuunan ng pansin ang paksa


Paunlarin pa ang mga ideya sa kabuuan ng teksto
Pagtukoy sa mga detalye
Pagkakaayos ng kabuuan ng sulatin
Gamit ng mga salita at magiging daloy ng mga kaisipan sa teksto

Editing

 Ito ang pinakahuling yugto sa pagsulat at pagbuo ng isang dokumento bago maiprodyus
ang pinal na papel. Sa yugtong ito maaari pa ring maiwasto ang ispeling, salita, gramar,
gamit at mga bantas sa dokumento.

May teknik na maaaring isagawa sa editing at pagrerebays:

1. Peer editing - kumuha ng kapareha at ipabasa ang iyong sinulat o draft.


2. Professional editing - pagkunsulta sa mga kilalang propesyunal at may kaalaman sa
ganitong uri ng mga gawain halimbawa ay guro at editor. Sa ganitong larangan
kailangang maging bukas ang isipan ng manunulat sa mga puna, mungkahi at
pagwawastong isasagawa.
3. Suriin pa rin ang mga salitang ginamit at pagkakabaybay ng mga salita.
4. Paggamit ng maliit at malaking titik.

Sa tradisyunal na pamamaraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing pasulat at nagbibigay


ng kaukulang evalwasyon ng guro ang kanilang mga naging produkto. Samantalang sa
kasalukuyan, itinuturing na isang proseso ang pagsulat at hindi produkto. Ang dating
produktong pagdulog sa pagsulat ay napalitan ng prosesong pagdulog sa pagsulat. Ang mga
sumusunod ay mga hakbangin sa proseso ng pagsulat:

1. Panimulang pagsulat
2. Paghahanda ng burador
3. Pagrerebisa
4. Pagwawasto
5. Pagpapalathala
Sa pagbuo ng isang mahusay at makabuluhang dokumento ay dumaraan sa tamang
proseso ngunit may mga katangian itong dapat na taglayin at isaalang alang. Ito ay ang
mga sumusunod:

1. May Kaisahan

 Nagpapakita ng pagkakaroon ng isang pokus ng ideya ang loob sa isang talata.


Nangangailangan dito ng pagtukoy sa nais na mga ideya na idedebelop pa para sa
ikakaayos ng dokumento.

2. Kohirens

 Tumutukoy ito sa pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahaging nasa loob ng talataan. May


pagkakasundo ang paksa at panag-uri sa kabuuan ng talata, organisado ang mga ideya,
epektibo ang mga salitang ginagamit at maayos ang daloy ng mga pangungusap sa
talataan.

3. Empasis

 May sapat at naaangkop ang diin sa bawat bahagi ng sulatin sa pamamagitan ng


pagtukoy sa mga ideya sa talataan.

Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik

 Hindi sa mismong pagsulat nagtatapos ang proseso ng pananaliksik. Kasing-halaga ng


pagbuo ng pananaliksik ang pagbabahagi nito sa pamamagitan ng paglalathala at
presentasyon.

Presentasyon at Publikasyon

 Ito ay dalawang uri ng pagpapahayag ng pananaliksik sa ibang tao. Mahalaga ito upang
maibalik sa mga mamamayan ang sistematikong kaalaman na nakuha mula sa kanila.

Akademikong Publikasyon

 Ito ay tumutukoy sa paglalathala ng buod ng pananaliksik, pinaikling bersiyon, o isang


bahagi nito sa pahayagan o pamahayagang pangkampus, conference proceeding,
monograph, aklat o sa mga refereed research journal. Mahalaga na mailathala ang
pananaliksik sa iba’t ibang paraan ngunit ang pinakabalidong paraan ay mapasama sa
isang refereed research journal.

Peer reviewed (refereed)

 Isang proseso kung saan ang manuskrito ay dumaan sa screening o serye ng ebalwasyon
bago mailimbag sa mga journal.
Eksperto

 Ang mga taong nagsasagawa ng peer review. Sila ang mga taong may pormal na
kakayahan at nakapagtatag na ng kanilang kredibilidad bilang mga mananaliksik at
awtor na mga siyentipikong artikulo sa kanilang larangan o disiplina.

May sistema ng citation index ang mga refereed journal sa buong mundo upang maikategorya sa
iba’t ibang larangan at masukat ang impact factor o impluwensya ng isang research journal sa
iba pang pag-aaral batay sa pagbanggit o pagkilala. Ang ilan sa kilalang citation index ay ang
Science Citation Index (SCI), Social Sciences Citation Index (SSCI) at Arts and
Humanities Citation Index (AHCI), at Thomson Reuters.

Sa Pilipinas, papaunlad pa lamang ang mga peer-reviewed journals na kadalasan ay


matatagpuan sa iba’t ibang akademikong institusyon.

Emerlinda Roman (2007)

 Relatibong mahina pa ang produksiyon ng mga refeered research journal sa mga lokal na
Unibersidad ng Pilipinas dahil sa kakulangan sa institusyonal na pamumuhunan sa mga
kagamitan, laboratoryo, at iba pang uri ng suporta sa mataas na antas ng pananaliksik.

Pigura 1. Proseso ng Paglalathala ng Journal

 Pumili ng angkop na journal para sa iyong pananaliksik


 Basahin ang mga pamantayan ng journal
 Rebisahin ang pananaliksik batay sa pamantayan ng journal
 Ipabasa at iparebyu ang artikulo sa iba at muling rebisahin
 Ipasa sa journal ang pananaliksik at antayin ang feedback

Feedback

 Mahalagang impormasyon na nakukuha sa lupon ng mga eksperto sa pananaliksik.

Newcombe (sa artikulo ni Hewlett, 2002)

 Payo niya kailangang alamin din ang ilang batayang impormasyon tungkol sa journal,
lalong lalo na ang politikal at teoretikal na pagkiling nito.

Presentasyon

 Ito ay pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik sa mga lokal, pambansa, at


pandaigdigang kumperensiya. Mahalagang linangin sa loob at labas ng akademya ang
maunlad na pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga pampublikong gawain
tulad ng panayam, forum, kumperensya, at iba pa, sa pamamagitan nito naisasapraktika
ang “pampublikong ispero” (public sphere) na ideya ni Jurgen Habermas (1989),
isang Alemanyang sosyolohista at pilosopo.
 Ayon sa kanya, mahalagang likhain ang pagpublikong ispero sa loob ng mga edukasyonal
na institusyon upang ipalaganap ang demokratikong proseso ng pagkonsulta sa mga
miyembro ng akademya sa iba’t ibang isyu at larangan ng kaalaman.

Modyul 2 Aralin 4

BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O


MULA SA LIPUNANG PILIPINO

ABEND (2013)

 Ang mga teorya ay binuo upang "magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa, o
makatulong sa pag-unawa sa penomenon at maraming sitwasyon, at naglalayon ding
suriin ang kabuluhan at palawakin ang umiiral na kaalaman.

BATAYANG TEORETIKAL

 Ang estrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng pananaliksik.

Ayon sa isang modyul sa pananaliksik sa University of Southern California (C.2018)

 Ang batayang teoretikal ay binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa


pananaliksik, na pawang karaniwang nabubuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga
teorya at konsepto mula sa umiiral na pananaliksik na naging bahagi ng kaugnay na
literatura at kaugnay na pananaliksik.

TORRACO (1997)

Tatlong Konsiderasyon sa Pagpili ng Teorya Bilang Bahagi ng Batayang Teoretikal

1. Pagiging akma sa pananaliksik

2. Linaw at/o dali (ease) ng aplikasyon sa pananaliksik

3. Bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik


Apat na tiyak na paraan kung paano napatitibay ng batayang teoretikal ang
pananaliksik .

1. Tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang


binabasa;

2. Iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na bahagi


ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga sagot sa
mga tanong ng pananaliksik;

3. Tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang


mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa simpleng
paglalarawan ng phenomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan
at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang
kaugnay na phenomenon, sitwasyon atbp;

4. Nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga
kaisipan at/o teorya na isinasagawa ng mananaliksik. Pokus ng araling ito ang paglinang
sa batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o buhat sa lipunang
Pilipino.

NILALAMAN

1. Mga Diskurso sa Nasyonalismo


2. Marxismo at Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon
3. Teoryang Dependensiya
4. Pagbaklas/Pagbagtas
5. Pantayong Pananaw
6. Sikolohiyang Pilipino
7. Pantawang Pananaw
8. Bakod, Bukod, Buklod

Mga Diskurso Sa Nasyonalismo At Teoryang Dependensiya

Isa sa mga karaniwang lente ng pagsipat sa mga pananaliksik ang mga diskurso ng
nasyonalismo. Halimbawa nito ay ang “Miseducation of the Filipino” ni Renato
Constantino na malayang isinalin ni Martinez sa Filipino bilang “Lisyang Edukasyon
ng mga Pilipino”

CONSTANTINO

 Sinuri ang kasaysayan ng edukasyon sa bansa, sa panahong direktang kolonya pa ang


Pilipinas. Nilinaw niya rin ang Nasyonalismo ay hindi lang isyung kultural, politikal at
ekonomiko. Kailangan itransporma ang sistemang pang-edukasyon ng bansa upang
makapag-ambag ito sa pagpapaunlad ng Pilipinas:
 “Ang edukasyong Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon,
Dapat itong ibatay sa pangangailangan ng adhikain ng bansa.

Kaugnay ng mga diskurso sa nasyonalismo, marami sa mga isinulat ng mga bayani ng bansa ay
maaaring gamitin sa pagbuo batayang teoretikal.

1. Andres Bonifacio – “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” (tula) at “Ang Dapat


Mabatid ng mga Tagalog” sanaysay
2. Emilio Jacinto – “Kartilya ng Katipunan” at “Ningning at Liwanag”
(sanaysay)

Teoryang Dependensiya

 (Teoria de la dependencia) na nagkaugat sa Amerika Latina.

 Ayon sa tagapagtaguyod ng Teoryang Dependensiya, pinagsasamantalahan ng mga


bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa pamamagitan ng
neokolonyalismo sa ekonomiya, malaki rin ang epekto sa sistemang politikal at kultural.

Halimbawa, dahil sa pangingibabaw ng kaisipan na dapat hikayatin ang pagpasok ng dayuhang


puhunan o foreign inevestment dahil na rin sa kakulangan ng magagandang trabaho na may
maayos na kita ng Pilipinas ay higit sa pinagtutuunang pansin ng bansang gaya ng Pilipinas ang
paggamit ng English sa mataas na antas ng edukasyon.

Sa artikulong “Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensya: Isang kritikal na


pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas”

Bakit higit na malaki ang pakinabang ng bansang maunlad sa kapital sa ganitong sisitema?

1. Ang puhunan nila sa Third World ay tumutubo nang malaki.

2. Kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyon ng IMF, World Bank, at maging
malalaking pribadong bangko na nagpautang sa mga bansang Third World.

3. Hindi nila gaanong tinutulungan ang mga bansang Third World na umunlad sa
teknolohiya.

4. Mababa ang halaga, sa pangkalahatan, ng mga hilaw na materyales at semi-


manupaktura ng Third World sa bansang mauunlad
5. Migrasyon ng mga propesyunal mula sa Third World tungong bansang maunlad sa
kapital ay nakakabawas ng pangkalahatang tao na kinakailangan ng una upang maiahon
sa Dependensiya sa konteksto ng Pilipinas.

Marxismo, Feminismo, Mga Tinig Mula Sa Ibaba, Pag-aklas/ Pagbaklas/ Pagbagtas


At Iba Pang Kritikal Na Diskurso Sa Iba't Ibang Isyu

KARL MARX

 Pilosopong Aleman at katuwang sa pananaliksik ni Friedrich Engels.

MARXISMO

 mula kay Karl Marx

 Ginagamit sa larangang panitikan upang suriin ang kalagayan sa lipunan, kaugalian,


motibasyon ng mga tauhan sa kwento o akda. Isang kaisipan o ideya na siyang ginagamit
sa bansang Pilipinas sa larangan ng pananaliksik.

Mga katanungan na naging batayan ng mananaliksik sa paggamit ng marxismo

1. Ano-ano uring panlipunan ang nasa teksto, pelikula at iba pa?


2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula at iba pa?
3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan sa teksto, pelikula at iba
pa?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli?

Sa kontekstong Pilipino, isa sa mabisang adapsyon ng mga ideyang Marxista sa panunuring


pampanitikan ang konseptong Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas ni Tolentino (2009)

1. Pag-aklas – bilang impetus sa panunuring historikal at panlipunan na susing kawing


ang panitikan.

2. Pagbaklas - pagbuwag sa naunang formalistiko at makasentrong-sining na panunuring


pampanitikan.

3. Pagbagtas - mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalang-


alang ng makauring panunuri.

FEMENISMO

 Pokus nito pang-aapi o pagsasamantala naman ng isang partikular na kasarian (babae).

 Ang Feminismo ay maituturing malapit sa Marxismo bilang batayang teoretikal.

 AYON KAY KARL MARX, kinikilala ng Marxismo na imposibleng magkaroon ng


lahatang panig na panlipunang transpormasyon kung walang aktibong partisipasyon ng
kababaihan at imposibleng magkaroon ng mga dakilang panlipunang pagbabago kung
hindi lalahok ang kababaihan.

 Ayon sa sanaysay ni Judy Taguiwalo (2013) “Ang paglaya ng kababaihan ay hindi


lubusang makakamit kung hindi mapapawi ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon laban
sa mga kababaihan sa ating lipunan”

Pantayong Pananaw, Pantawang Pananaw, Teorya Ng Banga, Sikolohiyang


Pilipino At Bakod/Bukod/Buklod

PANTAYONG PANANAW

 Nilinang ni Zeus Salazar (1997). Si Zeus Salazar ay isang multilinggwal na


historyador mula sa Unibersidad ng Pilipinas, binigyang kahalagahan ng diskursong
internal hinggil sa iba't ibang isyu, mula sa kanya ang teoryang pantayong pananaw.

 Ito ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura at iba pa.


 Nararapat na magpokus ang mga Pilipino sa sarili nilang pagtanaw sa kanilang kultura
at kasaysayan.

PANTAWANG PANANAW

 Nilinang ni Rhoderick Nuncio (2010)

 Ito ay nakapokus naman sa katutubong pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga


Pilipino.

TEORYA NG BANGA

 Buod ng mga ideya ni Prospero Covar (1993). Siya ay itinuturing na isa sa


nangungunang tagapagtaguyod ng Filipinolohiya.

 TEORYA NG BANGA - Inihahalintulad niya ang katawan ng isang tao na may labas,
loob at lalim.

1. Labas - Mukha, Dibdib, Sikmura at Tiyan

2. Loob - Isipan, Puso, Atay at Bituka

3. Lalim - Kaluluwa at Budhi


SIKOLOHIYANG PILIPINO

 naglalahad naman ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at/o kamalayan ng mga


Pilipino.

 Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000), ang Sikolohiyang Pilipino ay paraan ng pag-


aaral sa sikolohiya na bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino at
pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip, pagkilos at pagpapakita ng damdaming
Pilipino na sinasabing maaaring may kaibahan sa pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng
damdamin ng iba pang mamamayan.

Bakod/Bukod/Buklod

inihalintulad niya ito sa SM or mall

 Bakod - literal na bakod o hadlang na naghihiwalay sa SM at sa lipunan.

 Bukod - epekto ito ng pagbabakod, na nagbubukod sa mga taong may kakayahang


bumili sa SM o mall.

 Buklod - epekto ng pagbabakod at pagbubukod, kahit na may pagkakaiba ay


nagkakasama at nagkakaisa pa rin ang mga Pilipino

You might also like