You are on page 1of 29

MGA BAHAGI AT

PROSESO NG
PANANALIKSIK
KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs):
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong
kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa:
balangkas konseptwal, balangkas teoretikal,
datos empirikal, atbp.). (F11PT–Ivcd–89); at
2. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang
proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at
etika ng pananaliksik. (F11PU–IVef–91)
Alam mo bang…
Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging
masinop at sistematiko sa buong proseso ng
pagsasagawa ng pananaliksik. Makatutulong sa kaniya
kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay
makabuo na siya ng plano sa tatakbuhin ng buong pag-
aaral tungo sa pagsagot ng tanong sa pananaliksik.
Ang pag-alam ng proseso ng pananaliksik ay
makapagbibigay sa mananaliksik na sapat na
pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng
impormasyong bubuo sa pananaliksik.
Mga Gabay na Tanong:

Ano-ano ang mga katangian ng isang mananaliksik?


Sa paanong paraan nakatutulong sa mananaliksik ang
pagbuo niya ng plano para sa kanyang pananaliksik?
Ano ang mabuting dulot sa mananaliksik sa pag-alam
niya sa proseso ng pananaliksik?
Gawain 1: Palayain ang Pananaw
Panuto:Ipahayag sa loob ng bula ang iyong kaisipan sa mga naidudulot ng suliranin
sa buhay ng isang indibidwal, partikular sa buhay ng isang mag-aaral na tulad mo.
MGA BAHAGI AT
PROSESO NG
PANANALIKSIK
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
Sinisimulan ang anomang pananaliksik sa pagpili at
paglimita ng paksa. Ang nalimitahang paksa ay
isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong
pananaliksik. Pinauunlad ito sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
Kapag masyado pang malawak ang paksang nais
saliksikin, nakatutulong ang pagbabasa tungkol sa
paksa upang makahanap ng espesipikong anggulo at
mapaliit ang saklaw nito.
Makatutulong sa bahaging ito ang pagbabasa ng mga
artikulo mula sa online journals sa Internet o kaya ay
pananaliksik sa mga silid-aklatan.
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang
impormasyon,konsepto, at teoryang maaaring gumabay sa
pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng
datos.
Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik
na isulat ang sumusunod na mga preliminaryong bahagi ng
pananaliksik:
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Paglalahad ng Suliranin, Layunin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral at
 Kahulugan ng mga Termino.
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
 Ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng
pananaliksik. Sa antas na ito, kinakailangang natukoy
na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng
pananaliksik upang malapatan ng tiyak na disenyo.
Sa bahaging ito, inaakda na ng mananaliksik ang
teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta ng
naunang pagbabasa. Pagkatapos ay bubuoin ang
konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuoang
lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging
pagsusuri. Gayondin, bubuo na rin ng paradaym ng
pananaliksik sa prosesong ito.
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng


pananaliksik, itatakda ng mananaliksik ang
disenyo ng pag-aaral at kaukulang
pamamaraan kung paanong matatamo ito.
Gayondin, tutukuyin na ang mga kalahok o
populasyon ng pananaliksik o materyal na
pagmumulan ng datos.
3. Pangangalap ng Datos
 Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng
bagong datos na pagbabatayan ng kalalabasan ng
pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop,
matiyaga, at matapat ang mananaliksik. Pagkatapos
tukuyin ang disenyo at pamamaraan sa nakaraang
bahagi, kailangan nang ihanda ang instrumento o
kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos.
Malalaman mo sa mga susunod na aralin ang pagbuo ng
kasangkapan ng pananaliksik.
Sa bahaging ito, isasagawa na ang pakikipanayam,
sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento
depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral.
4. Pagsusuri ng Datos
 Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa
pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik, ang
lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng
pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na
nakalap. Tandaan na ang sistematikong
presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay
ng panunuri at interpretasyon kung kaya’t
kailangang pag-isipang mabuti ng isang
mananaliksik ang pinakamabisa at angkop na
presentasyon.
4. Pagsusuri ng Datos
 Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at pagtalakay nito,
lalagumin ng mananaliksik ang pangkalahatan at
mahahalagang natuklasan ng pananaliksik mula sa datos
at bumuo ng mga kongklusyon mula rito. Ang
rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa mga
natukoy na kongklusyon ng pag-aaral. Maaari ding maging
rekomendasyon ang mga suhestiyon ng pagpapalawak o
pagpapalalim sa susunod na mananaliksik.
Handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at
Diskusyon sa bahaging ito kasunod ang Lagom,
Kongklusyon, at Rekomendasyon ng pananaliksik.
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
Sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na
maibabahagi ng mananaliksik ang mahahalagang naging
kongklusyon ng pananaliksik. Ito ay maaaring sa
pamamagitan ng paglalathala sa iba’t ibang publikasyon
gaya ng mga refereed journal (online o hindi), libro, at iba
pang uri ng lathalain. Maaari ding ibahagi ito sa mga
plenary o parallel session ng mga pambansa at
pandaigdigang komperensiya batay sa halaga at husay ng
kinalabasan ng pananaliksik. Kung hindi makamit ito sa
isang buong semestre, maaaring mag-organisa ang mga
mag-aaral ng lokal na research forum sa loob ng
paaralan.Hindi pa maituturing na buo ang pananaliksik
hangga’t hindi ito naibabahagi.
MGA BAHAGI AT PROSESO NG
PANANALIKSIK

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
3. Pangangalap ng Datos
4. Pagsusuri ng Datos
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
Kabanata I: Ang Suliranin
at Kaligiran
Ito ang panimulang bahagi ng pananaliksik na
kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay
ng paksa. Dito tinatalakay ang mga sagot sa
tanong na Ano at Bakit, “Ano ba ang tungkol sa
iyong pinag-aaralang paksa? at Bakit kailangan
pa itong pag-aralan?” Ang layunin ng panimula
ay magbigay ng paglalarawan sa tinutukoy na
suliranin ng pananaliksik. Nagpapakilala ito ng
halaga ng akda batay sa konteksto o kaligiran
nito.
RASYONAL
Ito ang nagsisilbing panimula ng pag-aaral. Itinatala rito
ang mga sitwasyong makikita sa lipunan patungo sa
suliraning nais saliksikin. Sa bahaging ito ibinibigay ng
mananaliksik ang paunang paliwanag ukol sa naging
basehan sa pagsasagawa ng nasabing pananaliksik. Hindi
ito kailangang napakahaba at paligoy-ligoy. Gawing tiyak
ang paglalahad upang bigyan ng kaisipan ang mambabasa
hinggil sa iyong pananaliksik. Dito rin matatagpuan ang
mga kadahilanan kung bakit isinasagawa ang isang
pananaliksik. Kadalasang sinasagot ang tanong na “Ano”
at “Bakit”.Ipinapaliwanag dito ang pangkalahatang
paliwanag hinggil sa paksa ng pananaliksik.
RASYONAL
Isinasama na rin ang rebyu ng kaugnay na literatura at pag-
aaral tulad ng mga nabasa, napag-aralan ng mananaliksik na
mga akda, artikulong kaugnay o kapareho sa ilang aspekto ng
kaniyang pag-aaral na nabasa buhat sa mga libro, pahayagan,
magasin, dyornal at iba pang katulad na uri; at sa mga tesis o
disertasyon. Ito’y kadalasang nagsisimula sa mga
pandaigdigang pag-aaral, patungo sa mga pambasang
pananaliksik.
Kinakailangan ang paglalahad ng mga ito upang maipakitang
may malalim na kaalaman ang mananaliksik sa mga kaugnay
sa paksa na nagiging saligan niya sa pagpili nito. Ang salitang
ugat na salig-batay-saligan-batayan o pundasyon kaya’t sa
bawat pananaliksik dapat may pinagbabatayan. Samakatuwid,
mahalaga ang mga literaturang kaugnay sa pag-aaral.
BALANGKAS NG PAG-AARAL
Dito pinapahayag ang mga konsepto o teoryang pinagbatayan
ng pananaliksik. Binibigyang-linaw ang ugnayan ng mga
baryabol. Bagaman ang mga baryabol ay nagpapakita ng
pagkakaugnay-ugnay, hindi nakasisigurong ang
ugnayan/relasyon ng bawat baryabol ay mahalaga kaya
kailangang ang teoretikal na balangkas ay magbibigay ng
matatag na batayan sa proseso ng pag-aaral.
Halimbawa:
Balangkas Konseptuwal Teoretikal na Batayan
➢ Kakayahang Pangwika ➢Teoryang Diskorsal
➢ Kakayahang Kultural ➢ Teorya ng Akto ng Pagsasalita
➢ Edukasyong Interkultural ➢ Teoryang Pampanitikan
➢ Pagsusuring Pampanitikan ➢ Teorya ng pinagmulan ng wika
BALANGKAS NG PAG-AARAL
Pagkatapos mailahad ang mga batayan o saligan ng
pag-aaral, inilalagay sa huling bahagi nito ang
paradaym ng pag-aaral. Ang Paradaym o Paradigma ay
isang representasyong gamit ang
dayagram/ilustrasyon. Ginagamit ng mananaliksik ang
kaniyang mahusay na paghihinuhang ipinakikita sa
tinatawag na input o ang hakbang sa kalutasan ng
anomang suliranin, ang proseso sa pagsasagawa, at
ang awtput o ang kalutasan o kalalabasan.
BALANGKAS NG PAG-AARAL
Sa input ipinapasok ang mga teorya, mga prinsipyo,
mga konseptong ipinasok sa pag-aaral, at mga
gagamitin sa pag-aaral tulad ng talatanungan.
Sa proseso naman ay kung paano gagawin ang
pananaliksik at
Ang awtput ay ang kalalabasan ng pag-aaral o mga
kasagutan sa mga nabuong katanungan.

INPUT PROSESO AWTPUT


PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik ay nagsisimula sa isang
makabuluhang suliranin. At tulad ng lahat ng
karaniwang suliranin, ito ay inilalahad din sa anyo ng
isang tanong. Ngunit isa ring katotohanang hindi lahat
ng suliranin ay karapat-dapat na isailalim sa isang
makabuluhan at masusing pananaliksik. Ang suliranin
sa pananaliksik ay ang paksa na nais mong tugunan,
imbestigahan, o pag-aralan, maaring sa pamaraang
palarawan / deskriptibo (descriptive) o pagtuklas /
eksperimental(experimental). Ito ay ang dahilan kung
bakit ka nagsasagawa ng iyong pananaliksik. Ito ay
karaniwang isang paksa, penomenon, o hamon na
interesado ka. (Gall, M. D., Gall, J. P., & Borg, W. R.
2000: salin).
Mga Katangiang Dapat Isaalang-alang sa Pagpili at Pagpapahayag ng
Isang Suliranin
1.Tiyak (Specific)– Mahalaga na ang tanong sa
pananaliksik ay masasagot ng gagawing pag-aaral.
Bagama’t wala pang kongkretong sagot sa simula ng pag-
aaral, inaasahang masasagot ang suliranin sa gagawing
pag-aaral.
2.Nasusukat (Measurable) – Ang suliraning inilahad sa pag-
aaral ay inaasahang masasagot sa tulong ng mga
instrumento, pagsusulit, at iba pang paraan ng
pangangalap ng mga datos.
3.Natatamo (Achievable) – Masasabing ang isang suliranin
ay masasagot kung ang pag-aaral na gagawin ay
magtatamo ng tuwirang resulta na makakamit sa tulong ng
estadistika at iba pang metodolohiya.
Mga Katangiang Dapat Isaalang-alang sa Pagpili at Pagpapahayag ng
Isang Suliranin
4. Makatotohanan (Relevant) –Makatotohanan ang
isang suliranin kung ito ay maaaring makapagpakita
ng resultang praktikal o makatotohanang kalagayang
panlipunan nang hindi dinadaya o binabago.
5. May Takdang Panahon (Time-bound) – Ang suliraning
nais isailalim sa isang pananaliksik ay napapanahon at
maaaring matapos mapag-aralan sa loob ng itinakdang
panahon ng pananaliksik.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sa paglalahad ng suliranin, inilalahad muna ang pangkalahatang
layunin ng pag-aaral sa deklaratibong paraan. Saka inilalahad ang
tutugunang tiyak na mga tanong.
Halimbawa:
Sa pangkalahatan, layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang
kaugnayan ng blended learning na dulog at kakayahang pangwika
sa pampublikong Senior High School. Nilalayon nitong masagot ang
mga tiyak na tanong na sumusunod:
1. Ano-ano ang mga blended learning na dulog na ginagamit ng mga guro ng SHS?
2. Ano ang antas ng blended learning na dulog na ginagamit?
3. Ano ang kakayahang pangwika ng mga mag-aaral ng SHS batay sa resulta ng
Unang Lagumang Pagsusulit sa Pagbasa at Pagsusuri?
4. Ano ang antas ng kakayang pangwika ng mga mag-aaral?
5. Mayroon bang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalawang antas?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Tinutukoy dito ang magiging bisa o kapakinabangan ng
pananaliksik. Maaari itong ipahayag sa dalawang kaparaanan: (a)
induktibo at (b) deduktibo.
Induktibo - ipinapahayag mula sa partikular patungong
pangkalahatan ang kahalagahan ng pag-aaral. Ibig sabihin, una
munang inilalahad ang kapakinabangan ng pag-aaral sa buhay ng
isang tiyak na indibidwal, pangkat, komunidad, o pamayanan bago
ang pambansa o pandaigdigang kahalagahan nito.
Deduktibo - unang inilalahad ang kapakinabangan ng nakararami
bago ang kapakinabangang matatamo ng isang tiyak na indibidwal,
pangkat, komunidad, o pamayanan.
 Mahalagang pakatandaan na binibigyang tuon ng kahalagahan ng
pag-aaral ang paglutas sa suliranin at pangangailangan, pagtuklas
ng kaalaman, pagpapaunlad sa kalagayan ng iba’t ibang larangan at
pagpapayaman ng instrumento sa pananaliksik at metodolohiya.
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Tinutukoy sa bahagi ng isang pananaliksik kung kailan


at ito ang lawak ng magiging saklaw o sakop ng
isasagawang pag-aaral. Mahalagang mailahad sa
hanggang saan itataguyod ang pag-aaral, gayondin ang
pagpapahayag ng tiyak na bilang ng paksang nakapaloob
sa pananaliksik. Mahalaga ding banggitin sa
pananaliksik ang limitasyon ng isang pag-aaral.
KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Ito ang huling bahagi ng Kabanata I. Mahalaga ang


pagbibigay kahulugan sa mga termino upang mabigyang
linaw at mabilis na munawaan ang isinagawang pag-
aaral. Ang pagbibigay-kahulugan sa mga termino ay
maaaring gawin sa dalawang paraan. Una, ang
pagpapakahulugang konseptuwal na nababatay sa
depinisyong mula sa diksyonaryo. Ikalawa, ang
pagpapakahulugang operasyonal na batay naman sa
katangiang batay sa obserbasyon at kung paano
nagamit sa pag-aaral.

You might also like