You are on page 1of 3

Bahagi ng Pananaliksik

I. Suliranin at Kaligiran nito


Ito ang panimulang bahagi na nagtataglay ng kaalaman tungkol sa kung
ano ang suliranin na maaaring isang katanggap-tanggap na kadahilanan kung
bakit isinasagawa ang pananaliksik. Nagbibigay ito ng kabuuang pananaw at
pagpapaliwanag ukol sa pag-aaral ng paksa at ang kalawakan nito na kung saan
tinatalakay ang mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng pangangailangan
ng pananaliksik.

A. Rasyonal
Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit
napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. Bahagi din ng diskusyon ang
pagtalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa.

B. Layunin

Ang paksa o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay


tinutukoy sa bahaging ito.Binubuo ito ng dalawang uri: PANGKABUUANG
LAYUNIN na kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik; at
TIYAK NA LAYUNIN na kung saan itinuturing na bahagi ng pangkabuuang
layunin at ipinahahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa pananaliksik na
nasusukat, nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan.

C. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang


sa pananaliksik at kung papaano sila makikinabang dito.

D. Batayang Konseptwal

Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng


mananaliksik ayon sa kanyang isinasagawang pag-aaral. Binubuo ito ng
makabuluhang pagpapaliwanag ng paradima na naipakikita sa pamamaraang
ipinakikita nang iskema sa ibaba:

Input Proseso Awtput

E. Batayang Teoretikal
Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung
bakit kinakailangang humanap pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik na
kanya namang susuriin, ipaliliwanag at lalagumin. Dito tinatalakay ang nakaraang
deskripsyon o kasalukuyang teorya na may kahalagahan sa pag-aaral. Isinasaad
ang sanggunian ng mananaliksik kung saan ipinakikita ang kaugnayan ng mga
varyabol sa pag-aaral. Nagsisilbing legal na basehan ito upang ilarawang mabuti
ang proseso ng pag-aaral.

F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung


saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan,
ang mga nakilahok at ang instrumentong ginamit sa pananaliksik. Tinutukoy din
nito ang saklaw ng pag-aaral at ang mga hadlang habang ito ay isinasagawa.

G. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

Ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang paglalahad ng key terms na


ginamit sa pag-aaral. Ang pagbibigay ng kahulugan ay maaaring mailahad na
KONSEPTWAL na kung saan ito ay base sa konsepto o ideya na kadalasang
makikita ang kahulugan sa diksyunaryo o kaya naman ay OPERASYONAL na
kung saan ang konsepto o ideya ay base sa kung papaano nagamit sa pag-aaral.

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Kaugnay na Literatura

Matutunghayan sa bahaging ito ang mga nakalap na referensyang may kaugnayan


sa ginagawang pag-aaral. Maaaring humango sa mga aklat, disertasyon, tesis,
dokumento, artikulo at iba pang sanggunian. Isinusulat muna ang nakuhang pahayag sa
bawat awtor at isinusulat sa katapusan ng pahayag ang apelyido ng awtor at taon ng
pagkalathala o pagkakagawa nito.

Kaugnay na Pag-aaral

Ito ay kinapapalooban ng mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon. Sa


bawat pahayag na kinuha, isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang taon ng
pagkakagawa ng pag-aaral. Kailangang pagbukurin ang mga ideyang hinango mula sa
mga local at dayuhang pag-aaral. Ang mga local na pag-aaral at literatura ay hango sa
mga pag-aaral na ginawa sa loob ng bansa at ang dayuhang pag-aaral ay hango naman sa
mga pag-aaral na gawa sa ibang bansa.

Mga Halimbawa:
Banyaga (mula sa tesis ni Leonora L. Yambao na may pamagat na “mungkahing
Gabay sa Pag-aaral sa Asignaturang Pamamaraan ng Pagtuturo,” 1999)

Ayon kay Ornstein (1990), ang gurong may sapat na karanasan ay may
kakayahang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo gayundin ng akmang
kagamitan sa anumang asignatura upang mabigyan ng iba’t ibang karanasan ang mga
mag-aaral.

Lokal (mula rin sa tesis ni Yambao)

Mula sa pagpapahayag nina J. Dagoon at N. Dagoon (1996), ang pamamaraan ay


siyang pinakamahalaga at ang paksa ang pangalawa. Ang lahat ng guro ay
kinakailangang ihanda ang sarili sa paksa at pamamaraan sapagkat ang pamamaraan ay
ang lantad na pagpapakita ng layunin ng edukasyon.

III. Metodoloji / Pamamaraan


Ang metodoloji ay ang ikatlong bahagi ng isang formal na pananaliksik o tesis.
Saklaw nito ang mga sumusunod: lugar ng pag-aaral, disenyo ng pananaliksik, teknik sa
pamimili ng populasyon o ng mga representante ng populasyon, kalahok sa pag-aaral,
mga instrument sa pananaliksik, kagamitan sa pananaliksik, hakbang sa paglikom ng
datos, statistical tools at presentasyon at pagsusuri ng mga datos.

Ang lugar ng pag-aaral ay ang lugar ng pananaliksik; kailangan itong isalarawan


sa ginagawang pananaliksik. Mahalaga ring tukuyin sa bahaging ito ang disenyo ng iyong
pananaliksik, kung ito ay deskriptibo, historical, eksperimental, atbp. Dapat ding tukuyin
ng mananaliksik ang mga kagamitan sa pananaliksik o pagkalap ng datos para sa pag-
aaral at mga pamamaraan ng pagvalideyt. Sa panahong ito, ang mga istatistikal na paraan
ay dapat mapili upang maibigay ang mga tamang instruksyon sa tagagawa ng programa.
Sa bahagi ring ito ginagawa ang pagpili ng mga magiging kalahok ng pananaliksik.
Maaaring makuha ang mga ito sa probability at non- probability sampling technique,
depende sa pinag-aaralan. Ang pagtukoy sa mga kalahok sa pananaliksik ay
napakahalaga dahil maaari nitong masira ang katotohanan ng pananaliksik.

You might also like