You are on page 1of 4

MGA BAHAGI AT PROSESO NG PANANALIKSIK

Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa proseso ng pagsasagawa


ng pananaliksik.
Makatutulong sa kaniya kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay makabuo na siya ng
plano sa tatakbuhin ng buong pag-aaral tungo sa pagsagot ng tanong sa pananaliksik.

Ang pag-alam ng proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik sapat na pundasyon


at kakayahan sa pagtuklas ng impormasyong bubuo sa pananaliksik.

Narito ang pangkalahatang proseso ng pananaliksik at kahalagahan ng pagsasagawa ng bawat


bahagi.

1)Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


Sinisimulan ang anomang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa. Ang nalimitahang paksa ay
isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong pananaliksik. Sa nakaraang aralin ay nabigyan
ka na ng sapat na kaalaman sa pamimili ng paksa at pagbuo ng tanong sa pananaliksik. Ngunit
bukod sa pamimili ng paksa, pinauunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura at pag-aaral. Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may
malawak nang pagkaunawa sa paksa ang mananaliksik upang maging madali sa kaniya ang mga
susunod na bahagi. Kung minsan, kapag masyado pang malawak ang paksang nais saliksikin,
nakatutulong ang pagbabasa tungkol sa paksa upang makahanap ng ispesipikong anggulo at
mapaliit ang saklaw nito. Gayundin, makapagbibigay ng ideya sa mananaliksik ang pagbabasa ng
mga kaugnay na literatura kung ang pinaplanong paksa ay may kahalintulad na o kaya naman ay
wala pang sapat na batayan o sanggunian.

Makatutulong sa bahaging ito ang pagbabasa ng mga artikulo mula sa online journals sa Internet o
kaya ay pananaliksik sa mga silid-aklatan. Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang
impormasyon, konsepto, at teorya na maaaring gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri
at interpretasyon ng datos.

Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod na mga
preliminaryong bahagi ng pananaliksik: Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin,
Layunin at Kahalagahan ng Pag- aaral, at Rebyu ng Kaugnay na Literatura.

2) Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa antas na ito,
kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng pananaliksik upang malapatan
ng tiyak na disenyo. Sa bahaging ito, inaakda na ng mananaliksik ang teoretikal na gabay ng
pananaliksik na resulta ng naunang pagbabasa. Pagkatapos ay bubuuin ang konseptuwal na
balangkas na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.

Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik, itatakda ng mananaliksik ang disenyo ng pag-
aaral at kaukulang pamamaraan kung paanong matatamo ito. Gayundin, tutukuyin na ang mga
kalahok o populasyon ng pananaliksik.

Sa antas na ito, maaari na ring iakda ang iba pang bahagi ng pananaliksik: Teoretikal na Gabay at
Konseptuwal na Balangkas, Sakop at Delimitasyon ng Pag- aaral, at Daloy ng Pag-aaral.

3) Pangangalap ng Datos
Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng bagong datos na pagbabatayan ng kalalabasan ng
pananaliksik kung kaya't mahalagang maging masinop, matiyaga, at matapat ang mananaliksik.
Pagkatapos tukuyin ang disenyo at pamamaraan sa nakaraang bahagi, kailangan nang ihanda ang
instrumento o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos. Malalaman mo sa mga susunod
na aralin ang pagbuo ng kasangkapan ng pananaliksik.
Sa bahaging ito, isasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento
depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral. Pagkatapos mangalap ng datos mula sa mga
nabanggit na pamamaraan, isasaayos at ihahanda ng mananaliksik ang datos para sa presentasyon at
pagsusuri.

Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at Pamamaraan sa


Pananaliksik.

4) Pagsusuri ng Datos
Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik, ang
lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na
nakalap. Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng
panunuri at interpretasyon kung kaya't kailangang pag-isipang mabuti ng isang mananaliksik ang
pinakamabisa at angkop na presentasyon. Tatalakayin sa mga susunod na aralin ang iba't ibang
paraan ng presentasyon ng datos batay sa disenyo at pamamaraan.

Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at pagtalakay nito, mahalaga rin na lagumin ng mananaliksik ang
pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik mula sa datos at bumuo ng mga
kongklusyon mula rito. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa mga natukoy na
kongklusyon ng pag-aaral. Maaari ding maging rekomendasyon ang mga suhestiyon ng pagpapalawak
o pagpapalalim sa susunod na mananaliksik.

Handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon sa bahaging ito kasunod ang Lagom,
Kongklusyon, at Rekomendasyon ng pananaliksik.

5) Pagbabahagi ng Pananaliksik

Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsulat ng papel-


pananaliksik kaya't madalas na nakaliligtaan o napagwawalang- bahala ito. Gayunpaman, kailangan
bigyang-pansin at paunlarin ang bahaging ito upang maipalaganap ang resulta ng pananaliksik.
Kapag natatapos ang isang semestre sa klase sa pananaliksik o kaya ay nakatapos ng tesis o
disertasyon sa isang programa, kadalasang inilalagak na lamang sa silid-akdabubung inge natatapos
na pananaliksik. Madalas na hindi na ito nababasa o lang liban na lamang kung may susunod na
mananaliksik na magiging interesado rin sa paksa ng pananaliksik. Sa kalakhan ay bansot ang
kultura ng pagbabahagi ng kaalaman sa mga paaralan o unibersidad sa kasalukuyan.

Sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na maibabahagi ng man sa pinakahuling


halagang naging kongklusyon ng polikasyon gato ay manannyi sik pamamagitan ng paglalathala sa
iba't ibang publikasyon gaya ng mga refereed journal (online o hindi), libro, at iba pang uri ng
lathalain. Maaari ding ibahagi ito sa mga plenary o parallel session ng mga pambansa at
pandaigdigang kumperensiya batay sa halaga at husay ng kinalabasan ng pananaliksik. Kung hindi
makamit ito sa isang buong semestre, maaaring mag-organisa ang mga mag-aaral ng lokal na research
forum sa loob ng kanilang paaralan. Hindi pa maituturing na buo ang pananaliksik hangga't hindi ito
naibabahagi.

Narito ang isang dayagram na nagpapakita ng kabuuang proseso ng pananaliksik.

Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


-Pamimili at paglilimita ng paksa
-Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
-Pagbuo ng mga haypotesis
-Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

Pagdidisenyo ng Pananaliksik
-Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
-Pagbuo ng paradaym, konseptuwal at teoretikal na balangkas
-Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
-Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos

Pangangalap ng Datos
-Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na paggamit dito
-Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
-Pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon

Pagsusuri ng Datos
-Presentasyon ng datos
-Pagsusuri at interpretasyon ng datos
-Paggamit ng mga paraang istatistikal sa interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik at
pagbuo ng mga tema o kategorya sa kwalitatibong pananaliksik
-Pagbuo ng lagom, konklusyon at mga rekomendasyon

Pagbabahagi ng Pananaliksik
-Pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik
-Rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebyu ng journal
-Presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi

Ang mga bahagi ng papel-pananaliksik na natukoy mula sa bawat antas ng proseso ay ang mga
sumusunod:

Kabanata I. Ang Suliranin at Sanligan Nito

A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral


B. Paglalahad ng Suliranin
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
E. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas
F. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
G. Daloy ng Pag-aaral

Kabanata II. Metodolohiya at Pamamaraan

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
D. Paraan sa Paglikom ng Datos
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Kababata III. Resulta at Diskusyon

Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Kung kalaunan ay rerebisahin ang isang buong pananaliksik upang ilathala bilangartikulo sa isang
journal, kadalasang nahahati lamang ito sa apat na mahahalagang bahagi.

1. Ang una ay Rasyonal at Kaligiran ng Paksa na nagsisilbing introduksiyon, nagpapakilalang


halaga ng akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay na rin ng mga layuninng
pananaliksik.

2. Sinusundan ito ng Metodolohiya kung saan ipinaliliwanag ang disenyoat pamaaraan ng


pananaliksik at ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos.Inilalarawan din dito ang
populasyon at lokal ng pananaliksik.
3. Ang ikatlong bahagi ayang Resulta at Diskusyon na naglalaman ng mga tampok na bahagi ng
presentasyonat pagsusuri ng datos.

4. Ang huling bahagi ay mga Kongklusyon at Rekomendasyon ngpananaliksik.

Ibinabatay ang haba nito sa format na hinihingi ng partikular na journal. Magkakaroon ng malalim na
pagtalakay sa publikasyon sa pinakahuling aralin.

You might also like