You are on page 1of 5

HOLY NAME UNIVERSITY

CITY of TAGBILARAN
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Antas ng Senior High School
T.A. 2020-2021

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Ika-11 linggo (Abril 5-9, 2021) Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Sa katapusan ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

a. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik;


a. Natutukoy ang mahahalagang nilalaman ng bawat bahagi ng pananaliksik; at
b. Nakagagawa ng pamagat sa gagawing pananaliksik batay sa paksang pinili.

MGA TALA NG KONSEPTO


Panuto: Basahin at unawain ang ilang mga mahahalagang aralin na pag-aaralan ninyo sa linggong
ito. Paalala ang mga nakasulat ng PAHILIG, ay siyang pagpapaliwanag sa aralin.

Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong proseso ng


pagsasagawa ng pananaliksik. Makatutulong sa kaniya kung sa unang bahagi pa lamang ng
pananaliksik ay makabuo na siya ng plano sa tatakbuhin ng buong pag-aaral tungo sa pagsagot ng
tanong sa pananaliksik.
Ang pag-alam ng proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat na
pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng impormasyong bubuo sa pananaliksik. Narito ang
pangkalahatang proseso ng pananaliksik at kahalagahan ng pagsasagawa ng bawat bahagi.

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


Sinisimulan ang anomang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa. Ang
nilimitahang paksa ay isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong
pananaliksik. Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may
malawak nang pagkaunawa sa paksa ang mananaliksik upang maging madali sa
kaniya ang mga susunod na bahagi. Nakatutulong ang pagbabasa tungkol sa paksa
upang makahanap ng ispesipikong anggulo at mapaliit ang saklaw nito.
Makapagbibigay ng ideya sa mananaliksik ang pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura kung ang pinaplanong paksa ay may kahalintulad na o kaya naman ay wala
pang sapat na batayan o sanggunian.
Makatutulong sa bahaging ito ang pagbabasa ng mga artikulo mula sa online
journals sa Internet o kaya ay pananaliksik sa mga silid-aklatan. Mahalagang rin ang
masinop na pagtatala ng makabuluhang impormasyon, konsepto, at teorya na maaaring
gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng datos.
Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod na mga
preliminaryong bahagi ng pananaliksik: Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin, Layunin at
Kahalagahan ng Pag-aaral, at Rebyu ng Kaugnay na Literatura.
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik.
Sa antas na ito, kinakailangag natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng
pananaliksik upang malapatan ng tiyak na disenyo. Sa bahaging ito, inaakda na ng
mananaliksik ang teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta ng naunang
pagbabasa. Pagkatapos ay buuin ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng
kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik, itatakda ng
mananaliksik ang disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan kung paanong
matatamo ito. Gayundin, tutukuyin na ang mga kalahok o populasyon ng pananaliksik.
Sa antas na ito, maaari na ring iakda ang ibapang bahagi ng pananaliksik: Teoretikal na Gabay at Konseptuwal
na Balangkas, Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral, at Daloy ng Pag-aaral.

3. Pangangalap ng Datos
Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng bagong datos, na pagbabatayan
ng kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga,
at matapat ang mananaliksik. Pagkatapos tukuyin ang disenyo at pamamaraan sa
nakaraang bahagi, kailangan nang ihanda ang instrument o kasangkapang gagamitin
upang mangalap ng datos.
Sa bahaging ito, isasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o
pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral.
Pagkatapos mangalap ng datos mula sa mga nabanggit na pamamaraan, isasaayos at
ihahanda ng mananaliksik ang datos para sa presentasyon at pagsusuri.
Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at Pamamaraan sa Pananaliksik.

4. Pagsusuri ng Datos
Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
mananaliksik, ang lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos na nakalap. Tandaan na ang sistematikong
presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng panunuri at interpretasyon kung
kaya’t kailangang pag-isipang Mabuti ng isang mananaliksik ang pinakamabisa at
angkop na presentasyon.
Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at pagtalakay nito, mahalaga rin na lagumin
ng mananaliksik ang pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik
mula sa datos at bumuo ng mga kongklusyon mula rito. Ang rekomendasyon ng
pananaliksik ay binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon ng pag-aaral.
Handan na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon sa bahaging ito kasunod ang Lagom,
kongklusyon, at Rekomendasyon ng pananaliksik.

5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsulat
ng papel-pananaliksik kaya’t madalas na nakaliligtaan o napagwawalangbahala ito.
Gayunpaman, kailangan bigyang-pansin at paunlarin ang bahaging ito upang
maipalaganap ang resulta ng pananaliksik. Kapag natatapos ang isang semester sa
klase sa pananaliksik o kaya ay nakatapos ng tesis o disertasyon sa isang programa,
kadalasang inilalagak na lamang sa silid-aklatan ang mga natatapos na pananaliksik.
Sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na maibabahagi ng mananaliksik ang mahalagang naging
kongklusyon ng pananaliksik. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paglalathala sa iba’t ibang publikasyon gaya ng mga
refereed journal (online o hindi), libro, at iba pang uri ng lathalain. Maaari ding ibahagi ito sa mga plenary o parallel
session ng mga Pambansa at pandaigdigang kumperensiya batay sa halaga at husay ng kinalabasan ng pananaliksik.
Kung hindi makamit ito sa isang buong semester, maaaring mag-organisa ang mga mag-aaral ng local na research forum
sa loob ng kanilang paaralan. Hindi pa maituturing na buo ang pananaliksik hangga’t hindi ito naibabahagi.

Narito ang isang dayagram na nagpapakita ng kabuuang proseso ng pananaliksik.

Pagpapaunlad Pagdidisenyo Pagbabahagi


Pangangalap Pagsusuri
ng Paksa ng ng ng
ng Datos ng Datos
Pananaliksik Pananaliksik Pananaliksik

- Pamimili at paglilimita ng paksa


- Pagbuo ng tanong ng pananaliksik - Pamimili ng journal
- Pagbuo ng mga haypotesis - Pagbuo ng kasangkapan ng gagamitin sa kung saan ilalathala
- Pagbabasa ng mga kaugnay na pangangalap ng datos at aktwal na ang pananaliksik
literature at pag-aaral paggamit dito - Rebisyon ng format at
- Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok nilalaman batay sa
ng pananaliksik rebuy ng journal
- Pagsasaayos ng mga datos para sa - Presentasyon sa mga
presentasyon kumperensya o iba
pang paraan ng
- Pamimili ng disenyo at pagbabahagi
pamamaraan ng pananaliksik
- Pagbuo ng paradaym, konseptuwal
at teoretikal na balangkas - Presentasyon ng datos
- Pagpaplano ng mga proseso ng - Pagsusuri at interpretasyon ng datos
pananaliksik - Paggamit ng mga paraang istatistikal sa
- Pagtukoy sa populasyon ng interpretasyon ng datos sa
pananaliksik o materyales na kwantitatibong pananaliksik at pagbuo
pagmumulan ng datos. ng mga tema o kategorya sa
kwalitatibong pananaliksik
- Pagbuo ng
Ang mga bahagi ng papel-pananaliksik nalagom, konklusyon
natukoy mula atsamga
bawat antas ng proseso ay
rekomendasyon
ang mga sumusunod:
Kabanata I. Ang suliranin at Sanligan Nito
A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Layunin at kahalagahan ng Pag-aaral
D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
E. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas
F. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
G. Daloy ng Pag-aaral
Kabanata II. Metodolohiya at Pamamaraan
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
D. Paraan sa Paglikom ng Datos
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Kabanata III. Resulta at Diskusyon
Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Kung kalaunan ay rerebisahin ang isang buong pananaliksik upang ilathala bilang artikulo sa
isang journal, kadalasang nahahati lamang ito sa apat na mahahalagang bahagi.
Ang una, ay Rasyonal at Kaligiran ng Paksa na nagsisilbing introduksiyon, nagpapakilala ng
halaga ng akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay na rin ng mga layunin ng
pananaliksi.
Sinusundan ito ng Metodolohiya kung saan ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng
pananaliksik at ang instrumenting ginamit sa pangangalap ng datos. Inilalarawan din ditto ang
populasyon at local ng pananaliksik.
Ikatlong bahagi ay ang Resulta at Diskusyon na naglalaman ng mga tampok na bahagi ng
presentasyon at pagsusuri ng datos.
Ang huling bahagi ay mga Kongklusyon at Rekomendasyon ng pananaliksik. Ibinabatay ang
haba sa format na hinihingi ng particular na journal. Magkakaroon ng malalim na pagtalakay sa
publikasyon sa pinakahuling aralin.

Paalala: Para sa inyong gawain sa linggong ito ay buksan ang inyong


GOOGLE CLASSROOM at hanapin ang inyong pangalan sa mga grupong
naitala na matatagpuan sa inyong classwork Gawain 9 dahil sa puntong
ito kayo ay gagawa na ng pamagat para sa inyong gagawing pananaliksik.

Sanggunian:
De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store, Inc.

You might also like