You are on page 1of 4

Reaksyon

Aralin 11
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


Ang pananaliksik ay nagsisimula sa pagpili ng iyong nais na paksa upang magkaroon rin ng
gabay sa pagbuo o pagkagawa ng iyong sasaliksikin. Isang detalyadong plano na ginagamit
ng mga mag-aaral bilang gabay sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng
lohikal at sistematikong pagdulog ng mga mag-aaral upang maisagawa ang kanyang
pananaliksik. Para sa akin ito ay sanggunian, lawak ng paksa, ambag na kaalaman,
siyentipikong pamamaraan at pagbabasa ng kaugnay na literatura. Tunay nga na
nakakatulong ang bahagi na ito dahil dito nagsisimula ang pagsaliksik sa isang isyu.

Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Ito ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin
ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Naglalayon
itong galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam
Nakasulat dito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos
Ito ay eksakto o tiyak ang pagtag gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey.
Napakaimportante nito dahil dito inilalahad ang kasangkapan upang maisagawa ang
isasaliksik.

Pangangalap ng Datos
Ito ang pinakaimportante na bahagi ng pananaliksik dahil dito nakukuha o nanggaling ang
mga datos na ginamit sa pamamagitan ng mga diksonaryo, akademikong libro, balita, at
marami pang-iba. Walang salaysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiya,
nilalaman, diwa, bigat at katatagan. Ang isang mahusay na mananaliksik ay nakabatay sa
ilalatag na mga datos. Kapag nakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na
maaaring pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik.

Pagsusuri ng Datos
Bilang basehan ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos mula sa
mga naunang pag-aaral na isinagawa na. Sa sangguni rin ang mga mananaliksik sa mga aklat
at iba pang referens. Gagamitin rin ng mga mananaliksik ang resulta ng sarbey na isinagawa
mula sa ginawang questionnaire na pinasagutan sa mga piling respondente kung saan
maayos, maingat na inalisa at binigyan interpretasyon na makakatulong bilang suporta sa
pananaliksik na ito.

Pagbabahagi ng Pananaliksik
Ito na ang pinakahuling bahagi ng pananaliksik kung saan dito naipapakita ang kabuoan ng
naisaliksik na paksa. Sa ibang salita ito na yung produkto na naubuo at maibabahagi ito sa
pamamagitan ng paggawa ng hard copy o gawing libro at ang isa ay isalaysay sa ibang tao.
Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
Ito ay tumutukoy sa parte kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa paksa at kung ano
ang mga salik kung bakit pinili ng manunulat ang paksa. Sinasagot dito ang mga
tanong ukol sa mga kadahilanan kung bakit pag-aaralan ang paksa at iba’t ibang
aspeto tungkol sa kabuuan ng papel.

Metodolohiya
Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa pag-
aaral sa kahit ano mang paksa iyan.”Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik,
pamamaran ng pagpili ng mga respondente, instru mento ng pananaliksik, pamamaraan ng
pagkalap ng datos at estadistikang pananaliksik.

Resulta at Diskusyon
Ito ang pinakagusto kong parte nang pananaliksik dahil dito na makikita ang kinalabasan ng
iyong sinaliksik. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay maglalahad ng mga nagging resulta o
kinalabasan ng isinasagawang pag-aaral mula sa naging kabuuang proseso ng pagkalap ng
datos at impormasyon. maipakikita ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa mga
posibleng epekto ng suliranin at sa huling bahagi ay magpapakita ng antas ng kamalayan ukol
sa mga solusyon o paraan sa pagsugpo sa suliranin.

Kongklusyon At Rekomendasyon
Masasagot na lahat ng katanungan dito na nasa kung saan nasa naipahayag na mga problema.
Napapaisip ako dahil dapat ang mga rekomendasyon ko ay makakatulong upang mabigyan ng
sagot ang suluraning naipahayag sa paksa na naisaliksik.
MGA BAHAGI AT PROSESO NG PANANALIKSIK

- Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong


proseso ng pagsasagawa ng pananaliksik. Ang pag-alam ng proseso ay
makapagbibigay ng mananaliksik ng sapat na pundasyon ay kakayahan sa pagtuklas
ng impormasyong nabuo sa pananaliksik.

Mga Proseso ng Pananaliksik at Kahalagahan ng Pagsasagawa nito:


1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
- Sinisimilan ang ano mang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa. Ang
nalimitahang paksa ay isaisalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong
pananaliksik.
Reaksyon: Mahalaga rito ang imbak na kaalaman na makakatulong sa pag-intindi sa
iyong tatalakaying paksa. Malaking tulong na mayroon kanang ideya sa iyong
sasaliksikin ng sa gayon mas maunawaan ang mga susunod na bahagi. Isang paraan
ang pagbabasa upang mapalawig ang iyong bokabularyo tungkol sa espisipikong
paksa.

2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
- Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik.
Sa bahaging ito inaakda na ng mananaliksik ang koretikal na gabay ay konseptual
na balangkas, sakop at delimitasyon ng pag-aaral, at daloy ng pag-aaral.
Reasyon: Sa bahagdang ito kailangang nailapat na ang suliraning nakapaloob sa paksa
upang matukoy kung anong disenyo ng pag-aaral at paraan ng pag-aaral ang
gumagamit, nang malaman rin kung sino ang mga kasangkot /sakop ng pananaliksik.

3. Pangangalap ng Datos
- Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng bagong datos napagbabatayan ng
kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga,
at matapatang ang pananaliksik.
Reaksyon: Dito sa aralin na ito magtutuon ng katiyakan sapagkat kailangan ng oras at
aksyon upang makakalap ng detalye at impormasyon mula sa mga taong kasangkop sa
sasaliksikin. Dito rin papasok ang sekondaryang source ng datos sa pamamagitan ng
mga nailahad na teorya ng mga dalubhasa o kung kaya’t ideyang mula sa mga
modernong teknolohiya ngunit hindi lang basta gumagamit ang mga ito kailangang
pauyanyakan ang totoong may-ari.

4. Pagsusuri ng Datos
- Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
mananaliksik, ang lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos na nakalap.
Reaksyon: sa bahaging ito makakabuo ng sariling pananaw ang mananaliksik at
makakabuod ng ideya mula sa datos na sinasaliksik. Konklusyon sa suliranin ng
pinag-aaralan at makapagbabahagi ng mga rekomendasyon na maaring makapag-
bigay solusyon sa suliraning sinasaliksik.
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
- Ang huling bahaging proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsulat ng
papel-pananaliksik kaya’t madalas na nakaliligtaan o na pagwawalang bahala ito.
Reasyon: Sa bahaging ito kailngang magkaroon ng lakas ng loob upang maibahagi
ang nahinuha mga kaalamang natukoy upang makamtan ang kabuoan ng
pananaliksik.

You might also like