You are on page 1of 17

PANANALIKSIK

Ang pananaliksik o imbestigasyon ay ang "sistematikong pagsusuri


o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa.

Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga


impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol
sa isang paksa o isyu.

Layunin ng mga mananaliksik na tukuyin kung de-kalidad ba ang


isang instrumento, mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba ang 
eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya.
Ang pananaliksik ay karaniwang binubuo ng
5-6 na kabanata:

I. Suliranin at Kapaligiran Nito


II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
IV. Presentasyon at Interpretaston
V. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
VI. Mga Panghuling Pahina
Mga Pahinang Preliminari o Front
Matters
1. Fly Leaf - ang pinakaunang pahina
2. Pamagating Pahina - ang tawag sa
pahinang nagpapakilala sa pamagat ng
pananaliksik. Nakasaad din dito kung kanino
iniharap o ipinasa ang papel.
3. Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy
dito ang mga indibidwal, pangkat, at
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat
ng pananaliksik.
4. Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang
pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pananaliksik at nakatala ang kaukulang bilang ng
pahina kung saan matagpuan ang bawat isa.
5.Talaan ng mga Talahayanan at Graph -
nakatala ang pamagat ng bawat talahayanan o
graf at ang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
7. Fly Leaf 2 - ay isang blangkong pahina
bago ang katawan ng pamanahong-papel.
Kabanata I. Ang Suliranin at
Kaligirang Pangkasaysayan
Introduksyon o Panimula - ay isang
maikling talataang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng
pananaliksik.
Kaligirang Pangkasaysayan - sa
bahaging ito tinatalakay ang naging basehan
ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-
aaral. Inilalahad ang kasaysayan ng
pangunahing ideya na napili.
Paglalahad ng Suliranin- dito
isinisiwalat ang mga suliraning target na
masolusyunan. Dito babanggitin ang mga
suliranin sa anyong patanong.
Paglalahad ng Layunin - inilalahad ang
pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral - inilalahad
ang kalahagahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik sa lipunang kasangkot at sa iba
pang bahagi gaya ng magulang, paaralan,
edukasyon at pamahalaan.
Balangkas Teoretikal - sa bahaging ito
ilalahad ang teoryang pagbabatayan ng pag-
aaral. Sa teoryang gagamitin iaangkla ang
sariling pagtingin sa paksang pag-aaralan.
Balangkas Konseptwal - sa bahaging ito, ginagamit
ng mananaliksik ang kanyang mahusay na
paghinuha na magpapakita ng input o hakbang sa
kalutasan ng suliranin, ang proseso ng
pagsasagawa, at ang output o ang kalutasan o
kalalabasan.

Saklaw at Limitasyon - tinutukoy ang simula at


hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang
parameter ng pananaliksik.
Katuturan ng mga salitang Ginamit - ang mga katawagang
makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa'y may kahulugan.
Kabanata II. Mga Kaugnay na Pag-
aaral at Literatura
 Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga
pag-aaral at mga babasahin o literaturang
kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Kailangan ding matukoy dito ng
mananaliksik kung sino-sino ang mga
may-akda ng naugnang pag-aaral o
literatura, disenyo ng pananaliksik na
ginamit, mga layunin at mga resulta ng
pag-aaral.
 Hanggat maari, ang mga pag-aaral at
literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay
iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling
sampung taon. Hanggat maari rin tiyaking
ang mga materyal na gagamitin ay nag-
tataglay ng mga sumusunod na katangian:
(1) Objective o walang pagkiling; (2)
Nauugnay o relevant sa pag-aaral; at (3)
sapat ang dami o hindi napakaunti o
napakarami.
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik

*Disenyo ng pananaliksik - nilinaw kung


anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang
pag-aaral.

*Respondente - tinutukoy ang mga


sarbeyor, kung ilan sila at paano at bakit sila
napili.
*Instrumento ng pananaliksk – inilalawaran
ang paraang ginamit ng pananaliksk sa
pngangalap ng mga datos at impormasyon.

*Tritment ng mga datos - inilarawan kung


anong istitistikal na paraan ang ginamit upang
ang mga numerikal na datos ay mailalarawan.
Kabanata IV: Presentasyon at
interpretasyon ng mga datos

 Sa kabanatang ito ay inilahad ang mga


datos na nakalap ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o
grapik na presentasyon. Sa tektso,
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.
V. Lagom, Kongklusyon at
Rekomendasyon
 Lagom – ito ang pinakamagsisilbing
paglalahat o generalisasyon
 Kongklusyon –
 Rekomendasyon –
VI. Mga Panghuling Pahina

You might also like