You are on page 1of 8

 INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK

 Ms. Alyanna L. Testa

“Ang sinabi m0, patunayan mo!”


Ikaw ay hindi tunay na estudyante ng paaralan.
May dumi ka sa mukha.
Wala kang kapera-pera.
Malabo ang iyong mata.
Normal ang iyong bigat.

 Kahulugan ng pananaliksik
Ang pananaliksik ay batay sa nasusukat na katibayan.
 ANG PANANALIKSIK AY…
Sistematiko, pormal, mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng
mga lunas sa suliranin o makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at
kaugnayan.
 ANG PANANALIKSIK AY…
Paghahanap ng katotohanan sa tulong ng pag-aaral, pagmamasid, paghahalintulad, at
pagsubok;
 Nunan, 1998
Sistematikong proseso ng pagtatanong na binubuo ng mga tanong, problema o
haypotesis, pangongolekta ng datos, analisis at interpretasyon ng datos.

 Layunin ng pananaliksik
Paghahanap ng katotohanan;
Paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi
agarang matatamo.

 Mga kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan:


1. DATOS – batayang yunit ng impormasiyon
2. IMPORMASIYON – pinag-ugnay na datos
3. DETALYE – mga naberipika na impormasiyon
4. PALAGAY – posibleng kaugnayan o pinagmulan ng mga detalye
5. TEORYA – nasubok na palagay
6. PRINSIPYO, BATAS, KATOTOHANAN – mga napatunayan na teorya
 Katangian ng pananaliksik
1. KONTROLADO – ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat
manipulahin sapagakat magdudulot ito ng kawalang katiyakan at pagka-inbalido (invalid)
ng resulta ng pananaliksik

2. BALID – nakabatay sa katotohanan ng katibayan o ebidensiya sa pamamagitan ng


kakayahang idepensa o ipaliwanag ang mga ito.

3.SISTEMATIKO – magkakasunod – sunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa


ng impormasiyono datos sa iisang layunin ang katangiang ito.

(1) Pagtukoy ng problema (2) pagrerebyu ng mga impormasiyon (3) pangongolekta ng


datos (4) pag-aanalisa ng datos (5) pagbuo ng konklusiyon at rekomendasiyon

4. OBHETIBO, LOHIKAL, WALANG KINIKILINGAN

5. KWANTITEYTIB – gumagamit mg istatistiks (porsiyento, tsart, mean, median, mode at


iba pang uri ng distribusyong numerical.

5. KWALITEYTIB – naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan (nature) ng isang sitwasiyon o


pangyayari sa gamit ang pandama o senses.

6. EMPIRIKAL – Matatag ang pananaliksik kung gagamitan ng mga empirikal na katibayan


o kaalaman sa pamamagitan ng tamang pagmamasid o ekperimentasiyon

7. Mapanuri – paggamit ng tamang estatistika at analitikal na pagbibigay interpretasyon.

8. Pinagtitiyagaan o hindi minamadali.

Katangian ng mahusay na mananaliksik at mga balakid na maaaring kaharapin


nito

1. MAPANGHINALA –
Iliminasyon o pagbabawas (deductive method)
Malimitahan ang pagpipilian at tuluyang matukoy ang sanhi o pinagmulan ng
problema.
2. MATANONG
Indaksyon (inductive method)
Ginagamit ito upang makabuo ng teorya sa mga sanhi o pinagmulan ng
problema

3. MATIYAGA – Ang mga datos ay hindi kusang lumalapit at lalong hindi kagyat na
nakukuha.

4. MAY PAGGALANG SA KAPWA TAO –

LAYUNIN
PAHINTULOT
KABATIRANG PAHINTULOT (INFORMED CONSENT)
5. MAINGAT

PLAGYARISMO – pangongopya ng datos o ideya, mga pangungusap, buod, at


balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa na hindi kinikilala ang
pinagmulan o kinopyahan.

 Mga uri ng pananaliksik batay sa pagkukunan ng datos

1. DESKRIPTIB- ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa ksalukuyang kalagayan


ng isyu o paksang sinasaliksik

 2. EKSPERIMENTAL
- Tutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinag-aaralan at karaniwang nangangailangan ng
grupong lalapatan ng interbensyon.

 Uri ng pananaliksik batay sa klase ng pagsisiwalat ng datos

KWANTITEYTIB – ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istatistikal na datos


upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na
pinag-aaralan.

2. KWALITEYTIB - ginagamit sa pagkalap ng mga karanasan ng tao sa kanilang


ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamaraan upang
makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
 PROSESO NG PAGSULAT NG SULaTING PANANALIKSIK
Paraan ng Pagpili at Pagbuo ng Paksa (Thesis Title)
Ang paksa ba ay nararapat.
Paliitin ang sakop ng inyong pananaliksik
Pumili ng paksang naaayon sa iyong interes at sa interes ng iyong mambabasa
Nararapat na gumawa ng mga tanong saasagutin upang magkaroon ng
direksiyon ang inyong pananalikik
Ang sagot na iyong makukuha mula sa iyong pananaliksik ay magiging iyong
thesis statement
 Pagpapahayag ng layunin sa paksa
Makabubuting balangkasin ang pagsasaad ng suliranin sa pamamagitan ng pagtukoy sa
nakapag-iisang nagbabagong batayan (independent variable) at di mapag-iisang batayan
(dependent variable)

 Paghahanda ng mga pansamantalang sanggunian


Siguraduhing gumamit ng maraming klase ng pagkukunan ng datos (Internet,
libro, dyornal, bidyo, panayam, at iba pa)
Sapat na panahon upang isakatuparan ang pananaliksik.
Magtabi ng talaan o kopya ng lahat ng impormasyong makukuha.
Pamagat ng artikulo
Petsa ng pagkakalathala
May akda at ang pinaglathalaang kompanya\
Mgs pahinang ginamit
4. Isalin sa sariling pananaw at pangungusap ang mga impormasyon.
5. Siguraduhin na ang mga konklusyon na nabubuo mula sa sanggunian at natala
6. Siguraduhing makahanap ng mga detalye na susuporta sa tisis o katanungan.

 Pormat ng sanggunian
Apelido, Inisyal. (taon ng pagkakalimbag). Pamagat: Kung may pumapailalim na pamagat.
Edisyon. Publikasyon. Lugar ng Publikasyon. Volume, Series, Pahina.
 Paggawa ng pansamantalang at pinal na balangkas
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1.1. Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral
1.2 Teoretika na balangkas
1.3 Konseptwal na balangkas
1.4 Pagsasaad ng Suliranin
1.5 Palagay
1.6 Pinagdausan ng Pananaliksik
1.7 Kahalagahan ng Pag-aaral
1.8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
1.9 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG_AARAL


2.1 Lokal na Literatura
2.2 Banyagang Literatura
2.3 Lokal na Pag-aaral
2.4 Banyagang Pag-aaral
2.5 Sintesis

KABANATA III: PAMAMARAAN NG PAG-AARAL


3.1 Disenyo ng Pananaliksik
3.2 Populasyon at Manunugon
3.4 Mga Instrumentong Ginamit
3.4 Hakbang sa Pagkalap ng Impormasyon
3.5 Istatistikong Paglalapat ng Impormasyon

KABANATA IV: PAGPAPAKITA, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA RESULTA


Pagpapakita ng Resulta
Pagsusuri ng Resulta
Pagpapakahulugan ng Resulta

KABANATA V: PAGLALAHAT NG MGA TUKLAS, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


5.1 Paglalahat ng Napag-alaman
5.2 Konklusyon
5.3 Rekomendasyon

 Pagsulat ng burador at pagwawasto (pre-writing, actual-writing, rewriting)


Isulat ang mga bagay na nasasaisip at huwag masyadong umasa sa mga pag-
aaral ng ibang mananaliksik
Kilalanin ang lahat ng pinagkunan na sanggunian
Basahin muli o ipabasa sa iba upang malaman ang kaayusan ng isinulat na
burador at kung paano ito naintindihan ng mga mambabasa.
Ang suliranin at kaligiran nito
Introduksiyon ng kaligiran ng kasaysayan
Teoretikal na balangkas
o Naglalayong ipakita ang mga teorya na sumusuporta sa iyong pananaliksik.
Ito rin ang magiging basehan mo sa pagbibigay kahulugan sa mga
makakalap na datos sa pananaliksik.
Konspetwal na balangkas
o Naglalayong ipakita ang proseso ng pananaliksik mula sa batayan ng
suliraninh nais tugunan, ang proseso ng pagkalap, pagsusuri, at
pagpapakahuligan ng mga datos, hanggang sa ninanais na kahihinatnan ng
pananaliksik.

PAGSASAAD NG SULIRANIN
(statement of the problem)
Ang pinakamahalagang bahagi ng kabanata sapagkat ito ang magiging basehan ng lahat
ng instrumento at pamamaraang gagamitin sa pagkalap ng datos.

Ito ay binubuo ng pangunahing suliranin at tatlong o higit pang napapailalim na suliranin


 Mga palagay (hypothesis)

 Pinadausan ng pagsasaliksik
Naglalayong ipakita ang lugar ng pananaliksik at ang kadahilanan sa pagpili sa naturang
lugar.
 Saklaw at limitasyon
Naglalayong ipakita ang nasasakop at hangganan ng pag-aaral sa basehang oras, lugar,
nagbabagong batayan, at pamamaraan. Ipinapakita rin sa bahaging ito ang mga bagay na
kayang lapatan ng kasagutan ng pananaliksik at mga bagay na labas sa sakop ng iyong
pag-aaral.
 Katuturan ng katawagan
Nagsasaad ng mga operasyonal at teknikal na kahulugan ng mga terminolohiyang
ginamit sa paggawa ng sulatin.
 II. Mga kaugnay literature at pag-aaral
1.1 Lokal na literatura
1.2 Banyagang Literatura
1.3 Lokal na pag-aaral
1.4 Banyagang pag-aaral

Artikulo, dyornal, balita sa pahayagan, nalathalang istatiktiko, pananaliksik, at internet.


 III. Pamamaraan ng pag-aaral

 DISENYO NG PAG-aaral
Nagsasaad ng pangkahalatang pamamaraan at disenyo ng pananaliksik. Ito ay
nakadepende sa klae ng datos na nais makuha ng mananaliksik at kung saan
kapanahunan ng mga datos na kakalapin.

Deskriptib at Kwaliteytib
Deskriptib at Kwantiteytib
Eksperimental at Kwaliteytib
Eksperimental at Kwantiteytib
Historikal at Kwantiteytib
Historikal at Kwaliteytib

Populasyon at manunugon
Nagsasaad ng katangian ng mga manunugon at pagtiyak na kinakatawan nila ang buong
populasyon ng sektor o grupo na pakay ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
 Slovin’s formula
n = N/1+Ne2

n = dami ng kinatawan
N = populasyon
E = Margin ng error

 1. Simpleng random na pagtukoy ng kinatawan

 2. Istratipikadong random na pagtukoy ng kinatawan

 3. Kota o porsyentuhang pagtukoy ng kinatawan

 4. Kumbiyenteng pagtukoy ng kinatawan

 5. Purposibong pagtukoy ng kinatawan

 Instrumento ng pag-aaral
Tumutukoy sa kaangkupan at pagka-maaasahan ng mga gagamiting talatanungan, gabay
na katanungan sa panayam o talakayan, at iba pang dokumento.
 Paraan ng pagkalap ng datos
Naglalahad ng proseso sa pagkalap ng datos mula sa pagkalap ng datos mula sa
pagpapadala ng sulat sa mga kinauukulang tao o ahensiya, pagsamsam ng mga
instrumento, at pagbabalangkas ng pamanahong papel.

 IV. Pagpapakita, pagsusuri at pagpapakahulugan sa resulta


Ang pagsasaayos sa kabanatang ito ay dapat naaayon sa kasagutan sa bawat
nakasaad na suliranin.
Bawat kasagutan sa suliranin ay susundin ang panuntunang
pagpapakita,pagsusuri at pagpapakahulugan ng resulta
Ang nuerikong resulta ay karaniwang nakalagay sa talaan subalit hindi sapat ito
upang maipakita ang resulta, nararapat na isalaysay ang nilalaman ng bawat
talaan.
Ang grapikal na pagpapakita ng resulta ay hindi nilalagay sa kabanantang ito.
Ang mga talahugitan ay dapay ilagay sa bahagi ng Mga Karagdagang o
Appendices.

 V. PAGLALAHAT NG MGA TUKLAS, konklusyon, at rekomendasyon

PAGLALAHAT – maikling kabuoan sa mga bagay na nakalagay sa Kabanata IV.

KONKLUSYON – napag-alaman ng mga mananaliksik. Maaaring sundin ang Binalangkas


na Palagay. Ipahahayag kung ang mga palagay ay katanggap-tanggap.

REKOMENDASYON – kahalagahan ng pananaliksik. Naglalaman ng mga hakbangin upang


mapagbuti, maisaayos, o maitama ang kasalukuyang katayuan ng paksa o isyung napag-
aralan.

You might also like