You are on page 1of 59

Ms. Alyanna L.

Testa
“ANG SINABI M0, PATUNAYAN MO!”
1. Ikaw ay hindi tunay na estudyante
ng paaralan.
2. May dumi ka sa mukha.
3. Wala kang kapera-pera.
4. Malabo ang iyong mata.
5. Normal ang iyong bigat.
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay
batay sa nasusukat na
katibayan.
ANG PANANALIKSIK AY…
Sistematiko, pormal, mahigpit, at
eksaktong prosesong ginagamit
upang humanap ng mga lunas sa
suliranin o makapagbigay-
kahulugan sa mga bagong
kaalaman at kaugnayan.
ANG PANANALIKSIK AY…
Paghahanap ng
katotohanan sa tulong ng
pag-aaral, pagmamasid,
paghahalintulad, at
pagsubok;
NUNAN, 1998
Sistematikong proseso ng
pagtatanong na binubuo ng
mga tanong, problema o
haypotesis, pangongolekta ng
datos, analisis at interpretasyon
ng datos.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1.Paghahanap ng katotohanan;
2.Paghahanap ng
kapaliwanagan o katuwiran
kapag ang katotohanan ay
hindi agarang matatamo.
MGA KINAKAILANGAN SA PAGTAHAK NG
KATOTOHANAN:
1. DATOS – batayang yunit ng impormasiyon
2. IMPORMASIYON – pinag-ugnay na datos
3. DETALYE – mga naberipika na impormasiyon
4. PALAGAY – posibleng kaugnayan o pinagmulan
ng mga detalye
5. TEORYA – nasubok na palagay
6. PRINSIPYO, BATAS, KATOTOHANAN – mga
napatunayan na teorya
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. KONTROLADO – ang mga baryabol
o datos na pinag-aaralan ay hindi
dapat manipulahin sapagakat
magdudulot ito ng kawalang
katiyakan at pagka-inbalido (invalid)
ng resulta ng pananaliksik
2. BALID – nakabatay sa
katotohanan ng katibayan o
ebidensiya sa pamamagitan
ng kakayahang idepensa o
ipaliwanag ang mga ito.
3.SISTEMATIKO –
magkakasunod – sunod na
hakbang sa pangongolekta at
pag-aanalisa ng impormasiyono
datos sa iisang layunin ang
katangiang ito.
(1) Pagtukoy ng problema (2)
pagrerebyu ng mga
impormasiyon (3) pangongolekta
ng datos (4) pag-aanalisa ng
datos (5) pagbuo ng konklusiyon
at rekomendasiyon
4. OBHETIBO, LOHIKAL,
WALANG KINIKILINGAN
5. KWANTITEYTIB – gumagamit
mg istatistiks (porsiyento, tsart,
mean, median, mode at iba pang
uri ng distribusyong numerical.
5. KWALITEYTIB – naglalahad o
nagsasalaysay ng kalikasan
(nature) ng isang sitwasiyon o
pangyayari sa gamit ang
pandama o senses.
6. EMPIRIKAL – Matatag ang
pananaliksik kung gagamitan ng
mga empirikal na katibayan o
kaalaman sa pamamagitan ng
tamang pagmamasid o
ekperimentasiyon
7. Mapanuri – paggamit
ng tamang estatistika at
analitikal na pagbibigay
interpretasyon.
8. Pinagtitiyagaan o
hindi minamadali.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA MANANALIKSIK
AT MGA BALAKID NA MAAARING KAHARAPIN
NITO
1. MAPANGHINALA –
Iliminasyon o pagbabawas (deductive
method)
Malimitahan ang pagpipilian at tuluyang
matukoy ang sanhi o pinagmulan ng
problema.
2. MATANONG
Indaksyon (inductive method)
Ginagamit ito upang makabuo ng
teorya sa mga sanhi o pinagmulan ng
problema
3. MATIYAGA – Ang mga datos
ay hindi kusang lumalapit at
lalong hindi kagyat na
nakukuha.
4. MAY PAGGALANG SA KAPWA TAO –

 LAYUNIN
 PAHINTULOT
 KABATIRANG PAHINTULOT (INFORMED CONSENT)
5. MAINGAT

PLAGYARISMO – pangongopya ng datos


o ideya, mga pangungusap, buod, at
balangkas ng isang akda, programa,
himig, at iba pa na hindi kinikilala ang
pinagmulan o kinopyahan.
MGA URI NG PANANALIKSIK BATAY SA
PAGKUKUNAN NG DATOS
1. DESKRIPTIB- ang datos na
hinahanap ay maglalarawan sa
ksalukuyang kalagayan ng isyu o
paksang sinasaliksik
2. EKSPERIMENTAL
- Tutukoy sa epekto ng paksa o
isyu na pinag-aaralan at
karaniwang nangangailangan
ng grupong lalapatan ng
interbensyon.
URI NG PANANALIKSIK BATAY SA KLASE
NG PAGSISIWALAT NG DATOS
1. KWANTITEYTIB – ginagamit sa
pagkalap ng numeriko o
istatistikal na datos upang
makabuo ng pangkalahatang
pananaw na kumakatawan sa
paksa o isyu na pinag-aaralan.
URI NG PANANALIKSIK BATAY SA KLASE
NG PAGSISIWALAT NG DATOS
2. KWALITEYTIB - ginagamit sa
pagkalap ng mga karanasan ng tao sa
kanilang ginagalawang lipunan na
hindi maaaring isalin sa numerikong
pamamaraan upang makita ang
magkakaibang realidad ng paksa o
isyu na pinag-aaralan.
PROSESO NG PAGSULAT NG SULATING
PANANALIKSIK
a. Paraan ng Pagpili at Pagbuo ng Paksa (Thesis Title)
1. Ang paksa ba ay nararapat.
2. Paliitin ang sakop ng inyong pananaliksik
3. Pumili ng paksang naaayon sa iyong interes at sa interes
ng iyong mambabasa
4. Nararapat na gumawa ng mga tanong saasagutin upang
magkaroon ng direksiyon ang inyong pananalikik
5. Ang sagot na iyong makukuha mula sa iyong pananaliksik
ay magiging iyong thesis statement
PAGPAPAHAYAG NG LAYUNIN SA PAKSA
Makabubuting balangkasin ang
pagsasaad ng suliranin sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
nakapag-iisang nagbabagong
batayan (independent variable) at di
mapag-iisang batayan (dependent
variable)
PAGHAHANDA NG MGA PANSAMANTALANG
SANGGUNIAN
1. Siguraduhing gumamit ng maraming klase ng
pagkukunan ng datos (Internet, libro, dyornal, bidyo,
panayam, at iba pa)
2. Sapat na panahon upang isakatuparan ang pananaliksik.
3. Magtabi ng talaan o kopya ng lahat ng impormasyong
makukuha.
 Pamagat ng artikulo
 Petsa ng pagkakalathala
 May akda at ang pinaglathalaang kompanya\
 Mgs pahinang ginamit
4. Isalin sa sariling pananaw at pangungusap
ang mga impormasyon.
5. Siguraduhin na ang mga konklusyon na
nabubuo mula sa sanggunian at natala
6. Siguraduhing makahanap ng mga detalye na
susuporta sa tisis o katanungan.
PORMAT NG SANGGUNIAN
Apelido, Inisyal. (taon ng
pagkakalimbag). Pamagat: Kung may
pumapailalim na pamagat. Edisyon.
Publikasyon. Lugar ng Publikasyon.
Volume, Series, Pahina.
PAGGAWA NG PANSAMANTALANG AT PINAL
NA BALANGKAS
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1.1. Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral
1.2 Teoretika na balangkas
1.3 Konseptwal na balangkas
1.4 Pagsasaad ng Suliranin
1.5 Palagay
1.6 Pinagdausan ng Pananaliksik
1.7 Kahalagahan ng Pag-aaral
1.8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
1.9 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT
PAG_AARAL
2.1 Lokal na Literatura
2.2 Banyagang Literatura
2.3 Lokal na Pag-aaral
2.4 Banyagang Pag-aaral
2.5 Sintesis
KABANATA III: PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
3.1 Disenyo ng Pananaliksik
3.2 Populasyon at Manunugon
3.4 Mga Instrumentong Ginamit
3.4 Hakbang sa Pagkalap ng Impormasyon
3.5 Istatistikong Paglalapat ng Impormasyon
KABANATA IV: PAGPAPAKITA, PAGSUSURI
AT PAGPAPAKAHULUGAN SA RESULTA
Pagpapakita ng Resulta
Pagsusuri ng Resulta
Pagpapakahulugan ng Resulta
KABANATA V: PAGLALAHAT NG MGA
TUKLAS, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
5.1 Paglalahat ng Napag-alaman
5.2 Konklusyon
5.3 Rekomendasyon
PAGSULAT NG BURADOR AT PAGWAWASTO
(PRE-WRITING, ACTUAL-WRITING, REWRITING)
1. Isulat ang mga bagay na nasasaisip at huwag
masyadong umasa sa mga pag-aaral ng ibang
mananaliksik
2. Kilalanin ang lahat ng pinagkunan na
sanggunian
3. Basahin muli o ipabasa sa iba upang malaman
ang kaayusan ng isinulat na burador at kung
paano ito naintindihan ng mga mambabasa.
I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksiyon ng kaligiran ng
suliranin
TEORETIKAL NA BALANGKAS
Naglalayong ipakita ang mga
teorya na sumusuporta sa iyong
pananaliksik. Ito rin ang magiging
basehan mo sa pagbibigay
kahulugan sa mga makakalap na
datos sa pananaliksik.
KONSPETWAL NA BALANGKAS
Naglalayong ipakita ang proseso ng
pananaliksik mula sa batayan ng
suliraninh nais tugunan, ang proseso
ng pagkalap, pagsusuri, at
pagpapakahuligan ng mga datos,
hanggang sa ninanais na kahihinatnan
ng pananaliksik.
INPUT PROCESS OUTPUT

FEEDBACK
PAGSASAAD NG SULIRANIN
(STATEMENT OF THE PROBLEM)
Ang pinakamahalagang bahagi ng kabanata
sapagkat ito ang magiging basehan ng lahat
ng instrumento at pamamaraang gagamitin sa
pagkalap ng datos.

Ito ay binubuo ng pangunahing suliranin at


tatlong o higit pang napapailalim na suliranin
MGA PALAGAY (HYPOTHESIS)
Naglalayong ipakita ang
mga palagay na maaaring
kalabasan ng pananaliksik
PINADAUSAN NG PAGSASALIKSIK
Naglalayong ipakita ang lugar
ng pananaliksik at ang
kadahilanan sa pagpili sa
naturang lugar.
SAKLAW AT LIMITASYON
Naglalayong ipakita ang nasasakop at
hangganan ng pag-aaral sa basehang
oras, lugar, nagbabagong batayan, at
pamamaraan. Ipinapakita rin sa bahaging
ito ang mga bagay na kayang lapatan ng
kasagutan ng pananaliksik at mga bagay
na labas sa sakop ng iyong pag-aaral.
KATUTURAN NG KATAWAGAN
Nagsasaad ng mga operasyonal at
teknikal na kahulugan ng mga
terminolohiyang ginamit sa
paggawa ng sulatin.
II. MGA KAUGNAY LITERATURE AT PAG-
AARAL
1.1 Lokal na literatura
1.2 Banyagang Literatura
1.3 Lokal na pag-aaral
1.4 Banyagang pag-aaral

Artikulo, dyornal, balita sa pahayagan, nalathalang


istatiktiko, pananaliksik, at internet.
III. PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
DISENYO NG PAG-AARAL
Nagsasaad ng pangkahalatang
pamamaraan at disenyo ng
pananaliksik. Ito ay nakadepende sa
klae ng datos na nais makuha ng
mananaliksik at kung saan
kapanahunan ng mga datos na
kakalapin.
1. Deskriptib at Kwaliteytib
2. Deskriptib at Kwantiteytib
3. Eksperimental at Kwaliteytib
4. Eksperimental at Kwantiteytib
5. Historikal at Kwantiteytib
6. Historikal at Kwaliteytib
POPULASYON AT MANUNUGON
Nagsasaad ng katangian ng mga
manunugon at pagtiyak na
kinakatawan nila ang buong
populasyon ng sektor o grupo na
pakay ng paksa o isyu na pinag-
aaralan.
SLOVIN’S FORMULA

n = N/1+Ne2

n = dami ng kinatawan
N = populasyon
E = Margin ng error
1. Simpleng random na pagtukoy ng
kinatawan
2. Istratipikadong random na pagtukoy
ng kinatawan
3. Kota o porsyentuhang pagtukoy ng
kinatawan
4. Kumbiyenteng pagtukoy ng
kinatawan
5. Purposibong pagtukoy ng kinatawan
INSTRUMENTO NG PAG-AARAL
Tumutukoy sa kaangkupan at
pagka-maaasahan ng mga
gagamiting talatanungan, gabay na
katanungan sa panayam o
talakayan, at iba pang dokumento.
PARAAN NG PAGKALAP NG DATOS
Naglalahad ng proseso sa pagkalap
ng datos mula sa pagkalap ng datos
mula sa pagpapadala ng sulat sa mga
kinauukulang tao o ahensiya,
pagsamsam ng mga instrumento, at
pagbabalangkas ng pamanahong
papel.
IV. PAGPAPAKITA, PAGSUSURI AT
PAGPAPAKAHULUGAN SA RESULTA
a. Ang pagsasaayos sa kabanatang ito ay
dapat naaayon sa kasagutan sa bawat
nakasaad na suliranin.
b. Bawat kasagutan sa suliranin ay
susundin ang panuntunang
pagpapakita, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng resulta
a. Ang numerikong resulta ay karaniwang nakalagay
sa talaan subalit hindi sapat ito upang maipakita
ang resulta, nararapat na isalaysay ang nilalaman
ng bawat talaan.
b. Ang grapikal na pagpapakita ng resulta ay hindi
nilalagay sa kabanantang ito. Ang mga talahugitan
ay dapay ilagay sa bahagi ng Mga Karagdagang o
Appendices.
V. PAGLALAHAT NG MGA TUKLAS,
KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
PAGLALAHAT – maikling kabuoan sa mga bagay na
nakalagay sa Kabanata IV.

KONKLUSYON – napag-alaman ng mga mananaliksik.


Maaaring sundin ang Binalangkas na Palagay. Ipahahayag
kung ang mga palagay ay katanggap-tanggap.

REKOMENDASYON – kahalagahan ng pananaliksik.


Naglalaman ng mga hakbangin upang mapagbuti,
maisaayos, o maitama ang kasalukuyang katayuan ng paksa
o isyung napag-aralan.

You might also like