You are on page 1of 30

SELF-LEARNING PACKET (SLP) in

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
QUARTER 1, WEEK 3
 
Sa pagtatapos ng SLP na ito, ikaw ay inaasahan na:
• unawain ang Persuweysib at Argumentatibong teksto;
• gamitin ang pamamaraan ng mabisang pangangatuwiran;
• sumulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto
ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya,
komunidad, bansa at daigdig; at
• mangatuwiran nang naaayon sa katotohanan.
Teksyong Persuweysib: Paano kita mahihikayat

Nagkaroon ka na ba ng karanasan kung saan hinikayat mo ang


iyong mga kaibigan na manuod ng inaabangan mong pelikula sa
sinehan? Naranasan mo na rin bang kumbinsihin ang iyong mga
magulang na payagan kang mag-overnight sa bahay ng iyong kaibigan?
Ang mga pamamaraang ginagamit mo bilang panghihikayat sa
impormal na kumbersasyon tulad ng mga nabanggit ay maaring maging
batayan din sa pagbuo ng tekstong persuweysib. Ito ang konsepto ng
panghihikayat ng isang manunulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi sa isang
partikular na paksa.
 
Ang panghihikayat sa payak na kahulugan ay
tumutukoy sa paglalarawan ng tunay o karaniwang
pagtanggap sa isang pananaw na narinig o nabasa. May
kaugnay ito sa pangangatwiran, ngunit ang pinagkaiba
lamang nito ay wala itong kinikilingan at patas ang
pagtanggap. Ang panghihikayat ay pag-iimpluwensiya
sa kaisipan, saloobin, damdamin, paniniwala,
motibasyon, naisin at pag-uugali ng isang tao.  
Ang tekstong nanghihikayat (persuasive) ay ginagamit ng
isang may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na
tama o tiyak ang kaniyang isinulat. Naglalahad ang tekstong ito
ng mga pahayag na nakakaakit at nakahihikayat ng damdamin at
isipan ng mga mambabasa, sapagkat may sapat na ebidensiya o
katibayan sa paglalahad ng paksa. Layunin ng may-akda na
maglahad ng isang paksa na kayang panindigan at
maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos
upang tanggapin, makumbinsi at mapaniwala ang mga
mambabasa. Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay
maaring:
Sa madaling sabi, ang tekstong persuweysib ay
pagpapahayag na may layuning mahikayat ang mambabasa
na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat.
Mabibilang dito ang advertisement, politikal na sanaysay,
editoryal, brochure, catalog, atbp.
Mga elemento sa pagbuo ng isang mahusay na Tekstong
Nanghihikayat (Persuweysib)
• Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan
• Pagtukoy ng damdamin at saloobin na may kaugnayan sa interes ng
mga mambabasa
• Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin
• Pagbuo at pagpapahayag ng kongklusyon
• Pagpapaniwala sa mambabaasa na ang kongklusyon ay mula sa
napagkasunduang katotohanan
• Paggamit ng cohesive devices na natalakay sa nakaraang SLP sa
pagsulat ng tekstong nanghihikayat
 
Sa pangkalahatang panuntunan sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat, ang may-akda ay kailangang:

• magkaroon ng isang matatag na opinyon na madaling


matanggap ng mga mambabasa;
• simulan ang pagsulat ng teksto sa mapanghikayat na
panimula upang bigyang-pansin ng mga mambabasa;
• maglahad ng mga ebidensiya na susuporta sa isiniwalat na
opinyon;
• pagtibayin ang pahayag sa kung ano ang nais na
paniwalaaan ng mga mambabasa.
Halimbawang teksto:
POKUS SA PAG-AARAL
Ni: Paul Anunsaon

Pagod ka na ba sa pag- aaral? Susuko ka nalang ba nang ganyan kadali? Isipin mo


muna ang hirap at sakripisyong ginawa ng magulang mo para matustusan ang pag-aaral mo,
ang suporta nila sa iyo, kanilang pagganyak para ikaw ay mag-aral. Sana'y pag-isip-isipan mo
ang kanilang sakripisyo, huwag ang sarili ang unahin.
Ikaw. Oo, ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo, pinapahirapan mo pa nang sobra
ang magulang mo. Sana man lang mag-ayos ka sa pag-aaral mo. Iyan na nga lang ang
maibibigay mo sa iyong mga magulang sa ngayon, ang mapasaya sila. Marami ka namang mga
pagganyak gaya nang parating sinasabi ng magulang natin na, ayusin mo pag-aaral mo, ha?
Para sa hinaharap, hindi ka na mahihirapan sa buhay mo. Para sa hinaharap, may pirmi ka na
trabaho at hindi ka na mahirapan pagdating ng panahon. Kaya simula ngayon, huwag ninyong
aksayahin ang panahon na ikaw ay nakakapag-aral pa. Ikaw lang din naman makikinabang
kung ano matatapos mo sa pag-aaral."Keep that in mind".
Hinding hindi mo pagsisisihan kung ikaw ay makapagtapos at magkaroon ng magandang
trabaho para sa pamilya mo at sa susunod na pamilya mo, ‘yung sa iyo na talaga.
Sa binasang halimbawa, paano hinihikayat ng may-
akda ang mga mag-aaral na maapektuhan at sumang-
ayon sa kanyang paksa? Ano-anong salita ang
kanyang ginamit upang makumbinsi ang kaisipan ng
mga mag-aaral?
Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang katuwiran
Lahat ng tao ay gumagamit ng iba’t ibang porma ng
argumentasyon sa iba’t ibang pagkakataon. Madalas, ang mga
simpleng sitwasyon ay nangangailangan ng mahusay na
pangangatwiran gaya ng paghingi ng permiso sa mga magulang,
panghihiram ng gamit sa kapatid, pamimili ng paksa o konsepto sa
mga gawaing panggrupo sa klase o kaya ay paghingi ng
pangalawang pagkakataon sa iniibig. Bagaman hindi pormal ang
estilo ng argumentasyon sa mga nabanggit na pagkakataon, ang
mga estratehiyang ito sa pangangatuwiran ang batayan ng mga
tekstong argumentatibo.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto
kung saan ipinagtatanggol ng manunulat ang posisyon ng
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya
mula sa personal na karanasan, kaugnay ng mga literatura
at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng
empirikal na pananaliksik. Ang empirikal na pananaliksik
ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan
ng pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon.
May pagkakahawig ang tekstong argumentatibo at tekstong
paghihikayat dahil pareho nilang layunin na makuha ang suporta
ng mambabasa, ngunit ang dalawang teksto ay nagkakaiba sa
anyo. Sa tekstong argumentatibo, nangangatwiran ang may-akda
upang ang ideya o posisyong umiiral ay mabigyang-diin.
Inihahain din ng may-akda ang mga ideya na ibig salungatin
kung kaya may nakahandang pagpapaliwanag sa teksto.
Sinasagot ng tekstong argumentatibo ang tanong na bakit. Ang
editoryal ay isang magandang halimbawa ng tekstong ito.
Mga gabay sa pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
• Pumili ng isang paksang malapit sa puso at malapit sa interes mo. Alamin
kung makatwiran at mapangangatawanan ang mga opinyong maibibigay.
• Tiyakin ang lawak ng kontrobersiya ng paksa at ang damdaming aasahan sa
mga mambabasa.
• Isipin ang magiging panig ng mga mambabasa; panig ba sila o salungat?
• Ipahayag ang opinyon sa pangunahing kaisipan gamit ang mga pahayag na
maliwanag, makabuluhan at mapaninindigan.
• Mangalap ng mga patunay, impormasyon, dahilan at mga pangyayaring
maaring gamitin sa pangangatwiran.
• Tiyakin na ang mga gagamiting salita ay makatwiran at solido, gayundin
ang lohikal na ugnayan ng mga ideya.
• Gumamit ng cohesive devices na natalakay sa nakaraang SLP.
Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo:
Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang
  sistema ng edukasyon sa Pilipinas
Pabor sa K-12
Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang
tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng Basic Education.
Magkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o
magsisimula nang magtrabaho matapos sumailalim sa K-12, kung sakaling wala na silang
pera upang tumuloy sa pag-aaral. At kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo,
magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na
kikilalanin maging sa ibang bansa.

Hindi Pabor sa K-12


Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad
dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging
mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral. Basta-basta lamang itong ipinatupad kung
kaya kulang sa pagsasanay ang mga guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-
aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga mag-aaral habang
nag-aaral. Ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng pagbabago para sa pagpasok ng
Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol sa mga
pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado, lalo na ang mga
guro at kawani.
Ikaw, saang proposisyon ka magbibigay ng
iyong pangangatuwiran sa mga sumusunod na
paksa?
• Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang
mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.
• Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang
miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa.
Pagsulat ng Reaksyong Papel
Sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating paligid, sa mga
napapanood natin sa iba’t ibang uri ng media, maging sa mga
taong nakasasalamuha natin, palagian tayong may reaksiyo, hindi
ba? Kaugalian na siguro natin na punahin o pansinin ang mga
bagay-bagay sa ating paligid, kaya minsan ay nagiging paksa pa
ito ng ating status sa mga social networking site, o kaya naman
ay naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan at
kakilala. Mahalagang magkaroon ng kabatiran kung paano nga ba
isusulat ang mga reaksiyong ito bilang pamamaraan ng ating
maayos na pagpapahayag.
 
Iba’t iba ang kadahilanan kung bakit tayo nagsusulat, maaaring
bilang personal na reaksiyon o ekspresyon at pagbibigay na rin ng
kahulugan sa isang paksa. Sa ganitong aspeto, nagsisimula tayo sa
pamamagitan ng isang personal na pagsasalaysay at ang tono ng
salaysay ay nasa unang panauhan. Ang pangunahing bida rito ay ang
salitang “Ako” o ang mismong nagsasalaysay. Ang mga sariling
karanasan na inilalahad ng mga mag-aaral ay nakatutulong upang
mas madaling maibigay ang kahulugan ng paksang nais ipabatid.
Mga Bahagi ng Reaksiyong Papel
1. Panimula – isinasagawa rito ang pagpapakilala ng paksa.
Introduksiyon ito at pinupukaw ang interes ng mga
mambabasa. Marapat na pagbutihin ang pagkakasulat nito
upang mahikayat ang mga mambabasa na magpatuloy sa
pagbabasa hanggang wakas. Karaniwan nang nagsisimula ito
sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa. Ang huling
pangungusap sa panimula ay ang tesis na pahayag ng
pangunahing ideya. Inilalahad din dito ang pananaw ng may-
akda.
 
2. Katawan - isinasaad dito ang nilalaman ng
teksto kung saan pinagsasama-sama ang mga
kaisipang magkakasing-uri at isinasaayos ang mga
kaisipan sa isang makatuwirang pagkakasunod-
sunod. Ang bawat talata ay may sariling simula,
gitna at wakas upang makabuo ng mas malawak
na kabuuan.
3. Wakas - ito ang pinakabuod o konklusyon ng teksto.
Depende ang haba nito sa haba ng buong teksto.
Maituturing na konklusyon ang wakas kung
nakapaghain ka ng mga katibayan at pangangatuwiran
sa iyong sulatin. 
Mga Gabay sa Pagsulat ng Reaksiyong Papel
• Siguraduhing maayos ang istruktura ng panimula.
• Magkaroon ng malinaw na panimulang talata.
• Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata.
• Bawat talata ay naglalaman ng mga katibayan.
• Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa bawat
talata para makabuo ng komprehensibong konklusyon.
• Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang pahayag.
• Siguraduhing makikita ang katotohanan ng tesis na
pahayag kapag nabasa ang kabuuan ng sulatin.
Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng Tekstong
Persuweysib at sagutin ang mga kaugnay na tanong. (3
puntos bawat bilang)
A. Pumili ng papanigang pangkat at sagutin ang tanong na
nasa loob ng kahon gamit ang discussion web. Talakayin ang
sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
pangangatwiran o ebidensiya tungkol sa isyung pinag-
uusapan sa pamamagitan ng pagsaliksik sa iba’t ibang teksto
ukol sa hinihinging paksa. Huwag kalimutang ilagay ang
mga sangguniang pinagkuhanan ng impormasyon.
B. Sa gawaing ito, tatayahin ang iyong kakayahan sa pagbasa
sa pamamagitan ng pagbibigay ng reaksyong papel mula sa
tekstong ISYUNG PANLIPUNAN: "Kahirapan sa
Pilipinas, Kailangan nang wakasan". Sumulat ng reaksyong
papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at
kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Naranasan mo na bang makipag-talo sa iyong kaibigan, kapatid o sa iyong
magulang? Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa mong pangangatuwiran o
ginawa mo lang ito para sa iyong sariling kapakanan? Lagi ninyong
pakatatandaan na ang mahusay na argumentasyon ay ipinaglalaban lamang kung
ano ang tama, hindi lamang ito nagpopokus kung ano ang tama para sa iyo.
Alalahanin ang isang pagkakataon kung kailan kinailangan mong magbigay ng
sariling argumento tungkol sa isang usapin. Isalaysay ang iyong naging
karaanasan ukol dito. Ibigay ang naging paksa ng usapan at kung ano ang naging
posisyon at argumento mo hinggil dito. Sa iyong palagay, tama ba ang
pangangatwiran na iyong ginawa? Ipaliwanag ang iyong sagot. Makatutulong ang
isinaad ni William Faulkner tungkol sa halaga ng paninindigan sa gitna ng
kawalan ng katarungan upang sagutin ang gawaing ito.
“Huwag matakot na magsalita at manindigan
para sa katapatan at katotohanan laban sa
kawalan ng hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig
ay gagawa nito, mababago ang mundo.”

- William Faulkner

You might also like