You are on page 1of 11

DIVINA PASTORA COLLEGE

Basic Education Department (2020-2021)

SELF-LEARNING PACKET (SLP) in KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
QUARTER 2, WEEK 4

PANGALAN: ________________________________ MARKA:___________/

TAON/PANGKAT: ___________________________ PETSA:____________

Panginoon, maraming salamat sa panibagong pagkakataong ipinagkaloob Mo

upang maging makabuluhan ang araw na ito para sa aming pagkatuto. Salamat sa mga
biyayang ipinagkakaloob Ninyo sa amin, sa walang sawang paggabay at biyayang
aming natatanggap. Patawad Panginoon sa aming mga pagkakasala sa isip, sa salita
at sa gawa. Hinahangad namin Panginoon ang proteksyon laban sa pandemyang
aming kinahaharap, nawa ay magwakas na rin ang pagsubok na dulot nito upang
makabalik na kami sa aming normal na pamumuhay. Amen.

Sa pagtatapos ng SLP na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Sumuri ng ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
2. Bumuo ng isang panimulang pananaliksik ayon sa mga natalakay na
pamamaraan.
3. Ipahayag ang mga pamamaraan kung paano lutasin ang isang tiyak na
suliranin ng isang tao.

Pamilyar ka ba sa mga pangunahing isyu na nagaganap ngayon sa ating bansa?

Kung gayon, nais kong itala mo sa ibaba ang mga nalalaman mo patungkol sa mga
mga nangungunang balita sa radyo, telebisyon at maging sa internet.
Mga pangunahing isyu sa bansa:
1.
2.
3.

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 1
Nararamdaman mo ba ang epekto sa iyo ng mga pinagdadaanang suliranin o
isyu sa ating bansa? Minsan ba ay may naisip ka na paraan o kalutasan sa mga
problema na ating kinakaharap? Hindi ba’t minsan ay hindi natin maiwasang magbigay
ng sariling opinyon sa mga nangyayaring kaganapan lalo ngayon sa panahon ng
pandemya.

Kahalagahan at kabuluhan ng Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino

Upang lubusang maunawaan kung bakit mahalaga at makabuluhang magsaliksik
sa larangan ng wika at kulturang Pilipino, kailangang mapagnilayan ang mga
nagsusulputang isyu at hamon sa magsisilbing gabay sa pagbubuo ng mga saliksik na
kapaki-pakinabang sa mamamayan ng bansa.
Ano nga ba ang Pananaliksik?
Ang pananaliksik ay isang paraan ng pangangalap ng datos na nagtataglay ng
impormasyong totoo na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Ito ay iang
prosesong nag-aanalisa at mapanuri. Nagtataglay ito ng sistematikong pamamaraan at
walanag kinikilingan. Sa pananaliksik nabibigyan ng kasagutan ang mga paksang
pinag-aaralan at nakadaragdag sa kaalamang nais bigyan ng kalutasan.
Upang mas lalong maunawaan ang kahulugan ng pananaliksik, basahin ang mga
sumusunod na katangian:
 Ang paksa ay orihinal at wala pang nakapag-aaral.
Sa simula, kailangang magnilay sa mga isyu ukol sa mga pangyayaring
nagaganap sa ating bansa na nais bigyang-diin at pag-aralan. Mahalagang
matukoy ng mananaliksik ang suliranin na nais lutasin sa napiling paksa.
Una,nararapat lamang na ang paksa na iyong pipiliin ay bukal sa iyong kalooban
sapagkat kung ikaw ay may interes sa isang bagay ay mas madali mo itong
magagawa. Pangalawa, nararapat lamang na ang pipiliing paksa ay bago at
hindi kapareho sa iba sapagkat sayang lamang ang ilalaaan mong oras at pagod
kung may kapareho ito. Pangatlo, kung pipili ng paksa nararapat lamang na may
sapat kang kaalaman ukol dito ng sa gayon ay madali ka na lamang makakuha
ng mga datos para sa paksa na iyong napili.

 Ang pananaliksik ay may sitema at kontrolado.

Sa pagbuo ng pananaliksik, kinakailangan ang pagiging organisado
sapagkat mayroong nakatakdang panahon upang matapos ang gawain kung
kaya’t walang dapat masayang na panahon at oras sa pagbuo ng pananaliksik,
nararapat lamang na ang bawat kilos sa pagbuo nito ay naka -plano.

 Ang materyales ay sapat at madaling hanapin.

Kagaya ng sinasabi sa una, nararapat lamang na ang mga materyales na
kakailanganin sa pagbuo ng pananaliksik ay madaling hanapin,kung kaya’t ang
piliing paksa ay kinakailangan ng sapat na kaalaman.

 Ang pananaliksik ay walang pinapanigan.

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 2
Sa pagbuo ng pananaliksik, pawang mga katotohanan at may matibay na
ebidensya ang dapat makita, hindi maaaring ilahad ang iyong sariling opinyon
para sa mga ilalahad na impormasyon kung kaya’t nararapat lamang na ikaw ay
maging matiyaga sa pangangalap ng mga datos na iyong kakailanganin sa iyong
pananaliksik.

 Nallalahad ang mga pinaghanguan ng mga datos.

Mahalagang kasanayang nararapat matutunan sa pananaliksik ang
karampatang pagkilala sa sanggunian. Ang hindi pagtukoy sa mga
sinangguninang libro, artikulo, at iba pa ay malinaw na anyo ng plagiarism (ang
Plagiarism ay gumagamit ng akda o ideya ng ibang tao nang walang pag-
aangkin ng wastong kredito at paglalahad ng gawain o ideya bilang iyong sarili.)
na lumalabag sa pagiging matapat na isang mananaliksik. Depende sa
larangang kinapapalooban, may iba’t-ibang estilong ginagamit sa paghahanda
ng sanggunian. Magtungo sa Schoology para sa karagdagang online na
paggawa ng sanggunian.

Atin ng natalakay ang katangian ng Pananaliksik, dumako naman tayo

ngayon sa katangian na dapat ipamalas ng isang Mananaliksik. Basahin at
unawain ang mga sumusunod na katangian:

 Ang mananaliksik ay may direksyon sa kaniyang pinag-aaralang paksa.

Maraming mananaliksik ang hindi natatapos ang kanilang nasimulan o kaya
naman ay hindi nilla nabibigyan ng mahusay na kalutasan ang kanilang napiling
paksa, kung kaya’t bilang isang mananaliksik ay mas maganda na ikaw ay may
pangunahing kaalaman na sa pipiliing paksa.

 Ang pagiging matiyaga at sipag ay kailangan sa paghahanap ng mga datos at

materyal na kinakailangan.
Ang pananaliksik ay napaka -busisi hindi mo ito matatapos sa isang upuan
lamang wika nga. Kung kaya’t bilang isang mananaliksik ikaw ay dapat na
matiyaga sa pangangalap ng mga impormasyon sapagkat ang mga datos na
dapat mong makuha ay nagsasaad ng mga katotohanan lamang.

 Kailangang may sistema ang mananaliksik sa pagkalap ng datos.

Maraming pamamaraan ang pagkalap ng datos, bilang isang mananaliksik
dapat na nakatakda ang oras at petsa ng iyong gagawin lalo kung
pakikipanayam ang iyong gagamitin sa pangangalap ng datos.

 Sinusuring mabuti ang mga datos na nakakalap kung ito ay nararapat mailahad
sa kanyang ginagawang pag-aaral.
Sa pananaliksik,hindi lahat ng datos na iyong makakalap ay makatutulong
sa iyong pag-aaral kung kaya’t nararapat lamang na alam mo ang pagkuha ng
mga nararapat na impormasyon lamang na alam mo ay may mas malaking
maiaambag sa iyong gawain.

Kung iyong napansin Ilang ulit na nabanggit ang salitang datos sa itaas hindi ba?
Ngayon naman ay ating pag-aralan ang mga pangunahing paraan sa
pangangalap ng datos. Ang mga ito ay:

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 3
 Pananaliksik sa laboratoryo
Tumutukoy ito sa ginagawang pag -eeksperimento ng mga nasa larangan ng
agham- pangkalikasan. Ang datos ay nakukuha mula sa kahihinatnan ng
ginagawang eksperimento. Halimbawa: Pagtuklas ng vaccine sa corona virus.

 Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento o

impormasyon
Tumutukoy ito sa pangangalap ng datos mula sa mga dokumento at
babasahing makikita sa aklatan,internet, pribadong koleksyon,
simbahan,munisipyo, museo, at iba pa. Sa pamamagitan nito nararapat na ang
mananaliksik ay may kakayahang magtalaga o sumipi ng mga sanggunian na
kanyang pinagkuhanan ng impormasyon. (Magtungo sa sanggunian para sa
karagdagang kaalaman para sa pagsipi ng sanggunian.)

 Pananaliksik sa larangan
Tumutukoy ito sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang paksa.
Mahalagang maisaalang-alang sa ganitong paraan ang pakikipagkapuwa ng
mananaliksik sa kanyang mga kalahok. Ilan sa mga katutubo o makalumang
pamamaraan ng pananaliksik na nagagamit ay pagtatanong,
pakikipagkwentuhan, nakikiugaling pagmamasid, pagdalaw-dalaw, panunuluyan,
at pakikipagtalakayan.
Isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ang pagsasagawa
ng interbyu. Nakapagbigay sina Constantino at Zafra (1997) ng mga hakbang
na nararapat bigyang-pansin bago isagawa, habang isinasagawa, at pagkatapos
isagawa ang interbyu:

1. Bago ang interbyu

-Tiyakin ang taong iinterbyuhin batay sa impormasyong nais makuha.
-Makipag-ugnayan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at lugar ng interbyu nang
may malinaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
-Magsalliksik tungkol sa paksa sa taong iinterbyuhin.
-Maghanda ng mga gabay na tanong.
-Ihanda ang mga teknikal na kagamitan gaya ng recorder, panulat, at sulatan.

2. Habang nag-iinterbyu
-dumating sa itinakdang petsa,oras,at lugar ng interbyu.
-magpakilalang muli sa iinterbyuhin at talakayin sa kaniya ang kaligiran at layunin
ng interbyu.
-Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.

3. Pagkatapos ng interbyu
-Lagyan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit (o file kung digital) sa
interbyu.
-Gawan ng transkripsyon ang interbyu.

Mahalagang malaman ng isang mananaliksik ang mga katangian ng Pananaliksik

at kung paano isagawa ang isang pananaliksik, kung kaya’t dadako naman tayo ngayon
sa pamamaraan sa pagsulat ng Pananaliksik.

1. Pagtukoy sa paksang sasaliksikin

Mahalagang pag-aralan muna kung patungkol saan ba ang sasaliksikin
sapagkat dapat alamin kung ito ay kapaki-pakinabang sa lahat. Tandaan ang
KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 4
layunin ng pananaliksik ay makabuo ng kasagutan sa isang partikular na
suliranin kung kaya’t laging isaalang-alang kung ito ba ay mapapakinabangan ng
lahat.

2. Pagbubuo ng balangkas ayon sa pagkakasunod ng mga kaisipan.

Ano ba ang kahalagahan ng pagbuo ng balangkas? Ang pagbuo ng
balangkas ay makatutulong upang maiayos ang ideya, mapadali ang pagsulat at
madaling makikita ang mga ideyang kailangang bigyang-diin o kailangang
tanggalin. Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi
ng isang sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa
gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Bakit mahalaga ang paggawa ng balangkas? Mahalaga ang paggawa ng
balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat,
pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga
impormasyong kailangan ang susunod na hakbang ay kung alin sa maraming
impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa iyong pananaliksik.

3. Maghanda ng mga mapagkukunan ng materyales.

Sa pagpili ng paksa dapat na isaalang-alang din ang mga impormasyon o
datos na iyong pagkukuhanan. Naglipana ang mga datos na matatagpuan sa
internet subalit karamihan sa mga nagkalat na impormasyon dito ay pawang
hindi nagsasaad ng katotohanan kung kaya’t dapat maging maingat sa pagsipi
ng impormasyon na iyong pagkukuhanan. Maraming paraan sa pangangalap ng
datos, sa pamamagitan ng mga iyon ay matutukoy mo ang materyales na
gagamitin sa pananaliksik.

Palagay ko ay marami ka ng natutunan ukol sa pananaliksik, ngayon, atin

namang alamin ang mga mahahalagang bahagi sa paggawa ng isang
panimulang pananaliksik. Pansinin at pag-aralan ang mga sumusunod na
halimbawa sa bawat bahagi ng panimulang pananaliksik na magsisilbi mo na
ring maikling gawain sa ating synchronous class.

 Tiyak na paksa
Epekto ng stress dulot ng new normal sa mga mag-aaral ng Divina Pastora
College

 Rasyonal
Bakit ito ang gagawing paksa sa pananaliksik, napapanahon ba ito, saan
kukuha ng datos at impormasyon para sa paksa na ito?

 Layunin sa pananaliksik
Ano ang gusto mong matuklasan sa pananaliksik?

 Pamamaraan
Paano mo isasagawa ang pananaliksik, saan ka mangangalap ng mga datos,
ano ang materyales na iyong gagamitin sa pananaliksik?

 Bunga o Resulta
Anong konklusyon ang iyong nabuo sa pananaliksik, sa iyong palagay magiging
kapaki-pakinabang ba ito?

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 5
Tandaan, sa paggawa ng pananaliksik kaakibat nito ang masusing pag-iisip sa
mga impormasyon na iyong makakalap kung kaya’t dapat maging matiyaga sa
pagsipi sa mga impormasyong iyong nakalap.

Bisitahin ang link ng dalawang nailathalang pananaliksik. Bigyang pansin ang

mga bahagi ng pananaliksik at ang pagkabuo ng mga ito. Bumuo ng
pangkalahatang reaksyon sa iyong nabasang mga pag-aaral.(30 puntos)

Pamantayan sa pagmamarka:
Linaw at lalim ng pagsusuri- 10
Kaangkupan sa paggamit ng wika-5

Paraan ng pagsulat ng isang pagsusuri

 Pagtatatag ng mga pangunahing kaalaman
Mga gabay na tanong sa pagsusuri:
1. Sa iyong palagay, naging kapaki-pakinabang ba ang napiling paksa ng may
akda?
2. malinaw ba ang itinatag ng may-akda ang kanyang pananaw, ang kanyang
layunin?
3. Ano ang edukasyon na na-target ng may akda?
4. Ano ang iyong reaksyon habang binabasa ang gawain?
5. Ano ang mga isyu ang bumangon sa gawaing kailangan mong pumuna?
6. Naging malinaw ba ang mga datos na isiniwalat ng may akda?
7. Sa iyoong palagay,naging epektibo ba ang pamamaraan na ginamit ng may
akda?
8. Ano sa iyong palagay,ano an naging bunga o resulta ng nasabing
pananliksik?

1.“Kagandahang Panloob at Panlabas sa Paglalarawan ng Kababaihan sa Piling

Epikong Pilipino.” Diwa E-Journal 1(1):21-36. Mula sa:
https://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-
kagandahang-panloob-at-panlabas-sa-paglalarawan-ng-kababaihan-sa-piling-epikong-
pilipino/

Pagsusuri:
______________________________________________________________________

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 6

_____________________________________________________________________.

2. Anonuevo, Krupskaya M. 2003. “Kapamilya ko si Filipino, Kaibigan ko si Ingles:

Metapora at Tema ng pakikitungo sa Filipino at Ingles at pagtingin sa
Bilinggwalismo ng Kabataang Pilipino.” Diwa E-Journal 1(1):144-161. Mula sa:
http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/09/09-Artikulo-

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 7
Para sa ikalawang gawain, nais kong bumuo ka ng isang panimulang pananaliksik
na nagtataglay ng mga sumusunod na pamamaraan:
 Tiyak na paksa
 Rasyonal
 Layunin sa pananaliksik
 Pamamaraan
 Bunga o resulta

Pumili sa kahon sa ibaba, para sa mga karaniwang paksa na ginagamit sa

pananaliksik. I -upload ang nabuong panimulang pananaliksik sa Schoology na may
naka attach na folder.(40 puntos)

Computer games teknolohiya Social networking sites

Kapaligiran Kultura K+12
Bullying Paninigarilyo Pamilya
Paaralan

Pamantayan sa pagmamarka:
Kabuuang pangnilalaman-20
Mahusay na naibigay ang pangkalahatan at espisipikong layunin; Nailitaw ang ugnayan
ng bawat isang layunin-10
Lohikal ang naibigay na inaasahang output batay sa amga natalakay sa unang bahagi-
10

Base sa ating natalakay, Ang pananaliksik ay isang paraan ng paghanap ng isang

tiyak na problema at pagresolba para sa ikabubuti ng mga taong sangkot dito. Maaring
ang iyong sasaliksikin ay patungkol sa mamamayan, politika, paaralan, pamilya at iba
pa. Kung ating iisipin ay nagkalat lamang ang mga problema na maaari nating pag-
aralan. Wika nga “kasama na sa buhay ng tao ang problema, kung wala ka nito, hindi
ka normal”.
Ikaw, bilang isang kabataan na mag-aaral sa new normal dulot ng pandemyang
ating kinakaharap, siguro ay may mga suliranin kang pinagdadaanan ukol dito, dagdag
pa ng ilang mga personal na problema. Para sa iyong huling gawain sa asignaturang
ito, maari bang ibahagi mo ang ilan sa mga problema na iyong kinakaharap sa ngayon?
Ilahad ang mga paraan kung paano mo ito nalulutas.
Kung isa ka sa mga kabataan na hindi sanay magbahagi ng iyong
nararamdaman, hinahamon kita sa puntong ito na ilabas ang iyong mga saloobin sa
pamamagitan ng pagsulat dahil kapag ang iyong saloobin ay iyong nailabas, kusang
gagaan ito.(15 puntos)
Pamantayan sa pagmamarka:
Malayang pagpapahayag ng damdamin-10

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 8
Kaayusan-5

_____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 9
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Sa pagtatapos ng asignaturang ito, inaasahan ko na maraming nadagdag sa iyong

kaalaman at kasanayan tungkol sa Wika at Kulturang Pilipino. Kung sakali ba na may
isa kang kaibigan na magtatanong sa iyo kung tungkol saan ang KomPan, paano mo ito
ilalarawan sa kanya? Ilahad ang iyong sagot sa kung paano mo naranasan ang
asignaturang ito.

Mayroon ka bang puna, karagdagang tanong o mungkahi sa pagpapaunlad ng

ating aralin? Isulat ang mga ito sa kolum na Para sa Guro.
Para sa Mag-Aaral Para sa Magulang Para sa Guro

Maria, Ina ng Mabuting Pastol, ipanalangin Mo kami.

Hesus, Ikaw ang aking Panginoon, ang kasiyahan ko ay nasa sa Iyo lamang.

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 10
Bernales, R. A., et.al, 2002. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya Publishing
house, Valenzuela City.
“Mga karaniwang paksa na ginagamit sa pananaliksik”
https://brainly.ph/question/2598652

Pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng interbyu.

https://www.scribd.com/document/440066498/Pagkalap-ng-Datos-sa-Pananaliksik-
Mga-Hakbang-Lapit-at-Pamamaraan

Taylan, D. R., et.al, 2019. Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kultutrang

Pilipino. Rex Book Store, Inc., Quezon City.

Anonuevo, Krupskaya M. 2003. “Kapamilya ko si Filipino, Kaibigan ko si Ingles:

Metapora at Tema ng pakikitungo sa Filipino at Ingles at pagtingin sa Bilinggwalismo ng
Kabataang Pilipino.” Diwa E-Journal 1(1):144-161. Mula sa:
http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/09/09-Artikulo-

.“Kagandahang Panloob at Panlabas sa Paglalarawan ng Kababaihan sa Piling Epikong

Pilipino.” Diwa E-Journal 1(1):21-36. Mula sa:
https://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-
kagandahang-panloob-at-panlabas-sa-paglalarawan-ng-kababaihan-sa-piling-epikong-
pilipino/

“Metodolohiya at Pagdamulat sa Pananaliksik”

https://www.google.com/search?
q=metodolohiya+at+pagdalumat+s+pananaliksik&rlz=1C1CHBD_enPH915PH915&oq=
metodolohiya+at+pagdalumat+s+pananaliksik&aqs=chrome..69i57j0i333.17623j0j7&so
urceid=chrome&ie=UTF-8

“Sistematikong Pananaliksik”
https://www.youtube.com/watch?v=Wm7YuEnqztU

Please write the Honor Code Pledge Here:

(On my honor I pledge that I completed this task without giving or
receiving any unauthorized assistance.)

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

___________________ ___________________
Signature of Student Signature of Parents

KOMPAN, Q1W4;SALVADOR, L. 11

You might also like