You are on page 1of 35

Pangangalap ng Paunang

Impormasyon at Pagbuo ng
Pahayag ng Tesis
ANALIZA L. LANZADOR
Master Teacher II
Alaminos Integrated NHS
Mahalagang Tanong

Paano mapaghahandaan
at mabubuo ang isang
mahusay na pahayag ng
tesis para sa iyong
sulating pananaliksik?
Simulan Natin

1. Ano-ano ang nakikita mo sa mga larawan?

2. Ano-anong tanong ang maari mong mabuo


tungkol sa mga nakalarawan kung saan ang
sagot ay makikita mismo sa larawan?
Maglahad ng dalawa.

3. Ano pa ang gusto mong malaman kaugnay


ng mga nakalarawan na masasagot lamang
kapag naghanap ka sa iba’t ibang
mapagkukunan ng impormasyon?
4. Bakit hindi basta masasagot sa
pamamagitan ng pagtingin lang sa larawan
ang mga gusto mo pang malaman ukol sa
mga nakalarawan?

5. Paano mo maihahanap ng kasagutan ang


mga gusto mong malaman? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

6. Paano mo maiuugnay sa pananaliksik ang


gawaing ito?
Alam mo ba?

“Bakit ba kailangan pang manaliksik?” Ito ang


karaniwang itinatanong ng mga mag-aaral kapag
ibinibigay o tinatalakay na sa kanila ang gawaing ito.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pangunahing
dahilan sa ganitong tanong o pananaw (lalo na ng
mga mag-aaral na una pa lang sumasabak sa
gawaing ito) ay ang pag-iral ng “takot”. Takot sa
itinuturing ng marami bilang isa sa mahihirap,
mabubusisi, at nakauubos ng oras na gawain. Takot
din sa iniisip nila na kakulangan nila sa iba’t ibang
kasanayang kaugnay ng pananaliksik tulad ng
pagbibigay-interpretasyon sa makakalap na datos,
sa pagsulat, sa mahabang oras ng paghahanap ng
datos at iba pa.
Subalit hindi dapat magpatalo sa takot na
ito sapagkat marami at malaki ang pakinabang sa
pananaliksik. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon
sa isang tao upang palalimin ang kanyang interes,
makatuklas ng bagong kaalaman, malinang ang
kasanayan sa paglutas ng suliranin, at hamunin
ang kakayahan sa makabagong pamamaraan.

Hindi lang ang mananaliksik ang


makikinabang sa mga bagay na kanyang
matutuklasan kundi maging ang kanyang
kapamilya, mga kaibigan, kaklase, at maging ang
buong pamayanan at ang lipunan.
Sa halip na katakutan, dapat isiping
marami ring magagandang karanasan ang
maaring maranasan sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Maaari itong isagawa nang
isahan o pangkatan. Pagkakataon din ito
upang makabisita sa mga aklatan, museo, at
sa iba pang lugar sa pamayanan. Dapat
tandaang ito ay isang mabisang paraan
upang matuto at maging kapaki-pakinabang.
Pangangalap ng Paunang
Impormasyon

Sa unang aralin ng yunit na ito ay


natuto kang pumili at maglimita ng paksa
para sa iyong sulating pananaliksik. Mula sa
nabanggit na unang gawin ay isusunod mo
ang ikalawang mahalagang hakbang, ang
pagbuo ng pahayag ng tesis na tinatawag sa
Ingles na thesis statement hango sa iyong
paksa.
Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na
pahayag ng tesis, karaniwang nangangailangan muna
ng paunang impormasyon o kaalaman patungkol sa
paksa.

Bagama’t minsa’y may paunang kaalaman na ang


mananaliksik sa kanyang paksa batay sa dati niyang
nabasa o naranasan, mapagtitibay pa niya ito lalo kung
maghahanap pa siya ng karadagang impormasyon o
datos kaugnay nito. Ang mga paunang impormasyong
tinatawag sa Ingles na background information ay
magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit
kailangang pag-aralan and napiling paksa at gagabay
sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing
pahayag ng tesis.
Pagpili ng Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang
Impormasyon

Bagama’t ilang impormasyon o kaalaman lang muna


ang kakailanganin mo at hindi pa ito ang malawakan at
malalimang pangangalap ng datos at impormasyon ay
mahalagang maipaalala sa iyo ngayon pa lang na
maghanap ka sa mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon.

Kung sa Internet ka maghahanap at nag-type sa


search engine tulad ng Google ng mga salita o pariralang
kaugnay ng iyong paksa, tiyak na libo-libong
impormasyon ang lalabas kaugnay nito subalit maging
maingat ka sa pagpili sapagkat hindi lahat ng mga
impormasyong mababasa mo ay tumpak, beripikado,
mabisa, at kompleto.
May mga web site na maituturing na higit na
mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng mga domain
extension na nagtatapos sa .edu (educational
institution), .gov (government), o .org (nonprofit
organization). Suriin ding mabuti ang mga nagtatapos
sa .gov dahil minsa’y sa mga propaganda ng
pamahalaang nakapanig ang nilalaman ng kanilang web
site.

Gayundin, maging mas maingat at mapanuri sa


mga website na nagtatapos sa domain extension
na .com (commercial) dahil kung may mahuhusay na
impormasyon mang taglay ang ilan sa mga ito, ang iba’y
hindi beripikado at madalas ay nagsisilbing paraan lang
para makapagpakilala ng mga produkto o serbisyo at
makabenta ng mga ito.
Ang aklatan ng iyong paaralan ay isa pang
napakahalagang lugar na maari mong mapagkunan
ng mga impormasyon. Maraming aklat,
pangkalahatang sanggunian tulad ng almanac,
atlas, at encyclopedia, gayundin ng pahayagan,
journal, at magasin ang matatagpuan dito na
maaring naglalaman ng mga datos o
impormasyong kakailanganin sa pagbuo ng iyong
panukalang pahayag.

Gayumpama’y tingnan mo rin ang taon kung


kailan inilimbag ang mga aklat na ito. Kung mahigit
sampung taon nang nalalathala ang mga akalat ay
maaring may mga mas bago nang impormasyon o
hindi na napapanahon ang mga impormasyon
taglay nito.
Alamin kung ang inyong aklatan ay may
suskrispsiyon sa mga library databases tulad ng
Academic Search Premier, JSTOR, at iba pa kung saan
makababasa at makapangangalap ng impormasyon
mula sa mga napapanahong teksto o artikulong pang-
akademiko at mga pananaliksik sa ibat ibang paksa at
disiplina.

Mula sa mga nakalap mong paunang


impormasyon ay suriin kung alin-alin ang
makatutulong sa iyong pagbuo ng mahusay na pahayag
ng tesis. Isang mahalagang kasanayan sa isang
mananaliksik ang maging mapanuri sa bawat
impormasyong nahahanap niya. Maaring sa una ay
mahirapan kang magdesisyon sa dami ng
impormasyong makikita mo kaya’t dapat na pumili
nang mabuti at tingnan ang pinakaangkop at
magagamit sa inyong susulatin.
SAGUTIN
1. Bakit mahalagang mangalap muna ng
paunang impormasyon o background
information tungkol sa kanyang paksa ang
mananaliksik bago siya maupo at sumulat ng
kanyang panukalang pahayag?
2. Bakit mahalagang siguruhin ng isang
mananaliksik na mapagkakatiwalaan ang
kanyang pinagkukunan ng impormasyon o
kaalaman?
3. Ano-anong bagay ang dapat niyang isaisip
kapag kumukuha ng impormasyon sa Internet?
4. Bakit iminumungkahi rin ang paggamit sa mga
sangguniang matatagpuan sa aklatan?

5. Bakit kailangang tignan din ng mananaliksik ang


petsa o taon kung kailan inilathala ang akalat? Ano
ang kinalaman ng petsa kung kailan inilathala ang
aklat sa nilalaman nito?

6. Bakit mahalaga ring manaliksik sa mga library


database kung may suskripsiyon sa mga ito ang
inyong akalatan?

7. Paano makatutulong ang pag-oorganisa sa mga


paunang kaalaman o impormasyong masasaliksik
mo?
PAGSULAT NG JOURNAL

Sa iyong palagay, totoo nga bang


maraming impormasyong
nakukuha sa Internet ang hindi
tumpak, hindi beripikado, hindi
mabisa, at hindi kompleto?
Magbigay ng patunay sa sarili
mong karanasan o karansan ng
mga taong kakilala mo.
Mga Uri ng Datos
Bawat ng pananaliksik ay nangangailangan
ng naaangkop na datos upang makamit ang
layunin ng mga ito. At upang makuha ang
kinakailangang datos, ang mananaliksik ay
nangangailangan gumamit ng tamang metodo.

Depende sa layunin ng isang pananaliksik,


maaaring ang datos na kinakailangan mo ay
iyong nagsasalaysay o naglalarawan o pareho.
Ang mga datos na may ganitong kalikasan ay
tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.
Halimbawa ng mga qualitative data ay kulay,
tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari, at sasagot
sa mga tanong na papaano at bakit. Kung minsan,
maging ang mga sagot sa mga tanong na ano, sino,
kailan, at saan ay maaari ding ikonsiderang datos ng
kalidad depende sa tanong at/o sagot ng
respondents.

Halimbawa:

1. Anong ginagawa mo noong kasagsagan ng


bagyong Ondoy?
2. Sino si Jose Rizal para sa iyo?
3. Kailan mo masasabing handa ka nang pumasok
sa isang seryosong relasyon?
4. Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa
salitang pabebe?
Samantala, may mga pananaliksik ding
nangangailangan ng datos na numerical na
ginagamitan ng mga operasyong matematikal.
Ang mga datos na ito at tinatawag na datos
ng kailanan o quantitative data.

Tumutukoy ang mga ito sa dami o


bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey
o ininterbyung mga respondent.

Maari ding ang mga datos na ito ay


tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o
nasusukat.
Halimbawa nito ay taas, bigat, edad, o
grado ng mga mag-aaral; average na halaga
ng kinikita sa pagpapart-time job ng mga
part-time students; dami ng mga babae at
lalaki o dami ng mga mag-aaral sa bawat
baitang na sinarbey ng mananaliksik.

May mga pagkakataon ding


kinakailangang gumamit ang isang
mananaliksik ng dalawang uri ng datos upang
higit na mapagtibay ang kanyang punto at/o
upang ang mga resulta ay higit na may
kredibilidad at maaasahan.
SAGUTIN

1. Ano-ano ang mga uri ng datos?


2. Ano ang pagkakaiba ng datos ng
kalidad o qualitative data sa datos ng
kailanan o quantitative data?
3. Sa ano-anong pagkakataon nagiging
mas angkop ang qualitative data? Sa
ano-anong pagkakataon naman
nagiging mas epektibo ang
quantitative data?
4. Bakit kaya sinasabing may mga
pagkakataong kinakailangang
gumamit ang isang mananaliksik ng
dalawang uri ng datos? Sa paanong
paraan makatutulong ito sa binubuo
niyang pananaliksik?

5.Sa iyong palagay, ano o ano-anong


uri ng datos ang kinakailangan mo
para sa iyong napiling paksa? Bakit mo
ito nasabi?
Ang Pahayag ng Tesis o
Thesis Statement
Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng
pangunahin o sentral na ideya ng sulating
pananaliksik.
Isa itong matibay na pahayag na
naglalahad sa pinapanigang posisyon o
pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa
na handa niyang patunayan sa pamamagitan
ng pangangalap ng mga datos at ebidensiya.
-Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis
ay malalaman ng mga mambabasa kung
tungkol saan ang sulating papel.

-Ito rin ang magbibigay direksiyon sa


mananaliksik sa pangangalap ng mga
ebidensiyang magpapatunay sa kanyang
argumento.
Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng
Tesis
Sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis ay
mahalagang magsimula sa paunang pangangalap ng
impormasyon o datos.

Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita


mo ang kaugnayan ng bawat isa sa iyong paksa.

Mula rito’y magkakaroon ka ng ideya kung sapat na ba


ang impormasyong nakalap at maaari ka nang makabuo
ng isang mahusay na pahayag ng tesis o kailangan mo
pang magsaliksik upang higit pa itong mapagtibay.

Kung sapat na ay buoin mo na ang tesis batay sa iyong


mga ebidensiyang nakalap.
Maaring masubok kung mahusay o
matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:

1. Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?

2. Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?

3. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?

4. Maaari bang patunayan ang posisyong


pinaninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?
Paraan ng Paglalahad sa Pahayag
ng Tesis
Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa
panukalang pahayag. Ayon kay Samuels (2004),
maari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na
mga paraan:

1. Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama


rito ang iyong opinyon o posisyon.
2. Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang
isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito
maaring malutas.
3. Mag-isip ng maaring maging solusyon sa isang
suliranin.
4. Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at
naiibang perspektibo o pananaw.

5. Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay


naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari ang
mga bagay-bagay sa nakalipas.

6. Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos


magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.

7. Maglahad ng iyong mg ideya kung paanong


naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito
naging ganito o ganoon (Halimbawa: musika,
sining, politika).
MGA HALIMBAWA NG PAKSA AT
PAHAYAG TESIS:
Paksa:

Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik


ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe

Tesis:

Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang


isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal
na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik
ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal
na awit.
Paksa:

Pagiging popular sa mga manonood ng


mga loveteam sa telebisyon at pelikula

Tesis:

Isinasabuhay ng mga loveteam ang


romantikong pantasya ng mga manonood ng
telebisyon at pelikula kaya suportado o
tinatangkilik nila ito.
Paksa :

Mas pinipili ng mga tao ang mga kapihan


bilang lugar para sa socialization kompara sa mga
fastfood outlets,restora, o karinderya.

Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga
kapihan ay nakapag-project ng imahe sa lipunan sa
tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-
kita o nakikipagkilala ang mga tao na
sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura,
internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng
kostumer na bumili kaya siya nakikilala ng iba pang
mga kostumer sa loob ng kapihan.
SAGUTIN
1. Ano ang pahayag ng tesis? Bakit kailangang
bumuo muna nito ang isang mananaliksik?

2. Sa paanong paraan maaring mabigyang


direksyon ng isang matibay na pahayag ng
tesis ang isang mananaliksik?

3. Paano naman maaring makatulong ang


pahayag tesis sa mga mambabasa?
4. Paano naman maaaring masubok kung
mahusay o matibay ang nabuong pahayag ng
tesis?

5. Ano-ano ang iba’t ibang paraan ng


paglalahad ng pahayag ng tesis? Sa iyong
palagay, alin sa mga paraang ito ang
magiging pinakakomportable ka? Ipaliwanag.
Pagsulat ng Journal
Gamitin bilang gabay ang
binasa mong teksto. Paano ka
makabubuo ng iyong pahayag ng
tesis mula sa iyong paksa? Ilahad
ang mga hakbang na gagawin mo.

You might also like