You are on page 1of 32

Aralin 2

Pangangalap ng Paunang
Impormasyon at Pagbuo ng
Pahayag ng Tesis

Layunin

Naipaliliwanag ang mga


kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa.

Mahalagang Tanong:

Paano mapaghahandaan at
mabubuo ang isang mahusay
na pahayag ng tesis para sa
iyong sulating pananaliksik?

Pagmasdan at suriing mabuti ang larawan sa


ibaba? Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Ano-ano ang nakikita mo sa mga larawan?


Ano-anong tanong ang ang maaari mong mabuo
tungkol sa mga nakalarawan kung saan ang sagot ay
makikita mismo sa larawan? Maglahad ng dalawa.
Ano pa ang gusto mong malaman kaugnay ng mga
nakalarawan na masasagot lamang
kapagnaghanap ka sa ibat ibang
mapagkukunan ng impormasyon? Dugtungan ang
dalawang hindi kumpletong pahayag sa ibaba.
Gusto kong malaman ang
________________________________
Gusto kong malaman ang
_________________________________

Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan


ng pagtingin lang sa larawan ang mga gusto
mo pang malaman ukol sa mga nakalarawan?
Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga
gusto mong malaman? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Paano mo maiuugnaysa pananaliksik ang
gawaing ito?

Bakit ba kailangan pang


magsaliksik?

Pangangalap ng Paunang
Impormasyon
Pumili at maglimita ng Paksa unang
hakbang sa pananaliksik.
Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
ikalawang mahalagang hakbang sa
pananaliksik.

Pagpili ng Mapagkakatiwalaang
Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
Internet
Website search engine ay nagtatapos sa .edu (educational
institution), .gov (government), o .org. (nonprofit organization)
.com (commercial) maging mapanuri dahil ang ibay hindi
berepikado.

Aklatan
Aklat almanac, atlas, encyclopedia
Databases Subscription Academic Search Premier, JSTOR

Tanong:

Bakit mahalagang mangalap muna ng paunang


impormasyon o background information tungkol sa
kanyang paksa ang mananaliksik bago siya maupo at
sumulat ng kanyang pahayag ng tesis?
Bakit mahalagang siguruhin ng isang mananaliksik na
mapagkakatiwalaan ang kanyang pinagkukunan ng
impormasyon o kaalaman?
Ano-anong bagay ang dapat niyang isaisip kapag
kumukuha ng impormasyon sa Internet?
Bakit iminumungkahi rin ang paggamit sa mga
sangguniang matatagpuan sa aklatan?

Tanong:

Bakit kailangang tingnan din ng mananaliksik ang


petsa o taon kung kalian inilathala ang aklat? Ano ang
kinalaman ng petsa kung kailan inilathala ang aklat sa
nilalaman nito?
Bakit mahalaga ring manaliksik sa mga library
database kung may subkripsiyon sa mga ito ang
inyong aklatan?
Paano makatutulong ang pag-oorganisa sa mga
paunang kaalaman o impormasyong masasaliksik mo?

Isulat sa dyurnal notbuk.


Sa iyong palagay, totoo nga bang
maraming impormasyong nakukuha sa
internet ang hindi tumpak, hindi beripikado,
hindi mabisa, at hindi kompleto? Magbigay
ng patunay batay sa sarili mong karanasan
o karanasan ng mga taong kakilala mo.

Mga Uri ng Datos


1. Datos ng kalidad o qualitative data ay
datos na nagsasalaysay o naglalarawan o pareho.
Halimbawa:
- kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari
at sasagot sa tanong na paano at bakit
- pwede din ikunsiderang datos ng kalidad
depende sa tanong at/o sagot na ano, sino, kailan, at
saan

Mga Uri ng Datos


Halimbawa:
Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng
Bagyong Ondoy?
Sino si Jose Rizal para sa iyo?
Kailan mo masasabing handa ka nang
pumasok sa isang seryosong relasyon?
Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo
sa salitang pabebe?

Mga Uri ng Datos


2. Datos na kailanan o quantitative data
tumutukoy ito sa dami o bilang ng mga bagay o sagot
ng mga sinarbey o ininterbyung mga respondent.
- maaari ding ang mga datos na ito ay tumutukoy sa
mga katangiang nabibilang o nasusukat.
Hal.: taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-aaral
- dami ng mga babae at lalaki o dami ng mga magaaral sa bawat baitang na sinarbey ng mananaliksik.

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na tanong.


1. Ano ano ang mga uri ng datos?
2. Ano ang pagkakaiba ng datos ng kalidad o qualitative data sa
datos ng kailanan o quantitative data?
3. Sa ano-anong pagkakataon nagiging mas angkop ang qualitative
data? Sa ano-anong pagkakataon naman nagiging mas epektibo
ang quantitative data?
4. Bakit kaya sinasabing may mga pagkakataong kinakailangang
gumamit ang isang mananaliksik ng dalawang uri ng datos? Sa
paanong paraan makatutulong ito sa binubuo niyang
pananaliksik?
5. Sa iyong palagay, ano o ano-anong uri ng datos ang kinakailangan
mo para sa iyong napiling paksa? Bakit mo ito nasabi?

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis


Statement
ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng
sulating pananaliksik.
isang matibay na pahayag na naglalahad sa
pinapanigang posisyon o pananaw ng
mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang
patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga
datos at ebidensiyang magpapatunay sa kanyang
argumento.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis


Hakbangin:
1. Mangalap ng impormasyon o datos
May kaugnayan ang bawat isa sa iyong paksa?
Sapat ba ang mga impormasyong nakalap?
Kung maari ka na bang bumuo ng tesis ng
pahayag? o
Kailangan mo pang magsasaliksik upang higit na
mapagtibay?

Paano mo malalaman na matibay ang


nabuo mong pahayag ng tesis?
1. Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
2. Tumutugon ba ito sa sakop ng pag-aaral?
3. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
4. Maaari bang patunayan ang posisyong
paninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng


Tesis (Samuels 2004)
Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito
ang iyong opinyon o posisyon.
Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o
suliranin at maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang
perspektibo o pananaw.

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng


Tesis (Samuels 2004)
Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay
naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari ang mga
bagay-bagay sa nakalipas.
Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos
magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong
naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito naging
ganito o ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika)

Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag


ng Tesis

Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang
isang awiting
isinasalin sa ibang lengguwahe.
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling
awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang
hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.

Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag


ng Tesis

Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga
loveteam sa telebisyon at pelikula.
Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong
pantasya ng mga manonood ng telebisyon at
pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.

Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag


ng Tesis

Paksa:
Mas pinili ng mga tao ang mga kapihan bilang lugar para sa
socialization kompara sa mga fastfood outlets, restoran, o
karinderya.
Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay nakapagproject ng imahen sa lipunan sa tulong ng media bilang lugar
kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang mga taong
sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura, internal na
disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumili kaya
siya nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.

Tanong:
1. Ano ang pahayag ng tesis? Bakit kailangang bumuo muna
nito ang isang mananaliksik?
2. Sa paanong paraan maaaring mabigyang-direksiyon ang
isang matibay na pahayag ng tesis ang isang mananaliksik?
3. Paano naman maaaring makatulong ang pahayag ng tesis
sa mga mambabasa?
4. Paano maaaring masubok kung mahusay o matibay ang
nabuong pahayag ng tesis?
5. Ano-ano ang ibat ibang paraan ng paglalahad ng pahayag
ng tesis? Sa iyong palagay, alin sa mga paraang ito ang
magiging pinakakomportable ka? Ipaliwanag.

Dyurnal

Gamitin bilang gabay ang binasa


mong teksto. Paano ka makabubuo
ng iyong pahayag ng tesis mula sa
iyong paksa? Ilahad ang mga
hakbang na gagawin mo.

Layunin

Nakabubuo ng tanong mula sa


nakalahad na impormasyong
masasagot
lamang
sa
pamamagitan ng pananaliksik.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na


impormasyon sa bawat bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka
ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman o matuklasan
na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.
1 Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang
nagtatrabaho ng part time para makatulong sa mga gastusin sa
kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita, mas malaking
pakinabang ang mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa
pamamagitan kasi nitoy nalilinang sa kanila ang mahuhusay na
ugali sa pagtatrabaho o tinatawag na work ethics. Ayon sa
obserbasyon ng mga employer, napansin nilang mas madaling
matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay makibagay sa
mga katrabaho ang mga empleyado nilang nagtatrabaho nang part
time habang nag-aaral pa. Gayunpamay napansin din nilang
karaniwang ang marka nila ay hindi gaanong matataas at bibihira sa
mga nagtatrabaho habang mag-aaral ang nakatapos nang may

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat


bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang
malaman o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

2. Naiwan ko ang smartphone ko sa bahay at pakiramdam koy


hindi na ako kompleto dahil isang bahagi ng buhay ko ang wala sa
akin. Halos hindi ko binibitiwan ang aking smartphone sa maghapon.
Lagi nang nakadikit ang earphones sa tainga ko at nakikinig sa
paborito kong playlist ng Maroon 5 habang nag-tse-check ako ng email at nag-a-update sa aking Instagram at facebook account. Dahil
hindi ako sanay magsuot ng relo ay sa smartphone din ako
nakadepende sa pagtingin sa oras. Dito rin nakalagay ang schedule
ko sa maghapon. Sa mga oras na tulad nitong matrapik ay nililibang
ko sana ang aking sarili sa paglalaro ng mga paborito kong app. Hindi
rin ako mapakali
dahil tiyak na marami nang nagte-text o
tumatawag sa akin ngayon. At mamaya sa klase, tiyak na wala akong
magagamit na aklat dahil ang e-book ko ay naka-store din sa aking
smartphone.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat


bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang
malaman o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

3. Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay


patunay na may pansariling disiplina ang isang mag-aaral. Maliban
kasi sa paghahanda para sa mga aralin sa silid-aralan, ang isang
mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali sa ibat ibang
gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs, isports, kontes,
at iba pa. Idagdag pa ang maraming lakad o gimik ng barkada. Kung
kulang sa disiplinang pansarili ang isang mag-aaral ay maaaring
maubos ang kanyang oras sa mga gawaing walang kaugnayan sa
kanyang pag-aaral at maging isang malaking hamon sa kanya ang
pagkakaroon ng hindi lang pasado kundi mahuhusay na marka. Isa sa
mga kinokonsidera
sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga
kolehiyo ay kung nababalanse ba ng mag-aaral ang pagiging abala sa
ibat ibang gawain at ang pag-aaral. Ang magagandang marka sa
kabila ng pagiging abala ay magpapatunay na nagawa ito.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat


bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang
malaman o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat


bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang
malaman o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

You might also like