You are on page 1of 2

Filamer Christian University

Lungsod ng Roxas
Paaralang Gradwado

Filipino 416
(Maunlad na Retorika/Advanced Rhetoric)

MA. CHRISTINE B. TEJADA Prof. MELODY J. BLANCE


Taga-ulat Propesor
Aralin 9 – Mga Uri ng Pagpapahayag

A. Panimula
Sa estilo ng pagbuo ng pahayag, naipakikita ang uri nito
kung paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay, at pangangatwiran.
Katunayan bawat isa’y naiiba sa paraan ng pagpapahayag o di
kaya’y sa presentasyon. Narito ang mga uri ng pagpapahayag.

B. Paglalarawan/Deskriptib
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraang nagpapahayag ng mga
kaisipan o pala-palagay. Sa diskursong ito ay napapagalaw ng
isang tagapagpahayag ang kaniyang imahinasyon, maging sa kanyang
mambabasa at tagapakinig. Sa pangkalahatan, ang diskursong ito ay
nagbibigay ng malinaw na imahen ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o
kakintalan. Bunga ng kakintalang nilikha ng limang pandama ng tao
o tinatawag na singko bukales.

Layunin
Ang layunin ay magpamalas sa isip ng tagapakinig at
mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.

C. Katangian ng tekstong Paglalarawan


1. Malinaw na nailalarawan sa talukap-mata ang bagay o lugar na
tinutukoy. Nagagawa ang bagay na ito sa tulong ng iba’t ibang
pandama ng tao. Kabilang dito ang panlasa, paningin, pandinig,
at iba pang pandama.
2. Taglay ng paglalarawan ang uring karaniwan o masining na
paglalarawan. Sa kabatiran ng manunulat, ang dalawang uring ito
ng paglalarawan ay naipapakita/nagagawa.
3. Gumagamit ng mga salitang pang-uri, pang-abay, at pandiwa sa
paglalarawan. Ang bahagi ng pananalita ay may malaking
naitutulong sa gawaing paglalarawan.
4. Nagagawang isabay sa sariling imahinasyon ang daloy ng
paglalarawan sa teksto. Sa mainam at maayos na paglalarawan,
ang bawat detalye ay inilalahad ng imahinasyon ng mambabasa.
5. Ganap na kaalaman ng kakanyahan at kalikasan ng paksang
inilalarawan.

D. Kahalagahan ng Paglalarawan
1. Nagagawa nitong maipakita sa mambabasa/tagapakinig ang daigdig
sa pamamagitan ng paningin at pandama.
2. Maaaring ipinta ang mga tanawin at mga bagay-bagay na
singkinang ng mga kulay ng bahaghari, ang maharlikang
pagtatanghal ng isang dulang musikal, o kahit ang pinakadukhang
pagkakatumpok-tumpok ng mga barung-barong na tirahan ng mga
iskuwater.
3. Magagawang maging kongkreto ang mga bagay na abstrak at ang
masaklaw ay maging tiyak.

E. Proseso ng Paglalarawan
1. Pagtingin sa ilalarawan– suriin at tingnang mabuti ang bawat
anggulo ng bagay o pangyayaring isusulat o di kaya’y ang
ilalarawan.
2. Pagpili ng mga salitang gagamitin– bago simulan ang pagsusulat,
siguraduhin ang pamimili ng pananatiling gagamitin na
maglalarawan ng bagay-bagay o pangyayari.
3. Pagsulat o Paglalarawan ng bagay o lugar o pangyayari– ang
maayos na pagkakasulat o pagkakalahad ng bagay na inilalarawan
ay instrumento upang maikintal sa imahinsayon ng mambabasa o
nakikinig ang diwang nais ipaabot. Dito lalapatan ng tamang
gramatika ang paglalarawan.

F. Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwang o Konkretong Paglalarawan – ito ang uri ng
paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama, naririnig, o
di kaya’y nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginagawang
paglalarawan. Ika nga, sa uring ito, mailalarawan sa balintataw
ng nakikinig o nagbabasa ang sinasabi ng manunulat dahil ito
ang uri ng pahayag na napakamakatotohanan.

2. Masining o abstraktong paglalarawan – ito ay paglalarawang


abstrak na di mo nakikita nang kongkreto ang larawan o imaheng
isinasaad ng manunulat. Kadalasa’y gumagamit din dito ng mga
matalinghagang pahayag.
Halimbawa ng Masining na Paglalarawan
a. Paglalarawan sa Tao
b. Paglalarawan sa Damdamin
c. Paglalarawan sa Bagay
d. Paglalarawan sa Tanawin o Lugar

3. Teknikal na Paglalarawan - pangunahing layunin ng siyensya ang


dapat mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang
malaman tungkol sa mundo at kalawakan.

G. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talatang Naglalarawan


1. Ang layon – kailangang malinaw na paglalarawan kung nais
ipakita ay ang kaibahan ng isang bagay na kauri nito.
2. Ang Abot ng Tanaw – makatutulong sa ikalilinaw ng paglalarawan
kung ilalarawan ang abot ng tanaw mula sa kinaroroonan ng
naglalarawan.
3. Mga katangiang namumukod – humanap ng mga katangian na siyang
magpapabukod sa mga kauri nito.
4. Ang anyo ng bagay sa kabuuan – ginagamitan ito ng mga
pangungusap na nagpapakilala ng laki, hugis at kulay ng ano
mang bagay na inilalarawan.

Sanggunian:
1. https://michlanistosa.wordpress.com/2016/12/04/mga-uri-ng-pagpapahayag/
2. http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/paglalarawan-deskriptib.html
3. http://www.myph.com.ph/2011/09/textong-descriptiv.html#.WuQuCvlubIU
4. https://www.academia.edu/30970928/Tekstong_Deskriptibo
5. https://beverleymendoza.wordpress.com/2013/08/16/mga-aralin-sa-
masining-na-pagpapahayag/

You might also like