You are on page 1of 5

DISKURSO

Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya


sa kahit sinumang lahi ng tao sa mundo. Kung kaya mahalaga ang
pakikipagdiskurso sa buhay ng tao. Nagmula ito sa Middle
Englishna ‘discours’ na mula sa Medieval at Latin na ‘discursus’ na
nangangahulugan na pagtutuloy-tuloy at ‘kumbersasyon’. Sa
makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa kakayahan ng
pagsasaayon ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng
isang tao.

Ayon sa diksyunaryong Ingles-filipino (1984), ang diskurso ay


nangangahulugang magsulat o magsalita nang may katagalan o
kahabaan.

Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang


diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa,
pasulatman o pasalita.

Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang


paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa na may
hangaring maunawaan at unawain ang kausap.

Ang diskurso ay kumbersasyonal na interaksyon.

Ang diskurso ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t


ibang pangungusap – sa ibang salita ay salitaan (conversation),
argumento o pananalita (speeches).
Ayon kay John Langshaw Austin at John Rogers Searle kayang
mabago ng salita ang realidad.

MGA LAYUNIN NG DISKURSO

1. Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang


maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat.
2.Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o
kakintalan.
3.Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
4.Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng
isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng
mambabasa o tagapakinig.

Dalawang Anyo ng Diskurso


1.Pasalita
2.Pasulat
A.Pasalitang Diskurso.
Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya’t bukod
sa kahalagahan ng mga
salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang
sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng
pagbigkas,tono,diin,kilos,kumpas ng kamay,tinig,tindig at iba
pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago
sa kahulugan ng mensahe.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasalita


1.naririnig
2.binibigkas
3.di halos napaghahandaan ang mga ideya
B.Pasulat na Diskurso.
Higit na pag-iingat ang isinasagawang isang manunulat. Sa
sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa
tatanggap at ito’y kanyang nabasa,hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang sinulat.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasulat


1.nababasa
2.sinusulat
3.may mahabang panahon ng paggawa

Mga Katangian ng Diskursong Pasalita at Pasulat


1.gumagamit ng wika
2.may layunin/mensahe
3.may encoder at decoder

Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit upang maghudyat


ng:
1.sunod-sunod na pangyayari
2.pagtitiyak
3.paglalahat
4.paghahalimbawa
5.pagbibigay-pokus
6.pagbabagong lahat
7.naghuhudyat ng pamamaraan ng sumulat

Konteksto ng Diskurso
a.interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot
sa isa’t isa
b.panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila
ng isang pangkat tulad ng isang klase.
c.pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng organisasyon
o samahan tulad ng isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at
ng mga empleyado.
d.pangmasa – sa harap ng makaking grupo ng tao tuad ng
pangangampanya
e.interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang
kultural na pangkat
f.pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular
na kasarian tulad ng usapang lalaki.

Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:


1.paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop
sa lahat ng konteksto dahil may paksang pampersonal,pambansa,
pangkultura o di kaya ay pambabae o panlalake.
2.layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais
ang mga taong sangkot, dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng
diskuro sa pamamaraang magiging daan sa katuparan ng layunin,
maaring mapabago ang pananaw ng isang tao,
makaimpluwensya, makabenta o iba pa.
3.pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring
maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil na rin sa ang
wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay
maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay
makakaapekto sa pagtanngap ng kinakausap.
4.tagatanggap – ang tagahatid ar tagatanggap ay dalawang
magkaibang nilalang na may iba’t ibang takbo ng pag-iisp;
nangangahulugan na kahit sa pakiramdam ng tagahatid na
malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon
ng tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang niya ang
tagatanggap.

Teksto – ito ay binubuo ng mga pangungusap na isinasaayos


upang maghatid ng mensahe.

URI NG DISKURSO
1.Deskriptib/Paglalarawan-

Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang


tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan.

Ito ay teksto na naglalayong magsalaysay ng isang pangyayari na


may tiyak na ayos ng pagkakasunod-sunod sa galaw at kilos.

Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang
mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang naranasan
ng manunulat.

Uri ng Paglalarawan
a. Karaniwang Paglalarawan– nagbibigay lamangng
impormasyon sa inilalarawan
i.ang pisikal na anyo
ii.antas ng pamumuhay
iii.pag-uugali
iv.mga nakasanayan

b. Masining na Paglalarawan – pinagagalaw ng masining na


paglalarawan ang guni-guni ng bumabasa o nakikinig upang
Makita ang isang larawang buhay na buhay.
i.Tula
ii.Nobela
iii.Maikling kwento
c. Teknikal na Paglalarawan – pangunahing layunin ng siyensya
ang dapat mailarawan nang akma ang anumang dapat at
kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.
Halimbawa: Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat
ng mga turista.

2.Naratib/Pagsasalaysay- Dito, isinasambit natin ang mga


detalyeng kalakip ng isang partikular na pangyayari upang
maibahagi sa iba angmga bagay na nagaganap sa atin o mga
bagay na ating nasaksihan.

Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang
pangyayari sa isang maayos at sistematikong kaayusan.

Ang mga mapagkukunan ng paksa:


a.likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon
ay makalilikha ng isang salaysay.
b.panaginip o pangarap – ang mg panaginip at hangarin ng tao ay
maaari ding maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
c.nabasa – mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap
na nauunawanaan ang mga pangyayari.

MGA TEORYA NG DISKURSO


1.Speech act theory- isang teorya ng wika kung saan sangkot ang
kilos o galaw sa pag- unawa sa pagpapakahulugan ng isang
diskurso.
-Ito ay tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi
na itong may kaakibat na kilos.
Aspeto ng Speech Act
a.Aktong Locutionary –pagsasabi ng mga tiyak na kahulugan sa
tradisyunal na paraan.
b.Aktong Illocutionary –may tiyak na pwersa sa salita.
c.Aktong Prelocutionary– tumutukoy sa magiging reaksyon o
pagkilos na gagawin ng tagapakinig o bumasa mula sa
illocutionary act.
2.Ethnography of Communication- Gumagamit ng mga
kasangkapan mula sa antropolohiya upang pag- aralan ang berbal
na interaksyon sa setting nito.
-Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, pattern, at
tungkulin ng pagsasalita.
a. participant Observation – ang pinakasusi ng teyoryang
ethnography of communication.
3.Pragmatic Theory- pag- aaral sa mga paraan kung saan ang
konteksto ay nakakaapekto sa kahulugan.
4.Interactional Linguistics- Pinag- aaralan nito kung paanong ang
mga tao ay nakalilikha ng kahulugan sa isang berbal na
interaksyon, kung paano tayo nakalilikha ng kahulugan sa pang
berbal na iinteraksyon, kung paano tayo nakikibahagi saisang
kaalamang kultural.
5.Contextualization Cues- Ang grammar at ang referensyal
nakatangian ng grammar ang makapagbigay ng interpretasyon sa
bawat isa upang makabuo ng paghihinuha.
6.Variationist Theory – ito ay kinapapalooban ng pagkakaiba sa
tono, intonasyon, gamit ng salita, gayon din ang istrukturang
panggramatika ng isang tagapagsalita.
-Ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na
salita o mga salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.
-Taong 1971 ng pangunahan ni William Labov.

Mga Salik ng Diskurso


a.porma – ang gamit ng salita ay nababago sa porma nito.
b.setting – ito ay ang lugar at panahon na kinaganapan ng
diskurso.
c.participants – ito ay ang tao o mga taong kasangkot sa diskurso.
d.ends – ito ay ang layunin ng diskurso.
e.act sequence – ito ay ang pagkakasunod-sunod ng pagbuo
ng diskurso.
f.keys – ito ay ang susi na makatutulong sa mabisang diskurso,
kasama ang tono, ekspresyon at pmamaraan sa pagpapahayag
g.instrumentalities – ito ay kung ano ang gamit ng wika pati na
rin ang porma at antas nito sa paggamit sa diskurso.
h.norms – ito ay ang kaugalian, tradisyon, at kulturang
kinasangkutan ng diskurso.
i.genre – ito ay anyo ng diskurso.

You might also like