You are on page 1of 6

FILIPINO 117: NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

ANO ANG DISKURSO?


 Ito ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t ibang pangungusap- sa ibang salita ay
salisalitaan (conversation), argumento o pananalita (speeches).
 Paraan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita
 Nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan
 Ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan  Interaktibong gawain tungo sa
mabisang paglalahad ng mga impormasyon
 Tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa
mga ideyang inilalahad.( Milrood 2002)

TEORYA NG DISKURSO:
-isang teknikal na karaniwang ginagamit sa larangan ng linggwistika gayon din sa pilosopiyang
pang wika
1. Speech act theory- isang teorya ng wika kung saan sangkot ang kilos o galaw sa pag- unawa sa
pagpapakahulugan ng isang diskurso.
-isang teknikal na karaniwang ginagamit sa larangan ng linggwistika gayundin sa pilosopiyang
pangwika.
2.Ethnography of Communication- Gumagamit ng mga kasangkapan mula sa antropolohiya upang pag-
aralan ang berbal na interaksyon sa setting nito.
3.Pragmatic Theory- Pag- aaral sa mga paraan kung saan ang konteksto ay nakakaapekto sa kahulugan.
-kaangkupan ng salita sa isang particular na sitwasyon.
4. Interactional Linguistics- Pinag- aaralan nito kung paanong ang mga tao ay nakalilikha ng kahulugan sa
isang berbal na interaksyon, kung paano tayo nakalilikha ng kahulugan sa pang berbal na iinteraksyon,
kung paano tayo nakikibahagi sa isang kaalamang kultural.
5.Contextualization Cues- Ang grammar at ang referensyal na katangian ng grammar ang makapagbigay
ng interpretasyon sa bawat isa upang makabuo ng paghihinuha.
6. Variationist Theory- nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang
diskursong kinapapalooban nito na pagkakaiba ng aksent, intonasyon, gamit ng salita gayun din ang
gramatikang istruksyunal ng isang ispiker.

APAT NA DIMENSYON NG DISKURSO:


1. KONTEKSTO
DELL HYMESDELL HYMES
• S – (setting at scene) – lugar ng komunikasyon
• P – (participants) – mga kasangkot sa komunikasyon
• E – (ends) – ang layunin sa komunikasyon
• A – (act sequence) – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; mga gampaning
pangwika na nakapaloob sa komunikasyon
• K – (keys) – ang tungo o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalita
• I – (instrumentalities) – mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o istilo na ginagamit
sa pag-uusap (verbal at di- verbal)
• N – (norms) – mga pamantayang kultural; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang
sitwasyon
• G – (genre) – uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon
2. KOGNISYON
• Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap
• Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag- uusap
• Kailangan ang mataas na level ng pang-unawa tungo sa higit na karunungan

3. KOMUNIKASYON Tumutukoy sa verbal at di-verbal na komunikasyon sa paghihinuha ng mga


impormasyon
URI NG DI-VERBAL:URI NG DI-VERBAL: • Proximics o Proksimiks • Chronemics o Kronemiks •
Oculesics o Okulesiks • Haptics o Haptiks • Kinesics o Kinesiks • Objectics o Objektiks • Vocalics o
Vokaliks • Olfactorics • Colorics • Pictics • Iconics
4. KAKAYAHAN
• Lahat ng tao ay may kakayahan sa 4 na makrong kasanayan at dapat linangin para sa higit na
masaklaw na interaksyon
4 NA MAKRONG KASANAYAN:
-pagbasa
-pagsulat
-pagsasalita
-pakikinig

KAANTASAN NG SALITA
A. Formal -(pamimitagan, malumanay na tinig,malinaw,katumpakan, pag-iwas sa mararahas na
salita sa pakikipag-usap) - mga salitang istandard dahil sa ito’y kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng
karamihang nakapag-aral sa wika.
1. Pambansa mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing sumisirkula sa buong kapuluan
at lahat ng paaralan.
2. Pampanitikan - mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas
ang uri.
B. Di-Formal o ImformalB. Di-Formal o Imformal
1. Lalawiganin - mga salitang kilala lamang sa pook ng pinanggalingan nito, dulot ng
makarehiyunal na kaugalian ng tao.
2. Kolokyal - mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar
bagamat may anyong repinado depende sa nagsasalita
3. Balbal - tinatawag sa Ingles na slang. Tinatawag ding salitang kanto, mga gay lingo o sward
speak.

DALAWANG ANYO NG DISKURSO :


- Pasalita
- Pasulat

1. DISKURSONG PASALITA
- Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang
sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng
pagbigkas,tono,diin,kilos,kumpas ng kamay,tinig,tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na
maaaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahE.

-mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan
kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga
rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa
taong kausap upang makamit ang layunin
2.DISKURSONG PASULAT
-Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa
isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang nabasa,hindi na maaaring baguhin
ng manunulat ang kanyang sinulat.

-mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw
niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang
pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad
ng anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay
nakasulat. maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo

PARAAN NG PAGDIDISKURSO
1.DISKRIPTIV/PAGLALARAWAN
- Pagbibigay ng malinaw ng imahen ng isang tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng
isang impresyon o kakintalan.
 Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay
maranasan din ang naranasan ng manunulat.
Halimbawa : Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista.
URI NG PAG LALARAWAN:
1. Pangkaraniwang paglalarawan – nagbibigay lamang ng tamang kabitiran sa inilalarawan.
Ginagamit dito ang pangkaraniwang na paglalarawan gaya ng maganda, maayos, malinis at iba pa.
2. Masining na paglalarawan – ang guni – guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang
isang buhay na buhya na larawan.
3. Abstrak na paglalarawan – gumagamit ng di – literal na paglalarawan; inaaniban ito ng mga
idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang sariling damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayuytay
sa ganitong uri ng paglalarawam.

ORGANISASYON NG DISKURSONG NAGLALARAWAN


Sa paglalarawan, mahalagang bigyang pansin ang mga detalye at kung paano ihahanay ang mga
ito.
MGA PARAAN NG PAGHAHANAY NG MGA DETALYE:
 Kronolohikal – pag aayos ng detalye batay sa panahon ng pagkakaganap nito
 Espasyo- ang mga detalye ay maaaring banggitin batay sa posisyon sa isang tiyak na lugar.
Hal: Paglalarawan sa isang klasrum, maaaring magsimula sa pagbanggit sa pinto bago
ilarawan ang mga silya, pisara at iba pa. Kung tanawin naman, maaaring simulan mula sa malayo
palapit o mula sa malapit palayo.
Organisasyon ng diskursong naglalarawan
 Pinakakapansin-pansing katangian- sa paglalarawan ng kagandahan ng isang babae,
maaaring magsimula sa kanyang nangungusap na mga matang may malalantik na pilik, kung mga mata
ang pinakamaganda niyang katangian.
 Kahalagahan ng mga detalye – maaari ring simulan ang paglalarawan sa pamamagitan ng
unang pagbanggit sa bagay na sa palagay mo ay siyang pinakamahalaga.
Hal: mga kalat sa klasrum, mga papel na lumilipad, at iba pa.
 Narito ang ilang halimbawa ng paglalarawan. Anong mga paraan ng paghahanay ng mga
detalye ang ginamit dito?
.  Halos magputok sa bandang tiyan ang suot niyang marusing na polo shirt. Doble ang
kanyang baba, namumutok ang mga bisig. Gusot ang buhok na parang ilang buwan nang hinahabol ng
barbero. Nagbago ang simoy ng hangin nang lumapit siya.
 Parang lata ng sardinas. Ito agad ang pumasok sa isip ko nang makita ko ang tirahan nila. Paano
nagkakasya sa karampot na espasyo ang mag asawang may tatlong anak? Halos mauntog na ako gayong
hindi naman ako matangkad. Ni hindi ko puwedeng iunat ang mga binti ko nang wala akong
mababanggang bagay o bata.

2. NARATIV/PASALAYSAY
-Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang partikular na pangyayari upang maibahagi sa
iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o mga bagay na ating nasaksihan.
 Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos at
sistematikong kaayusan.
URI NG PASALAYSAY
a) Pasalaysay na totoo – base sa tumpaktiyak at tunay na mga pangyayari.
b) Pagsasalaysay na likhang isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabola, maikling kwento
at nobela.
KASANGKAPAN SA PAGSASALAYSAY:
a) Tema
b) Tauhan
c) Pangyayari
d) Tagpuan

3. EKSPOSITORI/PAGLALAHAD
-Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon
na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang
magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.
 Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon.

BAHAGI NG PAGLALAHAD:
1. Simula – ang simula ng pahayag
2. Katawan – ang nilalaman ng pahayag
3. Wakas – maaring buod, tanong, panghuhula sa maaring mangyayari, pagsariwa sa suliraning
binanggit sa simula, pagamit ng kasabihan angkop sa akda.

4. ARGUMENTATIB/ PANGANGATWIRAN
- Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng
isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
- Tulad ng diskursong paglalahad, ang diskursong nangangatwiran o argumentatibo ay nagbibigay
paliwanag sa isang bagay
- Ngunit ang paglalahad ay simpleng pagpapaliwanag, samantalang ang pangangatwiran ay hindi
tumitigil sa paliwanag lamang. Ang pagpapaliwanag ay bahagi lamang ng ibig nitong natatamo.
 Layunin nitong:
 Papaniwalain
 Hihikayatin
 Akitin
 At kumbinsihin ang tagapakinig o mambabasa tungo sa isang tiyak na aksiyon.
- Ang debate ay isang uri ng diskursong pangangatwiran.
- Ginagamit din ang pangangatwiran sa editoryal, liham sa editor, sanaysay, propaganda, at
patalastas. Mahalaga rin ang pangangatwiran sa prosesong hudisyal at sa akademya—sa
paglalatag at pagtitimbang-timbang ng iba‘t ibang kaisipan at teorya.
- MGA IBA‘T IBANG PARAAN SA PAGHAHANDA NG PANGANGATWIRAN:
 Analisis- pagsusuri sa paksa sa pamamagitan ng paghihimay-himay sa mga bahagi nito.
 Sanhi at bunga- pag uugnay ng mga pangyayari batay sa kung alin ang sanhi ng aling
bunga.
 Induction- paghahanay ng mga ideya mula sa maliit na piraso ng ebidensya patungo sa
kongklusiyon. (specific – general)
 Deduction- kataliwas ng induction. Nagsisimula sa pangkalahatang kaalaman, bago
maghinuha ng mga partikular na pangyayari. (general-specific)
 Syllogism- binubuo ng tatlong bahagi: major premise, minor premise at kongklusiyon
na hinahango sa mga premise.
Halimbawa:1 ) Major premise – Lahat ng tao ay mortal Minor premise- Si
Socrates ay tao. Kongklusiyon: Samakatuwid, si Socrates ay mortal. * balido/valid2)
Major premise: Lahat ng isda ay nakakalangoy. Minor premise: Si Ross ay nakakalangoy.
Kongklusiyon: Samakatuwid, si Ross ay isda. *Hindi balido/invalid

DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN:


1 .Pabuod o inductive method - Sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan o
kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraan muna sa iba’t – ibang
obserbasyon at paulit – ulit na eksperimentasyon at pagsusuring bago ang paglalahad kapag narating na
ang katotohanan o prinsipyo.
- nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa
pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Silohismo o deductive method - Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng katotohanan;


panghahawakan muna ang isang pangunahing Batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito
ngayon ibabase ang konklusyon
- sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw
na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o
katotohanan.

MGA LAYUNIN NG DISKURSO


•Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang
naranasan ng manunulat
•Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng
isang impresyon o kakintalan
•Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig
•Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o tagapagkinig.

KAHALAGAHAN NG DISKURSO AT PAGDIDISKURSO


•Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng
tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at mambabasa.
•Sa pamamagitan ng diskurso nakapaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.

MGA ELEMENTO NG DISKURSO


1. Nilalaman
• May pagbatid o mahalagang mensahe
• May mahalagang impormasyon
• May kaalamang mapapakinabang
• Makalilibang

2. Pananalita
• Madaling maunawaan
• May tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ng isang pahayag
• Maraming gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan

KONTEKSTO NG DISKURSO:
1. KONTEKSTONG PANGGRUPO
Hal. - pulong ng pamunuan ng isang samahang pang-mag-aaral
2. KONTEKSTONG PANG-ORGANISASYON
Hal. - memorandum ng isang pangulo sa kanyang kumpanya sa lahat ng empleyado
3.KONTEKSTONG PANGMASA
Hal. - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
4. KONTEKSTONG INTERKULTURAL
Hal. - pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN
5. KONTEKSTONG PANGKASARIAN
hal. -usapang mag-asawa

MGA SANGGUNIAN:
Kab. 4; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunato, at
Alvin Ringgo Reyes
 http://adikoalameh.blogspot.com/2011/12/silid- aralan.html
 http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter22/chapter22 0105.htm
https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso
https://prezi.com/twfx5fk5yl20/teorya-ng-diskurso-at-konsepto-ng-diskurso/
https://prezi.com/1izvwxgcfseq/konsepto-ng-diskurso/
https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/diskurso-43048341

You might also like