You are on page 1of 6

Mga

Natatanging
Diskurso sa
Wika at
Panitikan
Ang Kahulugan at Katuturan ng Diskurso

Discourse (Ingles) , Discursus (Latin) – na nangangahulugang diskusyon o


argumento
Isa rin itong yunit panglinggwistik na mas Malaki kaysa sa isang
pangungusap gaya ng isang kumbersasyon o isang kwento. (Merriam Webster,
1996)
Maituturing na mas malaki ito kaysa sa isang pangungusap sapagkat ng
nagkakaroon ng pagpapalitan ng mga ideya na pwedeng maganap sa mga
sosyalang pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at maayos na karaniwang
humahabang pagpapahayagan ng mga kaisipan hinggil sa kung anong paksa na
maaaring pasalita o pasulat man.
Tumutukoy ang diskurso sa paggamit ng wika, sa paraan ng pagpapahayag at sa
pag-unawa kung paano ginagamit ang wika. (McCarthy, 1991)
Nangangahulugan ito na sa pagdidiskurso ay ginagamit ang wika upang maipahayag
ang mga kaisipan o saloobin sa pamamagitan ng pasulat o pasalita.

Mga Teknikal na Pagpapakahulugan sa Diskurso

Ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag, pasulat o pasalita man. Ang


pakikipagdiskurso ay ang pagpapahayag ng mga kaisipan o ideya o di kaya’y
damdamin sa pamamagitan ng paraang pasulat o pasalita.
Ang diskurso ay nangangahulugan ding pakikipagtalastasan. Sapagkat nagkakaroon
ng pagpapalitan ng mga ideya o kaisipan.
Ang diskurso ay ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang
mahusay na usapan.
Ang diskurso ay isang
interaktibong gawain tungo sa mabisang
paglalahad ng mga impormasyon. Masasabi nating ang diskurso ay isang
interaktibong gawain sapagkat sa pakikipagdiskurso ay nagkakaroon ng interaksyon
ang dalawang taong naguusap sa pamamagitan ng pagpapalitan ng ideya o
impormasyon.

Sa pagdidiskurso, mahalaga na:

Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito. Ika
nga ang wika at kultura ay magkabuhol. Kung gayon ay marapat lamang na maging
maingat sa paggamit ng wika o salita sapagkat maaaring taglay nito ang kultura ng
taong nagsasalita.
Mahusay na maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa
salita.
Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga
mensahe.
Sa makatuwid, ang pagdidiskurso ay hindi lamang nakapokus sa mismong salita.
Sa halip, bahagi rin nito ang pagtukoy sa mga nakatagong mensahe.
Mahalaga ring maisaalang-alang ang mga sumusunod na dimension; Konteksto –
mainam na makita ang kabuuang konteksto sa pamamagitan nito,
maaaring mapaangat ang sensitibiti ng
dalawang naguusap.
Kognisyon – tumutukoy ito sa wasto at angkop na pagunawa sa mensahe ng
mga nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang
kanilang kinabibilangan
Komunikasyon – dimensyong tumutukoy sa berbal at di berbal na paghinuha
ng mga
Kakayahan – likas sa mga tao ang pagkakaroon nito katulad ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing
kailanganin sa paghusay ng pagdidiskurso.
Dalawang Kakayahan:

Kakayahang Komunikatibo – kakayahang umunawa at magamit ang mga


pangugusap
Kakayahang Linggwistika – kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag
Kailangang may wasto itong kayariang panggramatika na aangkop sa
panlipunang kapaligiran sa pisikal na setting ayon sa hinihingi ng
sitwasyon.

ANG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

Sa pasulat na diskurso pangunahing isinaalang alang ang estrakturang gramatikal ng


wika. Halimbawa nito ay ang parirala, sugnay, pangungusap at iba pa. Awtomatiko
ang pasalitang komunikasyon kaysa pasulat na komunikasyon.
Sa pasulat na komunikasyon, ay maaaring maganap ang pagrerebisa at matamang
paghahanda ng isusulat na mensahe na di nagaganap sa pasalitang komuniaksyon o
pagdidiskurso. Mas pormal ang pasulat kaysa sa pasalitang komunikasyon.

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKRSO:

Sa Kasaysayan
Unang naging paraan ng komunikasyong pantao ang pagsasalita subalit
walang ebidensya kung kailang nagsimulang magsalita ang mga tao.
Sa kasaysayan, naitatala ang uanang nakagamit ng pagsulat ay nagsimula
5,000 taon na ang nakalipas. Ang lahing Subarian ang sinasabing unang
nagimbento ng pagsulat.
Nagkakaiba ang pasalita at pasulat na diskurso sa kasaysayan
sapagkat ang pasulat na diskurso ay naitatala sa ating kasaysayan
samantalang ang pasalita ay hindi ito naitatala sa ating kasaysayan.
Sa paraan ng paghahatid ng mensahe
Sa pasalita, ito ay sa pamamagitan ng mga simbolong naririnig o mga
ponema. Ito ang mga tunog ng wika. Ang mga simbolong ito ay agad
ding nawawala sa hangin.
Samantalang sa pasulat, ang mga simbolong ginagamit ay mga grapema,
sinusulat ang mga ito at nananatili ang anumang bagay ng pinagsulatan
dito.
Nagkakaiba ang pasulat at pasalita na diskurso sa paraan ng paghahatid ng
mensahe sapagkat sa pasalitang diskurso, ang ginagamit ay ang mga
simbolong ponema katulad ng mga tunog. Samantalang sa pasulat na
diskurso, ginagamit ang simbolong grapema tulad na lang ng mga titik.
Magkakaiba rin sila sa pagpapanatili nito sapagkat sa pasalita, agad itong
nawawala sa hangin samantala sa pasulat na diskuros ay nananatili ito sa
anumang bagay na pinagsusulatan nito.
Sa panahong ginugugol sa pag-aaral
Natural na paraan ang ginagamit sa pag-aaral ng pagsasalita.
Sa pagsulat, higit na mahabang panahon, maingat na pagtuturo at
pagsasanay ang kinakailangan.
Nagkakaiba sa panahong ginugugol sa pag-aaral sapagkat higit na mahaba

ang panahong iginugugol sa pag-aaral ng pasulat na diskurso.

Sa sitwasyon

Sa pagsasalita, gumagamit ng pinagsamang berbal at di-berbal na paraang

komunikasyon. Ang feedback ay maaari ring tuwiran o agaran.

Sa pagsusulat, ginagamitan lamang ito ng berbal na komunikasyon

at maaaring maantala ang feedback ng resiber.

Nagkakaiba sila sa sitwasyon sapagkat sa pagsasalita maaaring gamitin ang

berbal at di-berbal na paraan. Kapag sinabing berbal, ito ay ang paggamit

ng wika o mga salita at ang di-berbal na komunikasyon ay ang paggamit ng

kumpas o kilos ng katawan. Samantalang sa pagsusulat ay berbal na

komunikasyon lamang ang maaaring gamitin.

Nagkakaiba rin sila sa feedback sapagkat sa pagsasalita ay tuwiran o

agaran ang feedback samantalang sa pasulat na diskurso ay maaari itong

maantala.

You might also like