You are on page 1of 25

Kabanata III

Estilo
Aralin 1: Layunin ng Estilo
u Nakapagpaliwanag ng kaisipan hinggil sa
kalikasan ng estilo.
u Nakapagsusuri ng isang akda ukol sa teknik
ng estilong ginagamit.
u Nakilala ang sariling pamamaraan o estilo sa
pagsulat.
“Kung ano ang ipinapakita ng tao, iyon din ang
kanyang estilo.”
Nangangahulugan lamang ito na naiimpluwensyahan
ang estilo ng pagsulat ng isang indibidwal sa kanyang
personalidad gaya ng pagiging palabiro, seryoso at
iba pa. Samakatuwid, nasa tao ang kapasyahan sa
pagpili ng mga salitang gagamitin – kung paano niya
ito bibigyang kahulugan at paglalaruan sa pagbuo ng
kaisipan.
Presentasyon
Kahulugan ng Estilo
u May mga batayang prinsipyo ang estilo kaugnay ng
pagsulat nang maayos at epektibong pahayag.
Ayon kay Bayados, et al. (2009), hindi basta
nagaganap ang pagsulat. Ang tamang sangkap sa
pagsulat ay mahusay na napag-iisa sa isang
sistematikong paraan ng isang awtor, karanasan,
kawing ng mga salita at isang kapaligiran na
tumatalagay sa mabisang pagpapalahad ng mga
ideya at kaisipan.
Mga dapat isaalang-alang sa
Pagpili ng Estilo
u Layunin- ang dahilan ng pagsulat.
u Instrumental-
ang paghahangad ng manunulat na
makakita o magkaroon ng pagkilos mula sa
kanyang awdyens.
u Konsyumatori-
ang pagnanais ng manunulat na
mapahalagahan ang pag-iisip, pagbibigay
karangalan o paratang mula sa awdyens hinggil sa
paksang nabasa.
Mga Katangian ng isang Mabuting
Pagpapahayag
u TONO - tumutukoy sa damdamin ng rhetor sa paksa
(hiwalay, madamdamin, satiriko at iba pa) at ang
damdamin para sa kanyang awdyens (personal,
impersonal, makapangyarihan, at iba pa).
u LINAW - tumutukoy ito sa katangian ng
pagpapahayag na kung saan madaling maunawaan
bagaman gumagamit ito ng mga matainghagang
salita o idyomatikong paraan ng pagpapahayag.
u PWERSA - nadadala nito ang emosyon buhat sa
kung ano ang nais iparating ng pahayag. Isa itong
estilo na ginagawang buhay ang isang patay na
pahayag.
u KAGANDAHAN - ang isang pahayag ay
nagtataglay ng kagandahan kapag nagawa nitong
mapukaw at mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa o tagapakinig. Kailangan matatamo
nito ang kasanayan sa pagbuo ng pahayag sa
pamamagitan ng pagbabasa, pagsusulat at
pagsasalita.
u KATAPATAN - nagsasaad kapag ang ideyang
nilalaman ng pahayag ay nagsasabi ng wasto at
tumpak. Maaaring nasalamin sa pahayag ang
maging piksyunal nito, nakikita dito ang mga
realidad sa tunay na buhay. Dapat ding bigyang-
diin ang kawastuhang panggramatika tulad ng
wastong gamit ng salita, ang pagkakaugnay ng
mga salita sa pangungusap at iba pang kailangang
panggramatikal.
u KARAKTER - tumutukoy ito sa kakayahan ng
pahayag. Sumasagot ito sa tanong na “Ano ang
pinagkaiba nito sa iba pang kapahayagan?”
Naigugunita dito ang katangiang taglay ng isang
tagapagpahayag, maging seryoso at diretso ang
paglalahad ng mga ideya o maging
mapagpatawa o maligoy sa kanyang
pagpapahayag.
Aralin 2
Kakayahan at Kapangyarihan ng Wika
LAYUNIN
u Natutukoy ang pagkakaiba ng mensaheng
tekstwal at kontekstwal sa isang pahayag.
u Nakabuo ng collage na nagsasaad ng
tekstwal at kontekstwal na mensahe.
u Napapahalagahan ang bawat
pagpapakahulugan ng mga pahayag.
Presentasyon
Kakanyahan ng Wika
u Ayon kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na
What is Language? Ang wika raw ang pangunahin
at pinakaelaboreyt na anyo na simbolong gawaing
pantao. Dagdag naman ni Gleason, ang wika ay
isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog
na pinipili at sinasaayos sa paraang pang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura (Tumangan, et al., 2000)
u Ayon naman kay Badayos, et al., (2009), ang wika
ay salamin ng kaisipan at saloobin ng tao. Ito ay
may kapangyarihang bumuo at magwasak ng tao,
maging sa lipunan. Ang wika ang isa sa mga
katangian ng ating talino na marahil hindi
masyadong nakikita bilang bukal ng kaalaman. Ito
ay binubuo ng mga salita na kung saan ang wikang
Filipino ay mayaman sa salitang
mapagpakahulugan.
Kapangyarihan ng Wika
u1. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang
kahulugan.
Anumang pahayag na sasabihin ng isang
interlokyutor ay maaaring makapagdudulot ng ibang
kahulugan o interpretasyon sa tatanggap ng mensahe
nito.
By Passing- ang ibang katawagan nito at
nagpahayag ng maling paniniwala na ang salita ay
nagtataglay lamang ng isang kahulugan.
Hal. utong - nipple sa ingles subalit sa Ilokano ay sitaw.
u 2. Ang wika ay humuhubog ng saloobin.
Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na
hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na
sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot nang
mabuti sa kanyang kapwa. Magiging pino ang isang
tao sa paggamit ng salita dahil ito ay maging
repleksyon ng kanyang pagkatao. Buhat nito’y
nahuhubog sa tao ang mga tamang pag-uugali sa
wikang kanyang ginamit.
u 3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon.
Ito ay pagtanaw sa bagay sa magkasalungat na paraan.
Halimbawa: mabuti- masama ;mataas- mababa; pangit-
maganda.
u 4. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan
ng kulturang nakapaloob nito.
Ang kultura at wika ay magkambal. Produkto ng mga tao
ang kanilang mayayamang karanasan mula sa
pakikisamulaha sa kapwa o interaskyon sa isa’t-isa ang
anumang salitang mayroon sa isang lugar og lipunan.
Kahulugang Tekstwal at
Kontekstwal
u Tekstwal-literal na kahulugan; kung ano ang salita,
iyon din ang kahulugan; leksikograpikong
pagpapakahulugan ng salita o pahayag
Halimbawa: bata- paslit o musmus
bato- matigas na bagay na nagkakalat sa lupa;
pangunahing sangkap sa paggawa ng estraktura.
u Kontekstwal- kahulugang hindi direkta o
maaaring nagpapahiwatig sa kahulugang
tanging sa kabuuan ng pangungusap lamang
mabibigyang katuturan.
Halimbawa: bata- alalay
Aralin 3
Uri at anyo ng Gamit
Layunin
u Nauuri ang mga salita ayon sa antas o anyo ng
pinagagamitan nito.
u Nakasusuri ng mga salitang ginagamit sa iba’t-
ibang sitwasyon.
u Napapahalagahan ang paggamit at pagpili ng
mga salita para sa sarili at kapwa.
Presentasyon
u Tono, Pino at Anyo
Nasa kamay ng tagapagsalita ang mensaheng
nais niyang iparating- ito ay dahil sa pagbuo ng
kahulugang taglay ng salita ayon sa pagkakagamit
nito sa pahayag. Kaugnay nito, papasok ang
kahingiang maging maingat at mapamili sa
paggamit ng salita/ mga salita sa paghahatid ng
mensahe/pahayag (Badayos, et al., (2009).
Mga dapat isaalang alang sa
Paggamit ng Salita o Pahayag
u 1. May dignidad at seryoso ang tono- Sa
pagpapahayag, mas lalong higit na kailangan ang
pagiging seryoso lalo na kung mga isyung pormal
ang inilalahad. Kakikitaan ng dignidad ang
pahayag kapag pinanindigan niya ang isyu na una
niyang inihain hanggang sa huling bahagi ng
pahayag. Dito mababakas ang propesyunalismo
ng isang tagapahayag.
u 2. Pino (refined)- isa itong kahingian sa
pagpapahayag at paggamit ng salita kung
saan ay iniiwasan ang paggamit ng mga
bulgar at magagaspang na pananalita. Ang
pagiging pino ay pagpapakita rin ng pagiging
edukado ng tagapagpapahayag.
u 3. Mahigpit ang anyo / umayon sa tuntuning
gramatikal- higit itong mapapansin sa mga pagsulat
kaysa sa pagsasalita. Kapag pormal na ideya ang
nais ipahayag ng awtor, ito ay kinakailangan ng
mahigpit na pagtugon sa tuntunin na gramatikal.
Binibigyang diin ang pagkakaugnay nang mga
salita, paggamit ng wasto sa mga bantas at mga
tuntuning nauukol sa mga bahagi ng pananalita
(parts of speech) ay tinitingnan ng awtor.
Personal, Kolokyalismo at Islang
u 1. Personal- kapag ang isang
awtor/tagapagpahayag ay naglalahad ng
kanyang mga personal na opinyon gayundin
ang kanyang karanasan. Napapansin ang
himig-personal na pahayag lalo’t higit na
kilala ng tagabasa/tagapakinig ang
karakter/pagkatao ng tagapagpahayag.
u 2. Kolokyalismo- naipapaliwanag dito ang
ginagamit na mga karaniwang uri ng
pakikipagtalastasan. May kagaspangan ang mga
salita. Pinaiikli at pinagsasamang dalawang salita
katulad ng tena (tayo na), kelan (kailan). Ang
paggamit ng salitang bunganga sa halip na bibig ay
nagpapakita ng kolokyalismo sa pagpapahayag.
u 3. Islang/Bulgar- naipapahayag ang
paggamit ng mga salita at nagpapakita
ng kagaspangan sa paglalahad ng ideya.
Ito ay kaswal at nakikita sa paraang
pasalita at purposive naman kapag
ginagamit sa pagsulat. Nagmumula ang
mga salitang ito sa mga pangkat-pangkat
at ginagawa nilang koda.

You might also like