You are on page 1of 18

KABANATA I: MGA BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA

Mga Layunin:

A. Matalakay ang relasyon ng wika, masining at mabisang


pagpapahayag sa retorika:
B. Mabigyang kahulugan ang retorika, retor, at retorisyan;
C. Mailahad ang kasaysayan ng retorika sa daigdig at Pilipinas;
D. Maisa-isa at mapahalagahan ang mga dakilang retor, retorisyan at
teorista ng retorika; at
E. Maisadiwa ang pagtataglay ng tunay na retorika.

IKALAWANG LINGGO

ARALIN 2:
Kasaysayan ng Retorika sa Daigdig

Ang Retorika ng Klasikal na Panahon

Sa panahon ni Aristotle, sapagkat ang mga mamamayan ay karaniwang bahagi ng


politikal na usapin ng bayan, deliberatibo o intensyonal ang paggamit ng retorika. Pasalita
ang retorika ng sinaunang panahon. Nagiging kasangkapan sa paggawa ng mga polisiya at
sa pagtalakay ng mga isyung pampolitika ang retorika. At dahil ang uri ng pamahalaan nang
panahon ni Aristotle ay demokrasya, napakahalaga ng mga tagapakinig sa mga usapin.
Ibinabatay sa konsensus ng mga tagapakinig ang anumang magiging pagpapasya ng
pamahalaan. Ang ganitong sitwasyon ay nag-iiwan ng bigat ng tungkulin sa mga retor.
Nakasalalay sa isang retor ang tagumpay ng pagtanggap, pag-aapruba at pagpapatibay sa
batas at magiging desisyon ng pamahalaan. Sa layunin ng retor na maimpluwensiyahan ang
isipan ng mga tagapakinig, bahagi ng pagiging retor ang maging malikhain sa pagbuo ng
kanyang pahayag, magtaglay ng estilo at maging mapanghimok. Ang mga retor ang
pinakamahuhusay, pinakamatatalino at tunay na tinitingala ng bayan.

Ang ganitong kalagayan ng bayan ay napakabuting oportunidad para sa mga


sophist, na mga binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng
kakaibang kasanayan sa paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin, di matawarang
galing sa paggamit ng wika upang makaapekto sa emosyon, kakaibang pag-angkop sa
kanilang tagapakinig.

Sa aklat na Rhetoric ni Aristotle, inilahad niya ang pangangailangan sa pagpili ng


artistikong estratehiya sa paggawa ng talumpati na angkop sa pagkatao o palagiang
nararamdaman ng mga tagapakinig. Ang pagsasaalang-alang sa pagkatao at mga emosyon
ng mga tagapakinig ay mahalagang hakbang sa paggawa ng isang talumpati upang
maimpluwensiyahan ng mga retor ang isipan ng kanyang mga tagapakinig. Sa katunayan,
binigyang-diin niya na ang mga talumpati ay dapat na nagsasalang-alang sa logos, pathos
at ethos. Dagdag dito, tinalakay din ni Aristotle ang iba’t ibang emosyonal na kalagayan ng
mga tagapakinig at gumawa siya ng isang sikolohiya ng mga uri nito na sa tingin niya ay
dapat na malaman ng retor. Naging bahagi ng kanyang talakay ang iba’t ibang emosyon
tulad ng inis, galit, inggit, pati na rin ang kanilang mga kasalungat. Hinati ni Aristotle ang
ugali ng tao: ang ugaling panlalaki – batay sa gulang at suwerte. Inisa-isa ni Aristotle ang
pagkakaiba sa pagitan ng mga batang lalaki, matandang lalaki at mga lalaking nasa hustong
gulang. Ayon sa kanya, ang mga batang lalaki ay may malakas na silakbo ng damdamin,
ideyal at sobra kung magtiwala. Ang mga matatandang lalaki naman ay karaniwang
masungit, hindi madaling maniwala, mapaghinala at makitid ang pag-iisip. Ang mga lalaking
nasa hustong edad ay may tamang balanse ng pag-uugali. Bagamat sila ay nagtataglay ng
pagtitiwala, may kaakibat rin silang paghihinala. Payo rin ni Aristotle na dapat ding isaalang-
alang ng retor ang mga “biyaya ng kapalaran” – ito ay tumutukoy sa katayuan sa lipunan at
mga propesyonal na kalagayan ng tao. Ang pamilyang kinabibilangan ng tao at katayuan
nito sa buhay ay nakaaapekto rin sa kanyang pananaw sa buhay; halimbawa, karaniwan sa
mga mayayaman ay mapanghusga sa kanilang kapwa, ang mas mayayaman ay mayabang
at ang tao na may kapangyarihan ay higit na ambisyoso.

Sa paglalarawan ni Aristotle ipinakita niya ang intelehente at pilosopikal na


tagapakinig na nakikilahok sa diyalektiko. Ang uring ito ng tagapakinig ay naiiba sa mga
pampublikong tagapakinig. Ang mga pampublikong tagapakinig ay bilanggo ng kanilang
mga emosyon, samantalang ang mga pilosopikal at diyalektikong tagapakinig (na kilala natin
bilang mga pantas sa lohika, matematika at iba pa) ay bumabatay sa nilalaman o diskurso
ng talumpati.

Nang ang mga sophist ay naging kilala dahil sa husay nilang humubog ng mga retor,
kinatakutan ni Aristotle ang maaaring maging epekto nito sa pagtatanggol sa mga usaping
pambayan. Ipinakita niya ang sitwasyon kung saan ay nasasangkot ang isang maalam na
retor na siyang “may hawak ng katotohanan” at ang walang muwang na tagapakinig na
maaring maimpluwensyahan ang pag-iisip dahil sa husay ng retor sa paghabi ng mga
pahayag at hindi sa marapat na pinapaksa ng pahayag. Nang mga panahong iyon ay naging
mabisa ang paggamit ng enthymeme o mga pagbibigay-kongklusyon nang walang sapat na
katibayan bagamat batay sa parsyal na katotohanan. Sa ganitong mga sitwasyon,
napaglalaruan ng retor ang kawalan ng muwang ng mga tagapakinig.

Ang Retorika ng mga Romano

Para sa mga Romano, ang emosyon at awdyens o tagapakinig ay may malabong


gampanin sa retorika. Pinalawig nila ang ilang bahagi ng retorika ni Aristotle tulad ng estilo.
Isa sa naging tatak ng mga estilong Romano ay ang pagbibigay-diin sa panimula ng isang
talumpati. Sa panimulang bahagi pa lamang ng talumpati ay dapat nang makuha ang
atensyon at ang loob ng mga tagapakinig.

Ayon sa De Inventiore at Rhetorica ad Herennium, sa panahon ng medieval rhetoric,


ang tagapakinig ay binubuo ng publiko at ng mga tagahatol. Bagamat ang tagapakinig o
awdyens ang pinakama-impluwensiya sa magiging pasya ng pamahalaan, hindi ito
masyadong binibigyang-pansin. Para kina Cicero at Quintilian, (na ilan sa mga sinanay
upang maging retor) nakasalalay sa mga retor na pagtagpuin ang ideya at disposisyon ng
anumang uri ng tagapakinig ukol sa isang paksa. Ipinunto ni Quintilian na ang pag-alam sa
katayuan o estado ng tagapaghatol ay mainam upang matiyak ang paraang magagamit
upang galitin o pakalmahin ang mga tagapakinig. Sa De Oratore at Institutio, sinasabing ang
estilong ginagamit ng mga retor ay dapat na umaakma sa mga uri ng tagapakinig. May tiyak
na mga estilo sa mga uri ng tagapakinig na kinakaharap ng mga retor.

Kung kay Aristotle ay ipinalalagay niya na ang publiko ang boboto o pipili ng
magiging desisyon, ipinakita naman ng mga Romano na tanging ang hurado o lider lamang
ang maaaring makapagpasya. Binigyang-pagpapakahulugan ng mga Romano ang kaibahan
ng intelligent peer audience at general audience. Kay Cicero tinawag niya itong ad populum
o ang publiko at ang ad senatum o ang mga hurado at mga lider. Ang ad populum o ang
publiko ay itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pasya ng mga lider
ng bayan; ang mga hurado at mga lider lamang ang siyang may kakayahang magpasya.

Tandaan na ang kombensyonal na retorika ay retorika ng talumpati sa mga okasyon


na siyang karaniwang ginagamit sa batas kaya ang tagapakinig ay pawang mga lalaki na
sadyang naroon upang makibahagi sa talumpati ng retor. Isang halimbawa ay ang
pagpupulong ng mga Athenian na puro kalalakihan lamang ang kasapi. Nakikibahagi talaga
sila sa mga debate at mga usaping politikal. Sa Gresya, ang isang nililitis ay maaaring
ipaglaban ang kanyang punto (bagamat maaari siyang maghain ng isang kinabisadong
talumpati na ginawa ng iba).

Dahil sa pagkakaiba ng estadong panlipunan, nagbunga ng sigalot ang mga


pagpapasya ng mga lider na pawang nagkaroon ng personal na interes at nahirati sa
kapangyarihan. Ang gampaning panlipunan na ginagamitan ng retorika ay unti-unting
naputol. Maging ang relasyon ng retor sa pampublikong awdyens ay bibihira na lamang. Ang
mga politikal na usapin ay inihaharap na lamang sa kongreso at senado. Bumaba na rin ang
kahalagahan ng “maemosyong pananalita” sapagkat mas naging mahalaga ang kaalaman
sa batas at legal na usapin kumpara sa retorikal na kakayahan. Napahalagahan ang
pagkakaroon ng abogado na higit ang kaalaman ukol sa usaping legal at politikal. Hindi
naman naisasantabi ang retorika, sa halip ay palagian itong kaakibat sa pagtatanggol.

Ang Mga Sophist

Nagtuturo sila ng iba pang mga aralin gaya ng politika, gramatika at matematika. Ang
mga sophist ay naglalakbay upang hasain ang kanilang mga karanasan. Naging epektibo
silang mga guro ng retorika sapagkat bahagi ng kanilang karanasan ang kabatiran sa mga
kultura at tradisyon ng iba’t ibang lugar na kanilang napuntahan. Sa paniniwala nila ang
katotohanan ay nakabatay sa mga batas, paniniwala at gawi ng mga tagapakinig sa isang
kongkretong oras at panahon.

1. Si Plato

Isa si Plato sa mga pinakaimpluwensiyal na sinaunang teorista, na mariing


sumasalungat sa pagtuturo at pananaw ng mga sophist. Hanggang sa ngayon, mataas pa
rin ang pagkilala sa kaniyang mga isinulat ukol sa Pilosopiya, Politika at Retorika, at
madalas din siyang nababanggit sa ilan pang disiplina.

Ipinanganak si Plato sa isang pamilyang mayaman at aktibo sa politika, sa Athens


noong humigit-kumulang 428 BCE. Siya ay sinaunang mag-aaral ni Socrates, na nahatulan
ng kamatayan ng korte ng Athens at sa katagalan ay nagpakamatay. Matapos ang
kaganapang ito, naglakbay si Plato patungong Italya at Sicily sa sandaling panahon upang
harapin ang ilang pag-uusig mula sa mga pinuno ng pamahalaan. Ang kamatayan ng
kanyang guro na si Socrates na napilitang inumin ang hemlock bilang hatol sa kanyang
prinsipyo, ang naging dahilan upang bumaba ang pagtingin ni Plato sa oratoryo. Sa kanyang
pagbabalik sa Athens ay itinayo niya ang isang paaralan na kilala bilang “Akademya”. Si
Aristotle ang isa sa mga sikat niyang mag-aaral.

Estilo ng mga panulat ni Plato ang paggamit ng diyalogo sa pagitan ng mga tauhan.
Ilan sa kanyang mga obra ay ang “Gorgias” at “Phaedrus”.
2. Si Aristotle

Ipinanganak si Aristotle sa hilagang bahagi ng Gresya. Siya ay anak ng isang


manggagamot kaya’t nakatanggap siya ng maagang pagsasanay sa biyolohiya. Inaasahan
ng kanyang ama na si Aristotle ay magiging manggagamot din subalit sa hindi inaasahang
pangyayari ay maaga siyang naulila. Ang kanyang tiyuhin ang nagpalaki sa kanya. Tinuruan
siya nito ng retorika, wikang griyego at tula. Noong siya’y labimpitong taong gulang,
nagtungo siya sa Athens upang mag-aral sa Akademya ni Plato. Dahil sa pagiging magaling
niyang estudyante, naging guro rin siya rito nang humigit-kumulang dalawampung taon. Ang
asignaturang itinuro niya ay walang nakakaalam ngunit ang iba’y may hinuha na ito ay
retorika o diyalektiko. Ang pagsasanay na tinanggap niya sa ama ay nakatulong upang
maging magaling na tagamasid si Aristotle. Ipinakikita ang hindi matatawarang galing ni
Aristotle sa pamamagitan ng kanyang mga kontribusyon sa larangan ng lohika, retorika,
pilosopiya at biyolohiya. Noong 335 BCE, nagsimula siyang gumawa ng sarili niyang
paaralan sa Athens at tinawag itong Lyceum. Napakalawak ng saklaw ng kurikulum sa
Lyceum, kabilang na rito ang lohika, retorika, pilosopiya, pisika at biyolohiya. Sinasabi na
nakapagsulat siya ng mahigit 150 na libro. Karamihan sa librong ito ay mula sa mga
pinagsama-samang sulat niya sa kanyang kuwaderno at ang iba’y gawa ng ibang guro sa
Lyceum.

3. Si Isocrates

Si Isocrates ang isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na guro noon ng mga


Griyego. Siya ay ipinanganak noong 436 BC sa isang mayamang pamilya sa Athens.
Naging estudyante siya ni Socrates at Gorgias subalit siya’y umalis sa kanyang bayan
noong panahong may kaguluhan sa politika at nagbukas ng paaralan sa Chios kung saan
siya pansamantalang namalagi. Matapos ang pagtatayo ng paaralan doon ay naisipan
niyang bumalik sa sariling bayan upang doon naman itatag ang kauna-unahang
permanenteng institusyon para sa sining. Ito ay nakapokus sa politika. Sa mahigit
limampung taon, siya’y naging tanyag sa pagtuturo at paghubog ng mga kabataang
Athenian sa larangan ng politika.

Sinasabing si Isocrates ay hindi kagalingan sa pagsasalita na batid ng nakararami


dahil sa minsanang pagharap at pagsasalita nito sa madla. Sa obserbasyon ng marami, ang
mga sulating likha ni Isocrates ay mas makabubuti raw na ilimbag at ipabasa kaysa bigkasin
at marinig mismo kay Isocrates. Si Isocrates ay kilala rin bilang manunulat ng talumpati ng
mga orador.

Sumasalungat si Isocrates sa sinabi ni Plato na “ganap ang katotohanan” dahil para


sa kanya ang mga teorya ay may limitado lamang na pinaggagamitan.

4. Si Cicero

Si Marcus Tullius Cicero ay isang Romanong orador sa panahon ng Republika. Siya


ang nagdala at nagpakilala ng Griyegong pilosopiya at retorika sa Roma. Siya rin ang
nagpakilala at nagpaliwanag ng mga natatanging gawa ng mga Griyego tulad ng kay
Aristotle.

Bagamat isang aristokrata, ang kanyang pamilya ay hindi mayaman at sila ay walang
pinanghahawakang puwesto at kapangyarihan sa politika. Siya ay nagsanay ng kanyang
propesyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng retorika at pilosopiya. Bilang isang abogado,
nagamit ni Cicero ang kaniyang pagiging magaling na orador na naging dahilan upang siya
ay magkaroon ng maraming tagasuporta. Kaya naman nang siya ay lumahok sa politika,
nahalal siya sa maraming matataas na posisyon kabilang ang tungkulin niya sa senado ng
Roma. Siya rin ay nakilala sa paglalantad ng korapsyon at katiwalian. Noong 60 BC,
inanyayahan ni Julius Caesar si Cicero upang pumanig sa pamahalaan ngunit tinanggihan
niya ito sa paniniwala sa Republika na may pamahalaang may demokratikong
pamamalakad. Ipinalasap ni Caesar kay Cicero ang kapangyarihan ng isang diktador at
noong 58 BC, sapilitan niyang ipinadala si Cicero sa Gresya at kinamkam ang kanyang mga
ari-arian. Dahil sa mahusay na pagtatanggol ni Cicero ay nakabalik siya sa kanyang bayan
at nabawi niya ang kaniyang mga ari-arian maging ang pagiging abogado. Nagsulat rin siya
ng ilang mga libro.

Nang namatay si Caesar noong 44 BC, nakabalik si Cicero sa politika. Nag-iwan siya
ng marka sa kanyang mga kontrobersiyal na pananalumpati sa Senado na nagbigay daan
upang magkaroon siya ng mga kaaway at kritiko. Pinatawan siya ng parusang kamatayan
ng pamahalaan noong 43 BC. Upang bigyang-babala ang mga susunod pang orador, ang
mga kamay at ang ulo ni Cicero ay ipinako sa pulpito o sa speaker’s podium. Naging daan
sa pagkamatay ng demokrasya sa Roma ang uri ng kamatayang ipinataw kay Cicero.

Sa kanyang mga naisulat tungkol sa retorika tulad ng On Invention (De Inventione) at


ang On the Orator (De Oratore), hinihikayat ni Cicero ang praktikal na paggamit ng retorika.
Sa katunayan, karamihan ng mga gawa ni Cicero ay bumuhay sa mga gawa ng mga
Griyego tulad nina Aristotle, Plato at Isocrates. Naniniwala siya na ang mga Romanong
orador ay dapat na sanayin sa liberal na edukasyon gayundin sa sining ng retorika.

Sa ibaba ay matutunghayan ang ilan sa mga konsiderasyong dapat isaalang-alang


ng isang retor ayon kay Cicero:

 Ang Husay sa Pagsasalita o Eloquence

Mahalaga ang husay sa pagsasalita dahil ito ang kauna-unahang instrumento para
makahikayat, sumunod na lamang dito ang speech o talumpati.

Ayon kay Cicero ang eloquence ay nakabubuti sa tao, sapagkat inilalayo o iniaalis
nito ang isang indibiduwal sa isang brutish o malupit at magulong uri ng pamumuhay,
bagkus inilalapit sa mas sibilisadong buhay. Ang nagtataglay ng husay sa pagsasalita ay
may kakayahang humubog ng karakter at nagpapasiklab ng lakas ng isang tao.

Ang taong nagtataglay ng eloquence ay may kakayahang magsalita sa harap ng


maraming tao. Sa pagpapatunay o paglalahad ng mga pruweba, simpleng estilo at hindi
maemosyong pagpapahayag ang estilong ginagamit ng retor; upang magbigay naman ng
kasiyahan ay ginagamit ang estilong pangkaraniwan at tila nakikipag-usap; samantalang
upang maipakita ang angking kakayahan na makahikayat na magpakilos ay estilong
maringal, may awtoridad ang ginagamit. Ang isang retor na may kakayahang pagsama-
samahin ang mga nasabing estilo ay magiging isang epektibong orador at retor.
 Ang Panghihikayat o Persuasion

Sa pananaw ni Cicero, ang pangunahing layunin ng retor ay ang pukawin ang


simbuyo ng damdamin. Naniniwala siya na nakaatang ito sa husay ng retor. Kailangan ng
isang retor ang wastong paggamit ng mga salita para palawakin ang mga negatibong epekto
ng mga bagay na pinaniniwalaang mali at pagtutuunan ng mas malaking pansin ang kahit
anong bagay na sa pananaw ng nakararami ay mas kapansin-pansin.

Sa isang diyalogo, binanggit ng tauhang si Antonius na hindi niya kailangan ng


pilosopikal na pagpapakahulugan, bagkus ang mga taong matalas ang pag-iisip at malikhain
ay nakabubuo ng sariling kaisipan, damdamin, paniniwala at mithiin ng kapwa.

Hindi naman naalis sa isip ng ilan ang negatibong pananaw sa kakayahang


makapanghikayat ng mga retor. Ilang mga manunulat ang nagsasabing ang tunay na
tungkulin ng mga retor ay ang pagmamanipula ng mga pahayag upang mahikayat na
magsagawa ng aksiyon ang tagahatol bunga ng silakbo ng damdamin.

Pinagdebatihan sa De Oratore ang kahalagahan ng kaalaman at emosyon sa


pamamagitan ng pagtatalo ng magkabilang panig at malayang hinahayaang humatol ang
mga tagapakinig.

Sa huli, labis din ang pagpapahalaga ni Cicero sa karakter ng retor. Malaking


basehan ito ng pagiging etikal ng isang talumpati. Ang pagpapakita ng orador/retor ng
kabutihan o paggalang at kakayahang makahuli ng simpatiya ay katangiang higit na
kailangan. Mahalaga ang emosyon ng orador/retor sa paksang talakay. Ang pagkakaroon ng
puso at damdamin ng orador para sa kanyang paksa ay tunay na makahihikayat sa kanyang
tagapakinig.

Sa pahayag ni Antonius, bilang isang retor ay wala nang higit na mahalaga sa


pagkakamit ng pabor o panigan ng mga tagapakinig at mapukaw ang kanilang mga
damdamin.

5. Si Quintilian

Si Quintilian ay isang matagumpay na orador ng Espanya at Roma. Tanyag ang


kanyang pangalan pagdating sa kanyang mga ideya tungkol sa pagsasanay sa mga retor.

Kilala ring orador ang ama ni Quintilian na nagpadala sa kanyang anak sa Roma
upang mag-aral ng retorika. Nang siya ay naging isang mahusay na retor, bumalik siya sa
Espanya kung saan nagpatayo siya ng pampublikong paaralan. Sumulat siya ng ilang aklat
tulad ng Institutio Oritoria na tumalakay sa pag-aaral ng isang retor. Ang aklat ay nagsaad
ng mga impormasyong katulad ng mga teoretikal na akda nina Aristotle at Cicero ukol sa
pagkakaayos, estilo at imbensyon sa retorika.

Siya na marahil ang pinakatanyag pagdating sa pagtuturo ng kaisipan na, “a true


rhetorician is a good man skilled at speaking”.
PLATO

ARISTOTLE

SOCRATES

CICERO

Kuha mula sa:


QUINTILIAN http://www.biography.com
http://www.literariness.org
http://www.owlcation.com
Wikimedia Commons
Dadag-Babasahin:

Pamana ng Klasikal na Retorika

Oral ang Midyum ng Panghihimok. Sa panahong ito, dahil wala pang


mga cellphone, rekorder, telebisyon at radyo na maaaring gamiting midya upang
mabilis na iparating sa madla ang mga kaalaman ukol sa usaping pag-uusapan,
sa pamamagitan ng personal na paghaharap ito isinasagawa.

Bagamat marunong magbasa ang mga sinaunang Griyego, mahirap din


namang gamitin ang pagsulat, na maaaring sa halip na mapabilis ang usapin, ay
lalo itong mabalam. Praktikalidad marahil ang dahilan kung bakit mas pinili ng
mga Griyego at Romano ang paggamit ng kanilang boses upang makipag-
ugnayan at magbigay ng kaalaman sa ibang tao. Upang matawag na isang
epektibong tagapagsalita, kailangan ng isang retor na maging mahusay sa
pagsasaulo ng iba’t ibang impormasyong nais ipamahagi at bigyang punto. Dahil
sa sitwasyong ito, naging inobatibo ang mga retor sa pag-isip ng paraan kung
paanong gagawing madali ang pagmememorya ng mga detalye ng sasabihin. Sa
ganitong paraan, kung bakit napadali ang pagsasaulo sa tamang pagkakasunod-
sunod ng siyam na planeta ay tinandaan ang pangungsap na “My Very Eager
Mother Just Served Us Nine Pizzas.” Na ang unang titik ng bawat salita ay
katumbas ng unang letra ng bawat pangalan ng planeta ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod, “Mercury Venus Earth Mars Jupiter Saturn Uranos
Neptune Pluto.” Sa isang banda, bagamat ang ganitong paraan ay
maghahantad sa tunay na husay ng mananalumpati, retor/orador, may mga
pagkakataong kulang sa mga kongkretong impormasyon at basehan ang
ipinapahayag sa mga tao, bunga ng pagkalimot sa mga impormasyon at
kakulangan sa pananaliksik. Dahil sa panahong ito ay wala pang ganap na
pananaliksik na maaaring pagbatayan, dumidepende ang mga abogado sa kung
ano ang naririnig-rinig, pinupulsuhan ang damdamin ng bayan, at ang mga
argumento ay hindi batay sa kongkretong obserbasyon na maghahatid sana ng
katotohanan.

Mapanghikayat ang Pagdidiskurso. Panghihimok ang pangunahing layunin ng


retorika sa panahong ito sapagkat naging kasangkapan ito sa pagtalakay sa mga
politikal at legal na isyu. Tatlong uri ng retorika ang matatalakay sa ganitong
aspekto:

Una, ang Panghukumang Retorika na kadalasang isinasagawa


sa korte upang litisin ang isang taong nasasakdal sa isang gawain;
ikalawa, ang Lehislatibong Retorika na ginaganap naman sa kongreso
sa pagitan ng mga mambabatas kung pag-uusapan ba, aaprubahan o
tututulan ng mga mambabatas ang mga mungkahing batas na inihaharap
at batay na rin sa paraan kung paano ito mapag-uusapan sa kongreso; at
ang huli naman, ang Demonstratibong Retorika na kadalasang
isinasagawa upang purihin o sisihin ang isang tao sa isang espesyal na
pangyayari. Ang isang halimbawa nito ay ang pagpuri sa pamamagitan
ng eulohiya sa araw ng paglibing sa taong namatay.

Dahil nang panahong iyon ang retorika ay isang daan sa panghihimok,


ang mga katotohanang inihahain ng retor sa kanilang diskurso ay nakabatay sa
kung sino ang makikinig – ang publiko ba na wala namang kakayahang
magpasya? O ang mga opisyal ng pamahalaan na siyang may kapangyarihan?
Isa si Plato sa tumutol sa ganitong uri ng nilalaman ng mga talumpati. Para sa
kanya, ang retorika ay isang katotohanang mahirap unawain.
Pampubliko ang Pagdidiskurso. Batay sa gampanin ng retorika na
manghikayat, nangangailangan ito ng mga tagapakinig na kikilos o magpapasya
batay sa sinabi ng retor. Tungkulin ng publiko na maging bahagi ng ganitong
aktibidad noong panahon ng Matandang Gresya. Naganap ang mga
pagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig o awdyens na sa kalaunan ay
magbibigay-panig o kikilos ayon sa paksang tinatalakay. At dahil ang retorika ay
tinanaw bilang pampublikong pangyayari, ang mga pribadong usapan sa pagitan
ng mga indibidwal kahit pa ito’y likas na mapanghikayat ay hindi maituturing na
retorika. Gayundin ang mga sikat na dulang Griyego na kadalasan ay
mapanghikayat ay hindi maibibilang na retorika.

Intensyonal o deliberatibo o may tiyak na tunguhin ang retorika nang


panahong ito.

Ipinakita ng retorika nang panahong ito ang kapangyarihan ng paggamit


ng wika. Bunsod nito, ayon kay Barry Brummett, may apat na katangian ang mga
teksto nang panahong iyon:

1. Berbal – Gumagamit ng mga salita upang makipagtalastasan.

2. Eksposisyonal – Ito ay may kabilang na hanay ng mga karapatan at


pagtaguyod sa mga iyon. Maaari rin itong tawaging hanay ng mga argumento.

3. Diskreto – Mayroong ispesipikong hangganan. Halimbawa nito ay isang


talumpati. Kapag nagsimula ang isang talumpati, nagsimula na rin ang retorika.
At kapag natapos ang talumpati, natapos na rin ang retorika.

4. Hayrarkikal – Gumagawa ng mga inaasahan ukol sa papel ng mga


tagapagsalita at miyembro ng tagapakinig. Ang tagapagsalita ang may tanging
karapatan sa kapangyarihan.

Ibinunsod ng ganitong uri ng retorika ang paghahanap sa kahalagahan


ng awdyens. Sa mga demokratikong bansa, ipinalalagay ni Aristotle na ang
tagapakinig ay may kapangyarihang maging bahagi ng pagpapasya,
samantalang sa mga bansang awtoritaryan, marapat na ang mga lider ay walang
personal na interes at pagmamalabis sa kapangyarihan upang makapagpasya ng
tapat batay sa kung ano ang maririnig at hindi batay sa kung ano ang nais na
mapakinggan.

At dahil ang wika ay nagagamit sa panlilinlang, ang paghulma sa


katotohanang patas sa lahat at walang kinikilingan ang naging sentro ng
pananaliksik ng mga kasunod na panahon.
Panahon ng Medieval Hanggang sa Muling Pagbangon

Matapos ang pagbagsak ng Emperyo ng Kanlurang Romano, ang pag-aaral ng


retorika ay nagpatuloy bilang sentro ng pag-aaral ng sining na pasalita (verbal arts) ngunit
ang pag-aaral ng sining na pasalita ay unti-unti ring bumaba dahil sa pagtaas naman ng
pagpapahalaga sa pormal na edukasyon. Nagbago ang pananaw sa retorika. Mula sa dating
ang bigat ay nasa sining ng pagsasalita ay humantong ito sa sining ng pagsulat (ars
dictaminis) at naging paksa nito ang pangangaral na pagsulat (ars praedicandi). Bilang
bahagi ng pagbabago ng kurikulum, higit na pinahalagahan ang lohika, at sekondarya na
lamang ang retorika. Napakahalaga at napakataas o iskolastik ang ekspektasyon sa pag-
aaral. Ang mga estudyante ay binibigyan ng paulit-ulit na pagsasanay sa paggawa ng
diskurso sa asignaturang pangkasaysayan (suasoriae) o sa mga sitwasyong panghukuman
(controversiae).

Bagaman hindi itinuturing na eskperto sa retorika si St. Augustine (354-430), siya ay


sinanay sa retorika at naging isang propesor ng Latin sa Milan. Ang bagong paggamit ng
retorika ay nasa Ikaapat na aklat niyang De Doctrina Christiana. Ang aklat na ito ang naging
pundasyon at batayan ng homiletics o ang paggamit ng retorika sa pangangaral. Ayon sa
prinsipyong ito, tungkulin ng sinumang retor na mapanatili ang atensyon ng kanyang
tagapakinig at sa huli ay ang mahikayat silang sumunod o gumawa ng aksyon tungo sa
mabuting pamumuhay na naniniwala sa Diyos. Ang uri ng retorikang ipinakilala ni St.
Augustine ay mula sa pinagsanib na ideya nina Plato (na naghahanap sa ganap na
katotohanan) at ni Cicero (na naghain ng kanon ng retorika). Para kay St. Augustine, ang
masining na pagsasalita ay maaaring magamit sa mabuti o masama at kritikal lalo’t
gagamitin upang pasubalian ang kamalian lalo na sa pamamagitan ng oratoryo.
Gayunpaman, palagian sa kanyang pagpapayo na di dapat ginagamit ang retorika sa
panlilinlang bagkus upang higit na makaimpluwensya upang mailahad o makahimok tungo
sa katotohanan. Nakilala si St. Augustine sa kanyang pakikipagtalo upang mapanatili at
mapangalaan ang tradisyong pangsimbahan na nagbigay-daan din naman sa preserbasyon
sa di mabilang na retorikal na panulat ukol sa Kristiyanismo.

Sa pagdating ng Muling Pagbangon (Renaissance) ang mga usapin ukol sa retorika


ay umangat. Isinulat ni Boetthius (480-524) ang kanyang maiksing pagtingin sa estruktura
ng Retorika na ipinagpatuloy ni Aristotle sa kanyang taksonomiya. Sa panahong ito, ang
retorika ay bahagi ng pilosopiyang pakikipagtalo. Nang pinatatatag ng mga Arabong iskolar
ang kanilang pakikipagrelasyon sa Europa, muling ibinalik ang interes sa uri ng retorikang
ipinakilala ni Aristotle. Nang sumapit ang ikalabindalawang daantaon ng Muling Pagbangon
ang pagpapasigla sa pag-aaral ng gramatika, tula at retorika ay muli ring napasigla.

Sina St. Thomas Aquinas (1225-1274), Matthew of Vendome (Ars Versificatoria,


1175) at Geoffrey ng Vinsauf (Poetra Nova, 1200-1216) ang mga naging kilalang manunulat
sa larangan ng pasulat na retorika sa huling bahagi ng Medieval Period. Bagamat pawang
mga kalalakihan ang mga manunulat, ilan sa mga babaing nag-ambag sa pasulat na retorika
ay sina Julian ng Norwich (d. 1415), at Christine de Pizan (1364-1430).

Noong 1943 sa Unibersidad ng Cambridge, ang doktoradong disertasyon ng isang


Canadian na si Marshall McLuhan (1911-1980) ay nagsarbey sa pasalitang sining mula sa
panahon ni Cicero hanggang sa panahon ni Thomas Nashe (1567-1600). Ang kanyang
disertasyon ay nananatiling pinakagamiting pag-aaral sa kasaysayan ng pasalitang sining
kasama ang trivium. Si McLuhan ay naging isa sa mga pinakanailathalang palaisip noong
ika-20 siglo. Napakahalaga ng kanyang matalinong pag-aaral ng kasaysayan ng retorika at
diyalektiko.

Isa pa sa pinakainterasadong naitala noong Middle Ages ukol sa retorika ay makikita


sa maraming pagtatalo sa tula na natanyag sa England gaya ng The Owl at ang Nightingale
(13th Century) kasama ang sinulat ni Geoffrey Chaucer sa kanyang Parliament of Fowls
(1382).

Ikalabing-Anim na Siglo (16th Century)

Sa 1967 New Catholic Encyclopedia, nalathala ang isang artikulong may pamagat na
“Humanism.” Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarbey ng Renaissance
Humanism na tumutukoy sa malawak na hindi pagsang-ayon sa pag-aaral ng lohika at
diyalektiko noong panahong Medieval. Batay rin sa artikulo, higit na pinapaboran ang pag-
aaral ng klasikong Latin, estilo at gramatika, maging ang pilolohiya at retorika.

Isa sa maimpluwensiyang tinitingala noong muling pagsilang ng interes ng klasikong


retorika ay si Erasmus (c. 1466-1563). Ang kanyang akda, De Duplici Copia Verborum et
Rerum (kilala rin bilang Copia: Foundations of the Abundant Style) ay pinakamalawak na
nalathala sa buong Europa. Umabot ng mahigit 150 na edisyon ang pagkakalahathala nito at
naging isa sa batayang aklat sa paaralan. Hindi man kasing komprehensibo kaysa sa mga
nalathalang aklat noong panahong klasikal, nagkaloob ito ng pagtalakay sa res-verba
(nilalaman at porma). Ang kanyang unang akda ay pumaksa sa kahusayan sa pagsalita na
naglahad sa mga estudyante kung paano gamitin ang eskema at estropa. Ang kanyang
pangalawang aklat ay tumalakay naman sa inventio. Karamihan sa pinagtuunan sa aklat ay
ang maraming baryasyon ng mga uri ng diskurso.

Si Juan Luis Vives (1492-1540) ay isa rin sa nakatulong sa paghulma ng pag-aaral


ng retorika sa England. Isa siyang Espanyol na pinagkakatiwalaan ni Henry VII bilang isa sa
nagturo kay Mary. Si Vives ay isa sa mga tumutol noong magpasya si Henry VII na
makipaghiwalay kay Catherine ng Aragon. Iniwan niya ang England noong 1528. Siya ay
nakilala sa kanyang mga nasulat na aklat sa edukasyon gaya ng De Disciplinis na nalathala
noong 1531 at ang kanyang mga isinulat sa retorika gaya ng Rhetoricae, Sive De Ratione
Dicendi, Libri Tres (1531), De Consultatione (1533), at ang retorika ng liham na pasulat, De
Conscribendis Epistolas (1536).

Ang kalagitnaan ng 16th Century ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na


retorika, yaong mga nasusulat sa Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano).
Ang gawa ni Leonard Cox na may pamagat na The Art o Crafte of Rhetoryke (c. 1524-1530;
ikalawang edisyon na nalathala noong 1532) ay ikinokonsidera bilang pinakaunang teksto sa
retorika sa Ingles. Karamihan sa mga bahagi nito ay isinalin na gawa ni Philipp
Melanchthon. Ang isa pang matagumpay na naunang teksto sa Ingles ay ang gawa ni
Thomas Wilson, ang The Arte of Rhetorique (1553), na naglaman ng mga tradisyonal na
pagtrato sa retorika tulad ng pagtalakay sa limang kanon ng retorika (Invention, Disposition,
Elocutio, Memoria at Utterance or Actio). Kabilang sa mga dapat tandaan ay sina Angel Day
sa kanyang The English Secretorie (1586, 1592) George Puttenham sa kanyang The Arte of
English Poesie (1589) at Richard Rainholde sa kanyang Foundation of Rhetorike (1563).
Si Petrus Ramus ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw
sa retorika. Sa paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan
ang pagtuturo sa katotohanan kaysa sa retorika. Isa sa kanyang mga gawa ay ang
pagtalakay na ang inventio, dispositio at memoria ay bahagi ng dialectic (logic) samantalang
ang elecutio at pronuncio lamang ang naging bahagi ng retorika. Higit na nagpahalaga sa
larangan ng edukasyon ang uri ng retorika ni Ramus at hindi nito tinaglay ang kagaya ng kay
Augustine na ginamit ang retorika sa paraang pasermon sa misa upang maipakita ang
debosyong espirituwal.

Isa sa mga Pranses na sumunod kay Ramus ay si Audomarus Talaeus (Omer Talon)
na nalathala ang kanyang retorika na Institutiones Oratoriae nong 1544. Ang aklat niyang ito
ay nagbigay ng presentasyon ng retorika na nagbibigay-diin sa estilo na lalong naging
popular nang binanggit ni John Brinsley (1612) sa kanyang aklat na Ludus Literarius o ang
Grammar Schoole bilang “pinakagamitin ng mga paaralan.”

Ikalabimpitong Daang Taon (17th Century) New England

Sa New England, ang Kolehiyo ng Harvard (itinatag noong 1636) ay tunay na


kumikilala sa mga akda ni Petrus Ramus. Inihayag ito ni Perry Miller sa kanyang akda na
may pamagat na The New England Mind: The Seventeenth Century (Harvard University
Press, 1939). Ang pinakamahalagang pangyayari sa dantaong ito ay makikita sa pag-unlad
ng modernong estilo ng bernakular na makikita sa Ingles kaysa sa Griyego, Latin o
modelong Pranses. Isa sa kinilalang retorisyan nang panahong ito ay si Francis Bacon. Sa
kanyang akda na may pamagat na The Advancement of Learning, binigyang-kritiko niya ang
mga panghihimok na higit ang pagpapahalaga sa estilo kaysa sa bigat ng usapin, paksa ng
talakay, kabutihan ng argumento, paglalahad ng paksa at ang lalim ng paghuhusga. Upang
pabutihin ang estilo ng pagpapahayag, iminungkahi niya ang paggamit ng simpleng mga
salita hanggat maaari. Idinagdag pa niya na ang retor ay dapat pumili ng estilong angkop sa
uri ng tagapakinig.

Ikalabingwalong Daang Taon (18th Century)

Hindi mapasusubalian na ang pinakamaimpluwensiyang paaralan ng retorika sa


panahong ito ay ang University of Edinburgh na ang puno ng Departamento ng Retorika at
ng Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh Blair. Sa kanyang aklat na may
pamagat na “Sermon” inilahad niya kung paano mamumuhay nang praktikal at may moral
bilang isang tao. Bagamat hindi mahusay sa pagsasalita si Blair, napakagaan at madaling
sundan ang kanyang mga isinulat kung kaya’t nagkaroon siya ng maraming tagasunod o
mambabasa. Ang kanya ring gawa ay naging gabay ng mga kabataan sa praktikal na
pagsulat ng komposisyon. Ang gabay na ito ang naging daan upang tawagin si Blair na “the
first great theorist of written discourse”.

Ang Mga Modernong Retorisyan

Chaim Perelman

Isang pilosopo sa batas na nag-aral, tinuruan at namuhay ng maraming taon sa


Brussels si Chaim Perelman. Siya ay isa sa mga importanteng retorisyan noong 20th
Century. Ang kanyang pangunahing gawa ay ang Traite de lrgumentasyon – La Nouvelle
Rhetorique (1528) kasama si Lucie Olbrechts-Tyteca na isinalin sa Ingles bilang The New
Rhetoric: A Treatise on Argumentation ni John Wilkinson at Purcell Weaver (1969). Isa sa
mga pinakamaimpluwensiyang konsepto ni Perelman ay ang mga “dissociation”, “the
universal audience”, “quasi-logical argument” at “presence”.

Kenneth Burke

Siya ay isang retorisyan, pilosopo at makata. Marami sa kanyang gawa ay


nakasentro sa modernong teoryang retorika. Ilan sa kanyang mga akda ay ang Language as
Symbolic Action (1966), A Rhetoric of Motives (1950), A Grammar of Motives (1945) at
Counterstatement (1931). Isa sa pinakamaimpluwensiyang konsepto niya ay ang
“identification”, “consubstantiality” at ang “dramatistic pentad”. Inilarawan niya ang retorika
bilang “ang gamit ng wika bilang simbolo na paraan ng panghihikayat sa kooperasyon ng
buhay na natural at ayon sa mga simbolo”.

Edwin Black

Siya ay isang retorisyan na mas nakilala sa kanyang aklat na Rhetorical Criticism: A


Study in Method (1965) na kung saan binigyang-puna niya ang pagdami ng “Neo-
Aristotelian”. Naglathala siya ng ilang beses na pinakamaimpluwensiyang sanaysay gaya
ng: “Secrecy and Disclosure as Rhetorical Forms,” “The Second Persona,” at “A Note on
Theory and Practice in Rhetorical Criticism”.

Marshall McLuhan

Si Marshall McLuhan ay isang media artist at pamoso sa kanyang sinulat na “The


Medium is the Message”. Ang akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong
mahalaga na hanapin ang kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman. Samakatuwid
marapat lamang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa eksplorasyon at pagtuklas ng
kaalaman bilang bahagi ng karanasan. Si McLuhan ay tulad ng isang sophist na may
angking husay sa paghahabi ng mga salita. Pinatunayan ito sa kanyang mga akda na
mayaman sa mga salitang nagpapalawak ng imahinasyon, may tugmaan at talinghaga.

I. A. Richards

Siya ay isang kritiko sa panitikan at retorika. Ang kanyang The Philosophy of


Rhetoric ay mahalaga sa teksto ng modernong teoryang retorika. Sa isinulat niyang ito,
binigyan niya ng kahulugan ang retorika bilang “pag-aaral ng hindi pagkakaintindihan at ang
solusyon nito”. At nagpakilala sa maimpluwensiyang konsepto ng tenor at behikulo upang
ilarawan ang bahagi ng metapora–ang pangunahing ideya at ng konsepto na kailangang
mapaghalintulad.

Stephen Toulmin

Si Stephen Toulmin ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan ni Toulmin


ang kanyang panahon sa pag-aanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento
sa mga isyung moral. Nadiskubre na napakahalaga ng kanyang mga isinulat upang suriin
ang mga argumentong retorikal. Ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng retorika
ay ang The Toulmin Model of Argumentation, ang dayagram na naglalaman ng mga
magkakaugnay na elemento sa pag-aanalisa ng argumento. Sa loob ng tatlong taon na
pagtatrabaho niya sa The National Commission for the Protection of Human Subjects of
Biomedical and Behavioral Research, na itinatag ng United States Congress.
Nakipagtulungan siya kay Albert R. Jonsen upang isulat ang The Abuse of Casuistry: A
History of Moral Reasoning (1988), na naglalahad sa pagreresolba ng mga suliranin sa
usaping moral. Isa sa kanyang pinakahuling gawa ay ang Cosmopolis: The Hidden Agenda
of Modernity (1990), ay tiyakang tumutuligsa sa pagbaba ng pagtingin sa moralidad dahil sa
pag-usbong ng modernong agham.

CHAIM PERELMAN KENNETH BURKE

EDWIN BLACK MARSHALL MCLUHAN

I.A. RICHARDS STEPHEN TOULMIN


Kuha mula sa:
http://www.goodreads.com
http://www.americanrhetoric.org
http://www.theguardian.com
http://www.literariness.com
http://en.wikipedia.com

SANGGUNIAN:

A.,C.M.J., Carpio, P. S., & Pe a Romeo G. . Retorika at Masining Na Pagpapahayag:


Kasaysayan, Teorya, Antolohiya at praktika. Jimczyville Publications.
PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pangalan: Guro:
Kurso at Taon: Marka

GAWAIN-I
Pag-unawa sa Paksa. Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian.

1. Ano ang naging tungkulin ng retorika sa Panahong Klasikal?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano nagkaiba ang retorika ni Aristotle at ng mga sophist?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit naging mahalaga ang retorika kay St. Augustine?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ibuod ang kasaysayan ng retorika sa daigdig.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

GAWAIN-II
Pag-sukat sa Kaalaman. Tukuyin ang konseptong hinihingi ng mga pahayag.

1. Siya ang may-akda ng Gorgias at naging guro ni Aristotle. Isa sa hinahanap ay ang
pagtatamo ng katotohanang pantay at para sa lahat. Tinawag niya itong “absolute truth”.

________________________________________.

2. Sila ang mga retor na kilala sa paggamit ng mabubulaklak na pananalitang tumatagos sa


damdamin ng tagapakinig. Estilo rin nila ang paggamit ng enthymeme.

________________________________________.

3. Ito ang katawagang Romano sa general audience o ang publiko, ang mga tagapakinig na
itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pagpapasya ng mga lider ng
bayan.

________________________________________,

4. Siya ay isang media artist at pamoso sa kanyang isinulat na “The Medium is the
Message.” Ang akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong mahalaga na
hanapin ang kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman.

________________________________________.

5. Siya ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw sa retorika. Sa


paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang pagtuturo
sa katotohanan kaysa sa retorika.

________________________________________.

6. Ang panahong ito ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika. Ang mga akda ay
nasulat sa Wikang Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano).

________________________________________.

7. Ito ang pinakamaimpluwensiyang paaralan sa retorika noong 1800 na ang puno ng


Departamento ng Retorika at ng Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh Blair.

________________________________________.
8. Siya ang maysabing, “a true rhetorician is a good man skilled at speaking.”

________________________________________.

9. Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarbey ng Renaissance Humanism


na tumutukoy sa malawak na hindi pagsang-ayon sa pag-aaral ng lohika at dialektika noong
panahong medieval.

________________________________________.

10. Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan niya ang kanyang panahon
sa pag-aanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento sa mga isyung moral.

________________________________________.

GAWAIN-III
Pagpapaunlad ng Kasanayan. Pumili ng isa sa mga retor/retorisyan na nasa kahon.
Magsagawa ng karagdagang pananaliksik ukol sa kanilang mga akda. Ibuod ito at isulat sa
ibaba.
Plato St. Augustine
Aristotle Stephen Toulmin
Cicero Hugh Blair
Quintilian Peter Ramus
Marshall McLuhan Isocrates

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

You might also like