Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3 Aralin 2 Kabanata1 Masining Na Pagpapahayag
Modyul 3 Aralin 2 Kabanata1 Masining Na Pagpapahayag
ARALIN 2:
KASAYSAYAN NG RETORIKA SA DAIGDIG
Ang Retorika ng Klasikal na Panahon
Ang ganitong kalagayan ng bayan ay napakabuting oportunidad para sa mga sophist, na mga
binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng kakaibang kasanayan sa
paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin, di matawarang galing sa paggamit ng wika
upang makaapekto sa emosyon, kakaibang pag-angkop sa kanilang tagapakinig.
Nang ang mga sophist ay naging kilala dahil sa husay nilang humubog ng mga retor,
kinatakutan ni Aristotle ang maaaring maging epekto nito sa pagtatanggol sa mga usaping
pambayan. Ipinakita niya ang sitwasyon kung saan ay nasasangkot ang isang maalam na
retor na siyang “may hawak ng katotohanan” at ang walang muwang na tagapakinig na
maaring maimpluwensyahan ang pag-iisip dahil sa husay ng retor sa paghabi ng mga pahayag
at hindi sa marapat na pinapaksa ng pahayag. Nang mga panahong iyon ay naging mabisa ang
paggamit ng enthymeme o mga pagbibigay-kongklusyon nang walang sapat na katibayan
bagamat batay sa parsyal na katotohanan. Sa ganitong mga sitwasyon, napaglalaruan ng
retor ang kawalan ng muwang ng mga tagapakinig.
Para sa mga Romano, ang emosyon at awdyens o tagapakinig ay may malabong gampanin sa
retorika. Pinalawig nila ang ilang bahagi ng retorika ni Aristotle tulad ng estilo. Isa sa naging
tatak ng mga estilong Romano ay ang pagbibigay-diin sa panimula ng isang talumpati. Sa
panimulang bahagi pa lamang ng talumpati ay dapat nang makuha ang atensyon at ang loob
ng mga tagapakinig.
Page 2 of 17
MIDTERM
Ayon sa De Inventiore at Rhetorica ad Herennium, sa panahon ng medieval rhetoric, ang
tagapakinig ay binubuo ng publiko at ng mga tagahatol. Bagamat ang tagapakinig o awdyens
ang pinakamaimpluwensiya sa magiging pasya ng pamahalaan, hindi ito masyadong
binibigyang-pansin. Para kina Cicero at Quintilian, (na ilan sa mga sinanay upang maging
retor) nakasalalay sa mga retor na pagtagpuin ang ideya at disposisyon ng anumang uri ng
tagapakinig ukol sa isang paksa. Ipinunto ni Quintilian na ang pag-alam sa katayuan o estado
ng tagapaghatol ay mainam upang matiyak ang paraang magagamit upang galitin o
pakalmahin ang mga tagapakinig. Sa De Oratore at Institutio, sinasabing ang estilong
ginagamit ng mga retor ay dapat na umaakma sa mga uri ng tagapakinig. May tiyak na mga
estilo sa mga uri ng tagapakinig na kinakaharap ng mga retor.
Kung kay Aristotle ay ipinalalagay niya na ang publiko ang boboto o pipili ng magiging
desisyon, ipinakita naman ng mga Romano na tanging ang hurado o lider lamang ang
maaaring makapagpasya. Binigyangpagpapakahulugan ng mga Romano ang kaibahan ng
intelligent peer audience at general audience. Kay Cicero tinawag niya itong ad populum o
ang publiko at ang ad senatum o ang mga hurado at mga lider. Ang ad populum o ang publiko
ay itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pasya ng mga lider ng
bayan; ang mga hurado at mga lider lamang ang siyang may kakayahang magpasya.
Page 3 of 17
MIDTERM
lamang na kilalanin ang mga taong ito. Matutunghayan ang mga sinaunang teorista ng
retorika:
Ang mga Sophist
Nagtuturo sila ng iba pang mga aralin gaya ng politika, gramatika at matematika. Ang
mga sophist ay naglalakbay upang hasain ang kanilang mga karanasan. Naging epektibo silang
mga guro ng retorika sapagkat bahagi ng kanilang karanasan ang kabatiran sa mga kultura at
tradisyon ng iba’t ibang lugar na kanilang napuntahan. Sa paniniwala nila ang katotohanan ay
nakabatay sa mga batas, paniniwala at gawi ng mga tagapakinig sa isang kongkretong oras at
panahon.
Si Plato
Estilo ng mga panulat ni Plato ang paggamit ng diyalogo sa pagitan ng mga tauhan.
Ilan sa kanyang mga obra ay ang “Gorgias” at “Phaedrus”.
Si Aristotle
Page 4 of 17
MIDTERM
pangyayari ay maaga siyang naulila. Ang kanyang tiyuhin ang nagpalaki sa kanya. Tinuruan
siya nito ng retorika, wikang griyego at tula. Noong siya’y labimpitong taong gulang, nagtungo
siya sa Athens upang mag-aral sa Akademya ni Plato. Dahil sa pagiging magaling niyang
estudyante, naging guro rin siya rito nang humigit-kumulang dalawampung taon. Ang
asignaturang itinuro niya ay walang nakakaalam ngunit ang iba’y may hinuha na ito ay
retorika o diyalektiko. Ang pagsasanay na tinanggap niya sa ama ay nakatulong upang maging
magaling na tagamasid si Aristotle. Ipinakikita ang hindi matatawarang galing ni Aristotle sa
pamamagitan ng kanyang mga kontribusyon sa larangan ng lohika, retorika, pilosopiya at
biyolohiya. Noong 335 BCE, nagsimula siyang gumawa ng sarili niyang paaralan sa Athens at
tinawag itong Lyceum. Napakalawak ng saklaw ng kurikulum sa Lyceum, kabilang na rito ang
lohika, retorika, pilosopiya, pisika at biyolohiya. Sinasabi na nakapagsulat siya ng mahigit 150
na libro. Karamihan sa librong ito ay mula sa mga pinagsama-samang sulat niya sa kanyang
kuwaderno at ang iba’y gawa ng ibang guro sa Lyceum.
Si Isocrates
Si Cicero
Si Marcus Tullius Cicero ay isang Romanong orador sa panahon ng Republika. Siya ang
nagdala at nagpakilala ng Griyegong pilosopiya at retorika sa Roma. Siya rin ang nagpakilala at
nagpaliwanag ng mga natatanging gawa ng mga Griyego tulad ng kay Aristotle.
Page 5 of 17
MIDTERM
Bagamat isang aristokrata, ang kanyang pamilya ay hindi mayaman at sila ay walang
pinanghahawakang puwesto at kapangyarihan sa politika. Siya ay nagsanay ng kanyang
propesyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng retorika at pilosopiya. Bilang isang abogado,
nagamit ni Cicero ang kaniyang pagiging magaling na orador na naging dahilan upang siya ay
magkaroon ng maraming tagasuporta. Kaya naman nang siya ay lumahok sa politika, nahalal
siya sa maraming matataas na posisyon kabilang ang tungkulin niya sa senado ng Roma. Siya
rin ay nakilala sa paglalantad ng korapsyon at katiwalian. Noong 60 BC, inanyayahan ni Julius
Caesar si Cicero upang pumanig sa pamahalaan ngunit tinanggihan niya ito sa paniniwala sa
Republika na may pamahalaang may demokratikong pamamalakad. Ipinalasap ni Caesar kay
Cicero ang kapangyarihan ng isang diktador at noong 58 BC, sapilitan niyang ipinadala si
Cicero sa Gresya at kinamkam ang kanyang mga ari-arian. Dahil sa mahusay na pagtatanggol
ni Cicero ay nakabalik siya sa kanyang bayan at nabawi niya ang kaniyang mga ari-arian
maging ang pagiging abogado. Nagsulat rin siya ng ilang mga libro.
Nang namatay si Caesar noong 44 BC, nakabalik si Cicero sa politika. Nag-iwan siya ng
marka sa kanyang mga kontrobersiyal na pananalumpati sa Senado na nagbigay daan upang
magkaroon siya ng mga kaaway at kritiko. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng
pamahalaan noong 43 BC. Upang bigyang-babala ang mga susunod pang orador, ang mga
kamay at ang ulo ni Cicero ay ipinako sa pulpito o sa speaker’s podium. Naging daan sa
pagkamatay ng demokrasya sa Roma ang uri ng kamatayang ipinataw kay Cicero.
Mahalaga ang husay sa pagsasalita dahil ito ang kauna-unahang instrumento para
makahikayat, sumunod na lamang dito ang speech o talumpati.
Ayon kay Cicero ang eloquence ay nakabubuti sa tao, sapagkat inilalayo o iniaalis nito
ang isang indibiduwal sa isang brutish o malupit at magulong uri ng pamumuhay, bagkus
inilalapit sa mas sibilisadong buhay. Ang nagtataglay ng husay sa pagsasalita ay may
kakayahang humubog ng karakter at nagpapasiklab ng lakas ng isang tao.
Page 6 of 17
MIDTERM
Ang taong nagtataglay ng eloquence ay may kakayahang magsalita sa harap ng
maraming tao. Sa pagpapatunay o paglalahad ng mga pruweba, simpleng estilo at hindi
maemosyong pagpapahayag ang estilong ginagamit ng retor; upang magbigay naman ng
kasiyahan ay ginagamit ang estilong pangkaraniwan at tila nakikipag-usap; samantalang
upang maipakita ang angking kakayahan na makahikayat na magpakilos ay estilong maringal,
may awtoridad ang ginagamit. Ang isang retor na may kakayahang pagsama-samahin ang
mga nasabing estilo ay magiging isang epektibong orador at retor.
Sa pananaw ni Cicero, ang pangunahing layunin ng retor ay ang pukawin ang simbuyo
ng damdamin. Naniniwala siya na nakaatang ito sa husay ng retor. Kailangan ng isang retor
ang wastong paggamit ng mga salita para palawakin ang mga negatibong epekto ng mga
bagay na pinaniniwalaang mali at pagtutuunan ng mas malaking pansin ang kahit anong
bagay na sa pananaw ng nakararami ay mas kapansin-pansin.
Sa huli, labis din ang pagpapahalaga ni Cicero sa karakter ng retor. Malaking basehan
ito ng pagiging etikal ng isang talumpati. Ang pagpapakita ng orador/retor ng kabutihan o
paggalang at kakayahang makahuli ng simpatiya ay katangiang higit na kailangan. Mahalaga
ang emosyon ng orador/retor sa paksang talakay. Ang pagkakaroon ng puso at damdamin ng
orador para sa kanyang paksa ay tunay na makahihikayat sa kanyang tagapakinig.
Page 7 of 17
MIDTERM
Si Quintilian
Kilala ring orador ang ama ni Quintilian na nagpadala sa kanyang anak sa Roma upang
mag-aral ng retorika. Nang siya ay naging isang mahusay na retor, bumalik siya sa Espanya
kung saan nagpatayo siya ng pampublikong paaralan. Sumulat siya ng ilang aklat tulad ng
Institutio Oritoria na tumalakay sa pag-aaral ng isang retor. Ang aklat ay nagsaad ng mga
impormasyong katulad ng mga teoretikal na akda nina Aristotle at Cicero ukol sa
pagkakaayos, estilo at imbensyon sa retorika.
Dadag-Babasahin:
Pamana ng Klasikal na Retorika
Oral ang Midyum ng Panghihimok. Sa panahong ito, dahil wala pang mga cellphone, rekorder,
telebisyon at radyo na maaaring gamiting midya upang mabilis na iparating sa madla ang mga
kaalaman ukol sa usaping pag-uusapan, sa pamamagitan ng personal na paghaharap ito
isinasagawa.
Bagamat marunong magbasa ang mga sinaunang Griyego, mahirap din namang gamitin ang
pagsulat, na maaaring sa halip na mapabilis ang usapin, ay lalo itong mabalam. Praktikalidad
marahil ang dahilan kung bakit mas pinili ng mga Griyego at Romano ang paggamit ng kanilang
boses upang makipag-ugnayan at magbigay ng kaalaman sa ibang tao. Upang matawag na isang
epektibong tagapagsalita, kailangan ng isang retor na maging mahusay sa pagsasaulo ng iba’t
ibang impormasyong nais ipamahagi at bigyang punto. Dahil sa sitwasyong ito, naging inobatibo
ang mga retor sa pag-isip ng paraan kung paanong gagawing madali ang pagmememorya ng mga
detalye ng sasabihin. Sa ganitong paraan, kung bakit napadali ang pagsasaulo sa tamang
pagkakasunod-sunod ng siyam na planeta ay tinandaan ang pangungsap na “My Very Eager
Mother Just Served Us Nine Pizzas.” Na ang unang titik ng bawat salita ay katumbas ng unang
letra ng bawat pangalan ng planeta ayon sa tamang pagkakasunod-sunod, “Mercury Venus Earth
Mars Jupiter Saturn Uranos Neptune Pluto.” Sa isang banda, bagamat ang ganitong paraan ay
maghahantad sa tunay na husay ng mananalumpati, retor/orador, may mga pagkakataong
kulang sa mga kongkretong impormasyon at basehan ang ipinapahayag sa mga tao, bunga ng
pagkalimot sa mga impormasyon at kakulangan sa pananaliksik. Dahil sa panahong ito ay wala
pang ganap na pananaliksik na maaaring pagbatayan, dumidepende ang mga abogado sa kung
ano ang naririnig-rinig, pinupulsuhan ang damdamin ng bayan, at ang mga argumento ay hindi
batay sa kongkretong obserbasyon na maghahatid sana ng katotohanan.
Page 8 of 17
MIDTERM
Una, ang Panghukumang Retorika na kadalasang isinasagawa sa korte upang litisin
ang isang taong nasasakdal sa isang gawain; ikalawa, ang Lehislatibong Retorika na
ginaganap naman sa kongreso sa pagitan ng mga mambabatas kung paguusapan ba,
aaprubahan o tututulan ng mga mambabatas ang mga mungkahing batas na
inihaharap at batay na rin sa paraan kung paano ito mapag-uusapan sa kongreso; at
ang huli naman, ang Demonstratibong Retorika na kadalasang isinasagawa upang
purihin o sisihin ang isang tao sa isang espesyal na pangyayari. Ang isang halimbawa
nito ay ang pagpuri sa pamamagitan ng eulohiya sa araw ng paglibing sa taong
namatay.
Dahil nang panahong iyon ang retorika ay isang daan sa panghihimok, ang mga
katotohanang inihahain ng retor sa kanilang diskurso ay nakabatay sa kung sino ang
makikinig – ang publiko ba na wala namang kakayahang magpasya? O ang mga opisyal ng
pamahalaan na siyang may kapangyarihan? Isa si Plato sa tumutol sa ganitong uri ng
nilalaman ng mga talumpati. Para sa kanya, ang retorika ay isang katotohanang mahirap
unawain.
Sa 1967 New Catholic Encyclopedia, nalathala ang isang artikulong may pamagat na
“Humanism.” Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarbey ng Renaissance
Humanism na tumutukoy sa malawak na hindi pagsang-ayon sa pag-aaral ng lohika at
diyalektiko noong panahong Medieval. Batay rin sa artikulo, higit na pinapaboran ang pag-
aaral ng klasikong Latin, estilo at gramatika, maging ang pilolohiya at retorika.
Isa sa mga Pranses na sumunod kay Ramus ay si Audomarus Talaeus (Omer Talon) na
nalathala ang kanyang retorika na Institutiones
Oratoriae nong 1544. Ang aklat niyang ito ay nagbigay ng presentasyon ng retorika na
nagbibigay-diin sa estilo na lalong naging popular nang binanggit ni John Brinsley (1612) sa
kanyang aklat na Ludus Literarius o ang Grammar Schoole bilang “pinakagamitin ng mga
paaralan.”
Sa New England, ang Kolehiyo ng Harvard (itinatag noong 1636) ay tunay na kumikilala
sa mga akda ni Petrus Ramus. Inihayag ito ni Perry Miller sa kanyang akda na may pamagat
na The New England Mind: The Seventeenth Century (Harvard University Press, 1939). Ang
pinakamahalagang pangyayari sa dantaong ito ay makikita sa pag-unlad ng modernong estilo
ng bernakular na makikita sa Ingles kaysa sa Griyego, Latin o modelong Pranses. Isa sa
Page 12 of 17
MIDTERM
kinilalang retorisyan nang panahong ito ay si Francis Bacon. Sa kanyang akda na may
pamagat na The Advancement of Learning, binigyang-kritiko niya ang mga panghihimok na
higit ang pagpapahalaga sa estilo kaysa sa bigat ng usapin, paksa ng talakay, kabutihan ng
argumento, paglalahad ng paksa at ang lalim ng paghuhusga. Upang pabutihin ang estilo ng
pagpapahayag, iminungkahi niya ang paggamit ng simpleng mga salita hanggat maaari.
Idinagdag pa niya na ang retor ay dapat pumili ng estilong angkop sa uri ng tagapakinig.
Chaim Perelman
Kenneth Burke
Page 13 of 17
MIDTERM
Edwin Black
Marshall McLuhan
I. A. Richards
Siya ay isang kritiko sa panitikan at retorika. Ang kanyang The Philosophy of Rhetoric
ay mahalaga sa teksto ng modernong teoryang retorika. Sa isinulat niyang ito, binigyan niya
ng kahulugan ang retorika bilang “pag-aaral ng hindi pagkakaintindihan at ang solusyon nito”.
At nagpakilala sa maimpluwensiyang konsepto ng tenor at behikulo upang ilarawan ang
bahagi ng metapora–ang pangunahing ideya at ng konsepto na kailangang mapaghalintulad.
Stephen Toulmin
Page 14 of 17
MIDTERM
Sagutan ang mga ito gamit ang MSWORD. Isumite ang inyong output gamit ang Messenger.
Name: Date:
Course Year & Section Score
PAGTIYAK SA KAKAYAHAN
Pag-unawa sa Paksa:
Pagsukat sa Kaalaman:
Tukuyin ang konseptong hinihingi ng mga pahayag. Isulat sa bukod na papel ang sagot.
1. Siya ang may-akda ng Gorgias at naging guro ni Aristotle. Isa sa hinahanap ay ang
pagtatamo ng katotohanang pantay at para sa lahat. Tinawag niya itong “absolute truth”.
3. Ito ang katawagang Romano sa general audience o ang publiko, ang mga tagapakinig na
itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pagpapasya ng mga lider ng
bayan.
4. Siya ay isang media artist at pamoso sa kanyang isinulat na “The Medium is the Message.”
Ang akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong mahalaga na hanapin ang
kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman.
Page 15 of 17
MIDTERM
5. Siya ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw sa retorika. Sa
paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang pagtuturo sa
katotohanan kaysa sa retorika.
6. Ang panahong ito ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika. Ang panahong ito
ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika. Ang mga akda ay nasulat sa Wikang
Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano).
10. Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan niya ang kanyang panahon
sa pag-aanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento sa mga isyung moral.
Pagpapaunlad ng Kasanayan:
Pumili ng isa sa mga retor/retorisyan na nasa ibaba. Magsagawa ng karagdagang pananaliksik
ukol sa kanilang mga akda at talambuhay. Ibuod ito, at magsaliksik ng larawan kung mayroon.
Inihanda ni:
Page 16 of 17
MIDTERM
HERBERT PAUL B. JAVIER, LPT
Subject Teacher
Page 17 of 17
MIDTERM