You are on page 1of 14

Kasaysayan ng Retorika sa

Daigdig
*Pinagmulan ng Retorika
*Ang Retorika ng Klasikal na Panahon
*Pamana ng Klasikal na Retorika
Ulat ni: Michael Angelo R. Pereira

BACR 2-1
• Pinagmulan ng Retorika



Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang retorika sa Mesopotamia. Ilan sa mga unang


halimbawa ng retorika ay makikita sa mga lumang sulatin ng mga maharlika at mga
babaylan noon.

Noon pa ma’y umiral na din ang retorika sa sinaunang Ehipto, ang mga tao noon ay
nagtataglay kabihasaan sa pagsasalita. Ito ay isang angking kakayahan na may mataas
na
kahalagahan sa kanilang lipunan.
Nagsimula din ang retorika sa sinaunang China, sa pamamagitan ng mga Chinese
Philosophers katulad ni Confucius na di kalaunan ay nagpasalin-salin na sa mga
tagasunod
nito.
Sinasabi din na nagsimula ang retorika bilang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse,
Sicily
noong ika-limang siglo bago dumating si Cristo.


Si Corax, na taga Sicily, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang


argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailangan ang
maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.

Nakasentro ang pamamaraan ni Corax sa talumpati na kakikitaan ng limang


mahahalagang
elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay; ang mga pangunahing argumento; mga
karagdagang pahayag; at ang konklusyon.
Naibento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang
pagkukulang sa mga konkretong katibayan. Makikita natin dito na sadyang ginagamit
ang
retorika sa pag-apila sa emosyon.
• Ang Retorika ng Klasikal na Panahon



Pasalita ang retorika ng Klasikal na Panahon


Sa panahon ni Aristotle, sapagkat ang mga mamamayan ay karaniwang bahagi ng
politikal
na usapin ng bayan , deliberatibo o intensyunal ang paggamit ng retorika.
Naging kasangkapan sa paggawa ng mga polisiya at sa pagtalakay ng mga isyung
pampulitika ang retorika.
Ibinabatay sa konsensus ng mga tagapakinig ang anumang magiging pagpapasya ng
pamahalaan noon at dahil doon ang ganitong sitwasyon ay nag-iiwan ng bigat ng
tungkulin
sa mga retor.





Layunin ng retor na maimpluwensiyahan ang isipan ng mga tagapakinig.


Bahagi ng pagiging retor ang maging malikhain sa pagbuo ng kanyang pahayag,
magtaglay
ng estilo at maging mapanghimok.
Ang ganitong kalagayan ay napakabuting oportunidad para sa mga sophists.
Ang mga Sophist ay mga gurong dalubsaha at marunong pagdating sa epektibong
pananalita. Ang salitang Sophist ay galing sa salitang griyego na ‘Sophos’ na ang
ibig sabihin
ay karunungan.
Ayon sa mga sophist, ang retorika’y angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang politikal
sa
pamamagitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa
pagbigkas.
Sila din ay mga binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng
kakaibang kasanayan sa paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin, di matawarang
galing sa paggamit ng wika upang makaapekto sa emosyon at kakaibang fleksibilidad
sa pagangkop sa kanilang tagapakinig.




Sa aklat na Rhetoric ni Aristotle, binigyang-diin niya na ang mga talumpati ay


dapat na
nagsasalang-alang sa logos, pathos at ethos.

Tinalakay din ni Aristotle ang iba’t-ibang emosyonal na kalagayan ng mga


tagapakinig at
gumawa siya ng isang sikolohiya ng mga uri nito na sa tingin niya ay dapat na
malaman ng
rector.
Hinati ni Aristotle ang ugali ng tao: ang ugaling panlalaki – batay sa gulang at
swerte.

Ayon sa kanya, ang mga batang lalaki ay may malakas na silakbo ng damdamin, maka-
ideyal
at sobra kung magtiwala.
Ang mga matatandang lalaki naman ay karaniwang masungit, hindi madaling maniwala,
mapaghinala at makitid ang pag-iisip.

Ang mga lalaking nasa hustong gulang ay may tamang balanse ng mga ugali.



Payo din ni Aristotle na dapat ding isaalang-alang ng retor ang mga “biyaya ng
kapalaran”.
Ayon din sa kanya, naiiba ang mga pilosopikal na tagapakinig sa mga pampublikong
tagapakinig.
Nang ang mga sophists ay naging tanyag dahil sa husay nilang humubog ng mga retor,
kinatakutan ni Aristotle ang maaaring maging epekto nito sa usaping pambayan.
Binatikos naman ni Socrates (c. 470-399 B.C.) ang mga sophists sa pagsasabing
walang
hangad ang mga ito maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang
kanilang
lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo at hindi
sustansya ng
talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga
estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Mga Pangunahing Retor/Retorisyan
• Ang mga Sophist:
- Mga binabayarang guro na nagsasanay ng mga mag-aaral upang maging
mahusay na retor.

Nagtuturo ng mga aralin gaya ng politika, gramatika at matematika.

Naniniwala ang mga sophists na ang katotohanan ay nakabatay sa mga


batas, paniniwala at gawi ng mga tagapakinig sa isang konkretong oras at
panahon.

Ayon kay Jarrat, sila ay naglalakbay upang hasain ang karanasan ng mga
mag-aaral.
Plato



Isa siya sa mga pinakaimpluwensyal na sinaunang


teorista.
Ipinanganak sa isang pamilyang mayaman at aktibo
sa politika, sa Athens noong humigit-kumulang 428
BCE.
Siya ay isang mag-aaral ni Socrates.
Nang mamatay si Socrates, naglakbay si Plato
patungong Italya at Sicily sa sandaling panahon
upang harapin ang ilang pag-uusig mula sa mga
pinuno ng gobyerno.

Ang pagkamatay ng kanyang guro na napilitang


uminom ng Hemlock bilang hatol sa kanyang
prinsipyo ang naging dahilan upang bumaba ang
pagtingin ni Plato sa oratoryo.
Nagtayo siya ng paaralang kilala bilang “Akademya”.
Aristotle



Ipinanganak sa hilagang bahagi ng Gresya.

Anak ng isang mangagagamot kaya’t nakatanggap


siya ng maagang pagsasanay sa biyolohiya.
Noong siya’y 17, nagtungo siya sa Athens upang
mag-aral sa Akademya ni Plato.

Naging guro siya ng Akademya at nagturo ng


retorika o diyalektik.
Ipinakikita ang di matatawarang galling ni Aristotle
sa pamamagitan ng kanyang mga kontribusyon sa
larangan ng lohika, retorika, pilosopiya at
biyolohiya.
Noong 335 BCE. Nagsimula siyang gumawa ng
sariling paaralan at tinawag niya itong “Lyceum”.
Isocrates




Isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na guro noon


ng mga Griyego.
Ipinanganak noong 436 BC sa isang mayamang
pamilya sa Athens, Greece.
Naging estudyante ni Socrates at Gorgias.
Sinasabing si Isocrates ay di kagalingan sa
pagsasalita na batid ng nakararami dahil sa
paminsanang pagharap at pagsasalita sa madla.
Si Iscorates ay kilala rin bilang manunulat ng
talumpati ng mga orador.
Protagoras




Si Protagoras ay nabuhay noong 481 B.C. Isa siya sa


mga mahuhusay na sophist.
Naniniwala siya na ang pagpanig sa alinmang
argumento sa debate ay mabuti sa kadahilanang
ang mali sa ibang tao ay maaaring tama sa iba.
Siya din ay isang humanist at tagasunod ng
pananaw ni Heraclitus.
Siya din ang tinaguriang Ama ng Debate.

Nagtayo din siya ng Paaralan at nagturo ng


gramatika.
• Pamana ng Klasikal na Retorika
• Oral ang Midyum ng Panghihimok
• Mapanghikayat ang Pagdidiskurso

• Pampubliko ang Pagdidiskurso

You might also like