RETORIKA

Asst.Prof. ROBERTO DL. AMPIL, Ph.D
UNANG SESYON

INTRODUKSYON

“ Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang”

• Isang palasak na sawikain subalit makatotohanan. Ang tao ay nangangailangan ng kanyang kapwa upang manatili sa mundo, ang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ang higit na epektibong nakikita niyang paraan. • Ang tao sa simula ay marunong nang makipagusap subalit hindi ang pagsulat. • Ang tao upang paniwalaan ay nangangailangang maging epektibo sa paglalahad ng kanyang sinasabi at upang basahin ang anumang isinulat ay kailangan ding may pangganyak dahil wala sinuman ang mag-aabala o gugugol ng kanyang oras sa isang bagay na walang kabuluhan sa kanya. • Dito pumapasok ang retorika, ang sining ng wastong pagpili ng mga salita sa pasalita at maging pasulat na diskurso.

• • •

Maipalalagay ng iba na ang pagsulat ay basta na lamang paglilipat sa papel ng anumang wika. Kung tutuusin nga ang pagsulat at pagsasalita ay halos walang ipinagkaiba maliban sa paraan ng pagpapahayag. Ngunit kung pakasusuriin ang mga katangiang ito ng wika may makikitang pagkakaiba. Una, kailangan lamang natin ang mga salita at sintaks sa pagsulat samantalang sa ating pagpapahayag na pasalita’y naroon ang intonasyon, ang tono ng boses pati na ang kilos ng katawan. Ikalawa, kailangan natin ng sapat na panahon sa pagsulat na di matatagpuan sa pagsasalita. Ikatlo, kailangang kaharap samantalang hindi naman nagkikita ang manunulat at mambabasa, at ikaapat, higit na binibigyang pansin ng nagsasalita ang interaksyong kontekswal kaysa sa pagsulat. Higit na mauunawaan ito sa talahanayan.(Talahanayan 1)

• • •

Kung ang pasalita at pasulat ay nagkakaiba bilang paraan ng pagpapahayag, ang kanilang katangian bilang bahagi ng wika ay nagkakatulad sa maraming bagay. Ang katangian nilang ito’y bumubuo ng patuloy at walang patid na ugnayan ayon sa sitwasyon, tungkulin, at madlang kinahaharap. May mga sosyolinggwistikong pag-aaral na nagpapakitang ang paraan ng pagsasalita lalo na sa katutubong wika’y nakaaapekto sa pagsulat. Malaki rin ang kaugnayan sa pagsulat ang mga unang linggwistikong kaalamang natutuhan ng mga bata at ang kakayahang umunawa ng ikalawang wika o wikang banyaga. Magkagayunman, wala namang batayan kung paanong ang nasusulat na lenggwahe ay nakaapekto sa pagsasalita gayung ang pagsulat ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng pananalita. Maaaring ang palagay na ito’y salig sa kaisipang una nating natutuhan ang pagsasalita kaysa pagsulat. At hindi kataka-takang mas marami ang mahusay sumulat kaysa magsalita sa tunay na kahulugan nito.

ang mga pangunahing argumento. mga karagdagang pahayag o kaugnay n argumento. ang salaysay o kasaysayang historical.isang tagaroon ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. at ang perorasyon o konklusyon. isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo bago dumating si Kristo.Saligang Pangkasaysayan ng Retorika • • • Nagsimula bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse. Si Corax. Binigyang pagkakataon ang mga mamamayan na dumulog at ipaglaban sa hukuman ang kanilang karapatan. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa limang mahahalagang elemento: ang proem o introduksyon.ayon sa kanya upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailangan ang maayos na paglalahad ng argumento. • .

• • • • Ginagamit ang retorika sa pag-aapila ng emosyon at di gaanong binibigyan diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento.C) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo at hindi sa sustansya ng talumpati. Binigyang katuturan niya ang retorika bilang “agham ng paghimok o pangungumbinsi”. . Binatikos ni Socrates (470-399 B. Ayon sa mga sophist. Banta pa niya na ang ganitong pamamaraan ay nagtuturo lamang sa estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. ang retorika’y angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamagitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at istilo sa pagbigkas.

• Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa historya at pilosopiya.C). • Nagtatag siya ng sariling paaralang nagtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ng mga salita sa paraang tuluyan o prosa. .• Kinikilalang pinaka-maimpluwensyang retorisyan noon si Isocrates (436-338 B.

at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.C) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat.• • • Sa Rhetoric ni Aristotle (384-322 B. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaaring maganap kaysa tiyak na magaganap. binigyan ng parehas ng emphasis ang katangian ng nagsasalita. at ang halimbawa o analodyi para sa pangangatwirang induktibo. ang lohika ng kanyang isipan. sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinukuha sa pansamantalang batayan. .

Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Anong aksyon ang ating gagawin? Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko. Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga salita. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay papuri. Ano ang nangyari? Iniwan din ni Aristotle ang oratoryong deliberative o political na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. .• • • Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay.

• Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. .C) ang batikang orador ng Roma. • Nasabi niyang ang pagtalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpapasiya ng orador kaysa sa isyu ng moralidad ipinahahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati.• Si Cicero (106-43 B. katulad din ni Aristotle. ay hayagan ding nagtagubilin sa kaangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati.

. • Sa pagsasama-sama ng mga sangkap na ito ay nakabubuo tayo ng isang komposisyon at ito ang kabuuan ng mga sangkap. • Ipinakikita sa siyensya ng lenggwahe ang mga hilaw na sangkap na taglay ng wikang magagamit sa pagpapahayag. • Sa pamamagitan lamang ng sining na ito ng lenggwahe’y maaari tayong pumili at pagsama-samahin sa abot ng ating makakaya ang mga sangkap sa mabuting pagsasalita. ang pag-aaral ng pagsulat ng komposisyon ay pag-aaral din ng lenggwahe – ang pagsasaayos sa dapat kalagyan ng mga salita ayon sa kanilang pagkakasunod. • Samakatuwid. Wika at Linggwistika • Ang sining ng lenggwahe ay pag-aaral kung paanong magagamit natin ng epektibo ang wika.Ang Semantiks ng Retorika.

Hindi lingid sa ating kaalaman na pinakamahalagang sangkap sa komunikasyon ay ang pagsasalita subalit ano nga ba ito? .Kapag napag-uusapan ang wika o lenggwahe dalawang bagay ang agad na sumasagi sa ating isipan – ang pagsasalita at pagsulat. Nagagawa nating pagsamahin ang dalawang ito subalit di man lamang natin masabi ang kanilang pagkakaiba.

Karamihan sa kanila’y nagsasabing ang pananalita at lenggwahe ay iisa. kailangang batid niya ang kanilang pagkakaiba at kapag naunawaan niya ang kanilang pagkakaiba. Para naman sa karamihan ng tao ang lenggwahe ay kapwa pagsasalita at pagsulat at kung minsan nga’y hindi alam kung alin sa dalawa ang tutukuyin kapag nagtatanong tungkol sa wika. .Sa mga linggwista. Ang katotohanan bago ang isang tao’y matuto ng epektibong pagsulat. mauunawaan din niya kung bakit parang mas madaling magsalita kaysa sa magsulat. ang lenggwahe’y isang sistema ng mga pananalitang tunog na ginagamit ng tao upang makipagkomunikasyon.

Kumpara sa pagsasalita.Bakit ginagamit ng mga linggwista ang salitang lenggwahe kapag tinutukoy ay pananalita? • Una. . • Subalit ang pagsulat ayon sa mga dalubhasa ay natutuhang gamitin ng tao mga limang libong taon lamang ang nakalilipas. wala namang nakaaalam ng tiyak na taon kung kailan unang ginamit ng tao ang pananalita basta ang alam lang nati’y marunong nang magsalita ang tao may daang libong taon na ang nakalilipas. ang pagsulat ay bagong tuklas pa lamang.

walang sibilisasyon sa mundo na unang gumamit ng pagsulat bilang anyo ng komunikasyon kaysa pagsasalita.• Magkagayon man. . • Lahat ng tao maliban sa mga may kapansanan at walang kakayahang mag-isip ay marunong magsalita.

• Samakatwid. ang mga simbolong nakasulat ay tumutugon sa panalitang tunog. . • Sa halos lahat ng lenggwahe. • Ito’y pangkat ng mga simbolong sadyang nilikha upang kumatawan sa wika. subalit hindi maaaring mangyari na magkaroon ng pagsulat nang walang pananalita. ang pagsulat ay batay o galing sa lenggwahe. • Sa madaling salita. posibleng magkaroon ng panalita (lenggwahe) nang walang pagsulat. • Wala namang lenggwaheng ang tunog ng pananalita ay kumakatawan sa mga simbolong nakasulat.

.• Ang mga nasabing dahilan ay nagbibigay sa atin ng pagkukuro na kung bakit ang mga panalitang tunog ay itinuturing na lenggwahe ng mga linggwista at ang pagsulat bilang sistema ng mga simbolong kumakatawan sa wika.

Ang Pasulat at Pasalitang Wika .

• Maraming beses na tayo nakababasa kundi man ay nakaririnig ng mga balita na dahil lamang sa maliit na bagay na pinag-uusapan o binabasa ay nauuwi sa awayan o hindi pagkakaintindihan. • Kung ang bawat isa na nakikipagtalastasan ay marunong umunawa sa lahat ng mga senyales ng pakikipag-usap baka sakaling maiwasan pa ang ganitong sitwasyon. . • Bunga nito nakalimutan ng tao na magpahalaga sa higit na dapat bigyang pansin ang gawaing pasalita at pasulat.• Dala marahil ng globalisasyon kung bakit ang bawat isa ay nagkukumahog sa paghahanap ng mga bagay na tutugon sa kanyang pangangailangan.

gayunman.• Kapwa naghahatid ng mensahe ang pasalita at pasulat na wika. ang mensahe na dala ng pasulat na wika ay mahirap unawain dahil na rin sa hindi ito naririnig at ang awdyens ay malayang makabuo ng iba’t ibang kahulugan sa mensaheng ipinahatid. . • Samantala. Kailangan lang ay ibuka ang bibig at magsalita sa paghahatid ng mensahe. At ang tunog na nalilikha ay nakararating sa awdyens at awtomatiko niya itong nauunawaan sapagkat magkatulad ang kanilang kaligiran. • Nasa ating katawan ang lahat ng pangangailangan upang makipagtalasatasan. malaki ang kanilang pagkakaiba.

Ang mga alintuntuning panggramatika’y mahusay na nasusunod at nailalarawan sa mga tekstong nakasulat. Hindi ba’t sa hukuman na lamang ay maririnig ang mga pahayag na tulad ng “ ang mga sinabi mo ay walang basehan dahil iyan ay sabi-sabi o haka-haka lamang”. Para sa kanila.Kalamangan ng Wikang Pasulat Hindi maiiwasan sa anumang pag-uusap na pagtalunan kung bakit higit na pinapapaboran ang wikang pasulat kaysa pasalita. Ito ang itinuturing na midyum ng literatura na siyang bukal naman ng pamantayan sa kahusayang panlinggwistika. Hindi ba’t kung may transaksyon tayo kinakailangang may kasulatan upang kahit papaano ay may habol pagdating ng panahong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang lenggwahe ng pagkakataong mamalagi na may hibo ng kapangyarihan . hindi tinatanggap ng husgado ang mga pahayag na narinig lamang. Ayon nga sa mga pag-aaral napatunayan na mas mataas ang pagtinging inilalaan sa gawaing pasulat.

ay nagbabasa tayo upang maglibang at makakuha ng impormasyon gayon din sumusulat tayo upang magbigay o magpaabot ng impormasyon. Ang mga pangyayari sa nakalipas ay pawang nakasulat sa ating kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagsulat ay nagagawa nating itago ang mga buhay ng mga kinikilalang tao na sa huli ay magbibigay sa atin ng inspirasyon at ng gabay. Ang kasaysayan ang nagtuturo sa atin upang ituwid ang mga pagkakamaling nagawa. Mahirap yatang ipasa ang mga karunungang sa bibig lamang dahil hindi lahat ng ating naririnig ay ating natatandaan. . Wala tayong landas tungo sa nakaraan. Sa ating pag-iisa. wala ring magaganap na pag-aaral ng ating kasaysayan.Kung walang pagsulat. Natututo tayong mag-isip at gumawa ng tamang pagpapasya dahil naturuan tayo ng mga literaturang ating nababasa at itinuturo sa atin.

hindi natin namamalayan ang tamang pagpili ng mga salita at ang mga kahingian ng gramatika. sapat na sa atin ang makapagpahayag at maunawaan. Natutuhan nating magsalita nang hindi namamalayan samantalang maingat naman tayong tinuturuan upang matutong sumulat. Hindi ito nakikita sa pagsulat. Ang likas na kakayahan ng taong magsalita’y tulad din ng likas niyang kakayahang lumakad at tumakbo. • . At sa bilis ng ating pagsasalita. namumutawi ang mga kataga nang walang gaanong hirap at pag-iisip. Sa pagsasalita.Kalamangan ng Wikang Pasalita • • • • • Ang pagsasalita’y isang natural at hindi maiiwasang aspekto bilang tao hindi katulad ng pagsulat. mabagal at kailangan ang buong isip.

• Halimbawa. ng pagiging seryoso o sobrang kagalakan. • Sa alinmang sitwasyon ng pagsasalita kailangan ang dalawang panig. . galit. Dahil kakikitaan ito ng patuloy na bigayan at pagtanggap sa pagitan ng nagsasalita at nakikinig. ang paggamit ng galaw ng katawan at iba’t ibang ekspresyon ng mukha upang bigyang diin ang mahahalagang bahagi ng pahayag. • Maaari ding baguhin ng nagsasalita ang tono ng kanyang tinig sa pagpapakita ng kasiyahan.• May ilang paraan ng komunikasyon sa mga sitwasyon ng pagsasalita na hindi bukas sa manunulat.ang nagsasalita at ang nakikinig. • Nangangahulugan ito nang pabagu-bagong sitwasyon. masasabing ang ganitong sitwasyon ay fleksibol. minsan ang nakikinig ang nagsasalita at ang nagsasalita naman ang nakikinig. At kung hindi man magkaunawaan ay madali na nila itong nagagawan ng solusyon. Magaan ding nagagamit nang epektibo ang mga salita kahit na hindi batid ang ispeling ng mga ito.

ang isang pagpapahayag na may balarila lamang at walang retorika ay nagiging kabagut-bagot sa bumabasa o nakikinig. • Datapwat. • Alisin ang Balarila at mawawalan tayo ng kawastuang hindi maaaring iwaglit sa anumang matinong panunulat na ating hinaharap. . • Kung gaano kahalaga sa ikapagtatagumpay ng isang mekaniko ang kaalaman sa bawat bahagi ng makinang kanyang kinukumpuni. wasto at magandang pagpapahayag. gayundin kahalag sa isang manunulat ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap.Ang Retorika at Balarila • Ang Retorika at Balarila o Gramatika ay mahahalagang kailangan sa isang maayos. Sapagkat ang Balarila ay isang agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay.

Samantala. mabisa. sa kaibhan ng tama sa maling pangungusap.Ano ang retorika? Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakitakit na pagsasalita at pagsulat.ayon naman sa ibinigay na depinisyon ng diksyunaryo. ito ay isang sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan pasalita man o pasulat. ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw. Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuan. . maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.

ito ay sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan. Halsey at Emmanuel Friedman (1979) na ang retorika ay isang verbal na agham at humahakdaw pa sa lojic at balarila. kaugnay nito.ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estilo sa pananalita kundi maging sa paggamit ng jestyurs at galaw para maging efektibo at kaakit-akit sa mga tagapakinig. sinasabi nina William D. Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito. karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas.• Sa ngayon. . samakutwid.

Makikita sa mukha ng babae ang kalungkutan. bago pa ang lohika at balarila. • Maaaring ipagpalagay na mahalaga sa retorika. Ilang saglit pa'y umiiyak na ito. Nababanaag sa anyo ng kanyang mukha ang kalungkutan at maya-maya pa ang nangingilid na luha’y dagling dumaloy sa kanyang pisngi. ang retorika ay nakatuon sa maaaring magawa ng mga salita at hindi sa kinakailangang istruktura o ayos ng mga salita sa isang pahayag. 2. Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Bigyang -pansin natin ang mga pangungusap sa ibaba: 1.• Sa pagbibigay-diin nito sa paggamit ng mga salita bilang epektibong sangkap. . unang-una ay ang epektibo at magandang pagpapahayag. • Ang binibigyang unang pansin sa retorika ay kalayaan ng pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang ipinagbabawal ng lohika at balarila.

• “Huhukayin ko ang pag-ibig sa dagat ng iyong dibdib” • “Huhukayin ko ang pag-ibig sa puntod ng iyong dibdib” .

at pait. Ang mahina’t maliit. ibubulong ko sa inyo ang masaklap kong sikreto: hindi ko pa inaano ay buntis na ang nobya ko. Makukuha bang magalit ng karpintero? Magtiis. katam. Lacaba Pait. katam. walang dahilang lumuha. Martilyo. Ang sabi ng anghel. at martilyo.• “Pasiong Mahal ni San Jose” ni Jose F. wala yatang laban sa langit! . dapat pa nga raw matuwa pagkat Diyos ang gumahasa. wala akong dapat ikahiya.

wala na namang kapares. Dinampot ng basurero. Umiling-iling ang basurero’t bumulong.• “Putol” ni Mike Coroza May kanang paang putol Sa tambakan ng basura. Kumatas ang dugo. Naka-Nike. “Sayang.” .

• Ayon kay Socrates (350 B.Ano ang retorika? • Ang salitang retorika ay nabigyan na ng iba’t ibang depinisyon sa loob ng mahabang panahon. • Ito’y galing sa salitang rhetor: (GK – isang nagsasalita sa publiko (public speaker). “Ang sining ng argumentatibong komposisyon. • Kay Aristotle naman ay “kakayahan sa pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon ng anumang paraan ng paghimok.” .C) ang retorika ay “agham ng pagpapahinuhod”.” • Kay Richard Whatley noong ika-19 siglo.

. • Ang retorika ay sining ng epektibong pamimili ng wika. • Kung gayon masasabing may retorika dahil sa kadalisayan at barayti ng wika. • Kung ang isang kaisipan ay maipapahayag lamang sa iisang paraan. at ang di mapasusubaliang batayan ng pamimili ay ang pagkakaroon ng mga pagpipiliin o alternatibo. hindi sana nagkaroon ng retorika.Ano ang retorika? • Mula sa mga nabanggit na depinisyon ay mamalas ang mga istratehiyang ginagamit ng mga nagsasalita/manunulat sa tuwing sila’y nakikipag-usap.

Lumilikha ito ng istorya mula sa kawalan na gumagamit lamang ng simbolo upang buhayin ang damdaming nalilimutan natin at mga bagay-bagay na hindi pa natin nakukunsidera.Ang Retorika bilang Sining Katulad ng tula. Gumagamit ito ng wika. ang retorika ay isang sining. Sining ito na may mga katangiang sumusunod: . pangkaraniwan o komon na ideya. kumbensyunal na wika at ispesipikong impormasyon upang baguhin ang damdamin at kilos ng tagapakinig.

Pinagsasama ang dalawa o higit pang tao sa posibleng atmospera ng pagbabago. . Hindi maaaring gawin ito nang nag-iisa. Ang istandard ng kanyang kahusayan ay istandard ng ordinaryong tao. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito nang kaganapan. Isa itong ordinaryong wikang ginamit na extraordinaryo. • Isang Pantaong Sining-Isang ordinaryong sining ito.• Isang Kooperatibong SiningPinagbubuklod nito ang tagapagsalita at tagapakinig.

subalit hindi lahat ay kaya nitong gawin. • Isang Limitadong Sining.Maaaring marami itong gamit. Hindi nito maaaring pagalawin ang mga bundok. hindi ng kahapon. ang retorika ay nagmumula sa panahon kung kailan ito nalikha. . sungkutin ang mga bituin at buwan sa kalangitan at pasukuin ang nagmamatigas na mga rebelde. jargon na walang pag-aalintana kung paano ito bibigkasin bukas. Ang retorika ng panahon ngayon ay gumagamit ng napapanahong istatistiks. hatiin ang dagat. Ang mga taong lumilikha nito ngayon ay nangungusap sa ganitong wika.• Isang temporal na Sining-Karaniwan.

pabagu-bago sa maraming bagay. Marami rin ang walang kasanayan sa pagbuo ng mga pangungusap at pagdedebelop ng mga kaisipan. May mga mahalagang panuntunan subalit kakaunti lamang. Kung magdidisisyon sa kung ano ang sasabihin. May magandang mangusap at mayroon din namang hindi. ang isang tagapagsalita ay lumalangoy sa dagat nang kawalang patutunguhan sapagkat. Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika. Kailangang magkaroon ka ng "touch" o ng abilidad sa paggamit ng tamang argumento at parirala sa isang tamang panahon. Masyadong komplex o komplikado ang tao. Ang tao'y nakikipagtagisan ng argumento sa mga bagay na walang kasiguraduhan tulad ng : dapat bang pairalin ang Euthanasia? Sa halip na "fix" o kongkreto tulad ng : Ang hindi mapipigilang kamatayan.• • • • Isang "Frustrating" o May Kabiguang Sining sa Ilang Okasyon-Walang batas ang retorika. .

.• Isang Generativ o Nagsusupling na Sining. Tinutulungan tayo nito na matutunan o makuha ang iniiisip ng iba. nagkakaroon tayo ng karunungang sosyal o "social knowledge". Dahil sa ating pagpapalitan ng ideya.Nililikha nito ang mga kaalamang ipinapasa natin sa iba.

ano ito? Ipinakikita ng ilustrasyon ang realm o sakop ng retorika. kailangang ikunsidera kung ano ito o kaya'y kung hindi ito ganito.SAKLAW O "RANGE" NG RETORIKA Upang maunawaan ang retorika. Siyentifikong Nakikita Artistikong Mapanlikha Panlipunang Konsern RETORIKA Makatwirang Pilosofikal .

Gumagamit ng simbolo upang bigyang buhay ang ideya. . • Nagiging pilosopikal ngunit resonable o makatwiran ang isang gumagamit ng retorika upang ipakita na ang mga argumento ay kailangang may padron ng sensibilidad upang maunawaan ng iba. Gumagamit ng imahinasyon upang akitin ang mga tagapakinig. Gumagamit ng simbolo upang bigyang buhay ang ideya.• Ang nagsasalita ay isang artistikong mapanlikha.

Ang "acid test" sa pagitan ng mga siyentipikong nakikita at nasasabi ay nagpapakita ng katotohanan. • Dahil sa maraming tinutumbok ang retorika. ito ay makapangyarihan. .• Dahil sa siya ay isang mamamayan. kailangan niyang maging konsern sa lipunan na tutulong sa gawaing pagbabago hindi lamang para sa isang tao kundi sa mas marami pang tao.

• Nagdidistrak Dahil sa pakikinig natin sa iba. May mga bagay na hindi natin masabi nang diretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika. Pinagkokonsentreyt tayo sa bagay na binabanggit.: "Ang inyong abuloy sa simbahan ay di kawalan sa inyong materyal na yaman kundi ito'y kontribusyon ninyo sa langit" . nakaklilimot tayo sa ating gawain at kinukuha nito ang ating atensyon. Pinag-iisip tayo sa paksa. Kinokontrol nito ang depinisyon na ibinibigay natin para sa isang aktibiti. halimbawa. Pinahihina ang ating latitud sa pagpili.FANKSYON O GAMPANIN NG RETORIKA • Nagpapaluwag ng daan para sa komunikasyon.

Iniexpand nito ang pananaw ng tagapakinig-pinararami • Nagbibigay ngalan ito Ang mga tao. Terror. bato ay dumating o ipinanganak nang walang "label". Mr. Mr.bisikleta. Dahil sa retorika binigyan sila ng mga katawagan. Humihingi ng pahintulot na ikunsidera ang bagong solusyon sa problema.hayop. Halimbawa: Mrs. . Suwabe etc. brownie. Masungit .• Nagpapalaki/ nagpapalawak Para itong intelektwal algebra.

maraming mga tahimik at konserbatibong tao ang naging prominente dahil sa kagalingan sa pagsasalita.Ang mga matatalinong ideya. Ninoy Aquino ay naging isang pangulo matapos ipaglaban ang kanyang asawa. . . konsepto at teorya ng mga sinaunang pilosopo at paham. Loren Legarda-Leviste na isang journalist at news reporter.• Nagbibigay Kapangyarihan Dahil sa retorika.Arroyo na isang ekonomista at Sen. .Ang kapangyarihang sosyal ay ibinigay sa kanila ng lakas ng retorika. Bigyang halimbawa natin si Gng. malalim na paniniwala at ideolohiya ay pinagmumulan din ng kapangyarihan at kalakasan. Gayundin si Pangulong Gloria Macapagal.Corazon Aquino na isang simpleng maybahay lamang ni Sen. Kabilang na rito ang mga paniniwala.

Ito ang winika ni Martin Luther King nang sinabi niyang. Mayroon akong panaginip…na minsan isang araw.dito sa Alabama. ang mga maiitim at mapuputing batang paslit ay maghahawakkamay bilang magkakapatid.•Nagpapahaba ng Oras •Pinahahaba nito ang oras upang ang panahon ay kumilos sa paghilom ng mga sugat ng lipunan. . Mayroon akong pangarap ngayon.

kinakailangang isaalang-alang ng manunulat o ispiker ang tatlong elemento ng tatsulok ng retorika. “manunulat / ispiker” at “awdyens”. • Ito ay nililikha ng manunulat o ispiker para sa kanyang awdyens – isang kaugnayan na maaaring ilarawan sa diwa na isang tatsulok na may mga puntong “ mensahe”. .Ang Tatsulok ng Retorika Ang anumang argumento o usapin na ginagamit sa pasulat o pasalitang diskors ay hindi nagmumula sa kawalan. • Sa pagsusulat/ pagsasalita ng isang epektibong argumento.

• Ang pag-iiba ng isang punto ay nangangahulugan din ng pag-iiba ng naiwan.ethos at pathos. . Ang tatsulok ng Retorika ay nakapokus sa mensahe. manunulat /ispiker at awdyens ay maiuugnay din sa tatlong uri ng panghihikayat na kinikilala ng mga retorisyan: logos. Kung nais mong palitan ang iyong awdyens mula sa galit na galit na demonstrador patungo sa isang kaibigang nakikinig ay marapat na ibahin din ang mensahe nito upang bumagay.

Mensahe ( logos: Papaano ko gagawing konsistent at lohikal ang argumento sa loob nito? Papaano ko masusumpungan ang pinakamagandang kadahilanan at suporta rito na may pina-epektibong ebidensya?) RETORIKA Awdyens : Manunulat / ispiker: (Pathos: Paano ko gagawing bukas (ethos: Papaano ako magiging epektibo sa ang isip ng awdyens sa aking mensahe? Mambabasa at tagapakinig? Paano ko Paano ko ilalapat ang emosyon at imahinasyon mapapanatili ang aking kredibilidad at ng aking mambabasa/tagapakinig? Paano ako pagkamatapat?) makakaapila sa pagpapahalaga at interes ng aking mambabasa?) .

• Ang kalinawan ng pag-aangkin. .Logos (Salita sa Griyego) ay patungkol sa panloob na konsistensi ng mensahe. at ang pagkaepektibo ng mga suportang ebidensya. ang lohika ng kadahilanan. • Ang dating sa awdyens ng logos ay kadalasang tinatawag ding argumentong apilang lohikal (Arguement’s logical appeal).

Ethos ( karakter sa Griyego) ay patungkol naman sa pagkamatapat at kredibilidad ng manunulat /ispiker. • Naaapektuhan din ito ng reputasyon ng manunulatang kanyang kadalubhasaan sa kanyang propesyon. • Ang ethos ay kadalasang naipapahayag sa pamamagitan ng tono at istilo ng mensahe at sa paraan ng manunulat at ispiker sa paglalahad ng magkataliwas na punto. . ang kanyang naunang record ng integridad. • Ang dating ng ethos ay tinatawag ding argumentong apilang etikal o apilang may kredibilidad.

• Ito ay patungkol sa dating ng mensahe sa awdyens. ang kapangyarihan na kung saan ang mensahe ng manunulat o ispiker ay nagdadala sa awdyens na magbigay ng pagpapasya o nag-uudyok na umaksyon o kumilos. . • Kung tutuusin talagang mahirap ihiwalay ang emosyon sa lohikal na argumento. • Ang matagumpay na istrakturang lohikal ng argumento ay mauugat sa pagpapahalaga at paniniwalang ibinabahagi ng awdyens upang makapaglabas ito ng emosyon. • Ang dating ng pathos sa ating awdyens ay tinatawag na apila sa emosyon o apilang motibasyunal.Pathos ( Emosyon sa Griyego) ang pinakamahirap bigyang katuturan. • Ang logos ay para sa ating rasyunal fakultis samantala ang pagsasama-sama ng logos at pathos ay sa ating imahinasyon.

ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG RETORIKAL AWDYENS PAKSA LARANGAN NG PANGHIHIMOK KALAGAYAN MIDYUM ISPIKER KULTURAL NA HANGGANAN .

nakalikha ba ng pahayag na sosyal (social statement) ang ispiker?  May kaalaman ba ang awdyens sa ispiker?  Ang ispiker ba ay “santo” o “biktima” ng mga isteryotipong awdyens?  Ang ispiker ba ay may kalayaan sa pagtukoy ng kanyang motibo sa pagsasalita?  May partikular bang ideolohiya o doktrina ang ispiker na nagpapalawak at naglilimita ng kanyang tinatalakay?  May taglay bang unikong assets o liabilities ang ispiker sa pagtalakay niya sa paksa?  May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga katanungang ito? .ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG RETORIKAL Ispiker  Bukod sa pagtalakay sa isang partikular na paksa sa isang partikular na kalagayan.

ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG RETORIKAL Awdyens  Anuman ang kalalabasan ng interaksyon. nakapagpakita ba ng pahayag na sosyal ang mga nakikinig?  Hanggang saan ang kayang baguhin ng awdyens “Retorikal na awdyens” na siyang hinihingi ng ispiker?  Nagawa ba ng ispiker na magkaroon ng ugnayan sa kanyang mga awdyens?  Anu-anong personal at pilosopikal na komitment ang nagawa ng awdyens na nakaaapekto sa kanilang pagtugon sa ispiker?  Anu-anong impormasyon o gawi ng awdyens na nakaaapekto sa tagumpay ng ispiker?  Anu-anong karanasan ng awdyens ang nakaaapekto sa kanilang pagtanggap at pagkikinig sa ispiker?  May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga katanungang ito? .

ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG RETORIKAL Paksa  Katanggap-tanggap ba ang paksa sa lipunan? May kahalagahang sosyal ba ito?  Ang paksa ba ay mainit o payapa? Ang opinyon ba ng publiko ay higit na tinanggap sa ganitong kalagayan?  Gaano kakompleks ang paksa? Makatwiran bang talakayin ito sa awdyens sa ganitong kalagayan?  May pagbabago ba sa pagtalakay ng ispiker ng ganito ring paksa?  May espesyal bang katangian ang paksa na makapagbibigay ng bentahe o panganib sa pagtalakay?  May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga katanungang ito? .

ang kalagayan ng pagsasalita (speech setting) ba ay nakikinita bilang “counterstatement” ng iba pang set ng mensahe? – Napalawak o nalimitahan ba ng ispiker ang posibilidad ng kasalukuyang panghihimok? – Anu-anong pahayag na nalikha ng mga tao nuon ang pumipigil sa ispiker na talakayin ang paksa sa ngayon? – May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga katanungang ito? .ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG RETORIKAL Larangan ng Panghihimok – Sa pagtalakay sa kabuuan.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful