You are on page 1of 59

YUNIT 1:

WIKA

Kahulugan at Katangian ng Wika

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang


wika.

Ang wika ay umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi


static.
Nang dahil sa wika ay naitala at nailarawan ng mga unang tao ang
kanilang mga karanasan noong unang panahon. Sa pamamagitan ng wika ay
nasasalamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga
mamamayan ng isang bansa (Marquez, et al., 2010).

o Monolinggwal- kung isang wika lang naman ang alam ng isang tao.
o Bilinggwal- ang taong marunong magsalita ng dalawang wika.
o Halimbawa nito ay ang taong marunong magsalita ng Filipino at Ingles.
o Polyglot- kung ang isang tao ay nakapagsasalita ng higit sa dalawang
wika tulad ni Dr. Jose Rizal.

IBA’T IBANG PAKAHULUGAN SA WIKA

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.

Lachica (1993) matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na


nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito.

Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang sistema ng mga


sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.

Todd (1987)- set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa


komunikasyon.

Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga


arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y
nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.

1
Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing
pantao ayon kay Archibald Hill.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura.

KATANGIAN NG WIKA

1. May masistemang balangkas.

 May sinusunod na tuntuning gramatikal


 Pagsasama-sama ng tunog
 Nakalikha ng mga panlapi
 Salitang-ugat
 Maging ganap na salita

2. Ang wika ay sinasalitang tunog.

 Lahat ba ng tunog ay wika?


 Kailangan ng aparato sa pagsasalita
 Tanging tao ang nakalikha ng tunog na sa kalaunan ay nabubuong ganap
bilang wika
 Ito ang pinagkaiba ng tao sa iba pang nilalang

3. Ito ay arbitraryo.

 Nakasanayan sa text messaging ang mga baybay na “d2 na me at san n


u?”.
 Napagkasunduan ng tao.

Halimbawa:

Ang salitang rice sa Ingles, ay arroz sa Kastila, bugas sa Bisaya, bigas sa


Tagalog at abyas sa Kapampangan

4. Nakabatay ito sa kultura.

 Batay sa aklat nina Alcaraz, et al. (2005), ayon kay Salazar (1996),
gumaganap ang wika bilang tsanel/ daluyan, tagapahayag, impukan at
imbakan ng kultura.
2
 Naging bahagi ng wikang Pilipino ang mga katawagang ate- a-relasyon
(ci)-older sister, kuya, ditse- pangalawang kapatid na babae, sanse- ikatlo
(sa means third), atbp.
 Maraming itinutumbas ang mga pinoy sa rice ng mga kano. May palay,
bigas at kanin, binhi, punla, malagkit, sinuman, nilugaw atbp.

5. Ang wika ay dinamiko- namamatay, nabubuhay.

 Ipinanganak ang katawagan at barayti ng wika na maituturing na buhay


na buhay na minsan naman ay namamatay kapag walang tumatangkilik.
 Lumang salita: lelong- matandang lalaki, salipawpaw- eroplano.
 Ilan pang halimbawa ay ang mga katawagang 50-50, mag 5-6, nag 1,2,3,
KSP, KKB (De Vera, Astorga, et al).

6. Ito ay midyum sa komunikasyon

 Sinasabi nina Alcaraz, et al. (2005) ayon kay Otanes (1990), na ang wika
ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
 Swanson (1976), ang gampanin ng wika sa naturang gawain ay sa
paghahatid, pagtanggap, at komprehensyon ng kabuuan ng mensahe o
teksto.
 Kailangang patuloy itong ginagamit upang mapanatili itong masigla at
buhay.
 Nagagamit ang wika sa komunikasyong berbal- pagsasalita at pagsusulat.
 Nakapagsasalita at nakasusulat ang mga tao gamit ang kanyang wika.

7. Ito ay makapangyarihan

 Kapag nakapaghahatid at nakapagpapalabas ng ibat ibang emosyon,


positibo man o negatibo.
 Napapagalaw nito ang isip, napasisigaw nito ang puso at napasusunod
nito ang tao.

8. May pulitika ang wika.

 Tinukoy ni Almario (1997) ang pulitika sa wika sa mga sitwasyong dinanas


ng wikang pambansa upang kilalanin at isulong bilang komon na wika
(isyu sa pagitan ng mga puristang Tagalog) o higit na makiling sa tagalog,

3
hindi tagalog (maaaring buhat sa ibang mga wikain sa Pilipinas/ kasama
ang mga kiling sa Ingles at Espanyol).
 Tagisan ng kaalaman at kapangyarihan.
 (Pulitika ng wika, wika ng pulitika) na binasa ni Randy David sa Unang
Pambansang Kongreso ng sanggunian sa Filipino (SANGFIL)
 Samantala binanggit ni Fortunato ayon kay Lakoff (1990) na laro ng
kapangyarihan ang pulitika, may nangunguna, pinangungunahan,
paggamit ng pwersa, may nawawagi at natatalo
 May tagisan ng kapangyarihan kung wika ang pag-uusapan.

9. Walang wikang superyor

 Ingles, susi ng kapangyarihan.


 Malaking kamalian ang ganoon.
 Ayon sa Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon (2004), ang
anumang wika ay imbakan ng karunungan at ang Ingles ay isa lamang sa
mga iyon.
 “Language Matters”- Bawat wika ay mahalaga (De Vera, et al., 2010)
 Walang nakatataas at wala ring dapat na ituring na napakababa.

TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA

Batay sa pag-aaral ni JACOBSON (2003),may anim na paraan ng paggamit


ng wika:

1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (Emotive)- ginagamit ang wika upang


palutangin ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa: Mayaman dapat ang mapangasawa mo para mahango tayo sa hirap.

2. PANGHIHIKAYAT (Conative)- ginagamit ang wika upang mag-utos,


manghikayat o magpakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang katahimikang ating
ninanais.

3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (Phatic)- ginagamit ang wika bilang


panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.

4
Halimbawa: Una sa lahat, ikinagagalak kong makasama ka sa aming mga
krusada.

4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (Referential)- ginagamit ang wikang


nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng
pinagmulan ng kaalaman.
Halimbawa: Ayon kay Dor Gabor, sa kanyang aklat na Speaking Your Mind in 101
Difficult Situation, may anim na paraan kung paano magkakaroon ng maayos na
pakikipagtalastasan.

5. PAGBIBIGAY NG KURO-KURO (Metalingwal)- ginagamit ang wika sa


pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Itinadhana nang walang pasubali sa Batas ng Komonwelt Blg. 184
ang pagkakatatag ng surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng
Wikang Filipino. Kung gayon ano na ang nagawa ng komisyon kaugnay sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino?
6. PATALINHAGA (Poetic)- ginagamit ang wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
Halimbawa: Isa-isa mang mawala ang mga bituin sa langit, hindi pa rin niya
maikakaila na nananalaytay sa kangyang mga ugat ang dugong maghasik ng
lagim sa puso ng bawat Pilipino noong panahon ng digmaan. (panimula ng isang
sanaysay).

Mga Teorya at Paniniwala ng Pinagmulan ng Wika

1. TEORYANG DING-DONG- Ipinalalagay na ang lahat sa kapaligiran ay may


sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.
Halimbawa: tunog ng kampana, relo, tren
2. TEORYANG BOW-WOW- Ang wika ay nagsisimula sa panggagad ng mga
tunog na likha ng kalikasan. Ang tunog na likha ng kalikasan anuman ang
pinagmulan ay ginagad ng tao.

Halimbawa: ang tunog ng kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon, kahol ng


aso at ingay ng pusa.

5
3. TEORYANG POOH-POOH- Ipinapalagay na ang tao ang siyang lumikha ng
tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan dito batay na rin sa kanyang
nadarama. Kapag nasaling ang damdaming ito, nakapagbulalas siya ng mga
salitang kaakibat ng kanyang nararamdaman.

Halimbawa: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka at iba pang bulalas ng


damdamin

4. TEORYANG YO-HE-HO- Ayon sa teoryang ito ang tao ay nakakapagpahayag


ng mga salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas ng aksyon. Ito ang
ekspresyon na nasasambit ng tao kapag nagbubuhat siya ng mabigat na bagay,
o dili kaya ay babaing nagluluwal ng sanggol o ng mga kalahok sa kompetisyon.

5. TEORYANG TA-TA- Nagbuhat ang wika sa paggagad sa galaw ng katawan.


Ang nasabing teorya ay hinalimbawa na rin sa paniniwala

6. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw,


pagbulong ng mga taong kalahok o gumaganap sa mga ritwal at sinaunang
selebrasyon o okasyon ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga salita na
sa kalaunan ay nabibigyan ng kaukulang kahulugan ng mga tao.

Halimbawa: sa pangingisda, pakikipagdigma, pagtatanim, pagpapakasal, pag-


aalay at iba pa.

7. TEORYANG YUM-YUM- Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nakauusal ang tao


ng sanhi ng pagkagutom o pagkalm ng sikmura.

8. TEORYA NG TORE NG BABEL- Ito naman ang teorya na noong una ay iisa lang
ang wikang ginagamit ng mga tao sa mundo. Napagpasyahan ng mga tao na
magtayo ng isang tore na aabot ng langit upang sila ay maging tanyag at di
magkahiwa-hiwalay. Nagalit ang Diyos sa kanilang ginawa kaya iniba-iba ang
kanilang wika.

Iba Pang Tungkulin ng Wika

Mayroong pitong (7) tungkulin ng wika ayon kay Halliday (1973) na


inilahad niya sa Explorations in the Functions of Language (1973).

6
PANG-INSTRUMENTAL. Tungkulin ng wika na matugunan ang mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga
katanungan na kailangan sagutin.
PANREGULATORI.Tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang
tao. Saklaw ng tungkuling ito ang pagbibigay ng direksyon kagaya ng pagtuturo
kung saan matatagpuan ang isang partikular na lugar, direksyon sa pag-inom ng
gamot, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng
anumang bagay.
PANG-INTERAKSYON.Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagtalo
tungkol sa isang partikular na isyu, pagsasalaysay ng malungkot o masayang
pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob, paggawa ng liham
pangkaibigan at iba pa.
PAMPERSONAL.Naipapahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay
o kuru-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasamadito ang pagsulat ng talaarawan
o journal. Dito naipahahayag ang pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
PANG-IMAHINASYON.Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao
sa paraang pasulat o pasalita. Karaniwang mababasa ang imahinasyong nilikha
ng isang tao sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, dula,
nobela at sanaysay.
PANGHEURISTIKO.Tumutukoy sa pagkuha o paghanap ng impormasyon
na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Halimbawa: Pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na
kailangan sa paksang pinag-aaralan, pakikinig sa radyo, panonood sa
telebisyon, pagbabasa ng pahayagan at mga aklat. Nakakakuha tayo ng mga
impormasyon sa ga nabanggit na sanggunian.
PANG-IMPORMATIBO.Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraan pasulat at pasalita. Kabilang sa bahaging ito ang ulat,
pamanahong papel, tesis, panayam at pagtuturo.

Mga Antas ng Wika

1. SALITANG PABALBAL O PANLANSANGAN

7
Ang salitang ito ay maituturing na pinakamababang antas. Tinatawag din
itong mga salitang pangkalye o pangkanto o mga salitang may kablbalan o
kalokohan.
Hindi dalisay ang salitang. Ito ay pana-panahon kung sumulpot at
nagiging popular. Kung mabilis ang pagsulpot nito, madali rin itong maglaho.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbabaligtad ng mga salita na naging
popular noong taong 70’s na gaya ng lespu, erpat, ermat, at ng iba pa.

 May mga grupo rin ng mga tao bumuo sa sarili nilang lenggwahe na
tanging sila lamang ang nagkakaunawaan gaya ng mga lasenggo, mga
preso, mga nakatira sa iskwater at mga kabataan.
Halimbawa:
 Parak (pulis)
 Eskapo (takas ng bilangguan)
 Istokwa (naglayas)
 Juding (bakla)
 Tiboli (tomboy)
 Balbonik (taong may balahibo sa katawan)
 Lobat (lupaypay)
2. KOLOKYAL
Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal
ng mga salita. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari
rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa
kanyang kinakausap.
Halimbawa:
lika (halika na)
ika nga (wika nga)
meron (mayroon)
kelan (kailan)

3. LALAWIGANIN
Ito ang salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa
lalawiganin gaya ng mga Cebuano, Batangueno, Bikolano, at iba pa na may
tatak-lalawiganinsa kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing
tatak ay ang punto o accent.
Halimbawa:
8
4. PAMBANSA
Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan. Ayon kay Pagkalinawan, et al., 2004 ginagamit din ito sa mga pook
na sentro ng kalakalan. Ang ganitong uri ng wika ay hindi rin maituturing na
dalisay.
Halimbawa:
aklat, ina, ama, masaya
Taglish O Enggalog- pinagsamahang Tagalog at English
Bisalish at-Bisaya at Ingles
Bisalog- Bisaya at Tagalog
5. PAMPANITIKAN
Ito ang may pinakamayamang uri. Kadalasa’y ginagamit ang mga salita sa
ibang kahulugan. Mayaman ang antas na ito sa paggamait ng mga idyoma,
tayutay, at iba pang tono, tema at punto. Karaniwang ang antas na ito ang
ginagamit ng mga manunulat, dalubwika at mananaliksik.

Halimbawa:
Mabulaklak ang dila
Di-maliparang uwak
Kaututang dila
Balat-sibuyas
6. TEKNIKAL
Ginagamit sa larangan ng agham at matematika
9
Halimbawa:
hydraulic
H2O
kg.
7. CYBERNETIC
Ginagamit sa laragan ng teknolohiyang computer
Halimbawa:
upload
chat
online
8. BULGAR
Ginagamit sa pagmumura at malaswang mga salita.
Halimbawa:
Shit!
Lintik!
Punyeta!

BARAYTI AT BARASYON NG WIKA

Mga Pinagmulan ng Wikang Filipino

Dalawang Dimensyon ng Baryasyon (Ayon kay Constatino, 2002)

1. HEYOGRAPIKO

Sa dimensyong heyograpiko o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar,


nagkakaroon ng baryasyon ang wikang ginagamit ng mga tao.

2. SOSYO- EKONOMIKO

Sa dimensyong ito nabubuo ang mga sosyolek dahil sa pagkakaiba ng


katayuan sa buhay ng tao sa lipunan. May barayti ng wika ang mga nakatataas,
masa, tambay, babae, lalaki at iba pa.

Mga Wika at Dayalekto sa Pilipinas

10
Maliban sa siyam na pangunahing wika sa bansa (Tagalog,Cebuano,
Ilokano, Hiligaynon, Bikolano, Waray, Kapampangan, Panggalatok o
Panggasinense, at Maranao) mayroon pang isang daan at limampu’t limang
(155) wika at diyalekto sa Pilipinas.

Uri ng Barayti ng Wika

1. IDYOLEK- Ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon
na wika. May mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag

2. DAYALEKTO- Ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon, at katayuan


sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na
komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.

Halimbawa: Hiligaynon, Cuyunon, Kinaray-a, Chavacano

3. SOSYOLEK- Sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong


pansamantala dail nadedevelop ito sa pamamagitan ng malayang interaksyon at
sosyalisayon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao.

Halimbawa:
allery (galis para sa mahihirap)
gravy (sarsa para sa ordinaryong tao)
slim (tawag sa mga payat na tao)

4. ETNOLEK- Barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa: Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli

5. EKOLEK- Tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita


sa loob ng bahay.

Halimbawa: Inihaw/Sinugba, Tinola/ Sinabawan/ Sinigang

6. PIDGIN- Ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura.


Nadedevelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag.
Kadalasan, napaghahalu-halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika sa wikang
sinasalita ng isang komunidad na bagong kinabibilangan niya.

Halimbawa:
11
Ang mga Intsik sa Binondo na napagsama-sama nila ang mga salitang
Instik at Filipino.

7. CREOLE- Ito ay produkto ng pidgin na wika, kung saan, nadedevelop naman


ang pormal na estruktura ng wika sa puntong ito.

Halimbawa: Chavacano ng Zamboanga, Chamoro ng Guam

8. REJISTER- Ito ay tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa


isang partikular na domeyn.

Halimbawa:
Rejister sa Print Media- tabloid, broadsheet, editoryal
Rejister sa Broadcast Media- primetime, advertisement, broadcast
Rejister sa Pangisdaan- Angkla, baklad, laot
Rejister sa Sports- Time out, referee, overtime

Mga Batas Pangwika

Ayon kina Badayos, et al. (2007), binanggit ang mga sumusunod na


kasaysayan ng mga batas pangwika. Tunghayan ang mga sumusunod:

1935- Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang


pambansa.

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at


pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga unibersal na
katutubong wika”.

Oktubre 27, 1936- Sa mensahe ng Pang. Manuel L. Quezon sa Kapulungang


Pambansa (Asemblea Nasyonal) ay itinagubilin niya ang paglikha ng isang Surian
ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wika katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpaunlad at makapagpatibay
ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa sa mga wika natin.

Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag


ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtakda ng mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.

Mga Tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa

12
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating
milyong mamamayang Pilipino.
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga
pangunahing diyalekto.
3. Pagsuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Filipino.
4. Pgapili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang
pambansa dapat umaayon sa: ang pinakaunlad at mayaman sa panitikan,
ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

Enero 12, 1973-Hinirang ng Pang. Manuel L. Quezon ang mga kagawad na


bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1,
Batas Komonwelt bilang 184, sa pagkakausog ng Batas Komonwelt Bilang 333.

MGA NAHIRANG NA KAGAWAD NG SWP (SURIAN NG WIKANG PAMBANSA):

1. Jaime C. De Veyra (Bisayang Samar Leyte) Tagapangulo


2. Filemon Sotto (Bisayang Cebu) Kagawad
3. Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad/ Kalihim
4. Santiago Fonacier(Ilocano) Kagawad
5. Felix Salas Rodriguez (Bisayang Panay ) Kagawad
6. Hadji Bhutto(Muslim) Kagawad
7. Casimiro Perfecto (Bicol) Kagawad

Nobyembre 9, 1937- Bunga ng ginawang pag-aaral, ang Surian ng Wikang


Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na doo’y nakatugon sa mga
hinihingi ng Batas Komonwelt 184, kaya ang wikang Tagalog ang gagawing
saligan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937- Pag-alinsunod sa itinadhana ng Seksyon 7 ng Batas


Komonwelt Blg. 184 sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ay ipinatupad ng Pang. Quezon ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng
wikang PAMBANSA.

Abril 1, 1940- Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay


binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng Diksyonaryong Tagalog-Ingles at
Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong
kapulungan simula sa Hunyo19,1940.

13
Abril 12, 1940- Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pgatuturong Pambayan
ng isang Kautusang Pangkagawaran na sinundan din ng isang sirkular (Blg. 26,
Serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon, Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.

Marso 26, 1954- Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.
12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay
magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).

Setyembre 23, 1995- Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang


Proklamasyon Blg. 186 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika
mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa
kaarawan ni Pang. Manuel L. Quezon

Pebrero, 1956- Nilagdaan ni Gregoria Hernandez, Direktir ng Paaralang Bayan


ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga
paaralan.

Agosto 13, 1959- Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng


Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na nagsasaad na ang wikang
Pambansa ay tatawaging Pilipino.

Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan
ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan.

Pebrero 2, 1986–Pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas.

Sa ARTIKULO XIV. SEKSYON 6-9nasasaad ang mga sumusunod:

SEKSYON 6.Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa pang mga wika.

SEKSYON 7.Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinadhana ang
batas, Ingles.

14
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.

SEKSYON 8.Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Fipino at Ingles; at


dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

SEKSYON 9.Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang


Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik
sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.

YUNIT 2:

ORTOGRAPIYA

Ang Ortograpiya ay ang masusi at maingat nag pag-aaral may patungkol


sa pag-babaybay ng mga salita. Kasama din dito ang pagiging tama sa pagbuo
ng mga salita gamit ang tamang letra sa pamamagitan ng baybay o espilling.

1. ALIBATA

Dantaonlabing-anim, mayroonnangginamitna alpabet angatingmganinuno.


Binubuoitonglabimpitongsimbolonakumakatawansamgaletra: 14 nakatinig at 3
patinig. Tinatwagitongalibata o baybayin.
Ang mga simbolong kumakatawan sa mgaletra ay gaya ng mga
sumusunod:
PagdatingngmgaKastila, pinalitannilaangalibtangAlpabetong Romano
nasiya namang pangbayanng ABAKADANG Tagalog.
2. Ang AbakadangTagalog
Ito ay binuoni Lope K. Santos nangkanyang sulatin
AngBalarilangWikangPambansa noong 1940.
LOPE K SANTOS- Ama ng Balarilang Tagalog
Ito ay binubuongdalawampungletra:

15
Lima angpatinig: a, e, i, o, u
Labinlimaangkatinig: B, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Hindi isinamasadalawampungletraanglabing-
isaNgbanyagangletrangkinabibilanganngC, CH, F, L, Ñ, Q, R, V, X, Z.
sapagkatangmgaito ay ginagamitlamangsamgapangngalangpantangi. Sahalip ay
tinutumbasanngmgaABAKADA.
C= K – CALESA kalesa Ñ= NY paño panyo
S - COCINERA kusinera Q= K queso KESO
CH= TS - CHEQUE tseke RR= R barricada barikada
s- CHINELAS tsinelas V= B ventana bintana
F= p FIESTA piyesta X= KS experimento eksperimento
J= H JOTA hota s texto teksto
LL= LY BILLAR bilyar h raxa raha
Y= Y caballo kabayo Z= s zapatos sapatos

GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO

1. MGA GRAPEMA- Angmgagrapemasapraktikalnaortograpiyangwikang


Filipino ay binubuo ng:

A. Angseryengmgaletra ay tinatawagna Alpabeto.

Ang Apabetong Filipino ay binubuongdalawampu’twalong (28) letra at


binibigkassa tawag- Ingles malibansa ñ (enye) natawagsaKastila.

16
B. Maaaring Buuin ito ng:

1. Paiwa (ì) at pakupya (î) na sumisimbolo sa impit na tunog.


2. T uldik na pahilis na susimbolo sa diin at haba
3. Bantas, gaya ng tuldok (.) pananong ? padamdam! Kuwit , tuldok kuwit
kudlit’ at gitling –

II. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBAYBAY

A. PASALITANG PAGBAYBAY

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin ay isa-isang


pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bunubuo sa isang
salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham at iba pa.

PASULAT PAGBIGKAS

Salita boto /bi-o-ti-o/

plano /pi-el-en-o/

Fajardo /capital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/

vinta /vi-ay-en-ti-ey/

Pantig it /ay-ti/

kon /key-o-en/

trans /e-ar-ey-en-es/

AKRONIM

 MERALCO (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey –el-si-o/

17
 ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) / ey-es-i-ey-en/

DAGLAT

Bb. (Binini) / kapital bi-bi/

Dr. (Doktor) /kapital di-ar/

G. (Ginoo) / kapital ji/

BATAYANG KAALAMAN SA DISKURSO

Ang wika ay isang behikulo at mahalagang instrumentong gingamit ng tao


at institusyon sa anumang uri ng lipunan upang higit na magkaunawaan, maging
madali ang mga gawain at maging epektibo ang inihahaing mga simulain

DISKURSO- middle English ay tinatawag na DISCOURS

LATIN AY DISCURSUS at sa wikang Filipino ay maaring tawaging


diskurso.

Ang panlaping -dis (panlaping ingles) ay nangangahulugang pag-aalis o


pagtatanggal.

Samantala ang salitang kurso ay maaaring bigyang kahulugan batay sa


konteksto bilang isang pangkalhatang pagtanaw sa isang organisadong gawain.

---------------

Ayon kay (Webster) NASA BERNALES 2011- Ang diskurso ay tumutukoy sa


berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang
pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat,
tulad ng disertasyon.

Ayon kay Michael Halliday (nasa Castillo, et al 2008), ang diskurso ay ang
isang yunit ng wika na higit na malaki sa isang pangungusap at nag-uugat sa
isang tiyak na konteksto.

18
Badayos et al. 2007. Ang diskurso ay tumutukoy sa kumersesyunal na
interaksyon sa pagitan ng tagpagsalita at tagapakining. ito ay ang kakayahang
maunawaan at makbuo ng sasabihin o isusulat sa iba’t ibang genre gaya ng
sumusunod:

1. PASASALAYSAY/NARATIV - pangungusap na naglalahad ng isang


katotohanang bagay. Dapat bigyan ng katuturan ang sinasabi.

Uri ng Pasalaysay:

a. Pasalaysay na totoo – base sa tumpaktiyak at tunay na mga


pangyayari.
b. Pagsasalaysay na likhang isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula,
parabola, maikling kwento at nobela.
c. Kasangkapan sa pagsasalaysay: a) Tema b) Tauhan c) Pangyayari d)
Tagpuan

2. PAGLALAHAD/EKSPOSITORI- isang anyo ng pagpapahayag na


naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.

3. PANGNGANGATWIRAN/ARGUMENTATIB- may layuning manghikayat at


magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita.

Pangangatwiran Dalawang uri ng pangangatwiran:

a.Pabuod o inductive method - Sinisimulan ito sa partikular na


pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang
pangkalahatan sapagkat dinaraan muna sa iba’t – ibang obserbasyon at
paulit – ulit na eksperimentasyon at pagsusuring bago ang paglalahad
kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo.

b. Silohismo o deductive method - Pangangatwiran na lohikal kung


maghayag ng katotohanan;panghahawakan muna ang isang
pangunahing Batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito
ngayon ibabase ang konklusyonpaglalarawan

4. PAGLALARAWAN/DESKRIPTIV - isang anyo ng diskurso na nagpapahayag


ng sapat na na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook o
19
damdamin upang ang isang mambabasa ay makalikha ng isang larawan
na aayon sa inilalarawan

Uri ng Paglalarawan:

a. Pangkaraniwang paglalarawan – nagbibigay lamang ng tamang


kabitiran sa inilalarawan. Ginagamit dito ang pangkaraniwang na
paglalarawan gaya ng maganda, maayos, malinis at iba pa.

b. Masining na paglalarawan – ang guni – guni ng bumabasa ay


pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhya na larawan.

c. Abstrak na Paglalarawan – gumagamit ng di – literal na paglalarawan;


inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang sariling
damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayuytay sa ganitong uri
ng paglalarawam.

Sa pagdidiskurso, mahalagang isaalang alang ang mga sumusunod:

 Maging mapanuri hindi lang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito


 Mahusay na paghihinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng
kilos sa salita
 Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga
mensahe
 Maisaalang alang ang mga sumusunod na dimensyon

Konteksto ito ang kahulugan sa likod ng teksto, meaning behind the text.

Gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang theory na speaking tungo sa


ikakatagumpay ng pakikipagsalitaan.

KOGNISYON- ito ay ang wasto at angkop na pg-unawa sa mensahe ng


nga-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang
kinabibilangan kung kaya nagkakaroon ng mataas na lebel ng pag-unawa tungo
sa pagkamit ng mataas na karunungan at kagalingan.

KOMUNIKASYON- ang dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at di berbal


na paghinuha ng mga impormasyon.

20
Ang pagiging sensitibo hindi lamang sa salita gayon din sa kilos ay may
malaking dulot sa pag-unawa ng kabuuang konteksto ng diskurso.

KAKAYAHAN- ang pagkaka ng kakayahan sa pakikinig, pagsasalita


pagbasa at pagsulat ay ang mga pangunahing kailangan sa isang mahusay na
pagdidiskurso.

Subalit, mahalaga pa rin na mapaunlad ang mga ito nang sa gayon ay


mas malawak pa ang magaganap na interaksyon sa pagitan ng dalawa o higt
pang bilang ng mga tao.

KOMUNIKASYON

Malimit nating marinig ang salitang komunikasyon ngunit ano nga ba ito?

 Pagsasabi ng kasiyahan
 Pagpapahayag ng pagkagulat
 Pananakot
 Pagrereklamo
 Pagmumungkahi
 Pakiusap
 Paghihikayat
 Pagtangging gumawa ng isang bagay
 Pagmungkahi ng pagbati
 Pagsagot sam ibinigay na magandang hangarin
 Pagpapakilala sa sarili
 Pagpapakilala sa ibang tao
 Pagbati sa ibang tao
 Pagtanong ng kalagayan ng ibang tao
 Pagsasabi ng iyong kalagayan
 Pagbibigay ng iyong magandang hangarin sa ibang tao

Masasabi mo bang nagpapahiwatig ng komunikasyon ang iba’t ibang


billboard, poster, at larawan?

Ang mga pahiwatig ng pagsusuot ng damit, pagkindat, pagkaway, pagsabi


ng “mahal kita” ay maituturing na komunikasyon.

21
DEPINISYON NG KOMUNIKASYON

Ang salitang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na communi atus


na ang ibig sabihin ay “ibinahagi” kung saan ibinabahagi ng isang tao ang
kanyang ideya o mga impormasyong alam niya sa iba.

Sa aklat na Speech Communication ni Soundra Hybels ang ilang kahulugan ng


komunikasyon na isinama sa bahaging ito.

1. Ang komunikasyon ay transmisyon ng signal na nanggagaling sa ilang tao


patungo sa iba.

Halimbawa:

May Nakita kang bagong kamag-aral at nagsabi sa iyo na, “Hi, Ako si
Manuel. Ikaw, ano ang iyong pangalan?” “Ako si Jose.”

May ipinapakita itong pagpapalitan at may ipinahihiwatig itong pagbibigay


at pagtanggap na maaaring isang simpleng impormasyon.

2. Ang komunikasyon ay nagsasangkot ng tuwirang gamit ng simbolo patungo sa


isang layunin o hangarin.

Halimbawa sa Blg. 1

May Nakita kang bagong kamag-aral at nagsabi sa iyo na, “Hi, Ako si
Manuel. Ikaw, ano ang iyong pangalan?” “Ako si Jose.”

Ang pagpapalitan ng pangalan ng dalawang tao ay nangangahulugan ng


paggamit nila ng simbolo ng mga salita para maipakita ang simbolong pangalan

Ang komunikasyon ay isa ring proseso ng pagpapahiwatig at


pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o
higit pang kalahok na gamit ang apat na makrong kasanayan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

Proseso ito ng pagpapahiwatig ng mga mensahe na nagpapahayag ng


mga kahulugang nakatago at nakapaloob sa isang sistema ng signifikasyon.

Ayon kay Saussure ang sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng senyal


(signifier) at ng kahulugan (signified) nito.

22
Arbitraryo ang ugnayan ng senyal at ng kahulugan kung kaya’t iba-iba ang
mga pahiwatig ng wikang ginagamit sa komunikasyon sa iba’t ibang panahon,
lugar at konteksto.

Sa bahaging ito ay mauunawaan natin kung bakit ang ating suot na


damit, hitsura, tindig, gawi, kilos at iba pa ay nagpapahayag ng mga mensaheng
nababasa at nauunawaan ng mga tao.

Maaaring intensyunal o di-intensyunal ang pagpahiwatig na ito.


Intensyunal ito kung ang pagkaway ng isang tao ay direktang nagpapahayag ng
pagbati sa taong dumating o umalis.

Hindi intensyunal kung hindi malay o hindi layunin ng isang tao ang
naipapahayag na mensahe o nakitang kilos/senyal mula sa kanya.

Proseso rin ng pagpapahayag ng mensahe ang komunikasyon. Maaaring


ang pokus ng komunikasyon ay ang pinagmulan (sender) o tagatanggap
(reciever) ng mensahe.

Epektibo ang komunikasyon kung nakarating at nauunawaan ng


tumanggap nito ang intension o mensahe ng nagpahayag sa mensaheng
tinanggap. Layunin ng lahat ng kalahok sa komunikasyon ang pagkakaunawaan.

Subalit ang pag-unawa ng mensahe ay batayang pangangailangan tungo


sa mas mataas na antas ng paglalapat ng mensahe sa buhay at pamumuhay ng
mga tao. Higit na mas mataas na anyo ng komunikasyon ay humahantong sa
diskurso.

PAGPAPAKAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

1. Ayon kay Rothfuss (1985), ang komunikasyon ay isang proseso


resiprokal kung saan ang mga indibidwal ay lumilikha at
nagbabahaginan ng kahulugan.
2. Ipinaliwanag naman ni Revell (1979) nasa (Ulit, et. al., 2009) na ang
komunikasyon ay nagpapalitan ng kaalaman, impormasyon, ideya,
opinyon, at damdamin ng mga kalahok sa usapan sa pamamagitan ng
mga salita at ng mga simbolong di-berbal tulad ng intonasyon, mga
kilos, ekspresyon ng mukha, atbp.

23
3. Ayon kay Verderder (1987), ang komunikasyon ay isang prosesong
dinamiko, tuloy-tuloy at transaksyunal.
4. Ang komunikasyon ay transmisyon ng signal na nanggaling sa isang
tao patungo sa iba (Hybels, 1992).
5. Ipinahayag ni Hartley (2001) na ang komunikasyon ay pangunahing
pangangailangan sa pag-unlad ng indibidwal, sa patuloy na pagbuo at
pagpapanatili ng isang pangkat o lipi sa isnag tiyak na lugar o lipunan.

Sa kabuuan, masasabing ang komunikasyon ay isang paraan ng


paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakatambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-uunawa. May
nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang nagaganap na
komunikasyon.

Mga Elemento at Prosesong Komunikasyon

Iba’t- Ibang Modelong Komunikasyon

Mga Uri ng Komunikasyon

1. KOMUNIKASYONG BERBAL

Paraan ng pakikipag-komunikasyon na ginagamitan ng wika upang


maipahayag ang nais ibahaging impormasyon o kaalaman sa pamagitan ng
pagbigkas o pasulat na pamamaraan

Narito ang mga bahagi ng katawan na nagbibigay mensahe.

1. MUKHA - ang pagiging huli sa isang tagpuang pangnegosyo ay may


implikasyon na ang taong nahuli ay walng matinding kawilihan sa pagkikita.

a. Masel ng noo- nagpapagalaw sa mata, kilay, ilong


b. Masel ng Baba
c. Masel ng pisngi at bibig

Ang mukha rin ang nakakatulong sa pagtukoy ng kinilala nina Eksman at


Friesen(1975) bilang anim na batayang emosyon ng tao:

1. Pagkainis
2. Kasiyahan
3. Kalungkutan
24
4.Takot
5.Gulat
6.Galit

2. MATA- Sa pamamagitan na mata ay nadarama at nakikilala ng kausap


ang antas ng kawilihan ng kausap.

Ang pag-iwas ng mata ay maaaring tumutukoy sa mga sumusunod na


mensahe o pakahulugan: kawalan ng interes o kabatiran sa paksa o ang
pagkakaroon ng baay na inililihim o itinatago ukol sa kausap.

3. MGA BRASO AT KAMAY- Ang kilos ng braso at kamay ay mauuri sa mga


sumusunod;
1. Regulative - nagbibigay ng paguutos
2. Descriptive - naglalarawan sa anyo batay sa laki, haba, ikli, o
hugis ng isang bagay
3.Emphatic - ito ang nagpapakilala sa damdamin ng tagapagsalita,
katulad ng mensaheng ipinararating ng kuyom ng palad.

4. PAGTINDIG- Ito ay sinasabi ring ''tikas ng tagapagsalita". Kasama rito


ang paglakad, paraan ng pagtayo, at pagkilos habang nakatayo.

Mahalagang alam natin ang mga ito dahil ang komunikasyong berbal ang
nagsisilbing pamalit o panghalili sa isang salita o parirala. Nagsisilbi rin itong
taga-kontrol sa daloy ng pag-uusap ang ekspresyong pisikal ng mga kalahok.

Dapat isaalang-alang natin ang maaaring epekto ng paggamit ng bahagi


ng ating katawan sa pakikipag-usap sa mga tao ng sa gayo'y maging maayos
ang ating pag-uusap. At magsilbi itong daan sa mabisa at maayos na
pakikipagpalitan ng ideya sa iba.

BERBAL - ito ang komunikasyong ginagamitan ng wika. Maaari itong


pasulat o pasalita. Madalas itong gamitin sa pakikipagsalamuha o interaksyong
pantao.

Halimbawa: pagkukuwento/pagsasalysay/pakikipagtalo

mga nakatalang akdta tulad ng kuwento o dula nobela atbpa.


25
DENOTASYON - Ito ang kahulugan ng salita batay sa konseptong taglay nito.
KONOTASYON- Ito ang pagbibigay kahulugan sa salita batay sa pang-unawa,
damdamin at ideyang nauunawaan na maaaring positibo o negatibo ang
pagpapakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe.

Uri ng Komunikasyong Berbal

1. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO- ang isang tagapagsalita ay may layuning


maglahad ng mga kaalaman o kaya'y humimok upang kumilos nang naaayon sa
kanyang paniniwala. Halimbawa nito ang mga patalastas o anunsyo.

2. KOMUNIKASYONG PANGMADLA- sa Ingles ito ang tinatawag na mass media.


Kasangkapan ng ganitong uri ang mga makinarya na siyang daan sa paghahatid
ng impormasyon at kaalaman. Ilan sa mga halimbawa nito ay radyo, telebisyon
at pahayagan.

3. KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL-ang gawaing kinasasangkutan ng


pakikipag-usap sa sarili, kilala rin sa katawagang "self-talk".

4. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL- ito ang pakikipag-ugnayan sa kapwa sa


pamamagitan ng mensahe sa paraang berbal o di-berbal.

EPEKTIBONG PAGGAMIT NG BERBAL NA MENSAHE

Upang epektibong magamit ang wika, mahalagang matukoy natin ang


mga “conceptual distortion” tulad ng mga maling pag-aakala, lihis na paniniwala,
mga maling pangangatwiran, maling pagpapakahulugan sa tuwing tayo ay
nakikipagtalastasan at palitanangmgaitongtiyak at wastong pamamalagay ukol sa
wika.

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon


Ayon kay Dell Hymes (Bernales,et al,2002)

26
Kailangang isaalang-alang ang isang konsiderasyon upang matiyak na
magiging mabisa ang komunikasyon. Ginagamit niya ang akronim sa SPEAKING

Ito ay may limang kategorya: Pagtanggap, Pagtugon,


Pagpapahalaga, Pag-oorganisa at Karakterisasyon.

Ang komunikasyon ay dapat nating bigyang pahalagahan upang maging


mabisa at maayos ang ating pakikipag-usap. Dapat nating isaalang-alang ang
mga bagay na alam nating makakatulong sa atin.

YUNIT 3:

KASANAYAN SA PAKIKINIG

Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan sa Pakikinig

KAHULUHAN NG PAKIKINIG

Ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrument ng komunikasyon


na nagsisilbing impluwensya upang makipag usap ng mabuti.

Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng pandinig at pag iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay daan ito sa
isang tao na pag isipan, tandaan at suriin ang kahulugan ng mga salitang
kanyang napakinggan.

Ang pakikinig sa makatuwid ay ang pag unawa sa kahulugan ng mga


tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig ng may layunin ang
pag unawa sa kahulugan ng mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa
ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napakinggan.

Natatamo ang pag unawa sa pamamagitan n gating isipan. Isang aktibo


itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao habang
nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang mga bagay na kanyang
napapakinggan hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng mga ito.
Napakahalaga ng pag unawa sa proseso ng pakikinig.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

1. Ang pakikinig ay napakahalaga sapagkat mabilis ang pagkatuto kung


gagamitin ang kakayahang pandinig.
27
2. Ito ang pinakamabilis na paraan upang maunawaan ang talakay.
3. Mabilis na pagkuha ng impormasyon.
4. Daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan.
5. Sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag unawa, pagtanda
o paggunita sa naririnig.
6. Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman.
7. Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag unawa ng damdamin, kaisipan at
mauunawaan ang kinikilos, gawi at paniniwala.
8. Lumilikha ito ng pagkakaisa sa loob ng tahanan, paaralan at sa
pamayanan.

Proseso ng Pakikinig

Patubay sa Mabisang Pakikinig

 Maging handa sa pakikinig.


 Magkaroon ng layunin sa pakikinig.
 Bigyang pansin ang agwat ng pagsasalita at pakikinig.
 Kilalanin ang mahalagang impormasyon.
 Unawain ang sinasabi ng nagsasalita.
 Idebelop ang interes sa pakikinig.
 Iwasan ang pagbigay puna hangang hindi pa tapos ang nagsasalita.
 Huwag mag-interap o mang abala.
 Maging sensitibo sa mga ekstra na di-berbal na kuminikasyon.
 Magtanong at tumahimik pagkatapos.

Mga Uri ng Pakikinig

1. PASSIV O MARGINAL - pakikinig na kung saan ang pinakikinggan ay di


gaanong napagtutuunan ng pansin dahil sa ibang gawain.
2. ATENTIV - pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon. Ang layunin ng
tagapakinig ay makakuha ng kawastuhan ng pagkaunawa sa paksang
narinig.
28
3. ANALITIKAL - layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga o
reaksyon sa napakinggan.
4. KRITIKAL - mapanuring pakikinig, pagkuha ng mensahe at
pagpapahalagang moral sa paksang narinig.
5. APRESYATIV O PAGPAPAHALAGANG PAKIKINIG - pakikinig na ginagawa
ng tao para sa sariling kasiyahan.
6. PAGGAMOT - matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan
sa pamamagitan ng pakikinig sa suliranin ng nagsasalita.
7. DISKRIMINATIBO - malaman ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang
paraan ng komunikasyon.

Mga Kategorya ng Pakikinig

1. MARGINAL O PASSIVE NA PAKIKINIG- Ito ay pakikinig na isinasagawa na


kasabay ang iba pang gawain.
2. MASIGASIG NA PAKIKINIG- Ito ay pakikinig na hangga't maaari malapitka
sa kausap o nag-uusap para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng
usapan upang magkaroon ng angkop na kabatiran sa pangunahing ideya
o paglalahat ng tagapagsalita.
3. MAPANURING PAKIKINIG- Ito'y isang pakikining na nagsusuri at
naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng napakinggan. Naisasagawa ang
ganitong uri ng pakikinig kung nasasabi ang pag-uugnayan ng mga
kaisipan o ideyang napakinggan; nasabi ang kaibahan ng katotohanan sa
pantasya; ng totoo sa opinion.
4. MALUGOD NA PAKIKINIG- Ito'y pakikinig na isinasagawa ng may lugod at
tuwa sa isang kwento, dula, tula at musika.

Mga Hadlang sa Mabisang Pakikinig

 Bilis ng Komprehensyon Kontra sa Bilis ng Pakikinig

Ang bilis ng pagsasalita ng isang tao ay may average na humigit-


kumulang 100 hanggang 150 salita bawat minute. Gayun pa man, sa pakikinig,
ang isang tao ay makapakinig hanggang 400 na salita sa loob lamang ng isang

29
minuto. Subalit, hindi ito nangangahulugang lubos ang pang-unawang
magaganap mula 400 na salitang kanyang narinig. Malaking konsiderasyon pa
rin ditto ang lebel ng pag-unawa ng isang tao.

 Hindi makatotohanang atensyon

Itoy tinuturing na isang disorder tungo sa mabisang pakikinig.


Kahalintulad din ito mg pamemeke ng atensyon ng isang tagapakinig kung saan
makikitang tumatango ang ulo subalit hindi naman lubos na maunawaan ang
napakinggang mensahe

 Pagpapahintulot na manaig ang mga hadlang

Maraming hadlang upang hindi maging mabisa ang pakikinig ng isang tao.
Sa puntong ito, nakasalalay sa tagapakinig kung hahayaan niyang manaig ang
mga hadlang na hatid ng kanyang paligid gaya ng malakas na usapan, maingay
na takbo ng mga sasakyan at iba pang uri ng kaguluhan.

 Pagiging selektib na tagapakinig

Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang interes. Nagbubunsod ito ng


pagiging mapili natin sa mga bagay na gusto lamang nating pakinggan at dahil
ditto hindi na natin nabibigyan ng mga pagkakataon ang ibang bagay na
pinakikinggan. Tanging pokus lamang natin ay mga bagay na interesado tayo.

 Pagiging overstimulated na taga pakinig

May mga tagapakinig na hindi magawang ipokus nang mabuti ang


kanilang sarili sa kanilang napapakinggan. Itinuturing din ito na disorder tungo
sa mabisang pakikinig dahil umabot na sa puntong eksaherasyon. Kung minsan
pa, hindi na nagiging realistic.

 Pagiging egocentric na tagapakinig

Tinatawag ito na kompetitib o kombatib na tagapakinig sa halip na


bigyang pagkakataon ang mga pinakikinggan na makapaghalad ng mensahe.

30
 Pagbibigay konsentrasyon sa detalye ng mensahe sa halip na
pangkalahatang ideya

Ang pagtutok sa napakahabang detalye ng mensahe ay nagiging hadlang din


kung kaya nakakalimutankung ano ang pokus ng pangkalahatang mensahe ng
ideya.

Mga Kasanayan sa Pakikinig

 Pakikinig para sa pag tukoy ng pamaksang diwa, aral, at pagpapahalaga


na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan.
 Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon.
 Pakikinig para makasunod sa mga tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang
Gawain.
 Pakikinig upang mahinuha ang mga pag-uugali at opinyon para sa
pahayag o tekstong napakinggan.
 Pakikinig upang matukoy ang pag kakaiba.
 Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa
pakikipagtaloat pagpapahayg.
 Pakikinig upang makilala ang mahalagang kaisipan.
 Pakikinig para sa kagandahan/kaaliwan at gamit ng musika.
 Pakikinig upang makakapagbalangkas ng mga tanong at matamo ang
tamang sagot sa mga katanungan.

YUNIT 4:

KASANAYAN SA PAGSASALITA

Masining na Pagbigkas

Isa sa mga kakayahang ipinagkaloob ng panginoon sa tao na nagbibigay


sa kanya ng kalamangan sa hayop ay pagsasalita. Ito ang isa sa mga una kung
di man unang kakayahang natutunan niya.

Ang pagsasalita ay ang kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama


sa pamamagitan ng pag bigkas. Ito ay karaniwang nangangahulugang pag-
uusap ng hindi kukulangin sa dalawang tao.

31
ANG MASINING NA PAGBIGKAS

1. Lakas na pagbigkas
Ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghinga ng tinig. Batay ito sa
damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas.
2. Bilis na pagbigkas
Ito ay may kinalaman sa bilis o bagal na pagbigkas na dapat iakma at
ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas.
3. Linaw ng Pagbigkas
Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis na pagbigkas,
tamang bigkas ng mga salita, pagsaalang alang ng tamang diin (strees)
upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na rin
ditto ang malinaw na pagbigkas ng bawat pantig ng mga salita.
4. Hinto
Upang lalong maging mabisa ang pagbigkas dapat ring isaalan-alang ang
paghinto na maaaring matagal sa bawat tuldok o sa katapusan ng bawat
pagungusap, samantang sa kuwit sa loob ng pangungusap, bahagya ang
paghinto.
5. Kilos at Kumpas
Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang agkop na kumpas ng
kamay at pagkilos ay kailangan. Nakatuulong ito upang higit na kawili-wili,
nakahihikayat at makulay ang pagbigkas.

Kasangkapan ng Isang Nagsasalita

1. Kaalaman ng Paksa
Magiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos lahat na
detalye tungkol sa paksang pinag-uusapan. Nakakapag papahayag siya ng
mga kinakailangang impormasyon lalo n kung may malawak din siyang
talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong kanyang ipahahayag.
Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga nakikinig o kausap ay madalas
depende sa mga ebidensya at katibayang pinanghahawakan.

2. Tiwala sa sarili
Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na
kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging sa malawak na
talasalitaan. Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at
eksposun. Nungit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang
32
mga nararapat na pagkakataon upang masanay silang magsalita o
makikipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kung di lalo na madla.

3. Tindig
Sa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na nagpapakita ng tiwala
sa sarili, paggalang, at pagiging interesado sa kausap. Lalo ito kailangan
ng nagsasalita sa tanghalan, ng nagbibigay ng panayam o lektyur at ng
nagtatalumpati. Madalas na kinikilatis ang ngsasalita sa tanghalan batay
sa kanyang paraan ng pagtindig. Ang pagkilos at pag kumpas ay
nagsasalig din dito.

4. Kasanayan
Naipapakita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, pagpili
ng mga talasalitaang gamitin at maging sa kanyang mga kaalaman sa
paksang pinag-uusapan. Naiihahanay niya nang maayos at lohikal ang
kanyang mga ideya. Nagkakaugnay ang mga ito tungo sa isang
pagpapahayag na malinaw at may kaisahan. Ang kasanayan ay
naipapakita din sa maayos na pagtindig kasabay ang nararapat na kilos at
kumpas.

5. Kaya sa anumang usapan o salitaan, dapat ring isaalang-alang ang mga


nabanggit na sitwasyon na ayon kina Belvez (1985) ay may tatlong salik:
i. Lugar. Nasaan ang nag-uusap?
ii. Papel na ginagampanan. Ano ang relasyon ng nag-uusap
iii. Paksa. Nosyon o kaisipang pinag-uusapan

Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagsasalita

1. Malinaw ang isang ideya kung organisado itong nakabalangkas na isang


tagapagsalita bago pa man siya pormal na humarap sa kanyang awdyens.

2. Makabuluhan ang isang ideya kung ito ay nakatugon sa pangangailangan ng


mga awdyens at nagkaroon pa ng palitan ng ispiker at awdyens.

3. Angkop ang pagsasalita kung nagawa ng ispiker na manaliksik ang uri ng


kanyang awdyens tungo sa tuloy-tuloy na daloy ng mensahe. Sa pamamagitan

33
nito, magagawa ng ispiker na makapasok sa indibidwalidad ng kanyang aedyens.
Isinaaalang-alang rin dito ang pormalidad ng okasyon sa paglalahad.

4. Ang gamit ng boses ay isang mahalagang salik din upang mabisang


makapagsalita. Ang intonasyon, pagbibigay-diin sa mga salita ay iilan lamang na
nararapat tignan ng ispiker.

Uri ng Pagsasalita

Ayon kay Badayos et. al (2007) mayroong apat na pangkalahatang uri ng


pagsasalita.

1. Pagbasa ng isang itinakdang papel- ito ang sinasabing pinakamahirap sa apat


na paraan ng pagsasalita. Ipinapalagay na mahirap ito dahil maaring
makapagdulot ng pagkabagot sa awdyens.

2. Memoryadong pagsasalita- sa uri ito ng pagsasalita, ang lahat ng mga


impormasyong nasaulo o nambak sa isipan ng ispiker ay kanyang sinasalita mula
sa simula hanggang sa wakas.

3. Impromtu- sa uring ito, binibigyan ng pagkakataong makapasalita ang ispiker


ng wala ni anumang kahandaan.

4. Extemporanyus- may paghahanda sa pagsasalitang ito kahit maikling


panahaon lamang.

Mga Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

1. Responsable – isinasaalang – alang niya ang kanyang responsibilidad sa


kanyang tagapakinig, sa kanyang paksa, o kapwa niya tagapagsalita.
2. Magiliw at kawili –wili.
3. Malawak ang kaalaman ukol sa paksang tinatalakay.
4. Palabasa o wide reader.
5. Palaisip
6. May mayaman na koleksyon ng mga ideya at babasahin
7. May interes sa paksang tinatalakay

34
8. Obhektibo; tinatanggap ang ideya ng iba, taliwas man ito sa kanyang
paniniwala
9. May sense of humor
10. Ginagamit ang mga angkop na salita
11. Nirerespeto niya ang pagkakaiba- iba ng kanyang tagapakinig
12. Sapat at angkop ang lakas ng kanyang tinig
13. Malinaw at wasto ang pagbigkas niya sa mga salita
14. Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas o kilos
15. Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng mga tagapakinig
16. Maingat sa paggawa ng konklusyon, paratang at batikos
17. May panuunan siya ng paningin sa kanyang tagapakinig
18. Angkop ang kasuotan sa okasyon
19. Pinaniniwalaan at isinasabuhay niyanang kanyang sinasabi
20. Walang nakakadistrak na mannerism
21. Mainam ang tindig o posture
22. Maayos at lohikal ang kanyang presentasyon (simula, gitna, wakas)
23. Iniiwasan niya ang labis na maligoy na pananalita
24. Binibigyaan niya ng diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan
25. Alam niya kung kalian tatapusin ang pagsasalita
26. Iniiwasan niya ang magyabang o himig pagyayabang
27. Mayaman ang kanyang bukabolaryo
28. Taglay niya ang angkop at inasaahang gawi, personalidad at karakter

Pagsasanay sa Iba’t- Ibang Gawi ng Pagsasalita

Pagsasanay sa iba’t ibang gawi ng pagsasalita -mga iba’t ibang gawi ng


pagsasalita batay sa tungkulin ng komunikasyon

1). Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba: (pagmungkahi)

2). Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba: (pakikiusap)

Mga Kasanayan sa Pagsasalita -nakakapaglikha ng mga pahayag batay sa mga


sitwasyon

1. Pagtanggi/ Di pagsang-ayon
35
2. Pagbibigay Babala

3. Pagpuri

4. Paninisi

5. Pakikiramay

6. Pagsasalungat

7. Pagpapaliwanag

8. Pagtatanong

9. Pagsagot

10. Pag-uulat

11. Pagpapasalamat

12. Paghihingi ng umanhin

13. Pagpapakilala

YUNIT 4:

KASANAYAN SA PANONOOD

Ano ang Panonood?


Ayon kay Considene (2013)

 Ang panonood bilang kasanayang napadagdag sa komunikasyon ay isang


maitatwang lundayan ng modernong paraan ng pag-alam ng
impormasyon.
 Ito ay isang kakayahang pang komunikasyon na umuunawa sa mga
nakikitang imahe sa kapaligiran ng isang tao.
 Ang mga imaheng ito ay anumang bagay na binubuo ng kulay, salita, mga
imahinasyon at hugis.
 Ang panonood ay nakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa higit na
malalim na paghinuha sa mga nakikita at napapakinggan.

36
 Sa artikulong isinulat ni Considene na pinamagatang "Critical Viewing and
Critical Thinking Skills."- ang napapanood ay tumutulong sa mga bata na
madebelop ang isang bagong karunungan-ang biswal na kaalaman na
dapat nilang paunlarin sa isang teknolohikal na mundo.
 Makatutulong ang panonood para maging alerto sa mga nangyayari sa
paligid, maging mulat sa katotohanan ng buhay, magising sa kamalayan
ng indibidwal, maging inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng
tama.
 Sa panonood mapapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa
katotohanan ng isang bagay, kakayahang mag-interpreta at mapalawak
ang kaalamang pangkaisipan at pag-unawa.
 May negatibong naidudulotang panonood tulad ng lungkot, pangamba, at
takot, makakapukaw ng galit, sama ng loob, pagnanasa, at iba pang di-
kanais-nais na damdamin.

MAGANDANG NAIDUDULOT NG PANONOOD NG TELEBISYON:

 Malalantad tayo sa maraming bagay kung saan tayo ay maraming


matutunan at malalaman.
 Nagiging updated tayo kung ano ang nangyayari sa loob at labas ng ating
bansa.
 Mas magandang libangan ang panonood ng telebisyon o pelikula kaysa
lumabas at makipag-inuman sa barkada na nagdudulot ng kapahamakan.
 Nagiging paraan ito ng pakikipagkomunikasyon.
 Nakakarelaks at nakakatanggal ng stress at pagod ang panonood
pagkatapos ng isang mahabang araw na puro trabaho.
 Nagiging bonding time ng buong pamilya ang panonood na nagbubunga
ng pagiging matatag na pagsasama.

MASAMANG EPEKTO NG PANONOOD NG TELEBISYON AT PELIKULA:

 Maaaring lumabo ang paningin.


 Hindi magagawa ang mga gawain dahil mas abala sa panonood kaysa
mag-aral o magtrabaho.
 Maaaring maging masamang impluwensya sa mga manonood dala ng
mga paksa at mga nakikita rito.

37
 Maaaring gayahin ng kabataan ang mga napanood nilang di angkop sa
kanilang edad.
 Nagiging sanhi ng kamatayan.
 Nawawalan na ng halaga ang mga libro dahil mas pinipili na ang manood
kaysa ang magbasa.
 Maaaring maging sanhi ng mga sakit dahil sa kawalan ng ehersiyo dahil sa
pagkakaupo lamang sa buong maghapong panonood.

Uri ng Panonood

Considene (2013) -may dalawang uri ng panonood:

1. KASWAL- ginagawa lamang na pampalipas oras o libangan ang panonood.

Halimbawa:

 Music Video
 Soap Opera o Drama
 Game Shows o Talk Shows
 Cartoons
 Anime

2. KRITIKAL- natutukoy ang kinagawian o kinaugalian sa panonood.

-nalalaman ang mga komplikadong usapin na hindi


pinagkasunduan at mga usapin na nangangailangan ng
agarang solusyon.

Halimbawa:

 Biswal na Presentasyon
 Balita
 Dokumentaryo
 Reality Shows atbpa.

Mga Elementong Isinasaalang- alang sa Pagpapahalaga at Pagsusuri


ng Pinanood na Teleserye o Pelikula

Ayon kay Lim (2000), may mga elemetong isinaalang- alang sa


pagpapahalaga o pagsusuri ng mga pinanood na teleserye o pelikula. Ang mga

38
ito ay: direksiyon, pagganap, tunog, editing, musika, diseniyong
pamproduksiyon, sinematograpiya, screen play at musical score.

1. DIREKSIYON. Masasabing mabisa o epektibo ang dieksiyon kung


matagumpay ang director sa pagbibigay- buhay sa pelikula at nagawa
niyang maipanatid ang kanyang pagkaunwa sa materyal sa
pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t- ibang elemento
ng pelikula.
2. PAGGANAP. Mabisa at epektibo ang pagganap kung matagumpay na
nagawa ng mga artista ang pagbibigay- buhay sa karakter na
ginagampanan; naniniwala ang manonood sa kanyang inilalarawan;
malinaw ang mga motbong nagpapakilos sa mga tauhan; at
nauunawaan ang mga ugnayang personal at sosyal na tauhan.
3. TUNOG, EDITING, MUSIKA, DISENIYONG PAMPRODUKSIYON,
SINEMATOGRAPIYA, SCREEN PLAY, MUSICAL SCORE. Masasabing
epektibo at mabisa ang mga ito kung matagumpay na maisasalarawan
ang nilalaman sa pamamagitan ng pag- iilaw, komposisyon, galaw at
iba pang kaugnayan ng etikal na kamera. Nagagawa nitong
maisakatuparan sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, meyk- ap,
kasuotan, at mga bagay na nakakapagpalitaw ng panahon,
kapaligiran, at katauhang hinihingi ng realdad ng dulang pampelikula.

Ang Semiotics

Ang semyotika ay sumasaklaw sa pag- aaral hindi lamang ng kung ano


ang tinutukoy ng mga senyales sa pang- araw- araw na pagsasalita kungdi ng
anumang kahulugan na kinakatawan nito. Kung semyotika ang pag- uusapan,
and senyales ay nasa mga anyo ng salita, mga tunog, galaw at mga bagay.

Sa larangan ng semyotika, hindi lamang mga salita ang senyales kungdi


maging ang galaw, imahen, mga non- linguistic na mga tunog ng mga bandila na
may sinasagisag; mga hibla ng suok na nagpapahiwatig ng sunog. Ang paraang
semyotika sa pagbibigay- kahulugan ay nakakatulong sa paglinang at
pagsasanay ng kritikal at mapanuring pag- iisip kaugnay sa mga nakikitang mga
bagay, lugar, pangayayari, atbpa.

39
YUNIT 5:

KASANAYAN SA PAGBASA

Ang PAGBASAay isa sa apat na kasanayang pangwika na kasama ng


pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakikilala at nakukuha
ang mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo.
Ito ay proseso sa pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may
akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang mental na
hakbangin tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat
ng may-akda.

Ayon kay William S. Gray(“Ama ng Wikang Pambansa”), ito ay


nagaganap sa apat na yugto:

1. Ang pagbasa sa akda


2. Ang pag-unawa sa binasa
3. Ang reaksyon sa binasa
4. Ang pagsama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaaalaman sa binasa
at ng dating kaalaman

KAHALAGAHAN NG PAGBASA

Ang pagbasaay ginagawa ng tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan. May


mga bumabasa upang kumuha ng kaalaman o karunungan. Ito ay kailangan ng
tao upang hindi siya maiwanan sa takbo ng panahon lalo na ngayon na
maraming bagong kaalaman ang natutuklasan sa pamamagitan ng kaalamang
pangteknolohiya.

Mainam ding pampalipas oras ang pagbabasa dahil bukod sa maitututring


itong solusyon sa pagkabagot ay may mga aral pang makukuha sa mga akdang
pampanitikan na maaaring gamiting gabay at makapag-papalawak ng pananaw
sa buhay. Sa pagbasa, ang iba’y nakatutuklas ng karunungan sa iba’t ibang
larangan ng pilosopiya, agham, humanidades, medisina, at iba pa.

Ang bilis at kaayusan sa pagbasaay dapat ayon sa layunin ng bumabasa.


Ang bumabasa na may layuning matuto at matandaan ang binasa ay
40
nakapagbabasa ng dalawang daan at limampu (250) hanggang tatlong daan at
limampu(350).
Ang pagbasa ay hindi lamang pandama kundi higit sa lahat, isang
gawaing pangkaisipan, mayroon itong sumusunod na kronolohikal na
hakbang.Ito ay ang mga sumusunod:
1. PERSEPSYON o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo;
2. PAG-UNAWA sakaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo;
3. REAKSYONo paghatol sa kawastuha, kahusayan, at halaga ng tekstong
binasa; at
4. ASIMILASYONo integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng
mambabasa.

Mga Uri Ng Pagbasa Ayon sa Layon

1.SKIMMINGo Pinaraanang Pagbasa- ang pinakamabilis na pagbasa na nakayaya


ng isang tao. Ito rin ay nangangahulugan sa pagtingin ng isang teksto o
kabanata ng mabilisan para magkaroon ng pangkalahatang ideya sa
nilalaman ng materyal at kasanayan sa pagkilala ng mga salita upang
maunawaan ang isang teksto.

Ginagamit ito sa:


a. pagpili ng aklat o magasin;
b. pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago ito basahin ng tuluyan;
c. paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.

2. SCANNING- tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa


isang pahina. Sa uring ito ng pagbasa, hindi na hinahangad na makuha ang
kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga rito’y Makita ang hinahanap sa madali at
mabilis na paraan.
Halimbawa:
a. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isang diksyunaryo

Mga Uri Ng Pagbasa Ayon Kay Babasoro


41
AYON SA LAYUNIN(masusi, masaklaw)
 Masusing Pagbasa- tinataglay nito ang pagiging mapanuri at kritikal na
pagbasa.
 Masaklaw na Pagbasa- taliwas ito sa masusing pagbasa sa halip na
pabaha-bahaging pagabasa ng isang teksto, ito ay isang pag- aaral sa
pangkalahatang nilalaman ng binasa.

AYON SA PARAAN(tahimik, pasalita, mabagal, mabilis)

 Tahimik na Pagbasa- gamit dito ay mata lamang. Hindi ito ginagamitan ng


bibig kaya di lumilikha ng anumang tunog.
 Mabagal na Pagbasa- sapat na panahon ang dapat sa pagbasang ito.
Umaayon ito sa pag-aaral ng gramatikang Filipino.
 Mabilis na Pagbasa- scanning ito sa Ingles na tumutukoy sa pagkuha at
pagpili ng mga pangunahin at tiyak na detalye ng pangkaisipan sa akdang
binasa. Ang pinaraanan at pinakamabilis na pagbasang magagawa ng
isang tao ay tinatawag namang “skimming”.

Hindi matatawag na marunong bumasa ang isang tao kung hindi niya
nauunawaan ang kanyang binasa sa halip, marunong lamang siyang bumigkas at
kumilala ng mga titik na nakalimbag.

Limang Antas ng Pagbasa

1. PAG-UNAWANG LITERAL

a. Pagpuna sa mga detalye


b. Pagbubuod o paglalagom sa binasa
c. Pagsunod sa panuto
d. Paggawa ng balangkas
e. Pagkuha ng pangunahing kaisipan

2. PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON

42
Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may akda na kalakip ang mga
karagdagang kahulugan gaya ng malaim na kahulugan, implikasyon at pagkilala
sa tunay na hangarin at layunin ng may-akda.
Kalakip din dito ang pagsusuri at pagsama-sama upang magkaroon ng
panibagong pananaw sa mataas na pamantayan ng pag-unawa upang bayaan
ang bumasa upang makapag-isip sa nais ipakahulugan sa mahalagang kaisipan
ng may-akda.
a. Pagdama sa katangian ng tauhan
b. Pag-unawa sa mga tayutay at patalinhagang kahulugan
c. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
d. Pagbibigay ng kuru-kuro at opinion
e. Pagkuha sa kalalabasan

3. MAPANURI O KRITIKAL NA PAGBASA


Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad.
Tinatawag itong mapanuring pagbasa.
a. Pagbibigay ng reaksyon
b. Pag-iisip sa masaklaw at malawak
c. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
d. Pagdama sa pananaw ng may akda
e. Pagpasya sa kabisaan ng paglalahad

4. PAGLALAPAT O APLIKASYON

Pagsasanib ng kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng


bagong pananaw at pagkaunawa. Ito ang aplikasyon ng mga kaisipang nakuha
sa pagbabasa.

a. Pagbigay ng opinion o reaksyon


b. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa
tunay na pangyayari sa buhay
c. Pagpapayaman ng talakayan tungkol sa paglalahad ng mga kaugnay na
karanasan.
d. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling
karanasan
43
5. PAGPAPAHALAGA

Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan ng


binasang seleksyon. Dito rin natin ipinadarama ang paghanaga sa kagandahan at
masining na paglikha ng isang akda. Iba’t ibang paraan ang magagawa natin sa
pagpapadama ng pagpapahalaga gaya ng:

a. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalai


b. Pagbabago sa wakas ng kuwento
c. Pagbabago sa pamagat ng kuwento
d. Pagbabago sa mga katangian ng mga tauhan
e. Pagbabago sa mga pangyayari sa kuwento
f. Paglikha ng sariling kuwento batay sa binasa
g. Pagsasadulasa akdang binasa
h. Pagbigkas ng tulang binasa

Mga Denotasyon at Konotasyon

May mg asalitang doble at marami ang kahulugan. Ito ay maaaring


denotasyon o konotasyon. Ang denotasyon ay kuhulugan na makukuha sa mga
talatanigan o diksyunaryo, samantalang ang konotasyon ay makukuha ang
kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng isang salita o parirala o iba pa.

Malalaman din ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa


pangungusap. Samakatwid, denotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan at
ang konotasyon ay pagbibgay ng iba pang kahulugan maliban sa tunay na
kahulugan nito.

Halimbawa:
Detonasyon --- ayaw ko ng isdang banguskasi matinik ito.
Konotasyon --- Mahusay si Ana sa Matematika, matinik talaga siya.

TAYUTAY

Ayon saDIKSYUNARYO NG WIKANG FILIPINO,Sentinyal Edisyon, ang


tayutay ay isang paraan ng paagpapahayag ng pampanitikang salita o

44
pangungusap na may hugis o anyong patalinhaga. Ito ay isang pagpapahayag na
lumilihis sa talagang paraan ng pagpahayag upang ang pahayag ay maging
maganda at kaakit-akit.

Ang kakayahan o kaalaman sa tayutay ay malaking tulong sa pag-unawa


ng binasa.

Narito ang ilang tayutay na madalas gamitin sa mga pahayag.

1.Pagbibigay-katauhan o personifikasyon
Ina-aring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao. Ginagamit dito ang pandiwa
para mapakilos ang mga bagay tulad ng tao.

Halimbawa:
1) Lumuha ang langit ng mamatay ang maraming biktima ng tsunami.
2) Kay bilis tumakbo ng oras.

2. Pagtututlad (Simile)
May dalawang magkaibang bagay na pinaghahambing na ginagamit ang
mga salita o pariralang tulad o katulad ng, para o kapara ng, animo ay, wangis o
kawangis ng, parang, at iba pang katulad nito.

Halimbawa:
1. Parang loro ang kanyang mga mata.
2. Ang luha niya sa mata ay kawangis ng perlas ng dagat.
3. Ang buhay ng tao ay parang bulaklak, patumagal at timanda, malalanta
at mamamatay rin.

3. Pagwawangis o metapora
Ito ay tuwirang paghahambing dahil hindi na gumagamit ng salita o
pariralang ginagamit sa pagtutulad.

Halimbawa:
Hugis kandila ang daliri ni Rosa.
Bukas naaklat ang buhay ng mga artista at mga pulitiko.

4. Pagmamalabis o iperboli
Wala na sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kaya tinatawag
din itong eksaherasyon.
45
Halimbawa:
Bumaha ng dugo ng sumiklab ang digmaan sa Iraq.

5. Pagtawag o apostrope
Kinakausap na parang tao ang mga bagay o isang tao na parang naroroon
at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
Pag-ibig, talagang bulag ka nga.

6. Pagsalungat o pagatatambis o oksimoron


Pahayag na gumagamit ng salitang magkasalungat ang kahulugan.

Halimbawa:
Ito ang puno at dulo ng suliranin.

7. Paglulumanay o eupimismo
Gumagamit ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng
orihinal na salit. Ito ay hango sa salitang Ingles na ayaon sa mga eksperto o
dalubhasa ay madaling gamiting kasangkapan sa verbal na kumonikasyon, ng
isang daan para makaiwas sa pagkakaroon ng kaaway o kasamaan ng loob.

Halimbawa:
Ang kanyang Ama ay namayapana.

8. Pag-uyam o ironya
Isang paraan ito ng pangungutya pero kapuri-puri ang literal na
pakahulugan. Ang pagpapahayag ay pumupuri ngunit sa katotohanan, ito’y
pangungutya sa taong pinupuri.

9. Pagpapalit-tawag o metonomiya
Ayon kay Sebastian, ang panlaping “meto” ay may kahulugang pagpapalit
o paghahalili kaya nagpapalit ito ng katawagan sa bagay na itinutukoy.
Halimbawa:
Si John ang Adonis ng aming bayan. (Adonis ay kumakatawan sa
pinakamagandang lalaki sa nayon.)

10.Paglilipat-wika (Transferred Epithet)


Ang paggamit ng pang-uri sa tao lamang ay karaniwang bagay.
46
Halimbawa:
Ang ulilang bahay ay muling tinirhan.

11.Pagpapalit-saklaw o sinekdoke
Binabanggit dito ang bahagi na tumutukoy sa kabuuan o kaya’y ang
kabuuan sa halip na bahagi lamang.
Halimbawa:
Huwag na huwag kang makapanhik ng aming hagdan.

IDYOMATIKONG PAHAYAG
>Ang idyoma ay kilala na idyomatikong pagpapahayag o sawikain. Ito’y mga di-
tuwirang pagpapahayag, kaya sinasabing may patalinghagang kahulugan. Ito rin
ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita kaya, may konotatibong
kahulugan din ito.

Halimbawa:
1. Likaw na bituka- pag-uugaling hindi alam ng iba o ipamalita ang isang
lihim
2.Nagbebenta ng asin- pinupuri ang sarili
3.Hawak sa ilong- sunud-sunuran sa tao
4.Malalim ang bulsa- kuripot
5.Alog ang baba- matanda na

PAGKUHA NG PANGUNAHIN AT PANTULONG NA IDEYA

Ang pagkuha ng pangunahin at pantulong na ideya ay isang kasanayan


na kailangang malinang sa mga mambabasa. Dito masusukat ang kakayahan sa
pag-unawa sa isang teksto.

UNA- Ang talata ay may pamaksang pangungusap na nagpapahayag ng


pangunahing ideya o kaisipan. Ang pamaksang pangungusap ang
pinakapundasyon ng isang talata. Maaari itong matagpuan sa unahan, gitna o
hulihan ng talata ngunit kung susuriin ito ay karaniwang matatagpuan sa unahan
ng talata.
47
IKALAWA- Lahat ng mga pangungusap sa isang talata ay tungkol sa isang
paksa. Kailangang may kaugnayan sa pamaksang pangungusap ang mga
pantulong na ideya upang magkaroon ng kaisahan ang talata.

IKATLO- Ang unang linya o pangungusap sa isang talata ay dapat ipasok.


Maglaan ng kalahating dali o pulgada sa pagpasok ng unang linya.

IKAAPAT- Matatagpuan sa huling pangungusap ang lohikal na kongklusyon.


Karaniwan, dito ipinahahayag ang punto ng talata o kaya’y dito makikita ang
pagbubuod sa pangunahing ideya ng talata. Maaaring magbigay rito ng
prediksyon o mungkahi.

PAGBUO NG MGA TANONG

Ang pagbuo ng mga tanong tungkol sa binasang teksto ay isang paraan o


estratehiya na ginagamit para maunawaan ang nilalaman ng teksto.

NARITO ANG LIMANG ANTAS NG PAGBASA:

1. Pag-unawang literal
Hal. Sino ang pangunahing tauhan? Ano ang kanyang problema? Saan
matatagpuan ang kwento?
2. Pagbibigay ng interpretasyon
Hal. Ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayari? Bakit napariwara ang
buhay ng tauhan?
3. Mapanuri o Kritikal na pagbasa
Hal. Anong kaisipan ang nakuha mo sa binasang teksto?
4. Paglalapat o aplikasyon
Hal. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunhaning tauhan, ano ang
gagawin mo para malutas ang iyong
problema?
5. Pagpapahalaga
Hal. Gumawa ng isang iskrip sa kwentong binasa at itanghal ito sa klase.

48
PAGBUO NG BUOD O ABSTRAK

Ang pagbubuod ay pinaikling katha o akda. Sa paggawa nito, inaayos an gang


pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas.

KASANAYAN SA PAGSULAT

Ano ang Pagsulat?

Isang prosesong pangkaisipan na nangangailangan ng maingat na pagpili


at pag-aayos ng kaisipan at karanasan na naaayon sa layunin ng nagpapahayg.

 Ayon kay Smith (1976), aang pagsulat ay komunikasyong tao sa tao na


ang layunin ay ang pagpapahayag ng isang ideya sa isang tiyak na
kalagayan para sa isang partikular na indibidwal.
 Walters (1983), ang pagsulat ay isang proseso ng pagbubuo ng mga
pahayag na ang pangunahing sangkap ay ang pagbubuo ng payak na
pangungusap.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Ayon kay Jaramillo (1997), ang pagsulat ay nakatutulong sa mga mag-aaral


upang matuto.

1. Ang pagsulat ay nakakatulong sa mga kayariang pambalarila, mga idyoma


at talasalitaan.
2. Nagkakaroon sila ng pagkakataon na maging abenturero sa wika.
3. Nasasangkot nila ang sarili sa wika.

Ayon kay Axeroid (1991) mayroong apat na kahalagahan ang pagsulat .


1. Ang pagsulat ay nagbibigay ng espesyal na kontribusyon sa paraan ng
pag-iisip ng tao.
2. Ang pagsulat ay may tanging ambag sa paraa ng pagkatuto.
3. Ang pagsulat ay umaamb
4. ag sa personal na pag-unlad ng tao.

49
5. Ang mahusay na pagsulat ay espesyal na nag-aambag sa pagtatagumpay
sa kolehiyo at sa trabaho.

Ayon kay Espina, et al. (2007) ang kahalagahan ng pagsulat ay:


1. Naipapahayag nag sariling damdamin.
2. Naipaparating ang impormasyon sa iba.
3. Nalilinang ang malikhain at lohikang pag-iisip.
4. Nakapag-aangat ng kultura at kabihasnan ng isang lahi.

Pagsulat Bilang Isang Proseso


(Mikanismo sa Pagsulat)
A. Kaisahan- ang kaisahan ng mga pangungusap ay nagbubunga ng isang
pangkalahatang ideya
B. Kaugnayan- kailangang maipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pahayag at pangyayari sa loob at labas ng paksa.
C. Kabuuan- buo dapat ang kaisipang nakapaloob a isang talata.

Mga Anyo at Uri Ayon sa Layunin ng Pagsulat


1. PAGSASALAYSAY
Ito ay isang paraan na nagkukwento ng mga magkakasunod at
magkakaugnay na mga pangyayaring base sa buhay ng tao na maaaring totoo o
kathang isip lamang.
HALIMBAWA:
1.Talaarawan
2.Bionote
3.Maikling Kwento
4.Nobela
5.Talambuhay
6.Tala ng Paglalakbay (Travelogue)

2. PAGLALARAWAN
Pangunahing layunin ng uring ito ay ang pagbuo ng isang konkretong
larawan sa isipan ng mambabasa.
Ang kulay, hugis o anyo ng isang bagay, lugar, tao o pangyayari ay
masining na inilahad ng naglalarawan.

50
HALIMBAWA:
1.Hugis-pusong mukha
2.Tila paraisong bukidnon
3.Hinahabol ng gunting ang buhok

3. EKSPOSISYON O PAGLALAHAD
Layunin nitong makagawa ng isang malinaw at walang kinikilingang
pagpapaliwanag sa isang disiplina.
HALIMBAWA:
1.Balita
2.Editoryal
3.Suring Basa/Rebyu
4.Paglalahad ng proseso
5.Sanaysay

4. PANGANGATWIRAN
Layunin nitong mapaniwala at mapakilos ang iba tungo sa ninanais ng
sumusulat.
Ginagamitan ito ng lohika upang maka-impluwensya ng mga kaisipan.
Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
HALIMBAWA:
1. Lahat ng Kristyano ay binyagan
2. Si Delfin ay Kristyano
3. Si Delfin ay binyagan

5. HILWARAN NG ORGANISASYONG TEKSTO


1.Walang iisang hulwaran sa pag sulat
2.Hindi maaaring ang isang ideya o kaisipan ay maisulat sa paraang
pinagsusunod-sunod lamang.

3.Iba't iba ang maaaring gamitin upang higit itong maging mabisa sa paghahatid
ng kaisipan.

6. PAGKAKASUNOD-SUNOD

51
Ang hulwarang ito ay maaaring gamitin sa pagkukwento ng mga
pangyayari sa isang akda o pagbibigay ng panuto at direksyon.

7. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST NG MGA IDEYA


Ang hulwarang ito ay maaaring gamitin sa paghahambing ng mga tauhan
sa kwento.

8. SANHI AT BUNGA NG MGA PANGYAYARI


Ito ay humahantong sa isang bunga ang isang bagay o pangyayari
sapagkat may dahilan.

9. PROBLEMA AT SOLUSYON
Ito ay angkop sa pagtuklas ng mga suliranin na sa kalauna'y
magmumungkahi ng mga paraang makalulutas sa isang suliranin.

10. KAHULUGAN AT HALIMBAWA NG MGA SALITA AT KONSEPTO


Ito ay maaaring gamitin sa pagbibigay kahulugan sa isang bagay o
kaisipan.

Mga Simulain ng Pagsulat

1.) Kaisahan
Makatitiyak na may kaisahan ang komposisyon kung may iisa lamang
paksang tinatalakay. Nakatutulong ang bagay na ito sa pagkakaroon ng kaisahan
ng layunin ng bawat pangungusap na bumubuo ng talataan.

2.) Pagkakaugnay-ugnay
Ito ang nagbibigay-diin sa pangangailangan ng kakipilan o ng maigting na
pagsasama-sama ng mga pangungusap. Para magawa ito, kailangang isaalang-
alang ang ilang kaayusan o order ng pagsulat. Mahalaga rito ang ayos o order
daloy ng mga sangkap. Natatamo ito sa pamamagitan ng mahusay na
paghahanay ng mga pangunahin at pantulong na ideya sa loob ng isang
balangkas.

3.) Empasis o Diin

52
Ito ay malilikha sa pamamagitan ng paglalagay ng mahalagang
pangungusap o tesis ng komposisyon sa isang bahagi ng talataan. Maaaring ito
ang unang pangungusap o ang huling pangungusap na magtatampok sa diwa
nito. Nagkakaroon ng diin kung natatawag ng komposisyon ang pansin o interes
ng mga mambabasa.

4.) Mababasa
Ito ay ang produkto ng maraming bagay: sariling pagnanais na
makipagbalita, pagkapili ng mga karaniwang katawagan, malinaw ba pag-iisip
habang isinusulat  ang mga ideya, at ang kamalayan kung aling salita ang
pupukaw sa damdamin o magpinta ng larawang pangkaisipan.

Mga Salik na Mahalaga sa Pagbuo ng Isang Sulatin


Ayon kay Badayos (2007)

Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan. Ang isang manunulat ay


kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng
isang sulatin, gaya ng mga sumusunod:

Tapik/Paksa. Kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na


kaalaman o impormasyon sa paksang susulatin. Ang mga kaalaman/
impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal, atbp., o
mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid at personal na mga
karanasan.

Layunin. Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung


bakit siy nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng
pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay ng
malaki sa layunin.

Interaksyon at isang pagbuo sa kamalayan ng awdyens. Dapat


isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat. Kung
minsan, ang manunulat ay nag-interak sa kanyang sarili. Kailangang linangin din
ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin
niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano
ang iawak ng kanyang pag- uunawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin
kung isasaalang-alang ang kanyang kalagayan sa buhay, antas ng pinag-aralan,
at iba pa.

53
Wika. Ang isang manunulat ay kailangang mayroon nang kaban ng
wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang estilo
ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.

Kombensyon. Dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat


na tinatangkilik ng isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at estilo
ng wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang
memorandum.

Mga kasanayan sa pag-iisip. Ang isang manunulat ay dapat magtaglay


ng iba't ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan
sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin
ang mahalaga o hindi. Kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang
makapangatwiran siya nang mabisa. Kailangang alam din niyang pagalawin ang
kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa isang kawili-wiling
paglalahad. Kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling
pagpapasya at iba pa.

Kasanayan sa pagbubuo. Isa sa mga tunguhin ng mga manunulat ang


makabuo ng maayos na talataan na naglalahad ng malinaw na ideya at mga
pansuportang detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal
na mailalahad ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang
nagkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop na pang-
ugnay.

Sariling sistema ng pagpapahalaga. Dapat isaalang-alang sa pagsulat


ang mga pagpapahalagang pinananaligan ng isang manunulat at handa siyang
paninindigan ang mga ito.

Mekaniks. (pagkakasulat, pagbaybay, pagbabantas, konbensyon sa


pagsulat.) Dapat isaisip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay
isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang
lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin dapat
kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na
gagamitin sa pagsusulat.

Dalawang Dimesiyon ng Pagsulat

54
Ayon sa mga dalubwika kaugnay sa pagsusuring kanilang ginawa ang
pagsulat ay may dalawang dimensyon: a) pinatnubayang pagsulat atb)
malayang pagsulat.

Ang pinatnubayang pagsulat ay tumutukoy sa mga gawaing kaugnay


sa paglalapat ng mga batayang estruktura ng wika, mga tuntuning
panggramatika, talasalitaan at mga kaanyuang panretorika na natutuhan o
natamo sa pagbasa at pagsasalita.

Ang malayang pagsulat, sa kabilang dako, ay tumutukoy sa malikhaing


paggamit ng wika sa pagpapahayag ng kaisipan. Sa uring ito ng pagsulat,
kinakailangang mailalantad ang mag-aaral sa iba't ibang anyong panretorika sa
pamamagitan ng malawak na pagbabasa upang magkakaroon siya ng sapat na
kaalaman sa pagsulat ng komposisyon.

Halimbawa:

1. Kalatas at mga Liham Pangkaibigan

2. Liham Pangangalakal

3. Pagsasalaysay

4. Paglalarawan

5. Pagpapaliwanag o Paglalahad

6. Pagmamatwid/Pagtatalo

Sina Alcantara (1996) ay nagmungkahi ng mga sumusunod na gawain


para sa paglinang ng kasanayan sa pinatnubayan at malayang pagsulat.

1. Pagsulat ng mga pangungusap sa paggamit ng mga estruktura at talasalitas


natutuhan ang

2. Pagsulat ng mga katanungan tungkol sa mga napakinggan o nabasang


pahavaa

3. Pagsulat ng usapan batay sa isang kalagayan o sitwasyon

4. Pagsulat ng mga personal na karanasan at obserbasyon batay sa isang


kalagayan o sitwasyon
55
5. Pagsulat ukol sa nabasang kwento

6. Pagbigay ng wakas ng kwento

7. Pagsulat ng reaksyon tungkol sa pangunahing kaisipan ng nabasa


napakinggang pahayag nabasa o napakingang pahayag

8. Pagsulat ng mg talatang nagpapaliwanag, naghahambing, nagmamatwid, at


naglalahad

Iba Pang Uri ng Pagsulat

1. Akademik - Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report,


eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o
disertasyon.
- Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
2. Teknikal - Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.
- Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong suliranin.
- Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang
pampangangalakal.
- Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad
ng science at technology.
-Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
3. Journalistic - Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.
- Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang
akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.
4. Referensyal - Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source
hinggil sa isang paksa.

56
- Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal,
footnotes o endnotes.
 - Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o
disertasyon.
-Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
 5. Profesyonal - Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.
- Saklaw nito ang mga sumusunod: 1. police report – pulis 2. investigative report
– imbestigador 3. legal forms, briefs at pleadings – abogado 4. patient’s journal –
doktor at nurse
6. Malikhain - Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.
-Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
- Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
-Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.

Ang Pagsulat ng Mensahe


Ang komunikasyon nagaganap sa araw araw ay karaniwang sa parang
pasalita. Subalit mahalaga rin sa kasalukuyang panahon ang marunong sumulat
ng mensahe. May ilang pagpapatunay ng pagiging epektibo ng nakasulat na
mensahe.
1. Ang mensahe ay napag-iisipan ng mabuti, nabubuo ng maayos at maaring
mabago kung kailangan lalo na kung ito’y mahalaga at sensitibo. Sa panig ng
tagabasa, napag-isipan rin ito ng mabuti dahil maari siyang huminto upang
basahin muli ang ilang bahagi na nais niyang bigyan ng ibayong pansin.
2. Ang nakasulat na mensahe ay higit na nauunawaan kaysa kung ito’y naririnig
lamang lalo na kadalasan ay pinipili lamang ng tao ang nais niyang pakinggan.
3. Mas permanente ang nakasulat na mensahe o pahayag maging ito ay isang
anunsyo, pakiusap, pagbati o paliwanag. Maari itong itago at basahin muli sa
ilang pagkakataon kung kailangan.

57
Katangian ng Epektibong Mensahe
Ang epektibong mensahe ay mahalagang mataglay ng mga sumusunod na
katangian:
1. Malinaw na paglalahad ng layunin at nilalaman. Ang mensahe ay dapat
nauunawaan ng tagabasa. May tatlong mahalagang katanungan na dapat
isaalang alang kaugnay dito:
A. Tungkol saan ang mensahe?
B. Ano anong imporamsyon ang isinasaad at paano ito bibigyang kahulugan?
C. Ano ang dapat gawin?

Mga Istratehiya ng Pagsulat

1. Webbing— tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya o impormasyon.


Magagamit din ito sa pagpaparami/pagpapalawak ng isang ideya.
2. Concept Mapping— ito ay ginagamit sa pagdevelop ng ideya, mga katanungan
at sanhi.
3. Cluster Diagram— ginagamit naman ito tungo sa pagdevelop ng isang
kraytirya o pagbuo ng mga tanong.
4. Double Cell Diagram— ito ay ginagamit upang ilarawan ang pagkakapareho ng
dalawang bagay.

Mga Dapat Isaalang- alang sa Mabisang Pagsulat

1. Mapanahong ideya
2. Sariling estilo ng ideya
3. Organisado
4. Alamin ang layunin ng isinulat
5. Gumamit ng mga salitang agad maiintindihan ng mga mambabasa
6. Gawing malinaw ang mga ideya
7. Alamin ang target ng awdyens.
Tulad ng: edad, edukasyon, prefesyon, kasarian, relihiyon, politikal na kaligiran
atbp.

58
59

You might also like