Professional Documents
Culture Documents
GRADUATE SCHOOL
Ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na maaaring lapatan ng himig o tono.
Nagpasalin-salin lamang ito sa mga bibig ng tao kung kaya walang tiyak na may akda nito.
Nagsasalaysay ito ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga
kababalaghan. Ito din ay nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban
sa mga panganib o kagipitan.
Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si
Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang
bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon
ni Leopoldo Yabes noong 1935.
Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon
at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang
mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang
nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.
Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang
pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.
Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at
malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay
ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.
Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa
tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa
laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa
kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si
Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na
nasa sarukang, isang haliging kawayan.
Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag
siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang
mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya’t dumating ang
maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan
si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot
niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na
pinagpapatay niya ang mga nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng
tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at
nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi
naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya
na kapantay ng kayamanan nina Ines. Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng
ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at
maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa
Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na
may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang
ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.
Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni
Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines.
Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang
aso.Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na
parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog. Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang
niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang
kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay
dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang
kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong
kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw
na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya
ang Bumbaran.
Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe
Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay
nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang
kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni
Bantugan ang kaharian ng Bumbaran.
Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring
Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang
lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong
galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda.
Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa
mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.
Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.
Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang
gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang. Sa kaharian ng
Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari.
Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi
niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na
mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong
na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda
kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito
ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na
saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
MAIKLING PAGSUSULIT:
TAKDANG ARALIN:
Bilang isang lider, paano mo malalamang nagagampanan mo nang maayos ang iyong
tungkulin lalo na sa mga taong iyong pinaglilingkuran.?
MARAMING SALAMAT!!!