You are on page 1of 148

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges

FILIPINO 311
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Simulain
Pagsasaling
sa

A.Y. 2019-2020
Second Semester

GENALYN L. MOSCAYA Ph. D


Propesora

P a g e 1 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges

FILIPINO 311
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Simulain
sa Pagsasaling-wika

MGA TAGA-ULAT:
Alejandro Marites
Cabagsican, Janet Decena, Ella
May
Dedoyco, Aira Niccola
Diaz, Vernie
Eculla, Rita Mae
Gavilangoso, Jaycee S.
Nique, Joie De Vivre
Pacete, Frances Valerie
Paguntala, Levi
Rizardo, Maisie Kate
Romero, David Johnrae
Sano Rodylene
Santero, Mary Rose
Tahinay, Lachel Joy
Tamon, Mary Hyacinth
Tejero, Reneluz
Trayviilla, Henna Joy
Trogani, Elna

TALAAN NG NILALAMAN
P a g e 2 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

A. ARALIN 1: Kasaysayan ng Pagsasalin


Panimula------------------------------------------------------------------------------6
Sa Daigdig-----------------------------------------------------------------------------6
Sa Pilipinas----------------------------------------------------------------------------10
B. ARALIN 2: Pagsasaling-wika: Sining o Agham
Pagsasaling-wika Bilang Agham---------------------------------------------------14
Pagsasaling-wika bilang Sining ---------------------------------------------------15
C. ARALIN 3: Mga Simulain sa Pagsasaling-wika
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng mga Tagasaling-wika ---------------------18
Kahulugan ng Pagsasaling-wika-----------------------------------------------------19
Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika-----------------------------21
Mga Ilang Simulain sa Pagsasalin Mula sa Ingles--------------------------------35
D. ARALIN 4: Ilang Batayang Konsepto at Kaalaman sa Filipino at Pagsasaling-
wika

Ang Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles-----------------------------------------58


Ang Pagsasalin sa Larangan ng Agham at Teknolohiya -------------------------62
Panghihiram sa Ingles: Mga Suliranin at Mungkahing Paraan------------------64
Ang Alpabetong Filipino sa Pagsasaling-wika--------------------------------------69
E. ARALIN 5: Ang Pagsasalin ng Poesa o Tula
Bakit Mas Mahirap Magsalin ng Tula?---------------------------------------------85
Mga Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin--------------------------------87
Mga Karaniwang Teknik o Paraan ng Pagsasalin ng Tula ----------------------88
Pagsasalin ng mga Tulang Pambata-----------------------------------------------93
Mga Batayang Kaalaman sa Kumbensiyunal na Panulaang Filipino-----------98
Ang mga Tayutay at Idyoma sa Pagsasaling-wika-------------------------------103
F. ARALIN 6: Ang Pagsasalin ng Prosa o Tuluyan
Mga Panguhaning Problema sa Pagsasalin ng Prosa----------------------------115
Segmentsyon: Isang Gawain Para sa mga Baguhan----------------------------117

P a g e 3 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Malalabong Pangungusap sa Wikang Isinasalin at sa Pinagsasalinan--------122


Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsasalin-----------------------------------------124
G. ARALIN 7: Pagsubok o Pag-ebalweyt sa Salin
Layunin ng Pagsubok----------------------------------------------------------------127
Halimbawang Pagsubok-------------------------------------------------------------130
Mga Paraan ng Pagsubok o Pag-ebalweyt ---------------------------------------137

Sanggunian---------------------------------------------------------------------------------------149
Balangkas ng Kurso----------------------------------------------------------------------------150

ARALIN 1: P a g e 4 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Kasaysayan
ng
Pagsasalin

FILIPINO 311-Simulain sa Pagsasaling-wika

Aralin 1: KASAYSAYAN NG PAGSASALIN

A. Panimula
P a g e 5 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Pagsasalin sa Filipino: Bakit mahalaga?


1. Nakadaragdag ito ng kabatiran sa pagpapaunlad ng bokabularyo sa Filipino.
2. Ehersisyo ito sa isipan na binubuo ng pagtatanong kung palitan ang
mensahengnasulat sa isang wika ng gayunding mensahe ng isang wika.
3.Mabisang sandata at kalasag ito bilang tagahawan ng tinatahak na
intelektwalisasyon ng Filipino
Nakatala sa 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas, Artikulo 14, Seksyon 6:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral sa wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
4. Nakatutulong ito sa pagdaragdag ng mga sangguniang aklat sa pagtuturo sa iba’t
ibang displina.
5. Ganap na maunawaan ng mga mag-aaral ang isang akda kung naisalin sa wikang
Filipino ang iba’t ibang uri ng karunungan sa iba’t ibang larangan na pumapasok sa
ating bansa sa pamamagitan ng Ingles.
B.Sa Daigdig
 Kasaysayan Ng Pagsasaling-Wika
-Kasintanda ng ating panitikan
-240 B.C.
 Adronicus – kinikilalang unang tagasaling-wika sa Europa
-Isang aliping Griyego
-Isinalin niya ng patula sa Latin noong 240 B.C.
 Ang Odyssey ni Homer na nakasulat sa wikang Griyego.
-May mga pahina pa diumano ng nasabing wika ang matatagpuanmagpahanggang
ngayon sa ilang museo sa Europa
-Naevius at Ennius ay gumawa ng mga pagsasalinsa Latin ng mga dulang Griyego.
 Isa pangkat ng mga iskolar sa Syria
-Nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa wikang Arabic

P a g e 6 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Aritotle, Plato, Galen, Hippoctates at marami pang iba.


-Naging kilala ang Lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika
na nging bukal ng kumalat na karunungan sa Arabia.
 Iskolar ng Toledo
-Pumalit sa mga Iskolar sa Syria
-Isinalin sa Latin ang mga naisulat sa wikang Arabic.
nagpatuloy sa loob ng isandaang taon
-Mga tanyag tagasaling-wika
a. Adelard- nagsalin sa Latin mula sa Arabic
b. Retines – nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.
Sa panahong iyon lumabas ang dakilang salin ng Liber Gestorum Barlaan et
Josaphat
-Orihinal na naisulat sa wikang Griyego
-Nagkaroon ng iba’t ibang salin sa iba’t ibang wika sa Europa
-Napilitang kilalanin ng simbahang Latino bilang mga santa at santo
- Sina Barlaam at Josapahat, dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging
maka-Diyos, kahit ang mga ito ay likhang-isip lamang.
Ang pangyayaring ito’y pinadi-karaniwang natamo ng alinmang pagsasaling-wika
sa daigdig.
 Ikalabindalawang Siglo
Ayon kay Savory, umabot sa pinakatuktok ang pagsasaling-wika. Ang pagsasalin
sa panahong iyon ay maaaring napantayan na sa kasalukuyangpanahon ngunit hindi
pa nahihigitan.
-Dito nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya
-Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin nina Tyndale at Coverdale
-Pinakakilalang salin ay kay Martin Luther na isilanin sa wikang Aleman
-Dito nakilala sa larangan ng pandaigdigang panitikan ang Germany.

P a g e 7 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

-Dito nakilala si Jacques Amyot, isang obispo sa Auxerre bilang “Prinsipeng


Pagsasaling-wika” sa Europa.
-Isinalin noong 1559, ang Lives of Famous Greek and Romans ni Plutarch.
Sa Inglatera, sa panahon ng unang Elizabeth, ang unang panahon ng
pagsasaling-wika. Sa panahon ng ikalawang Elizabeth ang pinakataluktok.
 Ikalabingwalong Siglo
Alexander Pope at William Cowper- nagsalin sa Ingles nang Homer na Iliad at
Odyssey.
Dito nalathala ang isang namumukod na aklat ni Alexander Tytler na may pamagat
na Essay on the Principes of Translation.
 Ikalabinsiyam na Siglo
Nakasama na ang maraming dakilang pangalan. Naging dakilang salin ang
Rubaiyat ni Omar Khayyam ng mga Persyano.Dito nagsimulang mauso ang isang uri
ng saknong sa tula na may apat na pentametro na ang ikatlong linya ay hindi
magkatugma.
 Ikadalawampung Siglo
Isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasalin. Ang lahat daw halos ay
nagtatangkang magsalin.Karamihan sa nagsasalin ay sahol sa inspirasyon sapagkat
ang pangunahing layunin na lamang ay dami at hindi uri.
 Sa Kasalukuyan
Lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kani-
kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa
layuning maihatid sa mga mambabasa ang mga makabagong kalakaran sa
panitikan.
Isinasalin ang mga piyesa ng literatura na nagtataglay ng mga bagong kaalaman
at karunungang buhat sa ibang bansa na karaniwang naisulat sa wikang Ingles.
 Bansang Japan

P a g e 8 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Malaki ang halagang ginugugol ng Pamahalaang Hapon para makaaabot sa higit


na nakararaming mamamayan ang karunungan sa daigdig sa pamamagitan ng
pagsalin ng mga ito sa wikang Niponggo.
 Pagsasalin sa Bibliya
Kapag pagsasaling-wika ang pinag-usapan, hindi maiiwasang mabanggit ang
pagsasalin sa Bibliya da hil sa dalawang kadahilanan:
1.Ang paksa sa Bibliya ay tumatalakay sa tao – sa kanyang pinagmulan, layunin at
destinasyon;
2.Di mapasubaliang kataasan ng uri ng pagkasulat nio na itinutiring na sagrado
angmga nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Kaya nga’t ang isang tagasaling-wika ay nangangailangan ang ibayong pag-iingat
at pambihirang kakayahan sa pagsasalin ng Bibliya sapagkat bawat salita o lipon ng
mga salita sa nasabing aklat ay nagangailangan ng masusing pag-aaral at paglilirip
tungkol sa tunay diwang napapaloob sa teksto, lalo na kung isaalang-alang ang
lawak ng panahong nakapagitan sa mga sumulat ng Bibliya at ng tagasalin.
 Matandang Tipan
Ang orihinal ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo. Isinalin sa wikang
Greyigo ni Origen noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint. Isinalin
sa wikang Latin ni Jerome noong ikaapat na siglo.
3 Dinadakilang salin ng Bibliya
◦ Jerome – Latin
◦Luther – Aleman
◦Haring James ng Ingles (Inglatera) – lalong kilala sa taguring “Authorized King
James Version”
Mula sa idinaos na kumperensyang ni Haring James naging panuntunan ng lupon
na ang isasagawang pagsasalin ay kailangang maging matapat sa orihinal na diwa at
kahulugan ng Banal na Kasulatan

P a g e 9 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Dito nakilala ang tinatawag na Authorized Version na naging malaganap at


waring hindi namalampasan pa ng ibang salin habang ang Wikang Ingles ay buhay.
1870 – nagmungkahi si Obispo Winchester na rebisahin ang nasabing salin
- tumagal ng 15 taon
1881 – inilimbag ang nirebisang salin nito na nakilala sa tawag na English
Revised Version.
Anupa’t sari-sari at napakaraming salin ng Bibliya ang nagsilitaw at lumilitaw pa
hanggang sa kasalukuyan.
Hanggat may Kristiyano, hindi mapuputol ang pagsasalin ng Bibliya lalo’t
isaalang –alang natin ang kalikasan ng tao- walang kasiyahan, at laging
naghahangad ng higit namabuti kaysa dati.
1970 – ang maituturing na pinakahuling salin ng Bibliya
-The New English Version
-Inilimbag ng Oxford University Press
-20 taong pinagtiyagaang ihanda ng simbahang Orthodox na
pinakadalubhasangpangkat ng mga tagasalin at iskolar ng wika.
-Isinalin mula sa orihinal na katitikang Ebreo (Matandang Tipan) at Griyego (Bagong
Tipan).
 Halimbawa ng pagkakaiba ng diwa ay ang mga sumusunod:
Old English Bible: How can this be…when I have no husband?
New English Bible: How can this be…I am still a virgin?
Mas tiyak o accurate ang huli. Hindi lang babaeng may asawa ang maaaring
manganak. Kahit dalaga ay maaaring maging dalagang ina. Samantalang noong mga
panahong iyon ay imposibleng magdadalantao ang isang babaeng hindi nagagalaw
ng sinumang lalaki.
C.Sa Pilipinas
 Unang Yugto ng Kasiglahan

P a g e 10 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong


panahon ng pananakop ng Kastila, kaugnay na pagpapalaganap ng Kristyanismo.
Kinailangan ng mga panahong iyon na isalin sa Tagalog at iba pang katutubong wika
sa kapuluan ang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa
ikadadali ng pagpapalaganap in Iglesia Catolica Romana.
 Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
Nang pumalit ang Amerika saEspanya bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago
na rin ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika.
Ang naging pangunahing kasangkapan na pananakop noong panahon ng Kastila
ay krus o relihiyon; noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa
pamamagitan ng wikang Inlges.
 Ikatlong Yugto ng Kasiglahan
Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan ay ang pagsasaling-wika sa
Filipino ng mga materyales,pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa, kaugnay sa pagpapatupad sa
patakarang bilinggwal sa atingsistema ng edukasyon.
Pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog.
Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo
ng panitikang talagang matatawag na “pambansa”.
 Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan
Maituturing na kasiglahan ng ikaapat na yugto ng pagsasaling wika sa Pilipinas
ay ang pagsasalin ng mgakatutubong panitikang di-tagalog. Kailangang isagawa ang
pagsasaling ito kung nais nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na
“pambansa”.
Malaking bahagi ng panitikang Pilipino ang unti-unti nang nalilimot dahil sa hindi
ito naisusulat, maisulat man ay hindi naman naisasalin sa wikang Filipino kung kaya’t
hindi nagiging bahagi ng pambansang kamalayan.

P a g e 11 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sadyang mayaman ang panitikang Pilipino kung maisasalin lamang sa Filipino at 
maipalilimbag ang panatikan ng iba’t ibang wikang katutubo.
Tunay ngang kung magkakaroon tayo ng isang panitikan na sadyang
kumakatawan sa ating pambansang kaisipan, matatagpuan natin ang ating sarili at
hindi tayo matatawag ng mga “nawawalang kaluluwa” sa sariling bayan.
  Nagsilbi naman daw na Ikalimang Yugto ng pagsasaling-wika sa Pilipinas
ang panitikang Afro-Asia.

P a g e 12 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ARALIN 2:

Pagsasaling-
wika:
Sining o
Agham
FILIPINO 311- Simulain sa Pagsasaling-wika

Aralin 2:
PAGSASALING-WIKA: SINING O AGHAM

A. Panimula
P a g e 13 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang sabi ni Webster:

1. Art- conscious use of skil and creative imagination: the making of things that form
or beaty, or aesthetic appeal, such as painting, sculpture.

2. Science- systematized knowledge derived from observation, study, and


experimenation, one that skillfully systematizes, facts, principles, and methods, as
science of music, science of theology.

May naniniwalang ang pagsasasling wika ay isang sining; may naniniwala naman
na ito’y isang agham. Sa pamagat lamang ng sumusunod na dalawang aklat sa
pagsasalingwika na sinulat ng dalawang kilalang awtor ay makikita na nitin ang
katotohan na nagkakaibang paniniwala

“Toward a Science of Translating”- Eugene A. Nida

“Art of Translation” Theodore Savory

 Pagsasaling-wikaBilang Agham -NIDA

Is transalating an art or science?

Ayon kay Nida.” ... Though no one will deny that artistic elements in good
translating, linguistic and philologists are becoming increasingly aware that the
process of translation are amenable to rigorous description.”

 Ang isang taong nagpipilit na ang pagsasaling-wika ay isang sining at wala


anang iba pa ay maaaringf nagiging paimbabaw lamang ang kanyang
pagsusuri sa kanyang ginagawa.
 Hindi siya lumalalim nang husto upang malimi niya ang mga makaagham na
aspeto ng pagsasalin na kalimitang nakatago sa ilalim ng lantad na mga
simulain at prinsipyo

P a g e 14 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Gayunpaman, tinanggap din niya ang katotohanan na ang isang taong


yumayakap naman sa paniniwalang ang pagsasaling-wika ay isang agham at wala
nang iba pa ay hindi marahil napag-aralan nnag husto ang kanyang ginagawa upang
mapahalagahan ang makasining na aspeto ng pagsasalin.

Isang di dapat mawalang sangkap sa isang mabuting salin, lalo na sa mga


obrang pampanitikan.

 Pagsasaling-wika; Bilang Sining -SAVORY


 The contention that translation is an art will be admitted without
hesitation by all who have had much experience of the work of
translating; there may be others who will not so readily agree (but) a
sound method is to compare the task of translating in all its forms with
the universally acknowledged arts of painting and drawing.
 They will be found to be parallel, step by step
 Kapag ang isang tula, ayon sa kanya, isinalin ng isang karaniwang
tagapagsalin sa paraang tuluyan, katulad lamang ito ng sketch ng isang
patakbuhing pintor na hindi naging matapat sa orihinal na larawan.
 Gayunpaman, ang bihasang tagapagsalin ay maaaring makagawa ng
isang saling tuluyan nang hindi nawawalang lubusan ang himig o
“musika” ng orihinal, tulad din naman ng isang bihasang pintor na
nabibigyang-buhay pa rin ang kanyang kinokopyang larawan kahit iba
ang kanyang mga gamit at pamamaraan
 Ang pagasasaling-wika, uulitin natin ay isang sining.
 At bilang sining, ito’y hindi nga madaling gawain., subalit isang
katotohanan akhit mahirap na gawain ang magsalin, ang isang
tagapagsalin ay laging nakukubli sa anino ng awtor; hindi napapansin

P a g e 15 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Kung mahusay ang pagkakasalin, hindi na napapansin ang tagapagsalin


ata ng pinupuri ng mambabasa aya ang awtor; kung pangit, ang
pinipintasan ay ang tagapagsalin
 Gaya ng nabanggit na, ang mag may sapat na karanasan lamang sa
pagsasaling-wika ang makapagsasabing ito’y hindi biru-birong gawain.

Narito ang sabi ni Savory tungkol dito:

The translator’s task is much harder than that of the original author. When the
latter seeks a word with which to express a thought or describe an experience, he
hasavailable many words in his own language, and can without great difficulty or
delay choose the one that suits him best and pleases him most. The translator of the
word thus chosen has to decide on the nearest equivalent, taking into consideration
the probable thoughts of the author’s readers and of his own readers, and the
period of his in which the author lived.

Ipaliwanag natin sa Filipino ang sinipi nating pahayag ni Savory sa itaas na ang
gawain ng tagapagsaling-wika ay higit na mahirap kaysa kalayaang pumili ng mga
salitang gagamitin upang ipahayag ang diwang ibig isatitik.

Samantala, ang isang tagapagsalin ay masasabing “nakatali” sa kahulugan ng


bawat salitang napili ng awtor.

Kailangan maging maingat ang tagapagsalin sa pagbibigay ng katumbas na


salitang magiginga ngkop na angkop o kung hindi man ay magiging malapit na
malapit ang kahulugan pagkatapos timbang-timbangin at muni-muniin ang tunay na
ibig ipahayag ng awtor.

Dapat ring isaalang-alang ng tagapagsalin ang magiging damdamin ng


mambabasang babasa ng orihinal na katha ng awtor sapagkat kung ano sana ang
magiging damdamin ng babasa ng salin

P a g e 16 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Tungkulin ng tagapagsalin na ihatid niya sa mambabasa ang diwang ibig


ipahayag ng awtor sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na salita at estilo o
paraan ng paglalahad.

Sa mga likhang pampanitikan, kung ang awtor ay naging tahas, matipid,


maingat, masaya o malungkot, adalus-dalos, o kaya’y maligoy sa kanyang
pagpapahayag, kinakailangang ang salin ay magtataglay din ng alinman sa
nabanggit na mga katangian ng awtor

Ang isang tagapagsalin ay katulad lamang ng isang pintor na hindi ngayo’t


napakarami nang gumuhit ng larawan ng Belen ay hindi na ito kailangang iguhit
pang muli.

Nabanggit na sa unang kabanata na ang Bibliya ay nagkakaroon ng iba’t ibang


salin sa paglakad ng panahon dahil sa ilang kadahilanan. At ang isa sa mga dahilan
ay sapagkat ang uri ng wikang ginagamit sa mga sinumang salin ay hindi na halos
maunawaan ng kasalukuyang mambabasa.

English Bible

Anupa’t kung babalikan natin nag tanong na kung ano ang pagsasaling
wika(sining o agham?) alinman ang kilingan ng mambabasa o mag-aaral sa dalawa,
ay hindi kasinghalaga ng mga simulain sa pagsasaling-wika na matutuhan sa
sumusunod na mga kabanata.

Maging sining o maging agham man ang pagsasaling-wika, ang mahalaga sa


lahat ay ang mga kaisipang mapapasa- mag-aaral tungkol sa isyung ito upang
makatulong sa pagsasagawa ng salin na maituturing na amy kasiningan o
kaaghaman.

ARALIN 3:
P a g e 17 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Mga
Simulain
sa
Pagsasali

FILIPINO 311- Simulain sa Pagsasaling-wika

MGA
Aralin 3: SIMULAIN SA PAGSASALING-WIKA

P a g e 18 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ano ang PAGSASALING-WIKA?

 “Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,


pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may
katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika”
- Rabin, 1958
 “Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad
ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y bata sa istilo”.
-Nida, 1959/1966
 “Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa isasalin. Ang isinasalin
ay an diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
-Santiago, 2003
PANSININ
TROGANI WANTS TO BE A PRESIDENT WITH A DIFFERENCE.
Salin
1.GUSTO NI TROGANI NA MAGING ISANG PRESIDENTENG MAY DIPERENSYA.
2.NAIS NI TROGANI NA MAGING ISANG NAIIBANG PANGULO.

HE IS A WELL-KNOWN POET
Salin
1.ISA SIYANG BANTOG NA MAKATA
2.SIYA AY MABUTI-ALAM NA MAKATA
 MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG MGA TAGASALING-WIKA
1.Sapat na Kaalaman sa Dalawang Wikang Kasangkot sa Pagsasalin
a. Kailangang maunawaan ang bawat kahulugan ng mga salita. Gamtin ang anyo ng

P a g e 19 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

mga pananalitang karaniwang ginagamit ng nakararami


b. Pag-isipan at suriin ang angkop na salitang gagamitin sa salin.
c. Kung may pag-aalinlangan sa kahulugan, gumamit ng diskyunaryo
2.Sapat na kakayahan sa Pampanitikang Paraan ng Pagpapahayag
a. Malaking tulong upang masapol ang konseptong nakapaloob
b. Nagkaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsasalin ng parirala, pangungusap,
talataan, idyoma at tula
3.Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin
a. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay makatutlong upang masapol ang
tunay na nais iparating teksto
b. Magsaliksik upang makatipon ng iba pang impormasyon para mas lumawak ang
kaalaman sapagkat malaking tulong ito sa bisa at kahusayan ng salin
c. Kailangang ganap na maunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman at intension ng
awtor sa akdang isasalin
4.Sapat na Kaalaman sa Kultura ng Dalawang Bansang Kaugnay sa Pagsasalin
a. Tandaan na ang wika ng isang bansa ay laging nakabuhol sa kanyang kultura
b. Kung ano ang mga kahulugnag sangkot sa kahulugan ng mga salita
Halimbawa
RICE
He plants rice (palay)
He cooks rice (bigas)
He eats some rice (kanin)

5.Sapat na Kaalamn sa Gramatika ng Dalawang Wikang kaugnay sa Pagsasalin


a. Alamin ang isruktura o ayos ng pangungusap na isasalin para maikakma sa
wikang pagsasalinan.

Ayos ng Pangungusap

P a g e 20 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ingles Filipino
Subject + Predicate Panag-uri + Paksa
Pagpaparami ng Pangngalan

Mouse = Mice Daga= Mga Daga


Kiss = Kisses Halik = Mga Halik

b. Implikasyon ng Pandiwa – Natapos ba ang kilos, ipanagpapatuloy o binabalak.


 Mga nagsasalungatang paraan sa pagsasaling-wika:

Napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay


nagsasalungatan. Gaya ng nasabi na sa simula ng kabanatang ito, walang prinsipyo
o simulain sa pagsasalin ang tinatanggap ng walang pasubali, lalo na nang mismong
natuturingang mga dalubhasa o may mahaba ng karanasan sa larangang ito. Ang
nagsasalungatang paniniwala ng mga dalubhasa ay nilagom ni Savory ng ganito:

A translation must give the words of the original

A translation must give the ideas of the original

A translation should read like an original work.

A translation should read like a translation.

A translation should reflect the style of the original.

A translation should reflect the style of the translator.

A translation should read as a contemporary of the original.

A translation should read as a contemporary of the translator.

A translation may add to or omit from the original.


P a g e 21 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

A translation may never add to or omit from the original.

A translation of verse should be in verse.

A translation of verse should be in prose.

Nilinaw ni Savory, kung sabagay ang kanyang ginawang pagpapangkat-pangkat


ng nagsasalungatang simulating ito ay maaring baguhin – bawasan, dagdagan,
ayusin ng panibago ayon sa obserbasyon o paniniwala ng iba. Maari halimbawa ay
ang isang pares ay ipangkat na lamang sa ibang pares. Maari ring ang isa sa isang
pares ay ilipat at isanib sa isa sa ibang pares at iba pa. Ang mahalaga ay matalakay
ang iba-ibang simulain na karamihan nga ay nagsasalungatan.

Talakayin natin nang hiwalay ang bawat pares ng nagsasalungatang mga


simulain.

A. “Salita” laban sa “diwa”:

 Dapat bang piliting ang mga salita sa isinasaling teksto ay,matumbasan sa


salin ng singkahulugang mga salita o baka dapat na ang isalin o tumbasan ay
ang diwa at hindi mga salita?

 Kung iisipin ang salita at diwa ay iisa sapagkat ikinakarga lamang sa una ang
huli. Hindi ba’t kaya nagkaroon ng mga salita ay upang kumatawan sa mga
butil ng kaisipang ibig natin ipahatid sa ating kapwa? Samakatwid ay walang
dapat pagtalunan. Subalit sa hindi ganitong napakababaw na bagay
nagkakaiba ng paniniwala ang mga iskolar sa pagsasaling-wika.

 Ayon kay Savory, hindi naman ang ibig sabihin sa literal na salin ay ang literal
na literal o isa-isang pagtutumbas sa mga salita sa orihinal na teksto.
Kalimitan ay balangkas ng mga parirala o pangungusap sa isinasaling teksto
ang naililipat ng nagsasalin sa kanyang pinagsasalinang wika. Kahit noong

P a g e 22 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

mga dakong una, ang tinatawag na literal na salin ay hindi namn ang
pagtatapat tapat ng mga salita ng orihinal at nang salin.

 May diwa ring nakukuha sa literal na salin. Kaya lang mahirap ang bumabasa
sapagkat hindi natural o idyomatiko ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipa.
Ito ang tinututulan ng ibang pangkat ng mga tagapagsalin. Sila’y
naniniwalang hindi dapat sa pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto
nakabuhos ang atensyon ng tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng
kanyang isinasalin. Kaya’t sa salita laban sa ideya, ang angkop na tanong na
dapat talakayin ay ito: “Dapat bang maging literal o idyomatiko ang salin?”

 May mga tagapagsalin na matibay ang paniniwala sa literal na paraanng


pagsasalin sa paniniwalang ang gayon ay nangangahulugan ng pagiging
‘matapat’ sa orihinal. Tungkulin, anila, ng mga tagapagsalin na maging
matapat sa orihinal sapagkat sila’y tagapagsalin lamang. Alam nilang hindi sila
ang awtor at ang tekstong kanilang isinasalin ay hindi maaaring maging kanila
kailanman: na sila’y interprete lamang o kaya’y tuly na nag-uugnay sa awtor
at mambabasa.

 Subalit magkagayunman, salungat pa rin sa literal na salin ang ibang


tagapagsalin sapagkat kung katapatan din lamang ang pag-uusapan hindi
magiging ‘matapat’, anila, sa orihinal ang tagapagsalin sa pamamagitan ng
pagiging literal. Hindi maitatatwa anila, ang katotohanan na may mga salita
sa wikang isinasalin na hindi natutumbasan ng isa ring singkahulugang salita
sa wikang pinagsalinan.

 Bukod dito, may mga pagkakataon pa rin, gaya ng natalakay sa dakong una,
na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ay hindi maipapahayag ng
maayos sa ibang wika dahil sa magkalayong kultura ng mga taong
gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Isa pa ang isang
literal na salin ay hindi magiging mabisa, lalo na kung ang kasangkot na

P a g e 23 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

dalawang wika ay hindi magkaangkan. Sapagkat hindi magkaangkan ang


dalawang wika, magkalayong-magkalayo ang mga ito sa mga kakanyahan at
mangyari pa’y sa mga paraan ng pagpapahayag.

 Kaya’t nga’t kahit ipagpilitan, anila, ng iba na ang salitang literal ay higit na
matapat sa diwa ng orihinal, matibay parin ang paniniwala na ang
kabaligtaran nito ang nangyayari. Sa ibang salita sa paghahangad ng
tagapagsalin na maging matapat sa orihinal sa pamamagitan ng pagsasaling
literal, sa katotohanan ay lalo lamang siyangdi-matapat.

 Kung sa bagay, makatwiran ang literal na salin kung ang dalawang wika----
ang isinasalin at ang pinagsasalinan --- ay ang magkaangkan at ang kultura
ng mga taong gumagamit ang mga ito ay hindi gaanong nagkakaiba.

 Ang iba’t ibang katututbong wika sa Pilipinas ay Malaki ang pagkakatulad-


tulad sa maraming bagay sapagkat ang mga ito, ayon sa kasaysayan ay
buhat sa iisang angkan---s angkang Malayong Polinesyo.

 Halimbawa, sapagkat magkaangkan ang Filipino at Cebuano, ang pagsasalin


sa Filipino ng isang literaturang Cebuano sa paraang literal ay masasabing
makatwiran sa b maraming pagkakataon.

 Karaniwan nang ang bawat salita sa pangungusap sa Cebuano o Ilocano ay


maaaring tapatan ng katumbas na mga salita sa Filipino. Isa pa, ang
balangkas o kayarian ng mga pangungusap sa mga katutubong wika sa
Pilipinas ay halos na magkatulad na magkatulad, bukod pa sa cognates o mga
salitang magkakaugat. Ang ganito ay hindi nagaganap kapag Ingles ang
isinasalin.

 Mababanggit na ang laki o liit ng ng pagkakaiba ng wika ay madaling


maipaunawa sa karaniwang tagagamit ng wika, sa simpleng paraan, tulad ng

P a g e 24 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

paghahambing sa Sistema ng pagbilang o sa pangalan ng mga bagay o mga


nangyayari sa kalikasan.

Halimbawa sa Sistema ng pagbilang:

Ingles FilipinoCebuano Ilocano

One isa usa


maysa

Two dalawa duwa


duwa

Three tatlo tulo


tallo

Four apat upat


uppat

Five lima lima


lima

Six anim unum


innem

Seven pito pito


pito

Eight walo walo


walo

Nine siyam siyam


siyam

P a g e 25 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ten sampo pulo


sangapulo

 Pansinin na sapagkat magkaangkan ang Tagalog (Filipino), Cebuano at


Ilocano, maraming mga salitang ginagamit sa pagbilang ang magkakatulad o
ang magkakahawig. Ang dahilan ay sapagkat ang mga ikto’y magkakaugat o
cognates na ang ibig sabihin ay iisang ugat na salita ang pinagmulan.
Samantala, pansinin na ni isa ay walang katulado kahawig ang mga ito sa
Ingles sapagkat hindi ito kaangkan.

 Pansinin na ang balangkas o kayarian ng mga pangungusap sa mga


katutubong wika sa Pilipinas ay halos magkatulad na magkatulad. Malimit na
ang pagkakaiba lamang ay sa mga salita at paraan ng paglalapi.

 Sa kabilang dako, iba nang usapan kapag isinalin sa Filipino ang isang aka sa
Ingles sa paraang literal. Alam ng sinumang nakauunawa sa linggwistika na
malaki ang pagkakaiba sa katangian ng mga dalawang wikang ito.

 Isa pa, maraming magiging kahinaan, anila ang pagsasaling literal sapagkat
nagkakaroon lamang ang isang salita ng higit na tiyak na kahulugan kapag
ikto’y nagging bahagi ng isang pangungusap. Ang salitang “soft” sa Ingles,
karaniwan nating tinutumbasan ng ‘malambot’. Ngunit kapag ito ay ginamit sa
musika, iba na ang nagiging katumbas. Mangyari pa, ang “sing softly” ay
hindi na “umawit nang malambot “kundi “,“umawit ng mahina”.

 Sa bahaging ito’y naalala ng awtor na ito ang isang Americanong nagturo sa


PNU noong araw. Ang Americanong ito’y nagsisikap matuto ng Filipino. Lagi
siyang may dalang munting diksyunaryo at doon niya tinitingnan ang
katumbas sa Filipino ng mga salita sa Ingles. Isang araw, siya’y nalate sa

P a g e 26 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

klase. Marahil, habang siya’y nakasakay sa bus ay pinag-aralan ay pinag-


aralan niya ang kanyang sasabihin sa klase.

 At malamang na nakita niya sa diksyunaryo na ang isa sa mga katumbas ng


“full” ay “busog”. Pagdating niya sa klase: “Magandang umaga sa inyong
lahat!(Palakpakan ang mga mag-aaral.) Nahuli ako sapagkat sapagkat ang
mga bus ay busog”. (Umugong ang tawanan. Namumulang nag-usisa ang
Kano kung bakit)

 Subalit sa halip na making ang mga naniniwala sa literal na salin sa mga


paliwanag ng mga naniniwala sa Malaya o idyomatikong salin., iginigiit pa rin
nila ang kanilang paniniwala na sapagkat sa totoong napakahirap ang
pagsasaling literal, maraming tagapagsalin ang umiiwas dito at ang ginagamit
na paraan ay ang mas madaling paraan-ang pagsasaling malaya na ayon sa
kanila’y hindi kasintapat ng pagsasaling literal.

 Anupat lumalabas na ang pinakatuon ng hindi pagkakaunawaan ng mga


tagapagsalinay ang tungkol sa katapatan sa orihinal. Alin nga ba ang nmas
naging matapat, ang tagapagsaling sinisikap na matumbasan ang mga salita
sa orihinal o ang tagapagsalin na ang pinagtutuunan ay ang ideya o mensahe
at hindi ang mga salita ng teksto? Iiwan nating bukas ang mga tanong na ito
matapos natn mailahad ang pinanghahawakang mga katwiran ng
magkabilang panig.

B. Himig Orihinal laban sa Himig Salin:

 Ang isang salin ba ay dapat maging himig-orihinal o dapat maging himig-salin


kapag binasa? Ang tanong na ito, kung sabagay, ay waring katulad ng tanong
sa # 4.1 tungkol sa literal na salin laban sa idyomatikong salin. Kapag literal
P a g e 27 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ang salin, humigit kumulang, ito’y himig-salin na rin. At kapag naman


idyomatiko ang salin, humigit-kumulang, ito’y himig-orihinal.

 Nagiging himig - salin ang isang salin sapagkat karamihan ng salita ay


halatang-halatang katumbas ng mga nasa orihinal na teksto; gayundin,
sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng parirala at pangungusap sa
orihinal na makikitang nalipat sa wikang pinagsalinan.

 Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himig-orihinal na rin ito


sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa
ay una palang sinulat sa ibang wika.

 Higit na nakararami marahil ang tagapagsalin na naniniwalang ang isang salin


ay dapat maging natural at himig orihinal.Sa ibang salita,sila’y naniniwala na
kapag ang isang piyesa ng literaturang Ingles ay isinalin sa Filipino, ang salin
ay dapat maging Filipino at hindi Ingles din na tinagalog o isina-Filipino
lamang ang mga salita. Ayon sa kanila, kailangang mabasa ito nang maluwag
at maayos ng mga mambabasa sa Filipino sapagkat kung hindi gayon, hindi
ito babasahin. At kung hindi babasahin ay hindi na sana dapat pinagpahirapan
pang isalin.

 Sa kabilang dako, may mga tagapagsalin naming naniniwalang kung Ingles


ang orihinal, ang salin ay dapat magtaglay ng mga katangian ng wikang
Ingles at hindi nang wikang pinagsalinan. Subalit ang ganitong katwiran ay
hindi matanggap ng mga naniniwala na ang salin ay dapat maging himig-
orihinal.

 Ayon sa kanila, walang maitutulong na anuman sa mambabasa kung


panatilihin man sa salin ang mga kakanyahan ng wikang Ingles.Samakatwid
ay wala silang pakialam kung anuman ang mga katangian ng wikang Ingles.

P a g e 28 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ang totoo’y nakakaasiwa pa sa kanilang pagbabasa ang pagpapanatili ng


katangian ng wikang Ingles sa wikang Filipino na siya nilang higit na
nauunawaan. Samakatwid ay walang maitutulong na sa ganitong uri ng mga
mambabasa ang isang literal na salin sapagkat hinsi naman ang mga
katangian ng wikang Ingles ang kanilang gustong malaman kundi ang
nilalaman ng salin.

 Isa pa, malimit na ni wala silang hangan na ni kamunti man na alamin kung
sa anong wika buhat ang kanilang binabasa. Ano ang katuturan, halimbawa
sa ganitng uri ng mambabasa kung ang kanilang binabasa ay orihinal na
sinulat sa Pranses, sa Latin sa Kastilao sa Ingles? Ang Biblia ay maibibigay
natin na isang klasikal na halimbawa. Kapag binabasa natin ang Biblia, hindi
na natin itinatanong kung sa anu-ano na kayang wika ito nagdaan bago
nasalinsa Tagalog o sa Filipino.

C. Istilo ng awtor laban sa istilo ng tagapagsalin:

 Dalawang tanong ang dapat nating talakayinsa bahaging ito. Una, dapat bang
manatiling salin ang estilo ng awtor? Ikalawa, dapat bang lumitaw na salin
ang estilo ng tagasalin?

 Bawat awtor lalo na sa mga malikhaing panitikan ay may sariling istilo.


Bagamat may mga manunulat na sa biglang tingin ay waring magkatulad sa
istilo, sa katotohanan ay may pagkakatulad ang mga ito kahit paano.
Maaaring nagkakaiba sa uri ng pangungusap na ginamit. May mga awtor na
mahilig sa mabulaklak at kilometrong mga pahayag na dahil sa kahabaan ay
madalas na nalilito ang mga mambabasa sa pinagama-samang iba’t ibang
kaisipan sa pangungusap.

 May mga awtor namn na kabaligtaran nito ang hilig maikli at payak na
pangungusap ang ginagamit.

P a g e 29 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Kung ang awtor ng piyesang isasalin ay mahilig sa “winding sentences” may


karapatan ba ang tagpagsalin na nagkataong mahilig sa “choppy sentences”
na baguhin ang estilo ng awtor at ipalit ang kanyang sariling estilo?

 Isa pang halimbawa kung ang awtor ng isang kuwento ay mahilig sa


pagbibigay ng mga pahiwatig sa halip na mga tahas na pangungusap , may
karapatan ba ang magsasalin sa kanyang kuwento na baguhin ang mga
pahiwatig at palitan ng mga tahas na pahayag? o kaya, kung ang awtor ba ay
gumamit ng mga tayutay (figure of speech) sa kanyang tula may karapatan
ba ang magsasalin na palitan ng hindi tayutay ang mga ito na ganun din ang
kahulugan?Kung may estilo ang manunulat ay may estilo rin ang mga
tagapagsalin.

 Ang tagapagsalin, kahit magpilit na pumaloob sa katauhan ng kanyang awtor,


ay hindi namamalayang kumakawala siya sa kanyang “bilangguan” at pinaiiral
ang kanyang sariling estilo.

 Halimbawa, ang isang salita sa tekstong Ingles ay maaaring tumbasan ng


ibat’ibang salita sa wikang pinagsasalinan. Maaari niyang gamitin ang mga
katutubong salita at maaari rin naming manghiram siya sa Kastila o sa Ingles.
At kung gugustuhin na ay maari pa siyang makalikha ng salita. Kaya nga’t sa
pagpili ng tagapagsalin sa kung aling salita ang kanyang gagamitin ay
lumilitaw ng hindi niya namamalayan ang sarili niyang kakanyahan. At kung
totoong sa bawat pagsasalin ay tungkulin ng isang mabuting tagapagsalin na
isaalang-alang ang tungkol sa magiging reaksyon ng kanyang mambabasa,
ang mga bagay na ito ay nagpapagitaw sa kanyang katangian ng hindi niya
namamalayan.

 Dapat manatili ang estilo ng awtor kahit masalin sa ibang wika ang kanyang
likha at walang tagapagsalin na maglakas-loob na baguhin ang estilo ng
awtor. Sapagkat kung hindi niya gusto ang estilo ng awtor at kung sa palagay

P a g e 30 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

niya ay higit na magiging mabuti ang kanyang iniisip na estilo, mabuti pa ay


huwag na niya itong isalin at sa halip ay lumikha na lamang siya ng sariling sa
kanya.Samakatwid ang sagot sa unang tanong ay dapat manatili sa salin ang
estilo ng awtor.

 Sa ikalawang tanong: Dapat bang lumitaw sa salin ang estilo ng


tagapagsalin? Walang karapatan na pagitawin niya ang kanyang sariling
estilo.

 Sa isang kuwento, halimbawa, kung sinikap man ng tagapagsalin ang


maiangkop sa kanyang pinag-uukulang pangkat ng mga mambabasa ang
kanyang salin sa pamamagitan ng pagbababa ng talasalitaan o kaya’y
pagpapaikli ng mga pangungusap malinaw na ang isyu rito ay hindi na ang
estilo ng awtor laban sa estilo ng tagapagsalin.

 Kung may mangilan-ngilan mang pagkakataong hindi namamalayan ng


tagapagsalin na siya pala ay kumakawala na sa estilo ng awtor at pumapasok
na ang kanyang sariling estilo, ang gayon ay hindi na marahil maisisisi sa
kanya, lalo na kung ang kanyang layunin ay maging magkatulad ang
reaksyon ng mambabasa ng orihinal na teksto at ng mambabasa ng kanyang
salin.

D. “Panahon ng awtor” laban sa “panahon ng tagapagsalin”

 Nagkakaroon lamang ng problema sa panahon kapag ang mga akdang klasiko


na ang isinasalin. Ito kung nahihirapan ang isang tagapagsalin na pilitin ang
sariling mapaloob sa katauhan ng kanyang awtor, isa ring napakahirap na
Gawain ang bagtasin ang panahong namamagitan sa panahon ng awtor at sa
panahon ng tagapagsalin. Isang napakagandang halimbawa nito ay ang
pagsasalin ng Bibliya na mahuhusay kung hindi man pinakamahusay na mga
tagapagsalin ang nagsisipagsalin.

P a g e 31 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Pumunta tayo sa malikhaing panitikan sapagkat ito ang higit na angkop sa


ating pangangailangan. Ang panahon ba nang sulatin ang isang nobela,
kuwento o sanayay na sinulat maraming taon na ang nakakaraan ay dapat
manatili sa salin? Sa ibang salita, dapat bang maging himig kapanahon ng
awtor salin? O baka dapat maging kapanahon ng tagapagsalin.

 Ginamit na halimbawa ni Savory sa kanyang aklat ang “ Don Quixote” na


nalathala noong 1605. Ang tanong ito ay ito” Ang salin kaya ng akdang ito ay
manatili sa ‘Old English ’ o dapat na muling isalin sa pangkasalukuyan o
makabagong Ingles? Bago masagot ang tanong na ito, kailangang masagot
muna ang sumusunod na mas mahalagang tanong: Alin kaya ang higit na
mas magugustuhang basahin ng mambabasa ng emosyon tulad ng emosyong
nalikha ng orihinal na nobela sa isipan ng mga mambabasa nito, ang sagot ay
malinaw. Kailangan muling isalin sa makabagong Ingles. Isa pa, halos lahat
ng mambabasa ay interesadong mabasa ang nasabing akda sa pamamagitan
ng uri ng wikang kanilang sinasalita.

 May maituturing na kataliwasan, kung sabagay ang ganitong paniniwala. Ito


ay kung binabasa ang isang akda upang alamin o pag-aralan ang kakanyahan
ng awtor at hindi ang laman ng kanyang sinulat. Halimbawa ay gustong
mabasa ng isang hindi gaanong marunong ng Ingles ang talumpati ni Lincoln
sa Gettysburg upang pahalagahan o kalugdan ang kanyang kahusayan sa
pananalumpati. Samakatwikd, kung ito’y isasalin sa Filipino, makatarungan
lamang ma panatilihin hindi lamang ang kanyang estilo ng pagpapahayag
kundi gayundin ang kanyang paggamit ng mga makaluma at mabulaklak na
mga salita upang na kahit sa salin sa Filipino ay waring si Lincoln pa rin ang
nagtatalumpati.

 Ibinigay ring halimbawabni savory ang “Canterbury Tales” na isinulat ni


Chaucer sa matandang Ingles. Alam natin na malaki na ang pagkakaiba ng

P a g e 32 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ingles ni Chaucer at ng Ingles ng Kasalukuyang henerasyon. Ang orihinal na


Canterbury Tales ay hindi mauunawaang mabuti ng maraming mmbabasa sa
ngayon, kaya’t ayon sa kanya ay makabubuting isalin sa makabagong Ingles.

 Anupat sa isyu tungkol sa “panahon” ang sagotv marahil ay dipende sa uri ng


babasahin at kung anong “panahon” ang higit na maiibigan ng mambabasang
pinag-uukulan ng tagapagsalin ng kanyang salin.

E. “Maaaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaaring Baguhin”

 Maaaring baguhin, bawasan o dagdagan ang isinasaling piyesa? Kung ikaw


ang awtor at may nakialam na tagapagsalin sa iyong akda, ano ang iyong
gagawin? Halimbawa ay binago ang wakas ng iyong kuwento o nobela, hindi
mo kaya ihabla ang tagapagsalin? Kung siya’y naniniwalang mas mahusay
siya sa iyokaya niya pinakialaman ang iyong likhang-isip, bakit hindi nalang
siya umisip o lumikha ng sarili niyang kuwento o nobela?Bakit niya
pakikialaman ang gawa ng may gawa?

 Binanggit ni Savory si Lord Woodhouselee, isang kilalang pilosoper at


manunulat na nagsabi diumano na di dapat bawasan, dagdagan o palitan ng
tagapagsalin ang anumang ideya sa kanyang isinasalin sapagkat ang gayon
ay hindi makatarungan sa awtor. Bakit babawasan aniya ng isang
tagapagsalin ang anumang sinabi ng awtor, maliban kung ito’y dahil sa
kanyang katamaran o katangahan? At bakit dadagdagan ng isang
tagapagsalin ang isang akda? Bakit niya papalitan ang anumang sinabi ng
awtor? Bakit niya ilalagay sa bibig ng awtor ang isang ideya na hindi nito
sinabi?

 Ang tungkulin lamang ng isang tagapagsalin ay isalin o ilipat sa ibang wika ng


likhang – isip ng iba? Hihingi ng kagandahang - asal bago isalin ang isang
akda,kailangang humingi muna ng permiso sa awtor ang magsasalin. Kung
meron siyang ipasok na pagbabago kailangang ihingi rin niya ng permiso sa
P a g e 33 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

awtor. At kung makumbinsi niya ang awtor na makatwiran ang kanyang


ipapasok na pagbabago, saka pa lamang niya dapata isagawa ang gayon.

 Halimbawa, may maikling kuwentona “timeless”, na ang ibig sabihin, hindi


mahalaga ang panahon sa mga pangyayari kaya’t walang pinipiling panahon.
Hindi naman marahil itinuturing ng awtor na isang pakikialam kung baguhin
man ng tagapagsalin, halimbawa ang sinasabing halaga ng sapatos ng bata
sa kuwento. Kung noong sulatin ang kuwento ay limampiso lamang ang
halaga ng karaniwang sapatos ng bata, matutuwa pa nga siguro ang awtor
kung iangkop ang tagapagsalin ang halaga nito sa kasalukuyang panahon.

 Kung malinaw na malinaw namn na ang gusting baguhin ng tagapagsalin ay


resulta lamang ng pagkakamali sa paglilimbag, ikatutuwa ang gayon ng isang
awtor.

 Anupat kung kami ang hihingan ng opinion, kami’y naniniwala rin na hindi
dapat kalimutan ng tagapagsalin na siya ay nagsasalin lamang ng likhang-isip
ng iba. Wala siyang “k”, wika nga na pakialaman ang kanyang isinasalin na
walang pahintulot ang awtor o walang malaking-malaking kadahilanan.

F. “Tula-sa-tula” laban sa “Tula-sa-Prosa”

 Ang pagsasalin ba ng isang tula ay dapat maging patula rin? O baka mas
mabisang isalin ang isang tula sa paraang tuluyan o prosa? (sapagkat ang
pagsasalin ng tula ang itinuturing ng mga tagapagsalin na pinakamahirap sa
lahat)

 Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

 Dumako tayo sa iba pang simulating natipon ng mga awtor na ito sa panahon
ng kanyang pagtuturo ng kurso sa pagsasaling-wika., gayundin sa kanyang
nagging karanasan sa aktwal na mga pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles.

P a g e 34 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa

1.Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit


nito:

 Ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang may malaking


pagkakaiba sa kultura. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano
sa pagpapahayag ng kanilang mga kultura; ang Filipino (at iba pang
katutubong wika sa Pilipinas) ay gayundin sa ating mga Pilipino. Kaya nga’t
sinasabi ng mga dalubwika na walang wikang higit na mabisa kaysa sa ibang
wika.

Ang lahat ng wika ay may sariling ‘kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag


ng sariling kulturang kinabubuhulan nito. Mabisa ang Ingles sa pagpapahayag ng
kulturang Amerikano; mabisa ang Filipino sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Pansinin ang maraming pagkakataon na hindi natin maisalin ng maayos sa ‘Filipino
ang isang kaisipang nasusulat sa Ingles sapagkat ginamit nating kasangkapan ang
Filipino sa pagpapahayag ng kaisipang nakaugat sa kulturang dayuhan.

Mapapansin din, bagamat ito’y labas na sa kultura, na sa oras ng pagkagalit,


pagkabigla, pagkatuwa, pagkatakot at iba pang pagkakataon na kinasasangkutan,
ng di-karaniwang emosyon, lumilitaw sa isang tao ang kanyang tunay na wika.
Napakahirap magalit sa Ingles o kaya’y makipagchsmisan at mhairap umingles sa
oras ng pagkabigla.

 Kung isang materyales namn ang nasusulat sa Filipino ang isasalin sa Ingles,
mahihirapan din ang mga tagapagsaling Americano sa paghanap ng
panumbas sa mga salitang kargado ng kulturang Pilipino.

 Kaya nga’t kung nauunawaan ng tagapagsalin ang implikasyon sa


pagsasaling-wika ng malaking pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansang
kasangkot sa pagsasalin, kapag dumarating ang pagkakataon na hindi niya

P a g e 35 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

maisalin ng maayos sa Filipino ang isang bahagi ng matryales na nasusulat sa


Ingles, iisipin niya na ang dahilan ay ang pagkakaiba sa kultura at hindi dahil
sa ang Filipino ay mahinang klase at hindi maipapantay sa wikang Ingles.

 Kung isasalin sa Filipino, halimbawa ang parirala sa Ingles na “as white as


snow “ang magiging katumbas kaya nito ay ‘kasimputi ng nyebe”? Para sa
mga Amerikano, ang “as white as snow” ay natural at nauunawaan ng kahit
bata sapagkat nasa kultura nila ang “snow”. Subalit sa mga Pilipino ang
“kasimputi ng nyebe” ay maaaring hindi natural sapagkat wala namang nyebe
rito sa Pilipinas.Anupa’t halos natitiyak natin na ang magiging reaksyon ng
babasa o makakarinig na Pilipino sa “Kasimputi ng nyebe” ay hindi katulad ng
makakabasa o makakarinig na Americano sa “as white as snow”.

 Anupat ibinigay namin ang halimbawang ito upang ipakita lamang ang
nagiging problema sa pagsasalin kapag nasasangkot ang kultura.
Napakahalagang maunawaan nang ng isang tagapagsalin na hindi siya dapat
maging literal sa pagsasalin; na hindi dapat maging salita-sa-salita ang
pagsasalin, lalo na kung kargado ng kultura ang kanyang isinasalin. Sa halip,
ang dapat niyang pilitin ay maisalin ang intension o ang ibig ipahatid na
mensahe ng awtor.

2.Bawat wika ay may kanya kanyang natatanging kakanyahan

 Nabanggit na natin na malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang


hindi magkakaangkan at Malaki naman ang pagkakatulad sa kakanyahan ng
mga wikang magkakaangkan. At sa pagkat hindi magkaangkan ang Filipino at
Ingles, natural na lamang na maging Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan
ng dalawang wikang ito. At sapagkat magkakaangkan naman ang mga
katutubong wika sa Pilipinas, Malaki ang pagkakatulad –tulad sa kakanyahan
ng mga ito, bagamat sinasabi nating walang wikang magkatulad sa mga

P a g e 36 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

kakanyahan o katangian, maging ang mga ito ay galling sa iisang angkan


tulad nga ng mga wika sa Pilipinas.

 Bawat wika ay may sariling paraan ng pagbubuo ng mga salita; pagsusunod-


sunod ng mga salita upang bumuo ng parirala o kaya’y pangungusap. May
mga wikang higit na mayaman sa Sistema ng paglalapi; may mga wika
naman higit na mayaman sa mga idyoma o ekspresyong idyomatiko.
Sinasabing ang Filipino ay mayaman sa paglalapi, samantalang ang ingles
naman ay higit na mayaman sa mga ekspresyong idyomatiko.

 Tingnan natin kung gaano katibay ang mga obserbasyong ito. Simulan natin
sa sistema ng paglalapi. Ang Filipino ay may gitlapi (infix) samantalang ang
Ingles ay wala. Ito ang dahilan kung bakit kailangang maging konsistent ang
Sistema ng pagbaybay sa Filipino sapagkat ang isang salitang hindi konsistent
ang ispeling ay hindi basta magigitlapian. Halimbawa: Kapag nanatili ang
orihinal na baybay ang salitang kastilang “circo”, hindi ito mmagigitlapian o
mahuhulapian. (c/um/irco? Circ/ero/)? Samantala, kung ito’y babaybayin nang
ayon sa ating Sistema ng pagbaybay, “sirko”, wala itong magiging problema
sa paglalapi. Hindi problemang Ingles ang ganito sapagkat wala itong gitlapi.

 Subukin natin kung totoong higit na mayaman ang wikang Filipino kaysa
Ingles sa Sistema ng paglalapi. Kunin nating halimbawa ang salitang “ganda”
na binubuo lamang ng limang letra. Sa pamamagitan ng iba’t ibang ibang uri
at Sistema ng paglalapi ay mabubuo natin ang mahabang salitang
“ipinakikipagpagandahan” na kakitaan ng mga panlaping magkasunod,
nakapaloob sa isa pang panlapi, o di-magkarugtong, na karaniwang-
karaniwan sa Filipino ngunit hindi sa Ingles.

 Pansinin pa rin na sa Filipino, lahat ng pangngalan (noun) ay magagawang


pandiwa. Ang salitang “tsinelas”, halimbawa, ay napakadaling gawing
pandiwa, “Titsinelasin/Tsitsinelasin kita”. Sa ingles ay hindi ito maaari. (I will

P a g e 37 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

slipperize you!). Ngunit pansinin din naman na ang isang pandiwa sa Ingles
ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan sa pamamagitan lamang ng
pagkakabit ditto ng pang-ukol o iba pang bahagi ng pananalita.

 Ang salitang “run”, halimbawa, ay nagkakaroon ng mahigit 30 iba’t ibang


kahulugan dahil lamang sa ganitong paraan. Kung sabagay, nangyayari rin
ang ganito sa Filipino ngunit karaniwan nang ang isang pandiwa sa ating wika
ay nag-iiba ng kahulugan hindi dahil sa isinasamang pang-ukol. Kaya nga’t sa
kabuuan ay masasabing higit na prolipiko ang Ingles kapag ang ekspresyong
idyomatiko ang pinag-usapan.

 Anupa’t sa pagsasaling-wika, dapat malamn ng tagapagsalin ang mga


kakanyahan, ang kalakasan at kahinaan ng mga wikang kasangkot sa
kanyang isasagawang pagsasalin.

 Ang isang katangiang nasa isang wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsasalinang
wika. Walang karapatan ang tagapagsalin na dagdagan at baguhin ang
kakanyahan ng wikang pinagsasalinan upang maisalin lamang ang diwa o
mensaheng nasasaad sa wikang isinasalin.

 Wala siyang tungkulin kundi alamin ang ang mga katangian ng wikang
pinagsasalinan at pagkatapos ay puhunanin ang mga ito sa kanyang
pagsasalin.(tgn. Nida and Taber,19964:4)

 Kailangan ding maunawaanng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa


balangkas ng Ingles at ng Filipino: na ang Ingles ay may sariling balangkas
ng pangungusap na hindi maaaring ilipat sa Filipino; na sa pagsasalin, ang
isinasalin ay ang diwa lamang ng pangungusap at hindi pati balangkas nito.

 Ito ang malimit’ katisuran’ ng maraming tagapagsalin. Pansinin na sa mga


unang salin sa Ingles ng Biblia ay halos nanatili pa rin ang kakanyahan ng

P a g e 38 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

wikang Ebreo, isang pagkakamaling matagal nang pinipilit ituwid ng mga


tagapagsaling-wika.

 Ang totoo, sa pagsasalin man sa Filipino mula sa Ingles ay malimit ding


mangyari na ang tagappagsalin ay nadadala o natatangay ng balangkas ng
Ingles, kaya nga’t malimit naming masabi nang pabiro na Ingles din ang salin
na tinagalog lamang ang mga salita.

 Ang mga wikang magkakakaangkan ay Malaki ang pagkakatulad sa lahat ng


antas - sa palatunugan, sa palabuuan sa sintaks o kayarian ng mga
pangungusap at mangyari pa’y sa talasalitaan o leksikon.

 Sa kabuuan ay hindi kukulangin sa kalahati o 50 porsyento ang cognacy o


pagkakahawig-hawig kundi man pagkakatulad-tulad sa talasalitaan ng mga
wikang itinuturing na katutubo sa Pilipinas sapagkat ang lahat ng mga ito’y
galling sa angkang Malayo-Polinesyo.

 (Mangyari pa’y hindi hindi kasalli rito ang mga wikang Chavacano at Ingles).
At lalo pang mataas ang porsyento ng pagkakatulad ng mga katutubbong
wika natin kapag ang pinag-uusapan ay kayarian ng pangungusap. Subuking
magbigay ng anumang pangungusap sa Filipino at ipasalin ito sa alinmang
katutubong wika natin at mapatunayang malaking malaki ang pagkakatulad
nila nito sa kayarian.

 Sa kabilang dako kung Malaki man ang pagkakatulad-tulad ng mga


katutubong wika sa Pilipinas, ang pagkakatulad naman ng Filipino at Ingles sa
leksikon (matangi sa mga salitang hiram) ay sero. Kung sa palaugnayan man
ay masasabing may pagkakatulad, ang gayon ay aksidental o nagkataon
lamang, dahil sa tinatawag na universality of languages.

 Mangyari pa, higit na mahirap magsalin kapag ang dalawang wikang


kasangkot ay di magkaangkan. Mabanggit na bukod sa likas na malaking

P a g e 39 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

pagkakaiba sa mga kakanyahan ng Ingles at Filipino, pumapasok pa rin ang


malaking agwat sa kaunlaran at pagkakaiba sa kultura ng mga Americano at
Pilipino.

 Narito ang halimbawa ng pagkakaiba sa mga kakanyahan ng mga Filipino at


Ingles na kalimitang ‘kinatitisuran’ ng mga bago pa lamang magsimulang
magsalin:

5.2.1. Sa ingles ang simuno ng pangungusap ay lagi nang nauuna sa


panaguri. Hindi maaari sa Ingles ang ayos na panaguri + simuno (o
paksa). Samantalang sa Filipino ay karaniwang-karaniwan ang ayos ng
pangungusap.

Halimbawa:

1. Dinilig ni Jose ang mga halaman. (Panaguri+Simuno)

Ang mga halaman ay dinilig ni Jose. (Simuno+Panaguri)

 Samantala sa Ingles ay iisang balangkas lamang ang maaring tanggapin.

1. Jose watered the plants. (Subject+Predicate)

The plants were watered by Jose. (Subject+Predicate)

 Tiyak na hindi maari sa Ingles ang:

Watered by Jose the plants.

 Anupa’t kung sa Ingles ay subject+predicate lamang ang maaaring maging


kayarian ng normal na pangungusap, sa Filipino ay maaari ang
panaguri+simuno at simuno + panaguri.

 Sa pinakahuling pagsusuri ng mga linggwist o dalubwika, ang itinuturing na


tuwid o karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino ay panaguri+simuno.

P a g e 40 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Kasalungat ito ng nagsasaad sa matandang Balarila ng Wikang Pambansa ni


Lope K. Santos na ang kinilalang tuwid na ayos ay simuno + panaguri, isang
paniniwalang halatang-halata naimpluwensiyahan ng mga pagsusuring
isinagawa noong araw sa mga wikang Indo-European, tulad ng Latin, Kastila
at Ingles.

 Sa pagsasalin, sapagkat simuno + panaguri. Ang kayarian ng lahat ng normal


na pangungusap sa Ingles (Hindi pinag-uusapan dito ang “sa license poetry”
sa poetry), malimit na nadadala ng ganitong balangkas ang nagsasalin sa
Filipino sapagkat maaayos din naman sa Filipino ang ganito. Ngunit
mapapansin na kapag ganito ang nangyari ang salin ay lalabas sa hindi
natural na Filipino. Sapagkat karaniwan sa Filipino ang kayariang
panaguri+simuno, karaniwang ginagawa g mga dati nang nagsasalin na
sinusubok munang ilagay sa unahan ng pangungusap ang pandiwa bago
gumamit ng kayariang simuno + panaguri.

Halimbawa:

“Mayor Garcia ordered the suspension of the erring employee”

simuno + panaguri:

“Si Meyor Garcia ay iniatas ang suspension ng nagkasalang kawani”

panaguri+simuno:

“Iniatas ni Meyor Garcia ang suspension ng nagkasalang kawani”

5.2.2 Sa Filipino ay mayroon tayong tinatawag na pokus ang


pangungusap. Ang pokus ay ang semantikong pagkakaugnayan ng paksa
(o simuno) at ng pandiwa na ipinahahayag sa tulong ng mga panlapi.
Natuklasan ng mga dalubwika na ang pokus ay likas na katangian ng mga
ktutubong wika natin.

P a g e 41 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Sa Ingles, ang pokus, tuon, o emphasis ay naipapakita sa pamamagitan ng


diin o intonasyon o sa pamamagitan, ng “a” at “the” at hindi sa pamamagitan
ng banghay ng pandiwa.

 Sa pamamagitan ng pokus ay nalalaman natin kung alin sa pangungusap ang


binibigyang-tuon ng banghay ng pandiwa.

Halimbawa:

Pokus sa___

5.2.2.1 Tagaganap: Nagtanim ng halaman ang tatay./

Ang tatay ay nagtanim ng halaman.

5.2.2.2 Layon: Itinanim ng tatay ang halaman./

Ang halaman ay itinanim ng tatay.

5.2.2.3 Ganapan Pinagtamnan ng tatay ng halaman ang paso./

Ang paso ay pinagtamnan ng tatay ng halaman.

5.2.2.4 Tagatanggap: Binigyan ng tatay ng pera ng nanay/.

Ang nanay ay binigyan ng tatay ng pera.

5.2.2.5 Gamit: Ipinansulat ng bata ang lapis./

Ang lapis ay ipinansulat ng bata.

5.2.2.6 Sanhi: Ikinalulungkot ni Ana ang pagkakasakit ni Rosa./

Ang pagkakasakit ni Rosa ay ikinalulungkot ni Ana.

5.2.2.7 Pinaglalaanan: Ipinagtira ng nanay ng ulam ang kuya./

Ang kuya ay ipinagtira ng nanay ng ulam.


P a g e 42 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Pansinin na kapag nagbago ang pokus ay nagbabago rin ang panlapi ng


pandiwa. Ang ganitong semantikong pgkakaugnay ng paksa at ng pandiwa ay
dapat pagsananayan sapagkat ditto malimit mabago o lumabo ang diwa ng
salin.

 Dalawa ang dahilan. Una, nababago ang pokus. Magkaiba halimbawa, ang
kahulugan ng dalawang pangungusap na sumusunod:

a. Binigyan ang kuya ng pera ng nanay.

 Ikalawa, nalilipat ang lugar ng mga parirala.

Halimbawa:

Ipinansulat ng bata ang lapis.

 Sa pangungusap na ito, ang bata ang sumulat, at hindi sinasabi kung sino
ang may-ari ng lapis.

Ipinansulat ang lapis ng bata.

 Dahil lamang sa pagkakalipat ng pariralang “ang lapis” nabago o lumabo na


ang kahulugan ng pangungusap. Bukod sa unang kahulugan, maaaring
mangahulugan din ang pangungusap na hindi alam kung sino ang sumulat o
gumamit ng lapis na pag-aari ng bata.

5.2.3 Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa paggamit ng mga


panlapi, tulad ng” –um “at “mag-”. Karamihan sa mga pagkakamali rito ay
ang mga di-tagalog. Malaki ang nagagawa ng panlapi sa kahulugan ng
pangungusap.

Halimbawa:

Maria bought a dress.

P a g e 43 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Bumili ng damit si Maria./

Bumili si Maria ng damit.

Si Maria ay bumili ng damit.

Maling salin:

Nagbili ng damit si Maria./

Nagbili si Maria ng damit.

Si Maria ay nagbili ng damit.

 Kung ibabalik-salin ang pangungusap, hindi na “Maria bought a dress” kundi


“Maria sold a dress”.

 Anupat ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa halimbawa ng


pagkakaiba sa kakanyahan ng Ingles at Filipinon na maaaring kalabuan o
kamalian ng salin.Makabubuti marahil ulitin ditto na ang isang kaisipang
ipinahayag sa sariling kaparaaanan naman ng wikang Filipino. Kapag hindi
nagging maingat ang nagsasalin sa bagay na ito, malamang ngang mangyari
na ang salin sa Filipino ayIngles din na tinagalog lamang ang mga salita.

C. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang


tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito:

 Tinutukoy ditto ang katangian ng mabuting salin. Makabubuti na ang lagging


tanong ng isang tagapagsalin sa kanyang sarili kung siya’y nagsasalin sa
Filipino ng anumang materyales na nasusulat sa Ingles ay ito: Maunawaan
kaya ng target o pinag-uukulan kong mambabasa ang aking salin? Angkop
kaya ito sa kanilang antas?

D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita


ng bayan:
P a g e 44 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Sa ngayon ay maraming uri ng Filipino ang ating naririnig. Natural lamang


ang gayon sa isang wikang napakabilis ang pag-unlad. Sa dakong huli ay
alam nating magtatagpu-tagpo rin ang iba’t ibang uring ito upang bumuo ng
matatawag nating tunay na wikang Filipino.

 Sapagkat ang wika ay emosyonal, halos natitiyak nating hindi natin


matatalakay ang tungkol sa uri ng Filipino nang hindi tayo ‘makasasagasa
‘wika nga, ng ibang tao na pikit-matang nakayakap sa kani-kanilang
pinaniniwalaang uri. Halos bawat isa, nag-aral o hindi, dalubhasa sa wika o
hindi, ay walang naririnig kundi ang sariling katwiran sa bagay na ito.

 Subalit ang isang tagapagsalin ay kailangang dilat ang mga mata at bukas
ang mga tainga sa uri ng Filipinong dapat gamitin sa kanyang pagsasalin.
Hindi magiging makatarungan para sa kanyang target na pangkat ng mga
mambabasa na pangibabawin niya sa kanyang salin ang kanyang uri ng
Filipino. Kailangang gamitin niya sa pagsasalin ang uri ng Filipinong
tatanggapin ng kanyang mga target na mambabasa.

 Ngunit ano nga bang uri ng Filipino ang angkop na gamitin sa pagsasalin?
Mynila Filipino? U.P Filipino (kung totoong meron nito at kung totoong ang
uring ito ay naiiba sa Maynila Filipino)? NSDB Filipino? Bulacan Filipino?
Ilocano o Bisaya Filipino? atb.? Sensitibong paksa ito.

Maynila Filipino?

Maraming palaaral at dalubwika ang naniniwalang Maynila Filipino ang dapat


mangibabaw sapagkat ito diumano ang kasasalaminan ng tunay na wikang Filipino.

P a g e 45 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ang Maynila Filipino raw ay yumayaman at umuunlad sa pamamagitan ng


natural na pagpasok ng mga salitang buhat sa ib a’t ibang wika ng bansa, sa
Ingles, at sa iba pang nakaimpluwensiyang wikang dayuhan.

 Subalit hanggang sa ngayon ay wala pang nakapagsasagawa ng pormal na


pag-aaral upangipakita ang tiyak na mga katangian ng Maynila Filipino na
ikinaiiba sa ibang uri ng Tagalog o Filipino.

NSDB Filipino?

 Ang National Science Development Board ay lumikha ng isang Lupon sa


Agham upang bumuo ng mga kinakailangang talasalitaan sa agham sa lahat
ng antas ng karunungan. Narito ang ilang halimbawang kanilang binuong
mga katawagan o terminolohiyang pang-agham na tinawag nilang
“maugnaying talasalitaan”; sipnayan *mathematics),
agimatan(economics),agsikapan(engineering), hapnayan (biology), kapnayan
(chemistry), sugnayan (physics), hignanging magsaghimo (welding shop) at
marami pang iba.

 Alam natin na hindi maiibigan ng nakararami ang ibinigay na mga katumbas


ng nasabing Lupon, gaya ng makikita sa kinalabasan /ng sarbey na isinagawa
ng Philippine Normal University (tgn. Kabanata V, 4.0)Ngunit dapat tanggapin
ang katotohanan na may naitutulong din naman ang NSDB sa pagbibigay ng
mga talasalitaan tungkol sa pagplano ng pamilya o family planning.

 Halimbawa ay ang mga salitang nauukol sa sex na hindi natin masabi nang
hindi tayo nasesensor ng makaririnig. Ilang halimbawa ng mga nilikhang
katawagan ng NSDB ay ang mga sumusunod: “punlay” (punla ng buhay) –
“sperm”, “tunod” (unopened leaf of a banana plant) – “penis”, “kaluban”
(shealth) – “vagina “at iba pa.

U.P. Filipino?

P a g e 46 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ano bang klase naman ang U.P. Filipino? Sa pamphlet na “Universal Approach
sa Pagdedebelop ng Wikang Pambansa sa Pilipinas” na ipinadala sa amin ng
isa naming kaibigang propesor sa U.P. ay medyo nabigla kami sa ilang salita
na giamit sa pamphlet, tulad ng “iprinopos” (sa halip na “iminumungkahi”),
“pagdedebelop” (sa halip na “paglinang”), “madiskas” (sa halip na
“matalakay”), “inaprubahan “(sa halip na “pinagtibay”) at iba pa. Kaya’t
sinubok naming beripikahin kung totoo ngang ganito ang uri ng Filipinong
gusto ng mga taga-U.P.

 Ang U.P. Filipino ay may inihahatid na isang mensahe na nakikita nating


nagaganap na sa ngayon. Na sa malao’t madali, sa ayaw man natin at sa
gusto ang mga salitang hiram lalo na sa wikang Ingles na labis na
nakakaimpluwensya sa atin ay papasok at papasok sa ating talasalitaan
upang ang karamihan, kundi man lahat ay higit na magamit sa ating
panahon. Sa ibang salita, ang purismo ay walang lugar sa isang wikang
buhay.

 Anupat sa pagpili ng mga salita, maging katutubo o hiram, isiping lagi kung
alin ang sa palagay ng tagapagsalin ay higit na gagamitin at siyang
tatanggapin ng gagamit ng salin. Malimit mangyari na hindi namamalayan ng
tagapagsalin na nangingibabaw sa kanyang salin ang kanyang idyolekto.

 Ang totoo ay napakahirap kumawala ng tagapagsalin sa kanyang


‘kinabibilangguang ‘idyolekto, lalo pa’t kung siya’y nagsisimula pa lamang.
Kung ang magsasalin ay isang Batanggenyo, halimbawa ang pangungusap na
“the piece of paper fell on the ground” ay hindi magiging praktikal na isalin
siya nang “pumatak ang papel sa lupa” bagamat ang “pumatak” ay siyang
ginagamit sa kanyang pook sapagkat may ibang salitang higit na tinatanggap
ng nakararaming Pilipino--- “nalaglag”. Hindi rin maaari ang “nakain ba ng
palaka ang isda?” o kaya’y ang “naglandi ang bata sa ulan”. Hindi rin

P a g e 47 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

magandang gamitin ang mga salitang “matam-is, ban-ig” at iba pang


lalawiganin sapagkat establisado na ang mga anyong “matamis” at “banig”.

E. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing


establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa
upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino

Halimbawa:

PTA (sa halip na SGM MULA SA Samahan ng mga Guro .at Magulang)

DECS (sa halip na KEKI mula sa Kagawaran ng Edukasyon Kultura at Isports)

cm (sa halip na sm mula sa sentimetro)

H2O (sa halip na Tu mula sa Tubig)

F. Kung may bpagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas


sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at
pagkatapos ay ilagay sa talababa o (footnote) ang iba bilang mga
kahulugan.

 Ang “rooster”, halimbawa, sa kuwentong “The Proud Rooster “ay maaaring


tumbasan ng alinman sa

“tandang “, “tatyaw”, o “katyaw”. Gamiting panumbas ang isa sa mga ito at


pagkatapos ay ilagay sa talababa ang dalawa.

 Gayunpaman, marami ring pagkakataon na kahit itinuturing na


magkakahulugan o sinonimo ang dalawang salita, hindi maaaring pagpalitin
ang gamit ng isa’t isa. Ang dahilan: hindi ganap na magkasingkahulugan ang
mga ito. Ang totoo’y bihirang bihira ang perfect synonyms. Halimbawa ay ang
“berde” at “luntian” (o lunti) na maaaring pagpalitin ang gamit sa maraming
pagkakataon., ngunit may mga pagkakataon din na hindi maaari. Halimbawa:

P a g e 48 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

“lunti / berde ang dahon “ngunit hindi maaari ang “lunti ang ilaw-trapiko”.
Gayundin naman ang “puslit “at “Ismagel”. Maaaring gamitin ang alinman sa
dalawa sa pangungusap na “Nagpuslit / Nag-ismagel sila ng mga alahas”.
Ngunit hindi maaari ang “ismagel” sa “Nakapuslit ang magnanakaw”.
(Nakaismagel ang magnanakaw).

G. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita.

 Malimit na humahaba ang salin dahil lamang sa hindi nagging matipid sa mga
salita ang mga tagapagsalin. Dito malimit di nagiging maingat ang di iilang
tagapagsalin kahit ‘hawak na hawak’ nila sa palad ang wikang pinagsasalinan.

Halimbawa:

Ingles: “ Tell the children to return to their seats.”

Di matipid: “ Sabihin sa mga bata na magbalik sila sa kani-kanilang upuan”

Matipid: “Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan”

H. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y


naging bahagi ng pangungusap.

 Ang bilang ng mga salitang nalilikha ng tao ay hindi sapat sa dami ng


kanyang nagiging karanasan. Ang kabuuan ng mga bokabularyo sa Filipino,
halimbawa, kasama na ang lahat ng mga salitang hiram sa ib a’t ibang
wikang katutubo at mga banyagang wika, ay hindi sapat upang gamitin sa
pagbibigay-ngalan, paglalarwan at pagpapahayag ng halos milyong konsepto,
kaalaman, ideya, paniniwala at kung anu-ano pang mga bagay na naaabot ng
talino ng ating lahi.

 Sapagkat higit na marami ang ating karanasan kaysa ating alam na


talasalitaan, napipilitan nating gamitin ang isang salita sa iba’t ibang
kahulugan.
P a g e 49 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Sa ibang salita, ang isang salita ay kinakargahan natin ng iba’t ibang


kahulugan upang tayo’y makakapagtipid. Kaya’t ang kahulugan ng isang salita
ng leksikal ay matatantya lamang natin. Hindi matitiyak. Subalit sa kabila ng
katotohanang ito ay nagkakaunawaan pa rin tayo sapagkat ang kahulugan ng
isang salita ay nagiging tiyak kapag ito’y nagging bahagi ng pangungusap na
walang kalabuang leksikal at istruktural.

 Ang salitang “bata “halimbawa ay may kahulugang sentral –child- subalit ito’y
nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugn ayon sa gusting ipakahulugan ng
nagsasalita.

 Halimbawa:

Umiyak ang bata child

Bata pa siya young

Bata ng senador ang kuya ko protégé

Bata ng senador ang babaing yan mistress

Nakita ko ang magbata sa Luneta sweethearts

 Sa bahaging ito ay masasabi natin na ang pagsasalin ay hindi salita-sa-salita


sapagkat ang isang salita ay nag-iiba ng kahulugan ayon sa gamit. Kaya nga’t
habang nagpipilit ang tagapagsalin na tumbasan sa wikang pinagsasalinan
ang bawat salita sa wikang isinasalin, lalo lamang lumalaki at lumulubha ang
kanyang suliranin. May pagkakataon na hindi maiiwasan ang isa-sa-isang
paraan ng pagtutumbas.

I. May mga mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles ay


kailangang gamitan ng eupemismo sa Filipino upang hindi maging pangit
sa pandinig.

P a g e 50 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Isa sa mga kakanyahan ng wikang Filipino ay ang paggamit ng mga


matalinghagang paraan ng pagpapahayag. Ito ang tinatawag na eupemismo
na ginagawa rin, kung sabagay, sa Ingles at ibang wika bagamat masasabing
hindi kasimpalasak ng sa Filipino.

 May mga salitang karaniwan lamang sa Ingles ngunit sa sandaling tangkain


na isalin ng tahasan o tuwiran sa Filipino ay doon na lilitaw ang problema.

 Sa ibang salita, ang maluwag na maluwag nating tinatanggap na mga salita


sa Ingles ay nagiging “malaswa” sa ating pandinig kapag isinalin at sinabi
nang tahasan sa Filipino. Halimbawa ay ang mga eupemistikong salita tulad
ng “kabahagi, ari, magsiping, dumi, palikuran,manabi” at iba pa na siya
nating ipinamamalit sa mga tahas na salitang katumbas ng mga ito sa Ingles.

 Mayroon tayong mga tiyak na katawagan sa mga nabanggit kaya ang mga
iyon ay taboo sa lipunan.

 Mababanggit na rin ditto ang isa pang paraan ng pagpapahayag na kung


tawagin sa Ingles ay “Indirection” bilang isang paraan ng paggalang. Dito ay
gumagamit tayo ng pangmaramihang panghalip na silaang “at kayo kahit ang
kausap ay isang tao lamang. Halimbawa: “Meron po ba silang kailangan?” o
kaya “Meron po ba kayong kailangan?” Pansinin na hindi lamang ang “po”
ang nagpapahayag ng paggalang sa pangungusap kundi higit sa lahat ay ang
paggamit ng mga panghalip na ‘kayo’ at ‘sila’.

 Subuking alisin ang “po” at naroon pa rin ang paggalang ng nagtatanong;


“Meron ba silang kailangan?” “Meron ba kayong kailangan?” (Bihirang bihira
gamitin; “Meron ka po bang kailangan?” “Meron po ba ikaw kailangan?”

 Anupat ang ganitongmga katangian ng Filipino bilang wikang pinagsasalinan


ay hindi dapat kaligtaan ng tagapagsalin. Sapagkat baka ang isang pahayag

P a g e 51 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

na tinatanggap natin kapag sa Ingles naririnig o nababasa ay hindi maging


katanggap-tanggap o hindi natural kapag isinalin ng tuwiran sa Filipino.

J. Ang kawalan ng paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang Filipino ay


nauuwi sa panggagaya o panghihiram hindi ng mga salita kundi pati mga
idyoma, paraan ng pagpapahaayag at balangkas ng mga pangungusap sa
wikang Ingles.

 Nangyayari ang ganito sapagkat ang Ingles ay wika ng ating dating


mananakop. Sa ating mga Pilipino ang Ingles ay prestige language.

 Napakalakas ang impluwensiya nito sa wikang Filipino, lalo pa at iisiping


hanggang sa kasalukuyan ay Ingles pa rin ang principal na wikang ginagamit
sa pamahalaan at sa edukasyon.

 Hindi dapat magsagawa ng pagsasalin ang sinumang sobra-sobra ang


‘sampalataya’ sa kakayahan ng wikang Ingles samantalang wala naming
paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang Filipino.

K. Malaki ang pagkakaiba ng ‘Filipinong Pasalita’ at ‘Filipinong Pasulat’.


Maraming pagkakataon na ang tinatanggap nating mga uri ng pahayag na
pasalita ay hindi natin tatanggapin kapag isinulat.

 Sa wikang pasalita ay natural na natural na ngayon ang “codeswitching” o


ang paglilipat-lipat sa Ingles at sa Filipino na kilala sa tawag na Taglish o
Enggalog.

 Halimbawa:

Absent si Nora noong Friday. Na-notice ito ng professor. Nagbigay ng test


ang professor para sa mga lessons na na-take-up ng class for the whole week.

 Hindi ganito ang uri ng Filipinong bibigyan natin ng higit na pagpapahalaga sa


ating pagsasalin. Higit na magiging maayos para sa wika na hangga’t maaari
P a g e 52 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ay iwasan ang labis-labis na panghihiram sa Ingles kung mayroon naman


tayong mga salitang magagamit.

 Halimbawa:

Absent si Nora ng Biyernes. Napansin ito ng propesor. Nagbigay ng test ang


propesor para sa mga aralin na napag-aralan ng klase sa loob ng isang lingo.

 Pansinin na ginagamit na ginagamit na rin natin ang mga salitang “absent” at


“test” sapagkat wala na mang problema sa pag asimila ng mga ito sapagkat
ponemiko o konsistent ang baybay.

 Kung gagamitin natin ang salitang “bumalda” at “pagsusulit” ay magkakaroon


na nang himig pagkapuristiko, kaya’t nagpaparang artipisyal. Gayundin ang
dahilan kung bakit “propesor” ang ginamit natin sa halip na “dalubguro”. Ang
mga salitang “Friday, notice, lessons, take-up, class,” at ang pariralang “for
the whole week” ay pawing tinumbasan ng tinatanggap na mga salita sa
Filipino.

 Anupat sa proseso ng pagsasalin, ang tagapagsalin ay lagging napapaharap


sa napakasensitibong aspeto ng pagsasalin – ang pamimili ng mga salitang
itutumbas sa mga salita sa isinasaling wika.

L. Isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang


hinihiram sa Ingles.

 Kung isasalin, halimbawa, ang mga salitang “solid” at “liquid”, kapag


tinumbasan ng “solido” ang “solid”, magandang itumbas naman sa “liquid” ay
“likido”. Hindi maganda ang pormang “solid” at “likido” o kaya’y “solido” at
“likwid”.

M. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi dapat malipat sa


pinagsasalinang wika.

P a g e 53 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Bawat wika ay may kanya-kanyang paraan ng pagsasama-sama ng mga salita


upang bumuo ng pangungusap. Sa Ingles, halimbawa, ang pangungusap na
“John bought a candy for Mary” ay maaaring isaayos ng ganito: “A candy was
bought by John for Mary” o kaya’y “John bought Mary a candy.” Sa Filipino,
ang pangungusap na nabanggit ay masasabi sa iaba’t ibang paraan, tulad ng:

1. Bumili si Juan ng Kendi para kay Maria.

2. Bumili ng kendi si Juan para kay Maria.

3. Bumili ng kendi para kay Maria si Juan.

4. Bumili si Juan para kay Maria ng kendi.

5. Bumili para kay Maria ngv kendi si Juan.

6.Bumili para kay Maria si Juan ng kendi.

7.Si Juan ay bumili ng kendi para kay Maria.

8. Si Juan ay bumili para kay Maria ng kendi.

 Matatanggap na lahat ang walong pangungusap bagamat higit na maraming


gagamit at tatangap (batay sa aming isinasagawang sarbey) sa mga
pangungusap bilang 1,2 at 7.

 Pansinin kung sabagay na ang pagkamaluwag ng Filipino sa ayos ng mga


parirala nito ang pinagmumulan ng tinatawag na “structural ambiguity”

 Halimbawa: “Inilagay ang aklat sa mesa ng titser”.

(Sino ang naglagay sa mesa? Kanino ang mesa?)

 Ang mga ganitong uri ng pangungusap ang dapat iwasan hangga’t maaari
sapagkat magagawa naming di Malabo ang kahulugan kung ganito ang
magiging balangkas ng mga pangungusap:
P a g e 54 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ingles: “The teacher placed the vbook on the table”.

“Inilagay ng titser sa mesa ang aklat.” o kaya’y “Inilagay ng titser ang aklat sa
mesa”. O kaya’y “Ang aklat ay inilagay ng titser sa mesa”.

N. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsaaling- wika ngunit huwag paaalipin


dito.

 Dalawa an maituturing na mga pangunahing diksyunaryong bilinggwal na


“bidirectional”: ang Tesauro Diksyunaryo (Ingles-Pilipino: Pilipino- Ingles) ni
Jose Villa Panganiban at ang Tagalog: English:English-Tagalog Dictionary ni
Fr. Leo English.

 Ang Vicassan ni Vito C. Santos ay bilinggwal din ngunit hindi “bidirectional”


kundi “undirectional” o Pilipino- Ingles lamang. Malaki ang maitutulong ng
mga ito sa pagsasaling-wika. Gayunpaman maging katwiran ng sinumang
nagsasagawa ng pagsasalin na ganito o ganoong salita ang kanyang ginamit
spagkat iyon ang nasa diksyunaryo.

 Ang diksyunaryo ay katulong lamang at hindi panginoon. Maraming


pagkakataon na ang kahulugan ng isang salita sa konteksto ay wala sa
diksyunaryo.

 Sa ibang salita, malimit na nagkakaiba ang “dictionary meaning” at


“contextual meaning”.

 Dapat na isaalang-alang ng tagapagsalin ang isang katotohanan na marami


pang mga kahulugan ang nasabing mga diksyunaryo kung ihahambing sa
Webster’s Dictionary ng wikang Ingles. Dalawa ang dahilan” Sanggol na
sanggol pa tayong mga Pilipino kapag ang kaalama sa paggawa ng
diksyunaryo ang pag-uusapan, bukod sa isa pang katotohanang atrasadong-
atrasado pa tayo sa teknolohiya at pasilidad.

P a g e 55 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ARALIN 4:

P a g e 56 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ilang Batayang
Konsepto at
Kaalaman Sa
Filipino at
Pagsasaling-
Wika
FILIPINO 311- Simulain sa Pagsasaling-wika

Aralin 4: ILANG BATAYANG KONSEPTO AT KAALAMAN SA FILIPINO AT


PAGSASALING-WIKA

 Ang pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

P a g e 57 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sa mga wikang itinuturing na dayuhan ng mga Pilipino ay ang Ingles at Kastila


ang natatangi sa lahat.

Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong taong (333) aktwal na nasakop at


naimpluwensyahan ng bansang Espana ang Pilipinas, kayat napakalaking bahagi ng
ating kasaysayan ang nasulat sa Wikang kastila

Sumunod na nanakop sa Pilipinas ang bansang America na bagamat hindi naging


kasintagal ng Espana ay maituturing namang napakalawak at pakalalim ang naging
impluwensyia asa Pilipinas hindi lamang sa larangan ng wika kundi gayundin sa sa
pag-iisip at kultura nating mga Pilipino

Sa katotohanan ang pagkakaroon ng colonial mentality o ang panganganino sa


anumang may tatak dayuhan ay litaw na litaw pa hanggang ngayon sa di- iilang
Pilipino.Marami ang naniniwala na nakamit na natin ang kalayaan sa bansang
Amerika kung ang pag-uusapan ay ang paglayang pisikal ngunit ang pag-iisip ng
karamihan sa atin mga kalahi ay nananatiling bihag parin ng ng bansang ito.

1.Mga pagtatangka na mapalitan ng Wikang Filipino ang Ingles.

*Marami ang pagtatangkang isinagawa upang unti-unting mapalitan ng wikang


Filipino ang wikang Ingles bilang wikang panturo kahit sa mga antas na elementarya
at sekundarya man lamang.

(Tgn.ang EDCOM Report,Kongreso ng Pilipinas,1992)

* Lubhang napakalalim na ang pagkakatanim ng wikang Ingles sa sistema ng


edukasyon.

CONCON- Kumbensyong Konstitusyunal 1972-73

Ayon sa awtor,ang mga delegado sa kumbensyon ay mataas ang pagkilala sa wika


ng dating mananakop at mababa ang pagkilala sa wikang pambansa.

P a g e 58 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sinasabing payag noon ang mga delegado sa CONCON na sulatin ang Saligang Batas
sa kastila at Ingles huwag lamang sa Filipino.

Sa panahong iyon may resolusyon ang mga delegado na ipinagbabawal ang


paggamit ng wikang pambansa sa oras ng kanilang deliberasyon.

CONCOM(Constitutional Commission,1986) Ang konbensyon ay nilahukan ng mga


piling Pilipinong mulat at hindi nakabilanggo sa wikang Ingles.

* Nagpatibay sila ng resolusyon na Filipino at Ingles ang kanilang gagamitin sa oras


ng deliberasyon.

D.O. No.25s. 1974

– ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay kapwa Filipino at Ingles.

Kautusang Pngkagawaran Blg. 52,s. 1987

– patakaran sa edukasyong bilinggwal ng 1987.Layunin nitong makapagtamo ang


mga Pilipino ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo at
paggamit ng dalawang wika bilang midyum ng pagtuturo

Mga suliranin ng pagsasalin ng Filipino sa Ingles

1.Ang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay kapwa umiiral sa Pilipinas

*magiging madali ba ang pagsasalin kung ang Ingles ay hindi wikang umiiral sa
ating bansa o kapwa umiiral sa ating bansa?

Sa pagsasalin ang Filipino at Ingles ay wikang magkaiba ang angkang pinagmulan at


samakatuwid ay napakaraming pagkakaiba.

ORTOGRAPIYA O PALABAYBAYAN

P a g e 59 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang Filipino ay highly phonemic,ibig sabihin may isa-isang pagtumbasan ang


ponema(makahulugang tunog) at ang simbolo o titik.

Sa balarila ni Lope K. Santos, ganito ang pagbabaybay,kung ano ang bigkas


ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

Ponemiko o konsistent ang palabaybayang Filipino ang Ingles namay hindi


konsistent

Ang Ortograpiya ng Ingles ay Historikal sapagkat ang hiniram na salita ay


hindi nagkakaroon ng pagbabago sa baybay,kung mayroon man,kaunti lamang.

Halimbawa:

Coup d etat(French) - Kudeta (Filipino)

Education – Edukasyon

Effectiven - Epektibo

Mahirap manghiram ng mga salitang Ingles sapagkat hindi madaling


asimilahin sa Filipino ang mga di-konsistent ang ispeling.

Kung ang isasaling wika ay hindi umiiral sa pook ng wikang pagsasalinan ay


walang problema.Dito nagkatotoo sa Ingles ang Visual Conditioning.

Ang malaking pagkakaiba ng Filipino at ng Ingles sa Gramatika at sa mga


Ekspresyong Idomatiko.

Ang pagkakaibang ito ay kasinlawak ng pagkakalayo sa kultura ng bansang


Pilipinas at ng Amerika.

Ang problema sa gramatika ay hindi itinuturing na malubhang problema kundi


mga ekspresyong idyomatiko.

P a g e 60 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Karamihan sa mga idyoma ay nakaugat sa kultura ng mga taong gumagamit


nito.

Kapag ang isinalin ay tula,maikling kwento, masusumpungan ng tagapagsalin


ang problema sa pagsasalin ng ekspresyong idyomatiko na nakabuhol sa kulturang
nakapaloob sa wikang ginagamit sa orihinal na teksto.

3. Kawalang ng Tangkilik ng Pamahalaan at mangyari pay kakulangan ng


salaping magagamit sa pagpapalimbag ng mga salin.

Nakasaad sa konstitusyon,Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino,at


habang nalilinang ito,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas ata sa iba pang wika.

Sagana tayo sa materyales na magandang isalin sa Filipino subalit ang mga


iyon ay hindi maipalimbag dahil sa kawalan ng pondong magagamit.

May mga batas at patakaran pero kulang ang budget at Politikal Will.

Wala sa prayoridad ng pamahalaan sapagkat hindi nakikita ng mga


namumuno ang kahalagahan ng wika sa pambansang pagpapaunlad.

 Ang Pagsasalin Sa Larangan Ng Agham at Teknolohiya


Nabanggit natin sa dakong una ang patakarang bilinggwal sa ating Sistema ng
edukasyon na ang ibig sabihin ay Filipino ingles ang magkahiwalay na gagamitin
bilang mga wikang panturo sa mga paaralan.
Isinasaad sa kautusang pangkagawaran Blg.25,1974na ang mga asignaturang
araling panlipunan /agham panlipunan,wastong pag-uugali,edukasyong
panggawain,edukasyong pangkalusugan at edukasyong pisikal(social studies/social

P a g e 61 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

science,character education, work education, health education and physical


education) ay ituturo sa Pilipino(Filipino), samantalang ang agham at matemaka ay
sa Ingles.
Bago ipinatupad ang patakarang bilinggwal ay marami nang mga paaralan,
karamihan ay mga paaralan, karamihan ay mga pambuliko,ang gumagamit na ng
(P)ilipino bilang wikang panturo sa mga asignaturang agham at matematika. Sa
katotohanan, ang dating Kawanihan ng Paaralang bayan,ang iba’t ibang sangay
panlalawigan at panlunsod, mga sentro ng wika sa mga dalubhasaan at pamantasan
ay nakapagsimula na sa paghahanda at/ o pagsasalin ng mga kagamitang panturo
sa dalawang asignaturang ito.
Ngunit nang pairalin ang edukasyong bilingwal, muling ibalik ang Ingles bilang
wikang panturo sa dalawang asignaturang nabanggit.
Ayon naman sa ulat ng EDCOM,Kongreso ng Pilipinas,1992
Kung sa bagay hindi naman panghabang panahon ang kasalukuyang patakarang
edukasyong bilinggwal. Sa liwanag ng mga tadhanang pangwika sa konstitusyon,
ang kasalukuyang patakarang bilinggwal ay dapat maging tradisyunal, isang
pansamantalang dispensasyon na patungo sa paggamit ng isang wika lamang (ng
Filipino) sa hinaharap bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura, kasama na
ang agham at matematika.
May mga nagpapalagay na upang ang Filipino,bilang wikang pambansa ay
magiging mabisang kasangkapan ng edukasyon at at ng iba pang
laranagan,kailangan ito’y magamit sa pagpapahayag ng siyentipiko at teknolohikong
kaisipan nating mga Pilipino. Sa ibang salita kung ang kasalukuyang patakarang
bilinggwal ay mananatili sa habang panahon,hindi magiging ganap at
makatotohanan ang paglinang at pagpapaunlad sa wikang Filipino sapagkat limitado
lamang ang gamit nito sa mga asignaturang di-teknikal na tulad ng araling
panlipunan, edukasyong pangkalusugan,atbp.

P a g e 62 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sa kabilang dako,naniniwala naman ang ibang makawika na higit na mabubuti


para sa wikang Filipino ang kasalukuyang ayos ng patakarang bilinggwal.
Ayon sa kanila,ibinigay sa Ingles ang dalawang asignaturang teknikal, ang agham
at matematika, sa paniniwala ng mga nagplano ng nasabing patakaranna sapagkat
Ingles ang wikang panturo sa mga asignaturang teknikal, mananatili ito sa ating
bansa sapagkat ginagamit na midyum ng paaralan sa pagdukal ng mga
karunungang teknikal na siyang kailangan sa pagpapaunlad ng ating bansa.
Ngunit waring hindi naisip diumano ng mga nagplano ng patakaran na ang
kanilang ginawang ayossa gamit ng dalawang wika, sa katagala,ay pabor na pabor
sa wikang Filipino sapagkat ito ang wikang panturo sa mga asignaturang kargado ng
kulturang Filipino. Kung totoo, ayun sa kanila na ang wika ay nakatanim sa kultura
ng bansang gumagamit nito sapagkat ito ay kasangkapan sa pagpapahayag ng
kultura ng lahi, madali itong lalaganap bilang wika ng masa o ng higit na
nakararaming Pilipino.
Samantala, sapagkat ang Ingles ay ginamit na wikang panturo sa mga kurso o
asignaturang teknikal, naniniwala sila na ito’y mananatiling wika ng mga Pilipinong
nakatataas ng kalagayan sa buhay ngunit maliit na bahagdan lamang ng
sambayanang Pilipino.Sa ganitong ayos, ang Ingles ay magiging palayo ng palayo sa
dibdib ng bayan hanggang sa mahanay na lamang ito sa ibangmauunlad na wikang
makaiimpluwesya sa ekonomiya ng ating bansa, tulad ng mga wikang Niponggo at
Tsino.
Kaya nga’t kung hindi man lubhang kailangan sa gayon ang pagsasalin sa Filipino
ng mga materyales panturo sa larangan ng agham at teknolohiya,kailangan parin
ang kahandaan dito sapagkat darating at darating ang panahon na kailangan natin
ito. Bukod dito, ang tunay na lakas,yaman, o kakayahan ng isang wika ay higit na
napatunayan sa pagsasalin ng mga pyesa ng literaturang teknikal o pang-agham.
Kailangan, samaktwid, ng Filipino ang intelektwalisasyon. At ito’y matatamo
lamang sa pamamgitan ng paggamit nito sa mga paksang teknikal. Hindi

P a g e 63 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

masasabing intelektwalisado na ang Filipinohangga’t ito’y hindi nagagamit sa mga


disiplina tulad ng batas,inerhiya,medisina,arketektura at iba pang mataas na antas
ng karunungan.
Anupat sadyang kailangang pagtuunang pansin ang pagsasalin hindi lamang sa
mga paksang di-teknikal, tulad sa malikhaing panitikan,kundi gayun din sa mga
paksang teknikal.
 Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles
Kung maaaring manghiram kapwa sa Kastila at Ingles, siyang gagamitin ang
salitang Kastila, maliban kung palasak nang ginagamit ang salitang Ingles.

Kung hindi maiiiwasan ang paglikha ng salita, hangga’t maaari ay kailangang ang isa
sa mga bahagi ng salita ay buong salitang-ugat na ang kahulugan ay tumutugon sa
kahulugan ng katawagang tinutumbasan.

Maaaring gamitin ang mga salitang galling sa ibang wika sa Pilipinas o sa ibang
wikang banyaga, bukod sa Ingles o Kastila, kung ang naunang mga tuntunin ay
hindi magamit sa dahilang walang salitang makukuha o malilikha.

Mga Paraan Ng Panghihiram Sa Ingles

PARAAN 1: Pagkuha sa katumbas sa Kastila ang hiniram na salitang Ingles at


pagbaybay ditto ng ayon sa palabaybayang Filipino. Kung, hihiramin, ang salitang
“electricity”, kunin ang katumbas nito sa Kastila-“electricidad” at pagkatapos ay
baybayin ito nang “elektrisidad”.

Halimbawa:

INGLES KASTILA FILIPINO

Population Populacion Populasyon

Liquid Liquid Likido

Mathematics Matematica Matematika

P a g e 64 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Biology Biologia Byolohya-biyolohiya

Cemetery Cementerio Sementeryo

Ceremony Ceremonia Seremonya

PARAAN 2: Paghiram sa katawagang Ingles at pagbaybay ditto na ayon sa


palabaybayang Filipino. Ang paraang ito ay karaniwang isinasagawa (a) kung hindi
maaari ang paraan 1, at (b) kung walang katutubong salita na magagamit bilang
salin ng katawagang Inlges.

HALIMBAWA:

INGLES FILIPINO

Christmas Tree Krismas Tri

Tricycle Traysikel

Pansinin na mayroon tayong “Pasko” at “puno” ngunit hindi maaari ang Pamaskong
Puno.

Ang katumbas ng”bicycle” ay “bisikleta” . Ang ginamit ay paraan 1. Subalit ang


“tricycle” ay hindi na naging trisikleta. Nangangahulugang ang mga makabuluhang
yunit (o morpem) sa Ingles na “bi-“at “tri-“, ay ginamit natin bilang bahagi lamang
ng salitang ating hiniram. Kapag naikabit na ang mga ito sa mga salitang katutubo,
nangangahulugang ang mga ito ay hinihiram na natin sa wikang Kastila. Sa ngayon,
gaya ng nabanggit na, wala pang panlaping Ingles na masasabing hiniram na natin
nang hiwalay sa salita.

PARAAN 3: Panghihiram sa katawagang Ingles nang walang pagbabago sa


ispeling.Ginamit lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo
ang bigkas sa paraang ito magagamit ang mga letrang wala sa 20-letra ng dating
Abakada.

P a g e 65 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Halimbawa:

Lingua franca Coke Quezon City

Manila Zoo Chess Villa Caridad

Golf Visa Juan de la cruz

Kung gagamitin ang mga letrang “c,f,j,ñ,q,v,x,y,ch,ii,rr” sa mga karaniwang


salita, ang palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat maraming salita sa ang
magkaroon ng iba’t ibang ispeling. Ang salitang “coche” halimbawa, ay
tinutumbasan natin sa Filipino ng “kotse”. Subalit kung hindi magkakaroon ng
control sa paggamit ng “c” at “ch”, maaari ring tanggapin ang sumusunod na mga
baybay: “coche-cotse-koche. Kapag ganito ang nangyari, magiging napakagulo ng
Sistema ng pagbaybay na ituturo sa paaralan. Sa ibang salita, hindi magkakaroon ng
istandardisadong ispeling ang mga salita.

Samakatuwid, sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino, hangga”t maaari


ay dapat manatili ang isa-sa-isang pagtutumbas ng ponema o makahulugang tunog
at ng letra o titik. Ang mga letrang “c, f, j, ñ, q, v, x, z”, gayundin ang mga
digrapong “ch, ll, rr” ay hindi dapat mapasama sa pagbaybay ng nga karaniwang
salita sapagkat hindi pa nagrereprisinta ang alinman sa mga ito ng makabuluhang
tunog (o ponema) sa Filipino.

Ang Maugnaying Filipino ng NSDB(National Science Development Board)

Ang NSDB, sa pangunguna nina Dr. Rogelio Relova at engr. Gonsalo del Rosario, ay
nagtangkang bumuo ng mga katawagan o terminolohiyang pang-agham sa Filipino
na may “internal consistency” o pagiging maugnayin. Lansakan ang ginawang
paglikha ng lupon ng mga terminolohiyang pang-agaham, isang paraang maituturing
na salungat sa normal na pagpapaunlad ng wika.

KAHINAAN NG “MAUGNAYIN”

P a g e 66 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

1.Ang paglikha ng mga terminolohiya buhat sa Filipino at sa ibang katutubong


wika sa pilipinas ay walang Sistema.Maraming mga likhang salita sa “maugnayin” na
kakatwa o banyagang- banyaga ang dating sa karaniwang mambabasa sapagkat
ang pinagkabit-kabit na mga bahagi ng salita ay hindi mga morpema o
makahulugang yunit ng pinag kunang mga wika.

Halimbawa ng salitang likha ng NSDB ay “BILNURAN” na galling diumano sa mga


salitang “bilang” at “panunuran”, ay hindi hindi mga morpema sa Filipino, kaya’t
hindi madali mauunawaan ng isang karaniwang mambabasa na ang likhang
katawagang “bilnuran” ay hinugot pala sa “panunuran ng mga bilang” na ang ibig
sabihin diumano sa Ingles “arithmetic”.

2.Lumikha pa ng mga katawagan gayon may mga salita para sa mga ito na
palasak na sa bibig ng bayan.

Halimbawa: “binhispan” para sa “seminar”, “hatidwad” para sa “telegram”,


“hatinig” para sa “telepono”, “agsikap” para sa “inhinyero”, “daktinig” para sa
“mikropono at marami pang iba.

3. Ang paghiram ng salita at panlapi sa ibang katutubong wika at pagkatapos ay


pagkakarga sa mga ito ng ibang kahulugan.

Halimbawa ay ang salitang “danum” na hiniram sa wikang Iloco at pagkatapos ay


kinargahan ng kahulugang “liquid” sapagkat sa kanila ito ay “tubig” at hindi lahat ng
“liquid” ay “tubig”. Bukod sa mga salita nanghiram din ang “Maugnayin” ng mga
panlapi sa ibang katutubong wika tulad ng “aghamanon” – (agham + -anon) sa
Hiligaynon. Kung ang “–anon” ay nag bibigay ng diwang pagkadalubhasa, mabuti
pa’y kinuha na lamang ang “dalub-“ ng “dalubhasa” at pagkatapos ay siyang ikinabit
sa “agham-“ – “dalub – agham”.

4.Maraming likhang salita na lubhang mahaba, kakatwa, walang kahulugan kahit


sa mga napakahusay sa Filipin, at nakpipilipit ng dila.
P a g e 67 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Halimbawa: “pahayliknayanig mabilos na suga” (biophysically active light) mula


sa tagalog na “mabilos na suga”.

5.Ang pag buhay ng mga patay na salita. Namamatay ang isang salita kung wala
ng gumagamit nito;kung hindi na ito kailangan sapagkat may kapalit nang ibang
salita na higit na mabisa, lalo na kung hiram sa wika ng dating mananakop.

Halimbawa: Ang salitang “ulnong” ay matagal nang patay at napalitan na ito ng


“lipunan” o kaya ay ng “sosyedad”. Ano’t bubuhayin pa ang “ulnong”?Ang “ulnong”
daw ay “society in General”. Ang isang salita ay karaniwan ng nagdadala ng higit pa
sa isang kahulugan. Higit na madaling kargahan ang salitang “lipunan” o “sosyedad”
ng iba’t ibang kaugnay na kahulugan kaysa buhayin pa ang patay nang salitang
“ulnong”.

KALAKASAN NG “MAUGNAYIN”

1: May mga likhang salita ang “Maugnayin na tumatama sa pangangailangan ng


inilunsad ng pamahalaan na pagpaplano ng pamilya.

Halimbawa, marami tayong katawagan tungkol sa seks ang hindi natin


magagamit ng pormal nap ag-uusap sapagkat ang mga ito ay “taboo” o malaswang
pakinggan. May salitang Tagalog, halimbawa, na katumbas ng “sperm” ngunit iyon
ay hindi natin magamit nang hindi tayong maturingang bastos o hindi edukado.
Lumikha ng “Maugnayin” ng panumbas dito “punlay” na kinuha sa “punlay ng
buhay”.

2: Ang Maugnayin” ay nakapipigil sa labis na panghihiram sa ibang wika, lalo na sa


Ingles na nakakaimpluwensya sa wikang Filipino sa ngayon.

3.Ang panghihiram ng “Maugnayin” sa iba’t ibang wikang katutubo ay ikinatutuwa


ng mga di – tagalog, lalo na ng mga nagsasabing ang wikang binabansagan nating
Filipino, ay wikang tagalog lamang.

P a g e 68 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Halimbawa ng mga salitang hiram sa mga wika nating katutubo na hiniram ng


“Maugnayin”; “paslip” para sa “steel” (mula sa mga Ilocano), “antangan” para sa
“design” (mula sa Maranao), “kusog” para sa “energy” (mula sa Hiligaynon), atbp.

 Ang Alpabetong Filipino at Pagsasaling-Wika

Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling-wika sa aklat na ito ay ang


anyong pasulat, nararapat lamang na magkaroon ang magsasagawa ng pagsasaling-
wika ng mga batayang kaalaman sa anyong pagsulatng Filipino,ayon sa
kasalukuyang Alpabetog Filipino. Ang panghihiram ay walang problema kung ito ay
pasalita. Subalit sa sandaling tangkaing isulat ang mga salitang hinihiram, doon na
lilitaw ang problema kung ito ay pasalita. Subalit sa sandaling tangkaing isulat ang
mga salitang hiniram, doon na lilitaw ang problema sa ispeling.

Halawin natin sa Alpabetong Filipino ang mga sumusunod na may malaking


kinalaman sa pasulat na pagsasalin:

1.Bilang ng mga Letra-Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra.


(A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z). Sa 28 letrang ito ng
Alpabeto 20 letra lamang ang dating Abakada
(A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,NG,O,P,R,S,T,U,W, Y) ang gagamiting “kung ano ang bigkas
ay siyang sulat, at kung ano ang sulat ay siyang basa.”

Kahulugan ng Panghihiram

Ang panghihiram ng salita ay may malaking pagkakaiba sa panghihiram ng isang


bagay na tulad ng Barong Tagalog,halimbawa. Kapag nanghiram ng isang bagay na
tulad ng Barong, una, ay tungkulin nating ito’y isauli sa ating pinanghiraman;
ikalawa, hindi natin ito maaaring baguhin. Kung ito’y maluwag o mahaba hindi natin
ito maaaring kiputin o iklian; ikatlo, kung ito’y nasira o nawala, dapat nating palitano
bayaran; at ikaapat, habang nasa atin ang Barong, hindi muna ito magagamit ng
may – ari sapagkat ginagamit natin.
P a g e 69 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Samantala, kung “salita” ang ating hiniram, hindi natin tungkulin pang ito’y isauli
sapagkat ang nasabing salita ay nagagamit din ng ating pinag hihiraman. Isa pa,
ang tunog at baybay ng salitang ating hiniram ay maaari nating baguhin o palitan
nang wala tayong pananagutan sa ating pinaghihiraman. Kung hiniram natin,
halimbawa, ang salitang “electricity” ay hindi natin tungkuling papanatilihin ang
gayong bigkas at ispeling. Maaari natin itong gawing “elektrisidad” o“elektrisiti” nang
wala tayong dapat alalahanin sa ating pinanghiramang wika.

Anupat kung susuriin nating mabuti ay hindi naman tunay na panghihiram ang
ating ginagawa kung pangongopya, panggagaya o panggagagad lamang. Kaya nga’t
wala naman tayong inutang o hiniram.

Panghihiram na Dyalektal

Ang ganitong panghihiram ay nagaganap lamang sa iba’t ibang dyalekto ng isang


wika. Ang Tagalog, halimbawa,ay maraming klase may Tagalog-bulacan,Tagalog-
aguna,Tagalog-Cavite,Tagalog-Batangas,Tagalog-Nueva Ecija,Tagalog-
Bataan,Tagalog-Manila,atb. Bukod dito,mayroong pang tagalog-Ilocano,Tagalog-
Kapampangan,Tagalog Cebuano, Tagalog-muslim,atb. Bawat uri ng Tagalog ay alam
natin na may kakanyahan maaaring ma Sistema ng paglalapi, sa balangkas ng mga
pangungusap,sa kahulugan ng mga salita,atb. Gayunpaman,sa iba’t ibang uri ng
Tagalog ay may isang higit na tinatanggap ng nakararami, kayat siyang maituturing
na pinaka-norm o pinakaistandard. Ang isang tagalalawigan,halimbawa,na
makapanirahan sa maynila ng matagal-tagal ay naiimpluwensyahan ng tagalog-
maynila ng hindi niya namamalayan. Pagbalik niya sa lalawigan ay mapapansing
siya’y meron ng puntong-maynila. Gayon ay lihim niyang ikinatutuwa. Sa kabilang
dako, hindi ikatutuwa nang lihim ng isang tagalalawigan kung siya’y maluwas ng

P a g e 70 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Maynila at sabihing siya’y puntong probinsyano o kaya’y bansang “promdi” (from the
province)”

Panghihiram na Kultural

Ang ganitong panghihiram ay laganap sa iba’t ibang wika ng isang bansa o sa mga
wika ng mga bansang nagkaroon ng ugnayan.

Halimbawa 1- Panghihiram ng Filipino ng mga salita sa iba’t ibang wika sa


kapuluan na kargado ng kultura,tulad ng “pinakbet,saluyot,dinengdeng” sa Ilocano.

Halimbawa 2- panghihiram ng Filipino sa iba’t ibang wika ng daigdig,tulad ng


“mami,syopaw,karate,dyip,notbuk,kurikulum,awditoryum,”atb.

Panghihiram ng Pulitikal

Nagaganap ito kapag ang dalawang wika ay umiiral sa isang pamayanan o sa


isang bansa. Karaniwang nagaganap ang ganito sa mga bansang nasasakop o
nasakop ng higit na makapangyarihang bansa. Ang agos ng panghihiram na pulitikal
ay isang direksyon lamang – mula sa wika ng sumasakop o sumakop patungo sa
wika ng nasasakop o nasakop.

Ang panghihiram ng wikang Filipino sa Ingles at sa Kastila ay mapapangkat sa


ganitong uri ng panghihiram. Kung sabagay, maaaring masabi na ang Pilipinas ay
hindi na sakop ng America(at lalong hindi rin ng España). Ang Pilipinas ay isa nang
bansang malaya. Ngunit dalawa ang uri ng paglaya: paglayang pisikal at paglayang
mental o sikolohikal. Totoong ang Pilipinas ay isa nang bansang malaya kung ang
pag-uusapan ay ang legal o pisikal na uri ng paglaya. Nguni tang ating kaisipan
bilang isang lahi ay patuloy pang nahihibuan kundi man nasasakop ng mga
kaisipang banyaga o kanluranin dahil sa matagal na pagkakasakop sa atin ng mga
bansang España at America.
P a g e 71 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Isang katotohang hindi maitatatwa na kapag lumaganap at naging opisyal na wika


sa isang bansa ang wika na kanyang dating mananakop,ang bansang iyon ay hindi
na kailangang sakupin pang muli. Isa pa ring katotohanan na kapag minaster ng
isang lahi ang wika na kanyang dating mananakop, hindi niya namamalayan na siya
naman ang namamaster nito.

C. Ilang Obserbasyon sa Panghihiram

Sa kasaysayan ng paghihiram ng mga wika ay maoobserbahan ang mga


sumusunod:

4.3.1 Ang bansang pinaghihiraman ng mga salita ay karaniwang higit na maunlad at


makapangyarihan sa bansang nanghihiram. Bihirang –bihirang mangyayari ang
kabaligtaran nito. Halimbawa, kailangan ay hindi mangyayaring manghiram ang mga
Americano sa wikang Filipino nang tulad ng ating ginagawang panghihiram sa
kanilang wika.

Sa kabilang dako, natural na natural sa mga Pilipino ang manghiram sa wikang


Ingles; una, ay sapagkat kailangan; ikalawa, ay sapagkat itinuturing ng karamihan
na isang karangalan ang manghihiram ng maga salita sa isang wikang higit na
maunlad kaysa ating wika.

Kung sa pagsasalita sa Filipino ng isang tao, halimbawa, ay karinggan siya ng


mga salita o pariralang Ingles, ang gayon ay nangangahulugan lamang ang
dalawang bagay: (a) labis na hanta dang taong ito sa wikang Ingles; sa ibang salita,
Ingles ang kanyang oryentasyon sapagkat Ingles ang principal na midyum na
ginamit sa kanyang pagdukal ng karunungan, (b) sinadya niya ang paggamit
paminsan-minsan ng mga salita o pariralang Ingles upang iparamdam sa nakaririnig
na siya’y nag-aral. Samantala, hindi gagawin ng isang Americano na gumamit sa
kanyang pagsasalita ng ilang salitang Filipino upang iparamdam sa kanyang kausap
na Americano na siy’y nag-aral.

P a g e 72 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

May mangilan-ngilang pagkakataon na ang bansang higit na maunlad at


makapangyarihan ay nakapanghihiram ng ilang salita sa bansang kanyang
nasasakop o nasakop, tulad ng ilang salitang hiniram ng America sa Pilipinas. Ngunit
sa kabuuan,ang agos ng panghihiram ay mula sa nakakasakop o naiimpluwensiya
tungo sa nasasakop naiimpluwensiyahang bansa.

Kung may mga salitang Filipino man na nakasama na ngayong sa mga


diksyunaryong Ingles na tulad ng Webster, ang gayon ay gimik lamang ng isang
imperyalistang na tulad ng America. Lahat ng bansa sa daigdig ay hinihiraman ng
America at isinasama sa diksyunaryong kahit ang mga salita ay ni hindi pa naririnig
man lamang ng mga karaniwang Americano. Pulitikal at sikolohikal ang mga dahilan.
Ang totoo, kung makikipag-usap ang isang Pilipino sa isang Americano at gagamitin
niya ang salitang “boondock” at iba pang salitang Filipino na nakasama na sa
Webster’r Dictionary, baka tumingin sa ibaba ang Americano at alamin kung ang
kanyang kausap ay may “buntot”.

4.3.2 Kapag ang isang bansa ay matagal na panahong nahantad sa kultura at


buhay-intelektwal ng ibang bansa, ang wika ng bnsang ito’y nahahaluan nang labis-
labis ng mga salitang hiniram sa bansang nakaimpluwensya. Maibibigay na unang
halimbawa rito ang wikang Ingles na nanggitata sa mga salitang hiram sa Latin,
Griyego at Pranses,gayundin ang wikang Turkya na lansakang nanghiram sa wikang
Arabik.

At mangyari pa, isa pa ring magandang halimbawa ang wikang Filipino na kung ilang
dantaong nahantad sa kultura at impluwensya ng mga mananakop na Kastila at
Americano. Ang totoo, kung aalisin sa Filipino ang mga salitang hiram sa wikang
Kastila at sa Ingles,tiyak na malalagot ang kumunikasyon, lalo na ng mga nakapag-
aral na Pilipino.

4.3.3 Kapag ang isang lahi ay nahirati o namihasa sa panghihiram ng mga salita
buhat sa wika ng bansang nakaiimpluwensya rito, nanghihiram ito kahit may mga
P a g e 73 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

salita na sariling wika na kakahulugang-kakahulugan ng mga hinihiram. Gaya ng


nabanggit na sa unahan, ang mga dahilan nito ay oryentasyon at ang mataas na
pagkilala sa mga hinihiram na salita sapagkat buhat sa wika ng mananakop o sa
isang wikang itinuturing na higit na maunlad.Sa isang nakapag-aral sa pamamagitan
ng wikang Ingles, maraming pagkakataon na siya’y nag-iisip sa wikang ito kung
kayat unang pumapasok sa kanyang isip ang salita at istrukturang Ingles kaysa
katumbas nito sa Filipino.

4.3.4 Ang isang karunungan ay higit na mabisang naipapahayag ng isang tao sa


pamamagitan ng wikang ginamit niya sa pagdukal ng nasabing karunungan. Gaya
ng nabanggit na, maramig pagkakataon na ang isang kaisipan ay hindi natin
maipahayag ng maayos sa Filipino sapagkat ang kaisipang iyon ay sa pamamagitan
ng Ingles natin natutuhan. Isipin na lamang na mula sa unang baiting hanggan sa
makatapos ng kurso ang isang karaniwang Pilipino ay sa Ingles na siya nakahantad
sa kanyang buhay-intelektwal.Kaya nga’t kung sa pag’aaral ng isang mag-aaral ay
Filipino na ang wikang gagamitin sa pagdukal ng karunungal,hindi niya mararanasan
ang tulad ng nararanasan ng maraming Pilipino sa ngayon.

 Ang ALPABETONG FILIPINO at PAGSASALIN SA WIKA


 Sapagkat ang pinag-uusapan natin ang pagsasalin-wika sa aklat na ito ay ang
anyong pasulat, nararapat lamang na magkakaroon ang magsasagawa ng
pagsasaling-wika ng mga batayang kaalaman sa anyong pasulat ng Filipino.
Ayon sa kasalukuyang Alapabeto ng Filipino.
 Ang paghihiram walang problema kung ito ay pasalita. Subalit sa tangkaing
isulat ang mga salitang hinihiram, doon na lilitaw ang problema sa espeling.
1. BILANG NG MGA LETRA
 Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na letra.
 Ang 20 dito ay nasa dating ABAKADA na ginagamit sa mga pangkaraniwang
salita. sumusunod ito sa tuntuning “kung ano ang bigkasay siyang sulat, at
kung sno ang sulat siya ring basa.
P a g e 74 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

2. GAMIT NG 8 DAGDAD NA LETRA


 Pantanging ngalan ng PANGNGALAN
 Mga salitang teknikal na hindi karaka-rakang maasimila dahil kapag binaybay
nang ayon sa ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayo na sa
orihinal na anyo sa Ingles, kaya’t nagkakaroon na tinatawag na VISUAL
REPULSION sa mambabasa.
 Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa iba’t-ibang katutubong
wika.
 Malaking gulo ang dinulot ng walong letra sa pagbaybay ng mga karaniwang
salita sa Filipino.
 Malaking problema ito sapagkat nawawasak ang pagiging konsistent ng
palabaybaying Filipino. Dahil sa sistemang pagbaybay, bawat ponema o
makahulugang tunog ay isang lamang ang itunutumbas o itninatapat. Kaya’t
ang bawat isa sa ma letrang (c,f,j,ñ,q,v,x,z) ay kailangang kumakatawan
muna sa ponema bago maisama sa mga katinig na gagamitin sa karaniwang
salita.
 Isa pang cognate o kaugat ang mga ito na nasa ibang higit na maunlad na
mga wikang katutubo, tulad ng bado , ngipen,ngipon, buuk, bituon. Hindi
naman maaring tanggapin lahat ang mga kaugat ng isang salita dahil ang
kahinatnat nito ay ang kalituhan.
 Sapat na ang kataliwasan o ekspresyon ngunit hindi lohikal na maging
batayan ang gamitin ang mga ito ng pagtanggap sa mga letrang
(c,f,j,ñ,q,v,x,z) .
 Kung sadyang kailangang gamitin ang mga salitang may ganitong letra sa
isang partikular na sitwasyong pasulat, gamitin ito ng nakasalungguhit o
italisado.
3. MGA LETRANG “C” AT “F”

P a g e 75 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Sa kasalukuyang alapbetong Filiino ang “c” ay kinskstumbasan ng “k” o “s”


batay sa kung ang kasunod na patinig
“c”- “k” kung ang sumusunod na patinig ay “a,o,u”
 cabinet- kabinet
 comics- komiks
- “s” kung ang sumusunod na patinig ay “e,i”
 central- sentral
 circuit- sirkwit
Ang “f” (at pati na ang “ph”) ay tinutumbasan ng “p” tulad ng:
 Fraction- Praksyon
 Fraternity-praterneti
 Factor- paktor
 Alphabet- alpabeto
 Ang “f”’ at “p” ay magkaiba ponema, hindi pa nakikipagkontrast sa “p” yung
“f” kaya’t hindi pa sila matatawag o maituturing na na isang ponema sa
filipino.
4. Letrang “J”
 Hindi rin magiging praktikal na gamitin ito sa mga karaniwang salita sapagkat
sa Ingles ay hindi laging “J” ang nagrerepresenta o kumakatawan sa tunog na
/j/
 Bukod dito, ang “j” ay /h/ ang tunog kapag sa kastila hinihiram ang salita,
tulad ng cirujano, voltaje, jabonera, viaje, jueteng atb.
 Sa kasalukuyan alpabeto, ang “j” aay karaniwang tinutumbasan ng “dy”, tulad
ng
Jeep = dyip janitor= dyanitor
pajama = padyama journal = dyornal
5. Letrang “ñ”
 Karaniwang salitang kastila ay tinutumbasan sa Filipino n “ny” gaya ng

P a g e 76 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

cañon = kanyon
paño = panyo
piña= pinya
 Hindi rin praktikal na gamitin ang “ñ” sa pagbaybay ng mga karaniwang salita
sapagkat malaking gulo ang idudulot nito sa ating sistema ng pagbaybay.
 Walang makakapigil kung ang hiram na salita sa Kastila na naasimila na ayon
sa baybaying Filipino ay ibalik ng ibang tagagamit ng wika sa orihinal na
ispeling.
6. Letrang “Q”
 Mananatili ang letrang Q sa mga hinihiraming salita na taglay ang letrang Q
na may tunog na /kw/ tulad ng quarts, quiz, quadratic, quantum. Malaking
gulo rin ang idudulot nito sa palabaybaying Filipino sapagkat hindi sakop ng
tuntunin ang mga salitang tulad ng “porque, querida, queso, quota atb.
 Ang “q” ay hindi pa rin kumakatawan sa isang ponema sa Filipino. Sapagkat
hindi pa ito ikokontrast sa “k”, hindi na naman maiiwasan ang paglitaw ng
mga ispeling baryant na lubhang makapagpapagulo sa napakaayos na
sistema ng palabaybayang Filipino.
 Sa kasalukuyang alpabeto ang mga hiram na karaniwang salita na may
letrang “q” ay tinutumbasan ng “k” at iniaayon ang iba pang bahagi ng salita
sa konsistent na sistema ng pagbaybay, tulad ng korum, kota, keso kerida.
Ang quartz, quiz quadratic, quantum ay maaring hiramin nang walang
pagbabago. Kung napapangitan sa kwarts, kwis, kwantum. Salangguhitan
kung lilimbagin o piagawang italisado.
7. Letrang “v”
 Sa kasalukuyang alpabeto, ang letrang ito ay tinutumbasan ng “b” sa
pagbaybay ng mga karaniwang salita,
 Hindi parin nagkokontrast ang “v” at “b”. Kapag pumasok na sa Filipino ang
mga pares ng salitang tulad ng “van- ban” “vase- base” atb.

P a g e 77 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

8. Letrang “x”
 Ang letrang ito ay kasalukuyang tinutumbasan ng “ks” tulad ng
Sexy- seksi
Examine- eksamen
Boksing – boksing
 Tulad ng ibang letra pinag-uusapan. Hindi rin magiging praktikal na
panatilihing ang “x” sa pagbaybay ng mga hiram na karaniwang salita upang
kumatawan sa tunog na / ks/.
 Anupat kung panatilihin ang “x” salanguhitan o ipagawang italisado kung
ipaglimbag.
9. Letrang “z”
 Sa kasalukuyang alpabeto, ang “z” ay tinutumbasan ng “s” tulad ng “cruz-
krus, lapiz- lapis,zero- sero atbp.
 Kung gustong panatilihin ang “z”, salungguhitan ang mga salita o ipagawang
italisado kung ipalilimbag, tulad ng zoo, zodiac, zombie.
D. MGA HAKBANG SA PAGHIHIRAM
Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles,
maaring sundin ang mga sumusunod na paraan:
 Ang unang pagkukunan ng mga salitang maaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino, kung mayroon.
HALIMBAWA:
Rule- tuntunin
Ability-kakayahan
Skill- kasanayan
East- silangan
 Sa paghihiram ng salita na may katumbad sa Ingles at sa Kastila, unang
preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng Kastila ang
pagbaybay sa Filipino.

P a g e 78 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

HALIMBAWA:

INGLES KASTILA FILIPINO


Check Cheque Tseke
Liter Litro Litro
Liquid Liquid Likido
Education Education Edukasyon

 Kung walang katumbas sa kastila o kung mayroon man ay maaring hindi


mauunawaan ng nakakaraming tagagamit ng wika, hiniram nang tuwiran ang
katawagang INGLES at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan;
kung konsistent ang ispeling ng salita, hiniram ito nang walang pagbabago.
HALIMBAWA:

INGLES FILIPINO
Reporter Reporter
Editor Editor
Alto Alto

 Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito sa baybayin nang
konsistent sa pamamagitan ng 20 letrang nasa dating ABAKADA.
HALIMBAWA:

INGLES FILIPINO
Meeting Miting
Teacher Titser
Nurse Nars
Score Iskor

P a g e 79 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Gayunpaman, may mga ilang salitang hiram na maaring baybayin sa


dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistent sa paggamit
HALIMBAWA:

Barangay baranggay
kongreso Konggreso
tango Tango (sayaw)
Bingo Bingo

 May mga salita sa Ingles ( o sa iba pang banyang wika) na maaring


pansamantalang hiramin nang walang pagbabago sa ispeling, tulad ng mga
salitang lubhang di konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na
kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mabakas ang orihinal
na ispeling nito kaya tinatanggihan ng paningin ng mambabasa.
Halimbawa:
coach rendezvous doughnut champagne
sandwich pizza pie brochure habeas corpus

 Pansamantalang hihiramin nang walang pagbabago sa ispeling ang ganitong


mga salita sapagkat baling araw, malamang na ang iba sa mga ito ay
baybayin nan g mga tagagamit ng wika ayon sa palabaybayang
Filipino.Maraming hiram na salita na sa paglakad ng panahon ay bayan
lamang ang makapagsasabi kung paano aasimilahin.
Halimbawa:
calcium x-ray quartz xerox xylem zinc oxide

 Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong


katangiang kultural. Gayunpaman,walang magiging problema kung iayon man
kaagad ang ispeling ng mga ito sa palabaybayang Filipino sapagkat kitang-

P a g e 80 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

kita naman ang ispeling ng mga wikang katutubo ay isinunod lamang sa


palabaybayang Kastila.
Halimbawa:
carjao = kanyaw, hadji = hadyi, masjid =masdyid
MGA SIMBOLONG PANG-AGHAM
Halimbawa:
Fe(iron), H20 (water),C(carbon),NaCl(salt)

E. Simulain ng Pagtitipid

 Likas na nagyayari sa anumang antas ng wika-palatunugan(oponolohiya),


palabuuan (o morpolohiya), palaugnayan (o sintaks)-ang pagtitipid. Kung may
mga letra sa isang salita na maaring alisin nang hindi naman nagbabago ang
kahulugan nito, alisin na lang
Halimbawa:
 Diyip- dyip
 Demokrasiya- democracia- demokrasya
 Nagbabago ang bigkas ng isang hiram na salita sapagkat ang nasabing salita
ay hinihiram natin hindi para sa pakikipagtalastasan sa mga katutubong
tagapagsalita ng wikang pinaghihiraman kundi para sa ating mga kapwa
Pilipino.
 At kapag nabihisan na natin ng palatunugang katutubong atin ang isang
hiram na salita, ang salitang iyon ay atin na wala nang pakialam ang
pinaghihiraman. Ang tototo, gaya ng natalakay nasa dakong una hindi naman
talagang pinaghihiraman ang nangyayari kundi pangongopya lamang na hindi
naman nawawala kundi nanatili rin sa wikang pinagkopyahan.
 Sa antas man ng palaugnayan ay natural na nangyayari ang pagtitipid. Sa
katotohanan ay wala pang salita, parirala, o pangungusap na dating maikli ay

P a g e 81 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

humahaba. Lagi na ang kabaligtaran nito. Sapagkat kung ang lahat ng bagay
sa daigdig ay dapat gamitin ng angkop na pagtitipid, di lalo na ang wika na
gamit ng tao sa bawat sandali.
 Pinag uukulan natin ng pansin ang mga bagay na ito sapagkat napakahalaga
nito sa pagsasaling-wika. Karaniwang mas humahaba ang salin kaysa sa
orihnal. Ang karaniwang dahilan ay sapagkat ang tagapagsalin di naging
matipid.

ARALIN 5: P a g e 82 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang
Pagsasalin
ng Poesa o Tula

FILIPINO 311- Simulain sa Pagsasaling-wika

Aralin 5: ANG PAGSASALIN NG POESA O TULA

P a g e 83 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Bakit Mas Mahirap Magsalin Ng Tula?

Panimula:

Bago ang lahat ay gumawa muna tayo ng ilang paglilinaw. Mapapangkat sa


dalawa ang mga tekstong isinasalin:

(1) mga materyales na teknikal o syentipiko

(2) mga materyales na di-teknikal o malikhaing panitikan

 Sa una maipapangkat ang mga materyales na tumatalakay sa sopistikadong


antas ng agham, ng teknolohiya, ng karunungan. Mababanggit na mga
halimbawa ang mga materyales na nauukol sa mga kurso o propesyon ng
medisina, inhinyerya, arkitektura at marami pang iba na ang mga nakakaunawa
lamang, kalimitan, ay ang mga tao o propesyonal sa kani-kanilang larangan.

 Sa mga ganitong materyales o teksto ginagamit ang isang paraan ng


pagpapahayag ng tuwiran at tiyak. Ang bawat terminolohiyang teknikal sa
ganitong uri ng materyales ay karaniwang iisa lamang kargang kahulugan na di
tulad sa mga materyales na di-teknikal;e.g.,malikhaing panitikan (tula, maikling
kuwento, atb.).

BAKIT MAS MAHIRAP MAGSALIN NG TULA?

 Nagsimula tayo sa pagpapangkat ng mga teksto sa dalawang uri upang magamit


natin sa pagpapalutang ng isang katotohanan na higit na mahirap magsalin ng
mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagasalin ang nilalaman ng
kanyang isinasalin, ang problema lamang niya ay ang mga katawagan o
terminolohiyang gagamitin.

 Samantala, kahit na diwa rin o mensahe ang isinasalin sa mga tekstong di-
teknikal na tulad ng tula, lahat ng teorista at praktisyuner sa pagsasaling-wika

P a g e 84 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ay nagsasabing mahirap nang di-hamak ang magsalin ng ganitong uri ng


materyales.

Sipiin natin ang sinabi ni Finlay(Translating 1971:71)

The translating of poetry must surely be a case par excellence in which the old
Italian saying traduttori, traditori (tranlators-traitors) applies. Few things are more
difficult than the effective and true meaning of poetry into poetry (if, indeed, it is at
all possible).

 Ang ibig sabihin ni Finlay, lahat ng tagapagsalin ay taksil sapagkat imposible ang
ganap na pagsasalin ng tula. Hindi ito mahirap ipaliwanag. Subuking magsalin
ng isang tula. Sabihin na nating patas ang lahat kapag pagsasalin ng diwa ng
isang pyesang teknikal at ng isang tula ang pag-uusapan.

Ang isa sa mga ito ay ang paggamit ng tayutay (figures of speech) na


karaniwang wala sa mga pyesa o tekstong teknikal. Ang isa pa ay ang pangangalaga
sa estilo ng awtor o paraan ng kanyang pagpapahayag na “bumubihag o
gumagayuma” sa damdaming estetiko ng mambabasa, lalo na kung kumbensyunal
ang tula na may sukat at tugma.

Maraming dalubhasa sa pagsasaling-wika ang naniniwalang imposibleng


matamo ng sinuman ang isang ganap (perfect) na pagsasalin sa larangan ng poesya
o tula.

 Mga Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin


 Napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay
pagsasalungatan. Mula sa aklat na “Translationsnang the Translators” ni

P a g e 85 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Prostage, sinabi niya na ang prosa o tuluyan ay dapat nasalin sa paraang


tuluyan din at ang tula ay sa paraang tula rin.
 Samantalang sa Matthew Arnold naman ay naniniwalang na kung isasalin sa
paraang tuluyan ang isang tula, ang salin ay kailangang magtaglay pa rin ng
mga katangian ng isang tula.
 Anupat waring nagkakaiba sa paniniwala ang karamihan ng mga tagasaling-
wika. May mga nagsasabi na ang pagsasalin ng isang tulang maysukat ay
napakahina kung mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng tula ay
pinakamahina sa lahat ng paraan.
 Naniniwala ang mga tagasaling-wika na upang maging makatarungan sa
makatang awtor, ang kaniyang tula ay kailangang isalin ng isa ring makata, at
sa paraang patula rin. Ayon kay Savory, “… none but a poet should undertake
the translation of poetry.”
 Bilang patunay ay ibinigay na halimbawa ni Savory sa kaniyang aklat ang
sumusunod:

Bahagi ng tula ni Catullus sa Latin:

 Odi et amo. Quere id faciam fortasse requires,


 Nescio, sed fiery sentio et excrucior.

Saling tuluyan:

 I hate and I love. Why I do so, perhaps you ask.


 I do not know, but I feel it and I am in agony.

Saling patula ni Krause:

 I hate yet love. You ask how this can be,


 I only know it’s truth and agony.
 Sa dalawang salin, ayon kay Savory, ay malinaw na mapapatunayang higit
na mabuti ang paraang tula-sa-tula sapagkat bukod sa mapapanatili sa salin
P a g e 86 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ang ‘musika’ ng orihinal ay nahahantad pa rin and mambabasa sa aktwal na


anyo nito.

Saling patula ni Krause:

 I hate yet love. You ask how this can be, I only know it’s truth and agony.
 Sa dalawang salin, ayon kay Savory, mainam na mapapatunayang higit na
mabuti ang paraang tula-sa-tula sapagkat bukod sa napapanatilisa salin ang
‘musika’ ng orihinal ay nahahantad pa rin ang mambabasa sa aktwal sa anyo
nito.

MGA KARANIWANG TEKNIK O PARAAN SA PAGSASALIN NG TULA


Sabi ni Rumbolt:
“Sa bawat pagsasalin ay wari bang tinatangka mong lutasin ang isang
suliraning walang kalutasan.”
Ano ba ang Poesya o Tula?

Ayon kay Savory:


 Ang poesya ay isang sining ng paggamit ng mga salita upang lumikha ng
ilusyon sa ating mga pandama.
 Ang isang tula ay may ritmo, sukat at tugma;
 May emosyon o damdaming masidhi at malalim sa karaniwang pahayag;
 May higit sa karaniwang dami ng mga tayutay at hindi gaanong mahigpit sa
pagsunod sa gramatikong pagsusunod-sunod ng mga salita
Ayon kay Almario:
 Ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng magsisintunog na titik at
makahulugang salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang
mga titik at makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin,
pangyayari, larawan o kakintalan.

P a g e 87 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Savory:
Binabasa ang tula dahil bisang naibibigay nito sa damdamin at isip na kaiba sa
naibibigay ng prosa. May bisa ang tula na gaya ng isang pagpapahingalay
pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay minsa’y bisang pag-inom ng gamot na
pampasigla o panggising ng diwa.

MAHALAGANG TANONG:
Sa anong paraan ba natin dapat isalin ang isang tula? PATULA? o TULUYAN?
Opinion o Paniniwala ng mga palaaral:
Propesor Postgate
Sinabi niya sa kaniyang aklat na Translations and Translators na ang isang prosa
o tuluyan ay dapat maisalin sa paraang tuluyan din, at ang tula ay kailangang sa
paraang patula rin.
Matthew Arnold
Naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula, ang salin ay
kailangang magtaglay pa rin ng mga katangian ng isang tula.
Carlyle, Leigh Huntat Whately
Sila ay nagkaisa sa paniniwala na ang pagsasalin ng poesya o tula ay hindi
ganap kung walang sukat.
Woodhouselee
Sinasabi na ang tuluyang salin ng isang tula ay pinakamahina sa lahat ng paraan;
upang maging makatarungan sa makatang awtor, ang kaniyang tula ay kailangang
isalin ng isa ring makata, at sa paraang patula rin.

Hilaire Belloc
Sinasabi na ang pagsasalin sa isang tula ay higit na mabuti kung gagawin sa
paraang tuluyan.
Ang isang salin, kahit ano ang ibig sabihin, ay hindi na orihinal. Maaaring ang
salin ay kahawig o katulad ng orihinal sa porma at sa nilalamang diwa, subalit iyon

P a g e 88 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ay salin pa rin. At ang isang tula ay likhang isip at kung ito’y nalikha sa
pamamagitan ng wikang Ingles, halimbawa, sa sandaling isalinito sa Pilipino ay tiyak
na magkakaroon ng pagkakaiba ang orihinal at ang salin.

Dapat tandaan sa pagsasalin ng tula:

1. Dapat nasa paraang patula rin


2. May nagsasalin na isinasalin muna ang tula ng tuluyan upang matiyak na
nakuha ang mensahe ng tula
3. Pagkatapos ay saka na lamang ito at aayusin ng patula
Unang hakbang (PAGPAPAKAHULUGAN)

Dalawang estilo ng “paraphrasing”


Estilo A:Linya por Linya ang pagpapakahulugan sa pagsasalin
Estilo B: Hindi Linta por Linya ang pagsasalin, ibig sabihin maaaring magkapalit-
palit ng posisyonang mga linya o bahagi nito.
Halimbawa ng salin:
A HOME SONG
Henry Van Dyke
ORIHINAL SALIN 1
1.I read with a poet’s book a. nabasa ko sa aklat ng isang makata

A word that starred the page: b. ang ganitong salita na namumukod sa


isang pahina
“Stone walls do not make a prison c. “Ang pader na bato ay hindi bilangguan;
gayundin,
nor iron bars a cage” ang rehas na bakal ay hindi hawla.”
2. Yes, that is true, and something more; Oo, totoo iyon, at totoo pa rin
You’ll find where you roam, na makikita mo kahit saan ka magpunta
That marble floors and guided wallsNa ang sahig na marmol at ginintuang pader,

P a g e 89 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Can never make a home. Kailanman ay hindi maituturing na


tahanan.
3.But every home where love abides Subalit ang tahanan na tinatahanan ng
pagmamahalan
And friendship is a guest at ang pagkakaibigan ay panauhin
Is truly home, and home sweet home ay tunay na tahanan at napakatamis na
tahanan
For there the heart can rest sapagkat doon ang puso ay makapagpahinga
Batay sa pagpapakahulugan ng tagapagsalin.
 Sa aklat ng makata ay namumukod sa isang pahina ang ganitong salita: “ang
pader na bato ay hindi bilangguan at ang rehas na bakal ay hindi
hawla”.
 Oo, totoo iyon, at totoo pa rin na makikita mo kahit saan ka magpunta na ang
sahig na marmol at ginintuang pader, kailanman, ay hindi maituturing na
tahanan.
 Subalit ang bawat tahanan na pinanahanan ng pagmamahal at ang
pakikipagkaibigan ay panauhin, iyon ang tunay na tahanan at tahanang
kagiliw- giliw sapagkat doon ang puso ay makapagpapahinga.
Sa pagsasalin ng tula popular ang pagsasalin ng tula- sa- tula
 Isasalin muna ang buong tula saka isa-isahin ang mga sumusunod:
 Pinakaangkop na salita
 Pag-aayos ng mga sesura
 Pagtutugma ng mga salita
 Paggamit ng tayutay
Ritmo at kung paano magiging matulain ang mga pahayag
Dapat nating tandaan sa pagsasalin:

P a g e 90 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Nangangailangan ng higit na panahon at kakayahan gaya ng mga makatang


“de-kahon” katulad ni Alejandro na masinop sa salita at tuntunin ng
kumbensyunal na panulaang Filipino.
Ayon kay Dudley Fitts (editor ng Greek Plays in Modern Translation)
“The ideal translation of a poem should reproduce all the qualities- sonal,
intellectual, affective- of the original.”
“The meaning, the image must move freely in the direction of reaction, attempting
to communicate to the modern readers or to have a total impact to the original
audience.”
 Malinaw na ipinaliwanag ni Fitts na imposibleng maisalin ng lubusan ang
katangiang taglay ng orihinal na teksto dahil sa pagkakaiba ng kakanyahan ng
wika lalo na ang hindi magkaangkang wikang Ingles at Filipino.
Mga pahayag ayon kay SAVORY
 Binabasa ang tula dahil sa bisa nito sa damdaminat isip na kaiba sa naibibigay
ng prosa.
 Binabasa ang tula-sa-tula dahil may layon sila na kahit sa salin lamang, ang
musikaat kagandahan ng orihinal ay damhin at namnamin ng mambabasa.
 Sa pagsasalin, dapat alam ng tagapagsalin kung may tugma ba o wala ang
tulang isasalin.
 Ang tula sa Filpino, Ingles, Aleman at Pranses ay may mga tugma. Ang mga
Latin at Griyego ay likas na wala. Kung pakasusuriin, higit na mahirap
magsalin ng linya por linya kaysa estropa sa estropa.

PAGPAPALIWANAG
 Pinipilit na pagkasyahin ng tagapagsalin ang diwang awtor sa isang linya.
 Dito lumilitaw ang sari-saring problema kung ang dalawang wika sa
pagsasalin ay hindi magkaangkan.

P a g e 91 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Dahil merong salita na hindi matapatan sa ibang wika kaya malimit na ang
salin ay higit na mahaba kaysa orihinal na teksto.
Pinakaugat nadahilan sa pagsasalin
 May pagkakataon na ang pagsasalin ay nababawasan, nadaragdagan at
babagong diwa katotohanan sa pagsasalin sa ibabaw ng lahat, waring mas
makatwiran at makatarungan para sa awtor na ang kanyang tula ay isinalin
sa paraang patula rin.
 Pagsasalin ng Tugmang Pambata

Marami tayong mga katutubong tugmang pambata na maganda rin naman


ngunit hindi rin natin maiwasan ang pagkagiliw sa mga tugmang dayuhan at
nasusulat sa Ingles.
Ang mahalaga ay mapag-aralan ang ilang bagay tungkol sa pagsasalin ng
ganitong uri ng panitikan upang maisama ang mabubuting salin sa talaan ng ating
mga tulang pambata.
THE LITTLE TURTLE

I. There was a little turtle.

He lived in a box,

He swam in a puddle,

He climbed on the rocks.

II. He snapped at a mosquito,

He snapped at a flea,

He snapped at a minnow

And he snapped at me.

III. He caught the mosquito,


P a g e 92 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

He caught the flea,

He caught the minnow,

But he didn't catch me!

 Pagsusuri:
 Binubuo ito ng tatlong saknong na may apat na taludtod o linya
 Ang tugmaan nito ay ABAB
 Ang sukat o "meter" ay Iambic
 Ito ay binubuo ng isa o higit pang pantig na walang diin na sinusundan ng isang
pantig na may diin.

 Gaya ng karaniwang tugmang pambata, lutang na lutang ang ritmo


Salin:

Ang Munting Pagong

Mayroon isang munting pagong

Na nakatira sa kahon

Lumangoy siya sa putikan (o labak, sanaw, pusali)

At umakyat sa batuhan

Sinagpang niya ang lamok (sinikmat, sinakmat, sinunggaban)

Sinagpang niya ang pulgas (niknik)

Sinagpang niya ang minnow (lukaok, kiti-kiti, butete)

At sinagpang pati ako

P a g e 93 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Nahuli niya ang lamok (nasikmat, nasakmal, nasunggaban)

Nahuli niya ang pulgas

Nahuli ang minnow

Ngunit ako'y hindi nahuli (nakawala, nakaalpas)

 Pansinin na isinama ang mga kahulugang salitang maaring magamit sa


oras ng pagbuo ng tugma.
 Bersyon I:
Mayroong isang munting pagong

Na nakatira sa kahon,

Lumangoy siya sa sanaw,

At umakyat sa batuhan.

Sinakmal niya ang lamok,

Sinakmal niya ang nik-nik,

Sinakmal niya ang kiti-kiti,

At sinakmal ako pati.

Nahuli niya ang lamok,

Nahuli niya ang nik-nik,

Nahuli niya ang kiti-kiti,

Ngunit ako'y 'di nahuli.

 Pagsusuri:
P a g e 94 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Mapapansin agad sa ikalawa at ikatlong saknong ay ang 'di pagtutugmang


salitang "lamok" at "nik-nik". Problema talaga kung paano tutumbasan ang
salitang "minnow"

 Bersyon II:
Meron isang munting pagong.

Nakatira siya sa kahon,

Lumangoy siya sa putikan,

At umakyat sa batuhan.

Sinagpang niya ang lamok,

Sinagpang niya ang lukaok,

Sinagpang niya ang pulgas,

Pati ako ay sinakmat.

Nahuli niya ang lamok,

Nahuli niya ang lukaok,

Nahuli niya ang pulgas,

Ngunit ako'y nakaligtas.

 Pagsusuri:
Nalutas ang problema sa pagtutugma dahil sa paggamit ng salitang "lukaok"

Ngunit tama kayang tumbas o ipalit ang "lukaok" sa "minnow"?

P a g e 95 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Bersyon III:
Meron isang munting pagong.

Nakatira siya sa kahon,

Sa putikan ay lumangoy,

Sa batuhan ay umahon.

Sinagpang niya ang lamok,

Sinagpang niya ang pulgas,

Sinagpang niya ang minnow,

Pati ako ay kinagat.

Nahuli niya ang lamok,

Nahuli niya ang pulgas,

Nahuli niya ang minnow,

Ngunit ako'y nakaalpas.

 Pagsusuri:
Ginamit ang "minnow" sapagkat wala na ngang maitutumbas dito. Ayos na din

naman sana iyon ngunit hindi tutugma sa salitang "lamok"

 MGA BATAYANG KAALAMAN SA KUMBENSYUNAL NA PANULAANG


FILIPINO

P a g e 96 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Pagtuunan natin ang pisikal o mekanikal na anyo ng tulang kumbensyunal na


ang ibig tukuyin ay ang tulang may sukat at tugma.
 Mababanggit na mahigit kalahating dantaon nang nakapasok sa panulaang
Filipino ang “free verse” o malayang tugma, ngunit hindi nangangahulugang
bale-wala na ang kumbensyunal na uri ng tuula.
 Ang isang makata kung talagang de kaledad na makata, ay nagdaraan muna
sa kumbensyunal na sistema ng paglikha ng tula bago magtangkang sumulat
ng malayang tugma.
 Pinatitibayan ito ng sumusunod na pahayag ni Almario, isa sa mga
pangunahing makata at kritiko, sa kanyang aklat (Taludtod at Talinghaga
1965:11):
 Hindi matatakasan ng sinumang dinidibdib ang pagkamakata ang
tugma at ang sukat.
 Makabuluhang sangkap ng tula ang sukat at tugma. Samakatwid ay
mahalagang pag-aralan ng sinumang mahilig sa pagsulat at pagbasa
ng tula.

Mga Sangkap ng Tula

 Sukat – ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tulang tradisyunal, ang


mga palasak at gamiting sukat ay ang walo,labindalawa, labing-anim at
labingwalo.
Halimbawa ng tula na may:
Wawaluhing sukat.
Matay na niyang isipin
ang kabuntisan ng birhen
anopa’t babaling-baling
P a g e 97 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

walang matutuhang gawin


ang loob niya’t panimdim.
-Pasion

Lalabindalawahing sukat

Ang sukat na lalabindalawahin ay siyang pinakakaraniwan o higit na gamitin sa


lahat ng sukat. Labindalawa ang bilang ng pantig ng bawat taludtod na ang
karaniwang hati ay anim-anim. Ang Florante at Laura ay may ganitong sukat.

Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’y, sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.
Ang tulang “Isang Dipang Langit” ng makatang Realistang si Amado V. Hernandez
ay isa pa ring magandang halimbawa ng sukat na lalabindalawahin.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Ang sukat na lalabing-animin ang karaniwang ginagamit ng makata kapag iniisip


niyang ang kanyang tula ay bibigkasin. Ang hati ng sukat na ito ayy walo/walo at
malimit na maaari ring apat /apat/ apat/ apat.

Halimbawa:

Mutyang bayang may sariling kabihasnan at alamat.


At balita sa bayaning sa dayuha’y nakitalad
Ang dakilang Lapulapu ang humadlang at umutas

P a g e 98 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Nang sa Mactan ay may isang Magallanes na lumunsad.


Ang sukat na lalabingwaluhin ay may tatlong hati –anim/anim/anim. Wala yatang
makatang hinahati ito ng siyam/siyam.
Halimbawa:
ANG BAYAN KO’Y ITO…
ITO ANG BAYAN KO.

ni Jose Villa Panganiban


Sa mukhang maragat ng ating daigdig;sa kasilangan
ang bawat umaga ay laging kayakap ng gintong liwayway
ay may mga pulong tinampok na supling ng nunukang araw

mga pulo pulong parang sinasabog ng binhi ng palay


at ang pinatiray mga kayumangging nilipi sa tapang
na sapul sa mula’y agad pinalaya sa kabayanihan

ang bayan ko’y ito


ito ang bayan ko

Gaya ng ibang sukat, ito ay pinapasukan ng modipikasyon ng ibang makata, tulad


ng makikita sa sumusunod:

Sa likod ng rehas
Ay naririnig ko ang piping panaghoy
ng bunso kong anak
Na naging masama’t sa sala’y nabaon;
Ako’y nahahabag
pagka’t magsisi man at lumuhangayo’y
di na magagawang
kanyang maibalik, nagdaang panahon.
Pansinin na inihiwalay lamang ang unang anim na pantig, kaya’t naging 6-12.
P a g e 99 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sa panulaang Filipino, mahalaga ang magkakatugmang salita hindi lámang sa tunog


na nililikha nitó kundi sa pagbibigay-diin sa pahayag ng tula. Karaniwang
naipahihiwatig ng isang bihasang makata ang daloy ng kaniyang isip sa
pamamagitan lámang ng salansan ng mga susing salitâng pantugma sa loob ng tula.
Sa konteksto ng pabigkas na tula, mahalaga rin ang tugmaan bilang kasangkapan sa
mabilisang pakikipagtalastasan at pagsasaulo. Sa panig ng madlang tagapakinig,
patnubay ang mga pantugmang salita para matandaan at maunawaan niyá ang
tula. 

May dalawang uri ito:

Tugmaang ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na tunog


at sa gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga
taludtod ng tula.

Halimbawa:

Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin


Na sa aking katandaa’y parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin
Balang-araw ay tutubo’t parang utang na singilin.

Tugmaang di-ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagamat may


iisang uri ng patinig sa loob ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.

Halimbawa:

May isang lupain sa dakong Silangan


Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.

P a g e 100 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasu- nod o salitan. hal. a a a a a b a b a a
bb
 Tugma sa katinig (Di-ganap) a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t hal. Malungkot
balikan ang taong lumipa s Nang siya sa sinta ay kinapos-pala d b. ikalawang
lipon – l,m,n,,ng,r,w,y hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay ni hindi
matingnan ang sikat ng araw.
 Ano nga ba ang sesura?

Sa Ingles, ito’y sinasabing “a break or pause in a line of verse”. Untol o


Sesura Ito ang katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig ng isang pangkat ng
mga salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod.

Ang sesura ay lumalarawan sa eksaktong bilang ng sukat at tugma sa isang tula.


Ang isang halimbawa nito ay ang Guryon. Ang tula ay isang halimbawa ng panitikan.
Isa itong piraso ng sulat na naglalaman ng masidhing saloobin. Naglalaman din ito
ng malalalim na kaisipan o maaaring palaisipan. Iba't ibang ideya ang maaring
maging buod o ideya ng tula. At sa bawat huling tunog ng linya nito ay may
magkakaparehas na punto, tunog o tugma(Tinatawag na "Rhyme sa Ingles").

 Mga Tayutay

Ang Tayutay ay isang paglayo sa karaniwang kayarian ng wika upang


makapagbigay ng sariwa, naiiba at kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay –
katuturan sa tulong ng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ngunit
napagtutulad sa isa’t-isa”

 Ang tayutay ay hindi mabulaklak na paggamit ng wika hundi masining na


pagpapahayag.

P a g e 101 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Kung ang panulaan ay hitik sa mga tayutay, kakailanganin ng isan baguhang


tagapagsalin o ng isang nagbabalak magsalin na magkaroon ng mga
batayang kaalaman sa partikular na aspetong ito ng wika.
 Sa simpleng pag papakahulugan ang tayutay ay isang anyo ng paglalarawan
na kaiba sa karaniwang paraan ng pananalita; maaaring patalinghaga na
hindi literal ang kahulugan ng mga salita.

 METAPORA AT SIMILE

Batayang Katanungan – Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano ba ang mga gamit
nito? – Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba ang mga ito? – Ano ba ang
kaugnayan ng mga ito sa pagsasaling-wika?

 Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano ba ang mga gamit nito? • Mga
tayutay na ang isang bagay, tao o hayop, ay inihahambing, itinutulad o
ipinapalit sa ibang bagay, tao o hayop. Ang paggamit ng mga tayutay ay
nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa diwa o mensahe
na ibig nating ipahatid sa ating kapwa.
 Ayon kay Newmark (AT 1988:84) • “The purpose of metaphors (and similes)
is to liven up other types of texts, to make them more colorful, dramatic, and
witty, notoriously in journalism.”
 Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba ang mga ito? • Kapwa
naghahambing ang metapora at simile. • Nagkakaiba lamang ang mga ito sa
dahilang sa simile ay gumagamit ng mga kataga o pariralang “tulad ng, gaya
ng, animo’y, parang, para ng, kawangis ng, tila, (ka)sing-,” atbp.
 Ayon kay Newmark (AT 1988:84) • Similes are more precise, more restricted
and usually less radical, less committed than metaphors, since they limit the
resemblance of the “object” and its “image”. Thus they are generally easier to
translate than metaphors.

P a g e 102 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Pansinin na malimit na ang metapora ay nagagawang simile o ang


kabaligtaran nito • Simile: Si Nelia ay tulad ng isang talang maningning.
• Metapora: Si Nelia ay isang talang maningning.
• Simile: Ang daigdig ay tulad ng isang tanghalan.
• Metapora: Ang daigdig ay isang tanghalan.
 Subalit, hindi lahat ng paghahambing ay maituturing na metapora o simile.
Halimbawa A: • Kasimbigat ng daigdig ang problema ni Rico.
• Kasimbigat ng problema ni Ben ang problema ni Rico.
Halimbawa B: • Si Juan ay tigre sa kanilang lugar.
• Si Juan ay maton sa kanilang lugar.
 Ikatlong dahilan kung bakit hindi dapat isalin salita-sa-salita ang mga tayutay
• May posibilidad na magkaiba ang mga salitang ginagamit sa pagwawangis o
pagtutulad sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Halimbawa, “there
was a storm in the parliament yesterday”. Maari, sa pagsasaling-wika ay hindi
ginagamit ang katumbas ng “storm” para sa “heated-debate”. Maaring isalin
ito nang literal sa ganitong paraan: “May bagyo sa batasan kahapon”.
Katanggap-tanggap naman ang saling ito pero mas angkop na salin ang hindi
na sa paraang metapora kundi sa tahas o tuwirang pakahulugan na lamang
sa nasabing tayutay, tulad ng “nagkaroon ng balitaktakan (o mainitang
debate) sa batasan kahapon o kaya, “Naging lubhang mainit ang pagtatalo sa
batasan kahapon.”

Pagsusuri ng Metapora at Simile

Apat na Bahagi ng Metapora o Simile ayon kay Larson

• Paksa (Topic) – ang paksa ng unang proposisyon (di matalinghaga) sa ibang


salita, ang bagay na pinag-uusapan.

• Larawan (Image) - ang paksa ng ikalawang proposisyon (matalinghaga); sa


ibang salita, ang inihahambing o itinitulad.
P a g e 103 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

• Punto ng pagkakatulad (point of similarity) – nagpapakita kung saan


partikular na aspekto nagkakatulad ang paksa (topic/subject/object) at larawan
(image).

• Di matalinghagang katumbas (nonfigurative equivalent) – kapag ang


proposisyon na nagtataglay ng paksa ay isang “EVENT proposition” o may galaw o
pangyayari. “COMMENT” ay di matalinghagang katumbas.

 Narito ang kanyang mga halimbawa at mga pagsusuri: • The moon is like
blood. • The righteous judge will give you the crown of life.
Sa unang halimbawa, ang ibinigay lamang ay ang paksa at ang larawan ng
simile – “moon” at “like blood”. Walang “event proposition” o pandiwa, o
galaw o pangyayari. Ang punto ng pagkakatulad, ayon sa kanya, ay malinaw
– ang “red”
 Mga Proposisyon at Analisis Mga Proposisyon: 1. The moon is (red).
2. Blood is (red). Analisis: Topic “moon” Image “blood” Point of similarity
“red”
 Samantalang sa ikalawang pangngungusap, The righteous judge will give you
the crown of life, ang metapora ay may event proposition o may pandiwa o
galaw o pangyayari, kaya dapat matukoy ang apat na bahagi nito.
Mga proposisyon: 1. (The officials) give (the victorious athlete) a crown.
2. (God), who judges righteously, will give you (eternal life).
 Analisis Topic - “God who judges righteously” Image - officials Point of
similarity - receive a reward for doing well Non figurative meaning - will give
you eternal life

Limang Paraan ng Pagsasalin ng Metapora ayon kay Larson

1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; sa ibang salita isalin nang literal
kung natural o idyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ng mga mambabasa.

P a g e 104 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Halimbawa: Metapora “mantle of darkness” – “lambong ng kadiliman” “Your life is


an open book to me” – “Ang buhay mo ay isang bukas na aklat sa akin”

Simile “cheeks like roses” – “mga pisnging tulad ng rosas” “Women are changeable
as the weather” – “Ang mga babae ay pabago-bago tulad ng panahon”

2. Gawing simile ang salin ng metapora o ang kabaliktaran nito. Halimbawa:


Metapora “The world is a stage.” – “Ang daigdig ay isang tanghalan” Simile “The
world is like a stage” – “Ang daigdig ay animoy isang tanghalan”

3. Metapora na tinumbasan ng metapora rin. Halimbawa: • “still wet behind the


ears”– “may gatas pa sa labi” • “dressed to kill” – “nakapamburol” • “hand-to-mouth
existence”– “buhay na sangkahig-santuka” • “she butters up her boss”– nilalangisan
niya ang kanyang boss”

4. Isalin nang literal ang metapora o simile at sundan o samahan ng paliwanag o


elaborasyon. Halimbawa: • “From a distance, the road in the mountain is a
snake/like a snake.” • “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay isang
ahas/parang ahas. Liku-liko. • “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay liku-
likong parang ahas.

• “He is an ox/like an ox.” • Siya’y parang baka. Napakalakas niya.” • Napakalakas


niya. Para siyang baka.”

4. Isalin ang diwa ng metapora sa paraang hindi na metaporikal; sa ibang salita,


tahas o tuwirang pahayag na lamang. Halimbawa: “bring home the bacon” –
“iuwi ang tagumpay” “lend me your ears” - “manainga kayo”, “pakinggan niyo
ako” o “makinig tayo (sa akin)” “bossom friends” – “magkaibang matalik”
“fruit of his loins” – “kanyang inapo/lahi”

Paraan ng Pagsasalin ng Metapora ayon kay Larson

1. Transferring the image.


P a g e 105 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

2. Finding the equivalent image.

3. Converting the metaphor to a simile.

Metonimya (Pagpapalit-tawag)- Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang tawag
sa isang bagay ay ipinapalit o inihahalili bilang talinhagang pantawag sa isang bagay
na ipinahihiwatig. • Meto – salitang griyego “change” • Onym – “name”

(1) Pamalit sagisag Halimbawa: “The DECS suspended the teachers who went on
strike” salin: “Sinuspindi ng DECS ang mga nagwewelgang mga guro”

 -ang talagang sumuspindi sa mga gurong nagwelga ay si Dr. Carino, kalihim ng


DECS. Ang DECS ay sagisag na ipinalit sa kalihim na si Dr. Carino

(2) Wakas para sa simula; simula para sa bunga Halimbawa: • Dahil sa masamang
barkada at pagbubulakbol, kalabasa ang kanyang naiuwi noong graduation day.

(3) Lalagyan sa halip na ang nakalagay Halimbawa: “the kettle is boiling” •


Ipinaliwanag niya na hindi ang kettle ang kumukulo kundi ang tubig na nakasilid dito
sapagkat ang kettle ay hindi kumukulo.

Ang Sinekdoke (Pagpapalit Saklaw) • -Ito ay isang uri ng Tayutay na


tumutukoy sa relasyon ng bahagi at kabuuan (part whole) na kung saan ang bahagi
ay kumakatawan sa kabuuan o kabaligtaran nito.

Halimbawa: “Give us this day our daily bread.” (Larson:113) ang “bread” na ipinalit,
paliwanag ni Larson ay bahagi lamang ng pinalitang “ food.” Ang panalangin, ay
talagang tumutukoy sa “pagkain” at hindi sa salitang “ tinapay” lamang. “Only 8
hardy souls showed up for work.” (ipinalit ang “ souls” sa “persons.”)

 Pagsasalin ng Metonomiya at Sinekdoke Sa bahaging ito’y mapapansin na ang


Metonomiya at Sinekdoke ay malaking-malaki ang pagkakahawig sapagkat kapawa

P a g e 106 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

naglalahad ng pagpapalit. Ang totoo, malimit na di na gaanong pinapansin ngayon


an pagkakaiba ng dalawa. Ito ang dahilan kung bakit magkapangkat ang dalawa .

 Ayon kay Larson (MBT:114), tatlo ang paraang magagamit sa pagsasalin ng


metonomiya at sinekdoke. Una, Ang metonomiya o sinekdoke ay maaring
isalin sa paraang tahas, tuwiran o payak, sa ibang salita, hindi pa-tayutay.

Mga Halimbawa: • “The Kettle is Boiling” salin: “Kumukulo ang tubig” “ He has a
good head” salin: “Matalino siya” • “Martin Beni lives by his gloves” salin:
Pagboboksing ang ikinabubuhay ni Martin Beni”

 Ikalawa, pagpapanatili sa orihinal na metonomiya o sinekdoke ngunit


sinundan ng paliwanag o elaborasyon. Halimbawa: • “The Government
reintroduced the electric chair.” • Ayon kay larson ito ay maaring maging
ganito: • “The Government reintroduced the execution by using the electric
chair.”-salin: “ Ibinalik ng pamahalaan ang silya elektrika” Ang maaaring
kasama na elaborasyon ay: “Ibinalik ng pamahalaan ang hatol na bitay sa
pamamagitan ng silya elektrika” “ Ibinalik ng pamahalaan ang inialis na bitay
sa pamamagitan ng silya elektrika.

Ikatlo, Pagtutumbas ng kahulugang metonomiya (o sinekdoke) sa salin:


Halimbawa: “Still wet behind the ears” at “May gatas pa sa labi”

 Kung ang lahat ng salik ay patas maaaring ang dalawang idyoma ay


magkatulad na magkatulad ang kahulugan o mensaheng nais ipabatid. Kung
ang makikinig sa unang pahayag ay amerikano at sa ikalawang pahjayag ay
Pilipino.
 Hindi katanggap-tanggap sa Filipino ang literal na salin na: “Still wet behind
the ears” salin: “basa pa sa likod ng mga tainga” Gayundin ang: “May gatas
pa sa labi” “Still has milk on the lips”

P a g e 107 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Hyperbole Eksaherasyon o pagmamalabis. Madali lng ang pagpapaliwanag ni


Webster tungkol sa tayutay na ito: “ Exaggeration for effect, not to be taken
literally.” Sa ibang salita, ang hyperbole ay isang eksaheradong pahayag na
sinasadyang gamitin ng nagsasalita o sumusulat upang mapag-ibayo ang katindihan
o epekto ng diwa o mensaheng kanyang ibig ipahatid.

 Isang halimbawa ng isang taludtod ng tulang “ Ang Bundok” ni Fidel M.


Quilatco (Hiyas 1:1965:133) na nagpapahayag ng magandang halimbawa ng
Hyperbole. Lupang itinambak ng kamay ng Diyos Ano’t nang lumao’y nakitang
umumbok! Higante ba tilang sa pagkakatulog Ay hindi napansing ginubat ang
likod; Minsa’y nakatayong… langit: inaabot Minsa’y nakadapang… dagat:
niyayapos!
 Eksaherado ang lahat ng pahayag ngunit napakaganda ng nagiging bisa o
larawang-diwang nabubuo sa guniguni o isipan ng mambabasa. “Florante at
Laura” kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin. Mahal ka ring lubha dini sa
panimdim; at kung mangyayari hanggang sa malibing ang mga buto ko, kita’y
sisintahin.
 Pansinin na ang Hyperbole ay malaki ang pagkakahawig sa Metapora
sapagkat kapwa tigib ng eksaherasyon, gayundin sa simile o di kaya’y
metonomiya sinekdoke. Sa aklat ni Larson(MBT:117-19) ay mahahalaw natin
ang sumusunod na halimbawa: “They turned the world upside down” “Im
frozen to death”, “who put all the sugar in the world in this coffee?” Sa
pagsasalin ng Hyperbole, dapat mapanatili sa salin ang eksaheradong bisa ng
mensaheng ibig ikintal ng awtor sa isip ng mambabasa.
 Halimbawa sa tuluyan: “Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan” “Bumaha ng
dugo sa dami ng namatay sa laban” “tinging makalaglag matsing”
“nagkabuhol-buhol ang hininga” “Pasan ang daigdig” “gangga-ulo ng pusa
ang subo dahil sa gutom”

P a g e 108 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Eupemismo (Euphemism) Ito’y paggamit ng matalinghagang salita o pahayag


bilang pamalit sa iabg salita o pahayag na nakakasakit ng damdamin o malaswang
pakinngan.

 Personipikasyon -Ito’y matatawag ding padiwangtao, ayon sa ibang awtor.


Nagbibigay-buhay o nagbibigay-katauhan ito sa mga bagay na walang buhay; sa
ibang salita, inililipat ang katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.

 Halimbawa: Pinasan ng magsasaka ang kanyang matapat na araro.


Kumakaway ang mga dahon sa ihip ng hangin. Nagbabalita ng papalapit na
pasko ang malamig na hangin. Sinalunga ng mangingisda ang nagngangalit
na mga alon.
 The sea is mad. Answer the phone. • Pansinin na sa mga pangungusap na ito
ay bibigyan natin ng “buhay” ang hangin, ang langit, ang sea, at ang
telephone.
 Narito pa ang isang mula naman sa sinulat ng makatang si Ildefonso Santos.
 Ang Araw,pagsikat ay may gintong dala, ako’y tinawag ang sabi’y “Bangon
na”
Sa katanghalian ang araw ay galit, Ako’y nilalagyan ng apoy sa dibdib. Ang
araw kung hapo’y madugo’t sugatan, Sa akin ang bulong,
“Magdasal,Magdasal.”

Panawagan-Kahawig din ito ng personipikasyon dito, ang mga bagay na walang


buhay ay waring may buhay at kinakausap. Halimbawa: O Buwan! Bumaba ka’t ako
ay aliwin

 Ang “Florante at Laura” ni Balagtas ay saganang-sagana sa mga tayutay na


panawagan, lalo na sa bahaging si Florante ay nakagapos sa isang puno
higera sa kagubatan. Halimbawa: “Ang lahat ng ito,maawaing langit, Iyong
tinutungha’y ano’t natitiis?”

P a g e 109 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Pahiraya-Kahawig din ito ng personipikasyon at ng panawagan sapagkat dito, ang


isang hinihiraya o isang taong wala sa harap ay waring nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa: Hayun, magkaakbay Ako’t saka ikaw, At nagtatampisaw Sa tubig na
kristal.

 Parabula,Pabula, Alegorya

Sumasaklaw ang mga ito sa tatlong uri ng salaysay na kalimitan ay nagbibigay-aral.


PARABULA Ang parabula ay humahango sa banal na kasulatan, tulad ng “Ang
Alibughang Anak” (The Prodigal Son)

Pabula. Gumagamit naman ng mga hayop na pinapakilos at pinagsasalita na ang


tuon ay ang mga kasalanan at kahinaan ng tao. Halimbawa: Ang usa at ang pagong”
At iba pang pabula ni Esopo.

Alegorya. Nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay


nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan ay nagbibigay din ng
makabuluhang aral sa buhay.

Antitesis at Epigram - Malaki ang pagkakahawig ng antitesis at ng epigram sa


isa’t isa sapagkat kapwa nagpapahayag ng magkasalungat na bagay. • Naiiba
lamang ang epigram sa dahilang ito’y may kaiklian at katalinghagaan.

 Halimbawa ng antitesis: (hango sa Retorika ni Sebastian:123) Mahiram


pakisamahan ang isang taong katulad niya…sala sa lamig, sala sa init, ayaw
ng katahimikan at kasayahan, nayayamot sa hangal. Aywan ko kung sa anong
uri ng nilalang siya napapabilang.
 Halimbawa ng Epigram • Ang lakas ng mga babae’y nasa kanilang kahinaan. •
Ang kagandaha’y nasa kapangitan. Mula sa Florante at Laura: Katiwala ako’t
ang iyong kariktan, Kapilas ng langit anaki’y matibay, Tapat ang puso mo’t di
nagunamgunam Na ang paglililo’t nasa kagandahan.

P a g e 110 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ironya o Pag-uyam ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan, ng pangungutya,


panunuya o pang-uuyam sa pamamagitan ng mga salita o pahayag na kapag kinuha
ang paimbabaw na kahulugan ay waring pamumuri sa tinutukoy. Sa ibang salita,
kabaliktaran ang kahulugan ng sinasabi. Kapag tinignan mo ang bestida ngayon ng
mga dalaga, iisipin mong mga matipid sila kaysa mga dalaga noong araw.

Paradoks Isang paraan ng pagpapahayag na sa biglang-isip ay waring taliwas sa


katotohanan o sa sentido komun, ngunit kapg sinuring mabuti ay malilirip na
mayroon palang matatag na batayan. Halimbawa: Isa, saka isa ay isa at hindi
dalawa. (pagpapakasal o pag-aasawa)

Oksimoron paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging


katanggap-tanggap sa nakaririnig o nakababasa. Halimbawa: Nakakabinging
katahimikan ang kanyang nadama. Nang siya ay nasok sa silid na yaon na
kinaburulan ng libong pangarap at mga pag-asa.

Onomatopeya Paggamit ng salitang kahawig o katunog ng nginangalanan.


Halimbawa: At habang siya’y nakaluhod at taimtim na nagdarasal ang tunog ng
batingaw na umaalingawngaw sa tulong niyang guniguni’y dambuhalang
pumupukaw.

P a g e 111 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ARALIN 6:

Ang
Pagsasalin ng
P a g e 112 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Prosao Tuluyan

FILIPINO 311- Simulain sa Pagsasaling-wika

Aralin 6: ANG PAGSASALIN NG PROSA O TULUYAN

Mga Pangunahing Problema Sa Pagsasalin Ng Prosa

 PROBLEMA SA IDYOMA
 PROBLEMA SA PANGHIHIRAM
 PROBLEMA SA BALANGKAS / KAYARIAN NG MGA PANGUNGUSAP

Nagsasagawa tayo ng pagsasalin sa layuning maipaunawa o maipaabot natin sa


pamamagitan ng wika ng ating target na mga mambabasa ang anumang mensahe o
kaisipang sinulat ng awtor sa kanyang wika.

Sa buong proseso ng pagsasalin, ang laging nasa isip natin ay komunikasyon ng


awtor at mambabas sa pamamagitan ng ating salin.

Malaki ang maibubuti ng salin kung maiigpawan ng tagapagsalin ang mga


problema tungkol sa idyoma, sa panghihiram at sa gramatika, o kayarian ng
dalawang wika.

PROBLEMA SA IDYOMA

P a g e 113 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Imposibleng makapagsalin nang maayos ang isang tao ni hindi maunawaan


ang karamihan ng mga ekspresyong idyomatiko sa wikang kanyang isinasalin.
 Lalo pang lulubha ang problema kung isasalin niya ng literal ang mga
ekspresyong idyomatiko sa wikang kanyang isinasalin sa dahilang hindi niya
“hawak sa kanyang palad” ang wikang kanyang pinagsasalinan.

PROBLEMA SA PANGHIHIRAM

 Maaaring pagkunutan ng noo ng iba kung bakit napasama sa mga problema


sa pagsasalin ng prosa.
 Ang dahilan ay sapagkat sa bawat pangungusap na ting isalin ay mabibihira
ang pagkakataong hindi tayo napapaharap sa problema ng panghihiram, lalo
na kung ang tekstong isinasalin ay kargado ng kulturang dayuhan na
karaniwan nang nangyayari kapag ang teksto ay nasusulat sa wikang Ingles.
 Ang isang tagapagsalin sa Filipino mula sa Ingles ay lagi nang napapaharap
sa napakahirap na problema ng pamimili sa kung alin ang inaakala niyang
higit na maunawaan ng kanyang target na mambabasa.

PROBLEMA SA BALANGKAS / KAYARIAN NG MGA PANGUNGUSAP

 Ang problema sa pagsasalin ay ang pagkakaiba sa gramatika, sa istruktura o


kayarian ng mga pangungusap sa Ingles at sa Filipino.
 Karamihan ng nagsasalin, lalo na ang mga baguhan, ay hindi namamalayang
sila ay “nalulunod” sa gramatika ng wikang Ingles.
 Anupat masasabing maayos o mahusay ang isang salin kapag hindi halata ng
mambabasa na ang kanyang binabasa ay isang salin.
 Maayos ang salin kung ang tekstong ipinahayag ng awtor sa natural at
idyomatikong paraan sa Ingles ay naisalin ang tagapagsalin sa Filipino sa
paraang natural at idyomatikong rin.

P a g e 114 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ibinigay ni Savory (AT:26) ang sumusunod na tatlong pamatnubay na tanong na


ayon sa kanya ay dapat laging itinatanong ng tagapagsalin sa sarili habang
nagsasasagawa ng pagsasalin:

 Ano ba ang sinasabi ng awtor? (What does the author say?)


 Ano ba ang kanyang ibig sabihin? (What does he mean?)
 Paano ba niya ito sinabi? (How does he say it?)

May ibig sabihin si Savory sa dalawang pamatnubay na mga tanong na ito.

Siya ay naniniwala na hindi sapat na maisalin lamang, kailangang maunawaan


din ng nagsasalin kung ano ang intensyon ng awtor.

Ang ikatlong pamatnubay na tanong ay nakatuon naman sa estilo ng


pagpapahayag ng awtor.

Hanggat maaari ay dapat mapanatili ng tagapagsalin ang estilo ng awtor.

Hindi niya dapat ipalit ang kanyang estilo sa estilo ng sapagkat siya’y
tagapagsalin lamang

TATLONG PANGUNAHING PANUNTUNAN NA IBINIGAY NI LORD


WOODHOUSELEE

 A translation should give a complete transcript of the ideas of the original


work.
(Ang salin ay kailangang magtaglay ng buong diwa o ideya ng orihinal)
 The style and manner of writing should be of the same character as that of
the original.
(Dapat na ang estilo at paraan ng pagkakasalin ay katulad ng sa orihinal)
 A translation should have all the ease of the original composition.
(Dapat taglayin ng salin ang luwag o gaan ng pagpapahayag sa orihinal)

P a g e 115 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 SEGMENTASYON:

ISANG GAWAIN PARA SA MGA BAGUHAN

 Ang pamaraang segmentasyon ay magandang gamitin ng guro sa pagtuturo


ng panimulang kurso sa pagsasaling-wika.
 Makukuha rito ng mga mag-aaral ang maraming batayang kaalaman, mga
Teknik, at simulain sa pagsasaling wika.

Sa biglang-isip, masasabing ito’y simple lamang sapagkat pagtitilad-tilarin, o


paghahati-hatiin lamang sa mga segment o makahulugang yunit ng mga
pangungsap, isasalin ang mga ito, at pagkatapos ay pagsasama-samahin at
isasaayos upang makabuo ng idyomatikong pagsasalin

Sa isang pangungusap nga lang naman ay kung ano-anong kabusisian ang


isasagawa.

Kapag nakuha na ng isang tagapagsalin ang kabutihan ng teknik, hindi na niya


kailangang pormal na magdaan pa sa ganitong proseso sa bawat pangungusap na
kanyang isasalin.

Ang mahalaga ay maging ugali ng nagsasalin ang pagtutuon ng pansin sa bawat


mahalagang yunit ng kaisipan sa pangungusap na hindi dapat mawala sa salin.

Kailangang masanay din ang tagapagsalin sa pagbuo ng higit na natural na ayos


ng mga pangungusap sa pamamagitan ng pagbabagu-bago ng lugar ng mga salita o
segment ng pangungusap.

“Deciding a case, the Sandiganbayan, through Presiding Justice Pamaran, noted the
anomaly of a ridiculously light prison penalty for the crime of bribery”

HAKBANG 1 – PAGHAHATI NG PANGUNGUSAP SA MGA ‘SEGMENT’ O SA


TINATAWAG NA “TRANSLATIONAL UNITS”

P a g e 116 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

1. Deciding a case
2. the Sandiganbayan
3. through Presiding Justice Pamaran
4. noted the anomaly of a ridiculously light prison penalty
5. for the crime of bribery
 Pansinin na bawat segment ay isang “thought unit”.
 Kung ang isang segment ay may kahabaan, maaari itong hatiin sa dalawa o
higit pang segment upang makatiyak na walang makakaligtaang diwa ang
nagsasalin.

HAKBANG 2- PAGSASALIN NG NABUONG MGA SEGMENT

SEGMENT SALIN

o Deciding a case o Sa pagpapasya sa isang kaso


o the Sandiganbayan o ang Sandiganbayan
o through Presiding Justice Pamaran o sa pamamagitan ng
Tagapangulong
o noted the anomaly of a ridiculously Hukom Pamaran
light prison penalty o napansin ang anomalya ng isang
kakatwang kagaanan ng parusang
pagkabilanggo
o for the crime of bribery
o para sa krimeng panunuhol

 Ang pinakalayunin lamang sa bahaging ito ay makuha ang lahat ng


mahahalagang segment ng diwang taglay ng pangungusap.
 Ang salin ng mga segment, kapag pinagdugtong-dugtong, ay halos walang
diwa ngunit ito ay magiging batayan ng mga pagbabagong isasagawa sa
susunod na hakbang.

P a g e 117 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

HAKBANG 3 – PAGSASAAYOS NG MGA SALING SEGMENT

 Maaaring magkaroon ng mga pagbabawas o pagdaragdag ng mga salita, o


kaya’y pagbabago o pagpapalit upang umangkop sa balangkas at kakanyahan
ng Filipino.
 Unang-unang dapat gawin ay tingnan kung ang pandiwang “napansin” ay
maaaring ilipat sa pusisyon upang maging natural o idyomatiko ang
pangungusap.
 Sa pamamagitan ng pamamaraang segmentasyon ay nasalin sa Filipino ang
ganitong balangkas.
 Mahalagang tandaan, lalo na ng mga baguhan sa pagsasalin, na ang pandiwa
ang kailangang unang tingnan kung saan dapat ilagay.

Tingnan sa ibaba ang naging resulta pagkatapos mailapat ang pandiwang


“napansin” at iba pang kinakailangang pagbabago:

1. Sa pagpapasya sa isang kaso


2. napansin ng Sandiganbayan
3. sa pamamagitan ng Tagapangulong Hukom Pamaran
4. ang anomalya ng isang kakatwang kagaanan ng parusang pagkabilanggo
5. para sa krimeng panunuhol
 Sa segment #4 – “anomalya ng isang kakatwang kagaanan ng parusang
pagkabilanggo” – ay maaari nang alisin ang “anomalya ng isang” gayundin
ang kabilang panlaping “ka-…-an” sa salitang ‘kagaanan’ at pagkatapos ay
idagdag sa dulo ng pangungusap ang salitang “ipinapataw”
 Sa segment #5 naman ay waring mas maganda kung papalitan ng “salang
panunuhol” ang “krimeng panunuhol”. Totoong ang “panunuhol (bribery) ay
isang krimen ngunit waring higit na karaniwan sa bibig ng bayan ang “salang
panunuhol” kaysa “krimeng panunuhol”.

P a g e 118 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Kaya’t ganito ang magiging salin:

“Deciding a case, the Sandiganbayan, “Sa pagpapasya sa isang kaso, napansin


through Presiding Justice Pamaran, ng Sandiganbayan, sa pamamagitan ng
noted the anomaly of a ridiculously light Tagapangulong si Hukom Pamaran ang
prison penalty for the crime of bribery” kakatwang gaan ng parusang ipinataw sa
salang panunuhol.”

Sa katatapos na halimbawa, may ilang paraan o teknik na madaling matutukoy,


tulad ng mga sumusunod:

 Paglilipat (Tranposition). Ang inilipat ng lugar ay ang salitang “napansin”


 Pagbabawas (Deletion). Ang tinanggal o kinaltas ay ang pariralang “ang
anomalya ng isang” at ang kabilaang panlaping “ka-…-an”
 Pagdaragdag (Addition). Ang idinagdag ay ang salitang “ipinapataw”
 Pagpapalit (Replacement). Ang “krimeng panunuhol” ay pinalitan ng “salang
panunuhol”

HAKBANG 4 – PAGSASAMA-SAMA NG NABUONG MGA PANGUNGUSAP

 Ang pinakahuling hakbang ay ang pagsasama-sama ng mga pangungusap


upang mabuo ang saklong.

Sa pagbubuong ito ay pinagtutuunan ng pansin ng tagapagsalin ang ilang bagay,


tulad ng mga sumusunod:

P a g e 119 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

1. Pagsusuri kung maayos ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap


(coherence). Dito ay kakailanganin ng tagapagsalin ang kaalaman sa paggamit
ng tinatawag na “cohesive devices”,tulad ng mga salita at pariralang “kung
gayon, gayunpaman, mangyari pa, sa kabilang dako, gaya ng nabanggit na”, at
marami pang iba.
2. Pag-alam kung may mga salitang paulit-ulit na ginamit kayat tingnan kung
maaaring kaltasin o palitan.
3. Pagsusuri kung may mga pangungusap na maaaring pag-isahin; i.e., dalawang
pangungusap na maaaring gawing isang pangungusap lamang.
4. Pagsusuri kung may pangungusap na dapat hatiin at gawing dalawang
pangungusap upang magingmalinawa ang diwa. Tiyakin lamang na ang
pagsasagawa ng alinman sa mga bilang 3 at 4 ay hindi mauuwi sa pakikialam
sa estilo ng awtor.
 Ang binabanggit na mga pagbabawas, pagdaragdag o pagbabago dito ay hindi
ang tinalakay sa seksyon 5.0 ng nakaraang kabanata tungkol sa mga
nagsasalungatang mga simulain.
 Ang tinutukoy ay ang pagbabawas, pagdaragdag o pagbabago sa diwa ng
isinasalin, samantalang ang pagbabawas, pagdaragdag o pagbabagong
tinutukoy dito ay tungkol lamang sa pagbuo ng natural o idyomatikong
pangungusap.
 Malabong Pangungusap: sa Wikang Isasalin at sa Pinagsasalinan

 Ang malabong pangungusap ay karaniwang-karaniwan sa lahat ng wika sa


daigdig.

 Malabo ang pangungusap kapag naghahatid ito ng higit sa isang kahulugan


hango rito

Mga dahilan kung bakit nagiging malabo ang pangungusap:

1.Karamihan ng mga salita ay nagdadala ng higit sa isang kahulugan


P a g e 120 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

a.Nagiging tiyak lamang ang kahulugan ng salita kapag ito ay nagiging bahagi ng
pangungusap

Halimbawa: a. Basa b. Buhay c. Baba

2.Pagkakaayos ng mga salita o pariralang bumubuo ng pangungusap.

a.Maraming pagkakataon na lumalabo ang kahulugan ng pangungusap dahil lamang


sa isang salita o parirala na “nagligaw “ng lugar o posisyon sa pangungusap.

3.Pagkakaltas ng mga salita sa pangungusap dahil sa hangaring


makapagtipid.

Maraming pagkakataon na hindi nagiging maayos ang salin sapagkat hindi


nakuha ng tagapagsalin ang partikular na kahulugan ng malalabong pangungusap sa
Ingles.

Halimbawa:

“Flying big kites can be dangerous.”

“Maaaring mapanganib ang lumilipad na malalaking saranggola.” (Big kites that are
flying can be dangerous.)

“Maaaring mapanganib ang pagpapalipad ng malaking sarangggola.” (Flying of big


kites can be dangerous.)

 Marami rin ang pagkakataon na ang isang malinaw na pangungusap ay


nagiging malabo sa salin sapagkat hindi nagiging maingat ang tagapagsalin.

“The teacher placed the book on the table.”

“Inilagay ang aklat sa mesa ng titser.”

P a g e 121 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ang pangungusap na isinalin ay nag-iiba ang kahulugan na hindi ang titser


ang naglagay ng aklat sa mesa at ang mesa ang ay pag-aari ng titser

 Malinaw na hindi ganito ang ibig sabihin ng pangungusap sa Ingles

“Inilagay/ang aklat/sa mesa/ ang aklat.”

“Ang aklat / ay inilagay/ng titser/ sa mesa.”

 Anupa’t kung ang ibig ng isang tagapagsalin na maging maayos ang kanyang
salin, ang isa sa kanyang dapat iwasan ay ang pagbibigay ng malalabong
pangungusap.

 MGA MUNGKAHING HAKBANG SA PAGSASALIN


Nagkakaiba ang mga hakbang na sinusunod ng mga tagapagsalin, sa
katotohanan ay sa isang tagapagsaling-wika mismo ay may nagaganap na
baryasyon at ang karaniwang dahilan ay ang uri ng tekstong kanyang isinasalin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin ayon kay Nida at Larson:
1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang maunawaan ang
pangkalahatang diwa.
 Paulit-ulit munang basahin ang teksto
 Itala ang mga hindi maintindihang salita at kung maari ay magkaroon
ng diksyunaryo upang batayan ngunit “Huwag magpaalipin sa
Diksyunaryo”
 Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa kahulugan ng mga salitang
ingles na hindi nauunawaan o hindi tiyak ang kahulugan
2. Isagawa ang unang burador (draft) ng salin
 Laging tatandaan na ang isinasalin ay ang diwa at hindi ang salita
3. Editin o Pakinisin ang Salin

P a g e 122 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Pagpapalamig muna sa salin o “Refrigeration” sa Ingles na ang ibig


sabihin ay magpalipas muna ng isa o dalawang araw ang tagapagsalin
(mas matagal mas mainam)
Mga dapat isaalang-alang sa pag-eedit ng salin:
3.1. Idyomatiko ba ang ayos ng mga pangungusap? Natural? Hindi ba himig
salin?
3.2. Mga salitang hindi kailangan o “borloloy” na lamang o kabaligtaran nito.
3.3. Kung may pangungusap na malabo ang inihahatid na diwa o kaya malabo
dahil walang diwa.
3.4. Kung may mga salitang di angkop (malalim? Lipas o sinauna?) sa antas ng
pinag-uukulan ng salin.
3.5. Kung konsistent sa mga salitang itinumbas sa mga banyagang salita,
gayundin sa ispeling ng mga ito.
3.6. Tingnan kung kailangan ang mga pang-ugnay na salita o parirala upang
maging “madulas” ang daloy ng pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap
sa talataan, gayundin ng mga saklong sa kasunod na saklong.

4. Ipabasa ng malakas ang salin.


 Hanggat maaari ay ipabasa sa tatlo hanggang apat na pinag-uukulan
ng salin. Mas mabuting hindi bantayan ang mga babasa para hindi sila
mahiya o maging “conscious” at gamitan lamang ito ng teyprekorder.
 Maaari ring pahawakin ng lapis ang tagabasa at patandaan sa kanya
ang mga salita,parirala o pangungusap na hindi niya naunawaano di
matiyak ang ibig sabihin.
5. Rebisahin ang salin at ipaedit muli sa iba.
 Magandang ipabasa muli sa pinag-uukulang pangkat upang pakinisin at
kung sa palagay mo ay makinis na maaari mo na itong ipalimbag.

P a g e 123 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ARALIN 7:

Pagsubok o
Pag-ebalweyt
sa Salin
P a g e 124 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

FILIPINO 311- Simulain sa Pagsasaling-wika

Aralin 5: PAGSUBOK O PAG-EBALWEYT SA SALIN

Pagsubok O Pag-Ebalweyt Sa Salin

A. Layunin ng Pagsubok

Mahahati sa dalawang bahagi ang proseso ng pagsasalin. Ang una ay ang aktwal
na pagsasalin at ang ikalawa ay ang pagsubok sa salin. Mahalagang subukin ang
salin upang malaman ng isang nagsalin kung maayos ang kanyang ginawang salin.

Ayon kay Larson (MBT:485), mas mabuting magkaroon na agad ng ebalwasyon


sa simula pa lamang ng pagsasalin. Sa gayon, aniya, ay maagang maiispatan ng
nag-eebalweyt ang mga kahinaan ng salin at mareremedyuhan ito.

Pagsubok

Ang pagsubok o pag-eebalweyt sa salin ay nangangahulugan ng pag-alam sa


iba’t ibang maaaring kahinaan nito, tulad sa sumusunod na kriterya:

1. Kung ang diwa ng salin ay tulad ng diwa ng orihinal

Ang ibig sabihin baka may:

a. May dagdag na diwa ang salin:

Halimbawa:

Orihinal: John, Paul and I went to see a movie.


P a g e 125 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Salin: Si John, Paul at ako ay nanood ng sine kahapon.

b. Kulang ang diwa ng salin.

Halimbawa:

Orihinal: John, Paul and I went to see a movie yesterday.

Salin: Si John, Paul at ako ay nanood ng sine.

c. Mali/Iba ang diwa ng salin.

Halimbawa:

Orihinal: John, Paul and I went to see a movie.

Salin: Si John, Paul at ako ay nanood ng konsyerto.

2. Kung may malabong diwa

Malabo ang diwa kung nagkakaroon ng higit sa isang kahulugan. Ang kahinaang
ito ng salin ay malimit na hindi napapansin ng nagsalin sapagkat nadadala siya ng
kanyang pagkaunawa sa orihinal na teksto. Bukod dito, maaaring ang dahilan ay ang
maling gamit ng mga salita o kaya’y ang balangkas ng mga pangungusap.

a. Kalabuang Leksikal- sa alinmang wika ay napakaraming salitang


nakakargahan ng higit sa isang kahulugan.

Halimbawa:

Sa Ingles

araw- day o sun

buwan- moon o month

bata- young, child, protégé, sweetheart o mistress

P a g e 126 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sa Filipino

rice-bigas, kanin o palay

light- liwanag, magaan, ilaw, at sindi

mark- target, tatak, at tanda

object- bagay, layon, at tangka

b. Kalabuang Istruktural

Halimbawa:

 Magpadala ka ng pagkain sa ate.


(Padalhan mo ng pagkain ang ate?)
(Papagdalhin mo ng pagkain ang ate?)
 Sinabi ni Tatay kay Nanay na may punit ang kanyang damit.
(Kaninong damit ang napunit, sa Tatay o sa Nanay?)
 Nagsuot si Kuya ng polo at pantalong marumi.
(Marumi ba kapwa ang polo at pantalon, o ang pantalon lamang?)
 Dinala ang liham sa opisina ng tatay.
(Liham ng tatay?) (Opisina ng tatay?) (Tatay ang nagdala?) (May
ibang nagdala sa opisina ng tatay?)

3. Kung may mga salitang malalim

Halimbawa ay nagkulang ang tagapagsalin sa pagkilala sa mga mambabasang


gagamit ng kanyang salin. Ang pagkilala ay ang pag-alam sa antas ng kakayahan ng
mambabasa sa wikang ginagamit sa salin.

4. Kung may mga masalimuot na mga balangkas ng pangungusap

P a g e 127 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang uri ng mga pangungusap ay kailangang iangkop sa antas ng kakayahan ng


gagamit ng salin.

5. Kung may mga salitang lipas o sinauna

Sinauna ang isang salita kung wala na ito sa bokabularyo ng target na mga
mambabasa.

6. Kung natural o idyomatiko ang kanyang salin at hindi halatang salin

Ang pagsubok o pag-ebalweyt sa salin ay isinasagawa hindi upang malaman


kung ang bawat salita sa tekstong isinalin ay natumbasan nang maayos sa tekstong
pinagsalinan. Sa ibang salita, hindi dapat hanapin sa pinagsalinang wika ang
katumbas na bawat salita sa orihinal. Sa halip, ang dapat tingnan ay kung naisalin
nang maayos ang mensahe o diwa ng orihinal. Samakatwid, diwa sa diwa at hindi
salita sa salita ang dapat maging tuon ng pag-ebalweyt sa salin.

Halimbawang Pagsubok
How Do I Love Thee?
Ni:Elizabeth Brownings:

How do I love thee? Let me count the ways.


I love thee to the depth and breath and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and Ideal Grace.
I love thee to the level of every day’s
Most quiet need, by sun and candlelight
I love thee freely, as men strive for right.

I love thee purely, as they turn from Praise;


I love thee with the passion put to use

P a g e 128 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

In my old griefs, and with my childhood’s faith.


I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints- I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life! – and, if God choose,
I shall but love thee better after death.

Ang Aking Pag-ibig


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Isa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita ng buonng taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kalul’wang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

P a g e 129 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin,
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ag pananalig ay di na masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga,
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

• Ang saling ito, ayon sa awtor, ay halimbawa ng di pagsunod sa kayariang


anyo ng orihinal.
• Ang pinagsikapang maisalin ay ang diwa, ang himig at ang damdamin ng tula.
• Gaya ng alam natin, ang soneto ay binubuo ng 14 na linya subalit ang salin ni
Alejandro ay hindi na maituturing na soneto sapagkat ito’y binubuo na ng 7
saknong o estropa na apatang taludtod o linya sa bawat isa.
 Pagsusuri sa salin ng tula
1.May nadagdag bang diwa?
Ang kahulugan ng mga taludtod na “Laging nakahandang pag-utus-utusan” at
“Kasingwagas ito ng mga bayaning”, ay hindi nakikita sa tekstong Ingles. Wari
bang idinagdag lang ng tagasalin ang bayani dahil katugma ng lalaki, paaapi,
at papuri.

P a g e 130 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

2.May nabawas bang diwa?


• Waring nawala yata sa salin ang “When feeling out of sight for the ends of
Being and Ideal Grace”?
• Waring isinalin na lamang ito ni Alejandro ng “ibig na marating ang dulo ng
hindi maubos isipin.”
pero parang malayo na ang diwa sa orihinal.
• Para bang pinilit lang kumpletuhin ang tugmaan-taimtim, walang kahambing,
marating, maubos-isipin.
3. May mali bang diwa?
• Ang sabi sa Ingles “Let me count the ways”. Pero sa salin, sabi naman ay
“ikaw ang bumilang’’, tingnan ang pamagat sa Ingles: “How Do I Love
Thee?”. subalit ang salin “AngAking Pag-ibig”.
• Isa sa kalayaan, kung sabagay, ng tagapagsalin na baguhin ang pamagat ng
kanyang isinalin, ngunit kung ibabalik-salin ang “Ang Aking Pag-ibig”,
magiging malayo na sa “How Do I Love Thee” Maraming nagsasabi na higit
na magiging angkop ang salin “Gaano Kita Ka Mahal”.
4.May Malabo bang diwa o walang diwa?
• Sa kabuuan ay malinaw ang salin.lahat ng taludtod at saknong ay may
pinagtutuunang particular na diwa o mensahe.
• Anupa’t sa kalahatan, masasabi nating tagumpay ang tagapagsalin sa
kanyang pagkakasalin nang Malaya sa tula ni Browning.
• Nasa salin ang himig at ang damdamig nasa orihinal na tula.
• Gayunpaman, sapagkat malayang salin, hindi dapat paghambingin ang
porma, ang tugmaan ng dalawang bersyon.
• Pansinin na hindi kukulangin sa walong beses na inulit-ulit ni Browning ang
pariralang “I love thee…”na kung baga sa awit ay siyang pinakamelody
pattern.

P a g e 131 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

• Inulit-ulit ang pariralang ito bilang tugon at paliwanag sa pamagat ng


sonetong “How Do I love thee” subalit sa salin ay miminsan lamang sinambit
ang “Iniibig kita…”sa halip, lumutang sa salin ay ang pariralang “yaring pag-
ibig ko’y.” sa salin ay maaaring hanapin ng karaniwang mambabasa ang
paulit-ulit na sambit ng “Ilove thee…”
• Samantala makikita naman sa salin na magkatugon din ang pamagat na “Ang
Aking Pag-ibig” at ang paulit-ulit na sambit ng “Yaring pag-ibig ko’y…”
• Samakatuwid, kung naging Malaya si Alejandro sa pagbabago sa pamagat,
dapat ay maging malaya din siya sa paraan ng pagpapahayag sa diwa ng
sonetong kanyang isinalin.
• Narito naman ang isang salin na masasabing naging matapat na matapat sa
orihinal. Naging matapat ang salin hindi lamang sa porma sa tugmaan kundi
gayundin sa paraan ng pagkakapagsalin-linya por linya.

THE TREE
(Ang Puno)
Joyce Kilmer

Perhaps I shall never see


(Marahil kailan ma’y di makakatagpo)

A poem as lovely as a tree.


(Niyong isang tulang singganda ng puno,)
A tree whose hungry mouth is pressed
(Punong nakasuso ang gutom na bibig)
Against the earth’s sweet flowing breast;
(Sa dibdib ng lupang sariwa’t matamis;)
A tree who looks at God all day

P a g e 132 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

(Punong sa maghapo’y sa Diyos nakatingin)


And lifts her leafy arms to pray;
(Sanga’y nakadipa at nananalangin)
A tree who may in summer wear
(Punong sa tag-araw, maa’ring magtaglay)
A nest of robins in her hair
(Ng pugad ng ibon sa dahong malabay)
Upon whose bosom snow has lain,
(Sa kanyang dibdib, nyebe’y nakahimlay,)
Who intimately lives with rain,
( Kau-kaulayaw, katalik ng ulan,)
Poems are made by fools like me,
(Baliw na tulad ko’ng may gawa ng tula,)
But only God can make a tree!
(Subalit ang puno, Diyos lang ang may likha!)
Salin ni A.O. Santiago

 Pagsusuri sa salin ng tula


1.May nadagdag bang diwa?
• Walang nadagdag na diwa. Iisang-iisa marahil, kung ito’y maituturing na
dagdag-ang pariralang “dahong malabay” sa saknong. Iniiwasan kasing
tumbasan ng tagapagsalin ang “wear” ng “magsuot” o “magdamit”
Sapagkat hindi idyomatiko sa Filipino ang “magdamit/magsuot ng pugad”.sa halip,
ang itinumbas ng nagsalin ay “magtaglay” at sa “hair” ay itinumbas naman ang
“dahon”.
• Subalit nagkaproblema sa pagtugma, kailangang may katugma ang
“magtaglay”, kaya’t nagpasya siyang idagdag ang “malabay”kahit wala sa
orihinal.

P a g e 133 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

2.May nabawas bang diwa?


• Sa saknong 1 ay may nababawas na naganap. Nawala ang katumbas ng
panghalip sa pananong na “I”.
• Pinilit itong palitawin ng tagapagsalin subalit sadyang wala siyang mabuong
taludturan na magiging madulas ang bigkas, tama ang sukat, ayos ang
tugmaan, tama ang bagsak ng mga sesura, at higit sa lahat, matulain
(poetic). Una ay ganito ang kanyang ginawang salin:
Marahil din na ako makakatagpo
Ng isang tulang kasingganda ng puno
• Subalit napilitan siyang baguhin ito sapagkat mali ang bagsak ng mga sesura
sa sukat na 6/6.
Sinubok din ang ganitong salin:
Di na’ko marahil makakatagpo pa
Ng tulang katulad ng puno sa ganda.
3.May mali bang diwa?
• Walang matukoy ang awtor na ito ay may maling diwa sa salin, maliban sa
iilang bahaging sa biglang hagap ay mali, lalo na ang kung hahanapin ng
mag-eebalweyt ay ang literal na salin ng mga parirala.
A tree whose hungry mouth is pressed
Against the earth’s sweet flowing breast.
• Metaporikal ang pahayag ni Kilmer- ang “tree”ay sanggol na sumususo sa
dibdib ng ina (earth) ng matamis at masaganang (flowing)gatas.
• Samakatuwid ay dapat maging metaporikal ang salin. Hindi isinalin ng literal
ang salitang “pressed”, gayundinn ang flowing”breast” sa halip, ay ganito:
Punong nakasuso ang gutom na bibig
Sa dibdib ng lupang sariwa’t matamis;
• Ang “pressed” ay isinalin nang “nakasuso”at ang “flowing breast” ay isinalin
naman ng “sariwa’t matamis

P a g e 134 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

(sa dibdib) sapagkat literal ang magiging salin kapag ginamit ang mga salitang
“nakadiin o nakadikit”(pressed)
at “umaagos”na dibdib (flowing breast).
• Maganda na sana ang salin-matulain, may tugmaan, madulas ang daloy ng
mga salita, ayos ang bagsak ng mga sesura, at naipasok na ang panghalip na
“ako” na wala sa unang salin.
• Ngunit nagpasya pa rin ang tagapagsalin na ito’y baguhin sapagkat may
pumasok na diwa na wala sa orihinal.
• Pansinin na kung ibabalik-salin ay ganito ang lilitaw na diwa; “Perhaps I will
never see a poem again as lovely as tree”.
• Sa ibang salita, konotasyon ay nakikita na ang tumutula noong unang tula na
kasingganda ng puno, masisira ang tula.
• Hindi gayon ang ibig sabihin ni Kilmer.
4.May Malabo bang diwa o walang diwa?
• Maaaring may bahaging malaboang diwa ng salin ngunit walang bahaging
walang diwa.tingnan ang saknong 5:
Sa kanyang dibdib, nyebe’y nakahimlay
Kau-kaulayaw, katalik ng ulan.
• Sa tuwing ipapaebalweyt ng awtor na ito ang salin, laging Malabo raw ang
diwa ng bahaging ito.
• Ayon nga kay Alejandro na kahit ang orihinal na teksto ay meron din ilang
mali o kahinaan, tulad nga ng bahaging “ambiguous”.
 Mga Paraan ng Pagsubok o Pag-ebalweyt

 Iba’t iba ang paraang ginagamit sa pag-ebalweyt ng salin, depende sa klase o


uri ng materyales na isinalin, gayundin sa panahong maaaring gugulin,
kalagayan ng mag-eebalweyt, na ang ibig sabihin ay ang kanyang kakayahang
pinansyal na maaaring gugulin para sa mga pasilidad at mga tauhan.

P a g e 135 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Halimbawa ng pag-ebalweyt na kinasangkutan ng awtor na ito ay nang subukin


ng PNU ang salin nito sa Filipino ng “Elementary Science Guide” na inihanda ng
Unibersidad ng Pilipinanas.

 Anupat ang nabanggit na paraan ng pag-ebalweyt ay nangangailangan ng pondo


at sapat na panahon.

 Kung wala sa kalagayang magsagawa ganito kalawak na pagsubok at kung ang


isnaling materyales ay hindi naman kahabaan, maaaring isagawa ang
sumusunod:

A. Ipabasa ng malakas sa iba ang salin at tandaan ang mga bahagi ng


salin na hindi nabasa nang maayos.

 May mga salitang dapat tuldikan upang maging tiyak ang kahulugan ay isagawa
sa gayon.

 Ang pag-aatubili, ang pagkakamali ng tagabasa sa wastong bigkas ng salita o sa


pagpapangkat-pangkat ng mga salita ay hudyat na may dapat baguhin sa
bahaging salin maaaring salita, maaaring ayos ng pangungusap.

 Ang pagbabasa ng salin ay maaari ring ipagawa sa mga ekspertong mga guro at
sa iba pang eksperto sa wika.

 Ang mga guro o eksperto sa pagtuturo ng pagbasa ay maaaring magsagawa ng


“readability test” sa salin.

 Ang bumabasa ng tekstong sinusubok ay saglit na tumigil, o kaya ay muling


binasa ang nabasa nang bahagi, ito, ayon sa mga eksperto sa pagtuturo ng
pagbasa.

P a g e 136 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Nangyayari rin na pinapalitan ng ibang salita ng bumabasa ang ibang salita sa


tekstong binabasa o kaya ay nagkakamali sa” phrasing” o pagpapangkat-
pangkat ng mga salita.

 Maaaring may diprensya ang salin na tinatawag sa Ingles na “Information load”

 Malulunasan ito sa pamamagitan ng pagbiyak ng pangungusap sa dalawa

B. Pagbabalik-salin ng salin, sa ibang salita, muling/ isasalin ang salin


pabalik sa pianggalingang wika.

 Pagkatapos ay pagparisin ang orihinal na teksto at balik-salin at tingnan kung


magkatulad ang diwa ng dalawang bersyon.

Magkatulad, iyon ay hudyat na kailangang rebyuhin at ayusin ang partikular na mga


bahaging naiiba ang diwa sa orihinal.

 May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbabalik salin. Ang pagbabalik


salin ay may mga potensiyal na kahinaan.

 Una, kung ang magbabalik salin ay hindi halos magkatimbang ang kakayahan sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin, o kaya ay hindi nanging maingat sa
kanayng ginagawa, ang balik-salin ay magiging mahinang salin ng isang
mabuting salin.

 Mababangit din na ang pagbabalik-salin ay hindi pagsubok o pag-ebalweyt sa


pagiging natural o idyomatiko ng salin.

 Ang pagtutuunan nito ay “meaning equivalence” o ang pagtutumbasan ng diwa


o kahulugan.

 Ang balik-salin ay literal o hindi idyomatiko ng salin.

P a g e 137 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

C. Ginagamit din ang pagbibigay ng “comprehension test” o pagsubok sa


kung ano ang pagkaunawa ng bumasa sa salin.

 Ginagamit sa pagsubok sa kawastuan ng isinaling maikling kuwento, tula, o kaya


ay sanaysay o tekstong tumatalakay.

 Ang “test” ay maaaring pasalita o pasulat.

 Pasalita- makatutulong nang malaki ang teyprekorder.

 Pasulat- kailangang ang itatanong sa papel ay hindi pagsukat sa talino o sa


kakyahan ng tagasagot o kaya ay sa kanyang husay magmemorya ng mga
detalye sa binasa.

Halimbawa:

 Kawastuan ng salin ng isang kwento ang alamin.

Maaring ipabasa ng tahimik at pagkatapos pasagutan ang inihandang mga


tanong na nasusukat tungkol sa kung ang pagkaunawa sa nasabing kwento ay
aayon o makakatulad ng diwa sa orihinal na bersiyon.

 Maganda ring gamitin ang ganitong paraan ng pag-ebalweyt sa salin ng tula. Sa


pamamagitan ng mga tanong na inihanda ng tagasubok o ebalweytor para
sagutin ng bumabasa ay malalaman niya kung naisalin ng maayos.

 Angkop din ang ganitong paraan ng pagtataya o pag-ebalweyt ng mga tekstong


nagtuturo o nagbibigay ng panutong dapat sundin.

D.Sa salin sa Filipino ay kailangan din ang konsistensi sa gamit ng mga


salita, kaugnay ng mga “partial synonyms” o mga di-ganap na
magsingkahulugan, gayundin sa gamit at ispelling ng mga salita.

P a g e 138 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Hindi naman ang ibig sabihin ay isang salita lamang ang kailanagng gamitin sa
isang konsepto upang maging consistent.

 Hindi masama na ang konseptong “Lord sa Ingles ay tumbasan sa Filipinong


“Panginoon, Diyos, Panginoong Diyos, Bathala, Maykapal, sa Ingles may ay
gayundin: “Lord, God, Creator, Supreme Being, at iba pa.

 Ang totoo, bihirang bihira ang pares ng mga salita na masasabing ganap na
magkasingkahulugan.

Halimbawa:

Lunti at Berde

 Magagamit kapwa sa pangungusap na Berde/ Luntian ang dahon ng gumamela,


ngunit hindi sa “Berdeng (lunting?)biro”

 Angkop na gamitin ang “berdeng” sa ilaw-trapiko ngunit hindi ang lunti.

 Sa aspetong ito nagkakaiba ang mahusay at di-mahusay magsalin-ang paghimay


sa iba’t-ibang kargang kahulugan ng mga salitang tinatawag na “polysemous” sa
Ingles.

 Sa simula pa lamang ay dapat malinaw na sa nagbabalak magsagawa ng


pagsasalin kung paano niya baybayin ang mga salita. Sapagkat hindi pa
istandardisado ang pagbaybay sa palabaybaying Filipino, ang isang salita ay
karaniwang nang maaaring baybayin nang higit isang anyo.

Halimbawa:

Democracy-demokrasya/demokrasiya

Jeep-diyip/dyip o jeep

 Napakarami nito sa Filipino dahil sa mga salitang hiram sa Kastila at sa Ingles.

P a g e 139 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Halimbawa:

Kwento-kuwento

Dyaket-diyaket

Konggregasyon-kongregasyon-konggregasiyon-kongregasyon

Santuwaryo-santwariyo-santwaryo

 Sa lahat ng gagawaing desisyon, kinakailangang isinaalang- alang ang prinsipyo


ng pagtitipid at ang konsistensi. Ang pagtitipid ay isang batas na laging umiiral o
nasunod sa alinmang wika. Gayundin ang konsistensi sa gamit at ispeling ng
mga salita ay nakatutulong nang malaki sa pag-unawa sa salin, bukod sa ganito
ay palatandaan ng isang masinop na tagasaling-wika.

Bago mapagkamalan, nais kong ipagpauna na ang librong ito ay inihanda kong
panimulang patnubay para sa mga baguhang tagasalin at nauukol lamang sa mga
batayang aralin sa pagsasalin. Layunin kong maipakilala sa tagasalin o nagnanais
maging tagasalin ang pundamental na gawain at kaakibat na tungkulin ng
pagsasalin. Panimula lamang ito at kaya huwag hanapan ng komprehensibo at
malalimang talakay ang bawat punto o aralin. Dahil hinggil sa batayang pagsasalin,
wala din itong hangaring pumalaot sa diskusyong teoretiko at magkomentaryo sa
sari-saring haka at metodolohiya ng mga pangunahing eksperto sa mundo. Kung
may mabanggit mang teorya, iyon ay dahil hinihingi ng pagkakataón at hindi
maiiwasan.
Sa pamamagitan ng panimulang patnubay na ito ay dapat makilála ng nagnanais
maging tagasalin na isang mabigat na trabaho ito at nangangailangan ng di-
karaniwang pagsasanay—una, sa dalawang wikang gagamitin niya sa pagsasalin, at
ikalawa, sa mga paraan ng pagharap at paglutas sa karaniwang mga suliranin ng
paglilipat ng kaisipan, kaalaman, at laro-sa-salita mula sa orihinal tungo sa
pinagsasalinang wika. Isa rin itong kagalang-galang na trabaho at tinutupad nang
P a g e 140 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

may kaukulang paggalang sa isinasaling awtor. Sa katunayan, upang hindi


masayang ang trabaho, higit na dapat isinasaalang-alang ng tagasalin ang
pangangailangan ng kaniyang panahon at lipunan sapagpilì ng akdang isasalin.
Nang dahil sa nangyaring krisis kinakaharap ng ating bayan at bansa ngayon
nagpapasalamat parin ako na binigyan ako ng pgkakataon na ipahayag ang aking
tungkulin sa subject na ito. Naniniwala ako na malalampasan natin ang suliranin na
hinaharap natin ngayon sa pamamagitan ng pananalig sa Poong Maykapal.
Kasaysayan ng Pangasinan
 Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos.
Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa
may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina. Ito ay may kabuuang
sukat na 5,451.01 square kilometer.
 Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng mga mamamayan, at ang
panunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5
milyong mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa
mga opisyal na kinikilalang wikang rehiyunal sa pilipinas. Sinasalita ang
Pangasinan bilang ikalawang wia ng mga etnikong minorya sa
Pangasinan. Ang pinakakilalang etnikong minorya sa Pangasinan ay
ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog.
Ang lalawigan ng Pangasinan ay nahahati sa 44 na bayan, 4 na lunsgod at 1,364
na mga barangay. May anim na distritong pangkinatawan ang lalawigan ng
Pangasinan.

Ang Apat na Lungsod


1. Lungsod ng Alaminos
2. Lungsod ng Urdaneta
3. Lungsod ng Dagupan
4. Lungsod ng San Carlos

P a g e 141 | 148
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang 44 na mga Bayan


 Agno
 Aguilar  Dasol
 Alcala  Infant
 Asingan  Mangatarem
 Balungao  Mabini
 Bani  Malasique
 Basista  Manaoag
 Bautista  Laoac
 Bayambang  Mangaldan
 Binalonan
 Natividad
 Binmaley
 Lingayen
 Bolinao
 Mapandan
 Bugallon
 Pozorrubio
 Labrador
 Rosales
 Burgos
 San Fabian
 Calasiao
 San Jacinto
 San Manuel  Sual
 San Nicolas  Tayug
 San Quintin  Umingan
 Santa Barbara  Urdaneta
 Santa maria  Urbiztondo
 Santo Tomas  Villasis
 Sison

P a g e 142 | 148
Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan) O
Pangasinense
Ito ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polenesian ng pamilya ng mga wikang
Austronesian. Sinasalita ang Pangasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa
lalawigan ng Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga
Amerikanong may kaunununuang Pangasinan.
Ang Pangasinan ang isa sa labingdalawang pangunahing wika sa Pilipinas. Ang
kabuuang populasyon ng lalawigan ng Pangasinan ay 2,434 086, ayon sa sensus ng
Pangasinan ay 1.5 milyon.
Mga halimbawa ng Wikang Pangasinan
o Sino – siopa, sio, si
o Ano – anto
o Saan – iner
o Kalian – kapigan, pigan
o Paano – pano, panonto
o Lahat – amin
o Malaki – baleg
o Mahaba – andokey
o Mabigat – ambelat
o Maliit – melag, melanting, tingot, daiset
o Maikli – antikey, kulang, abeba
Kasaysayan ng Ilokano
 Ang Ilokano ay ang pinakamalakin ethnolinguistic grupo sa Pilipinas. Ang
terminong “Ilocano” ay nagmula sa salitang “i-” (mula sa) at “looc” (cove o
bay), na kapag pinagsinama ay nangangahulugan ng “tao ng bay”. Sila rin ay
tinutukoy bilang Samtoy, na kung saan ay isang pagpapaikli ng pariralang sao
mi ditoy (ito ay aming wika)
 Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay nasa kanlurang baybayi ng hilagang bahagi ng
pulo ng Luzon. Ito ay nasa hangganan ng Ilocos Norte sa hilaga, ng abra sa
hilagang-silanagn, Mt. province sa silangan, Benguet sa timog silangan, La
Union sa timog, Dagat Luzin at Look Lingayen sa Kanluran.
 Ang Ilokano ay Austronesian-tao / Austronesian taong nagsasalita.
 Ang Ilocano ay dialect ay may kauganay sa wika Indonesian, Malay, Fijian,
Maori, Hawaiian, Malagasy, Samoan, Tahitian, Chamorro, Tetum at Taiwan.
143
Spanish Era
Bago ang kolonyal na rehimeng Espanyol, isang abang sibilisasyon na
namamalagi sa Ilocos Region (Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Abra). Ang
rehiyon stretched mula sa Cape Bojeador sa northwestern trip ng Luzon
hanggang sa Gulpo ng Lingayen.
Wika
Ilokano ang pangunahing wika na ginagamit ng 95% ng populasyon na may
kabuuang 594,206 noong 2000. Ang iba pang wika na ginagamit sa lalawigan ay
Tagalog, Pangasinense, Bisaya, Ingles, Kannkanai, Tinggian at Muslim.
Rehiyon
Ang Kristyanismo ay lumalaganap sa buong lalawigan. Halos 85% ng populasyon
ay binubuo ng mga katoliko. Ang natitirang prosenyento ay para sa
mananampalataya ng Igleia ni Kristo,Protestanti, Aglipayan, Islam, Jehovah’s
Witness, at Seventh Day Adventists.
Ilan na kaugalian ng mga taga Iloko o ang kaugalian ng Ilokano
 Kasal – nagbibigay ng dote ang lalaki sa magulang ng babae.
 Patay – ang kamag-anak ng namatayan ay nagtatal ng putting tela sa
noo.
 Buntis – pagdadala ng asin sa labas upang maitaboy ang masamang
espiritu.
Salitang Ilokano
 Ang Ilokano ay isang dayalekto sa Pilipinas sa probinsya ng Luzon na
makikita sa iba’t-ibang lungsod.
 Lungsod ng Tarlac lalawigan ng Tarlac
 Lungsod ng Palayan lalawigan ng Nueva Ecija
 Lungsod ngSan Fernando lalawigan ng Pampanga
Mga halimbawa:
1. Napitas – maganda
2. Naraman – masarap
3. Malim-men – hapon na
4. Nabangles-napanis
5. Nasapa-umaga
6. Ay-ayaten ka – mahal kita

144
7. Ar arameden – kasalukuyang ginagawa
8. Dakel te bagem – malaki ang katawan
9. Naruget – marumi
10. Sabale dayta – iba iba
11. Banger – kabila
12. Ag pakasta – papunta doon
13. Nalaeng ka – magaling ka
14. Nangeset – maitim ka
15. Narawet – matakaw
16. Danum – tubig
17. Kasla – kasing tulad
18. Agsursurat – nagsusulat
19. Nangato – mataas
20. Nakas-sel – nabansot o maliit

145
Sanggunian:

Santiago, Alfonso O. Sining ng Pagsasaling-wika (Sa Filipino Mula Sa Ingles)


Ikatlong Edisyon

Filipino 311: Principles of Translation (Simulain Sa Pagsasaling Wika) A.Y 2018-2019

146
Balangkas ng Kurso
An Outcomes – Based Education (OBE) Course Syllabus

I.Bilang at Pamagat ng Kurso: Filipino 311– Simulain sa Pagsasaling-wika


II.Deskripsyon ng Kurso:
Ang layunin ng kursong ito ay pag-aralan ang kasaysayan ng pagsasaling-wika.
Nakapaloob din dito ang pag-aaral ng mga prinsipyo ng pagsasalin, katangiang dapat taglayin
ng tagasalin at iba’t ibang pananaw sa pagsasalin. Bibigyang pagsasanay ang mga mag-aaral
na magsalin sa Filipino ng iba’t ibang genre ng literatura na nakasulat sa wikang Ingles at sa
ilang wikain sa Pilipinas.
.
III.Prerekwesit ng Kurso: Wala
IV.Bilang ng Yunit : 3 yunit
V.Kinalabasan ng Kurso:
Pagkatapos ng semester ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy nang may ganap na pagkaunawa ang mga simulain at patakarang dapat
sundin sa pagsasalin.
2. Nagagamit ang kaalaman sa simulain sa pagsasaling-wika sa pagbuo ng mga
pantulong at kagamitan sa pagtuturo sa lalong maayos at masining na paraan.
3. Naibibigay ang iba’t ibang katangiang dapat angkinin ng isang tagapagsalin tungo sa
pagtatamo sa disiplinang pansarili sa pagpili ng tumpak na kagamitan o
makabuluhang lathalang dapat isalin upang mapaunlad ang pagsasalin bilang isang
sining.
4. Natatalakay nang buong sigla ang iba’t ibang prinsipyo sa madali at mabisang
pagsasaling-wika.
5. Nasusuri, napahahalagahan at napapanagutan ang mga pagsasaling naisagawa.
6. Napag-iiba-iba at napagtutulad ang pagsasalin ng panulaan at ng tuluyan sa
pamamagitan ng pagbibigay-halimbawa.
7. Nakapagsasagawa ng pagsasalin ng mga tekstong pampanitikan, teknikal at iba pa.

VI. Mga Nilalaman ng Kurso

H. Kasaysayan ng Pagsasalin
1. Panimula
2. Sa Daigdig
3. Sa Pilipinas
I. Pagsasaling-wika: Sining o Agham
1. Pagsasaling-wika Bilang Agham
2. Pagsasaling-wika bilang Sining
J. Mga Simulain sa Pagsasaling-wika
1. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng mga Tagasaling-wika
2. Kahulugan ng Pagsasaling-wika
3. Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika
4. Mga Ilang Simulain sa Pagsasalin Mula sa Ingles
K. Ilang Batayang Konsepto at Kaalaman sa Filipino at Pagsasaling-wika
1. Ang Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles
2. Ang Pagsasalin sa Larangan ng Agham at Teknolohiya

3. Panghihiram sa Ingles: Mga Suliranin at Mungkahing Paraan


4. Ang Alpabetong Filipino sa Pagsasaling-wika
L. Ang Pagsasalin ng Poesa o Tula
147
1. Bakit Mas Mahirap Magsalin ng Tula?
2. Mga Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin
3. Mga Karaniwang Teknik o Paraan ng Pagsasalin ng Tula
4. Pagsasalin ng mga Tulang Pambata
5. Mga Batayang Kaalaman sa Kumbensiyunal na Panulaang Filipino
6. Ang mga Tayutay at Idyoma sa Pagsasaling-wika
M. Ang Pagsasalin ng Prosa o Tuluyan
1. Mga Panguhaning Problema sa Pagsasalin ng Prosa
2. Segmentsyon: Isang Gawain Para sa mga Baguhan
3. Malalabong Pangungusap sa Wikang Isinasalin at sa Pinagsasalinan
4. Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsasalin
N. Pagsubok o Pag-ebalweyt sa Salin
1. Layunin ng Pagsubok
2. Halimbawang Pagsubok
3. Mga Paraan ng Pagsubok o Pag-ebalweyt

VII. Krayterya sa Pagmamarka

Katayuan sa Klase - 20%


Pagdalo sa Klase - 10%
Mga Kinakailangan ng Kurso - 30%
Panggitna at Panghuling Markahan - 40%
___________
Kabuuan 100%

VIII. Iba Pang Kailangan ng Kurso

1. Aktibong pakikilahok sa talakayan , lektyur at mga pangkatang gawain


2. Pag-uulat
3. Modyul
4. Naisagawa ang mga gawaing pagsasanay sa paglinang ng kakayahan sa pagsasaling-
wika

IX. Mga Sanggunian

Nuncio, Elizabeth M. (2015). Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon. Lungsod ng


Quezon: C & E Publishing, Inc.
Santiago, Alfonso O. (2003). Sining ng Pagsasaling-wika (sa Filipino Mula sa Ingles). Lungsod ng
Quezon: Rex Book Store, Inc.
Villafuerte, Patrocenio V. (2000). Introduksiyon sa Pagsasaling-wika, Teorya, Mga Halimbawa at
Pagsasanay. Lungsod ng Makati: Grandwater Corporation and Research Corporation.
Villafuerte, Patrocenio V., Teresita F. Fortunato at Aurora Batnag (2009). Ang Manghahasik
sa Edukasyong Pangwika: Lungsod ng Caloocan: Suatengco Paublishing House.

Inihanda at Dinisenyo ni:

GENALYN L. MOSCAYA, Ph. D.


Professor

148

You might also like