Professional Documents
Culture Documents
Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod
na layunin o kasanayan ng modyul na ito:
PANIMULA
Nilalayon sa kabanatang ito na lalo pang maihantad ang gagamit ng aklat sa mga bagay-
bagay na may kinalaman sa kalikasan ng wikang Filipino bilang wikang pagsasalin ay siyang
nasa ubod ng mga talakayan sa aklat na ito. Napakahalaga, halimbawa, para sa sinumang
1
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Sa mga wikang itinututring na dayuhan ng mga Pilipino ay ang Ingles at Kastila ang
natatangi sa lahat. Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong taong (333) aktwal na nasakop at
naimpluwensyahan ng bansang Espana ang Pilipinas, kaya’t napakalaking bahagi ng ating
kasayasayan ang nasusulat sa wikang Kastila. Hanggang ngayon ay itinuturo pa rin ang wikang
kastila sa mga paaralan, kahit bilang isang kursong elektib lamang, sapagkat naniniwala ang
mga may kinalaman sa edukasyon na ang wikang ito’y dapat manatiling buhay sa ating bansa
upang magsilbing kawing sa ating nakalipas.
Subalit habang ang Wikang Ingles ay nananatiling wikang panturo sa ating paaralan,
ito’y magpapatuloy na daluyan ng mga paniniwala, kaisipan at kulturang dayuhan o banyaga.
2
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Sa wakas ay nakapasok na rin ang Filipino sa paaralan bilang wikang panturo. Ang (D.O.
No. 25,s 1974) Maganda ang patakarang ito sapagkat magkakaroon ng unti-unting
intelektwatisasyon ang Filipino dahil sa aktwal na paggamit nito. Mababanggit na matapos
maratipika ang Konstitusyon ng 1987, nirebisa rin ng DECS ang patakarang edukasyong
bilinggwal nito sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 na may pamagat
na “Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987”. Layunin nito na makapagtamo ang mga
Pilipino ng “kahusayan sa Filipino at sa Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo at paggamit ng
dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo”.
Magiging madali sana ang pagsasalin kung ang Ingles ay hindi wikang umiiral sa ating
bansa. Kung iisipin ay gayon nga. Subalit ang Filipino at Ingles ay dalawang wikang magkaiba
ang angkang pinagmulan at sumaktuwid ay napakaraming pagkakaiba ng dalawang wikang ito.
Ang Filipino ay may sistema ng pagbaybay na “highly phonemic” na ang ibig sabihin ay may isa-
sa-isang pagtutumbasan ang ponema (makahulugang tunog) at ang simbolo o titik. Sa
matandang balarila ni Lope K. Santos, “kung ano ang bigkas ay siyang sulat ay siyang basa”.
Kaya nga’t sa pamamagitan ng nayo ng salita obalangkas ng mga pantig nito madaling masasabi
ng isang iskolar mg wikakung sa anong angkan, kundi man particular na wika ito nagmula. Ang
salitang “coup d’ etat”. Halimbawa dahil sa anyo at ispeling sa orihinal na anyo nito sapagkat
hindi rin konsistent ang sistema ng pagbaybay ng Ingles. Sa bahaging ito’y unti-unti na nating
matatanto kung bakit napakahirap manghiram ng mga salita sa wikang Ingles sapagkat hindi
madaling asimilihin sa Filipino ang mga salitang di konsistent ang ispeling.
Subalit sa sandaling hiraman na nang pasulat ay doon na lilitaw ang problema sapagkat
karamihan nga ng salitang Ingles ay di-konsistent ang baybay. Halimbawa, kahit batang hindi pa
nag-aaral ay alam na ang kahulugan kapag narinig ang salitang “Frigidaire” ngunit kung ito’y
hihirammin nang pasulat, paano kaya ito babaybayin? (Frigidaire?Pridyideyr?Frijideyr?)
Pansinin na kung hihiramin ang “Frigidaire” nang walang pagbabago sa baybay, lilikha ito ng
gulo sa ating konsistent na sistema ating sinusunod – pridyideyr – tanggapin kaya ng bayan ang
ganitong ispeling? Ang nangyayari ay higit na nahahantad o nahihirati ang mata ng mga Pilipino
sa “Frigidaire” kaysa “pridyideyr”. Dito nagkakatotoo ang sinasabi sa Ingles na “visual
conditioning”.
3
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Sa lahat ng mga naging Pangulo ng bansa, alam ng lahat na natatangi ang ibinigay na
tangkilik ng Pangulong Quezon sa isyu ng wikang pambansa. Gayundin naman ang
pagmamalasakit na ipinakita ng dating Pangulong Marcos at ng ibang pang naging Pangulo ng
bansa. Ang totoo’y wala pa namang naging Pangulo ng ating bansa ang sumalungat sa paglinang
at pagpapalaganap ng wikang pambansa. Nagkakaiba-iba nga lamang sila sa antas at paraan ng
pagtangkilik.
Isinasaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na ang mgaa signaturang araling
panlipunan/agham panlipunan, wastong pag-uugali, edukasyong panggawian, edukasyong
pangkalusugan at edukasyong pisikal (social studies/social science, character education, work
education, health education and physical education) ay ituturo sa Pilipino (Filipino),
samantalang ang agham at matematika ay sa Ingles.
Ang Pilipinas ay may dalawang opisyal na wika: una, ang Filipino na may potensyal na
yaman ngunit hindi pa gaanong maunlad at kailangang pagyamanin at paunlarin nang husto
upang makaganap sa tungkulin ng isang tunay na wikang pambansa. Ikalawa, ang Ingles na wika
ng ating dating mananakop, isang wika na maunlad at malaganap sa daigdig, na nagsisilbing
tulay sa ating pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng karunungan sa ibat-ibang
larangan.
4
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
KAHULUGAN NG PANGHIHIRAM
Samantala, kung “salita” ang ating hiniramin, hindi natin tungkulin pang ito’y isauli
sapagkat ang nasabing salita ay nagagamit din ng ating pinaghiraman. Halimbawa, ang salitang
“electricity” ay hindi natin tungkuling panatilihin ang gayong bigkas at ispelling. Maaring
“elektrisidad” o“elektresiti” nang wala tayong dapat alalahanin sa ating pinaghiramang wika.
PANGHIRAM NA DYALEKTAL
PANGHIHIRAM NG KULTURA
Ang ganitong panghihiram ay laganap sa ibat-ibang wika ng isang bansao sa mga wika
ng mga bnasang nagkakaroon ng ugnayan.
Halimbawa:
Panghihiram ng Filipino sa ibat-ibang wika ng daigdig, tulad ng“mami, syopaw, karate, dyip
atbp.
PANGHIHIRAM NA PULITIKAL
5
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Natural na natural sa mga Pilipino ang maghiram sa wikang Ingles; una ay sapagkat kailangan;
pangalawa sapagkat itinuturing ng karamihan na isang karangalan na manghiram ng wika sa
mga bansang mauunlad.
Labis na nahantad ang taong ito sa wikang Ingles; sa ibang salita, Ingles ang kanyang
oryentasyon sapagkat Ingles ang midyum na ginagamit sa kanyang pagdukal ng karunungan.
Kapag ang isang lahi ay nahirati o namihasa sa panghihiram ng mga salita buhat sa wika ng
bansang nakaiimpluwensya rito, nanghihiram ito kahit may mga salita sa sariling wika na
kakahulugan ng mga hinihiram.
Ang mga tunog ng wikang nanghihiram ang siyang karaniwang napapalitan ng kahawig na
mga tunog ng wikang nanghihiram. Halimbawa “favor=pabor”. Makikitang ang /f/ ay
napapalitan ng kahawig na tunog na /p/ at ang /v/ ay napalitan ng /b/.
Ang dating 17 set ng mga tunog ng matandang Alibata ay naging 20 makaraan ang 333 taong
aktwal na pananakop ng Pamahalaang Espana sa Pilipinas. Ang mga tunog na /e/ at /o/ na
dati’y isinasama lamang sa ponemang /i/ at /u/ bilang mga baryant. Pagpasok ng Pares Minimal
tulad ng “mesa=misa, belo=bilo, oso=uso atbp.
Maraming panlaping Kastila ang nakapasok sa ating wikang pambansa, tulad ng “-ero(a),
-ilyo(a), -ito(a), halimbawa nito ay basagulero, binatilyo, dalagita atbp.
6
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Mababangit na kahit ang isang salita ay sa Ingles natin hinihiram ang kinagawian nating
panghihiram sa Kastila ang siya pa ring umiiral. Halimbawa: “atom=atomo, liquid=likido atbp.
Kung hahatiin natin sa dalawa ang mga salitang ginagamit sa Filipino mga batayang
salita (content words) at mga salitang pantulong (function words) madali nating
mapatutunayan na karaniwang hinihiram ang mga batayang salita at bihira ang mga pantulong.
Halimbawa, hindi natin hinihiram ang mga pantulong na mga salitang tulad ng “the, a, an, some,
by, with, to atbp. Kapag hiniram na ng Filipino ang mga salitang pantulong, masasabing labis-
labis na nag pagkakahantad ng ating bansa sa wika at kultura ng bansang Amerikano.
Ang mga panlapi ang itinuturing na moog ng isang wika. Sa ibang salita, habang buo ang
mga panlapi ng isang wika, ito’y matatag pa rin at hindi pa nanganganib.
PANIMULA
SULIRANIIN SA PAGSASALIN
ANG SARBEY
MGA INSTRUMENTAL
7
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Talatanungan na ang mga tagasagot ay pipili ng isa sa anim na uri ng salin (Salin V, Z, F, Q, C, X)
na sa palagay nila ay higit na angkop na salin ng talataang Ingles na ang pinakpaksa ay agham.
8
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
9
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
TUNGKOL SA TALATANUNGAN
10
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Pansinin din na dalawa lamang sa 20 katawag ang higit na naibigan ng mga Tagasagot
ang buhat sa Ingles, samantalang walo (8) naman ang buhat sa Kastila. Ang nasabing mga
katawagan ay nahuhulog sa kategorya E-2 at S-2 na ang ibig sabihin ay binaybay ang mga salita
ayon sa sistema ng pagbaybay na sinusunod sa Filipino. Ang mga anyong “likido” at “likwid”,
halimbawa, ay kapwa nauunawaan ng isang nakapag-aral na Pilipino, ngunit lumalabas sa
sarbey na higit na ibig ng mga Tagasagot ang “likido” (S-2) kaysa “likwid” (E-2). Ang isa sa mga
dahilan nito marahil ay ang higit na mahabang panahong pagkakahantad ng mga Pilipino sa
Wikang Kastila kaysa sa wikang Ingles. Dahil sa kahabaan ng panahong aktwal na pananakop ng
Espana sa Pilipinas, higit na maraming salita tayong nahiram sa Kastila kaysa sa ibang bansa.
Halimbawa: “daldalero” (Tg. “daldal” plus Sp. “ero”) at “karatista” (Jp.“Karate” plus Sp. “-ista”).
Ang ganitong antas ng panghihiram ay hindi pa nangyayari sa Filipino at sa Ingles sa ngayon.
Ang mga katawagang hinango ng NSDB sa iba’t ibang wika sa Pilipinas tulad ng “danum,
siskin, dagsin, tilaw, malak” ay kasama sa mga salitang pinakadi-naibigan ng mga Tagasagot.
Nangunguhulagan lamang na ang pagpapayaman sa talasalitaang Filipino ay hindi maidaraan sa
arbitraryo o artipisayal na pamamaraan.
Ang mga salitang nilikha ng dating Surian ng Wikang Pambansa, tulad ng “parihaba,
parisukat, tatsulok” ay nangangahulugang tinatanggap na ng mga Tagasagot sapagkat napasama
ang mga ito sa 20 katawagang kanilang higit na naibigan. Malamang na ang dahilan ng
pagkabuhay ng nasabing mga salita ay sapagkat nakukuha ng nakaririnig o nakababasa ang
kahulugan ng bawat isa – “parihaba” (pareho+haba), “parisukat” (pareho+sukat”), hindi katulad
ang mga ito ng mga katawagang nilikha ng NSDB; e.g., “microscope” =“miksipat” (mik+sipat).
Mapapansin pa rin na higit na ibig ng mga Tagasagot ang mga katawagang katutubo at di
teknikal kaysa manghiram sa Ingles o Kastila kung wala rin lang gaanong pagkakaiba sa
kahuluhan e.g., “energy” = “lakas” sa halip na “enerhiya”, “characteristic” = “katangian” sa halip
na “karakteristika”,“distance” = “layo” sa halip na “distansya”.
Tungkol sa Talatanungan A-2 narito ang kinalabasan ng sarbey sa iba’t ibang uri ng
salin.
11
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
12
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Halimbawa:
Pansinin na mayroon tayong “Pasko” at “Puno” ngunit hindi maari ang “Pamaskong
Puno”.
PARAAN III - Paghiram sa katawagang Ingles nang walang pagbabago sa spelling. Ginagamit
lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo ang bigkas sa ispelling o kaya
ay sa pangngalang pantangi, gayundin sa mga salitang hiram sa ibat-ibang katutubong wika sa
Pilipinas na may unikong katangian. Dito rin sa paraang ito magagamit ang letrang wala sa 2—
letra ng dating Abakada.
Halimbawa:
13
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Kung gagamitin ang mga letrang “c, f, j, n, q, v, x, z, ch, ll, rr” sa mga karaniwang salita,
ang palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat maraming mga salita ang magkakaroon ng
ibat-ibang ispelling. Ang salitang “coche”, halimbawa, tinutumbasan natin sa Filipino ng “kotse”.
Subalit kung hindi magkakaroon ng control sa paggamit ng /c/ at /ch/ maari ring tanggapin ang
sumusunod na mga baybay: “coche - cotse - koche”. Kapag ganito ang nangyari, magiging
napakagulo ng sistema ng pagbaybay na ituturo sa paaralan.
Ang mga letrang “c, f, j, n, q, v, x, z, ch, ll, rr” ay hindi dapat mapasama sa pagbaybay ng
mga karaniwang salita sapagkat hindi pa nagrereprisinta ang alinman sa mga ito ng
makahulugang tunog o ponema.
Kung ang Ingles ay hindi isa sa mga opisyal na wika ng ating bansa, pamahalaan, kongreso,
hukuman, edukasyon o ng teknolohiya atbp. Hindi nakakapagtaka kung ang isang mag-aaral na
labis-labis ang pagkakahantad sa wikang Ingles ay magkunot ng noo sa mga katawagang
katutubo na itinutumbas sa mga katawagang natutuhan niya sa Ingles.
Maraming likhang salita ang lubhang mahaba, kakatwa, walang kahulugan kahit sa mga
napakahusay sa Filipino, at nakapipilipit ang dila.
14
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Halimbawa:
KALAKASAN NG “MAUGNAYIN”
Mga salitang tekikal na hindi karaka-rakang maasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa
ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayo na sa orihinal na anyo sa Ingles kaya
nagkakaroon ng “VisualRepulsion”.
Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa ibat-ibang katutubong wika. Mga
letrang /c/ at /f/ kapag isinama ang mga ito sa pagbaybay ng mga karaniwang salita, ang
kastilang “café” halimbawa ay magkakaroon ng apat na ispelling baryant na (kafe, café, cape,
kape.) gayundin sa Ingles na “coffee” ay magkakaroon ng (cofi, copi, kofi, kopi.) Ang siyang
tamang ispelling kung isinisama ang mga letrang /c/ at /f/ sa pagbaybay ng mga karaniwang
salita. Sa kasalukuyang Alpabetong Filipino ang /c/ ay itinuturing ng /k/, o /s/ batay sa kung
anong patinig ang kasunod, /k/ kung ang kasunod ay alinman sa “a, o, u”; “s” kung alinman sa “e,
I” gaya ng:
15
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Letrang /i/. Hindi rin magiging praktikal na gamitin ito sa mga karaniwang salita sapagkat sa
Ingles ay hindi lagging /j/ ang nagrerepresinta o kumakatawan sa tunog na /j/ gaya ng makikita
sa mga sumusunod:
Bukod dito ang /j/ ay /h/ ang tunog kapag sa Kastila hinihiram ang salita tulad ng
“cirujano, voltaje, carruaje, jabonera, viaje, jinete, jueteng, junta”, atpb.
At hindi rin maiiwasan ang paglitaw ng mga ispeling baryant na makagugulo sa ating
konsistent na sistema ng pagbaybay; tulad ng “dyip-jip, badyet-bajet”.
16
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Letrang /ñ/ bihirang gamitin ang letrang ito sa mga karaniwang salita. Ang totoo, bihirang
makinilya ang may ganitong tipo. Makikita lang ito sa ilang pangalang pantangi, tulad ng “Pena,
Rum Cana, Santo Nino”. Ang /ñ / ng mga karaniwang salitang Kastila at tinutumbusan sa Filipino
ng /ny/ gaya ng “canon=kanyon, pano=panyo, pina=pinya, bano=banyo atbp. Kung may mga
pangkat-etniko mang gumagamit ng /ñ / sa mga karaniwang salita, tulad ng Itbayat (nipin),
hindi ito sapat na dahilan upang gamitin na sa mga karaniwang salita ang nasabing letra.
Letrang /v/sa kasalukuyang alpabeto, ang letrang ito ay tinutumbasanng /b/ sa pagbaybay ng
mga karaniwang salita, tulad ng:
Letrang /x/sa kasalukuyang alpabetong Filipino ang /x/ ay tinutumbasan ng /ks/ tulad ng
“sexy=seksi, examine=eksamen,boxing=boksing”.
Hindi rin magiging paraktikal na panatilihin ang /x/ sa pagbaybay ng mga hiram na
karaniwang salita upang kumakatawan sa tunog na /ks/. Halimbawa nito ay “buksan, tuxo,
maliksi, taksil.” Atbp. Kapag kumakatawan sa /ks/ ang /x/ sa mga karaniwang salita ay hindi
baybayin nang “buxan, tuxo, malixi atbp.” Kung gagawa naman ng tuntunin na ang /x/ ay
gagamitin lamang sa mga karaniwang salitang hiram at ang /ks/ ay sa mga salitang katutubo.
Letrang /z/ tulad ng /j/ at iba pa sa mga letrang painag-uusapan, ang/z/ ay hindi
lamang kinakatawan ng /z/ gaya ng makikita sa mga sumusunod:
17
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Kung gustong panatiliinang /z/ salungguhitan ang salita o ipagawang italisado kung
ipalilimbag, tulad ng zoo, zodiac, zombie.
Sa
panghihiram ng salita na may katmbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang hiram sa
Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino.
18
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Kung hindi
konsistent ang ispeling
ng salita, hiramin ito at
baybayin nang
konsistent sa
pamamagitan ng paggamit
ng 20 letra ng dating Abakada.
19
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
May mga salita sa Ingles na maaring pansamantalang hiramin nang walang pagbabago
sa ispeling, tulad ng mga salitang lubhang di konsistent ang ispeling sa bigkas na kapag
binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mabakas ang orihinal na ispeling nito kaya’t
tinatanggihan ng paningin ng mambabasa.
Pansamantalang hihiramin nang walang pagbabago sa ispeling ang ganitung mga salita
sapagkat balang araw, malamang na ang iba sa mga ito ay baybayin na ng mga tagagamit ng
wika nang ayon sa paglabaybayang Filipino. Pansinin na ang “sandwich, clutch, brochure,
doughnut, coup d’ et at pizza pie” ay sinimulan nang baybayin nang ganito sa ilang pahayagang
Filipino “sandwits, klats, brosyur, donat”. Ang iba naman tulad ng “coach, champagne, habeas
corpus” ay maaring manatili sa orihintal na baybay. Maraming mga hiram na salita na sa
paglakad ng panahon ay bayan lamang ang makapagsasabi kung paano aasimilahin.
20
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
SIMULAIN NG PAGTITIPID
SANGGUNIAN:
https://www.academia.edu/35364443/ILANG_BATAYANG_ANG_KONSEPTO_AT_KAALMAN_SA
_FILIPINO_AT_PAGSASALING-WIKA
Pasulat na Pasulat #1
21
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
1. Higit na madaling manghiram ng mga salita sa Kastila kaysa Ingles sapagkat ang sistema
ng pagbabaybay sa Kastila, sa kalahatan, ay konsistent din na tulad ng sa Filipino.
2. Ganap ng naasimila ng Filipino ang isang salitang hiram sa Ingles kung ang nasabing
salita ay nahubdan na ng mga elementong banyaga at nabihisan na ng mga elementong
naaayon sa ating sariling sistema ng palatunugan, palabaybayan, at paraan ng paglalapi.
3. Ang salitang hiram sa Kastila na “circo” ay maaaring hiramin ng walang pagbabago sa
ispeling sapagkat nababasa naman ng maayos.
4. Upang umunlad ng husto ang wikang Filipino, kailangang gamitin sa pagbabaybay ng
mga karaniwang salita ang mga letrang “cfjñ qvxz” upang mahiram ang mga salitang
Ingles na may ganitong letra.
5. Ang panghihiram ng salita ay tulad lamang ng panghihiram ng isang bagay tulad ng
isang Barong.
6. May mga panlaping Ingles na nahiram na ng wikang Filipino at nailalapi na ngayon sa
mga salitang Filipino.
7. Ang panlaping “-ero(a)” ay sinasabing nahiram na natin sa Kastila sapagkat nailalapi na
ito sa mga katutubong salitang tulad ng, “basag-ulo, daldal.”
8. Samantala, ang panglaping “-er” ng Ingles ay hindi masasabing nahiram na natin
sapagkat hindi pa ito nailalapi sa alinmang salitang katutubo.
9. Kung ang palabaybayan o sistema ng pagbabaybay sa Ingles ay konsistent tulad ng sa
Filipino, walang magiging problema sa ating panghihiram ng mga salita.
10. Kapag ang salita ay Ingles, kailangang hiramin ito ng tuwiran sa Ingles at hindi na
kailangang isaalang-alang pa ang katumbas na salita sa wikang Kastila. Halimbawa, ang
salitang Ingles na “atom” ay dapat maging “atom” at hindi “atomo.”
11. Ang mga panlapi ng wikang Filipino ang itinuturing na “moog” nito; na ang mga ito ang
pinakahuling natitinag o napapalitan sa panahon ng panghihiram nito sa ibang wika.
12. Sa paglinang ng mga katawagang pang-agham sa Filipino, ito ay dapat lumikha kahit
may mga salitang mahihiram sa Ingles at iba pang higit na maunlad na wika ng daigdig.
13. Halos lahat ng mga nilikhang katawagan ng “Maugnayin” ng NSDB ay hindi nangabuhay
sapagkat walang mapananaligang sistema na sinunod o isinaalang-alang sa paglikha.
14. Ang pagbuhay sa mga “patay” nang salita sa Tagalog na tulad ng “ulnong” (society) sa
halip na gamitin na lamang ang “lipunan” o “sosyedad” ay isa pa rin sa mga itinuturing
na naging kahinaan ng “maugnayin.”
15. Gayunpaman, ang maituturing namang “kalakasan” ng “Maugnayin” ay ang paglikha ng
mga katawaga para sa mga salitang may kaugnayan sa seks, sa ating lipunan, tulad ng
“punlay” (sperm) na hinango sa “punlay ng buhay.”
16. Kapag pinanatili ang letrang “j”sa baybay ng mga karaniwang salitang hiram sa Ingles,
magugulo ang konsitent na sistema ng pagbabaybay sa Filipino sapagkat ang “j” ay hindi
lamang sa tunog na “j” ginagamit kundi gayundin sa tunog na “h” na tulad ng “voltaje,
jueteng, viaje”, at iba pa, kapag ang mga salita ay sa Kastila hiniram.
17. Sa kasalukuyang alpabetong Filipino, ang “j” ay tinutumbasan ng “dy”, tulad ng “jeep –
dyip, janitor – dyanitor, pajama – padyama”; ng “h”sa mga hiram na Kastila, tulad ng
“jinete – hinete, junta – hunta, carruaje – karwahe”, atb.
18. Ang sistema ng pagbabaybay sa iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas ay nagkaiba-iba
at kakatwa ang ispeling ng ibang salita sapagkat ang mga prayleng Kastila na nagturo ng
mga iyon ay hindi gaanong nakapag-aral.
19. Sa kasalukuyang alpabetong Filipino, ang letrang “q” ng mga salitang hiram ay
tinutumbasan ng “k”, tulad ng “quorum – korum, queso – keso, taquilla - takilya, querida
– kerida”, atb.
20. Walang karapatan ang nanghihiram na isunod niya sa kakanyahan ng kanyang sariling
wika ang bigkas at baybay ng salitang hinihiram. Halimbawa ang -“acion”/athion/ sa
“education” ng Kastila ay naging –“asyon” sa Filipino.
22
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
4. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag: “ang panghihiram ng mga salita buhat sa iba’t
ibang katutubong wika ay kailangang maging natural at hindi sa paraang arbitraryo o
artipisyal.”
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
Aktibiti #1
Paraan ng Pagmamarka:
Nilalaman = 15pts
Organisasyon = 8pts
Kabigatan ng mga ideya = 7pts
23
INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
_____________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
METCHIE C. CRUZADA
Visiting Instructor
24