You are on page 1of 37

5.

0 PANGHIHIRAM
NG MGA
KATAWAGANG
PANG-AGHAM:
ISANG PAG-AARAL
SULIRANIN SA PAGSASALIN
-Kakulangan sa katawagang
istandardisado na maitutumbas sa mga
katawagang pang-agham ng Ingles.
-hindi matiyak ng nagsasalin kung alin sa
mga salitang maaaring itumbas sa isang
salitang teknikal ang higit na
tatanggapin ng gagamit ng salin.
PINAG-ARALANG MGA URI NG SALIN
1. Salitang kastila na hindi binago ang ispeling.
2. Salitang Ingles na hindi binabago ang
ispeling.
3. Salitang Kastila na binaybay ayon sa
Abakada.
4. Salitang Ingles na binaybay ayon sa Abakada.
5. Salitang katutubo na kinuha sa “Maugnaying
Talasalitaang Pang-agham” ng Lupon sa
Agham ng National Science Development
Board.
ANG SARBEY
1. Talatanungan na ang mga tagasagot ay
pipili ng sa palagay nila ay siyang
pinakaangkop na katumbas ng isang
katawagang Ingles.
Halimbawa:
-A person skilled in science is called a
scientist.
- Ang isang taong dalubhasa sa agham o
“science” ay tinatawag na _________.
(scientist,siyentipiko
syentipiko,sayantist,cientipiko,aghamanon
,siyentista-syentista)
2. Talatanungan na ang mga tagasagot ay pipili
ng isa sa anim na uri ng salin (salin
V,Z,F,Q,C,X) na sa palagay nila ay higit na
angkop na salin ng talataang Ingles na ang
pinapaksa ay agham.
Salin V: Liberal na paggamit ng mga
katawagang Kastila nang walang pagbabago
sa ispeling.
Halimbawa:
Ang bata, sa pagitang ng mga edad na
siete hanggang trece o katorse anos, ay
nakahanda nang tumanggap ng fundamental
na kaalaman sa limang principal na larangan
ng ciencia, biologia, at ciencia social”
Salin Z : Liberal na paggamit ng mga
katawagang Ingles na walang
pagbabago sa Ispeling.
Halimbawa:
“ Ang child, sa pagitan ng mga age
na seven hanggang thirteen o
fourteen years, ay nakahanda nang
tumanggap ng fundamental
knowledge sa limang principal na
fields of science : mathematics,
physics,chemistry,biology at social
science.”
Salin F: Liberal na paggamit ng mga
katawagang Kastila ngunit, kaiba sa
una, binaybay ayon sa Abakada.
Halimbawa:
“ Ang bata, sa pagitan ng edad na
siyete hanggang trese o katorse
anyos, ay nakahanda nang tumangap
ng pundamental na kaalaman sa
limang prinsipal na larangan ng
siyensya:matematika,pisika,kimika,biy
olohiya at siyensya sosyal.
Salin Q: Liberal na paggamit ng mga
katawagang Ingles ngunit kaiba sa
ikalawa, binaybay ayon sa Abakada.
Halimbawa:
“Ang bata, sa pagitan ng eyds na
seben hanggang tertin o portin yirs,
ay nakahanda nang tumanggap ng
pundamental noleds sa limang
prinsipal pilds ng sayans: matimatika,
pisiks,kemistri,bayolodyi, at sosyal
sayans.
Salin C: Sa halip na manghiram sa kastila o Ingles
ang saling ito’y gumagamit ng mga katawagang
katutubo sa sumusunod na mga paraan: paggamit
ng katawagang (kung minsan ay panlapi lamang)
buhat sa iba’t ibang wika sa Pilipinas, paglikha o
pagbuhay sa mga sinaunang salita o panlapi na
bihira na ang gumagamit.
Halimbawa:
“Ang bata, sa pagitan ng mga gulang na pito
hanggang labintatlo o labing-apat na taon ay
nakahanda nang tumanggap na batayang
kaalaman sa limang pangunahing larangan ng
agham:sipnayan,liknayan,kapnayam,haynayan at
ulnayan.”
Salin X: Salin na sa palagay na
nagsasagawa ng sarbey ay siyang dapat
na maging salin, Ang saling ito’y walang
kinikilalang paraan sa panghihiram. Ang
pangunahing layunin dito ay
pagtanggap ng babasa ng salin,, kahit
saan ay nanggaling ang mga salita.
Kung masasabi mang makiling ang
saling ito sa mga salitang Kastila, hindi
man ito katulad ng una at ikatlo sa
paraan at dami ng panghihiram.
Halimbawa:
“Ang bata, sa pagitan ng mga
gulang na pito hanggang
labintatlo o labing-apat na taon,
ay nakahanda nang tumanggap
ng batayang kaalaman sa
alinmang prinsipal na larangan ng
agham: matematika, pisika,
kimika, biyolohiya, at agham
panlipunan”.
Mga paraan ng Panghihiram
sa Ingles

Paraan I. Pagkuha sa
katumbas sa Kastila ng
hiniram na salitang
Ingles at pagbaybay
dito nang ayon sa
palabaybayang
Filipino.”
Paraan II: Panghihiram sa
katawagang Ingles at pagbaybay
dito nang ayon sa palabaybayang
Filipino. Ang paraang ito ay ay
karaniwang isinasagawa (a) kung
hindi maaari ang paraan 1 (b) kung
walang katutubong salita na
magagamit bilang salin sa
katawagang Ingles.
Paraan III : Paghiram sa
katawagang Ingles nang
walang pagbabago sa ispeling.
Ginagamit lamang ang paraang
ito kapag ang hinihiram na
salita ay malayo ang bigkas sa
ispeling o kaya ay sa
pangngalang pantangi,
gayundin sa mga salitang
hiram sa iba’t ibang
katutubong wika sa Pilipinas
na may unikong katangian.
Dito rin sa paraang ito
magagamit ang mga letrang
wala sa 20-letra ng dating
Abakada.
MGA
MAUGNAYING
FILIPINO NG
NSDB
 Noong unang panahon na ang pakikipag-ugnayan
ng Pilipinas sa ibang bansa sa daigdig ay hindi
maituturing na isang pangkaraniwang gawain na
lamang na tulad ngayon. Mapapansin sa
kasaysayan ng mga wika ang mga unang wika sa
daigdig tulad ng Ebreo, Latin, at Griyego ay higit
na maugnayin kaysa nagsisunod ng mga wika.
 Kung ang Pilipinas ay higit na maunlad kaysa

ibang bansa na sa kasalukuyan ay pinakikipag-


ugnayan nito. Habang nananatili ang Pilipinas sa
kasalukuyanng atrasadong kalagayan
nito,masasayang lamang ang panahon ang
sinunang magtangkang lumikha ng isang
“maugnaying talasalitaan”para sa agham at
teknolohiya.
 Kung ang Ingles ay hindi isa sa mga
opisyal na wika ng ating bansa prinsipal
na wika ng pamahalaan, ng kongreso ,ng
hukuman, ng edukasyon,ng teknolohiya,
ng komersyo at industriya at ng iba pang
mahahalagang larangan. Hindi
nakakapagtaka kung ang isang mag-
aaral na labis-labis ang pagkakahantad
sa wikang Ingles ay magkunot ng noo sa
mga katawagang katutubo na itutumbas
sa mga katawagang natutuhan niya sa
Ingles.
MGA KAHINAAN
NG “MAUGNAYIN”
-ang paglikha ng terminolohiya buhat
sa Filipino at sa ibang katutubong
wika sa Pilipinas ay walang sistema. Sa
ibang salita isinasagawa ang paglikha
sa paraang arbitraryo. Maraming mga
likhang salita sa “MAUGNAYIN” na
kakatwa o banyagang-banyaga ang
dating sa karaniwang mambabasa
sapagkat ang pinagkabit-kabit ng
mga bahaging salita ay hindi
morpema o makahulugang yunit ng
pinagkunang mga wika.
- Lumikha pa ng mga katawagang gayong may mga
salita para sa mga ito na palasak na sa mga bibig
ng bayan.
-ang panghiram ng mga salita at panlapi sa ibang
katutubong wika at pagkatapos ay pagkakarga sa
mga ito ng ibang kahulugan
-maraming likhang salita ang lubhang
mahaba,kakatwa walang kahulugan kahit sa mga
napakahusay sa Filipino, at nakapipilipit ng dila.
-ang pagbuhay ng mga patay nang salita.
Namamatay ang isang salita kung wala nang
gumagamit nito; kung hindi na ito kailangan
sapagkat may kapalit nang ibang salita na higit na
mabisa,lalo na kung hiram sa wika ng dating
mananakop.
ANG KALAKASAN
NG “MAUGNAYIN”
-may mga likhang salita ang “Maugnayin” na
tumatama sa pangangailangan ng inilunsad
ng Pamahalaan ng pagpaplano ng pamilya.
Likas na na sa mga Pilipino, lalo na sa
matatanda, ang paggamit ng eupemistiko o
patalinghagang mga salita.
-ang “Maugnayin” ay nakpipigil sa labis na
panghihiram sa ibang wika, lalo na sa Ingles
na nakakaimpluwensya sa wikang Filipino
ngayon. Alam natin na labis-labis na
panghihiram ay maaaring humantong sa
pagkawasak ng mga likas na katangian ng
isang wika.
-ang panghihiram ng “Maugnayin” sa iba’t
ibang wikang katutubo ay ikinatutuwa ng
mga di-tagalog, lalo na ng mga
nagsasabing ang wikang binabansagan
nating Filipino, sa katotohanan,ay wikang
Tagalog lamang. Halos natitiyak natin na
hindi mabubuhay ang karamihan, kundi
man lahat, ng mga salitang artipisyal na
ipinasok sa wikang Filipino na “Maugnayin”
ngunit ang ganung sistema ay may
epektong sikolohikal sa mga di-Tagalog na
nadadala parin na “ethnic loyalty” o higit na
pagmamahal sa kinagisnang wika.
ANG ALPABETONG
FILIPINO AT
PAGSASALING WIKA
ANG GAMIT NG (8) DAGDAG NA MGA
LETRA
 Pantanging ngalan ng tao,
lugar,produkto,pangyayari,gusali atp.
 Ang salitang teknikal na hindi kara-karakang

maasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa


ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay
malalayo na sa orihinal na anyo sa
Ingles,kaya’t nagkakaroon na tinatawag na
“visual repulsion” sa mambabasa
 Mga salitang may unikong katangiang

kultural mula sa iba’t ibang katutubong wika


ISA-ISAHIN NATIN
ANG MGA LETRANG
NADAGDAG
Ang letrang “c” at “f”
Cabinet-kabinet
Comiks-komiks
Curriculum-kurikulum
Central-sentral
Circuit-sirkwit
Fraction-praksyon
Familiar-pamilyar
Fraternity-praterniti
Factor-paktor
Formula-pormula
Ang letrang “j”
/j/ “j”- sa jeep
“g” sa gem
“dg” sa budget
“di” sa soldier
“dj” adjective
“gg” exaggerate
“gi” sa region
Ang letrang “n”

Canon –kanyon
Pano-panyo
Pina-pinya
Bano-banyo
Dona-donya
Letrang “q”
“q” –”kw”
Quartz
Quiz
Quadratic
quantum
Letrang “v”
Vacation- bakasyon
Vacationing-nagbabakasyon
Vampire-bampira
Variable-baryabol
Vehicle-behikulo
Evaluation-ebalwasyon
Ang letrang “z”
/z/-”z”- sa zone
“x” sa xylophone
“cz”sa czar
“ss” sa scissors
MGA
HAKBANG SA
PANGHIHIRAM
 Ang unang pinagkukunan ng mga
salitang maaaring itumbas ay ang
leksikon ng kasalukuyanng
Filipino, kung mayroon.
 Sa panghihiram ng salita na may

katumbas sa Ingles at sa kastila,


unang preperensya ang hiram sa
Kastila. Iniaayon sa bigkas ng
salitang Kastila ang pagbaybay sa
Filipino.
 Kung walang katumbas sa Kastila o kung
mayroon man ay maaring hindi
mauunawaan ng nakararaming tagagamit
ng wika, hiramin nang tuwiran ang
katawagang Ingles at baybayin ito ayon sa
mga sumusunod
a.) kung konsistent ang ispeling ng salita,
hiramin ito ng walang pagbabago
b.) kung hindi konsistent ang ispeling ng
salita, hiramin ito at baybayin nang
konsistent sa pamamagitan ng paggamit ng
20 letra ng dating Abakada.
c.) Gayunpaman, may ilang salitang hiram na
maaring baybayin sa dalawang kaanyuan,
ngunit kailangan ang konsistensi sa
paggamit.
d.) Mga salitang hiam sa ibang katutubong
wika na nagtataglay ng unikong katangiang
kultural. Gayunpaman, walang magiging
problema kung iayon man kaagad ang
ispeling ng mga ito sa palabaybayang
Filipino sapagkat kitang-kita naman na ang
ispeling ng mga wikang katutubo ay
isinunod lamang sa palabaybayang Kastila.
e.) Mga simbolong pang-agham
Simulain ng
Pagtitipid

You might also like