You are on page 1of 15

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng Kolehiyo ng Edukasyon


ng St. Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng
bawat mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang Filipino.

Petsa : Hunyo 2020


Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Introduksiyon sa Pagsasalin
Uri ng Kagamitang Pagkatuto : Modyul 1

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga sumusunod


na panuto:
1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis College of
Bulanao.
2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit ano
mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon ng Saint
Louis College of Bulanao o sa may-akda
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap.

MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


 I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
 Ipasa ang mga kasagutan sa GOOGLE CLASSROOM ayon sa angkop na oras at petsa.
 Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess sa internet.
 Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
 Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN NG WIKA

I. MGA INAASAHANG BUNGA

A. Naipamamalas ang pag-unawa sa kaalamang pampananaliksik ng pagsasaling-wika batay sa mga


prinsipyo ng pagtuturo at pagkatuto.
B. Naipamamalas ang kaalaman sa teknik at pamamaraan ng pagsasalin ng mga tekstong literari at
di-literari
C. Nabibigyan ng video analysis ang mga konseptong nakapaloob tungkol sa pagsasalin ng wika
at nailalahad ang mga mahahalagang ideya na nakapalood dito.
D. Naisasalin ang mga sumusunod sa Filipino:SLCB Hymn at SLCB VISION/MISSION
E. Nakagagawa ng digital infographic timeline tungkol sa kasaysayan ng Pagsasalin wika sa
Daigdig. Isumite sa Google Classroom.
F. Nakalilikha ng graph na nagpapakita ng Kasaysayan ng Pagsasalin sa Bibliya Itala lamang ang
mga mahahalagang detalye.

II. NILALAMAN NG KURSO


Paksa
A. Makasaysayang Pag-unlad ng Pagsasaling-wika sa Daigdig
B. Pagsasalin sa Bibliya
C. Makasaysayang pag-unlad ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas noong Una at Ikalawang
D. Yugto ng Kasiglahan
E. Makasaysayang pag-unlad ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas noong Ikatlo at Ikaapat
na Yugto ng Kasiglahan
F. Pagsusuri ng Salin ng mga akdang Klasikal vs. Orihinal na Akda
G. Mga Simulain ng Pagsasalin
H. Mga Teknik at Pamamaraan ng Pagsasalin
I. Mga Simulain ng Pagsasalin
J. Mga Teknik at Pamamaraan ng Pagsasalin
K. Pagsasaling-Wika bilang isang Sining o Agham
L. Mga Katangian ng isang Tagasalin
M. Mga Tanyag na Tagasalin

III. KARANASANG PAMPAGKATUTO

KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA DAIGDIG

• Halaw sa aklat ni Savory (The Art of Translation, 1968).


• Ang pagsasaling wika ay kasintanda ng panitikan.
• Andronicus- kinilalang uang tagasaling wika sa Europe.
- Isang aliping Griyego na isinalin sa Latin ng patula noong 240 B.C ang Odyssey ni Homer na nasusulat
sa wikang Griyego
• Ang totoo, nakatulong ng malaki sa pagunlad ng mga bansa sa Europe ang pagsasaling wika. Ang
mabilis na pagangat halimbawa ng Arabia (dahil sa isang pangkat ng mga iskolar sa Syria na nakaabot
sa Baghdad na nagsalin ng mga isinulat nina Hippocrates, Plato, Aristotle at Galen) noong ikalawa
hanggang ikasiyam siglo mula sa kamangmangan ay dulot ng pagsasaling wika na isinagawa mula sa
wikang Griyego na siyang kilalang sentro ng sibilisasyon.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 2


• Ngunit nahaling ang mga Iskolar na ito sa ibang pagapapayamang intelektuwal kay naman nalipat sa
Toledo ang sentro ng karunungan sa larangan ng pagsasalin.
Dalawang tagasaling naging tanyag sa Toledo:
1. Adelard- ang nagsalin sa Latin ng mga isinulat ni Euclid na noon ay naisalin na sa Arabic.
2. Retines- ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.

Liber Gestorum Barlaam et Josaphat- isang dakilang salin sa Latin mula sa Griyego. Kinilala
rin ng mga Latin bilang santo at santa sina Barlaam at Josaphat (tauhang uliran sa paguugalia
pagiging maka-Diyos) kahit likha lamang.
Pagsasalin noong Ikalabindalawang siglo:

Nagsimula ang pagsasalin ng Biblia (nagsimula kay Wycliffe na sinundan ng salin ni Tyndale at
Coverdale).
Martin Luther- kinikilalang may pinakamabuting salin ng Bibliya na siyang nagpasimulang
makilala ang Germany sa larngan ng
pandaigdigang panitikan (1483-1646)
Jacques Amyot- isang Obispo sa Auxerre na siyang kinilalang “Prinsipe ng Pagsasaling
wika” sa Europe.
- Isinalin ang Lives of Famous Greek and Romans ni Plutrach noong 1559 na pinagkunan ng salin sa
Ingles ni Sir Thomas North noong 1579.

John Bourchier- kilalang tagapagsalin sa Inglatera noong 1467-1553. Karamihan sa


kaniyang salin ay nasa wikang Kastila na ngayon ay hindi na kawiwilihang basahin.
- Nakatala rin sa kasaysayan sa Alemanya dahil sa pagsasalin ng Chronicles ni
Froissart

 Ang panahon ng unang Elizabeth ang itinuturing na unang panahon ng pagsasaling wika sa Inglatera
ngunit ang panahon ng pangalawang
Elizabeth ang kinilalang pinakataluktok.
Thomas North- kinilalang pinakadakilang tagasalin sa Inglatera nang panahong iyon.
George Chapman- naglathala ng mga isinulat ni Homer noong 1598 at 1616.
John Florio- isinalin ang Essays ni Montaigne, isang babasahing tinuring na kasinghusay ng
Plutarch ni North.
Thomas Shelton- isinalin ang Don Quixote noong 1612
Ikalabimpitong Siglo:

Hobbles- nagsalin ng Thucydides at Homer ngunit hindi masyadong nagustuhan ng mambabasa.


John Dryden- nagsalin ng Jevenal at Virgil ngunit hindi rin masyadong nagustuhan ng mga
mambabasa. Gayunpaman, ay ibinibilang na isa sa mahuhusay na tagapagsalin noong kanyang panahon
sa dahilang pinag-uukulan niya ng maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin.
- Unang kinilala na ang pagsasalin ay isang sining.
Ikalabing-walong Siglo:

Alexander Pope- isinalin sa Ingles sa paraang patula ang Odyssey at Iliad ni Homer.
William Cowper- isinalin din saa paraang patula ang Odyssey noong 1791

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 3


A.W von Schlegel- isinalin sa Aleman ang mga gawa ni Shakespeare
Alexander Tytler- naglathala noong 1792 ng namumukod na aklat na may pamagat na Essay
on the Principles of Translation. Doon ay naglahad siya ng 3 panuntunan sa pagkilatis sa isang salin.
1. Ang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa o mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagkakasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa orihinal.

Ikalabinsiyam na Siglo:

Thomas Carlyle- isinalin noong 1824 ang Wilheim Meister ni Goethex. Naging
makasaysayan dahil nagpapatunay ito na mayroon din namang mga henyong manunulat sa Alemanya.
Dahil din sa kanya, nagsimulang pagtuunang- pansin ng mga palaaral ang panitikan ng Germnany.
Rubaiyat- isang akda ni Omar Khayyam ng mga Persyano noong 1859; isang uri ng tula na
may saknong na may apat na pentametro na ang ikatlong linya ay hindi nakatugma.
FitzGerald- isinalin ang Rubaiyat na may pagsisikap na mapanatili ang likas na
kagandahang estetiko na siyang kinagiliwan nang labis ng mga mambabasa.
Matthew Arnold- gumawa ng isang sanaysay noong 1861 na may pamagat na On
Translating Homer. Tumatalakay ito sa isang simulain na nag salin ay kailangang magtaglay ng bisang
katulad ng sa orihinal. Ang pagsasaling literal ay hindi kasinghalaga ng pagpapanatili ng bisang pang-
estetiko ng orihinal na salin.
F.W Newman – isa sa mga nagsalin ng Homer na naniniwalang ang isang salin ay
kailangang maging matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na nag kanyang binabasa
ay isang salin at hindi orihinal (taliwas sa paniniwala ni Arnold)

Ikadalawampung Siglo:

Naging isang karaniwang gawain na lamang ang pagsasaling wika. At wari raw na karamihan sa mga
nagsasalin ay sahol sa inspirasyon sapagkat ang pangunahing layunin na lamang ay “dami” at “hindi na
uri”
Bansang Japan- may malaking ginugugol para makaabot sa higit na nakararaming mamamayan ang
karunungan ng daigdig sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga ito sa wikang NIponggo.

MGA PAGSASALIN SA BIBLIA

Dalawang dahilan kung bakit naiiba ang larangan ng pagsasalin ng Biblia:


1. Ang paksa sa Biblia lalo na sa Matandang Tipan ay tumatalakay sa tao--- ang kanyang
pinagmulan, layunin at destinasyon.
2. Hindi mapasubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito kaya’t kinakailangang ng ibayong
pag-iingat at pambihirang kakayahan sa pagsasalin.
Wikang Aramaic ng Ebreo- wikang nakatalang kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan
noong unang siglo kung saan buhat ang salin ni Origen sa wikang Griyego noong ikatlomg siglo na
nakilala sa tawag na Septuagint.

John Wycliffe- ang kauna-unahang nagsalin ng Biblia sa Ingles noong ikalabing-apat na


siglo. Nagkaroon ito ng dalawang edisyon: Ang una ay nailabas noong 1382 sa tulong ni Nicholas; ang

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 4


ikalawa namna ay noong 1390 sa tulong ni John Purvey. Naganap ito sapagkat ang unang bersyon ay
naging lubhang literal at hindi idyomatikong Ingles.

William Tyndale- nagsagawa rin ng pagsasalin noong 1526 buhat sa wikang Griyego na
salin naman ni Erasmu. Mayroon itong talababa o footnotes kaya lamang ay hindi niya natapos kaya’t
ipinagpatuloy ni John Rogersna gumagamit ng sagisag panulat na Thomas Matthews.

Tatlong dinadakilang salin ng Biblia:

Jerome- nagsalin sa Latin ng Biblia noong ikaapat na siglo mula rin sa wikang Aramaic na
nakilala sa tawag na Vulgate.
Luther- nagsalin ng Biblia sa wikang Aleman
Haring James- nagsalin ng Biblia sa wikang Ingles (Inglatera) na kilala sa taguring
Authorized Version.
Great Bible- nirebisang Biblia na sinunod ng mga simbahan sapagkat nagkaroon ng kautusan
noong 1538 na ang lahat ng simbahan ay kinakailangang iisang bersyon lamang ang sinusunod.
- Nirebisa ni Coverdale ang Biblia ni Matthew
- Nagtataglay ng mga Salmo.

Geneva Bible- lumitaw noong 1560 na isinagawa nina William Whittingham at Jhon Knox
para sa pagpapalaganap ng Protestanismo.
Authorized Version- isang pagsasalin ni Haring James at ibang mga arsobispo na ang salin
ay matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng banal na kasulatan .
- Tumagal ng 15 taon
English Revised Version- inilimbag noong 1881 dahil sa mungkahi ni Obispo Winchester na
rebisahin ang Authorized version.
New English Bible- salin noong 1970 na inilimbag ng Oxford University Press na 20 taong
pinaghandaan.
Dahilan ng Muling Salin:
1. Maraming mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng
mga unang salin.
2. Nitong mga huling araw ay higit na naging masigla ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika.
3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos maunawan ng
kasalukuyang mambabasa.

KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS


 Unang Yugto- Panahon ng Kastila
Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin sa Pilipinas noong Panahon ng Kastila. Binigyang-diin sa
yugtong ito ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo kung saan nabibigyang-tuon ang pangangailangang
panrelihiyon ng mga akdang Tagalog at iba pang
mga katutubong akdang makarelihiyon, mga
dasal at iba pa, sa ikadadali ng paglalaganap ng
Iglesia Catolica Romana.
 Ikalawang Yugto- Panahon ng mga Amerikano
Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga
piyesang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila,
kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang
pambansa ng mga nasusulat sa Ingles.
Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa
mga teatro na siyang pinakapopular na libangan

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 5


ng mga tao sapagkat wala pa noong sinehan o televisyon. Mapapansin din ang dami ng mga salin sa
iba’t ibang genre ng panitikan sapagkat sa Panahon ng Amerikano nagsimulang makapasok sa Pilipinas
nang maramihan ang mga iyon mula sa Kanluran. Nang pumalit ang Amerika sa España bilang
mananakop ng Pilipinas, nagbago na
rin ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika. Kung ang pangunahing paraang ginamit noong
panahon ng kastila ay krus o relihiyon at espada para masakop ang Pilipinas; edukasiyon naman ang
kinasangkapan ng mga Amerikano. Ang mga Pilipino ay napilitang pag-aralan ang pagsasalita at
pagsulat sa Ingles.
 Ikatlong Yugto- Patakarang Bilingual
Sa ikatlong yugto ng kasiglahan ay nakadiin sa pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang
pampagtuturong nakasulat sa Ingles.
Ang mga kagamitang pampaaralan ay
tumutukoy sa mga aklat, patnubay,
sanggunian, gramatika at iba pa. Ito ay
nakaangkla sa Patakarang Bilinggwal sa
ating sistema ng Edukasyon Department
Order
No. 52.series of 198, na nagsasaad na
“Ang Pambansang Wika sa bansa ay Filipino at kailangan itong pagyamanin at pagyabungin batay sa
mga umiiral na mga wika sa bansa at iba pang wika”. Higit na marami ang mga kursong ituturo sa
Filipino kaysa Ingles, nangangahulugan na lalong pasiglahin ang pagsasalin sa Filipino ng mga
kagamitang pampagtuturong nakasulat sa Ingles.

 Ikaapat na Yugto- Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikan Di – Tagalog


Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di –Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa
ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng
panitikang talagang matatawag na “pambansa.”
Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na
magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language
Education Council of the Philippines) at ng SLATE
(Secondary Language Teacher Education ng DECS at
PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford
Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang
bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya


ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa:
Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling
materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.

Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga
piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong
vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim
at iba pang panitikan ng mga minor na wikain ng bansa.
Sa kabuuan, kapansin-pansin ang naging makabuluhang pagkakahabi ng kasaysayan ng pagsasalin sa
buong mundo hanggang umabot ito maging sa Pilipinas. Maraming magandang dulot ito ngunit patuloy
pa ring kumakaharap sa maraming suliranin.

NAGSASALUNGATANG PANINIWALA SA PAGSASALIN NG MGA AKDANG KLASIKA


- Mga akdang orihinal na nasusulat sa Griyego at Latin.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 6


- Ayon kay Woolf, isang pag-aaksya lamang ng panahon ang pagbabasa ng mga salin ng panitikang
Griyego. Ang alinmang salin tiyak na hindi makapapantay sa orihinal.

Dalawang Pangkat ng tagasaling-wika sa Ingles ng Panitikang Griyego:

Hellenizers- makalumang tagasalin


- Matapat sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin
- Paglilipat sa pinagsasalinang wika ng mga kakanyahan ng wikang isinasalin sa paraan ng
pagpapahayag tulad ng balangkas ng mga pangungusap at mga idyoma.

Modernizers- makabagong tagasalin


- Malaya
- Naglalayong makalikha ng mga salin sa kanilang wika, mga saling nahubdan mna ng mga katangian
at idyoma ng wikang sinalin at nabihisan na ng mga katangian at idyoma ng wikang pinagsalinan.

Aeneid- pagsasalin sa wikang Ingles ng Latin. Kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na


pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

Pinakakaraniwang paraan ng mga Tagapagsalin:


1. Pag-aralan ang katauhan ng awtor
2. Sapat na kaalaman sa wikang ginamit sa orihinal at sa sasalinan maging maalam sa paksang
tinatalakay.

Bakit hindi makagawa ng Machine Translator?


1. Idyoma o figure of speech
2. Pagkakaiba-iba ng istraktura o pagsusunod-sunod ng mga salita ng wika.
3. Maraming kahulugan ang maaaring ikarga sa isang salita
4. Napakaraming oras ang maaaring magugol sa pre-editing at post editing
5. Walang computerized bilingual dictionary
5.1 Ang kompyuter ay walang puso at damdamin, hindi malikhain.
5.2 Kulang sa teorya ang mga linggwista

ILANG SIMULAIN SA PAGSASALIN SA FILIPINO


MULA SA INGLES

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.


2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan
3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang tanggapin ng pinag-uukulang
pangakat na gagamit nito.
4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng
Bayan.
5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing establisado o unibersal na
ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa bayhay na katumbas sa
Filipino.
Hal: PTA (sa halim na SGM mula sa
Samahan ng mga Guro at Magulang )
Cm (sa halip na sm mula sa sentimetro)
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na apnumbas sa isang salita ng isinasaling
teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba bilang kahulugan.
Hal: “The Proud Rooster” Ang rooster ay maaarring tumbasan bilang tandang, tatyaw o katyaw.
7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita Ingles: Tell the children to return to their
seats.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 7


Di- matipid: Sabihin sa mga bata na magbalik sila sa kani-kanillang upuan. Matipid: Pabilikin ang mga
bata sa kanilang upuan.
8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng
pangungusap
Hal:
Umiyak ang bata – child
Bata pa siya – young
Bata ng senador ang babaing iyan – mistress
9. May mga pagkakataon na nag mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismo
sa
Filipino upang hindi pangit sa pandinig.
10. Ang kawalan ng paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang Filipino ay nauuwi
sa panggagaya o panghihiram hindi lamang ng mga salita kundi pati mga idyoma, paraan ng
pagpapahayag at balangakas ng mga pangungusap sa wikang Ingles.
11. Malaki ang pagkakaiba ng ‘Filipinong pasalita’ at ‘Filipinong pasulat’. Maraming pagkakataon na
ang tinatanggap nating mga uri ng pahayag na pasalita ay hindi natin tatanggapin kapag isinulat.
Hal: Absent si Nora noong Friday. Na-notice ito ng professor. Nagbigay ng test ang professor para sa
mga lessons na na –take-up ng class for
the whole week (Iwasan ang labis na hiram na salita)
12. Isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang hiram sa Ingles.
Hal. Solid at Liquid
Salin: Solido at Likido o kaya’y solid at likwid
Hindi: Solido at Likwid o solid atlikido
13. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi dapat malipat sa pinagsasalinag wika.
14. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag paalipin dito.

PAMAMARAAN NG PAGSASALIN
May mga uri o paraan ng pagsasalin:
a. MALAYANG PAGSASALIN. Ang minamahalaga sa pagsasalin ay ang kahulugan kaysa sa
istruktura ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa mahigpit na balangkas ng wikang isinasalin kundi
ang mensaheng gustong ipahayag.
Halimbawa:
I bought a new car. Bumili ako ng bagong kotse.
Ako ay bumili ng bagong kotse.
Bagong kotse ang binili ko.
b. DI-MALAYANG PAGSASALIN. NakaIukob na ang tagasalin sa estruktura ng pangungusap dahil
ito ang nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag.
Halimbawa:
1. How do you do? Kumusta ka? (Hindi maaari ang saling,
"Kumusta?" o "Paano ka, kumusta?")
2. Give him a hand. Tutungan mo siya. (Hindi maaari ang saling, "Bigyan mo siya ng kamay.")

c. ADAPTASYON. Pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo na sa orihinal


Halimbawa:
But to act that each tomorrow Kundi ang gumawa upang bawat bukas ay maging mayabong
Find us further than today Maging mabutaktak at maging mabungang higit kaysa noon
d. MATAPAT. Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang
kontekstwal ng orihinal.
Halimbawa:

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 8


Where there is hatred, let me sow love Itulot mong ako’y maghasik ng pag-ibig kung saan may
galit
e. IDYOMATIKONG SALIN. Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin.
Iniaangkop ang salin sa natural na anyo ng wikang pinagsasalinan.
Halimbawa:
Hand to mouth existence Isang kahig isang tuka
f. SALING SEMANTIKA. Pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural na tunog.
Halimbawa:
And lights her leafy arms to pray Ang dahumang bisig ay nangakataas sapanalangin
g. KOMUNIKATIBONG SALIN. Nagtatakda itong maisalin ang eksaktong kontekstwal na
kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng mambabasa.
Halimbawa:
I was given poverty that I might be wise. Binigyan niya ako ng karalitaan nang matuto sa
buhay
ANG WALONG METODO NG PAGSASALIN AY PINANGKAT NI NEWMARK (SA
ALMARIO, ET. AL, 1996) SA DALAWA.
And unang pangkat ay nagbibigay-halaga sa orihinal na wika at ang ikalawang pangkat naman
ay sa target na wika.

WALONG METODO NG PAGSASALIN


Sansalita-bawat-sansalita
Word-for-word translation ang tawag dito sa Ingles at katumbas itong sinabi ni Savory (1968) na: A
translation must give the words of the original. Ginagamit ito para ipakita ang kahulugan ng mga salita
at estrakturang mga wikang tinatalakay. Halimbawa
John gave me an apple.
Juan nagbigay sa akin mansanans.
Si Juan ay nagbigay sa akin ng mansanas.
Literal
Sa metodong ito, ang estrakturang SW ang sinusunod at hindi ang natural at mas madulas na daloy ng
TW, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan (primary sense) ng salita ang ibinibigay na
panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.
Halimbawa
My father is a fox farmer. That is, he raised silver foxes, in pens; and in the fall and early winter, when
their fur was prime, he killed them and skinned them. (Mula sa maikling kuwentong ´Boys and Girlsµ ni
Alice Munro)
Salin: Ang tatay ko ay isang magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay nagpapalaking mga lobong pilak; at sa
taglagas at maagang taglamig, kung ang kanilang balahibo ay pinakamataas, siya ay pinapatay sila at
binabalatan sila.
Matapat
Ayon kina Almario et.al., ito ay “Malaya at walang kontrol, at parang hindi na isang salin.”
Ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang sa
kahulugan ng orihinal.
Halimbawa

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 9


“For the last twenty years since he is burrowed into one-room apartment near Baclaran Church,
Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which stretched from sandy
bar into the murky and oil-tinted bay.” (Mula sa “The Drowning” ni F. Sionil Jose) Salin:
Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng
Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis.
Semantiko
Naiiba ito sa matapat na pagsasalin dahil dito binibigyan diin ang estetiko, ng tunog pagiging natural;
ang mga kulturang salita ay hindi gaanong binibigyan diin. Pinahihintulutan dito na maipasok ng
nagsasalin ang kanyang sariling pananaw. komunikatibo
Ito ay ang pagtatangkang magbigay pakahulugan sa nilalaman sa paraang katanggap- tangap at
nauunawaan ng mambabasa. idyomatiko
Ang mensaheng orihinal ay isinasalin sa paraang magiging madulas at natural ang daloy ng TW.
Ginagamit dito ang idyomang TW at sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag ngunit ipinapahayag
ang mensahe sa paraang kawili-wiling basahin.
Halimbawa bread and butter salin: hanapbuhay, trabaho to have a hand/voice
salin: magkaroon ng kinalaman, magkaroon ng kaugnayan sa pagpapasya dressed to kill salin: bihis na
bihis,nakapamburol, isputing
Malaya
- sinisikap ibigay ang eksaktong kahulugan ng orihinal habang sinusundan naman ang estrukturang
gramatikal ng simulaang lenggwahe. Kung paano inihanay ang mga salita sa simulaang lenggwahe,
gayon din ang ginagawang paghahanay ng mga salita sa tunguhang lenggwahe. Dahil ditto,
nagkakaroon ng problema sa madulas na daloy ng salin Halimbawa
When Miss Emily Grierson died, our whole town went to her funeral: the men through a sort of
respectful affection for a fallen monument, the women mostly out of curiosity to see the inside of her
house, which no one save an old manservant-a combined gardener and cook- had seen in the last ten
years. Salin:
Nang mamatay si Bb. Grierson, ang buong bayan ay pumunta sa kanyang libing: ang mga kalalakihan,
upang magpakita ng isang uri ng magalang na pagmamahal sa isang nabuwal na monumento, ang
kababaihan, dahil sa pag-uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibang nakakita
kundi isang matandang utusang lalaki-na hardinero-kusinero- sa nakalipas na di kukulangin sa sampung
taon.
Adaptasyon
Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyong salin dahil may pagkakataon na malayo na ito sa orihinal.
Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula at dula na halos tono na lamang o pangkalahatang
mensahe ang nailipat sa salin. Halimbawa
Quesera sera!
Whatever will be, will be the future's not ours to see Quesera sera! Salin:
Ay sirang-sira!
Ano ang mangyayari Di makikita ang bukas Ay sirang-sira!
ANG IBANG PARAAN NG PAGSASALIN
Transferens - ang paglilipat ng isang salita nanasusulat sa ibang alpabeto sa TL atpagkatapos ang
salitang ito ay nagiging hiramna at sa pagdaraan ng panahon dumadaan sanaturalisasyon.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 10


Halimbawa ang salitang diplomatiko ng Francescoup de'etat ay nilapat sa ating wika na nagingsalitang
hiram at dumaan sa naturalisasyonkaya ngayon ay mayroon na tayong kudeta.
Naturalisasyon - matapos ang transferens ngisang salita, ang salitang nilipat at naging hiram,ang salitang
ito ay dumadaan sa proseso ngnaturalisasyon kung saan ang salitangnabanggit ay inaangkop sa
palabigkasan,palabuuan at ortograpiya ng TL.

Halimbawa: Radio - Radyo – nagraradyo coup de'etat - kudeta – nagkudeta


Katumbas sa kultura - ang salitang kultural ayhinahanap ng katumbas sa TL. Halimbawa kungisasalin
ang paririlang as white as snow, angmagiging katumbas nito ay kasimputi ng yelo. Itoay maaaring tama,
subalit hindi natural kayahigit na mainam na gaimitin ang simputi ngbulak. Pag narinig ng batang
Pilipino angkasimputi ng bulak, ang konsepto ay pareho rinsa as white as anow sa mga batang
Amerikano.
Pagsasalin: Agham ba o Sining?
Kung ang mga awtor at dalubhasa sa larangan ng pagsasalin ay nagkakaisa sa pagsasabing
diwa,kahulugan o mensahe ang isinalin sa ibang wika , tila nagkakaiba naman ang kanilang opinion sa
katanungang kung agham ba ito o isang sining.Tingnan na lamang halimbawa ang pamagat ng mga
sumusunod na aklat: Toward a Science of Translating ni Eugene Theories ( 1964) ,The Art of
translation ni Theodore Savory (1959) at Sining ng Pagsasaling –wika ni Alfonso O. Santiago (1994)
Inilihad ni Gentzler (1959) sa kanyang aklat na Contemporary Translation Theories na ang
pagdevelop ni Nida ng agham ng pagsasalin ay udyok ng personal na hindi pagkagusto sa nakikita
niyang classical revival sa ikalabinsiyam na dantaon pagbibigay-diin sa katumpakang teknikal
,pagsunod sa anyo, at literal na pagpapakahulugan kaugnay ng kanyang gawaing pagsasalin ng bibliya
na noong una ay ‘practice-oriented’ ang kanyang sistemang sinusunod.Ayon pa kay Gentzler batid ni
Nida ang walang sistemang katangian ng lapit na practice-oriented kaya tinangka niyang maagham na
ivalideyt ang kanyang metodolohiya at gamitin ito sa pagsasalin sa kalahatan.Inilahad pa rin ni Gentzler
na ang Toward a Science of Translating na naging ‘Bibliya’ hindi lamang para sa pagsasalin ng bibliya
kundi para sa teoryang pagsasalin sa kalahatan mga tuntuning transformasyunal at ng kanyang
terminolohiya
Ito ang ipinahayag ni Nida (1964) : “…..though no one wii deny the artistics elements in good
translating,linguists ang philologist are becoming increasingly aware that the process of translating area
amenable to rigorous description .”
Ang pahayahag na ito ni Nida ay may pagpapaliwanag sa aklat ni Santiago na
ganito:Ipinaliwanag pa niya (Nida) na kapag pinag-usapan ang agham ng pagsasaling-wika (science of
translating), hindi natin maiiwasang pamasuong sa aspekto ng paglalarawan .Kung ang linggwistika,
aniya ay mauuring “ description science ‘. ang paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang
wika ay maaari ring ituring na isang syentipiko o makaagham na paglalarawan.
Ipinaliwanag pa niya na ang isang taong nagpipilit na ang pagsasaling-wika ay isang sining at
wala nang iba pa ay maaaring nagiging paimbabaw ang kanyang pagsusuri sa kanyang ginagawa.Hindi
siya lumalalim nang husto upang malimi niya ang mga makaagham na aspekto ng pagsasalin na
kalimitang nakatago sa ilalim ng lantad ng mga simulain at prinsipyo.Gayunpaman, tinatanggap din niya
ang katotohanan na ang isang taong yumayakap naman sa paniniwalang ang pagsasaling-wika ay isang
agham at wala nang iba pa ay hindi marahil napag-aralan nang husto ang kanyang ginagawa upang
mapahalagahan ang makasining na aspekto ng pagsasalin- isang di dapat mawalang sangkap sa isang
mabuting salin,lalo na sa mga obrang pampanitikan
Sinasabi pa ng mga hindi naniniwala na ang pagsasaling-wika ay isang sining na kung may
sining man ng pagsulat, sa pagsasaling-wika ay wala sapagkat isinalin lamang ang isang likhang-sining.
Ano naman ang sabi ni Savory (1959) na naniniwalang isang sining ang gawaing pagsasalin ? Ito ang
kanyang pahayag :
The contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have
had much experience of the work of translating ; there may be others who will not so readily agree (but)
a sound method is to compare the task of translating in all its forms with the universally acknowledge
arts of painting and drawing.They wii bw found to be parallel.step by step

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 11


Balikan natin ang akalat ni Santiago para sa paliwanag kaugnay ng pahayag na ito,Ganito ang
kanyang paliwanag: At kanyang (Savory) ipinaliwanag na sa pagpipinta, ang maling kulay o laki ng
isang guhit ay katumbas ng isang maling sa dimension,sukat o proporsyon ng alinmang bahagi ng
larawan ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigay-kahulugan sa tunay na diwa ng isang parirala.
Kapag ang isang tula. Ayon sa kanya (Savory).ay isinalin ng isang karaniwang tagapagsalin sa paraang
tuluyan,katulad lamang ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na hindi naging matapat sa orihinal na
larawan.Ang diwa ng nasa orihinal subalit sa saling tuluyan at ang tanawin sa sketch ay tulad din san g
nasa orihinal subalit sa salitang tuluyan at ang masasabing nawala an gang “musika” na nadarama ng
mambabasa sa orihinal na tula.Gayundin naman, sa sketch ng pintor ay namodipika na rin ang “buhay”
na pumipinting sa orihinal na larawan; na kung may kulay ang orihinal ,ang sketch ay naging black and
white.
Gayunpaman, ang bihasang tagapagsalin ay maaaring makagawa ng isang saling tuluyan nang
hindi nawawalang lubusan ang himig o “musika” ng orihinal, tulad din naman ng isang pintor na
nagbibigay-buhay pa rin ang kinokopyang larawan kahit iba ang kanyang mga gamit at
pamamaraan.Mababanggit na ang salin ng mga larawan kuha ng isang litratista. Ito’y tiyak,sapagkat ang
mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o diwa at hindi ang estilo ng awtor.Gayundin, ang pagsasaling
di-malaya ay maihahambing sa matapat na paglalarawan ni Michaelangelo sa kanyang mga painting
samantalang ang malayang pagsasalin ay maitutupad naman sa pamaraan ni Picasso Batay sa inilahad
na mga pahayag at pagpapaliwanag ng mga dalubhasa masasabi natin na ang gawaing parehong agham
at sining.

MGA KATANGIAN NG TAGASALIN


Si Santiago sa kanyang librong Sining ng Pagsasaling-wika ay maglagom sa tatlong katangian dapat
taglayin ng nagsasalin ayon kina Nida at Savory.Ang mga ito ay:
1) Sapat na kaalaman ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
2) Sapat na kaalaman sa paksang isasalin at
3) Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

Ang unang katangian binangggit ay nahahati sa dalawa- sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin. At sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan sa pagpapahayag
Sakop ng unang katangiang binanggit ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa gramatika ng mga
wikang sangkot.Kabilang ditto ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga kakanyahan ng dalawang wika, sa
sistemana paglalapi at pagbuo ng mga parirala na hidni maaaring ilipat sa Filipino o sa anumang wikang
salinan
Kaugnay ng mga kakanyahan ng wika, may binibigay si Otanes na ilang kakayahan ng Filipino at
Ingles na may kinalaman sa pagsasalin sa kanyang panayam sa Seminar-Workship in Translation of
Instructional Materials from English kakanyahan tungkol sa mga pariralang pangngalan (noun phrases),
sa panghalip mga pang ukol. Mga ‘noun phrase complement’, mga pandiwa at ‘word order’ Ang mga ito
ay tatalakayin sa susunod na pahina.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


Ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay magiging
mapanganib. Kailangan-kailangan dito ang kahusayan sa gramatika, wastong paggamit ng mga salita,
wastong pagbubuo, pagsusunod-sunod at iba pa. Subalit hindi pa rin garantiya ang mga iyan upang
siya’y makapagsalin nang maayos, lalo na kung ang isasalin ay mga malikhaing uri ng akda. Kailangan
pa rin dito ang sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
1. Gramatikal
2. Sosyolingguwistika
3. Pandiskurso
4. Estratehiko
2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 12


Nakalalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na
nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. Halimbawa: Ang isang
gurong hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng akdang tungkol sa
Biology kaysa gurong nagtuturo nito.
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay
wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang Filipino ay
gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At dahil sa pagkakaiba ng kultura ng dalawang
bansang kasangkot sa pagsasalin, hindi tayo dapat magtaka kung may mga pagkakataong hindi maisalin
nang maayos ang isang bahagi ng materyal na Ingles. Ang dahilan ay ang pagkakaiba sa kultura at hindi
dahil sa ang Filipino ay mahinang klase ng wika.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa
paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito

GABAY SA PAGSASALING- WIKA


1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o
pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa
tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi
malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang- pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang
wikang kasama sa pagsasalin
Narito ang mga ilang nakilala sa larangan ng pagsasalin.
 Robert Bridges, para sa kanya mas mahalaga ang estilo ng awtor kung ang isang mambabasa
ay bumabasa ng isang salin.
 Edward, Fitzgerald at Samuel Butter, sila ay nagsabi na dapat maging natural ang daloy ng
mga salita, madaling basahin at unawain at nararapat na maging idyomatiko ang salin.
 W. Newman ay naniniwala na hindi dapat makaligtaang isaisip ng
mambabasa na ang kaniyang binabasa ay isang salin.
 Si Arnold ay nagsasabing ang katapatan sa pagsasalin ay hindi
nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang
kinasusulatan ng mga isasalin.
Alexander Tytler
Kilala rin Alexander Tytler sa mundo ng pagsasalin na naglathala ng
isang libro na Essay on the Principles of Trnslation, 1971.  Narito ang
ilan sa kanyang mga prinsipyo sa pagsasalin: 1) Ang isang salin ay
kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa. 2) Ang estilo at paraan
ng pagkasulat ay kailangang katulad ng orihinal na diwa. 3) Ang isang
salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahing tulad ng orihinal.

IV. PAGTATAYA

GAWAIN 1
Gumawa ng digital infographic timeline tungkol sa kasaysayan ng Pagsasalin wika sa Daigdig. Isumite
sa Google Classroom.
Pamantayan:

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 13


Nilalaman-35%
Kaayusan ng paglalahad gamit ang mga detalye o impormasyon- 25%
Kalinisan at Kalinawan-25%
Kabuoang impak-15%
Kabuoan 100%

GAWAIN 2
Gumawa ng graph na nagpapakita ng Kasaysayan ng Pagsasalin sa Bibliya Itala lamang ang mga
mahahalagang detalye.
GAWAIN 3
Isalin ang mga sumusunod sa Filipino:
1. SLCB Hymn
2. SLCB VISION at MISSION

GAWAIN 4
Panoorin ang video na ito sa youtube https://www.youtube.com/watch?v=4PhLLo9551Y at bigyan ng
video analysis ang mga konseptong nakapaloob tungkol sa pagsasalin wika. Ilahad lamang ang mga
mahahalagang ideya na nakapalood dito.
GAWAIN 5
Sagutin ang mga sumusunod na pahayag sa hindi kukulanging 5 pangungusap.
1. Bakit kinakailangang magkaroon ang isang tagapagsalin ng mga kaalaman sa dalaang wikang
kasangkot sa pagsasalin?
___________________________________________________________________________________
2. Bakit kinakailangang mag-aral ang isang tagapagsalin sa mga kultura at mga konseptong nakapaloob
sa pagsasalin bago ito mag-umpisang magsalin?
___________________________________________________________________________________

V. SANGGUNIAN
• Almario, V.S. (2015). Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil
sa teorya at praktika ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng
sining (NCCA) at komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan..
• Almario, Virgilio S. (2015). Ang pagsasalin at pagpapaunlad sa wikang Pambansa
(Kabanata). Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya
at praktika ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA)
at komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Ang pagsasalin bilang muling pagtatanim (Kabanata).
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Sulyap sa kasaysayan ng pagsasalin sa Filipinas (Kabanata)
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Pagsasalin ay di biro (Kabanata) . Introduksyon sa pagsasalin
mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika ng pagsasalin: Pambansang
komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at komisyon ng wikang Filipino
(KWF). Manila: Aklat ng Bayan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 14


• Antonio, T.T. (2015). Pagsasalin ng kaalamang panteknolohiya (Kabanata).
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Muling-tula bilang hamon sa pagsasalin ng tula (Kabanata).
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Benjamin, W. (2015). Ang Tungkulin ng Tagasalin (Kabanata). Introduksyon sa
pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika ng pagsasalin:
Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at komisyon ng wikang
Filipino (KWF) (Salin ni M.M. Coroza.). Manila: Aklat ng Bayan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 15

You might also like