You are on page 1of 18

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng Kolehiyo ng Edukasyon


ng St. Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng
bawat mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang Filipino.

Petsa : Hulyo 2020


Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Introduksiyon sa Pagsasalin
Uri ng Kagamitang Pagkatuto : Modyul 1

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga sumusunod


na panuto:
1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis College of
Bulanao.
2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit ano
mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon ng Saint
Louis College of Bulanao o sa may-akda
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap.

MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


 I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
 Ipasa ang mga kasagutan sa GOOGLE CLASSROOM ayon sa angkop na oras at petsa.
 Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess sa internet.
 Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
 Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

I. MGA INAASAHANG BUNGA

A. Pagpapakita ng kaalaman sa kahulugan ng pagsasaling-wika at mga


nagsasalungatang paraan sa pagsasaling-wika sa iba’t ibang rehiyon
B. Pagpapakita ng pag-unawa sa mga simulain sa pagsasalin sa Filipino mula sa
Ingles at pagsasalin sa larangan ng agham at teknolohiya at paghihikayat ng
paikilahok ng mag-aaral
C. Pagpapakita ng pag-unawa sa panghihiram sa Ingles bilang Paraan ng Pagsasalin
at paghihikayat ng pakikibahagi ng mag-aaral.
D. Naipamamalas ang kaalaman sa nilalaman at paggamit ng pagsasalin sa loob at
kabuuan ng kurikulum at sa ibang disiplina
E. Naipamamalas ang kaalaman sa pagsasalin at pagtataya ng pagasasalin.
F. Nakapagsasalin ng iba’t ibang akda.

II. NILALAMAN NG KURSO


Paksa
Kahulugan ng Pagsasaling-Wika
Mga nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-Wika
Mga Smulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles
Pagsasalin sa larangan ng Agham at Teknolohiya
Panghihiram sa Ingles bilang Paraan ng Pagsasalin
Mga Suliranin at Minumungkahing Paraan ng pagsasalin
Panghihiram ng mga Katawagang Pang-agham at Teknolohiya
Pagsasalin ng mga Piling Akda

III. KARANASANG PAMPAGKATUTO

ANO NGA BA ANG PAGSASALIN WIKA?

Ayon kay C. Rabin , 1958:


“Ang pagsasaling-wika ay isang
proseso kung saan ang isang
pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at
ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa isang dati nang
umiiral na pahayag sa ibang wika.”

Ayon kay E. Nida, 1959/1966


“Ang pagsasaling-wika ay muling
paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang
mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.” Sa
simpleng salita, “Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na
katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.”

MGA NAGSASALUNGATANG PARAAN SA PAGSASALING-WIKA

Ayon pa rin sa mga sianbi ni Savory, napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika
na kalimitan ay nagsasalungatan. Walang isang prinsipyo o simulain sa pagsasalin ang

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 2


tinatanggap nang walang pasubali, lalo na ng mismong natuturingang mga dalubhasa o may
mahaba nang karanasan sa larang na ito. Ang nagsasalungatang paniniwala ng mga dalubhasa
ay nilagom ni Savory nang ganito:

• A translation must give the words of the original.


A translation gives the ideas of the original.
• A translation should read like an original work.
A translation should read like a translation.
• A translation should reflect the style of the original.
A translation should possess the style of the translator.
• A translation should read as a contemporary of the original.
A translation should read as a contemporary of the translator.
• A translation may add to or omit from the original.
A translation may never add to or omit from the original.

• A translation of verse should be in verse.


A translation of verse should be in prose.

NAGSASALUNGATANG PANINIWALA SA PAGSASALIN NG MGA AKDANG KLASIKA

Subok na ang lawak ng kapakinabangan ng lipunan sa pagsasaling-wika. Ganunpaman, napakarami pa


rin ang nagsasalungatang paniniwala sa pagsasalin ng mga klasikang akda.
Ayon kay Virginia Woolf, isang kilalang modernista sa larang ng literatura, “Isang pag-aaksaya lamang
ng panahon ang pagbabasa ng mga salin ng panitikang Griyego. Ang alinmang salin ay tiyak
na hindi makapapantay sa orihinal.”
Anupat maraming mga pala-palagay at paniniwala ang mga tagapagsalin na karamihan ay
magkakasalungat, gaya na lamang ng mga paniniwala ng dalawang pangkat ng mga
tagapagsaling-wka sa Ingles ng panitikang Griyego. Ang una ay ang pangkat ng mga
makaluma o ang tinatwag na hellenizers; ang ikalawa ay ang mga makabago o Modernizers.
Ang una ay matapat, ang huli ay Malaya. Ang layunin ng mga makaluma ay maging matapat
diumano sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng
kanilang isinasalin. Sa pangkat ng mga makaluma, ang kahulugan ng katapatan ay ang
paglilipat sa pinagsasalinang-wika ng mga kakanyahan ng wikang isinasalin sa paraan ng
pagpapahayag, tulad ng balangkas ng mga pangungusap at mga idyoma. Sila ay naniniwala na
ang salin ay dapat makilalang salin.
Samantala, ang mga makabago naman ay ang kasalungat ng layunin ng una. Nilalayon nilang
makalikha ng mga salin sa kanilang wika, mga saling nahubdan na ng mga katangian at
idyoma ng wikang isinalin at nabihisan na ng mga katangian at idyoma ng wikang
pinagsasalinan.
Savory, Art of Translation. 1968

SIMULAIN SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.


2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan
3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang tanggapin ng pinag-
uukulang pangakat na gagamit nito.
4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan
5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing establisado o
unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa bayhay na
katumbas sa
Filipino.
Hal: PTA( sa halip na SGM mula sa
Samahan ng mga Guro at Magulang )
Cm (sa halip na sm mula sa sentimetro)
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na apnumbas sa isang salita ng
isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 3


iba bilang kahulugan. Hal: “The Proud Rooster” Ang rooster ay maaarring tumbasan
bilang tandang, tatyaw o katyaw.
7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita
Ingles: Tell the children to return to their seats.
Di- matipid: Sabihin sa mga bata na magbalik sila sa kani-kanillang upuan.
Matipid: Pabilikin ang mga bata sa kanilang upuan.
8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng
pangungusap
Hal:
Umiyak ang bata – child
Bata pa siya – young
Bata ng senador ang babaing iyan – mistress
9. May mga pagkakataon na nag mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng
eupemismo sa
Filipino upang hindi pangit sa pandinig.
10. Ang kawalan ng paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang Filipino ay nauuwi
sa panggagaya o panghihiram hindi lamang ng mga salita kundi pati mga idyoma, paraan
ng pagpapahayag at balangakas ng mga pangungusap sa wikang Ingles.
11. Malaki ang pagkakaiba ng ‘Filipinong pasalita’ at ‘Filipinong pasulat’. Maraming
pagkakataon na ang tinatanggap nating mga uri ng pahayag na pasalita ay hindi natin
tatanggapin kapag isinulat.
Hal: Absent si Nora noong Friday. Na-notice ito ng professor. Nagbigay ng test ang professor
para sa mga lessons na na –take-up ng class for
the whole week (Iwasan ang labis na hiram na salita)
12. Isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang hiram sa
Ingles.
Hal. Solid at Liquid
Salin: Solido at Likido o kaya’y solid at likwid
Hindi: Solido at Likwid o solid at likido
13. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi dapat malipat sa pinagsasalinag
wika.
14. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag paalipin dito.

Hindi maitatangging sa umuunlad na


teknolohiya, maaari na ring mapalitan ng
makabagong pamamaraan ang pagsasalin.
Ang katotohanang ito ay bukas naman sa
larangan ng pagsasalin ngunit may mga
salik na naging dahilan kung bakit hindi
mabuo-buo ang machine translator” na
sana ay maging daan upang mapabilis ang
proseso ng pagsasalin.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi makabuo ng machine translator para sa di-
teknikal na Paksa:

1. Hindi pa maabot ng isip ng


kasalukuyang mga sayantist
kung papaano mabisang
maisasalin ang mga idyoma.
2.  Pagkakaiba ng istraktura o
pagkasusunod-sunod ng mga
salita ng wika.
3. Maraming kahulugan ang
maaring ikarga sa isang salita.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 4


4. Napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-editing at post-editing ng tekstong
isusubo rito
5.   Wala pang computerized bilingual dictionary.

Narito pa ang mga problema sa paglikha ng machine translator:


1. Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine.
2. Kulang pa sa nalalamang mga teorya ang mga linggwista tungkol sa paglalarawan at
paghahambing ng mga wika upang magamit.

Bakit hindi makagawa ng Machine Translator?


1. Idyoma o figure of speech
2. Pagkakaiba-iba ng istraktura o pagsusunod-sunod ng mga salita ng wika.
3. Maraming kahulugan ang maaaring ikarga sa isang salita
4. Napakaraming oras ang maaaring magugol sa pre-editing at post editing
5. Walang computerized bilingual dictionary
5.1 Ang kompyuter ay walang puso at damdamin, hindi malikhain.
5.2 Kulang sa teorya ang mga linggwista

PANGHIHIRAM NG MGA KATAWAGANG PANG-AGHAM: PAGSASALING-WIKA


Panimula
Ang dating Dalubhasang Normal ng Pilipinas ay pumasok sa isang kasunduan na isasalin
sa Filipino ang mga materyales pang-agham na inihahanda noon ng Science Education Center ng
Unibersidad ng Pilipinas. Bilang paghahanda, nagsagawa ang Language Study Center at
Materials Development Unit ng PNU ng isang sarbey upang alamin ang uri ng salin sa mga
kagamitang pang-agham na higit na maiibigan ng mga gagamit.

Suliranin sa Pagsasalin
Ang isa sa malubhang suliranin na kinakaharap ng isang tagapagsalin sa Filipino ng mga
katawagang istandardisado na maitutumbas sa mga katawagang pang-agham ng Ingles. Malimit
mangyari na hindi matiyak ng nagsasalin kung alin sa mga salitang maaaring itumbas sa isang
salitang teknikal ang higit na tatanggapin ng gagamit ng salin.

Pinag-aralang mga Uri ng Salin


Salitang Kastila na hindi binago ang ispeling(S- liquido)
Salitang Ingles na hindi binago ang ispeling(E- liquid)
Salitang Kastila na binaybay ayon sa Abakada(S-likido)
Salitang Ingles na binaybay ayon sa Abakada(E2-likwid)

Ang isinalin na katawagang”likido” at “likwid” ay kapwa nauunawaan ng isang nakapag-


aral na Pilipino, ngunit lumalabas sa sarbey na higit na ibig ng mga tagapagsagot ang”likido”
kaysa sa “likwid”.
Ang isa sa mga dahilan nito marahil ay ang higit na mahabang panahong pagkakahantad
ng mga Pilipino sa wikang Kastila kaysa sa Ingles dahil sa kahabaan ng panahong aktwal na
pananakop ng Espanya sa Pilipinas, higit na maraming salita sa tayong nahiram sa Kastila kaysa
sa ibang wika.
Maidaragdag pa rin na mas madaling manghiram sa Kastila kaysa Ingles sapagkat
parehong konsistent ang palabaybayan ng mga ito.

Sa kabuuan ng sarbey,masasabing:
 Ang paghihiram ng salita na binaybay nang ayon sa sistemang sinusunod sa Filipino, na
kung ano ang bigkas ay siyang sulat.
 Panghihiram sa halip na paglikha
 Kung ang katawagang Ingles ay may katumbas sa Kastila, iyon ang hinihiram, sa halip
na hiramin ito ng tuwiran.
 Higit na naiibigan ang mga salitang palasak na sa bibig ng bayan, maging katutubo,
likha, o kahit saang wika hiniram

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 5


 Limitadong panghihiram hangga’t maaari; lumikha lamang kung sadyang kailangang-
kailangan
 Patuloy na gagamitin sa mga karaniwang salita ang dalawampung(20)titik ng dating
abakada(a,b,k,d,e,g,h,i,l,m,n,ng,o,p,r,s,t,u,w,y)
 Gagamitin ang c,f,j,q,v,x,z,ch,ll,rr,n,sa ma pangalang pantangi(ngalang tao, lugar atb)at
sa mga katawagang lubhang teknikal na hindi karaka-raka maaasimila sa Filipino dahil sa
ispeling na di-konsistent
 Kung maaaring manghiram kapwa sa Kastila at Ingles, siyang gagamitin ang salitang
Kastila, maliban kung palasak nang ginagamit ang salitang Ingles.
 Kung hindi maiiwasan ang paglikha ng salita, hangga’t maaari ay kailangang ang isa sa
mga bahagi ng salita ay buong salitang-ugat na ang kahulugan ay tumutugon sa
kahulugan ng katawagang tinutumbasan.
 Maaaring gamitin ang mga salitang galing sa ibang wika sa Pilipinas o sa ibang wikang
banyaga, bukod sa Ingles o Kastila, kung ang naunang mga tuntunin ay hindi magamit sa
dahilang walang salitang makukuha o malilikha.

Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles


1. Paraan 1: Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hiniram na salitang Ingles at pagbaybay
dito nang ayon sa palabaybayang Filipino. Kung hihiramin, halimbawa, ang
salitang”electricity,” kunin ang katumbas nito sa Kastila-”electricidad”at pagkatapos ay
baybayin ito nang”elektrisidad”
2. Paraan 2: Paghiram sa katawagang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang
Filipino. Ang paraang ito ay karaniwang isinasagawa:
A. kung hindi maaari ang Paraan I
B. kung walang katutubong salita na magagamit bilang salin ng katawagang Ingles.
Halimbawa: Ingles -Christmas Tree
Filipino - Krismas Tri
Pansinin na mayroon tayong”Pasko” at “puno” ngunit hindi maaari ang”Pamaskong
Puno”.
Tricycle
Traysikel
Ang katumbas ng”bicycle” ay”bisikleta”.Ang ginamit na paraan I. Subalit
ang”tricycle”ay hindi na naging”trisikleta”.

3. Paraan 3: Paghiram sa katawagang Ingles nang walang pagbabago sa ispeling. Ginagamit


lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo ang bigkas sa ispeling.
Ginagamit lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo ang bigkas sa
ispeling o kaya ay sa pangngalang pantangi, gayundin sa mga salitang hiram sa iba’t
ibang katutubong wika sa Pilipinas na may unikong katangian. Dito rin sa paraang ito
magagamit ang mga letrang wala sa 20 letra ng dating Abakada.

Ilang halimbawa:
 Lingua franca
 Manila Zoo
 Chess
 Golf
 Juan dela Cruz
 Coke
 Visa
 Quezon City
Kung gagamitin ang mga letrang c,f,j,n,q,v,x,z,ch,ll,rr sa mga karaniwang salita, ang
palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat maraming mga salita ang magkakaroon ng iba’t
ibang ispeling. Ang salitang” coche”,halimbawa, ay tinutumbasan natin sa Filipino ng kotse.
Subalit kung hindi magkakaroon ng kontrol sa paggamit ng”c”at “ch”, maaari ring tanggapin ang
sumusunod na mga baybay:coche-cotse-koche. Kapag ganito ang nagyari, magiging napakagulo
ng sistema ng pagbaybay na ituturo ng paaralan.
Samakatwid, sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino, hangga’t maaari ay dapat
manatili ang isa-sa-isang pagtutumbasan ng ponema o makahulugang tunog at ng letra o titik.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 6


Ang mga letrang c,f,j,n,q,r,x,z ay hindi dapat mapasama sa pagbaybay ng mga karaniwang salita
sapagkat hindi pa nagrereprisinta ang alinman sa mga ito ng makahulugang tunog(ponema) sa
Filipino.
Ang” Maugnaying Filipino”ng NSDB (National Science Development Board) Dr.
Rogelio Relova at Engr. Gonsalo del Rosario- tinangka ng Lupon na bumuo ng mga katawagan
o terminolohiyang pang-agham sa Filipino na may”internal consistency”o pagiging
maugnayin.Lansakan ang ginawang paglikha ng Lupon ng mga terminolohiyang pang-agham,
isang paraang maituturing na salungat sa normal na pagpapaunlad ng wika.

Mga Kahinaan ng”Maugnayin”


1. Ang paglikha ng mga terminolohiya buhat sa Filipino at sa ibang katutubong wika sa
Pilipinas ay walang sistema.
2. Lumikha pa ng mga katawagan gayong may mga salita para sa mga ito na palasak na sa
bibig ng bayan.
3. Ang paghiram ng mga salita at panlapi sa ibang katutubong wika at pagkatapos ay
pagkakarga sa mga ito ng ibang kahulugan.
4. Maraming likhang salita ang lubhang mahaba,walang kahulugan kahit sa mga
napakahusay sa Filipino at nakapipilipit ng dila.
5. Ang pagbuhay ng mga patay nang salita. Namamatay ang isang salita kung wala nang
gumagamit nito; kung hindi na ito kailangan sapagkat may kapalit nang ibang salita na
higit na mabisa, lalo na kung hiram sa wika ng dating mananakop.

Kalakasan ng “Maugnayin”
1. May mga likhang salita ang “Maugnayin” na tumatama sa pangangailangan ng inilunsad
ng pamahalaan na pagpaplano ng pamilya.
2. Ang”Maugnayin”ay nakapipigil sa labis na panghihiram sa ibang wika, lalo na sa Ingles
na labis na nakakaimpluwensya sa wikang Filipino sa ngayon.
3. Ang panghihiram ng”Maugnayin”sa iba’t ibang wikang katutubo ay ikinatutuwa ng mga
di-tagalog,lalo na ng mga nagsasabing ang wikang binabansagan nating Filipino,ay
wikang tagalog lamang.

Ang Alpabetong Filipino at Pagsasaling-Wika


Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling- wika sa modyul na ito ay ang pasulat,
nararapat lamang na magkaroon ang magsasagawa ng pagsasaling-wika ng mga batayang
kaalaman sa anyong pasulat ng Filipino, ayon sa kasalukuyang Alpabetong Filipino. Gaya ng
nabanggit na, walang problema kung ang panghihiram ay pasalita, subalit sa sandaling tangkaing
isulat ang mga salitang hinihiram, doon na lilitaw ang problema sa ispeling.

Bilang ng mga letra


Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra sa ayos ng sumusunod: A, B, C, D, E, F,
G, H, I, J, K, L, M, N, N, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. Sa 28 letrang ito ng alpabeto,
ang 20 letra lamang ng dating Abakada ang gagamitin sa mga karaniwang salita. Samakatwid,
mananatili ang tuntuning”kung ano ang bigkas ay siyang sulat, at kung ano ang sulat ay siyang
basa.”

Gamit ng 8 dagdag na mga letra


Ang walong dagdag na mga letra(C, F, J, N, Q, V, X, Z)ay gagamitin lamang sa mga:

1. Pantanging ngalan ng tao, lugar, produkto, pangyayari, gusali


2. Mga salitang teknikal na hindi karaka-rakang maaasimila dahil kapag binaybay nang
ayon sa ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayo na ang orihinal na anyo sa
Ingles, kayat nagkakaroon ng tinatawag na visual repulsion sa mambabasa
3. Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa iba’t ibang katutubong wika.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM


1. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino, kung mayroon. Halimbawa: Hiram na salita Filipino Rule
tuntunin Ability kakayahan Skill kasanayan East silangan

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 7


2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang
hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino.
Halimbawa: Ingles Kastila Filipino Check cheque tseke Liter litro litro Liquid liquido
likido Education educacion edukasyon
3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi mauunawaan
ng nakakaraming tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at
baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan:
A. Kung konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa: Ingles Filipino Reporter reporter Editor editor Soprano soprano Alto
alto Memorandum memorandum
B. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin nang
konsistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada.
Halimbawa: Ingles Filipino Control kontrol Meeting miting Leader lider Teacher
titser
Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaring baybayin sa dalawang kaanyuan,
ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit. Halimbawa: Barangay baranggay Kongreso
konggreso Tango tanggo(sayaw) Kongresista konggresista Bingo bingo

 
ANG PAGSALIN SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Isinisaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na ang mgaasignaturang araling
panlipunan/ agham panlipunan, wastong pag-uugali,edukasyong panggawian, edulasyong
pangkalusugan at edukasyong pisikal(social studies/social science, character education, work
education, healtheducation and physical education) ay ituturo sa Pilipino (Filipino),
samantalangang agham at matematika ay sa Ingles.

ANG PANGHIHIRAM SA INGLES: MGA SULIRANIN AT MUNGKAHING PARAAN


Ang Pilipinas ay may dalawang opisayal na wika: una, ang Filipino namay potensyal na
yaman ngunit hindi pa gaanong maunlad at kailangangpagyamanin at paunlarin nang husto
upang makaganap sa tungkulin ng isangtunay na wikang pambansa. Ikalawa, ang Ingles na wika
n gating datingmananakop, isang wika ng maunlad at malaganap sa daigdig, na nagsisilbingtulay
sa ating pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng karunungan saibat-ibang larangan.Dahil
sa labis-labis na pagkakahantad natin sa wikang Ingles,lumitaw ang isang malubhang problema
sa panghihiram. Ang palabaybayin osistema ng pagbaybay ng wikang pambansa nga nagpakita
ng kakayahan sapag-asimila ng mga salitang-hiram sa Kastila ay kinakitaan naman ngkahinaan
sa pag-asimila ng mga salitang hinihitram sa wikang Ingles.
Pansinin na sa “plaskard” na mula sa “flashcard” ay nawala na angtunog na /f/ at /sh/, at
ang letrang “c” naman ay napalitan na ng “k”. Ang totoo kapag sistema ng pagbaybay ng mga
wikang gumagamit ng mga letrangRomano ang pinag-usapn, ang Ingles na marahil ang siyang
maypinakamagulong Sistema
Letrang /z/ tulad ng /j/ at iba pa sa mga letrang painag-uusapan, ang/z/ ay hindi lamang
kinakatawan ng /z/ gaya ng makikita sa mgasumusunod:
Sa kasalikuyang alapabeto, ang “z” ay tinutumbasan ng /s/, tulad ng“cruz=krus/kurus,
zapatos=sapatos, lapis=lapis atbp. Kung gusting panatiliinang /z/ salungguhitan ang salita o
ipagawang italisado kung ipalilimbag, tuladng zoo, zodiac, zombie.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM


Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaring itumbas ay angleksikon ng
kasalukuyang Filipino, kung mayroon.Sa panghihiram ng salita na may katmbas sa Ingles at sa
Kastila, unangpreperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila
angpagbaybay sa Filipino.Kung konsisitent ang ispeling ng salita, hiramin ito ng
walangpagbabago.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 8


DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 9
DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 10
DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 11
Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent sa
pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada. Gayunpaman, may ilang salitang
hiram na maaring baybayin sadalawang kaanyuan, nggunit kailangan konsistensi sa paggamit.
May mga salita sa Ingles na maaring pansamantalang hiramin nangwalang pagbabago sa
ispeling, tulad ng mga salitang lubhang di konsistentang ispeling sa bigkas na kapag binaybay
ayon sa alpabeting Filipino ay hindi na mabakas ang orihinal na ispeling nito kaya’t
tinatanggihan ng paningin ng
mambabasa. Pansamantalang hihiramin nang walang pagbabago sa ispeling ang ganitong mga
salita sapagkat balang araw, malamang na ang iba sa mga ito ay baybayin na ng mga tagagamit
ng wika nang ayon sa palabaybayang Filipino.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 12


Pansinin na ang “sandwich, clutch, brochure, doughnut, coup d’ etat pizza pie”
ay sinimulan nang baybayin nang ganito sa ilang pahayagang Filipino “sandwits, klats, brosyur,
donat”. Ang iba naman tulad ng “coach, champagne, habeas corpus” ay maaring manatili sa
orihinal na baybay.
Maraming mga hiram na salita na sa paglakad ng panahon ay bayan lamangang
makapagsasabi kung paano aasimilahin.
Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng katangiang cultural.
Gayunpaman,walang magiging problema kung iaayon man kaagad ang ispeling ng mga ito sa
palabaybayang Filipino sapagkat kitang-kita naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo ay
isinunod lamang sa palabaybayang kastila.

SIMULAIN NG PAGTITIPID
Likas na nangyayari sa anumang antas ng wika-palantunugan (oponolohya), palabuan (o
morpolohya), palaugnayan (o sintaks)- ang pagtitipid.Kung may mga letra sa isang salita na
maaaring alisin na lang:
Halimbawa
“dyip” sa halip na “diyip”
 “demokrasya” sa halip na “demokrasiya”.
May mga matatandang tanod ng wika ang nagsasabing kailangan daw ay “demokrasiya”
sapagkat iyon daw ang tamang bigkas ng salitang hiram sa Kastila na “democracia”. Karapatan
ng nanghihiram na isunod niya sa kakanyahan o katutubong sistema ng pagbuo at pagbibigay ng
diin sa alinmang pantig ngsalita.

Pagsasalin sa teksto
Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagsulat kung saan isinusulat muli ang teksto sa ibang
wika batay sa gagamitin ng tagasalin subalit hindi nawawala ang diwa ng orihinal nito.
Kadalasan, ang mga akdang nakasulat sa Ingles ay naisasalin sa Filipino sapagkat ang wikang ito
ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Pilipino.
Mahalaga ang pagsasalin upang makaabot sa iba pang panig ng daigdig ang mga akda
mula sa iba’t ibang lugar. Sa ganitong pagkakataon ay nawawala ang balakid ng pagkakaiba-iba
ng wika sa pagkakaunawaang global.
Ayon sa Webster’s New World Dictionary of the American Language, ang salitang
translate ay nangangahulugang “to change from one language into another: to put into different
words” (palitan ang wika tungo sa ibang wika; ilahad sa ibang pananalita). Samantalang
isinasaad naman ng New Standard Dictionary ang kahulugang “to give sense or meaning of in
another language” (ibigay ang diwa o kahulugan sa ibang wika). Maipalalagay na higit na tiyak
at malinaw ang ibinigay na katuturan ni Eugene Nida at Charles Taber (1969) na ang
pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa target na wika ng pinakamalapit na natural na
katumbas ng mensahe ng orihinal na wika, una’y batay sa kahulugan at ikalawa’y batay sa estilo.

Halimbawa
Beauty and Duty
I slept, dreamed that life was Beauty;
I woke, and found that life was Duty.
Was thy dream then a shadowy lie?
Toil on, sad heart, courageously,
And thou shalt find thy dream to be,
A noonday light and truth to thee.
 
Kagandahan at Katungkulan
Sa aking pangarap, buhay ay marikit.
Nung ako’y magising ito pala’y sakit.
Sinungaling kaya ang panaginip?
Malungkuting puso, hayo na’t magtiis,
Darating ang araw na ang ninanais
Ay katotohanang iyong makakamit.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 13


Love
is …
Giving not selfishly Getting
Sharing, not Demanding
Assuring, not Blaming
Forgiving, not Hating
Trusting, not Doubting
Concern for others, Not for one’s self.
 
Ang Pag-ibig
ay…
Pagbibigay, hindi makasariling Pagtanggap
Pakikihati, hindi Paghingi
Pagtiyak, hindi Paninisi
Pagpapatawad, hindi Pagkapoot
Pagtitiwala, hindi Pag-aalinlangan
Pagmamalasakit sa iba,
Hindi pagkamakasarili.

IV. PAGTATAYA

GAWAIN 1: PAGSAGOT SA SUMUSUNOD NA TANONG


1. Anu-ano ang mga pandaigdigan, pambansa at pangrehiyong suliranin sa pagsasalin?
2. Ano ang dahilan ng mga nabanggit na mga suliranin? Ipaliwanag.
3. Anu-anong mga paraan ang maaaring makatugon sa mga suliraning ito?
4. Paano mo magagamit sa gawaing pagsasalin at sa ibang disiplina?

GAWAIN 2: APLIKASYON SA PAGSASALIN: Tandaan: Huwag gumamit ng google


translator sa pagsasalin ng mga akda.

A. Isalin sa Filipino ang akdang:

Love You Forever


by Robert Munsch

A mother held her new baby and very slowly rocked him back and forth, back and
forth, back and forth. And while she held him, she sang:

I'll love you forever,


I'll like you for always,
As long as I'm living
my baby you'll be.

The baby grew. He grew and he grew and he grew. He grew until he was two years
old, and he ran all around the house. He pulled all the books off the shelves. He
pulled all the food out of the refrigerator and he took his mother's watch and
flushed it down the toilet. Sometimes his mother would say, "this kid is driving me
CRAZY!"

But at night time, when that two-year-old was quiet, she opened the door to his
room, crawled across the floor, looked up over the side of his bed; and if he was
really asleep she picked him up and rocked him back and forth, back and forth,
back and forth. While she rocked him she sang:

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 14


I'll love you forever,
I'll like you for always,
As long as I'm living
my baby you'll be.

The little boy grew. He grew and he grew and he grew. He grew until he was nine
years old. And he never wanted to come in for dinner, he never wanted to take a
bath, and when grandma visited he always said bad words. Sometimes his mother
wanted to sell him to the zoo!

But at night time, when he was asleep, the mother quietly opened the door to his
room, crawled across the floor and looked up over the side of the bed. If he was
really asleep, she picked up that nine-year-old boy and rocked him back and forth,
back and forth, back and forth. And while she rocked him she sang:

I'll love you forever,


I'll like you for always,
As long as I'm living
my baby you'll be.

The boy grew. He grew and he grew and he grew. He grew until he was a teenager.
He had strange friends and he wore strange clothes and he listened to strange
music. Sometimes the mother felt like she was in a zoo!

But at night time, when that teenager was asleep, the mother opened the door to his
room, crawled across the floor and looked up over the side of the bed. If he was
really asleep she picked up that great big boy and rocked him back and forth, back
and forth, back and forth. While she rocked him she sang:

I'll love you forever,


I'll like you for always,
As long as I'm living
my baby you'll be.

That teenager grew. He grew and he grew and he grew. He grew until he was a
grown-up man. He left home and got a house across town. But sometimes on dark
nights the mother got into her car and drove across town.  If all the lights in her
son's house were out, she opened his bedroom window, crawled across the floor,
and looked up over the side of his bed. If that great big man was really asleep she
picked him up and rocked him back and forth, back and forth, back and forth. And
while she rocked him she sang:

I'll love you forever,


I'll like you for always,
As long as I'm living
my baby you'll be.

Well, that mother, she got older. She got older and older and older. One day she
called up her son and said, "You'd better come see me because I'm very old and
sick." So her son came to see her. When he came in the door she tried to sing the
song. She sang:

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 15


I'll love you forever,
I'll like you for always...

But she couldn't finish because she was too old and sick. The son went to his mother.
He picked her up and rocked her back and forth, back and forth, back and forth. And
he sang this song:

I'll love you forever,


I'll like you for always,
As long as I'm living
my Mommy you'll be.

When the son came home that night, he stood for a long time at the top of the stairs.
Then he went into the room where his very new baby daughter was sleeping. He
picked her up in his arms and very slowly rocked her back and forth, back and forth,
back and forth. And while he rocked her he sang:

I'll love you forever,


I'll like you for always,
As long as I'm living
my baby you'll be.

B. Isalin sa Ingles ang akdang:


Ang Parabula ng mga Posporo
Katha nina Jean Llorin at Pia Noche

Sa dulo ng isang tahimik na kahuyan, may isang payak na bahay kubo. Sa kusina ng
bahay kubo ay may isang maliit na kahon ng posporo. May nakatirang halos limampung palito
ng posporo sa loob ng kahon.
Isang araw, isang posporo na nagngangalang Lito ay nagsalita.
“Hindi ba ninyo napapansin na nabawasan ang bilang natin? Kapag bumubukas ang ating bahay,
isa sa atin ay kinukuha.”
“Kinukuha? Saan sila dinadala, Kuya Lito?” tanong ni Pilita, ang bunso sa mga palito ng
posporo.
“Hindi ko nga alam, eh. Basta kinukuha na lang sila. Kapag kinuha na ang isa sa atin,
mabilis na isinasara ang bahay natin at dumidilim muli. Ang alam ko lang ay nabawasan uli tayo
ng isa.”
Nabalisa ang ibang posporo habang binibilang nila kung ilan na lang ang
natitira sa kanila. Dahil hindi nila nais iwan ang kanilang tahanan, nangako silang magkapit-bisig
kapag binuksan muli ang kahon na kanilang tinitirhan.
Isang araw, nang bumukas ang kahon, biglang nagkapit-bisig ang mga takot na posporo.
Nanalangin sila na walang makuha sa kanilang pamilya. “Kumapit ka sa akin nang mahigpit,”
bulong ni Lito sa posporong katabi niya.
Buong tapang na tumingala si Lito. Nakita niya na may malalaking daliri na dumampot
ng isang posporong nanginginig sa takot. Dahil nakakapit-bisig sila, may ilang posporo na
nahila palabas ng kahon. Nahulog ang mga ito sa sahig ng kusina.
Si Lito ay isa sa mga nahulog na posporo. Nauntog ang kanyang ulo sa paa ng mesa at
naramdaman niya ang lamig ng sahig. Napansin ni Lito na malapit nang lumubog ang araw.
Itinaas ni Lito ang kanyang ulo upang tawagin ang ibang nahulog na posporo. Sa kaunting
liwanag, namasid niya na si Pilita ang hawak ng malaking kamay. Si Pilita na bunso ng kanilang
pamilya.
Laking gulat ni Lito sa sumunod na pangyayari. Ikiniskis ng malaking kamay ang
munting ulo ni Pilita sa dingding ng kahon. Dagling napapikit sa takot si Lito. Naisip niya ang
sakit na idinaranas ng kanilang bunso. Kawawang Pilita!

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 16


Biglang nagningas ang ulo ni Pilita at naging isang munting apoy. Mga kulay na pula,
narangha, dilaw, puti, at bughaw ay sumiklab mula sa kanyang ulo. Nang buksan ni Lito ang
kanyang mga mata, ang mga nakamamanghang kulay at liwanag ay sumayaw sa paningin niya.
“Napakaganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganito!” napabulalas si Lito.
Nakita ni Lito na ang apoy na nagmumula sa ulo ni Pilita ay ginamit upang sindihan ang
isang kandila. Hinipan ng tao ang apoy sa ulo ni Pilita hanggang mawala ito.

Kitang-kita ni Lito ang maitim na dulo ng posporo at siya’y nalungkot. Ngunit


napalingon agad siya sa apoy ng kandila at ang nakaaaliw na pagsayaw nito. Naalala niya si
Pilita at ang pagiging masayahin at pagkabibo ng bunsong posporo. Tila taglay ng apoy sa
kandila ang diwa at kalooban ni Pilita.
Ang apoy na ito ay nagpaliwanag sa madilim na kusina. Namangha si Lito habang
sinasaksihan niya ang paglipat ng apoy sa ilan pang kandila sa iba’t ibang bahagi ng bahay kubo
hanggang lumiwanag nang husto ang buong tahanan. Tila bang unti-unting napuno ang bahay
kubo ng magiliw na diwa ni Pilita.
Ang apoy na nagmula kay Pilita ay ginamit sa pagluto ng pagkain, sa pagkukuwentuhan
sa hapag kainan, sa pag-aaral at pagbabasa ng mga bata, at sa pagdarasal ng buong pamilya.
Sa gabing iyon, naunawaan ni Lito kung gaano kahalaga ang liwanag na dulot ng apoy para sa
mag-anak na nakatira sa bahay kubo.
“Ito na ‘yon!” pahayag ni Lito. “Kinukuha kaming mga posporo upang maging isang
apoy na nagdudulot ng liwanag sa kadiliman na pumapaligid sa mga tao. Kahit panandalian
lamang, bawat isa sa amin ay maaaring maging isang maningning na ilaw!”
Napuno ng galak ang puso ni Lito sa kanyang natuklasan. Napawi ng galak ang takot sa
kanyang isipan. Unti-unting napuno ng pag-asa ang kanyang puso.
“Kailangan na makabalik ako sa kahon namin,” sabi ni Lito. “Dapat sabihin ko sa kanila
ang nakita ko. Kailangan na malaman nila ang katotohanan tungkol sa mga posporong tulad
namin at sa ganito ay hindi na sila muling matatakot na iwan ang bahay namin. Naku, kailangan
ko na talagang makauwi!”
Sa gabing iyon, nakatulog si Lito sa sahig ng kusina.

Kinabukasan, narinig ni Lito ang mga tinig ng kanyang mga kapwa posporo. “Lito!
Lito!” Tumingala si Lito at nakita niya ang malaking kamay ng tao. Maingat nitong pinupulot
ang mga nahulog na posporo mula sa sahig ng kusina. Bawat posporo ay ibinabalik ng kamay sa
kahon.
Pagkabalik ni Lito sa kahon, ipinahayag niya sa lahat ang nangyari kay Pilita. Pinatotohanan ng
ibang posporo ang kuwento ni Lito. Tulad ni Lito, hindi na sila natatakot na makuha ng
malaking kamay at iwan ang kahon.

Mula noon ay naunawaan na ng mga posporo ang kanilang layunin. Tanggap na nila ang
katotohanan na isang araw ay kailangan nilang lisan ang munting bahay na kahon. Dahil dito,
nagkaroon ng pag-asa at pag-asam na makapagdulot ng liwanag ang bawat posporo.
Kahit panandalian lamang.

V. SANGGUNIAN
• Almario, V.S. (2015). Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil
sa teorya at praktika ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng
sining (NCCA) at komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan..
• Almario, Virgilio S. (2015). Ang pagsasalin at pagpapaunlad sa wikang Pambansa
(Kabanata). Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya
at praktika ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA)
at komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Ang pagsasalin bilang muling pagtatanim (Kabanata).
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 17


ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Sulyap sa kasaysayan ng pagsasalin sa Filipinas (Kabanata)
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Pagsasalin ay di biro (Kabanata) . Introduksyon sa pagsasalin
mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika ng pagsasalin: Pambansang
komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at komisyon ng wikang Filipino
(KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Antonio, T.T. (2015). Pagsasalin ng kaalamang panteknolohiya (Kabanata).
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Almario, V.S. (2015). Muling-tula bilang hamon sa pagsasalin ng tula (Kabanata).
Introduksyon sa pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika
ng pagsasalin: Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at
komisyon ng wikang Filipino (KWF). Manila: Aklat ng Bayan.
• Benjamin, W. (2015). Ang Tungkulin ng Tagasalin (Kabanata). Introduksyon sa
pagsasalin mga panimulang babasahin hinggil sa teorya at praktika ng pagsasalin:
Pambansang komisyon para sa kultura at ng sining (NCCA) at komisyon ng wikang
Filipino (KWF) (Salin ni M.M. Coroza.). Manila: Aklat ng Bayan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 18

You might also like