You are on page 1of 8

MODYUL 3: PAGSASALIN NG PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA

DALUMAT NG / SA FILIPINO AT PAGSULAT NG


DALUMAT-SANAYSAY

Aralin 1: Pagsasalin ng mga Piling Teksto

Introduksiyon
Magkaugnay ng gawain ang pagsasalin at pagdadalumat sa iba’t ibang larangan upang
maipagpatuloy ang ibayong proyekto ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino at pagbibigay-
hugis sa pambansang adyenda ng lipunang Pilipino sa kabuuan. Gayundin, ang magkasabay na
pagpapahusay sa disiplina ng pagsasalin at pagdadalumat sa diwa ng pananaliksik ay nag-
aambag sa iba pang larangan ng pamumuhay ng isang bansa, upang makatugon sa tiyak na
pangangailangang nakabatay sa kakayahan ng bansang ito.

Ang pagsasalin sa loob ng proseso ng pagdadalumhati ay isang yugto ng pagtuklas ng


mga ideya at kaalaman patungo sa kontekstong pinaglilipatan at pinagyayaman din pabalik sa
pinagbatayan. Ibig sabihin, ang pinagmulan at patutunguhan ng pagsasalin ay kapwa
nakikinabang dahil nagbubukas ito ng oportunidad sa pagpapalalim ng mga isinasaling ideya at
konseptong taglay ng sangkot na teksto. Maaaring ang mga konsepto o ideyang isinasalin ay
nagmumula sa panloob na karansang pambansa o maaaring hango sa labas ngunit may
relatibong kaugnayan sa umiiral na kalagayang loob.

Mga Layuning Pampagkatuto:


1. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
2. Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng
isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o
teorya na akam sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
TALAS

Pangalan: Baitang at Kurso:


Guro: Marka:

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa ibaba.

1. Bumuo ng tatlong talatang paghihinuha sa pahayag sa ibaba. (30 pts)

“Alin mang wika, magkakaiba ang kahulugan at gamit, iisa naman ang diwa.”
ARALIN 1
Pagsasalin ng mga Piling Teksto

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

ANG PAGSASALIN AT PAGPAPAUNLAD SA WIKANG PAMBANSA


Virgilio S. Almario

Mahihiwatigang isang salin ito ng orihinal na balita sa wikang Ingles. At maliban sa hindi
ko nagugustuhang gamit ng “na kung saan” sa ikalawang pangungusap at tinatamad na “nag-fie”
sa ikatlong pangungusap ay maayos naman ang salin. Ngunit pansinin ang tila kawalan ng
kakayahang isalin ang ilang teknikal na salita. Halimbawa, ano nga ba ang opisyal na salin ng
“Regional Trial Court” at “Board of Marine Inquiry”? Isang mahalagang gawain ito na dapat
isagawa ng alinmang sentro sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ngunit ang higit na
kapansin-pansin ay ang pananatili ng ilang katawagang panghukuman: “temporary restraining
order,” “legal authority,” “civil case,” at kahit ang “fie.” Kung medyo nagtiyag pa ang reporter na
nagsalin, puwede naman sanang ipalit sa “nagfie’ ang “nagsumite” o ng mas Tinagalog na
“naghain,” “nagdulog,” “nagpasok.” Puwedeng ipalit sa “civil case” at “legal authority” ang pa-
Españ ol na “kasong sibil” at “legal na awtoridad.” Sa hulíng naturang hakbangin, pinaiiral ang
paniwalang higit na popular ang ipinapalit na salitâ ng Españ ol sa isinasá ling salitâ ng Ingles. Mas
matagal na kasing ginagamit ang “kaso,” “sibil,” at “awtoridad” kaysa “case,” “civil,” at
“authority.” Kahit ang “legal” na may iisang anyo sa Ingles at Españ ol ay mas kilalá ng
sambayanan sa bigkas nitó ng Españ ol (“legá l” mabilis) kaysa bigkas nitó ng Ingles (“ligal”
malumay). Ngunit paano isasalin ang “temporary restraining order”? “Utos sa pansamantalang
pagpigil”? Mawawala ang popular nang “TRO” na mula sa inisyals ng orihinal na prase sa Ingles.
(Paano nga ba ito isinalin ni Hukom Cesar Peralejo?) O dapat manatili na lá mang muna ang
orihinal sa Ingles? Isang pansamantalang remedyo ito na iminumungkahi kahit ng kasalukuyang
patnubay sa ortograpiya (tingnan sa tuntunin 4.6) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Pansamantalang remedyo ito at kailangan upang maipagpatuloy ang paggamit, lalo na sa


pagtuturo at pagsulat, ng mga bagong hiram na salita. Pansamantalang remedyo sapagkat
naniniwala pa rin ako na darating ang araw na may lilitaw at mapagkakasunduang salin ang
ganitong hiram na salita, bukod sa maaaring ipailalim sa reispeling kapag hindi na isinalin. Sa
kabilâ ng dako, ipinahahayag ng reporter sa kaniyang ginawang pagsasalin ng balita ang
kaniyang personal na paniwalang hindi na kailangang isalin ang naturang mga salitâ ng teknikal
sa Ingles. At ang kaniyang personal na paniwala ay sasang-ayunan ng maraming ibang reporter,
editor, at titser na edukado ngayon sa Ingles. Sa hanay ng kasalukuyang produkto ng ating
edukasyong bilingguwal, tatanggapin nating naiintindihan na ng madla ang “civil case” at “legal
authority.” At dahil wala naman tá yong magagamit na survey kung gaano kalaki at gaano
kalalim ang lumaganap nang bokabularyong Ingles ng sambayanang Filipino ay mahirap nating
salungatin ang naturang opinyon. Magkagayon man, malaki pa rin ang aking hinala na hindi
bahagi ng ating naisaloob nang bokabularyong Ingles ang “temporary restraining order.” Ang
totoo, malaki ang aking hinala na ang paggamit ng tinatawag na “salitang higit na ginagamit ng
masa” ay idinadaan naman sa wido o personal na hilig. Walang siyentipikong batayan.

Noong kabataan ko at mapasáma sa inorganisang pangkat ng tagasalin sa hanay ng mga


aktibista, isang mahabà ng diskusyon namin kung alin ang higit na dapat gamitin sa “ngunit,”
“subalit,” “datapwat,” at “pero.” Natitiyak kong wala nang gumagamit ngayon ng “datapwat”
[kundi ako lá mang, sa ilang sinasadyang pagkakataó n] at bihira nang lumabas sa ating bibig ang
“subalit.” Gayunman, alin ang mas gamitín sa “ngunit” at “pero”? Mayorya sa amin ang
nagsabing ngunit na popular ang “pero.” Sa kabilâ nitó , hindi kailanman ginamit sa aming mga
salin ng sinulat nina Lenin, Marx, Mao Tsetung, at Amado Guerrero ang “pero.” Bakit? Sapagkat
nanaig pa rin ang kuro na may kaibhan ang wikang pasulá t sa wikang pasalita. Hindi laging
angkop at dapat panaigin ang tuntuning “higit na gamitín” (mabilis ang bigkas) sa pagpilì ng
salita sa gawaing pasulá t.

May mga pagkakataó ng naghahanap ng ibang tuntunin. Wika nga ng isa sa amin, kung
ang pinakagamitín ang susundin ay hindi “pero” kundi “but” ang dapat naming isulat sa
pagsasalin. Higit nga namang mabilis ngayong ginagamit ang Ingles na “but” ng mga estudyante
at silá ang target namin noong mambabasá. [Ano nga kayâ ’t “but” ang aming ginamit sa
pagsasalin? Na siguradong magdudulot naman ng isang bagong problema sa amin. Isusulat kayâ
namin ito sa orihinal o isasa-Filipino? “But” o “bat”?] Ano kayâ ang itsura ni Mao Tsetung kapag
nagsalita na may “pero” at “but”? Dahil naniniwala kaming pormal na pormal ang wika ng aming
nais isaling mga akda ay ginamit namin ang “ngunit” at paminsan-minsan ang “subalit.”
Problema ito ng pag-aagawan sa ating dila’t diwa ng katutubong wika natin at ng dalawang
itinuro sa atin na banyagang wika. Ang Tagalog/Bisaya/Ilokano versus Españ ol/Ingles. Kung
minsan, Españ ol versus Ingles. At malimit kong makaengkuwentro ang ganitong problema
hanggang ngayon. Kamakailan, iniharap sa akin ang kaso ng “kagawaran,” “departamento,” o
“department.” Ang sagot ko, ikayayaman ng Filipino kung gagamitin lahat ang tatlo, at siya
namang nangyayari sa larangang pasalita. Ngunit, at ito ang aking malaking ngunit: Kapag
kailangang magpalaganap ng istandard na salin ng mga pangalan ng opisina ay tiyak na hindi
maganda ang “department.” Higit ko ring papanigan ang paggamit ng “kagawaran” kaysa
“departamento” bagaman natitiyak kong hindi ako kakampihan ng 90% sa mga kapuwa guro ko
sa Unibersidad ng Pilipinas. Paiiralin nilá ang kanilang sariling hilig para sa hiram na salita.
Hindi nilá mauunawaan ang idea ng elegansiya, at lalong hindi nilá didinggin ang tuntunin ng
pagpapairal sa katutubo kapag mayroon naman. Sasabihin nilá ng purista kasi ako. Ngunit bakit
nga ba inimbento pa noon ang “kagawaran” kung hindi kailangan?

PAGSASALING-WIKA

 Ang pamamaraan kung saan ang diwa ng isang salitang dayunhan ay inililipat sa wika ng
ibang bansa. Isinasagawa ito sa mga salitang teknikal o pang-agham na magagandang
tumbasan ng bokabularyo ng isang wika.

MGA URI NG PAGSASALIN

 LITERAL NA PAGSASALIN
Iniiba lamang ang baybay alinsunod sa ortograpiya ng wikang pinagsamahan.

Halimbawa
Diplomacy-Diplomasya
Archipelago - Arkipelago
Allocation - Alokasyon
Equilibrium - Ekwilibriyum
Deflation – Deflasyon

 BINAGONG LITERAL
Naiiba ang pagkakasalin subalit naroon pa rin ang diwa.
Halimbawa
Democratic Leadership - Pamunuang Demokratiko

 IDYOMATIKONG SALIN
ang mga pahiwatig ay buong naisalin nang di nawawala ang kahulugan
Halimbawa
If I were in your shoes - Kung ako ikaw
 LUBHANG MALAYA
Dinadagdagan ng pampalinaw ang salita upang lubusang maunawaan.

Halimbawa
Feedback - Bumabalik Na Ingay

MGA PANUNTUNAN SA PAGSASALIN


 Isaalang-alang ang kakanyahan ng wikang kinabibilangan ng salita.
 Bigyang halaga ang kaakibat na kultura ng wika. Sapagkat bawat lahi ay sinasalamin ng
wikang gamit sa komunikasyon.
 Mahalaga rin ang kagamitang pang konteksto ng salita.
 Ang mga salitang hindi maganda sa pandinig ay dapat tumbasan ng malumanay na
pananalita o eufemismo
TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________


Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________
Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

A. Panuto: Maghanap ng mga piling akda o teorya (minimum of 1 article) na makakatulong


sa pagdadalumat sa mga kontekstong Filipino at bigyan ng isang talatang learning
insights. Sundin lamang ang pormat sa ibaba. (50 pts)

I. Pamagat ng Piling Akda:


II. Nilalaman:
III. Implikasyon:

B. Panuto: Magsaliksik ng maikling artikulo sa Ingles at isalin ito sa Filipino. Pansinin ang
halimbawang pormat sa ibaba.

I. Orihinal na Pamagat ng Artikulo:


II. Pagsasalin sa Filipino:

Pamantayan sa Pagsasalin

Katangian Puntos
May sapat na kaalaman sa dalawang 25
wikang kasangkot
May sapat na kaalaman sa gramtika ng 15
dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin
May sapat na kaalaman sa uri ng 10
paksang isasalin
Kabuuang Puntos: 50
TAYAHIN

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________


Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________
Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng
isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o
teorya na akam sa mga realidad ng lipunang Pilipino.

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay para sa pagpapaunlad ng pagdadalumat sa kontekstong


Filipino. Ang iyong binuong sanaysay ay tatasain sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba.

RUBRICS FOR RATING WRITTEN OUTPUTS


(Reaction paper, reflection paper, narrative report, learning insight, essay)

Area Very Satisfactory Satisfactory Needs Improvement TOTAL


(10) (8) (5)
Relevance of The paper is well The paper is The paper is confusing
the answer written, relevant relevant, simple yet or
and clearly confusing, or Underdeveloped.
indicates the underdeveloped.
direction of the
given topic.
Organization The paper has a The paper has a The paper was
of thoughts strong structure, structure, but lacks wandering, incoherent,
logical flow, and unity due to and with little
has a clear confusing details. agreement between
progression of ideas.
ideas.
Word Choice The paper uses rich The paper uses The paper uses simple
and sophisticated good word choice words and some words
word choice and and some varied are repetitive.
varied language wording.
throughout.
Promptness on The output was The output was The output was
the submission submitted 3 days submitted during submitted days after
of outputs before the deadline. the set deadline. the deadline.

TOTAL

You might also like