You are on page 1of 29

MASINSIN AT MAPANURING

PAGBASA SA MGA
PANGUNAHING SANGGUNIAN
SA PAGDADALUMAT/
PAGTETE ORYA SA
KONTEKSTONG P/FILIPINO
AUDREYSON H. BORILLA, LPT
“Ang limitasyon ng aking wika ay siyang limitasyon ng aking
mundo.” Ludwig Wittgenstein (TLP 1922)

Sa bawat panahon ay nagbabago ang kutura. Dahil sa pagbabagong ito ay


naiimpluwensyahan nito ang kultura, paniniwala at kagawian ng pananalita
natin. Pokus nito ang pagtalakay sa mga pangunahing sanggunian sa
pagdadalumat/pagteteorya sa kontekstong Filipino.
I. PILIFILIPINO: ISANG TEORYA NG
WIKA
• Ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan
ng wika.
• Analisis at Pagdadalumat ayon kay N. Chomsky (sa Searle 1971)
1. surface structure (paimbabaw)
2. deep structure (ubod)
3. middle structure (karagdagan ayon kay Profesoryal Cecilio M. Lopez
• Sa madaling salita, walang lalim ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na
himpilan ng ating kamalayan.
• Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang
direksyon, ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa
pagbabagong pangwika.
PAIMBABAW NA WIKA
• Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao
kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga
polisiyang bitbit ng mga ito.

• Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil madalas
at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa
banyagang padron, sa banyagang wika – Ingles. Pansinin:

1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa
ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na
phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang
letra sa Ingles, ito ang baybay). Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming
batang magaaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay”
ay bibigkasing “bey-hey”.
PAIMBABAW NA WIKA

2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng


pangungusap ay nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So, yabang!
Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit mag Filipino o mag-Ingles, ito ang makabagong
syntax sa palabuuan ng pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz,
advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa
kasalukyan.

3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo


namang di code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa
mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching na nagaganap
dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic
substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay
sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally flexible
sa formang Taglish.
Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa pangungusap.
Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga lang.” Ang Tagalog/Filipino
component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit nanatiling buo ang salitang
Ingles o ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino): Re-ayos mo na yan!”, “Anti-
makabayan ang mga trapo sa Congress” at “Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo yong keypad.”
Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao ng higit pa sa dalawang
wika. At kapag sinabi nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na magkapantay ang kabihasaan
ng isang tao sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-tingi.

Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na panahon, gugulang at uunlad din
ang WF. Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak ng bayabas sa
kanyang bibig

Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso
ng panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala’t namamatay, untiunti nauungusan ng
malalaking diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at postmodernismo. Kung kaya’t sa ating
bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing
wikang ofisyal at panturo ang Ingles.
Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:

1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na
gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang
“maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)

2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz

3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial
Tagalog; walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa
lunsad-aklat ng Galaw ng Asoge, 2005)

4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang larang
sa akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng
kasalukuyang anyo ng wika
UBOD NG WIKA

• Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na
taal nang matatagpuan sa isipan ng tao.

• Ito ang template ng isipan natin na yari na – naghihintay na mapunan, mahubog, malilok,
at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika.

1. “universal o generative grammar” ni Chomsky


2. “private language” ni Wittgenstein
3. “archi-writing” ni Derrida

• Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang istruktura ang isip na
tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan ang lahat ng
tao na matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa
isipan natin. Ito ang a priori grammar.
LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?
• Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng pagbabago
at madalas hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi retardasyon at
tuluyang pagkawala.

• Alam natin ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na paimbabaw na


nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao. Higit pa riyan, nagpapaubaya at
nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala silang masandigang internal na
lohika o gramatika ng wikang naririnig at nababasa nila.

• Emerita S. Quito (1989/2010: 23):


“Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito
ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon,
hindi pa rin maaaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa,
lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino.”
Mahalaga ang lalim ng wika dahil:

• Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na wika,

• nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,

• ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng
daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa pagpapakahulugan

• nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di


nakadepende sa kung ano ang uso at pinapauso

• intralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal na


lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at iba
pang external factor.
Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung
magkagayon malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa
daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang ginagalawan.

Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis ng WF na may


sandamakmak na varayti. Inisyal na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon
nito na ang istruktura ng WF ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika
(prescriptive) at pre-grammar (individuated inscription) ng isang tao.

Ang paimbabaw na wika’y di maglalaon ang magiging natural na wika (descriptive) na


gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at istratehikong pagpili ng taong malay sa
ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan,
pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang komunikatibong sitwasyon at
pagkilos.
“Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil
ng hinaharap?” -Dr. Jose P. Rizal

“Ang hindi marunong tumungin sa kanyang pinagmulan ay hindi


makakarating sa kanyang paroroonan.”

Nag-ugat ang pilosopiyang Pilipino sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Mula


sa kolonya ng mga Espanyol sa loob ng tatlong daang taon, ng Estados Unidos
ng kalahating siglo, at Hapon ng kalahating dekada, ang mga Pilipino patungo sa
huling dikada ng ika-19 na siglo ay nagsimulang makapangalap ng mga
kaisipang mula sa Europa. Ang mga kaisipang ito ay nakatulong sa rebolusyon
ng bansa noong 1896 laban sa Espanya.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
JOSE RIZAL

• Ayon kay Rizal, isa sa mga nabigong pakikibaka para sa reporma sa Espanya ay ang
pagkamulat ng kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang lupain. Sa pahayagang La
Solidaridad, kanyang inilahad ang mga solusyon sa problema ng bansa: ito ay ang
Karunungan at Pangangatwiran na kung saan dapat imulat ang mga Pilipino rito. Dapat
mapalaya ang kanilang kamalayan mula sa panatismo, pagkamakasarili, Kababaan, at
kawalan ng pag-asa. Dahil sa kakulangan ng karapatan ng mga Pilipino sa Edukasyon na
kung saan ang mga namumuno ay ang mga prayleng Espanyol, bumuo si Rizal ng isang
organisasyon na magpapamulat sa kaisipan ng mga mamamayan, ang La Liga Filipina.
Ang Layunin nito ay ang mapag-isa ang archipelago ng Pilipinas, mapalago ang pagsasaka
at komersyo, magkaroon ng proteksyon mula sa mga panganib, magkaroon ng
pagtatanggol laban sa karahasan at kawalan ng hustisya, at pagpapaunlad ng magandang
edukasyon.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
JOSE RIZAL
• Agnostic Deis - ang pananaw na kung saan nilikha ng Dios ang buong kalawakan kalakip ang
kanyang mga kaustusan at walang makapaghihimasok rito. Ayon kay Rizal, nakikilala natin ang
Dios sa kanyang kalikasan at sa kanyang budhi, ngunit di natin nalalaman kung ano ang kanyang
totoong katangian. Ito ang pinaniniwalaan ni Rizal na relihiyon.

• Ninanais ni Rizal na maranasan ng mamayan ang maayos na kalayaan o demokratikong


Pamamaraan upang makamit natin ang tunay na kalayaan. A nation can be independent without
being free or free without being independent (R.A. Gripaldo, 2004). Minsan ring sinabi ni Rizal na,
“Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?”
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
JOSE RIZAL
• Disyembre 1896 - nang si Rizal ay inakusahan ng pamahalaang Espanyol na nakikisapi siya sa
malawakang rebulusyong nagaganap noon ay senentensyahan ng kamatayan sa Bagumbayan

• Habang siya ay nakakulong noon sa Fort Santiago, nalaman niyang naging matagumpay ang
rebolusyon sa ilang bahagi ng bayan ng Cavite. Sa malubhang sitwasyong nagaganap na kung saan
ang rebolusyon na kanyang hindi sinang-ayunan ay unti-unting nagtatagumpay sa bawat bahagi ng
bansa, umaasa na lamang si Rizal sa pagtatagumpay nito. Sa kanyang huling tula na Mi ultimo
adios, kanyang sinuportahan ng pahayag na, I die as I see tints on the sky b'gin to show And at last
announce the day, after a gloomy night;... For orphans, widows and captives to tortures were shied,
And pray too that you may see you own redemption.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
ANDRES BONIFACIO: REBULUSYUNARYO

• Itinatag ang Katipunan


• May 30, 000 na kasapi sa loob lamang ng 6 na buwan
• Nang mabuwag ang samahan Liga ay dito nag-alsang itatag ang samahang Katipunan. Pagkatapon
kay Rizal sa Dapitan
• Agoncillo – Ang nagsabi ng “Kalayaan” na naging makapangyarihang salita
• Ayon kay Bonifacio, isang makatwiran ang paghihimagsik o pakikidigma kung may paglabag sa
kasunduan.
• Para kay Bonifacio, ang pagbuwag sa kasunduan ay nangangailangan ng marahas na pag-alsa. Ang
himagsikan ay isang daan upang maibalik ang dating paraiso.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS
• Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon
at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.

• Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay
may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas.

• Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na
seremonya.

• Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista,
nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay
kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga
ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng
bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS
• 1. Lipunang Pilipino
 Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng
mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng
mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga
tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.
• 2. Kaugaliang Pilipino
 Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan
kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang
nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taongbayang na malapit dito ay agad agad ding
tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O
kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang
mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin
upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga
lipunang Europeo at Amerikano.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 2. Kaugaliang Pilipino

 Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa


kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino
ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila
ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas
ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang
binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

 Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at


mabuting pakikitungo sa iba.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 2. Kaugaliang Pilipino

 Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na
dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay
nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang
sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo
ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming
tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.

 Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga
sinabi nitong mga salita o pananalita
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 2. Kaugaliang Pilipino

 Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad

 Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.

 Utang na Loob : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga
pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 3. Mga Pambansang Pagdiriwang

 Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago
maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga
kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong
nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
 Araw ng Rebolusyong EDSA
Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang
naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang
nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp
Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o
EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at
Rebolusyon ng Pebrero.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 3. Mga Pambansang Pagdiriwang

 Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na
sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng
Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit
ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.
 Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil
sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga
pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw maayos na tirahan, iba-ibang
kagamitan, at iba pang bagay.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 3. Mga Pambansang Pagdiriwang

 Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan
mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nagaalay rin ng mga
bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal
Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama
ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
 Araw ng mga Bayani
Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng
mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga
nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 4. Mga pansibikong pagdiriwang

 Araw ng mga Puso


 Linggo ng Pag-iwas sa Sunog
 Araw ng mga Ina/mga Ama
 Linggo ng Wika
 Araw ng mga Nagkakaisang Bansa
 Linggo ng Mag-anak
 Araw ng mga Guro
 Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon – Hunyo 24
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 5. Mga pagdiriwang na panrelihiyon

 Pasko
 Ati-atihan - Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga
daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa
parada.
 Mahal na Araw - Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na
ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong
nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na Araw
 Pahiyas - Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador.
Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa
pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 5. Mga pagdiriwang na panrelihiyon

 Santakrusan - Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang
prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus.
Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba
pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.
 Pista ng Peñafrancia - Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga,
Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng
Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at
kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa
isang kasko.
II. PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO
KULTURA NG PILIPINAS

• 5. Mga pagdiriwang na panrelihiyon

 Araw ng mga Patay o Todos los Santos - Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre.
Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito.
 Ramadan - Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso
hanggang Abril. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong
mundo. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o
rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang
Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.
 Hari Raya Puasa - Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari
Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga
tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque.
Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.

You might also like