You are on page 1of 2

Dela Cruz, Angelika Paula M.

BSA 2-E

Takdang Aralin sa Dalumat sa/ng Filipino

1. Magsaliksik ng iba’t ibang kahulugan o paliwanag ng salitang DALUMAT?

Ayon sa isang website na Brainly, Ang Dalumat ay malalim na pagiisip at interpretasyon. Ang
Dalumat ay kaalaman at abilidad upang ihukom ang partikular na sitwasyon o paksa.

Ang dalumat ay maarin din ipakahulugan bilang interpretasyon mo sa isang bagay, kung paano
mo bigyang kahulugan o bigyang paliwanag ang isang bagay o paksa.

Narito rin ang iba pang maaring maging kahulugan ng salitang ating ipinapaksa

dalúmat: paglirip nang malalim sa anuman

dalúmat: bunga ng gayong paglilirip (konsepto)

dalumátin, dumalúmat, magdalúmat

dalúmat: pagbuo ng isang sirâng bagay

dalúmat: pagdurúsa

dalumat: akala; paglilirip; talos; talastas; alam; batid; naiintindihan; nauunawaan

Sa aking mga nabasa, maaring itong saknong na ito ay maitatawag na dalumat sapagkat
binibigyan ko ng malalim na pag iisip upang mabigyan ng kahulugan ang isang salita. Ang dalumat ay
isang malalim na interpretasyon sa isang bagay o isang paksa base sa iyong mga nalalaman at nabasa.

2. Ang pagdadalumat ba at pananaliksik ay may pagkakatulad ba o pagkakaiba?

Bago maipagkumpara at maihantulad ang dalawang salita, napagaralan na natin ang salitang
“dalumat” sa pamamagitan ng mga impormasyon na nasa itaas, ngayon ay alamin natin kung ano ang
“pananaliksik”.

Ang dalumat ay ang paggawa ng interpretasyon matapos ang proseso ng malalim na pag iisip.

Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang


tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga esensyal na
impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng
interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na
Gawain – ang paghahanda ng kanyan ulat o pampananaliksik. Maaring ang pananaliksik ay pagtuklas at
pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na ngangailangan bigyan ng kalutasan.

Pagkakaiba (Dalumat) Pagkakatulad (Dalumat. Pagkakaiba (Pananaliksik)


Pananaliksik)
Malalim na pagiisip Nagbibigay impormasyon sa Malalim na pag-aaral sa isang
isang bagay paksa o bagay o maaring
paghahanap ng mga
konektadong impormasyon
Interpretasyon Nagbibigay kaalaman sa atin Mga salita o pag-aaral may
nagpapatunay o ebindensya
Paghuhukom sa isang partikular Konklusyon Pagbibigay kahulugan o
na pag-aaral o bagay katibayan sa particular na pag-
aaral o bagay

https://www.scribd.com/doc/259271186/Ano-ang-Pananaliksik-at-ang-mga-Katangian-nito

https://brainly.ph/question/962300

https://brainly.ph/question/1256584

https://www.tagaloglang.com/dalumat/

https://pinoy.oo.gd/dalumat/

You might also like