You are on page 1of 5

GAWAIN I.

PANUTO: Pumili ng 5 pangungusap sa mga sumusunod na sanaysay na sa palagay mo ay MALI

ang SALIN at gawin ang kaukulang PAGWAWASTO.

ENGLISH: There are several dimensions to the poet’s freedom.

TAMANG SALIN: Mayroong maraming dimensyon sa kalayaan ng makata.

ENGLISH: There is, first of all, his freedom to be different.

TAMANG SALIN: Meron, una sa lahat, ang kanyang kalayaan na maging iba.

ENGLISH: In this first dimension the poet expresses his freedom by destroying the harmony of the
written and the spoken word.

TAMANG SALIN: Sa unang dimensyong ito ipinahayag ng makata ang kanyang kalayaan sa pamamagitan
na sinisira ang pagkakaisa ng nakasulat at sinalitang salita.

ENGLISH: The highest form of prose is the declarative statement that begins with a subject and ends
with a predicate. And even if this should be the highest form possible to prose, the poet insists on going
even higher. For when the poet speaks poetry, he speaks with methapors.

TAMANG SALIN: Ang pinakamataas na anyo ng tuluyan ay ang nagpapahayag na pahayag na nagsisimula
sa isang paksa at nagtatapos na may panaguri. At kahit na ito ay dapat na ang pinakamataas na anyo na
possibleng upang tuluyan, ang makata pinipilit na tumaas pa. Para kapag ang makata ay nagsasalita ng
tula, nagsasalita siya ng mga methapor.

ENGLISH: Metaphor is the highest form of talk because it goes beyond pointing out things. Or naming
things. Or describing things. A metaphor makes us look beyond the thing itself. It gives new dimensions
to the thing. It makes us look at things differently.

TAMANG SALIN: Ang metapora ay ang pinakamataas na anyo ng pagsasalita sapagkat lumagpas ito sa
pagsasaad ng mga bagay o pagbibigay ng pangalan at paglalarawan ng mga bagay. Ipinapakita sa atin ng
talinghaga higit pa sa mga bagay mismo. Nagbibigay ito bagong dimensyon at ibang kahulugan sa isang
bagay.
GAWAIN II.
PANUTO: Pumili lamang ng ISA mula sa clip ng apat na magkakaibang teleserye na nasa ibaba
na sa tingin mo ay may kaugnayan sa iyong sariling karanasan.
NAPILING TELESERYE: https://www.youtube.com/watch?v=fuOm6hyx_4M - Peachy,
nagmakaawa na huwag pigilan ang relasyon nila ni Nathan | Pamilya Ko

KAUGNAYAN NITO SA IYONG


PANGYAYARI SA CLIP NG
PERSONAL NA KARANASAN
NAPILING TELESERYE

Ang nangyari sa clip ng aking Ang kaugnayan nito sa aking


napiling teleserye ay galit na personal na karanasan ay
galit ang mga kapatid ni noong umibig din ako sa isang
Peachy ng malaman nila na guro habang ako ay nasa
mayroong relasyon si Peachy hayskul at ito din ay nalaman
at ang kaniyang propesor. ng aking pamilya at sila ay
Nakikiusap si Peachy sa nagiging tutol dito at sinabing
kaniyang nanay at tatay na itigil namin ang kahibangan
huwag nilang pigilan ang na iyon dahil iyon ay mali.
pagmamahal na Ako ay nakiusap din sa kanila
nararamdaman niya para sa na wala naman kaming
kaniyang propesor. Nais ng ginagawang masama sadyang
mga kapatid ni Peachy na kami lamang ay
komprotahin ang propesor nagkapalagayan ng loob, pero
ngunit bilang pag-iingat na sa huli ay natapos na din ang
din kay Peachy na baka aking komunikasyon ng aking
matanggal din ito sa kaniyang guro. Nalaman ko din na
paaralan ay ang ama nalang lumipat na siya sa ibang
nila ang kakausap sa eskwelahan.
propesor.
GAWAIN III.
PANUTO: Gumawa ng isang maikling OUTLINE ng sariling pelikula. Ibigay ang hinihingi sa tulong
ng grapikong representasyon na nasa ibaba.

PAMAGAT: “KARBALA”

PAKSA: Ang pagmumulan ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig ay ang Karbala, isang siyudad sa Iraq.

URI NG PELIKULA: Aksyon

MGA TAUHAN: Mohammed Yazid – Pinuno ng Karbala

Mohammed Ali – Kaibigan ni Mohammed Yazid

Heneral Alexander – Pinuno sa Russia

Sofia – Asawa ni Heneral Alexander

Heneral Putin – Pinuno sa Russia

BUOD NG PELIKULA:

Noong mga panahon na iyon, si Heneral Alexander at ang kaniyang asawa na si Sofia ay
napagdesisyunan na pumunta sa siyudad ng Karbala sa Iraq upang magbakasyon doon. Isang araw ng
silang mag-asawa ay papalapit na sa Karbala, ang kanilang sinasakyan na eroplano ay napagkamalang
sasakyan ng mga kalaban nila Mohammed Yazid at inutusan niya ang kaniyang kaibigan na si
Mohammed Ali na sabihin sa kanilang mga sundalo na bombahin ang eroplano na dumadaan sa kanilang
siyudad dahil ito ay kanilang mga kalaban. Sinunod ito ni Mohammed Ali at ang eroplano na sinasakyan
nila Heneral Alexander at kaniyang asawa na si Sofia ay binomba ng mga sundalo ng Karbala at dahil
ditto sila Heneral Alexander ay namatay. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Mohammed Yazid
na ipagutos ang pagbomba sa eroplano dahil hindi naman nila sigurado kung kalaban nga ang sakay nito.
Ang pagbomba sa eroplano ang magsisilbing mitya ng ikatlong digmaang pandaigdig dahil nalaman ni
Heneral Putin ang nangyari na ito at gusto niyang makaganti para sa pagkawala ni Heneral Alexander na
kaniyang kanang kamay sa pamumuno sa Russia. Noong ika-una ng Enero taong dalawang libo at
dalawampu’t isa ay nagdeklara ng digmaan ang Russia laban sa Iraq sa pangunguna ni Heneral Putin at
ang mga kaanib nilang bansa ay nagsisali din sa adhikaing ito ni Heneral Putin upang makaganti sa
pagkamatay ni Heneral Alexander. Nagsimula na ang ikatlong digmaan na pandaigdig, dahil may mga
kaanib din na bansa ang Iraq ito ay mga nagsisali din sa mangyayari na digmaan upang tulungan ang Iraq
sa mga magiging pag-atake ng Russia at ng mga kaanib na bansa nito. Lumipas ang madaming palitan ng
pagsabog ng mga bomba, mga putok ng baril, pagputok ng mga tangke at madami pang aktibidad na
pang digmaan ay natapos din ang digmaan sa loob ng dalawang taon. Nagtagumpay na makaganti ang
Russia sa pangunguna ni Heneral Putin laban sa Iraq matagumpay nilang napaghiganti ang pagkamatay
ni Heneral Alexander at ng asawa nito ngunit sa pagkapanalo na ito ay madami ang naging kapalit.
Madaming tao ang namatay at madaming mga ari arian ang nasira dahil sa nangyaring digmaan sa
mundo, dalawang tao lang ang nawala ngunit napakadaming naging kapalit nito.
GAWAIN IV.
PANUTO: Panoorin ang isang dokumentaryo ni Kara David na may pamagat na “Pag-asa sa
Pagbasa” sa pamamagitan ng link na nasa ibaba. Matapos panoorin ay sagutin ang mga tanong
sa bawat bilang.

1. Anong isyung panlipunan ang tinalakay sa dokumentaryong pinanood? Ipaliwanag.

Sagot: Ang isyung panlipunan na tinatalakay sa dokumentaryong aking pinanood ay ang sistema ng
edukasyon ng Pilipinas. Ang mga guro sa elementarya sa ating bansa ay biktima ng sistema ng
pamamalakad ng DepEd dahil sa sinasabi nito na bawal magbagsak ang mga guro kahit na walang
natututunan ang mga bata. Kahit walang natututunan ang mga bata ay pinapasa pa din nga mga guro
dahil ito ay utos ng DepEd at sila ay biktima lamang ng sistema. Kaya pagdating sa hayskul ay hirap na
hirap ang mga bata sa pagbabasa at sila ay bumabagsak dahil wala silang natutunan sa elementarya, ang
mga bata ay tinuturuan pa sa high school ng pagbabasa na hindi naman na dapat gawin sa hayskul.

2. Suriin ang katangian ng dokumentaryong pantelebisyon na pinanood batay sa:

Paksa: Sistema ng Edukasyon ng Bansang Pilipinas

Layunin: Buksan ang mata ng mga nasa gobyerno upang mabigyan ng pansin ang ating sistema ng
edukasyon sa bansa, dapat nilang ibahin ang sistema dahil ang mga bata ang naaapektuhan nito. Sa
hindi pagkatuto sa pagbabasa ng bata ay maaaring masira ang kaniyang pangarap kaya dapat ay baguhin
na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas na kapag hindi marunong magbasa ay hindi dapat ipapasa
upang matutunan ng bata na bumasa.

Uri ng Karanasan: Mga Tuwirang Karanasan

3. Tinalakay sa dokumentaryo ang mga slow readers, sa iyong palagay, paano kaya nakapasa sa
elementarya ang mga slow readers? May kinalaman kaya ito sa sistema ng edukasyon sa bansa?
Pangatwiranan.

Sagot: Kaya nakakapasa ang mga slow readers sa elementarya ay dahil sa sistema ng ating edukasyon
dito bansa. Oo mayroong kinalaman ang sistema ng edukasyon sa bansa dahil kahit na hindi marunong
magbasa ang estudyante ay pinapatuloy pa din ang mga ito sa mataas na baitang ng mga guro dahil
bawal silang magbagsak ng estudyante dahil ito ay alinsunod sa sistema ng DepEd.

You might also like