You are on page 1of 4

MODYUL 4

Mga Teorya para sa Epektibong Pagdalumat


(Ikalawang Bahagi)
Pamagat ng Gawain GAWAING PAGKATUTO BILANG 4
1. Magagawa kong makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika,
datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang
larangan;
2. Magagawa ko talakayin ang isang akdang makapagbibigay ng wastong paraan
ng pagdadalumat;
3. Magagawa kong tuklasin ang mga impormasiyong kaugnay ng dadalumating
Mga Layunin akdang pampanitikan nang mas malalim at komprehensibo;
4. Magagawa kong makapagbahagi ng mga impormasiyon batay sa nadalumat na
akdang pampanitikan, kaugnay ang natuklasang kultura na nakapaloob sa
konsepto ng akda; at
5. Magagawa kong makapagpakita ng mga kaganapang panrealidad na nangyayari
sa kasulukuyan kaugnay ng kultura at pakikitungo at makapagmulat sa posibleng
pangyayari at resulta.
▪ CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA
KOLEHIYO (Nobyembre 2017).
Sanggunian
▪ Quijano, Ma.Lourdes R. et al. 2020. DalumatFil: Diskurso sa Araling Filipino.
Cabanatuan City: Nueva Ecija University of Science and Technology Printing

PAUNANG PAGTATAYA:
Magkaroon ng pananaliksik tungkol sa tulang “MARUPOK”ni Jose Corazon De Jesus.

1. Ano ang mga salitang nagpapakita ng simbolismo at ano ang kahulugan?


a.) Ang kalapating puti ay nagsisimbolong ng paglaya sa anumang pinanghahawakan ng isang
tao na mabigat sa kalooban nito. Maaaring nagsisimbolo ito bilang kalayaan.
b.) Ayaw mabasa ng luha ang pakpak, maaaring nagsisimbolo ang pakpak na dapat huwag
susuko o panghinaan ng loob at dapat maging meatatag sa lahat ng pagsubok na darating.
c.) Ikaw naman rosas, na mahal kung mahal. Ang rosas ay maaring nangangahulugan na kahit
maraming nagtangkang pitasin ay nananatili pa ring nakatayo at patuloy pa rin lumalaban
dahil sa tinik na nakapalibot sa rosas ay nagsisilbing proteksyon nito.
d.) Walang pinto sa apat na dingding ay nangangahulugan bilang mawawalan at mawawalan
talaga ng pag-asa sa buhay ang kahit sino kung ang nakakasalamuha mo ay puro mga
negatibong bagay.
e.) Oh, kalapati ko, bigla kang lumipag, ay sumisimbolo bilang kalayaan ng isang tao. Kalayaang
magdesisyon para sa sarili at sa kung ano mang bagay na sa tingin niya ay makakabuti sa
kanya at sa kanyang kapwa.
2. Ano ang sukat at tugma? Bakit? Patunayan.
Masasabi kong traidusyunal na anyo ang tula na ito. May labing-dalawang taludtod na siyang
bumubuo sa bawat linya ng isang saknong sa tulang ‘Marupok’. Halimbawa sa paunang
saknong;
Kalapating puti sa gitna ng hardin,
Iginawa kita ng bahay na siím;
May dalawang latang palay at inumin,
Saka walong pinto sa apat na dingding.
Ang bawat tauludtod ay may bilang na labing-dalawa at ganoon din sa mga natitira pang saknong
sa tula. Ang tawag sa uri ng sukat na ito ay lalabindalawahin. Samantala, Ang uri ng tugma na
ginamit sa tula ay Tugma sa katinig o Di-ganap II dahil ang huling pantig ng bawat salita sa
bawat taludtod ay mga nagtatapos sa letrang l, m, n, ng, r, w at y.
3. Nagpapakita ba ito ng kultura ng mga Pilipino? Bakit?
Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero base sa aking opinyon, naging kaugalian na ng
mga Pilipino ay mapagkumbaba, matulungin, magiliw sa mga panauhin. Na sa bawat tinik na
dumadating sa ating buhay ay patuloy pa rin tayong matibay at matayog na nakatayo at
nagpapatuloy sa ating buhay. Kahit anong delubyo o kapahamakan ay hindi nito natitinag ang
kakarampot na pag-asang dumadaloy sa ating puso at isipan. Na kahit ano mang dumating na
paghihirap sa atin ay hindi tayo sumusuko. Katulad ng nasa tula, kahit na napag-iwanang wasak
at sira ay ginawa natin itong ehemplo para tayo ay magpatuloy at mas maging matibay sa ating
buhay.
4. Ano ang iyong reaksiyon sa tula?
Masasabi ko na sa pagbuo ng isang tula ay kinakailangan talaga na may kasangkapan o
instrumento ang may akda. Dahil sa mga karanasan makakalikha tayo ng mga iba’t ibang uri ng
damdamin na siyang maghuhudyat sa atin upang maipalabas natin ito sa maisining na
pamamaraan. Sa binasa kong tulang Marupok ni Jose Corazon De Jesus, masasabi ko na
napakalalim at napaka-matalinhaga ng bawa salitang binibitawan. Tunay ngang galing ito sa
puso at naging karanasan ng may akda na kung saan ito ang maaaring naging inspirasyon niya
para maisulat ang tulang ito.

LEKTURA:

PAGDALUMAT SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN AT IBA PANG-ANYO NG SINING

Mabulaklak ang panitikan ng Pilipinas. Kakikitaan ito ng iba’t ibang larawan ng bawat mga naninirahan dito –
ang kanilang kultura, paniniwala o maging ang kinagisnang hindi maitutulad sa ibang lalawigan at pook, bawat
bahagi ay nagpapakita ng kalinangan sa kanilang kinabibilangan.

Tematikong Pagtutulad
- Sa paggamit ng ganitong pamamaraan, pinagsasama-sama ng mananaliksik ang mga artikulo,
babasahin, at pag-aaral na may iisang tema o paksang tinatalakay kahit pa ito ay gawang lokal o banyaga.

Ang tekstuwal, kontekstuwal at intertestuwal ay mga bahagi ng pagdalumat para sa mas detalyado at
organisadong pagdalumat sa isa at/o isa patungo sa isa pang-akda.

1. TEKSTUWAL NA PAGSUSURI – bahagi ng pagsusuri sa akdang pampanitikan na katuon sa teknikal


na aspeto ng akda, sinusuri sa bahaging ito ang bawat bahagi ng akda at ang pagbibigay ng
pangunahing impormasiyon kaugnay ng manunulat.

2. INTERTEKSTUWAL NA PAGSUSURI – mula sa salitang inter na nangangahulugang mula sa pagitan


ng dalawa o ang pagtatagpo sa gitna. Sa bahaging ito ng pagsusuri ay paghahambingin ang dalawang
akda para sa malalim na pagtalakay. Ito ay maaaring tula sa kwento, kwento sa pelikula, pelikula sa
dula, dula sa sayaw, sayaw sa kanta at iba pa. ang layunin nito ay ipakita ang oagkakaiba at
pagkakatulad ng dalawang akdang dinadalumat.

3. KONTEKSTUWAL NA PAGSUSURI – bahagi ng pagsusuri sa akdang pampanitikan na nakatuon sa


konseptong lumulutang sa kabuoan ng kwento. Makikita ang mga patunay sa mga bahagi ng akda.
Layunin nitong ipakita ang mga espisipikong konseptong binibigyang kahulugan ng akda na hindi
amang nakakulong sa simbolismong ginamit.

PAGSASANAY #1
Panuto: Panooring mabuti ang dalawang video sa ibaba na nagpapakita ng dalawang magkaibang paksa
ngunit nakatuon sa ng pagpapahayag at ang nilalaman nito, maging ang tagpuan. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong matapos panoorin ang video clip.
• https://www.youtube.com/watch?v=oxdS8GdfHR4
• https://www.youtube.com/watch?v=M1B1bFWHWbE

1. Ano-ano ang sanhi ng kanilang mga pahayag o kilos?


Batay sa dalawang video na napanood ko, kung bakit ganoon na lamang ang pahayag at pagkilos ng mga katutubo
ay dahil na rin sa mga diskriminasyong binabato sa kanila, sa prejudice o hindi makatwirang pagpapasya ng
gobyerno bago maganap ang paglilitis at ipaalam sa mga indigenous people, pagbabalewala sa batas na
nagpoprotekta sa karapatang pantao ng mga katutubo sa Pilipinas.
2. Ano ang pagkakahawaig ng dalawang akdang pamapanitikan sa konsepto ng paglalahad ng ideya? Malinaw ba ang
bawat konseptong nais palutangin?
Ang pagkakahawig ng dalawang akda ay pareho silang dokumentaryong pumapaksa sa mga katutubo sa Pilipinas.
Maliwanag pa sa sikat ng araw ang nais ng dalawang dokumentaryong ipabatid ang nilalaman ukol sa mga lupain
ng kanilang mga ninuno. Isa na dito ay ang mga katubigan sa lupain, mga lugar sa baybayin, at mga likas na
yaman na pag-aari ng mga katutubong ito. Nais nilang mapalawak pa ang kanilang karapatan at ang kanilang pang-
unawa ukol sa kanilang karapatang pangtao.
3. Makatotohanan ba ang pangyayaring inilahad sa video? Patunayan.
Masasabi kong makatotohanan ang mga pangyayaring naisahad sa dokumentaryo dahil hindi lamang ang
dalawang video ang aking napanood. Noon pa man ako ay nakakarinig ng mga balita ukol sa mga sitwasyon
ng mga indigenous people, nakakabasa ng iba’t ibang artikulo, naihahayag din ito sa loob ng aking
eskwelahan noon, at pati na rin naipapalabas sa telebisyon ang mga delubyong nararanasan ng mga
katutubo mula sa mga kamay ng gobyerno at mga batas nito. Marami pa ring mga katutubo rito sa Pilipinas
ang nababalewala ang kanilang karapatang pangtao. Hindi pagkilala at paggalang sa kanilang mga
karapatan sa kanilang mga teritoryo at dahil dito ay naaapektuhan ang kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay, nagdudulot ng matinding kahirapan at nakakaapekto sa kanilang kaligtasan bilang isang
natatanging komunidad dito sa Pilipinas.
4. Sa kabuoan ng video o pahayag nakaapekto ba ang kultura sa kanilang ipininaglalaban o ibinabahagi? Sa paanong
paraan?
Sa aking sariling interpretasyon, may epekto ang ipinaglalaban ng mga katutubo sa kultura dahil ang mga
katutubong ito ay kilala sa kanilang mga natatanginging pagdiriwang, ritwal at muka at oral na panitikan at sa
kanilang kasiningan at pagkamalikhain. Ang kanilang kultura ay nanganganib na mawala dahil na rin sa
kultural na globalisasyon. Ang mga katutubong ito ay kadalasang walang kapangyarihan at impluwensyang
kinakailangan upang protektahan ang kanilang ways at lands laban sa mga may interes ng mas
makapangyarihang mga dayuhan o pati na rin ng sariling gobyerno.
5. Bakit sa iyong palagay ay pinagdaraanan ito ng mga tauhan sa video? Karapat-dapat ba itong mangyari o
maranasan?
Kaya nararanasan ng mga katutubo ang ganitong hindi kaaya-ayang pangyayari ay dahil na rin sa
kakulangan sa pag-aaral ukol sa karapatan nila sa kanilang sariling lupain na pinamana ng kanilang mga
ninuno at karapatan nila bilang tao. Hindi gaanong napapansin ang kanilang batas, ang kanilang kalagayan,
at ang kanilang mga pamumuhay. Kumbaga ay balewala ang mga RA na nagpoprotekta sa mga
katutuboong ito sa mata ng mga makapangyarihan. At sa tingin ko ay hindi dapat nangyayari ang mga
ganitong bagay sa ating mga katutubo dahil ang pagtaas ng Globalisasyon sa Pilipinas ang magiging dahilan
ng pagkawala ng kultura at tradisyon ng mga pilipino. Iisipin ng mga taong nasa posisyon na makakabuti ito
sa buhay ng tribo pero hindi dahil isa ito sa mga paraan nila para kumita ng pera sa lupain ng mga katutubo
kung ipapasulong ang kanilang plano. Wala silang pakialam sa mga opinyon ng mga tribong nananahimik na
nanamumuhay.
6. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabisang solusiyon sa kinahaharap nila? At paano mapangangalagaan ang
kanilang katayuan at kultura?
Tulungan natin ang mga katutubong tribo na mapabuti ang kanilang kabuhayan, edukasyon at tulungan
sila mula sa kahirapan at kasabay nito ang pag-aalaga at pagpapanatili ng kanilang kultura. Kailangan
nating iangat at pangalagaan ang mga pamayanang etniko dahil sila ang ating mga ninuno. Dapat natin
silang igalang at bigyan ng kalayaan na mamuhay ng kanilang sariling buhay sa paraang itinuro sa kanila
ng kanilang mga ninuno.

PAGSASANAY #2
Panuto: Mula sa video sa Gawain 1, dalumatin ang nilalaman. Batay sa kontekstuwal at tekstuwal na paglalahad,
maglakip ng mga patunay o ebidensiya hango sa video at batay sa mapagkakatiwalaang tao. Para sa intertekstuwal na
pagsusuri, ihambing ang video sa isang awitin at sumipi ng mga bahaging lubos na representasiyon o pagkakatad ng
dalawang akda. Ilahad ang pagdalumat sa pamamagitan ng isang grapikong presentasiyon tulad ng nasa ibaba o
maaring bumuo batay sa nais at kaakmaan.

TEKSTUWAL KONTEKSTUWAL INTERTEKSTUWAL


Paksa Kakaunti na lamang ang Kailangan nating iangat at Ang mga katutubo ay
natitirang aktibong grupo pangalagaan ang mga naglalabas ng kanilang
ng mga Katutubo sa ating pamayanang etniko dahil mga saloobin tungkol sa
bansa, ngunit ang ating sila ang ating mga ninuno. sistematikong
pamahalaan ay diskriminasyon at tahasang
napapabayaang rasismo mula sa mga
protektahan ang mga taong makapangyarihang tao,
ito at ipagtanggol sila sa goberyno at sa mga
kanilang mga karapatan sa awtoridad nito.
kanilang sariling lupain.
Patunay Batay sa dalawang video, Sa aking palagay at base Mula sa kantang Treaty na
ang mga indigenous people na rin sa mga impormasyon nanggaling sa isang
ay kabilang sa kong nakalap, kailangan Australian musical group na
pinakamahirap at pinaka- nating lubusang kilalanin, Yothu Yindi, isa itong
marginalized na sector ng protektahan at i-promote protest song na may
ating bansa at nakakaranas ang karapatan ng mga mensaheng “sa kabila ng
din sila ng kapabayaan at katutubong kultural at pangako ng politika, walang
diskriminasyon sa katutubong tao, sa paglikha namang mga pagbabago,
paglalaan ng karapatag ng metatag at maayos na at higit sa lahat ay
panlipunan ng ating komisyon at batas sa mga pabayaan ang
Pamahalaan, subalit katutubong tao, at mas napagkasunduan o batas.
ipinagsasa walang bahala lalong patatagin ang May pagkakapareho ang
na lamang ng ating pundasyon ng kanilang nasa dalawang video at
gobyerno ang natitirang mga lupain sa magandang ang kantang Treaty.
mga aktibong tribo sa ating paraan at hindi nakakasakit Katulad na lamang ng nasa
bansa. Katulad na lang diin sa kanilang damdamin. Sa liriko na;
ng sinabi ni Jamaico Cuyp pagkakaalala ko ay may All those talking politicians
na Vice-Chairperson, bilang R.A na para rito ngunit Words are easy, words are
lang din sa kamay ng hindi gaano’ng nabibigyan cheap
katutubong Pilipino ang ng pansin pero kalangan Much cheaper than our
pagkakakitaan o nating tiyakin na kasama priceless land
pangkabuhayan. Isa sa ang mga indigenous people But promises can
pangkabuhayan nila ay ang sa mga proseso at disappear
pangangaso at sa lupang desisyon na nakakaapekto Just like writing in the sand.
sakahan ngunit makalipas sa kanilang mga lupaing
ang ilang panahon ay ninuno at sa mga oras ng Protektado ng batas at
napatalsik sila sa sarili crisis. gobyerno ang mga tribo
nilang lupain na pinamana at katutubo ng Pilipinas
pa ng kanilang mga ninuno. pero malayo sa
At base rin kay Regina
katotohanan ang
Eneria na chairman Sakbibi
na ang ahensiya ng
kanilang nararanasan.
gobyerno, nababayaran din May mga nagiging
siya. Maaaring tama ito biktima ng
dahil protektado nga diskriminasyon pagdating
naman ng batas ang mga sa edukasyon at
katutubong ito ngunit paghahanap ng trabaho.
malayo sa katotohanan ang May napapatalsik mula
kanilang nararanasan dahil sa sariling lupaing
hindi masyadong maalam kinagisnan na maging ng
ang ibang katutubo tungkol
kanilang mga ninuno.
sa kanilang karapataan ay
pinagsasamantalahan
May nababalewalang
naman ito ng mga benepisyo dahil sa
makapangyarihan para katiwalian ng ilan. May
maalipusta sila at ang nabuburang tradisyon
kanilang lupain. May dahil sa kakulangan ng
nabubura ding tradisyon sapat na atensyon ng
dahil sa kakulangan ng gobyerno.
sapat na atensyon ng
gobyerno.

You might also like