You are on page 1of 4

I.

PANIMULA

Ang bandang Ereaserheads ay isang banda sa Pilipinas na nabuo noong taong 1989. Ang
banda ay naging isa sa pinakasikat at pinakamatagumpay na banda sa kasaysayan ng musika ng
Pilipinas. Isa sa mga sumikat nilang awitin ay ang kantang LIGAYA na kasama sa kanilang album
na Ultraelectromagneticpop! na inilabas noong taong 1993 kasabay ng ilan pa nilang mga
sumikat na awitin.
Ang awiting LIGAYA ay isang paboritong awitin ng kabataang Pilipino na kahit ilang
dekada na ang lumipas ay hindi lumalaos ang paksa na tungkol sa pag-ibig.

II. PAGSUSURI
A. PYESA
LIGAYA

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?


Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?
Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko
Sagutin mo lang ako aking sinta'y
Walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong...
Ligaya
Too.root.too.too.too.too.too
Woo... ooo... ooo...
Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko?
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko?
'Di naman ako manyakis tulad ng iba
Pinapangako ko sa'yo na igagalang ka
Sagutin mo lang ako aking sinta'y
Walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong
Ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong...
Ligaya

B. ELEMENTO
1. RITMO
Ang ritmo ang pinakamahalagang elemento sa musika, kung wala ito ay
walang buhay ang isang awitin. Ang ritmo ng “Ligaya” ay masarap pakinggan at
magaan lamang ang pagkakalapat ng mga instrumenting pangmusika kaya mas
madaling naiintindihan ang mensahe o nilalaman ng kanta.
2. MELODIYA
Ang melodiya sa kantang “ Ligaya” ay madaling matandaan at tumatatak
sa isipan na mas nakapanghihikayat sa mga nakikinig.

C. LIRIKO
Nilalaman ng liriko ng awitin ang damdaming nais ipahayag ng sumulat. Sa awiting
“Ligaya”, gumamit ang manunulat ng mga simpleng salita na karaniwang ginagamit ng
kabataan. Dahilan ito upang mas madaling maintindihan at tumatak sa isipan ng mga
tagapakinig ang awitin. Patunay nito ang pagiging patok at sikat ng awitin.

III. NILALAMAN
Sa unang dalawang saknong, isinasalaysay ng sumulat ng kanta ang mga
ginagawa niya upang maipakita ang kanyang pagmamahal sa babaeng kanyang
napupusuan. Makikita din mula sa mga salita sa awitin na tila hindi napapansin ng
babae ang mga ginagawa niya para dito. Maliban rito, makikita rin sa mga salita ng
lalaki na tila may hinihintay siyang “sagot” mula sa babae.
Sa koro naman ng awitin, ipinagtapat na ng lalaki ang kanyang hinihingi mula
sa babae – ang sagutin siya. Ipinangako ng lalaki na iibigin niya ang babae at
ipapakita niya ito oras-oras. Pagtitiwala lamang ang hinihingi ng lalaki mula sa
kanyang minamahal at hindi daw nito kinakailangang mangamba dahil tapat at tunay
ang iniaalay niyang pag- ibig dito. Sinabi rin ng lalaki na sila’y mamumuhay ng
tahimik at maligaya kung sasagutin na siya ng babae.

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN


1. Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo,
binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
Makikita sa awiting “Ligaya” ang teoryang ito ng panitikan sapagkat ipinakikita
ang magagandang katangian ng lalaki na nagsasalita sa awitin. Ipinakiktita dito ang
lahat ng mga kayang gawin at kakayahan ng lalaki, mapatunayan lamang ang
pagmamahal sa kanyang iniibig.

2. Teoryang Formalismo/ Formalistiko


Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot
gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-
akda sa kanyang panitikan ang siyang nais ipaabot sa mambabasa. Walang labis,
walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang- unawa.
Sa awiting “Ligaya”, simple at direkta ang mga salitang ginamit ng manunulat.
Hindi ito gumamit ng mga matatalinghagang salita o simbolismo upang maihatid ang
mensaheng nais ipabatid.

V. BISANG PAMPANITIKAN
A. Bisa sa Isip
Bilang isang mag- aaral sa kolehiyo at babae, isang magandang kaisipan ang nais
ipabatid ng awiting “Ligaya” ukol sa pagliligawan. Masarap isipin na may mga lalaki
pang handang gawin ang lahat mapatunayan lamang ang pag- ibig sa kanyang
nagugustuhang babae.
B. Bisa sa Damdamin
Batay sa mga nilalaman ng awiting “Ligaya”, mapag- iisip ang modernong
kabataan na katulad ko kung ano ang mararamdaman sa pagkakataong handang
gawin ng isang tao ang lahat para mapatunayan ang kanyang tapat na intensyon.
Kung ilalagay ko ang sarili ko sa estado ng babae sa awitin, ako ay matutuwa sa mga
ipinapakitang pagkakataon ng isang lalaki para sa akin. Bihira na ang mga ganito sa
kasalukuyang panahon.

C. Bisa sa Kaasalan
Sa modernong panahong ito ng teknolohiya, na kung saan ang pagliligawan at
pag- iibigan ay nangyayari na lamang sa tulong ng social media, isang malaking
hamon para sa aming mga kabataan lalo na sa mga lalaking nanliligaw ang nilalaman
ng awitin. Hamon ito upang sa kabila ng teknolohiya ay mapatunayan ang tunay na
intensyon at nilalaman ng puso ng isang tao.

You might also like