You are on page 1of 4

Calvario, Meycauayan City, Bulacan

BRYAN R. CAPANGPANGAN
BSEd FILIPINO
PANUNURING PAMPANITIKAN
MR. LIM

Balangkas ng Pagsusuri

I. PULA, PUTI AT SAKA BLU AT MARAMI PANG KOROL


ni LAV DIAZ (Bahagharing Timog)

II. Buod
Kahirapan ang pinakamasahol na uri ng karahasan. Mahatma Gandhi
Umikot ang istorya tungkol sa kahirapan at kung paano ito sinalamin ng
mga tauhan sa kwento. Iba-iba ang antas ng kahirapan pero iisa lang ang
kinahahantungan, kadalasan nagiging masahol ang dinadanas ng mga taong
kinakain na lamang ng ganitong uri ng sistema.
Si Dodoy, isang batang lulong sa paggamit ng solvent, dala na din siguro
ng pangungulila sa pagkawala ng kanyang ina kaya napagamit nito; patay na
ang kanyang ina siyam na araw na. Kasama sina Nenet, Dyong at Toto,
sama-sama silang lumilapad sa ilalim ng impluwensya ng solvent.
Sa mga pagkakataong nasa ilalim ng saliw, madalas niyang inaabangan
ang pagdaan ng elarti (LRT) na sa kanyang pag-iisip ay isa itong umiilaw na
uod na binubuo ng ibat ibang korol (kulay). Inisip niya ang sarap na maging
katulad nila, nakasakay sa kumikinang na uod na kapag rumaragasa ay nag-
iiwan ng pula, puti, blu, orens at maraming-maraming bumibilog, tumutudla,
bumubulusok, pumapailanlang, bumubulwak at kumikiwal na korol. Pakiwari
niya ay galling sa langit, mula sa kung saan-saan, dumadagundong,
sumasayaw, nag-aanyaya, sumasabay, sumasaliw, umiiwas, lumalayo,
lumalapit, sumisiksik, humihiyaw, lumalambing, parang duyan, parang oyayi

1 Panunuring Pampanitikan
Balangkas ng Pagsusuri
Calvario, Meycauayan City, Bulacan

na nais siyang ihele at magupiling, parang agos na tumatangay, parang


alapaap na kumakampay, kumakaway, naglalakabay, isang huning
nanghahalina, nang-aakit, umaawit, parangparangwow! Ganun ang elarti,
ibang klase.
Dulot ng pagkalulong, sinasapit ni Dodoy ang mga bagay na hindi angkop
sa dapat sapitin ng isang paslit na katulad niya ang mga pasakit na dulot ng
pagmamalupit ng katotohanan sa realidad. Humahantong pa sa
pagkakataong siya ay lubos na nangungulila sa pagkamatay ng kanyang ina.
Hindi batid ni Dodoy kung bakit siya iniwan ng kanyang ina mula sa
kanilang tirahan sa Baclaran. Naghintay ito ng naghintay, nagbabakasakali na
baka balikan siya nito.
Tutulo ang luha ni Dodoy. Ngayon lang siya umiyak, ngayong pasiyam.
Maiiyak din si Toto.
Madalang na madalang na ang elarti na nagbibigay sa kanya ng
kasiyahan. Panay pa rin ang singhot nila ng solvent. Banat hanggang sa kaya.
Kaginsa-ginsay may naulinigan siyang tunog, parang malayong sigawhindi,
sawns (tunog)! Sawns nga! Hayun, tanaw niya ang papalapit na elarti.
Andaming korol.
Tatayo si Dodoy, hahakbang sa hanggahan ng palapag. Pakiwari nitong
sasakay siya sa elarti at mauuna na ito sa kanila. Guguhit ang ngiti sa mukha
ni Dodoysa magpakailanman.
Wow!
Poskrip:
Si Nenet, namatay sa impeksyon ng kanyang maselang parte.
Si Toto, nasa sentro ng rehabilitasyon para sa mga adik.
Si Dyong, inampon, sabiy inasawa ni Mister Paul Honeycombe. Nasa
Ostralya na sila.

2 Panunuring Pampanitikan
Balangkas ng Pagsusuri
Calvario, Meycauayan City, Bulacan

III. PAGSUSURI
A. Uring Pampanitikan TULUYAN o PROSA

B. Istilo ng Paglalahad
Sa pamamagitan ng paghihimay ng mga detalye ng pangyayari nailahad
ng awtor ang mga pangyayaring maka-realidad o base sa tunay na
pangyayari. Ipinahayag ng awtor ang mga kaisipan na makapagbibigay buhay
sa akda na kayang sumalamin sa buhay ng kahirapan sa lipunan.

C. Mga Tayutay
1. Pagtutulad; Pagwawangis; Pagtatao
2. Pagtutulad di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay
Pagwawangis tiyak na paghahambing ngunit hindi ginagamitan ng
pangatnig
Pagtatao ginagamit ito upang bigyang-pansin, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao

D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan
ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang
ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.

2. Mga Pansin at Puna


i. Mga Tauhan
Dodoy pangunahing tauhan; sa murang edad dinanas niya
pagmamalupit ng lipunan mula sa pangyayaring nilisan siya ng
kanyang ina hanggang sa natutong gumamit ng solvent at
nahumaling ito dito.
Nenet batang bugaw; nagpapagalaw sa mga porenet (dayuhan)
para lamang kumita at makanili ng makakain at pang-solvent;
namatay dahil sa impeksyon sa maselang parte nito.

3 Panunuring Pampanitikan
Balangkas ng Pagsusuri
Calvario, Meycauayan City, Bulacan

Dyong pinakamatanda sa grupo; marahil kabisado na niya ang


pasikot-sikot sa ganitong uri ng sistema; nagsasabing nagsunog
ng gusali dahil sa sinapit mula sa isang gwardya na nagtatrabaho
ditto noon.
Toto nakisimpatya sa dalahing paninimkim ni Dodoy sa
pagkawala ng ina.
Mister Pol Hanikom (Mr. Paul Honeycomb) dayuhang
gumagalaw kay Nenet at sinasabing umampon kay Dyong.

ii. Galaw ng Pangyayari


Naging simple ang paglalahad ng may-akda sa mga detalye na
tutugon sa mga pangyayaring nakapagbigay buhay sa kabuuan nito.
Naging mabisa ang mga salitang ginamit upang lubos na maiugnay ng
may-akda ang mensahe nito sa kanyang mambabasa.

3. Bisang Pampanitikan
iii. Bisa sa Isip
- Pag-unawa ang kailangan sa mga taong sadlak sa lipunan
lalot higit sa mga taong kulang sa pagmamahal na dapat
kanilang nararamdaman.
iv. Bisa sa Damdamin
- Nakahahabag ang mga pangyayaring sa iba ay pinararanas.
Marahil hindi nga pantay-pantay ang aspeto ng buhay ng
bawat tao ngunit hindi ito dahilan upang malugmok na
lamang sa kasalukuyang kinalalagyan.
v. Bisa sa Kaasalan
- Bumabase ang ugali at kasanayan ng isang tao base sa uri
ng pamumuhay na meron siya.
vi. Bisa sa Lipunan
- Totoong nangyayari sa lipunan. May mga pagkakataon na
pinangingilagan natin ang mga taong nasa ganitong antas
ng pamumuhay.

4 Panunuring Pampanitikan
Balangkas ng Pagsusuri

You might also like