You are on page 1of 5

Colegio de Montalban

Kasiglahan Village San Jose Rodriguez Rizal


Department of Education

DUGUANG LUPA
Inilathala ng Kilometer 64 Poetry Collective, 2010 Ang karapatang-ari sa mga tula ay
nananatili sa mga may-akda.

Isa muling proyekto mula sa Kilometer 64 (KM 64) Poetry Collective. Isang
chapbook na naglalaman ng mga likhang pampanitikan patungkol sa isang
pangyayaring tumatak na sa atin – ang tinaguriang Maguindanao Massacre o
Ampatuan Massacre. Tugma lamang ang pamagat nitong kalipunan ng mga tula
at iba pang likha upang bigyang larawan ang isyung ito

ito ay binubuo ng mga ambag nina: Arbeen Acuna, John Marc Acut, Maryjane Alejo,
Kislap Alitaptap, Louise Vincent Amante, Angelo Ancheta, Mark Angeles, Maria Baleriz,
Noel Sales Barcelona, Trevor Batten, Diana Cabote, Jef Carnay, Rustum Casia, Maureen
Gaddi dela Cruz, Kiri Lluch Dalena, Francis Emralino, Dennis Espada, Danny Fabella,
Rom Factolerin, Richard Gappi, Jonathan Vergara Geronimo, John Carlo Gloria, Lolito
Go, Roge Gonzales, Severino Hermoso, Sinta Isaac, Pia Montalban, Francisco Arias
Montesena, Patrick Orquia, Ayesha Osop, Wilmor Pacay III, Jujj Padin, Piping
Walangkamay, M.J.Rafal, Alexander Martin Remollino, Aris Remollino, Ayesha
Sarapuddin, Rey Tamayo Jr., Amos Tarana, Abet Umil, at Cindy Velasquez .

PALIWANAG:

Dito sa Dinuguang Lupa nakapaloob nag mga panitikang tumatalakay sa


pangyayaring tumatak sa mga tao sa Mindanao.Tinatawag itong Maguindanao massacre dahil sa
kasakiman ng mga taong nasa kapangyarihan na gustong maghari ng matagal sa Mindanao.

Nasundan din ito ng pagtatatag ng Martial Law para huliin ang taga suporta ng Ampatuan,Binawi na ang
proklamasyon ng batas military ngunit patuloy pa rin ang pagdakip sa mga taga suporta sa Ampatuan
ngunit di lahat ng nadadakip ay kasapi sa Ampatuan na grupo kaya`t may mga inosenteng mga tao ang
nadadakip at napapatay,Kaya nabuo ang sari`t saring mga panitikan na ito na tumatalakay nararanasan
Colegio de Montalban
Kasiglahan Village San Jose Rodriguez Rizal
Department of Education

ng mga tao at mga katiwalian na naganap sa termino. Nabangit din dito Ang paglalaban ng kupunan ni
Arroyo at FPJ na nagkaroon ng dayaan sa botohan sa isang lalawigan na sikat si FPJ.

Ang mga panitikang nabuo ay mga pangyayaring alala para sa mga sinapit ng mga namatay sa
trahedyang iyon.Kaya mahalaga talaga ang mga panitikang Pilipino dahil nababaliktanaw natin ang mga
pangyayaring naganap sa nakaraan para malaman sa kasulukuyang panahon ngayon.

Mga Tula sa Blog ni Rogelio L. Ordoñez

Isang premyadong manunulat si Rogelio L.Ordoñez– kuwentista’t nobelista, makata’t


peryodista .Isa sa kinikilalang progresibong manunulat sa Pilipinas si Rogelio “Ka Roger”
Ordoňez. Ayon nga sa isang premyadong manunulat, si Ka Roger sa simula’t sapul ay
nanatiling manunulat na may paninindigan sa sinumpaang sining. Hindi kumupas, at
manapa’y lalo pang tumingkad ang kanyang panulat na bumabangga at bumabaklas sa
establisyamento ng lipunan, lalo na sa naghaharing uring nagsasamantala sa dayukdok
na masa dito sa itinuturing niyang La Tierra Pobreza. Matutunghayan sa kanyang mga
akda ang talim ng pagsusuri niya sa lipunang Pilipino. Maihahanay bilang panitikang
mapanghimagsik ang kanyang mga tula, maikling kuwento, at mga sanaysay na
naglalarawan ng masalimuot na kalagayan ng sambayanan sa ilalim ng mga nasa
poder ng kapangyarihan. Sino ang makalilimot sa karakter niyang si Anto, na
kumakatawan sa aping uring inagawan ng lupa’t pinagkaitan ng karapatan, na bigla na
lamang sumambulat ang himagsik. Kung paanong tinapos sa marahas na tagpo ang
kuwento niyang Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya para sa pagsasakapangyarihan sa
hanay ng manggagawang pinagdadamutang mabuhay nang marangal. Hindi
nagpapatumpik-tumpik ang kanyang panulat para banggain, wasakin, at tapusin ang
iilang naghahari-harian at diyos-diyosang patuloy na nagpapahirap sa sambayanan.
Gayundin, hindi tumigil lamang sa isang panahon ang panitik ni Ka Roger, bagkus,
patuloy siyang naging mabuting guro sa mga batang manunulat—sa panitikan o buhay
Colegio de Montalban
Kasiglahan Village San Jose Rodriguez Rizal
Department of Education

man, at higit, sa pakikibaka ng masang sambayanan na kanyang buong-buhay na


dinakila.

PALIWANAG:

Sa mga blog ni Rogelio L. ay nakapaloob ang mga gawa niyang mga tula na
bumabangga at bumabaklas sa establisyamento ng lipunan.Pinapakita rito ang mga
katiwaliaan ng Gobyerno o namamahala sa pamahalaan.Naihayag nya ang kanyang
mga saloobin at pagtutol sa pamaamgitan ng panitikan tulad ng tula at iba pa. Sa Tula
n`ya na ito isinisiwalat ang mga kaharasan o katiwalian nangyayari sa lipunan at mga
paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino.Napakalaking tulong ng Panitikan sa
Karapatang Pantao sapagkat naiisiwalat o naiihayag ang mga karanasang nararanasan
ng tao sa panahong iyon sa termino ng isang tiwalig o mapang abusong
pamumuno.Nagwagi rin ng mga parangal ang kanyang mga panitikan sa ibat ibang
patimpalak.

Karagdagang Impormasyon.

Ang Musika Bilang Armas Pandigma by Joel Costa Malabanan

Sa isang Likha ni Ramon T. Ayco,Sinuri ni Joel Costa Malabanan ang mga awiting niya
patungkol sa rebolusyonaryong Kilusan.Mga likha na nagawa ni Ramon T. Ayco na
sinuri ni Joel Costa Malabanan ay ang mga sumusunod

“Tano” tungkol sa isang magsasakang naging NPA,”Pantasya” Tinatalakay ng awitang


maling turo ng panamampalataya na naging dahilan ng pagkaalipin ng
tao,Babae,Sandata`y Hawakan,Alay,Dilaw na bulaklak,Naku,Buhay OFW at Ang
Paglalakbay ay mga panitikang nailikha ng manunulat sa panahon iyon.Tinatalakay
Colegio de Montalban
Kasiglahan Village San Jose Rodriguez Rizal
Department of Education

ditto ang asari`t saring mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa nasabing taon
na nalikha ito.

Ang Musika ni Gary Granada sa Panahon ng Panunungkulan ni Gloria Macapagal


Arroyo (2000-2010)Bahagi ng Pananaliksik ni Joel Costa Malaanan

Isa pang Tinalakay ni Joel Costa Malabanan Ang Musika ni Gary Granada sa Panahon
ng Panunungkulan ni Gloria Macapagal Arroyo. Dito tinatalakay ni JC Malabanan ang
mga musika o panitikan ni Granada patungkol sa katiwaliaan ni Gloria
Arroyo.Inihahayag din ni Granada ang kanyang mga saloobin sa nasasabing katiwalian
sa pamamagitan ng lyriko ng mga kantang kanyang naisasagawa at ang ibang mga
lyrikong ito ay nagpapahayag na patalsikin o tuglisain ang pamumuno ni Arroyo
sapagkat napakadaming katiwalian ang nagaganap ngunit walang aksyon.Pero di lahat
ng kanta ni Gray Granada ay patungkol sa pagtuligsa meron din syang mga kantang
nagpapakita ng nasyonalismo at iba pa.

SOSYELIDAD at LITERATURA/ PANITIKANG

FILIPINO
Colegio de Montalban
Kasiglahan Village San Jose Rodriguez Rizal
Department of Education

KARAPATAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

WRITTEN REPORT

GROUP 3

ISINUMITE NI: Ryan C. Resco

BSED-sci 1B

ISINUMITE KAY: Mrs. Laura Uson

You might also like