You are on page 1of 16

Ang TEORYANG PORMALISTIKO O FORMALISMO

ay isinilang noong 1910 at yumabong noong


dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may
PANANAW NA ANG AKDA O TEKSTO AY DAPAT
SURIIN AT PAHALAGAHAN KUNG IBIG
TALAGANG MASUKAT ANG KAGANDAHAN NG
AKDA.
Maraming mga mananaliksik at kritiko ang
nakatuklas sa pinag-ugatan ng teoryang ito,
kabilang ang mga isinulat ni Coleridge na
itinuturing niyang “BUHAY” dahil sa kaisahang
nakapaloob.
Naging tanyag ang pananaw na ito sa
panunuring pampanitikan dahil na rin sa
dami ng mga pagsusuring ginamitan ng
ganitong pananaw.
LAYUNIN
• Ang pagtuklas at pagpapaliwanag ng
anyo ng akda. Pisikal na katangian
ng akda ang pinakaboud ng
pagdudulog na ito.
Ang tunguhin ng pananaw na ito ay
matukoy ang sumusunod:

• Nilalaman
• Kaanyuan o kayarian
• Paraan ng pagkakasulat ng akda
Kailangang sa masuri sa akda ang
 TEMA O PAKSA NG AKDA
 SENSIBILIDAD NG MGA TAUHAN
 PAG-UUGNAYAN NG SALITA
 ISTRUKTURA NG WIKA
 METAPORA
 IMAHEN
 AT IBA PANG ELEMENTO NG AKDA
Sa pananaw na ito ay hindi lamang
mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang
pagsusuri na ring ginamit.

Sa pagtalakay ng akda, dapat ang


mailantad lahat ng mahahalagang bagay
mula sa simula patungo sa iba’t-ibang
elementong magkakaugnay hanggang sa
katapusan.
Dapat makita kung may ironi o paradoks o may
kalabuan o may iba pang elemento sa akda.
Kung makikita ang mga elementong ito,
masasabing mahusay ang akda.

Binibigyang atensiyon din ang salita o


vokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang
pampanitikan sa pang araw-araw na salita.
Ayon sa makata at magaling na
mananaysay na si Alejandro G. Abadilla,
ang sanaysay ay isang “salaysay ng
sanay” at sapagkat ang panumbas ng
salitang essais sa Pransya ay walang
katumbas sa tagalog kaya’t hinango sa
depenisyong ito ni Abadilla ang
katawagang “sanaysay.”
Ibig sabihin ang isang
manunulat ay makasusulat
lamang ng isang mabisang
sanaysay kung ito’y
nasasaklaw ng kanyang
kaalaman, pag-aaral,
karanasan, hilig, pananaw,
katauhan at kalagayan.
Ayon naman sa Pranses na si
Michel de Montaigne, ang
may-akda ng essais, ito ay
ang pagsulat tungkol sa
personal na karanasan,
damdamin at kuro-kuro o
palagay ng manunulat sa
paraang magaan, kawili-wili at
nakapagbibigay impormasyon
sa mambabasa.
Kabilang sa mga uring ito ng panitikan ang
mga sumusunod:

• Artikulo sa mga magasin at pahayagan


• Disertasyon
• Editoryal
• Lathalain
• Panunuring pampanitikan/pampelikula
• Talumpati
• Tesis
DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. PORMAL O IMPERSONAL NA SANAYSAY.
2. IMPORMAL O PERSONAL NA SANAYSAY.
PORMAL O IMPERSONAL NA SANAYSAY
Nagtataglay ng mahahalagang
impormasyon sa pamamagitan ng
pormal na paraang bunga ng isang pag-
aaral o pananaliksik. Pormal ang wikang
ginamit kaya’t higit na mabigat basahin.
Ang tono ay seryoso, pang-intelektuwal
at walang halong pagbibiro.
DI- PORMAL NA SANAYSAY
Kusang inilalayo ng may akda ang sarili
niya sa akda upang maging
kapanipaniwala ang kanyang pinapaksa.
Karaniwang ikatlong panauhan ang
ginagamit.
IMPORMAL O PERSONAL NA SANAYSAY
Karaniwang naglalahad ng kawili-wiling
paksa, ang pagpapaliwanag ay maaaring
batay lamang sa karanasan o kuro-kuro,
palakaibigan ang mga salita at para
lamang nakikipag-usap ang tono ng
may-akda. Karaniwang unang panauhan
ang gingamit.

You might also like