You are on page 1of 4

TEORYANG MORALISTIKO

KASAYSAYAN
Sa pananaw na moralistiko, ito ay nagsisilbing Batayan ng mga kaisipang
magtuturo sa tamang pagpili at pagbuo ng mga desisyon sa buhay na ayon sa
pamantayan na itinakda ng moralidad. Ang mga ideya at tumutulong sa pagkilala
sa mga bagay na tinatanggap sa lipunan kung ano ang tama at mali, ang mabuti at
masama.
Sa pag- aaral ng akda ay naroroon rin ang moralistikong pananaw. Ang
impluwensiya ng akda ay ipinapakita sa naging pag-uugali o asal at at panuntunan
sa buhay na taglay ng mahahalagang tauhan sa akda. Ang akda ay salamin na mga
kapintasan at kagandahang dapat taglayin ng pagkatao. Nagbibigay diin sa
gantimpalang nakalaan sa pagsunod sa batas ng kabutihan sa mundo.
Ipinaglalagay ng mga tagapagtaguyod ng teoryang ito na ang manunulat ay
isang nilalang na balo na maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang
kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga na gagabay sa
pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon,
maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti masama.

KATANGIAN
Isa sa mga katangian ng moralistiko na ilahad ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali.
Inilahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyon nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkasunduan ayon narin sa
kaantasan nito.
Nakatuon ito sa kaisipang nag- uugnay sa kagandahang asal, mga
pagpapahalgang ispiritwal, mabuting pag- uugali. Samakatuwid ang mga uri ng
tanong sa pagdulog na ito ay pangkaisipan at pangkaasalan.
Dito pumapasok ang lagi ang tanong ng guro sa hulihan ng liksiyon ang “
aral sa akda”.

KARAGDAGANG IMPORMASYON
► Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal ng mga kaisipang
batayan ng wastong pamumuhay at pakikipag kapwa.

LAYUNIN NG MORALISTIKO
► Ang mga ideya ay tumutulong sa pagkilala sa mga bagay na tinatanggap sa
lipunan- kung ano ang tama at mali.
► Ang akda ay kapupulutan ng mga aral sa mga mga maling landasin a buhay.
► Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali.
ISTIL MORALISTIKO
► Inilalarawan sa teksto ang mga paksang pagtatagumpay ng kabutihan sa
kasamaan, pagwawagi ng katarungan laban sa pang-aapi, pangingibabaw ng
kalinisan ng pagkatao at katatagan sa harap ng mga pagsubok at kahinaan.
► Ang akda a nagsisilbing batayan ng mga kaisipang magtuturo sa tamang pagpili
at pagbuo ng mga desisyon sa buhay na ayon sa pamantayang itinakda ng
moralidad.
► Ipinapakita ang pagtutungali ng lakas ng katwiran at impluwensiya ng mga
elementong sumisira sa tao.
►Ang impluwensiya ng akda ipinapakita sa naging pag-uugali o asal at
palatuntunan sa buhay na taglay ng mahahalagang tauhan sa akda. Ang akda ay
salamin ng mga kapintasan at kagandahang dapat taglayin n pagkatao.

PAGSUSURI NG MORALISTIKONG AKDA


► Ang mga karakter ay sinusuri bilang pagtutol o pagkilala sa umiiral na
pilosopiya sa buhay o sistemang moral sa lipunan.
► Inilahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa
madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

HALIMBANWANG AKDA NG MORALISTIKO

► “Gapo” isinulat ni Lualhati Bautista.


Ang nobelang ito ay kwento ng isang anak sa labas ng isang sundalong
amerikano na nakilala g kanyang ina na nagtatrabaho sa base militar ng mga
sundalong Amerikano sa Olongapo.
Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-
iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang
katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipustang
mga sundalong Amerikano sa mga kaibigan niya. Dahil sa mga pangyayari pinatay
niya ang amerikanong nag-alipusta sa mga kaibigan niya at nakulong.
► Ibig kong Makita ni Benigno Ramos
Ang tulang ibig kong makita ni Benigno R. Ramos ay dumadalumat sa
suliranin ng ating lipunan laban sa moralidad. Nagnanais itong makita ang
magagandang asal ng Pilipino at hindi ang pagdulog sa kasama nito. Sa pagtalakay
rito gamit ang pagdulog moralistiko, kailangan ng matalinong pagpapasya na
itanghal ang kabutihan at itakwil ang kasamaan.
► Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto

You might also like