Professional Documents
Culture Documents
MALT-Filipino
1. Sikolohikal na Pagdulog
Tulad din sa bayograpikal na pagdulog, nakaangkla rin ang sikolohikal na pagdulog
sa ekspresibong pananaw. Ipinapalagay sa pananaw na ito na ang akdang pampanitikan
ay nagsisiwalat ng isip, damdamin, at personalidad ng may-akda. Kung gayon inaanalisa
sa pagdulog-sikolohikal ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda. Upang
maisakatuparan ito, tulad sa bayograpikal na pagdulog, kailangang may kaalaman ang
mambabasa sa buhay ng may-akda. Ayon nga kina Bennett at Royle (1999:20),
ipinakikilala dito ang relasyon ng fiksyon (akda) sa katotohanan (talambuhay).
Konteksto
May-akda Akda
Mambabasa
Ipinakikita sa dayagram na hindi rin maituturing na walang epekto ang mga pangyayari sa
kaligiran (panahon at lipunan) ng may-akda. Ang realidad ay tinitingnan bilang hilaw na
materyal na napoproseso sa isipan at damdamin na nakakaapekto sa kaniyang paniniwala
at konsepto. Ang nasasaloob ng may-akda ngayon ang lumalabas na naisisiwalat niya sa
kanyang mga akda.
Maaari rin namang gamitin ang sikolohiyang pagdulog sa pagsusuri sa mga tauhan at
pangyayari sa akda nang di inaalam ang buhay ng may-akda. Sinusuri rito ang mga
tauhan sa akda, ang kanilang kilos at kaisipan, ang relasyon ng bawat isa, kung bakit
nagbago ang dating paniniwala, kung bakit tinalikuran ang dating ipinakikipaglaban, ang
pinagdaanang buhay o mga pangyayaring nakaapekto o nakaaapekto sa kanilang
pananaw.
Sinabi pa rin ni Freud na binubuo ng id, ego, at superego ang isip ng tao. Ang id daw ay
pinagmumulan ng instink o kalikasan ng tao – nanggagaling dito ang ninanais o
pagnanasa na kaligayahan. Ang ego ang pumapagitna sa mga hidwaan o pagtataliwasan sa
pagitan ng instink o likas na pag-uugali ng tao at sa nakapaligid na katotohanang
panlipunan. Ang superego naman ang siyang konsensya ng tao. Nakapaloob dito ang mga
ideya ng pagiging tama at mali na natutunan at natututunan mula sa mga taong
nakapaligid sa tao—mga magulang, titser, pari/pastor, at iba pa.
2. Formalismong Pagdulog
Sa pagdulog formalismo na tinatawag na bagong kritisismo sa Estados Unidos, ang
akda ay:
c. ang awtor ay tiwalag dito- hindi mahalaga kung ano ang nagtulak sa awtor sa paglikha
ng akda o ang mensaheng nais iparating ng may-akda.
Sa pagdulog na ito, ang mahalaga ay ang mismong akda sa paniniwalang ang sentral
na kahulugan ng akda ay mauunawaan lamang sa pamamagitan ng mga elementong
pampanitikan tulad ng banghay, tauhan, tagpuan, diksyon/tono, imahen, estruktura,
at punto de vista.
Kung gayon, taglay ng akda ang lahat ng elemento upang maunawaan ang akda ng
sinumang babasa
Ang empasis para maunawaan ang akda ay makikita sa:
c. paggamit ng ironiya; at
Upang higit na maunawaan kung paano susuriin ang akda gamit ang formalismong
pagdulog , maaaring gamitin ang sumusunod na mga katanungan (DiYanni:1895):
1. Paano binuo o inorganisa ang akda? Paano ito sinimulan? Saan ito patungo? Paano ito
winakasan? Ano ang banghay nito? Paano nagkakaugnay ang banghay sa
pagkakaorganisa nito?
2. Ano ang ugnayan ng bawat bahagi ng akda sa kabuoan nito?
3. Sino ang nagsasalaysay o ang nagkukuwento sa mga nagaganap sa akda? Paano ninyo
nakilala kung sino ang nagsasalaysay o ang nagkukuwento? Paano natin ito naunawaan?
4. Sino ang pangunahin at katulong na mga tauhan, ano ang kanilang ipinakita, at anong
ugnayan mayroon sila?
5. Ano ang panahon at lugar ng akda—ang tagpuan? Paano natin maiiuugnay ang tagpuan
sa pagkakakilala natin sa mga tauhan at sa kanilang mga aksyon?
6. Anong uri ng wika ang ginamit sa akda sa paglalarawan, pagsasalaysay pagpapaliwanag,
o sa pagkabuo ng daigdig sa akda? Anong mga imahen, pagtutulad, pagwawangis, simbolo
ang ginamit sa akda? Ano ang gamit ng mga ito? Anong kahulugan ang inihahatid ng mga
ito?
Batay sa mga katanungan sa itaas, hindi pinahahalagahan sa formalismong
pagdulog ang nasa labas ng akda. May sariling kahulugan ang akda na makukuha lamang
sa pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay ng mga element sa loob ng akda. Dahil dito,
tinitingnan ang isang akda na walang kamatayan o angkop sa lahat ng panahon.
3. Dekonstruksyong Pagdulog
4. Feminismong Pagdulog
BABAE LALAKE
pwedeng umiyak hindi pwedeng umiyak
manika ang laruan baril-barilan/tirador/saranggola
ang laruan
di-pwedeng umakyat sa puno pwedeng umakyat sa puno
sa bahay lamang pwedeng gumala
Ang mga nabanggit na istiryutipo ay lalo pang nadagdagan, sa paglaki ng mga babae’t
lalake na idinikta ng kanilang lipunan.
Naniniwala ang mga feminista na ang kasarian bilang byolohikal na katangian ng bawat
indibidwal, at ang jender na katangiang itinakda ng lipunan ay dapat na magkahiwalay.
Ang mga istiryutipong likha ng lipunan ay itinuturing na hindi esensyal sa
pagpapakababae at pagpapakalalake (hilig/kilos ng babae’t lalake) o jender ng tao
(http://www.colorado.edu/English/ENGL2012Klages/queertheory.html).
5. Marxistang Pagdulog
Sa kaisipan nina Karl Marx at Friedrich Engels, mga pilosopo at ekonomistang Aleman,
nagbuhat ang kaisipang Marxista. Ang kaisipang ito ay nakaugat sa pananaw-sosyolohikal
kung saan ang iba’t ibang institusyong panlipunan ay nagtutulog-tulong sa paghubog sa
mga indibidwal. Ngunit higit na binibigyang-empasis sa Marxismo ang aspektong
pangkabuhayan o pang-ekonomiya nangbubunga ng pagkakaiba ng mga uri ng tao sa
lipunan- ang naghaharing-uri, ang pinaghahariang-uri na nabibilang sa gitnang-uri, at ang
uring-manggagawa na pianghaharian ng mga nasa naghaharing-uri. Dahil dito, sinisiyasat
sa pananaw-Marxismo ang tunggalian ng mga ideolohiya partikular ang sa mga
manggagawa at sa mga kapitalista. Sinusuri sa pagdulog na ito ang di-pagkakapantay-
pantay ng mga tao bunga ng di-pantay na distribusyon ng ari-arian sa larangang
pangkabuhayan- ang sanhi at bunga nito at ang posibleng solusyon.
Sa tunggalian ng mga uri sa lipunan, inilalantad ng mga Marxistang akda ang tunggalian
ng mga uri kung saan ang kayamanan, oportunidad, at edukasyon na para sa lahat ng uri
ng tao sa lipunan ay nauuwi lamang o nasa sa kamay ng kakaunting bilang na naghahari
sa mas lalong maraming bilang na nakararanas ng pang-aapi at eksploytasyon. Sinusuri
rin sa akda kung paanong nahuhubog ang tao at lipunan ng mga kondisyong
pangkabuayan o pang-ekonomiko.
6. Teoryang Queer
Umusbong ang Teoryang Queer mula sa mga pag-aaral tungkol sa mga bakla/lesbian na
nagsimula noong kalagitnaan ng dekada ’80 na sumandig sa mga feministang pag-aaral.
Ngunit para sa mga teoristang queer, higit na malawak ang pag-iimbestiga sa
pamamalagay na ito. Tinitingnan at pinag-aralan/sinusuri sa pananaw na ito ang mga
bagay na itinuturing na nasa kategoryang normative at deviant, lalo sa mga gawain at
mapagkakakilanlang sosyal ng bawat indibidwal. Sinusuri dito ang pagiging kakaiba sa
karaniwan o ang pagiging natatangi at kataliwasang pandalawahan (binary opposition).
Upang higit na maunawaan ang kaisipang taglay ng teoryang ito, mahalagang maunawaan
ang pagkakaiba ng kasarian (seks), jender, at sekswalidad.
Iginigiit ng teoryang ito na ang lahat ng pag-uugaling sekswal, ang lahat ng mga kaisipang
nag-uugnay ng pag-uugaling sekswal sa pagkakakilanlang sekswal, at lahat ng mga
kategoryang normative at deviant ay hinubog o itinakda ng lipunan na lumilikha ng
panlipunang kahulugan.
(http://www.colorado.edu/English/ENGL2012Klages/queertheory.html)