You are on page 1of 3

PAGGAWA NG BALANGKAS

Pamagat: Ang Pusa Sa Ang Pusa Sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo

Talambuhay ng May-akda:
Si Jesus Arceo ay isa sa mga nangungunang manunulat ng piksyon noong 1920-1930.
Nakasulat ng 90 nobela, dalawang libong mahigit na kwento, isang libong mahigit na sanaysay at
hindi mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog .
Siya ay lalaking kapatid ni Liwayway Arceo.

Buod ng kwento:
a. Mga tauhan:
 Tagapagsalaysay - pangunahing tauhan sa kwento at minsan naka gawa ng
pinakaiiwasan niya.
 Adela - isang guro na itinuturing ng tagapagsalaysay na patibong sa kanyang pag-ibig
 Luis - naging kasintahan ni Adela at karibal ng tagapagsalaysay na nagtangka sa buhay
nito

b. Lugar ng kwento
 Tanggapan ng Panitik - ang lugar kung saan unang nagkita ang Tagapagsalaysay at ni
Adela at naging daan ng kanilang pag-iibigan
 Lilim ng isang puno ng niyog - ang lugar kung saan nalaman ng tagapagsalaysay ang
katotohanan tungkol sa kay Adela
 Palaruan sa paaralan - ang lugar kung saan unang nakatagpo ni Adela si Luis.
 Silid - ang silid na tinutuluyan ng Tagapagsalaysay at kung saan niya nakita ang pusa
sa kanyang hapag

c. Banghay
 Simula
“Naisagawa kona iyon-ang pinakaiiwasan kong gawin. Ang mga kaibigan ko at
nakakakilala sa akin ay hindi mag-aakalang magagawa ko iyon. nababatid ko na ang
aking buhay ay pinag-babantaang agawin sa akin-matagal na. Kaya kangina, nang
inaakala kong kinakailangan ng pangyayari na ipag-tanggol ko ang aking karapatan sa
pag-aari ng aking buhay ay nakalimutan ko ang akingg pagtitimpi , ang aking pagpipigil.
At naisagawa ko na  iyon -ang pinakaiiwasan kong gawin”.

 Gitna
“Madalas kaming magtagpo tuwing hapon hindi sa aking tanggapan kahit saan ang
pinagtuturuan upang ubusin namin ang nalalabing sandali sa pamamasyal sa kung saan-
saan na maari naming masarili ang pag-uulayaw, ”.

Suliranin:
Ang maling pag-iibigan ng Tagapagsalaysay at ni Adela

Paliwanag :
Ito ang naging suliranin sa kwento, ang kanilang pag-iibigan ay isang pagkakasala
dahil si Adela ay may problema pa sa dating karelasyon ngunit ipinagpatuloy pa rin
nila ang kanilang relasyon na humantong sa malaking bagay na pinagsisishan ng
Tagapagsalaysay.

 Kasukdulan
“matagal na pinaghambing ko ang nakasisilaw na kislap ng liwanag ng araw sa
tubig at ang ningning ng kanyang paningin sa tila dalawang patak ng hamog na
nakatalilis saaraw at namuo sa pagitan ng malago niyang pilik-mata. “hindi maari ang
gayon.” Bahagya na niyang naibuka ang kanyang bibig, at idinampi niya sa kanyang
mga mata ang kanyang panyo. “hindi mo nga nababatid ang katotohanan. Dapat mong
malaman ang katotohanan upang hindi mo masabi sa akin na sinamantala ko ang iyong
kawalang malay.”
“Lumapit ako sa durungawan at tumingin sa ibaba at ang sumalobong sa akin ay ang
nakapanlalamig na titig ng luntiang mata. Sa hindi ko malamang pinanggalingan ay
tila umalingawngaw sa aking pandinig ang isang nanunuksong halakhak. Tumalikod
ako at humarap sa pintong nakabukas at narinig ko ang liwanag, tila iyon lamang ang
ipinaririnig sa akin, ang magulo at maingay na yabag sa labas ng patungo sa aking
silid”.

You might also like