You are on page 1of 8

MGA DULANG

PANTANGHALAN SA
PANAHON NG KASTILA
Sa pilipinas katulad din sa ibang bansa, ang mga
sinaunang tanghal o panoorin ay mga makalumang
ritwal at seremonya. Ang mga ito’y hindi tunay na mga
dula, sa tunay na kahulugan ng salitang dula.

Mula noong 1521 hanggang sa panahon ng pananakop


ng mga amerikano, ang mga pilipino ay may
impluwensyang kastila san kanilang gawi at
pamumuhay.
MGA URI NG DULA SA
PANAHON NG KASTILA

 ANG KARAGATAN: Ang larong ito’y ipinapalabas bilang


pang-aliw sa mga naulila. Ginaganap ito sa ika-30 araw ng
kamatayan. Maaari rin itong ganapin sa buong panahon ng
pagdarasal para sa kaluluwa ng namatay, mula sa una hanggang
ika-9 na araw at sa unang taon ng kamatayan. Patula kung bigkasin
ang mga salita.
 Ang Duplo: Katulad ng karagatan, ang duplo ay isang laro may
kaugnayan sa kamatayan ng tao at ang layunin ay aliwin ang mga
naulila. Ginaganap ito sa iak-9 ng gabi. Patula ang mga pananalita
ngunit hindi nangangailangan ng palagiang may sukat at tugma.

 Ang Huego De Prenda: ang isang kawili-wiling larong may


kaugnayan sa isang yumao ang huego de prenda. Ang pinuno kung
tawagin ay hari o punong halaman ay nakaupo sa gitna ng isang
pulutong ng mga kabataang lalake at babae.
 Ang Panubong o Putong: Ang panubong ay isang dula-dulaan na
nagmula sa lalawigan ng marinduque. Sa Quezaon, ito ay tinatawag na
putong o pamutong. Ito’y ginaganap bilang pagparangal sa isang may
kaarawan, sa isang mataas na pinuno ng pamahalaan o isang dignitaryo
(taong tanyag).

 Ang Pamanhikan: Ang pamanhikan ay isang katangi-tanging


tradisyon ito’y tungkol msa pag-ibig, pagliligawan at pagpapakasal.

 Ang Hugas Kalawang: Ang hugas kalawang ay ang pagdiriwang


bhilang pasasalamat ng mga magsasaka sa katagalugan sa masaganang
aning ipinagkaloob ng dakilang lumikha.
 Ang Panunuluyan: Ang panunuluyan ay lokal na bersyon ng
paghahanap ng matutuluyan ng mag-asawang san jose at birheng
mariya sa bisperas ng pasko.

 Ang Moriones o Morion: Ang Moriones ay itinuturing na


pinaka mabisang pang-akit ng mga turista. Ito’y ginaganap sa
marinduque. Ang dantaong pagdiriwang na ito ay ginagawa taun-
taon sa mga bayan ng gasan, boac at mogocmula sa miyerkules
santo hanggang linggo ng pagkabuhay o pasko ng pagkabuhay.
 Pasko ng Pagkabuhay: Ang pasko ng pagkabuhay ay ginagawa
sa linggo ng pagkabuhay. Ganito ginaganap ang salubong sa
lalawigan ng bulacan. Ang prusisyon ay sisimulan sa ghanap na
4:00 ng umaga.
 Ang Tibag: ang layunin ng pagpapalabas ng tibag ay malinang
ang debosyon sa krus na kinamatay ni hesus.
 Ang Santakrusan: Ang santakrusan ay nanggaling sa tibag .
Ito’y ginaganap tuwing nuwawn ng mayo upang lalahanin ang
pagkakakuha ni reyna elena ng krus ni kristo.
 Ang Karilyo: Ang dula-dulaang ito’y ginagamitan ng mga
kartong ginupit katulad ng ng “puppet show”.
 Ang Senakulo: Ang senakulo ay pandulaang bersyon ng
pasyon. Ito’y ipinapalabas kung mahal na araw.

 Ang Moro-Moro: Ang panimula ng moro-moro o komedya sa


pilipinas ay utang sa isang paring kastila na nagngangalang juan de
salazar.

 Ang Sarswela: Ang sarswela ay masayang dula. Ito’y tigib ng


tugtugin at awitin. Kung minsan’y may kalakap ding sayaw, may
lakip na mpampatawa, may akson o tunggalian ang dulang nito na
ipinapalabas sa tanghalan.

You might also like