You are on page 1of 18

Balagtasan at Mga

Akdang Lumaganap sa
Panahon ng Espanyol
Ano ang Balagtasan?
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Balagtasan
 Isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa. Karaniwan
itong ginaganap sa ibabaw ng tanghalan.
 Isinilang ang balagtasan noo Abril 2, 1924 (kaarawan ni Francisco
Balagtas)
 Marso 28, 1924, nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tayuman,
Tondo Maynila ang Akademya ng Tagalog
 (Lope K. Santos, Iñego Ed. Regalado, Patricio A. Dionisio, Teodoro E.
Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de Jesus, at Florantino
Collantes)
 Abril 6, 1924 (Linggo) ginanap ang unang Balagtasan
 Ang unang nagging Hari ng Balagtasan ay si Jose Corazon de Jesus
(Huseng Batute) (“Ginto at Bakal” at “Demokrata at Nasyonalista”)
Mga Pangkat na Lumahok sa Unang Balagtasan

 Rafael Olay at Tomas L. De Jesus


 Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez (Binatang
Nayon laban sa Binatang Lungsod)
 Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes (Bulaklak ng
Lahing Kalinis-linisan)
Mga Akdang
Lumaganap sa
Panahon ng Espanyol
 Korido – tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa
isang taludtod at nagtataglay ng kababalaghan at malaalamat
na karamiha’y hiram at halaw sa paksang Europeo na dala rito
ng Español. (Ibong Adarna)

 Awit – tulang romansa (metrical romance) na may sukat na


labindalawang pantig bawat taludtod. Karaniwang patungkol
sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay. (Florante at
Laura)
 Tulang Patnigan (Justice Poetry)– tulang sagutan na itinatanghal
ng magkatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito
ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at
tulain.
o Karagatan
- paligsahan sa tula na kalimitang laro sa mga luksang lamayan o
pagtitipong parangal sa isang yumao.
- (Patungkol sa alamat na nauukol sa singsing ng isang dalaga na di
umano’y nahulog sa gitna ng karagatan; ito ay may apatang na
taludtod at lalabindalawahing pantig)
 Duplo

– pagtatalo na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang


mga katwirang ginagamit ditto ay karaniwang hango sa mga
salawikain, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ito ng isang
dasal na “Ama Namin”, isang Aba Ginoong Maria” at isang
“Rekyemeternum” para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.

 Balagtasan
 Batutian – bilang pagpaparangal sa yumaong si Jose Corason de
Jesus, isinilang ang bagong anyo ng tulang patnigan noong taong
1933 sa mga dahon ng magasing Batute sa panulat at panukala
ni G. Fernando B. Monleon na katulong na patnugot ng nasabing
magasin. Ito ay mapang-uroy at may pangunahing layunin na
makapagbigay ng aliw (malatotoong kayabangan, panunudyo, at
palaisipan)
 Dulang Pantanghalan – (1884), Si G. Narciso Claveria ay nagtatag
ng isang lupong pangkalibangan na ang hangarin ay mapasigla at
mapabuti ang pagsulat at pagtatanghal ng dula sa bansa.

You might also like