You are on page 1of 10

PAGSULAT

NG
TULA
TULA
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nilagyan ng sukat at
tugma. Binubuo ng mga talata na bukod sa paglalapat ng
sukat at tugma ay kasusumpungan ng imahinatibong
sining ng kaisipan at damdamin.
TALATA VS. TULA
Bagaman may mga talata na kakikitaan ng komposisyong
metrical o mga sukat na linya, hindi ito masasabing tula
hangga’t walang kaisipan, imahinatibong sining ng mga
tunog, tayutay, madamdaming istruktura. Ang tula ay
maaring pakahulugan ng anomang nais na ipakahulugan
nito; o dili kaya ay ang bawat tula ay mayroong iissang
kahulugan na ipinapahayag sa bawat pangungusap
lamang.
IBA’T IBANG ANYO NG TULA

1. Free Verse o Malayang Taludturan

2. Kumbensyon (iambiko, anapestiko)

3. Haba (trimetro o pentametro at iba pa)

4. Mga Grupo ng Salita –


a. haiku (5-7-5), limriko(5 linya na nakatuwang tula)
b. soneto (14 linya na may tugmaan) at iba pa.
Pagsulat at Pagpili ng Paksang/Tulang Susulatin:

Tekniko sa Pagsulat ng Tula:


1. Kung sakaling ang iyong tula ay dinaganan ng
sentimental ukol sa mga paksang gaya ng mga tuta,
pusa, ibon, magandang bulaklak, tigilan na ang
pagsulat.
2. Kung sa isipp mo’y gasgas na ang iyong tula dahil sa
“nagpapambunong braso, mga aso’t pusa” o
kaberdehan, - mag-isip ng bagong ideya na akma rito;
3. Iwasan ang sobrang paggamit, o pa-cute na huling linya
na animoy
Humahakbang
pababa
gaya
nito
Pagsulat at Pagpili ng Paksang/Tulang Susulatin:
Tekniko sa Pagsulat ng Tula:
4. Gumamit ng pagkaminsan ng tuloy-tuloy na pahayag
upang maiwasan ang malatradisyunal na hintuan.

5. Gumamit ng tugmaan kung nais mong ang dalawang


salita ay maging makahulugan, ngunit huwag mong hayaan
na masapawan ka nito.

6. Medyo itago ang kahulugan – wag masyadong litaw na


litaw, malibang nais mong magpatama sa isang tao.

7. At isaalang-alang ang tatlong bagay na dapt maabot ng


tula: Mata, Tainga at higit sa lahat, ang Isip at Puso ng mga
mambabasa.
Ang Tungkol sa Pagsulat ng Tula:
1. Bago sumulat ng tula, tiyakin na nauunawaan ang nais sabihin nito;

2. Isaalang-alang ang kabuuan bilang bahaggi ng tula; at

3. Bigyang pansin ang detalye, tugma, sukat at simbolismo sa


paglikha ng tula.

Ilang mga Mungkahi sa Kahalagahan ng Paglikha ng Tula:


1. Isulat ang tula ayon sa iyong sariling salita
2. Bigyan kahulugan ang tula
3. Suriin ang Tula
4. Tasahin/Antiyahin ang tula
5. Ihambing ang iyong tula
6. Magbasa ng ibang tula
7. Magbasa ng tula na may kaparehong paksa
Mga Elemento ng Tula:
1. Anyo – kung paano isulat ang tula
(Malayang Taludturan, Tradisyonal, May Sukat na walang tugma,
Walang Sukat na may Tugma)
2. Kariktan – malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim
sa isipan ng mambabasa.
3. Persona – ang nagsasalita sa tula
4. Saknong – grupo ng mga taludtod ng tula
5. Sukat – bilang ng pantig ng tula
6. Talinhaga – paggamit ng tayutay at matatalinhagang pahayag
7. Tono o Indayog – paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.
8. Tugma – pagkakasintunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat
taludtod ng tula
Mga Uri ng Tula:

1. Tulang Liriko – o pandamdamin ay uri ng tula kung saan


itinatampok ng isang makata ang kaniyang sariling damdamin,
iniisip, at persepsyon.

2. Tulang Pandulaan – karaniwang itinatanghal sa mga entablado at


ang mga linyang binibigkas ng bawat karakter ay patula.

3. Tulang Pasalaysay – ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng


makulay at mahalagang pangyayari sa buhay na matatagpuan sa
mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento.

4. Tulang Patnigan – kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay


itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata sa paraang patula na
tagisan ng talino at katuwiran ng mga makata.
TAGAPAG-ULAT:

MOISES ELY OROSCO


RONNEL B. MATA
BSED ENGLISH 2B

You might also like