komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda. Michael de Montaigne • Ang “lumikha” ng sanaysay, ang sangay ng panitikang ito ay pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikang ang mga kaisipan ay maaaring makipagtalastasan sa kanino mang mga kaibigan o kakilala • Inilalantad nito ang personalidad at ang mga saloobin ng sumulat. • Itoy isang uri ng kathang pambiglaan at monologo. • Itoy pinagsama-samang tuluyang kaisipan nang walang paghahanda sa isinatitik sa papel. Alejandro G. Abadilla
• Ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng
pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. • Ang sanaysay ay kahawig ng isang taong walang pagkukunwari ni pagpapanggap sa pagharap. Genoveva E. Matute
• Itoy pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa
malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang mang- aliw,magbigay kaalaman o magturo. • Ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higit na nagpapaisip, nagpapalawak at nagpapalalim sa pang- unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’t damdaming- bayan. Uri ng Sanaysay Pormal
• Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. • Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. • Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap. Di-pormal • mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. • Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may- akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan. • Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. • Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw. Pinagmulan ng Sanaysay 1580 • nagsimula ang sanaysay (Essais- isang pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng may akda.) dahil sa palagay at damdamin ni Michael de Montaigne, isang Pranses. • Isinalin sa Ingles ang Essais at nabasa ito sa buong Inglatera. Mula noon ay nagsimula nang magsulat ang mga mamamayan ng sanaysay 1597
• nagsimulang magsulat ng sanaysay si Francis
Bacon na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punong-puno ng buhay kaya naman tinagurian siya bilang “Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles” Ika-17 dantaon • kakaunti ang mga naisulat na sanaysay ngunit maraming naghangad na sundan ang yapak ni Bacon. • Sir Izaak Walton na sumulat ng The Compleat Angler (1653). Naging paksa ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan. • Sir Thomas Browne, may paksang katutubong kaugalian. Inilarawan niya ito sa mga akdang Religio Medeci at Urn Burial. • Ang mga opinyon ni John Dryden tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdaang basahin ng mga nagpapahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Ang An Essay of Dramatic Poesy ang itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden. Ika-18 dantaon
• nakilala sina Richard Steele, Joseph Addison,
Samuel Johnson, Oliver Goldsmith atbp Ika-19 dantaon • patuloy ang paglaganap ng sanaysay. Bukod sa panitikan at sining, naging laganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. Nakilala sa panahong ito sina John Ruskin, Thomas Henry Huxley, Matthew Arnold atbp. • Hindi gaanong lumaganap ang sanaysay sa Pransya, binigyang pansin lamang ito noong ika-17 dantaon, ang itinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. • Ang mga isinulat ni Francois Rochefouldcauld na mga sanaysay tungkol sa sawikain ay nakaimpluwensya sa mga mananaysay na Pranses. Isa na rito si Voltaire. Ika-19 dantaon (Pranses) • sumikat sina Sainte-Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France (Pranses). • Sa Estados Unidos, ang mga naisulat na sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book noong 1819 ay katulad ng mga naisulat ng mga mananaysay sa Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo. • Nakilala sa panahong ito sina Ralph Waldo Emerson, John Burroughs, Edgar Allan Poe, Oliver Wendell Holmes at James Russel. • Sa panahong ding ito nailathala ang dalawang magasain; The Atlantic Monthly at Harper’s Magazine. Karamihan sa mga nailathala ay mga panunuring pampanitikan. Sa Pilipinas • nagsimula ito sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People at The Philippines. A Century Hence ni Marcelo H. Del Pilar, patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nanguna sa pangkat. Kabilang din sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos at Apolinario Mabini. Sumunod sa mga yapak ng mga nabanggit na mananaysay sina Rafael Palma, Teodoro M. Kalaw, Trinidad Pardo de Tavera, Epifanio delos Santos atbp. • Ang mga Pilipinong mananaysay na sumulat sa Ingles ay nakilala dahil sa tulong ng The College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga piling akda ay dito nailathala • Sinundan ito ng pagpapalaganap ng suplementong magasin ng mga kilalang pang- umagang pahayagan gaya ng Free Press, Graphic atbp. Nakilala sa panahong ito sina I. V Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez atbp. • Ang sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklak nina Pascual Poblete, Lope K Santos, Julian Cruz Balmaceda, Iñigo Ed Regalado atbp. Lumaganap din ang magasing Liwaway na naglalathala ng mga maikling kwento at sanaysay. • Bago magkadigma, kinagiliwan ang mga sanaysay nina Pedro S Dandan, Pablo Bautista atbp 1945-1950
• nakilala sina Teodoro Agoncillo, Liwayway
Arceo, Brigido Batungbakal, Genoveva Edroza Matute, Alfredo Enriquez, Pablo Glorioso, Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G Reyes at Vito C. Santos • Maraming sanaysay ang nailimbag kabilang dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa Aming Sulok ni Paraluman Aspillera at Akoy isang Tinig ni Genoveva Edroza Matute. • May mga sanaysay na ring nailathala sa aklat- pampaaralan tulad ng Diwang Ginto, Diwang Kayumanggi at Panitikan para sa Mataas na Paaralan; at sa magasing Panitikan ni Alejandro G. Abadilla at Free Press Pilipino na naglalaman ng mga sanaysay ni B.S Medina Jr. na pinamagatang “Lubos na Sumasainyo” • Nakapaglathala rin ng ilang sanaysay ang ilang mga guro ng Philippine Normal College dahil sa pagkakalimbag ng munting aklat na katipunan ng mga sanaysay, ang Sibol • Si Direktor Ponciano B. Pineda ng Surian ng Wikang Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyang sanaysay na ang karamihang paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika. • Naging masigla ang manunulat nang isama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards for Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay hinggil sa panunuring pampanitikan ng iba’t ibang sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng “Palanca” sina Pedro L. Ricarte, Virgilio Almario, Ruel Aguila, Rosario Torres Yu, atbp • Maging ang Surian ng Wikang Pambansa ay hindi rin nagpapahuli sa pagbibigay-gawad sa mga manunulat na nakasusuri ng mga akdang pampanitikan