You are on page 1of 19

KASAYSAYAN NG PAGSASALINGWIKA SA DAIGDIG

Kabanat a I • Savory (The Art of Translation, 1968) Ang Pagsasaling-wika sa Iba’t ibang Panahon Ang
PAGSASALING-WIKA ay sinasabing kasintanda na rin halos ng PANITIKAN. • Andronicus – kinikilalang
unang tagasaling-wika. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang
Griyego noong 240 B.C.

• Naevius at Ennius – gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego. Katulad ng mga sinulat
ni Euripides. • Euripides – (484 BCE - 406 BCE) isang sinaunang Griyegong manunulat ng
dulang trahedya. Kalimitang may desperasyon at biyolente ang kanyang mga dula. Sa huling bahagi ng
kanyang buhay, nagsimula siyang sumulat ng mga trahedyang-komedya na may masasayang mga
katapusan, ang simula ng bagong gawi sa dramang Griyego. • Halimbawa ng kanyang mga akda: •
Hecuba • Iphigenia at Aulis • Hippolytus

• Cicero – isang Romanong pilosopo at consul. Siya rin ay isang bihasang manunulumpati, manunulat,
kinikilalang pinakamagaling sa wikang Latin at nakilala rin bilang isang mahusay na tagasaling-wika.
Halimbawa ng kanyang mga akda: • In Verrem • De Inventione • De Oratore

• Iskolar sa Syria – isang pangkat na nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa wikang Arabic ang
mga sinulat ni Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami pang ibang pantas at manunulat. • Nakilala
ang lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika na naging bukal ng kumalat na
karunungan sa Arabia. • Ngunit dumating ang panahong nawalan ng sigla ang tagasaling mga iskolar sa
Baghdad sapagkat napabaling ang kanilang kawilihan sa iba namang bagay na pangintelektwal, tulad ng
pagsusulat ng mga artikulong pampilosopiya.

Pagkaraan ng tatlong siglo, napalitan ng Toledo ang Baghdad bilang sentro ng karunungan sa larangan
ng pagsasaling-wika. • Adelard - nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay naisalin na sa
Arabic. • Retines – naman ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141. Dahil sa palawak nang palawak na
pag-uugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. ay nakaabot na sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng
mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagasaling-
wika na magsalin nang tuwiran sa Latin mula sa Griyego.

• Liber Gestorum Barlaam et Josaphat – ang orihinal na teksto nito’y nasusulat sa Griyego. • Barlaam at
Josaphat – dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos. • Noong nagsimula ang
pagsasalin sa Biblia. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ni Tyndale at Coverdale. • Wycliffe - isang paring
Katoliko ay bihasa sa Latin. Pero naisip niya na hindi dapat Latin ang gamitin sa pagtuturo ng Kasulatan
dahil iilan lamang ang marunong nito. Isinulat niya: “Ang kaalaman sa kautusan ng Diyos ay dapat ituro
sa wika na pinakamadaling maunawaan dahil ang itinuturo ay ang salita ng Diyos.” Kaya si Wycliffe at
ang kaniyang mga kasama ay bumuo ng isang grupo para isalin ang Bibliya sa wikang Ingles. Ang
pagsasalin ay tumagal nang mga 20 taon.

• Coverdale - HINDI nakalagay sa unang inilimbag na kumpletong Bibliya sa Ingles ang pangalan ng
nagsalin nito. Siya ay si Coverdale at ang kaniyang salin ay lumabas noong 1535. Nakakulong noon ang
kaibigan niyang si Tyndale dahil sa ginawa nito may kaugnayan sa pagsasalin ng Bibliya. Binitay si
Tyndale nang sumunod na taon. • Martin Luther (1483-1646) – ang kanyang salin sa wikang Aleman ay
kinikilalang pinakamabuting salin. Dito nakilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang
Germany.

• Jacques Amyot – isang obispo sa Auxerre na siyang kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasaling-wika” sa


Europa. • (1559) “Lives of Famous Greek and Romans”– ni Plutarch • Plutarch - ay isang historyanong
Griyego, biograpo at manunulat na pangunahing kilala sa kanyang isinulat na Parallel Lives at Moralia.
Siya ay itinuturing ngayon na isang Gitnang Platonista. Siya ay ipinanganak sa isang prominenteng
pamilya sa Chaeronea, Boeotia na isang nayon mga 20 milyang silangan ng Delphi.

• Sir Thomas North – sinalin ang nasabing akda sa Ingles mula sa wikang Aleman. • John Bourchier –
isang Ingles na nakilala noong 1467-1553. Karamihan sa kaniyang mga salin ay mula sa wikang Kastila.
Nakatala sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Alemanya bilang tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart. •
Froissart – isang awtor na paksa at estilo ay kanyang labis na kinagiliwan.

• Ang panahon ng unang Elizabeth ang itinuturing ni Savory na unang panahon ng pagsasaling-wika sa
Inglatera, bagamat ang panahon ng pangalawang Elizabeth ang kinilalang pinakataluktok. • Thomas
North – kinikilalang pinakadakila sa mga tagasalin sa Inglatera nang panahong iyon. • George Chapman –
ang salin niya sa mga sinulat ni Homer ay nalathala sa pagitna ng 1598 at 1616. • John Florio – (1603)
lumabas ang salin niya sa Essays ni Montaigne. Isa itong babasahinn itinuturing na kasinghusay ng
Plutarch ni North. • Montaigne – isang Pranses na naglathala ng pinamagatang Essais, naitakda ang
kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang pagtatangka na
makapagpahayag ng mga kuro-kuro at

Ang ikalabimpitong siglo ay maituturing na tulad halos ng dalawang nakaraang siglo na ang kinawilihan
ay ang pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura sa ibang bansa. • Hobbles – ang mga salin niya sa
Thucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan ng mga magbabasa. • John Dryden –nagsalin ng
Juvenal at Virgil, gayundin ay hindi gaanong nagustuhan ng mga mambabasa. Subalit siya ay ibinilang sa
isa sa mahusay na tagapagsalin noong kanyang panahon dahil pinag-ukulan niya ng maingat na paglilimi
ang gawang pagsasalin. Siya ang kauna-unahang kumilala na ang pagsasaling-wika ay isang sining.

Ang pagsasaling-wika ay masasabing kasinsigla pa rin ng mga nakaraang siglo nang sumapit ang
ikalabing-walong siglo. • Alexander Pope – ang salin niya sa Ingles na akda ni Homer na Iliad ay lumabas
sa pagitan ng 1715 at 1720; ang kanyang Odyssey ay noong 1725. • Homer - ay isang mala-alamat na
unang Griyegong manunula at rapsodista, na binigyan ng kredito, ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha
ng Iliad at Odyssey (dalawang dakilang epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy
at sa mga naganap pagkaraan), bagaman maaaring dalawang magkaibang mga tao ang sumulat ng mga
ito. Karaniwang sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8 siglo BK. Isa siyang bulag na mang-aawit,
manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios, isang pulo sa Gresya • William Cowper – nagsalin din sa
Ingles
• A.W. von Schlegel– siya ay nagsalin ng mga gawa ni Shakespeare sa wikang Aleman. • William
Shakespeare - Maraming tao ang nagsasabing siya ay isa sa mga dakilang manunulat sa lahat ng
panahon. Sumulat siya ng mga magagandang kuwento ng trahedya, mga nakakatuwang komedya at
walang katumbas na kasaysayang kuwento ng Ingles. Ang kanyang mga tula at palabas ay patungkol sa
mga nararamdam ng mga tao tulad ng pag-ibig, pagka-inggit, galit at marami pang iba. Siya ay
pinagaaralan ng mga bata sa mga paaralan sa buong mundo. Sinulat niya ang kanyang mga likha sa
pagitan ng 1585 at 1613

 Alexander Tytler – (1792) nailathala ang isa kanyang namumukod tanging aklat na “Essay on the
Principles of Translation”. Tatlong panuntunan sa pagkilatis ng isang salin. • Ang isang salin ay
kailangang katulad ng orihinal sa diwa o mensahe. • Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang
katulad ng sa orihinal. • Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa
orihinal.

• Thomas Carlyle – (1824) nagsalin nang William Meister ni Goethe. • Johann Wolfgang von Goethe – ay
isang Alemang manunulat. Isa siya sa pinakadakila sa lahat ng mga manunulat na Aleman. Isa siyang
makata, nobelista, at mandudula, subalit isa rin siyang aktor, tagapangasiwa, siyentipiko, heologo,
botaniko, at pilosopo. Nagkaroon siya ng napakahalagang impluho sa maraming mga manunulat at
tagapag-isip noong ika-19 daang taon at maging sa pangkasalukuyang panahon. Makasaysayan ang
nasabing akda sapagkat ito ang nagpapatunay sa mga mambabasang Ingles na mayroon din namang
mga henyong manunulat sa Alemanya nang mga panahong iyon. Dahil din sa kanyang mga salin at mga
sinulat, ay nagsimulang pagtuunang-pansin

• Omar Khayyam – ang kanyang salin ng Rubaiyat noong 1859 ay tinawag ni Savory na pinakadakilang
salin. Dito nagsimulang mauso ang isang uri ng saknong sa tula na may apat na pentamento na ang
ikatlong linya ay hindi magkatugma. Hindi tingangka ni FitzGerald na isalin ng literal ang Rubaiyat ni
Omar Khayyam; sa halip ay sinikap niyang mapanatili ang likas na kagandahang estilo nito na siyang
kinagiliwan nang labis ng mga mambabasa. • Edward FitzGerald - ay isang makata at manunulat
na Ingles, na higit na nakikilala bilang makata ng una at pinakabantog na salinwikang nasa wikang
Ingles ng Ang

• Matthew Arnold – noong 1861, ay nagpugay sa mga mambabasa ang On Translating Homer, isang
sanaysay na tumatalakay sa isang simulain na ang salin ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa
orihinal. Ang pagsasaling literal ay hindi kasinghalaga ng pagpapanatili ng bisang pang-estetiko ng
orihinal sa salin. • F.W. Newman – ang kanyang salin ng Homer ay kaiba sa gustong ipabatid ni Arnold sa
kanyang salin. Ayon kay Newman, ang isang salin ay kailangang maging matapat sa orihinal, na
kailangang madama ng bumabasa na ang kanyang binabasa ay isang salin at hindi orihinal.

• Nang sumapit ang Ikadalawangpung siglo ay isa na lamang karawinang gawain ang pagsasaling-wika. •
Ritchie at Moore – (1919) naglathala sila ng isang artikulo na nagsasabing ang tunay na panitikan ng
France ay hindi lubusang maabot sa pamamagitan lamang ng mga salin. • Tolstoy – magmula sa Russia,
kundi dahil sa kanyang pagsasalin at pagsulat ng ma akda ay maaring hindi na nakilala at dinakila sa
buong daigdig. • Chekoy, Strindberg At Ibsen - dahil sa pagsasalin ang mga drama nila ay nakapasok at
lumikha ng sariling langit-langitan sa nakabagong panahon.

• Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kani-kanilang


wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa layuning maihatid sa higit na
nakararaming bahagi ng mambabasa ang mga pagsasalin ay ang pagsasalin ng mga pyesa ng literatura
na nagtataglay ng mga bagong kaalaman at karunungang buhat sa ibang bansa na karaniwan ay sa higit
na maunlad na wika nasusulart na tulad ng wikang Ingles.

Mga Pagsasalin Sa Biblia Ayon kay Savory, mayroong dalawang kadahilan kung bakit hindi maiiwasang
mabanggit ang pagsasalin ng Biblia? • Una, sapagkat ang paksa sa Biblia, lalo na sa Matandang Tipan, ay
tumatalakay sa sa tao – sa kanyang pinagmulan, sa kanyang layunin at sa knayang destinasyon. •
Ikalawa, kung bakit naiiba ang Biblia sa karaniwan sa larangan ng pagsasaling-wika ay ang di
mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.

Ang Bibliang kinagisnan natin, kahit sa anong wika nasusulat, ay isang salin. Ang orihinal na manuskrito o
teskto nito ay sinasabing wala na. • Wikang Aramaic ng Ebreo – sa wikang ito nasusulat ang
kaunaunahang teksto ng Matandang tipan. Naging malaganap noong unang siglo A.D. • Origen – buhat
sa salin niya sa wikang Griyego noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint. • Jerome – isa sa
iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na tagasaling-wika sa Biblia noong kanyang kapanahunan. Ang

• Ayon kay Savory, mayroong tatlong dinadakilang salin ng Biblia. • Ang kay Jerome sa Latin. • Ang kay
Luther sa Aleman. • At ang kay Haring James sa Ingles ng Inglatera na tinawag na Authorized Version. •
John Wycliffe – sinasabing sa kanya nagmula ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Biblia, ayon kay
Savory noong ikalabing-apat na siglo. Nagkaroon ito ng Dalawang Edisyon. • Una, noong 1382 sa tulong
ng isang tagasalin na nagngangalang Nicholas. • Ikalawa, noong 1390.

• John Purvey – Kalihim ni Wycliffe, at siyang nagrebisa ng unang bersyon upang maalis ang mga
pangungusap na literal o mga istrukturang sunod sa Latin. • William Tyndale – (1526) nagsagawa ng
pagsasalin sa Ingles buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus. Naging kakaiba ang kanyang
salin dahil sa paggamit niya ng masalimuot na mga talababa (footnotes) o notasyon. • Erasmus - na
nakikilala rin bilang Erasmus ng Rotterdam, o payak na bilang Erasmus, ay isang Olandes na humanista
ng Renasimyento, Katoliko ng pari, kritikong panlipunan, guro, at teologo. • John Rogers – siya ang
nagpatuloy sa pagsasalin isinagawa ni Tyndale.

• Taong (1538), nagkaroon ng kautusan na ang lahat ng simbahan ay dapat magkarron ng isang bersyon
lamang ng Biblia upang magamit ng lahat. • Coverdale – muli niya nirebisa ang Biblia ni Mathew.
Tinawag ang nasabing nirebisang Biblia na Great Bible at naging popular nang mahabang panahon ito ay
nagtataglay ng mga Salmo.

• William Whittingham at John Knox – (1560) lumitaw ang Geneva Bible. Ito ay isinagawa nila upang
makatulong sa pagpapalaganap ng Protestanismo. ang nasabing Biblia ay tinagurian ding Breeches Bible.
• Nang mga panahong iyon ay nagkaroon na rin ng mga pagtatakang ang mga Katoliko Romano na
magkaroon ng sartil nilang Biblia. • Douai Bible. Ang New Testament ay nalathala diumano sa Rheims
noong 1582. Ang Old Testament naman ay noong 1609. • Taong 1603, nagdaos ng isang kumperensya si
Haring James, na dinaluhan ng mga arsobisbo sa at iba pang mga pari sa Hampton.

• Obispo Winchester – taong (1870) nagmukahi siya na rebisahin muli ang Autorized Version, dahil sa
paglakad ng panahon tumaggap din ng mga puna ang nasabing salin. Noong 1881, nailimbag ang
naribesang salin at nakilala sa tawag na English Revised Version. • Taong 1970, maituturing itong
pinakahuling salin ng Biblia na tinawag na The New English Bible na inilimbag ng Oxford University Press.

• Tatlo ang dahilan kung bakit napagkaisahang muling isalin ang Biblia: 1. Marami nang mga natuklasan
ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sas maraming bahagi ng mga unang salin; 2. Nitong
mga huling araw higit na naging masigla ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika. Di matatawaran ang
naitutulong ng karunungan sa linggwistika sa pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Biblia.
Ang mga nagpakadalubhasa sa mga wikang Ebreo, Aramaic at Griyero, halimbawa, ay malaki ang
maitutulong sa paglinaw sa maraming dapat linawin sa mga kontrobersyal na bahagi ng Biblia; at 3. Ang
sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos naunawaan ng kasalukuyang
mambabasa, bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

Nagsasalungatang Paniniwala a Pagsasalin ng mga Akdang Klasik • Gaya ng pagkakaalam natin, ang
kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na nasusulat sa Griyego at Latin. Sa
pagpasok sa ika20 siglo, ang daigdig ng pagsasaling-wika ay halos umiinog lamang sa pagsasalin sa Ingles
ng mga literatura ng Griyego at Latin. • Ayon kay Woolf, ang wikang Griyego ay isang wikang may pang-
akit na waring napakamakapangyarihan. Ito, aniya, ay maugnayin, mabisa, tiyak, at waring may aliw-iw
na nakaliligayang pakinggan. • Mapapangkat sa dalawang ang tagasaling-wika sa Ingles ng Panitikang
Griyego.

• Maraming henerasyon ding nangibabaw ang wikang Griyego sa lipunan ng mga iskolar at palaaral. Sa
katotohanan, haggang sa mga unang taon ng kasalukuyang siglo, ang kaalaman sa wikang Griyego sa
dakong Europa at maging sa ilang dako ng daigdig ay kinikilalang tatak ng isang taong may mataas na
pinag-aralan. • Ang panitikang Griyego ay laging babalik-babalikan ng mga iskolar at mananaliksik sa
buong daigdig sapagkat malaki ang naging impluwensya nito sa panitikan ng lahat halos ng wika.

Ayon kay Savory, Mapapangkat sa dalawang ang tagasaling-wika sa Ingles ng Panitikang Griyego. • Una,
ang pangkat ng mga makaluma o tinatawag na Hellenizers.

• Layunin ng mga makaluma na maging Matapat diumano sa pagsasalin sa paghahanngad na mapanatili


ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin. • Ikalawa, ang mga makabago o Modernizers.

• Naglalayon ang pangkat na ito ng makalikha ng mga salin sa kanilang wika, mga saling nahubadan na
ng mga katangian at idyoma ng wikang isinalin at nabihisan na ng mga katangian at idyoma ng wikang
pinagsalinan.

• Robert Browning – ayon kay Savory, siya ay nagpaliwanag sa “Panimula” ng kanyang salin ng
Agamemnon na ang isang tagasaling-wika ay kailangang maging literal hanggat maaari, maliban kung
ang pagiging literal ay lalabag sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan. • Robert Bridges –
nagbigay-diin sa paniniwalang higit na mahalaga ang estilo ng awtor kung ang isang mambabasa ay
bumabasa ng isang salin. • Naniniwala sina Edward, FitzGerald at Samuel Butler, na sa alinmang salin ng
mga akdang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain. • Si
Newman mismo diumano ang nagsabi na sa kanyang pagsasalin ay pinilit niyang mapanatili ang kanyang
binabasa ay isang salin at sapagkat salin ay isa laman panggagaya sa orihinal. • Salungat na salungat
naman dito, ayon kay Savory, ang paniniwala ni Arnold na isa rin sa tagapagsalin ni Homer na ang
sinasabing katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang
kinasusulatan ng isasalin.

• Samantala, unti-unting nahalinhan ng Rome ang Athens bilang sentro ng karunungan nang mga
panahong iyon. • Ang mga palaaral na dati’y sa Athens nagsitungo sa Rome na nagsasagawa ng
pananaliksik at pag-aaral. • Nang lumaon, ayon kay Savory nalipat na sa Rome pati ang mga aklatan sa
Athens upang magamit ng mga palaaral na nagsisipagsaliksik doon. • Nilinaw ni Savory, na ang
pinakamataas na uri ng wikang Griyego ay umiral ng maikling panahon laman kung ihahalintulad sa
Latin.

• Kung ano ang diumano ang naging bilis ng pag-akyat ng wikang Griyego ay siya rin namang naging bilib
ng pagbagsak nito. • Hindi gayon, aniya, ang naging kapalaran ng wikang Latin. Dahil sa kahalagahan nito
ay nanatili itong wikang pamapanitikan hanggang sa panahon ni Horace at Virgil. • Ang Aeneid ay ang
pagsasalin sa Ingles ng kung paano ito sinasabi Virgil sa Latin. Kung ang nasabing epiko ni Virgil ay
isasalin naman sa paraang tuluyan naniniwala raw si Day-Lewis na ang gayon ay hindi magiging
makatarungan para kay Virgil. Sinabi pa rin ni Day-Lewis diumano na upang “mahuli” ng tagapagsalin
ang “ hilig at damdamin” sa orihinal na teksto, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na
pagkakaugnayana ang awtor at ang tagapagsalin.

Machine Translation: Papalit sa tao? • Kung mapapalitan ng makina ang tao bilang tagasalingwika ay
hindi pa natin masabi sa ngayon. Napakabilis ng pag-unlad ng syensya. Kung meron na ngayong mga
robot na parang mga taong nakapagsilbi sa mga restoran, nakapagsasagawa ng operasyon sa mga
ospital at mga robot na nadidiktahan mula sa control tower sa daigdig kung ano ang gagawin sa kanilang
kinalululanang spaceship sa kawalan. Ayon kay Finlay (translating 1971: 156-7) sumigla ang pananaliksik
ng bansang America sa Mtn dahil sa unang may-sakay-na-taong spaceship na pinalilipad ng Russia noong
1961.

• Noong 1980 ay nagkapalad ang awtor na ito na makadalo sa isang kumperensya sa pagsasalin-wika sa
RELC (Regional Language Center), Singapore. • Nagpaikut-ikot ang talakayan sa mga posibilidad na ang
“transformational generative grammar” ni Chomsky at iba pang modelong panggramatika ay
makatutulong nang malaki sa pagbuo ng mapananaligang Mtr. • Hindi pa maabot ng isip ng
kasalukuyang mga sayantist kung papaano mabisang maisasalin ang mga idyoma. Ang mga linggwista
man ay walang maibigay na pormula para magamit ng mga sayantist. • Maraming kahulugan ang
maarting ikarga sa isang. Ang isang halimbawa, na may 20 iba’t ibang kahulugan sa diksyunaryo ay
malaking problema sa MTn. • Bagamat magiging mabils ang proseso ng aktwal na pagsasaling-wika sa
pamamagitan ng MTr (kung sakali ito’y maimbento na), napakaraming oras naman ang magugugol sa
pre-editing at post- editing ng tekstong isusubo nito. Sa ibang salita , hindi na mga tao ang magsasagawa
ng pagsasalin, ngunit mas mahirap at mas matagl naman ang

• Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine. Ang taong gumagamit ng kanyang
kompyuter na pag-iisip ay buhay- may puso at damdamin, malikhain. • Kulang pa sa nalalamang mga
teorya ang mga linggwista tungkol sa paglalarawan at paghahambing ng mga wika upang magamit sa
pagbuo ng Mtr.

Kabanata II UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN • Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasaning


nagsimula magkaayo noong panahon ng pananakop ng mga kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng
kristyanismo. Kinakailangan ng mga kapuluan ang mga katesism, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at
iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana. • Bagamat nadikubre ni Magellan
ang ating kapuluan noong 1521, ang aktwal na pananakop o kolonisasyon ng España ay nagsimula noon
lamang 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspidisyong pinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez de
Legazpi, kasama ang sundalong-pare na si Fr. Andres de Urdaneta. • Halos tatlundaan at talumpu’t tatlo
taon na napasailalim sa kapangyarihan ng bansang España ang Pilipinas.

• Kalimitan, ang nagiging hari ng España ay may matapat na paniniwala na mabisang mapalalaganap ang
Kristyanismo sa pamamagitan ng wikang Kastila. Subalit ang kanilang mga sekreto ay hindi sinunod ng
karamihan ng mga prayle na hali-haliling namuno sa Pilipinas. • Unang dahilan: Batay sa kanilang
karanasan sa timog at Hilagang America, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng
Kristyanismo sa pamamgitan ng paggamit ng mga wika ng mga katutubo. • Ikalawang dahilan: Mas
katanggap-tanggap sa katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika
sa pagtuturo ng salita ng Diyos. • Ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga kastila: May lihim
silang pangamba na baka kung matuto ang mga “indios” ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa
nila ito tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang pulitakal at sila ang balikan.

• Sa nabanggit na koleksyon ni Teodoro Agoncillo ay 209 na lahat ang nakatalang “Religious Works” na
karamihan ay salin o adapsyon mula sa mga manuskrito, pamplet,aklat at iba pa na orihinal na nasusulat
sa wikang Kastila. IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN • Nang pumalit ang America sa España bilang
mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin, mangyari pa ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wiak.
Ang naging isan sa pangunahing kasangkapan ng pananakop noong panahon ng kastila ay krus o
relihiyon; noong panahon naman ng Americano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.
• Karamihan sa mga isinaling dula ai itinampok sa mga teatro. Noong mga panahong iyon ay teatro ang
siyang pinakapopular na libangan ng mga tao sapagkat wala pa noong sinehan at telebisyon.

IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN • Ang maituturing na ikatlong yugot ng kasiglahan sa pagsasaling-


wika ay ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng
mga akalt, patnubay, sanggunian, gramatika, at iba pa, kaugnay ng pagpapatupad sa patakarang
bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. IKAAPAT NA YUGTO NG KASIGLAHAN • Ang maituturing
namang ikaapat na yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang pagsasalin ng mga katutubong
panitikang di-nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na “pambansa”.

• Isa sa maituturing na realistikong hakbang tungo sa pagbuo ng pambansang panitikan ay ang


isinasagawa ng GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano), isang samahan ng mga manunulat ng
ilocano. Pumili ang mga manunulat ng Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin nila
ito sa Filipino. Inilimbag nila ito at tinawag nila ito na aklat na KURDITAN. • Maaring ito’y ituring na
ikalimang yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika na unti-unit na ngayongnagkakaanyo. Mababanggti
na kasama na ngayon sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian Literature.
Totoong Ingles pa nag midyum na ginagamit sapagkat ang mga salin sa Ingles ng Afro Asia Literature.
Asng magagamit o available sa ngayon mga salin ng mga manunulat na banyaga na sinusundan ng mga
manunulat na lokal.

Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig

Ang kinikilalang unang tagasalin ay si Andronicus na siyang nagsalin ng Odyssey ni Homer sa


anyong patula (240 B.C.) Sinundan ito nina Naevius at Ennius, gayon din nina Cicero at Catulus.
Sa pagdaraan ng maraming taon ay dumami nang dumami ang mga tagasaling-wika na siyang
nagdulot ng malaking pag-unlad ng mga bansa sa Europa at Arabya. Nakilala ang lungsod ng
Bagdad bilang isang paaralan ng pagsasalingwika sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga
iskolar na nakaabot sa Bagdad at isinalin sa Arabiko ang mga isinulat nina Aristotle, Plato,
Galea, Hippocrates at iba pa. Pagkaraan ng tatlong siglo, Toledo naman ang sumibol sa larangan
ng pagsasalingwika. . Ang mga tanyag na tagapagsalin ay sina Adelard at Retines. Ang
sinasabing pinakataluktok na panahon ng pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin ng
Bibliya.

Ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni Martin Luther (1483-1646).

Ang kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasalingwika” sa Europa ay si Jacques Amyot na siyang


nagsalin ng “Lives of Famous Greeks and Romans”(1559) ni Plutarch sa wikang Aleman.

Si John Dryden ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil pinag-uukulan niya ng
maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin sapagkat naniniwala siyang ang pagsasalin ay isang
sining.
Noong 1792, sa aklat na “Essay on the Principles of Translation” ni Alexander Tyler, binigyang
diin ang tatlong panuntunan sa pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Ang isang salin
ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa; Ang istilo at paraan ng pagsulat ay
kailangang katulad ng sa orihinal; Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas”
ng pananalitang tulad ng sa orihinal upang hangga’t maaari ay magparang orihinal. Ayon naman
kay Matthew Arnold ang isang salin ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa orihinal.
Ang paniniwalang ito ay sumasalungat sa paniniwala ni F.W. Newman na ang isang salin ay
kailangang matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyng binabasa ay
isang salin at hindi orihinal. Sa pagsapit ng ikadalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang
gawain ang pagsasalingwika kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay mababa sa uring
nararapat.

A. Ang mga Pagsasalin sa Bibliya

Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay sinasabing wala na. Ang kauna-unahang
teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang pinaniniwalang pinagmulan ng
salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon din ang salin ni
Jerome sa wikang Latin.

Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome (Latin), ang kay
Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Samantalang ang kauna-unahang
salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif. Ang unang salin ng mga Katoliko
Romano ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng
Bibliya, naging panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa orihinal na diwa at
kahulugan ng Banal na Kasulatan, dito nga nakilala ang “Authorized Version”. Ang maituturing
naman na pinakahuling salin ng Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970) na inilimbag ng
Oxford University. Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin
ang muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang mga natuklasan ang
mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin; (2)
Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging daan ng
pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya; (3) Ang sinaunang wikang ginamit sa
klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa bukod sa
kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

B. Ang mga Pagsasalin sa mga Akdang Klasika

Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na nasusulat sa Griyego
at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin mang salin ay hindi makakapantay sa
orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak at waring may
aliw-iw na nakaiigayang pakinggan.
Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego, ito ay ang
makaluma o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang layunin ng mga makaluma ay
maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng
kanilang isinasalin kaya naman pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag, at balangkas ng
mga pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan. Kasalungat naman ito
ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang salin ay dapat nahubdan na ng mga
katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng wikang pinagsalinan.

Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang maging literal hangga’t
maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa kalikasan ng wikang pinagsasalinan.

Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo ng awtor kung ang isang
mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng magkasalungat na opinyong nabanggit ay
may ikatlong opinyong lumitaw, ito ay ang paniniwalang hindi makatwirang piliting ipasok sa
wikang pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang isinasalin. Pareho naman ang paniniwala
nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng mga akdang klasika ay dapat
maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain. Sa mga pagsasalin ni
F.W. Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang mapanatili ang kakanyahan ng orihinal
hangga’t maaari dahil naniniwala siya na kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa na
ang akdang binabasa ay isa lamang salin at hindi orihinal. Sumasalungat naman sa paniniwalang
ito si Arnold na tagapagsalin din ni Homer. Ayon sa kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay hindi
nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin. Samantala,
unti-unting nahalinhan ng Roma ang Atenia bilang sentro ng karunungan nang mga panahong
iyon.

Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng “Aeneid” ni Virgil (na siyang pinakapopular
sa panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng tagapagsalin ang tono at damdamin,
kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

1. Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas

Ang kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas ay mahahati sa limang yugto: Panahon ng


Kastila; Panahon ng Amerikano; Panahon ng Patakarang Bilinggwal; Panahon ng Pagsasalin ng
Panitikang Di-Tagalog at Panahon ng Afro-Asian Literature

A. Unang Yugto – Panahon ng mga Kastila

Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagsimula


sa pangangailangang mapalaganap ng mga mananakop na Kastila ang relihiyong Iglesia Catolica
Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga dasal at
mga akdang panrelihiyon. Ngunit hindi naging konsistent ang mga Kastila sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa kanilang karanasan sa pananakop, higit na
nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng
wika ng mga katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na
ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Ang
ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila ay ang pangamba na kung matuto
ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito sa pagkamulat sa totoong
kalagayan ng bansa. Sa paglisan ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang
pagsasalin ng mga piyesang nasa wikang Kastila.

B. Ikalawang Yugto – Panahon ng mga Amerikano

Sa panahong ito, naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang klasikang
nasa wikang Ingles. Edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal ng Amerika kaya naman
“bumaha” sa ating bansa ang iba’t ibang anyo at uri ng karunungan mula sa Kanluran lalo na sa
larangan ng panitikan. Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig
sabihin ang isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin.

Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando Tinio. Ang mga dulang
isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na CCP.
Isang magandang proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971) kung saan ipinasalin
ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa paaralan.
Ang ilang halimbawa ay ang mga kwentong “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little Red Hen”
at iba pa.

Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina
Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s Communication Center naman ay nagsalin at
naglathala ng mga akdang pambata tul ad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at
Sita”, Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at iba pa.

1. Ikatlong Yugto ng Kasiglahan – Patakarang Bilinggwal

Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa
Ingles tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng
pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Ayon sa Department
Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.
Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng
mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles. Ang ilan sa mga halimbawang isinalin sa
panahong ito ay ang mga gabay pampagtuturo sa Science, Home Economics, Good Manners and
Right Conduct, Health Education, at Music. Isinalin din ang Tagalog Reference Grammar,
Program of the Girl Scouts of the Philippines at iba pa.

1. Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan – Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-Tagalog

Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng


panitikang pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang panitikan” ay panitikan lamang ng
mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-
etniko ng bansa. Upang maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto sa Pagsasalin ang LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary Language Teacher
Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng Ford Foundation. Inanyayahan sa isang
kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing
wika ng bansa (Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan.
Pinagdala sila ng piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit sa
pagsasalin. Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature,
Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa.

Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili ang
mga manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino,
pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at tinawag na KURDITAN. Sa pamamagitan ng pagsasalin,
ang mga kwentong orihinal na sinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan upang mapasama sa
pambansang panitikan sapagkat meron nang bersyon sa wikang pambansa.

1. Ikalimang Yugto ng Pagsasalin – Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian

Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-Asian. Kinailangan ang
pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng
Afro-Asian.

Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang
malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa natin.” Ang pagsasama sa kurikulum ng
panitikang Afro-Asian ay masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong mga
nakaraang panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at hindi ng
panitikan ng mga kalapit na bansa.
Kaugnay nito nagkaroon ng pagsasalin ng isang pangkat ng mga manunulat ng mga piling
panitikan ng mga kalapit na bansa (pinondohan ng Toyota Foundation at Solidarity Foundation)
na tinawag na Transalation Project.

Pinangunahan naman nina Rolando Tino at Behn Cervantes ang pagsasalin ng banyagang akdang
nasa larangan ng drama.

Samantala, may ilan ring pangkat o institusyong nagsasagawa ng mga proyektong pagpapaunlad
ng wikang pambansa, ito ay ang NCCA (National Commission on Culture and Arts) at PETA
(Philippine Educational Theatre Association). Isinalin naman ng Komisyon sa Wikang Filipino
ang mga karatula ng iba’t ibang departamento at gusali ng pamahalaan, dokumento, papeles para
sa kasunduang panlabas, Saligang Batas at iba pa. Sa kabila ng mga kasiglahang nabanggit, ang
pagsasaling-wika bilang isang sining ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang kuna o duyan,
lalo na kung ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangang ito sa ibang kalapit-bansa natin sa
Silangang Asia. Ang isa pang hindi naisasagawa hanggang sa ngayon ay ang paghahanda ng
isang talaan ng mga tagapagsaling-wika o registered translators. Maaaring isagawa ng Komisyon
sa Wikang Filipino ang paghahanda ng kinakailangang mga instrumento sa pagsusulit at sistema
o prosedyur sa pagwawasto at iba pang bahagi ng proseso. Ang pagtatatag ng samahan sa
pagsasaling-wika ay maaaring makatulong nang malaki sa pagpapasigla ng mga gawain sa
larangang ito.

Unang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Kastila sa Pilipinas

Ayon kay Savory, noong panahon ng Kastila nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin sa
Pilipinas. Kaakibat nito ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Tulad ng nakasaad sa
kasaysayan, naging bantilawan o urong – sulong ang naging sistema ng pagpapalaganap ng
wikang Kastila dahil hindi konsistent ang Pamahalaan ng Espanya sa pagtuturo ng wika sa mga
Pilipinong nasakop nila. Lumaganap sa masang Pilipino ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng
katutubong – wika.

Ikalawang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas

Nagtuloy – tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga orihina na akda sa nasusulat sa wikang Kastila,
kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga nasusulat sa Ingles. Karamihan sa
mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro. Ito ang pinakatanyag na libangan ng mga tao
nang mga panahong iyon sapagkat hindi pa uso ang telebisyon o sinehan.

Sa panahon ng mga Amerikano nagsimulang pumasok sa Pilipinas ang mga salin sa iba’t ibang
genre ng panitikan mula sa kanluran. Nagbago rin ang papel na ginagampanan ng pagsasalin
nang pumalit sa Espanya ang Amerika bilang mananakop. Kung relihiyon ang ginamit na
sandata ng mga Kastila para masakop ang Pilipinas, ang ginamit naman ng mga Amerikano ay
Edukasyon, kung saan napilitan ang mga Pilipino na pag – aralan pagsulat at pagsasalita sa
Ingles.

Ikatlong Yugto ng Kasiglahan: Paglinang at Pagtupad sa Patakarang Bilinggwal

Dito nagsimula ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales na pampaaralan na nasusulat sa


Ingles, gaya ng aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay ng pagpapatupad sa
Patakarang Bilinggwal sa sistema ng Edukasyon. Kaugnay nito, mas marami ang kursong itinuro
sa Filipino kaysa sa Ingles.

Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan

Dito nagsimulang isalin ang mga katutubong panitikan na di – Tagalog. Nararapat lang na
isagawa ang mga ito kung hinahangad nating makabuo ng panitikan na matatawag na
“Pambansa.”

Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO


(Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher
Education ng DECS at PNU noong 1987

sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi:


Pagsangguni at Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing


manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon,
Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling materyales na nasusulat
sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.

Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan


ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na
pitong vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino
Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wikain ng bansa.
Sa kabuuan, mahalagang mabatid natin ang pinagmulan ng pagsasalin sa Pilipinas at Daigdig.
Makatutulong ito upang higit na bigyang – pansin at halaga ang pagsasalin. Makatutulong din ito
sa mga tagapagsalin sa hinaharap upang linangin at paunlarin pa ang dapat linangin.

You might also like