You are on page 1of 19

MGA KRITIKONG

BANYAGA SA
PANITIKANG
PILIPINO
Mga Layunin
1. Nalilinang ang kaalaman tungkol sa talambuhay ng mga kritikong
Pilipino;
2. Nasusuri ang talambuhay hinggil sa mga kritikong Dayuhan at Pilipino;
3. Napahahalagahan ang katangian ng isang mahusay na kritiko sa
panitikan.
ALEJANDRO J. ABADILLA
• Tinaguriang “Ama ng Makabagong Panulaang
Tagalog” o mas kilala sa kanyang palayaw na
“AGA,” ay isinilang noong Marso 10, 1906 sa bayan
ng Rosario, Cavite.
• Kilala siya sa kanyang modernong pananaw sa 
panitikan noong kanyang kapanahunan. Siya ang
nagpasimuno sa paggamit ng malayang taludturan,
diin sa metro, at paggamit ng labis na romantisismo.
• Sa kaniyang mga akda, hinamon at sinalungat
ni Abadilla ang paggamit ng tugma at sukat sa
tula at ang labis na romantisismo sa
panitikang Tagalog.
• Isa siyá sa mga tagapagtatag ng Kapisanang
Panitikan, at editor-tagapaglathala ng magasin
nitóng Panitikan upang isulong ang
pagpapaunlad ng panitikang Tagalog.
• Itinuturing ang tula niyang ”Ako ang
Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng
Modernistang pagtula sa Tagalog bukod sa
lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa
nilalaman at sa anyong may malayang
taludturan.
MGA AKDA:
• Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula (1955)
• Piniling mga Tula ni AGA (1965)
• Tanagabadilla (1964, 1965);
• Nobela: Singganda ng Buhay (1947)
• Pagkamulat ni Magdalena (1958).
Siyá ang editor ng mga antolohiyang Parnasong Tagalog, ang unang pagtitipon sa
isang aklat ng mga pangunahing tula ng mga makatang Tagalog mula 1800 hanggang
1940s, Mga Kuwentong Ginto (1936, kasama si Clodualdo del Mundo Sr.), Ang
Maikling Kathang Tagalog (1954, kasama si Federico Sebastian at A. D. G. Mariano),
at Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1957, kasáma si Ponciano B. P. Pineda).
TEODORO A. AGONCILLO

(9 Nobyembre
1912–14 Enero
1985)
• Kinikilálang ”Ama ng Makabansang Pananaw sa
Pagsulat ng Kasaysayan.”
• Nagtapos siyá ng batsilyer sa pilosopiya (1934) at
masterado sa sining (1935) sa Unibersidad ng
Pilipinas. Nagsimula siyáng makilála bilang makata at
kritiko sa panitikan, naging pundador na kasapi ng
Kapisanang Panitikan, ngunit higit na natuon ang isip
sa kasaysayan nang magturo sa UP.
• Naging punò siyá ng Kagawaran ng Kasaysayan sa UP at
naging University Professor, pinakamataas na ranggong
akademiko sa UP.
• Iginiit niyá na dapat sulatin ang kasaysayan ng Filipinas
ng isang Filipino at sa pananaw na Filipino at ipinakita
ito sa kaniyang mga aklat, upang matigil ang lubhang
pananalig noon sa historyang likha ng mga dayuhan.
• Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham
(National Scientist), postumo, noong 11 Hulyo 1985.
• Si Agoncillo ang pangunahing may-akda ng History of the
Filipino People. Ito ay naging pamantayang sanggunian sa
pag-aaral ng kasaysayan ng Filipinas.
• Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 aklat ang Filipino
Nationalism 1872-1971; Malolos: The Crisis of the
Republic; The Fateful Years: Japan’s Misadventure in the
Philippines; at The Burden of Proof: The Vargas-Laurel
Collaboration. Ang librong The Revolt of the Masses: The
Story of Bonifacio and the Katipunan ang itinuturing na
pinakamahalagang akda ni Agoncillo sa larangan ng
makabayang historyograpiya.
• Umani ito ng maraming papuri ngunit binatikos ng
ilang kapuwa historyador. Dahil sa mga kontrobersiya,
ipinatigil ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1948
ang pagpapalimbag sa aklat. Nalathala lámang ito
noong Pebrero 1956. Nagkamit si Teodoro Agoncillo
ng mga parangal, at tampok sa mga ito ang Republic
Cultural Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay
(1969), at ang Diwa ng Lahi (1982)—ang
pinakamataas na parangal na iginagawad ng Lungsod
Maynila.
VIRGILIO S. ALMARIO

( 9 Marso
1944—)
• Siya ay isa sa mga nangungunang makata, iskolar, at
kritiko sa bansa, bukod sa pagiging mahusay na
propesor, tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo, at
tagapamahalang pangkultura. Dahil sa mga naiambag
niyá sa iba’t ibang larangan ng sining at kulturang
Filipino, lalo na sa larangan ng panitikan, kinilála siyáng
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong
2003.
• Bilang makata, kilalá siyang si Rio Alma. Inilathala niyá noong 1967 ang kaniyang unang koleksiyon
ng mga tula, ang Makinasyon at Ilang Tula. Lahat ng nailathala niyáng tula bago matapos ang ika-20
siglo ay tinipon ng U.P. Press at inilimbag sa dalawang tomong Una Kong Milenyum (1998).
• Isa rin si Almario sa pinakamasigasig na iskolar at kritiko sa panitikan ng Filipinas, lalo na sa
panulaang Tagalog. Noong 1972, inilathala niyá ang Ang Makata sa Panahon ng Makina, isang
kalipunan ng mga panunuring pampanulaan. Sinundan pa ito ng mga pag-aaral hinggil sa kasaysayang
pampanulaan at mga pananaliksik tungkol sa katutubong tradisyon ng pagtula, kabílang ang Taludtod
at Talinghaga (1965; 1991), Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1981), Balagtasismo
Versus Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera, atbp.
(1992), Panitikan ng Rebolusyon (g 1896) (1993), at Pag-unawa sa Ating Pagtula (2006), Mahigit
Sansiglo ng Makabagong Tula sa Filipinas (2006).
• Ang kaniyang pagsubaybay sa wikang Filipino ay makikita sa Filipino ng mga
Filipino (1993; 2009) at Tradisyon at Wikang Filipino (1998), Patnubay sa
Masinop na Pagsulat (1981), isang manwal sa estilo, at UP Diksiyonaryong
Filipino (2001; 2010),         ang      maituturing       ngayong
pinakakomprehensibong monolingguwal na diksiyonaryo sa wikang pambansa.
Nagsalin din si Almario ng mga halimbawa ng pinakamahuhusay na akda ng
daigdig at inilibro sa Makabagong Tinig ng Siglo (1989). Bukod dito, naging lider
siyá sa akademya, at sa mga organisasyong pangkultura, at naging guro ng mga
kabataang manunulat gaya sa LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo).
ISAGANI CRUZ
• https://philippineculturaleducation.com.ph/agoncillo-teodoro/

You might also like